Let's Talk About Us [Complete...

De marielicious

11.5M 336K 47.9K

X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET... Mai multe

Panimula
1. The Great Escape
2. Living Away From Home
3. Job Interview
4. Executive
5. The Contract
6. Signed
7. Meet the Family
8. Searching
9. Never get Away
10. Us
11. Fashion
12. Why Did You Leave Us?
13. Do's and Don'ts
14. Rest-assured
15. His Reason
16. Asaran
17. PDA Show
18. Family Tree
19. Baby Sister
20. She's Here
21. Old Enough
22. Take Care
23. Day-off
24. Change of Mind
25. Kunwari
26. Girlfriend
27. Dinner
28. Rants
29. What Was That?
30. Travel Alone
31. Stranger
32. Bar
33. I Won't Mind
34. As If
35. Dessert
36. Hugot ni Arthur
37. Big Catch
38. Got Your Back
39. Shopping
41. Payong Kaibigan
42. Kidnap
43. Scared
44. Surprise
45. Just The Two of Us
46. Birthday
47. Mata sa Mata
48. Bothered
49. Lies
50. Senior Vice President
51. Old Time's Sake
52. Pun Intended
53. I'm Home
54. Hindi Kami
55. Spill The Truth
56. Come Home
57. Jigsaw Puzzle
58. Family Dinner
59. Sorry
60. We're Over
61. Team Evangelista
62. Go Home
63. Text Message
64. Lost in Thought
65. Pain
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Ikalawang Parte)

40. Clingy

158K 4.6K 516
De marielicious


Chapter 40

Scarlett's POV

I was panting real hard while walking so quick papunta sa parking lot. Hindi ko na nga inalintana ang bigat ni Venice sa mga bisig ko dahil ang tanging gusto ko lang ng mga oras na 'yon ay makalayo na sa lugar na iyon.

"Mom, what's wrong?" Venice asked cluelessly.

Hindi ko siya sinagot dahil abala ako sa pag-alala kung saan naka-park ang kotse ni Arthur. Sh1t! Nanlalamig ako kahit na tagaktak na ang pawis ko. Nung una ay si Sitti, ngayon naman ay si Garrett ang nakita ko. Para tuloy akong na-trauma na sa pagpunta sa mall.

"Alison!"

"Ah!" Nahigit ko ang hininga ko nang may pumigil sa braso ko. Pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Arthur.

"Ano bang problema?" Kinuha niya mula sa akin si Venice at inakbayan ako habang ginigiya sa direksyon ng kanyang kotse. Pagkapatunog niya sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat. I quickly got in that I almost stumbled down. Hindi naman siguro ako nakita ni Garrett, 'diba?

Huli na nung namalayan kong sa passenger's seat isinakay ni Arthur si Venice. Pagkasakay ni Arthur ay mabilis niyang pinaandar ang kotse paalis. Dun lang ako nakahinga ng maluwag kahit papa'no. Hindi ko alam pero parang nanikip ng bahagya ang dibdib ko pagkakita sa lalaking iyon.

Garrett Evangelista. . .

He is still the same guy I've known for years. Hindi ko lang lubos maisip kung ba't naging ganito ang reaksyon ko pagkakita sa kanya. The effect was still there. Yung galit ko ay parang napalitan ng ibang emosyon. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa sarili ko.

"Alison," I snapped back from my deep thoughts when I heard Arthur's low voice. "What's wrong? Do you want me to take you to the hospital?"

Napakurap ako ng mga mata. Ospital? Para saan? And then I realized what my alibi was earlier. Oo nga pala. Sumakit kuno ang tyan ko. "Uh... 'wag na. Mas mabuti kung sa bahay nalang tayo."

I could feel his worried set of eyes taunting at me through the rear view mirror. "You sure?" kasabay nun ay ang pagbaling ni Venice sa akin.

I sighed, looking out of the window. "Oo, sa bahay nalang."

SA bahay ay dumiretso agad ako sa banyo. I need to act like I got LBM now. Thinking about the scene I pulled out in the resto had weirded them out lalo na si Arthur. I couldn't think properly! Pagkakita ko sa maamong mukha ni Garrett kanina ay parang huminto ang mundo ko.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may kumatok sa pinto. "Alison, I brought you meds. Ayos ka lang ba dyan?"

Pumikit ako ng mariin at sumandal sa likod ng pinto. "Yes, don't worry about me!"

Hindi na siya sumagot pagkatapos nun. Napatingin nalang ako sa sarili kong reflection sa salamin. Namumutla ako. Dammit! Para tuloy akong nagsusuffer sa totoong LBM.

Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl at tinext si Emma. Kapag hindi ko ito ma-ishare sa iba ay tingin ko ay mababaliw na ako. Hindi na yata ako safe dito sa Maynila. Nakakaparanoid na baka sa paglabas ko ng condo na 'to ay makita ko ulit siya.

