A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

Special Chapter - Tanya

7.1K 273 29
By littlemissselle

I've always thought of consistency as part of my idea of love. But then, it is something that was never given to me.

I grew up with Disney stories giving me hope that there's happy ending to every love story. Pero masiyado ng kawawa ang Disney, lagi na lang nasisisi kung pwede ko namang sisihin ang sarili ko dahil masiyado akong naniwala sa isang pantasya.

People tend to look for someone or something to blame when they get hurt or when they caught off guard. But in my case, I don't know who to blame...so I gave it to me. I blame myself for always falling in love with the wrong guy.

I used to be with just my family and friends until Mio came along.

I was a high school student back then and of course, I am vulnerable and yes, gullible.

Election namin noon para sa mga magiging class officers. Wala akong trip iboto sa mga kaklase ko, pakiramdam ko kasi irresponsible kaming lahat including my friends.

Almost all of them ginawang laro ang pagbobotohan; ninominate ang pinakamagulo sa klase namin bilang president at nanalo naman siya, si Mio. Napapailing na lang ang adviser namin sa kalokohan ng mga kaklase ko.

Oras na para magnominate sa vice presidency pero nanlaki ang mata ko nang i-nominate ako ng kaibigan ni Mio.

"I nominate Tanya to be Mio's partner."

I glared at him. "Hoy!"

Tawang-tawa si Mio habang sinusulat ang pangalan ko sa board. Matapos 'yon ay wala ng nagtaas ng kamay kaya naman tumutol na ako agad.

"Ayoko nga!"

"Grabe, 'di ka pa nga nananalo eh, ayaw mo na?" Mio crossed his arms.

Tumayo ako at nagpamaywang. "I am not responsible!"

"Bakit ako, mukha ba akong responsible?"

"No." I sternly said.

"Yeah. Kaya nga nakita ko 'yung kamay mo para iboto ako. 'Di nga ako mukhang responsable."

Gusto ko pang makipagtalo sa kaniya pero 'di ko na nagawa dahil pumagitna na sa amin ang adviser namin. Kupal kasi 'tong isang 'to. Napaka yabang!

Eh bakit ko nga ba siya binoto? Eh kasi no choice ako, walang matino sa kanila edi kung sino na lang pinakamatagal ko ng kilala ang ibinoto ko.

Hindi na ako pumalag pa dahil nanalo na nga ako kahit labag sa loob ko.

Mula noon, hindi siya pumalya sa pagsira ng araw ko. Sinet niya ang Friday, after class na meeting daw naming class officers pero ang mokong puro kalokohan lang ang trip.

One Friday, katatapos ko lang maglinis dahil isa ako sa cleaners. Naupo ako sa aisle sa may first row habang ang magaling naming President eh nakaupo sa teacher's table.

"So ano bang pagmi-meetingan natin ngayon, Pres?" I said with full of sarcasm na sana madama niya.

"Kung paano ka mapapasa 'kin." He grinned.

Umarte ako na parang nasusuka. "Kadiri. Wala ka talagang kwenta. Umayos ka nga! Sinasayang mo oras namin eh!"

Tinignan ko pa ang mga kapwa namin officer para humingi ng suporta pero mukhang natutuwa rin sila sa ginagawa ng isang 'to.

"No. We're good. Sige lang, continue to entertain us." Nakangising sabi ng Treasurer namin na si Lloyd.

Tawang-tawa ang siraulong presidente namin pero tumayo na rin siya at inumpisahan ang "meeting" namin.

Malapit na nga pala kasi ang Foundation Week namin at ang inaabangan ng lahat, ang Prom Night. Kailangan daw ng Supreme Student Council ang suggestion from every class mula sa batch namin. Nagbigay kami ng kanya-kanya naming suggestion at sinummarize naman ng aming Secretary ang lahat ng mga napag-usapan sa meeting namin.

"By the way, starting Monday next week, Tanya and I will be helping the SSC for the preparation for the upcoming events. So make sure na wala pa ring kaguluhan na mangyayari dito sa class habang wala kami."

Eh ikaw naman 'tong nagpapasimuno ng gulo eh, I said at the back of my mind.

Napasimangot ako dahil doon. May mga naka-schedule pa naman akong lakad kasama ang mga pinsan ko. "But I'm busy next week."

He gave me a look. "I volunteered just the two of us because they don't want too much manpower, may magfi-freeload lang daw."

"Why does it have to be me?" bulong ko na narinig niya.

"Because you're the Vice President of this class."

And why does he have to sound like a real president? Ang labo ko rin eh, 'pag di nagseseryoso, nagrereklamo ako. Pero 'pag nagseryoso, may reklamo pa rin ako. Hay, bwisit talaga.

May permit kami para 'di pumasok sa ibang klase namin dahil ipinaalam kami ng SSC sa mga teacher namin. Nalulungkot ako na hindi ako nakapasok sa klase at nakamiss ng lecture dahil dito. But I guess our President doesn't mind skipping our classes.

Hinati-hati ng SSC kung sino ang mga bahala sa props, technical duties, invitation and such. Napunta kami ni Mio sa invitation preparation. Tuwang-tuwa sa pagpi-print si Mio.

"Hoy, umayos ka nga. 'Wag ka magsayang ng papel! Maawa ka sa mga puno!"

Mas tumawa siya at nag-abot nanaman sa akin printed copy na ititiklop ko pero nang makita ko ito ay nagsalubong ang mga kilay ko.

"Mio, what's this?"

"Picture ko. Para 'di mo makalimutan ang kagwapuhan ko." He wiggled his eyebrows. Hate to think that he's cute but I don't want to rise up his ego.

"'Tang 'na mo." I rolled my eyes at him then crumpled the paper. Ibinato ko iyon sa kung saan.

Tawang-tawa ang mga kasama naming officers ng ibang klase at SSC. Tinukso pa nga nila kami ng "diyan nagsisimula 'yan". Pwe. Kung si Mio lang din, 'wag na lang.

Gwapo nga, siraulo naman.

Binabawi ko na rin 'yung gwapo, siraulo na lang.

Alas otso na kami natapos sa ginawa namin. Nagpaalam na ang lahat sa bawat isa pagkalabas ng gate ng campus. Tinext ko ang driver namin kung na saan na siya pero kasamaang palad, nasiraan siya sa gitna ng daan. Napabuntong hininga na lamang ako at sinabihan siyang 'wag na ako daanan. Uuwi na lang ako mag-isa.

Nag-aabang ako ng masasakyan nang magulat ako sa narinig kong sipol mula sa kabilang waiting shed, gawing kaliwa. Nilingon ko kung sino iyon at kumulo ang dugo ko kasabay ng pagtibok ng puso ko nang makita siya.

"Anong ginagawa mo diyan?" Sabay irap sa kaniya.

"Naghihintay ng himala. Ikaw?"

Bakit ko pa nga ba kinakausap ang tulad niya? Hindi naman ako nakakakuha ng matinong sagot mula sa kaniya eh.

Nang may dumating na jeep ay agad ko itong pinara. Sumakay ako at nairita nang sumakay din siya at nakisiksik pa sa gilid ko. Mabuti na lamang 'di nainis 'yung lalaking katabi ko sana.

"Ano ba, ang luwag-luwag do'n sa kabila oh," reklamo ko.

"Ako nagbabayad ng pamasahe ko. 'Wag ka magdemand sa 'kin."

I gasped. This guy is just...ugh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis. Sarili ko na lang sasaktan ko kaysa makapanakit pa ng iba.

Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa bumaba ako. Naiinis ako dahil hanggang sa pagsakay ko ng tricycle papasok ng subdivision ay sinabayan niya ako.

Bigla akong kinabahan. Namamawis na ang palad ko.

Hinampas ko siya. "Bakit ba hanggang dito nakasunod ka?"

"Aray ah!" Pilit niyang inilalayo ang braso niyang patuloy kong hinahampas. "Gentleman kasi ako!"

Hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko na murahin siya. Bakit ba kasi ang gago sumagot ng isang 'to?

Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay hindi pa rin siya umaalis.

Itinulak ko siya. "Umuwi ka na nga!"

"Wala ka man lang pa-tinapay o softdrinks? Kuripot naman nito."

"Hindi kita inimbita sa bahay namin kaya 'wag ka mag-demand sa'kin."

He looked amused then grinned. "Uuwi na 'ko pagkapasok mo. Sige na."

Bakit parang...parang nakaramdam ako ng ano...ng kilig?

Inirapan ko siya at tinalikuran para makapasok sa loob ng bahay. Hanggang sa pagsara ko ng gate ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Napailing na lamang ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Pero pagpasok ko ay bumungad sa akin ang tatay ko na nakapamaywang.

Mula noon, sinubukan ko ng iwasan si Mio. Dati ko pa naman siya iniiwasan dahil napaka-annoying niya pero this time, dahil sa tatay ko. Ayaw niya munang mag-boyfriend ako kahit anong pilit ko na hindi ko nga boyfriend ang isang iyon.

Ayaw ko naman magka-boyfriend ng siraulo.

He continued to annoy me pero I tried my best to ignore him. Kahit anong pande-dedma ko sa kaniya ay binabalewala niya hanggang sa isang araw ay tinigilan din niya ako.

Gusto ko naman 'to. Ang hindi siya pansinin pero bakit parang 'di naman ako mapalagay na hindi niya ako kinukulit, na hindi niya ako iniinis? Bakit ganoon? Nakakainis!