To: Emma

Emma, I saw my ex earlier at the mall. :(

And I typed another sms for her.

To: Emma

What shall I do??

Nag-abang ako ng reply ni Emma pero inabot nalang yata ng sampung minuto ay wala akong na-receive. Napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakakafrustrate!!

"Alison??"

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko na naman ang boses ni Arthur. Isa pa siya sa iniisip ko. Wala siyang alam tungkol sa tunay na buhay ko. Malaking problema kung nakita ako ni Garrett at mas lalong malaking problema kung malalaman ni Arthur ang tunay na katauhan ko. Nakaka-stress naman itong pinasok ko!

"Alison, buhay ka pa ba dyan?"

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. He gave me way to step out of the bathroom. Dumiretso ako sa kama at dun nahiga.

"Here, take this." Bumungad sa paningin ko ang gamot sa palad niya. I gulped down thinking about how I'd reject that thing. Paano ko iyon iinumin kung wala naman talaga akong LBM?

Ngumiwi ako at pumikit. "Arthur, I'm fine."

"Inumin mo 'to. Baka madehydrate ka dyan," sabi niya at saka umupo sa gilid ng kama. May hawak na siyang baso ng tubig sa kabilang kamay. "C'mon, Alison. Take this."

"Thanks pero no need na. I'm fine already."

"Alison, you really need to take this. Hindi ko alam kung anong nakain o nainom pero siguro ay dahil yan sa contaminated food or drink na na-take mo. May improper functioning lang siguro ang digestive system mo. Pagkatapos nito ay uminom ka ng green tea. It will help your internal system to function well."

Hindi ako kumibo. Gusto kong mapag-isa. Mas lalo lang akong hindi makapag-isip kapag kasama si Arthur. Para bang nahahati ang utak ko sa dalawa. Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Para siyang doctor kung magsalita. Information overload na tuloy!

"Alison-"

"I said I'm fine! Hindi ako umiinom ng gamot, Arthur." I said as I covered my body with a comforter. I moved my body in a fatal position and squeezed my eyes close. "Just. . . leave me alone for awhile, please."

I felt his warm palm over my forehead. I bit my lower lip to supress the unfamiliar feeling inside me. "Okay. Rest well," he worriedly said and the next thing I heard is the creaking sound of the door closing.

***

I've been grumpy for the entire weekend. Ni hindi ako lumabas ng kwarto o nakipag-usap man lang kahit sino sa penthouse. Para akong bed-ridden mula Sabado ng gabi hanggang Linggo. Ni hindi man lang ako sumama sa pagjojogging ng mag-ama kahapon. It's just a relief because Arthur let me rest kahit na nagiging unreasonable na ako lately. LBM lang naman itong dinadanas ko pero daig ko pa ang bagong panganak.

Really, Alison? When will you get over what happened and just move your arse off the bed?

Today's Monday. Reality strikes again. Pasimple kong pinapanuod ang paghahanda ni Arthur para sa pagbabalik trabaho niya sa office. He would move around the room and fixed his things over his table while fixing his tie around his neck. Gusto ko sana siyang tulungan kaso wala pa rin ako sa mood. Kailan ba ako magiging ganito?

One week siyang naka-leave kaya marahil ay sang-katerba ang paperworks na naiwan niya dun sa table. Habang ipinapasok niya sa bag ang laptop niya ay bumaling siya sa akin. Nakahiga pa rin ako sa kama at nakabalot ng kumot. "Morning. How are you feeling now?"

"Ayos na ako."

Umiling lang siya at binalik na ang tingin sa mga papeles na inaayos niya. "You kept telling me the same thing pero hindi ka naman umaalis dyan sa kama. Why don't you go to the clinic? Sasamahan kita."

Bumangon na ako sa kama at hindi nalang siya sinagot. Papasok na sana ako sa walk-in closet nang magsalita siyang muli.

"... or visit an OB. Para kang buntis. Ang moody mo." Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. Nagkibit-balikat naman siya't nagsuot na ng coat. "Malay mo. Baka may nangyari sa atin habang tulog tayo, hindi lang natin alam kasi nga tulog tayong dalawa."

Inirapan ko siya't 'di nalang pinansin. Dumiretso ako sa loob ng banyo at ginawa ang morning rituals ko. Kung alam mo lang kung bakit ako nagkakaganito, Arthur. Kailangan ko na bang umamin sayo?

***

Pagkatapos ng morning rituals ko ay lumabas na ako ng kwarto nang nakabalot ng towel ng buhok ko. I assume na nakaalis na si Arthur dahil wala ng bakas ng gamit sa table niya. It's just a relief dahil hindi ako kinulit ni Arthur kung papasok ba ako ngayon sa office. Besides, yun naman ang trabaho ko kahit wala naman talaga akong ginagawa dun.