Naglalakad ako mag-isa mula sa guard house dahil kinuha ko ang mga ipinadalang small plastic roses na isasama namin sa invitation kapag ipinamigay na sa buong batch.

Bigat na bigat ako sa dala ko at nakasabay ko maglakad si Mio na kalalabas lang ng CR pero hindi man lang ata naisip na tulungan ako? Aba! Salamat ha. Salamat sa pagiging gentleman niya, super appreciated. Ni hindi nga binukas ng maayos ang pinto para man lang dire-diretso na akong may dala ng isang malaking box.

Padabog kong ibinagsak ang box at tila nagulat naman ang mga kapwa ko officer. Hindi naman nila ako tinanong kung bakit at inasar lang.

Hindi ko inintindi ang ginagawa ng iba dahil mainit ang dugo ko sa mokong na ito. Feeling ba niya ang pogi-pogi niya dahil kung maka-isnab siya sa 'kin, akala mo kung sinong habulin. Pero, ako ang unang nang isnab. Ugh! Nakakainis. Hindi niya ako ginugulo pero naiinis pa rin ako sa kaniya.

Hanggang sa dumating ang araw ng pagbibigay namin ng invitation sa buong batch, nagulo ang utak ko dahil kay Mio. Katatapos lang ng flag ceremony namin noon, pagkarating ko sa pwesto ko ay nakita ko ang isang invitation sa armchair. Binuksan ko ito at nakita ang lukot-lukot na papel na may picture ni Mio. Nakasulat sa gilid nito ay "Will you be my date?"

Pinigilan ko ang mangiti at agad na hinanap siya sa classroom. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti, tila inaabangan ang magiging reaksyon ko. Maya-maya ay tumayo siya para lumapit sa 'kin.

"Will you?"

I wanna say no. It's a no. Baka kung ano nanaman ang isipin ng magulang ko. Baka paghinalaan nanaman nila ako, kami. Baka higpitan nila ako.

"Yes."

Sometimes, you can disobey your mind.

Ever since our Prom Night, naging mas malapit pa kami ni Mio sa isa't isa. Walang kami pero parang meron. Iniinis niya pa rin ako pero may halong lambing na. We held hands, hugged each other, akbay, at 'yung mga pahalik-halik niya sa noo at pisngi ko, lahat ng 'yon ginagawa namin pero palihim sa mga magulang ko. We're having fun with each other. We have our exchange of I love you's but we're not committed.

Ilang beses na ako halos mabuking ng magulang ko dahil sa kaka-text at pag-uusap namin ni Mio sa cellphone pero nagpatuloy lang kami. Sinamahan pa namin ang isa't isa sa pag-take ng mga entrance exam at pag-enroll, magkaibang university nga lang kami pero ayos lang iyon. Feeling matured naman kaming dalawa. Ako pa ang pinapili niya ng sched para makaayon sa sched ko pero kasamaang palad hindi talaga magtugma-tugma eh.

Pero nang mag-umpisa kami sa kolehiyo, aba ang mokong biglang hindi nagparamdam. Maski text o chat, walang reply. Hindi naman ako makapag demand sa kaniya na sagutin ang bawat text at tawag ko pero nakaka-frustrate rin kasi 'yung ginawa niya.

Namiss ko 'yung kakulitan at ka-epalan niya. Parang laging may kulang dahil wala siya. Ilang buwan kong tiniis na hindi siya kausap o kasama. Lagi man akong inaasar ni Gia at Zoe kay Deign, si Mio pa rin ang hinahanap-hanap ko. Gwapo naman talaga si Deign. Katunayan nga, sa mga ka-batch namin, siya ang una kong napansin. Let's just say na he's my happy crush not until mapansin kong may gusto siya kay Gia.

Kasabay ng pag-amin ni Gia tungkol sa namamagitan sa kanila ni Deign ay nalaman ko rin na may girlfriend na pala si Mio. Nakita ko na lang ang pagpost na ginawa niya sa Facebook, picture nila ng girlfriend niya. 'Di hamak na mas maganda naman ako do'n!

Ang hirap tanggapin na iniwan niya ako sa ere. Am I not good enough? Pinaniwala ko ang sarili ko sa mga sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na marami pang iba diyan, na tutulungan nila ako makahanap ng lovelife pero I don't freakin' know why it doesn't even lessen the pain. Naiwan lang, naibaon lang pero hindi nawala.

Talagang nabigla ako at nataranta nang sabihin ni Deign sa media na ako raw ang girlfriend niya. Bakit ba ang lapitin ko sa mga siraulo?

Nakiusap si Deign kung maaari ko raw ba siyang pagbigyan. 'Yung mga tingin ni Deign...eh 'yung tipo ng tingin na ang hirap hindi-an. Mabait na tao si Deign, wala siyang ginawang mali sa akin. Pero kaibigan ko si Gia kaya nagawa ko pa rin siyang i-reject. Not until he cried in front of me. He looked so fragile at pakiramdam ko kailangan niya ng karamay at tulong.

Pero hindi lang ako ang nakatulong sa kaniya dahil maski siya ay natulungan ako. Hindi sinasadyang nagparamdam bigla itong si Mio nang makita ang post ni Deign kung saan naka-tag ako pero this time, siya naman ang dinedma ko. Siya ang hindi ko nireply-an at hindi sinagot ang tawag.

Nakaramdam ako ng tuwa dahil doon. Ang sama man isipin na nakaganti ako pero ganoon na nga. Aaminin kong konting-konti na lang ay mahuhulog na talaga ang loob ko kay Deign dahil sino ba namang hindi. He's for keeps. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

May mga bagay na gustong-gusto kong gawin pero kailangan ko pigilan ang sarili ko sa pagkagusto dahil alam kong ako rin ang iiyak sa huli. Pinigilan ko ang sarili ko dahil wala naman akong laban kay Gia eh. Siya ang mahal ni Deign. He just used me para sa pride niya at nagpagamit naman ako. Gusto ko lang din naman tulungan ang dalawa na ma-realize kung gaano kasakit makita 'yung taong mahal mo na may kasamang iba, sa ganoong paraan ay matakot sila sa kung anong pwedeng kalabasan ng mga desisyon nila.

Masaya akong natauhan na rin si Deign at Gia. Masaya ako para sa kanilang dalawa.

Pero hindi ko magawang hindi mainggit kasi pakiramdam ko lagi na lang ako sa maling lalaki nahuhulog. Hindi ba ako kamahal-mahal? 'Yan ang palagi kong tanong sa sarili ko hanggang sa isang araw habang hinihintay ko matapos mapa-bookbind ang thesis naming apat ay ginulantang nanaman ng isang siraulo ang araw ko.

"Kuya! Unahin mo na 'yung amin, 'pag kami naka-uno, promise ililibre kita ng isaw at kwe-kwek! Dali na!"

Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak. "Hoy, Theo! 'Wag ka ngang madupang! Nauna ako sa'yo, maghintay ka!"

Nag-krus nanaman ang landas namin ng isang 'to. Pasalamat na lang ako na hindi kami sa iisang university nag-aaral dahil kundi, araw-araw nanaman sira ang araw ko. Minsan ko lang siya makita, sa tuwing sila ang kalaban ng school namin sa basketball.

Tinignan niya ako tila nagulat pa siya na nakita ako. "Deadline na namin ngayon kaya mamaya ka na!"

Nagpamaywang ako sa harap niya. "Ganyan ba talaga kayong mga lalaki, hirap na hirap maghintay? Gaano ba kahirap 'yon para 'di niyo magawa?"

Humagalpak naman sa tawa ang mokong na 'to. "Lalim ng hugot natin do'n ah! Damang-dama!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at yinugyog. "Pag-usapan natin 'yang pinagdadaanan mo minsan ha pero sa ngayon, kailangan ko talaga mapa-bookbind na 'to dahil defense na namin mamaya!"

Sasagot pa sana ako sa kaniya pero dumating ang mga kaibigan ko para pigilan ako. Katatapos lang ng mga ito na magmeryenda. Pagbigyan na raw namin si Theo kasi bukas pa naman daw ang deadline ng sa amin.

Nang makuha ni Theo ang pina-bookbind niyang thesis nila ay yakap-yakap niya ito at tuwang-tuwa na nagpasalamat kay Gia. "Uy, salamat talaga pinauna niyo na 'yung amin."

Tulad ng nakagawian niya ay yayakap siya kay Gia para inisin ito pero hinarangan siya agad ni Deign kaya ito ang naakap niya. "'Ba naman 'yan, pare. 'Di tayo talo, uy."

It's so not Deign to curse but yeah he did. "Tarantado. Nakakarami ka na eh, lagi na lang eh. Umalis ka na nga!"

Tumawa lamang si Theo at tumakbo na pero bago pa siya tuluyang makalayo ay humarap siya muli sa amin at sumigaw. "Tanya! I-accept mo na friend request ko! Isang taon ng nabulok 'yon do'n!" Bago ko pa siya mabato ng kung anong hawak ko ay pilyo siyang ngumiti at tumakbo na ulit.

Sinubukan kong hindi ngumiti pero hindi ko napigilan, dagdagan pa ng pang-aasar nito ni Zoe, Deign at Gia.

When I accepted his friend request, that was when everything bloomed. Akala ko walang lalaking kayang maghintay pero mali pala ako.

'Di ko lang napapansin, may naghihintay pala sa 'kin.




Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...