Mas okay na rin siguro itong kalimutan nalang yung nangyari nung isang araw sa mall. Anuman ang dahilan kung anong ginagawa ni Garrett dito sa Maynila ay hindi ko na dapat alalahanin. Kung magpapaapekto ako ay walang mangyayari. Isa pa, kailangan ko na ring kumilos para sa paghahanda sa birthday party ni Venice. Sa Sabado na 'yon and I only have five days to prepare.

Habang pababa ako ng hagdanan ay tinawagan ko si Emma sa phone ko. Within 3 rings ay sinagot niya ito.

"Hello, Alison. Kamusta?"

Ngumiti ako. Nakakamiss ang babaeng ito. Gusto ko tuloy siyang makita ngayon. "I'm fine. Emma, may gagawin ka ba?"

"Ngayon? I have night shift tonight. Pero ngayong umaga ay wala. Bakit?"

"I need your help. Pwede ka bang pumunta dito?"

Pumasok ako sa kitchen. Luminga-linga ako sa paligid dahil wala ni isang tao. Nasaan na kaya si Manang Betchay?

"Sure! Anong tulong ba?"

Kumuha ako ng mug at isinalin dun ang mainit na brewed coffee. "Para sa birthday ng anak ko," sabi ko.

"Anak mo talaga?"

Ngumuso ako. Sanay na talaga akong tinatawag na anak ko si Venice. Is it a bad thing? "Oo, anak ko. Alangan namang anak mo diba?" sarkastiko kong sagot. Kahit anong mangyari ay anak ko na kung ituring si Venice. Wala naman sa dugo yan diba? It's about the love and care you give for the kid.

"Edi wow. Feel na feel."

I chuckled. "Basta pumunta ka dito ha? Bibigay ko na rin ang pasalu-"

Natigilan ako nang sa paghigop ko sa kape ay may umagaw sa akin nito. Pagtingin ko ay si Arthur pala. Pinaningkitan ko siya ng mga mata nang humigop siya dun. Nandito pa pala siya?

"Alison? Dyan ka pa?"

Ngumiti sa akin si Arthur. Halos mabitawan ko tuloy ang phone na hawak ko sa ngiting ipinakita niya. My God, yung mga labing iyon. . . ba't parang nang-aakit?

"Alison?"

Tumikhim ako't umiwas ng tingin sa kanya. Fvck, nag-iinit tuloy ang buong mukha ko sa presensya ni Arthur. "Ah, oo. Sige na, Emma. Text text nalang. See you," paalam ko't inilapag na ang phone sa kitchen counter.

"Nandito ka pa pala?" tanong ko sa kanya. Inagaw ko yung mug mula sa kanya at saka dun humigop. Okay na ako dito sa mug. Lumapit din naman ang labi niya dito.

. . . Joke. Mukhang bumabalik na ako sa normal. Pumapantasya na naman ako e. Argh!

"Nakaalis na ako pero bumalik din."

"Bakit?"

Nabigla ako nang akbayan niya ako- ay hindi pala, pinaikot niya ang braso niya sa balikat ko at saka ipinatong ang palad niya sa noo ko. Darn, pwede namang wala ng ikot-ikot. Chansing din 'tong isang 'to e.

"You okay now? Samahan kita sa clinic," sabi niya at saka ibinaba ang kamay sa pisngi ko. Hinarap ko nga siya nang nakasimangot. Oh geez, why so clingy?

"I'm fine now. Hindi lang ako makakapasok kasi diba, I need to prepare for Venice's party?"

Pinagkrus niya ang kanyang dalawang braso sa dibdib niya ang tinignan ako ng malalim. "Gusto mo samahan nalang kita?"

"No, thanks. Kasama ko si Emma."

"May problema ba tayo?"

Tumaas na ang isa kong kilay sa itinanong niya. I can't blame him though. Naging aloof ako sa kanya simula pa kahapon. "W-wala," sagot ko at humigop sa kape.

"Really? Hindi ako sanay na ganyan ka, Alison. Baka nabadtrip ka na naman sa sinabi ko kanina tungkol sa OB-Gyne ah. It was just a joke."

Alam ko naman yun. Yung mga joke niya ay hindi talaga joke. Kulang siya sa humor. Tsk tsk. I looked at him with tired eyes of mine. "Masama lang talaga ang pakiramdam ko," sabay nguso ko. Nagulat ako kasi ngumuso din siya. Para bang ginagaya ang ginagawa ko. "Para 'tong tanga!" sabi ko at pumwesto na sa dining area. Nagtaka ako kasi humila din siya ng upuan at naupo sa tabi ko. Hindi pa nakuntento at nag-nap pa sa lamesa habang ang mga mata niya't na sa akin.

"Seriously, Arthur? Late ka na diba? Ba't nandito ka pa?"

Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin at mas tinitigan pa ako ng mabuti. Ugh. "Ayoko nalang umalis."

"Baliw ka ba? May trabaho ka." Umirap ako. Tumawa naman siya ng mahina. "Arthur, go to your office now."

"Alison," tawag niya sa akin. Hindi ko siya tinignan dahil dumampot ako ng nakahain na tinapay sa lamesa. "I just wanted to express my sincere gratitude towards you."

Natigilan ako sa sinabi niya. He said it in a serious tone yet his eyes were smiling.

". . . thank you for sticking with me and Venice eventhough you're having a hard time dealing with us."

Kumagat ako sa tinapay at tinitigan siya pabalik. What's with the sudden thanking?

"Natutuwa ako kasi tinuturing mong parang tunay na anak si Venice."

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapangiti ng bongga. Oh my! Parang hinaplos niya ang puso ko. Nakakatouch naman kasi.

"Wala 'yon," sabi ko sabay kagat ulit sa tinapay.

He smiled at me sweetly. "I never thought you'd be like this towards my daughter."

So, may gusto ka na sa akin nyan?

"Ha?" tanong niya. Kumunot tuloy ang noo ko. Did I say that aloud? Nasa malanding utak ko lang iyon ah! "May gusto ako sayo?" tanong niya.

Lumunok ako. Paano ko ito lulusutan?

I chuckled awkwardly. "Oo, baka magkagusto ka sa akin dahil dyan. Wait a second, we have a rule right?" Bawal mainlove sa isa't-isa.

"But I revised it, right?" mahinang sabi niya na nagpataas ng kilay ko.

"Sa Singapore- tsk. Never mind," he said shaking his head. "Why did you ask that by the way? Bakit, may gusto ka na rin ba sa akin?"

"Wala ah!" I denied. Dammit! I'm into you so bad, Boss babe!

Tumayo siya at inayos ang suot na coat. "Kung ganun e, wala rin akong gusto sayo. Anyway, I gotta go."

Hindi ko alam kung ba't nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Bakit parang one sided naman itong nararamdaman ko? Pero hindi e, I think he likes me too. Nararamdaman ko yun. Bakit ba ayaw niyang umamin?

Sinundan ko siya ng tingin habang palabas siya ng kitchen. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko nang bigla nalang may lumabas sa bibig ko.

"Boss babe, kailan ka ba aamin sa akin?" That was supposed a joke but I fvcking meant it now.

Nilingon niya ako. A lop-sided smile appeared his lips. "Bakit? May aaminin ka rin ba?"

"W-wala."

"Kung ganun, wala rin akong aaminin." Diretsong sabi niya at bago tumango sa akin. "Mukhang okay ka na rin naman, Alison. So, dinner tayo tonight? Will pick you up by 7."

Wala akong masabi. Minsan talaga, parang nakakabaliw lang yung ganitong usapan namin. Nakadepende ba ang sasabihin namin sa isa't-isa?

"Is that alright with you? Ano pa't dating ang status natin kung 'di tayo lalabas nang tayo dalawa lang?" Tumikhim siya nang hindi ako nagreact.

Umiwas nalang ako ng tingin at pinagtuunan nalang ng pansin ang kinakain kong tinapay. Kinikilig pa rin talaga ako sa ideyang dating na ang status naming dalawa. "Okaaay-"

Biglang tumunog ang phone niya. "Excuse lang," sabi niya at inilabas iyon at sinagot sa harapan ko. "Ngayon na?. . . Tsk. Na-review mo na ba ang resume niya?... Sige, I'll be there in twenty. Ako na ang mag-oorient sa kanya. What's his name again?... Alright. Thanks," sabi niya sa kausap bago iyon binaba at humilig sa akin. Iniwas ko kaagad tuloy ang ulo ko. Son of a mother! Ang bango niya, amoy na amoy ko!!

"Aalis na ako. Iinterviewhin ko lang yung bagong hired na finance manager. Basta mamaya susunduin kita," he said before he leaned on and gave a quick kiss on my forehead. Pagkaalis niya ay natulala nalang ako't napangiti sa kawalan. Ang ingay ng puso ko. Para pang namahid ang noo ko sa halik niyang iyon. Leche ka, Boss Babe. Hindi ako na-orient sa kiss na 'yon!


Continuă lectura

O să-ți placă și

64.7K 1.7K 18
| Stonehearts #9 | People see her as a rock of solid power and strength. She isn't easily wavered and never goes down without a fight. Elora Ysabelle...
1.3M 36.3K 56
(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly? How much are you willing to sacrifice fo...
I Love View De Nayin Yagdulas

Ficțiune adolescenți

428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
22.8K 868 47
Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkas...