EHS 2: His Part-Time Girlfrie...

By missgrainne

3.6M 92.5K 2.9K

Amber's life was close to perfection that everybody was dreaming of. When she met the young businessman Clark... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 13

134K 3.7K 66
By missgrainne

CHAPTER THIRTEEN


MAGHAPONG nagkulong si Amber sa loob ng bahay nila. Ayaw niyang mag-stay sa condo unit niya kasi masyadong maraming alaala ang naiwan doon na ayaw na niyang balikan.

Her parents didn't know about Clarkson's marriage but they knew about her pregnancy. Tuwang-tuwa ang mga ito pero gustong magpakasal sila ni Clarkson. Paano naman mangyayari iyon? The man was married two years ago and his wife was five months pregnant now.

Sobrang stressful ng buhay ni Amber kaya hanggang maaari ay ayaw niya na munang isipin ang mga bagay na 'yon dahil maselan ang pagbubuntis niya. Her ob-gyne was always reminding her to eat a lot of healthy foods and avoid stressful things. Para sa baby niya ay gagawin niya 'yon kaya kahit ang pag-iyak ay hindi niya na ginagawa. Nag-leave na rin siya sa trabaho dahil bilin na rin sa kanya.

May schedule sila ni Mandy na mag-shopping ngayong araw at susunduin siya nito mamaya. She decided to sleep first while waiting. Matakaw talaga siya sa tulog nitong mga nakalipas na araw.

"Amber, darling, wake up."

Mahihinang tapik at malamyos na boses ang nagpagising sa kanya. Napangiti siya nang makita si Mandy sa gilid ng kama na nakaupo at nakatunghay sa kanya.

"I'm sorry. I disturbed your sleep," hingi nito ng paumanhin.

"It's okay, Mandy, don't mind it. Wait lang, ha. Magbibihis lang ako."

Tumango ito at lumabas na ng kuwarto niya. "Hintayin kita sa 'baba, Amber."

"Sige!"

She wore a simple baby blue dress and flat sandals. Hindi na siya nagsusuot ng high heels simula nang malaman niyang buntis siya. Mas maganda na ang nag-iingat.

"Shall we go?" Mandy asked when Amber went downstairs.

Mandy Lane was a famous lingerie model. Madalas niya ring makita ang mga billboard nito sa mga kalsada at talaga namang karapat-dapat ibalandra ang ganda ng hubog ng katawan nito.

"Mandy, drive safely. I know you," bilin niya rito habang paalis na sila.

Pareho kasi sila nitong mainipin at gustong makarating agad sa pupuntahan kaya mabilis silang magpatakbo ng sasakyan. Noong college siya ay lagi siyang napapagalitan ng ama dahil laging may gasgas ang mga sasakyan na inuuwi niya. May pagkakataon pa ngang na-ban siya nang ilang linggo sa pagda-drive.

"Of course. May baby tayong kasama kaya dapat super careful," wika nito nang makapasok na sa sasakyan.

Mandy was wearing short shorts, fitted black off-shoulder blouse and a five-inches heels to kill. Hindi naglalayo ang kulay ng balat nila kaya tuloy para silang pinagbiyak na labanos kapag magkasama. Lalo na kapag si Elisse pa ang kasama niya. Nasisilaw siya sa kaputian ng kaibigan.

"Mandy, huwag tayo sa maraming tao magpunta, ha. Alam mo namang lagi kang pinagkakaguluhan."

Sumimangot ito. "Yes. Wala na nga akong privacy. I don't know why they act like that when I am around. Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ko? Ako nga sawang-sawa na, lalo kapag nagda-drive ako, nakikita ko 'yong malalaking billboards sa kalsada," ungot nito na para bang hindi gusto ang nangyayari sa buhay nito.

"Because you are Mandy Lane, the sweetest and most seductive woman alive."

"Binobola mo pa ako, Amber. Anyway, kailan ang kasal n'yo ni Kuya Clarkson?"

"Sorry, Mandy, I don't want to talk about him right now."

"Why? Nag-away ba kayo?" Bumagal ang kaninang medyo mabilis na pagmamaneho nito.

"Yes."

"Don't worry, everything will be all right."

Amber was hopeless. Wala nang pag-asang magkaayos pa sila ni Clarkson, lalo at nalaman niyang buntis din ang asawa nito. Pinigil niyang huwag mapaluha at pilit itinakwil sa utak ang bagay na iyon.

"We're here."

Agad silang bumaba ng sasakyan dahil ang magandang kasama niya ay nag-uumpisa nang lapitan ng mga nakakakilala rito.

"God! Mandy, I don't want to run. Just text me kung saan ka nagtatago then pupuntahan na lang kita."

"But—"

Naputol ang sasabihin nito nang may nakialam na intruder. "Go ahead, lady."

Ang kaninang kamay ni Mandy na nakahawak sa kamay niya ay nawala na. Ang intruder nila ang nakahawak nang marahan ngayon sa braso niya na tila ba babasagin iyon at natatakot ito na mabasag.

Tumango lang si Mandy at mabilis na naglakad. Nagsuot din ito ng sunglasses at white cap.

"M-Matthew?" tawag niya sa pangalan nito nang mapagsino ang lalaki—Senator Matthew Stewart.

"Yes. Let's go, Amber. Be careful."

Tumango lang siya at hinayaan niyang akayin siya nito sa kung saang bahagi ng mall. Nakilala na niya si Matthew nang may pinuntahan silang party with her parents. The man was one of her father's few friends. Matthew had an aura of power and confidence at marami rin ang ilag dito. Pero sa kanya ay hindi naman talaga ito nakakatakot. Actually, ang bait-bait nga nito sa kanya.

"What are you doing here, Senator Matthew? Hindi ba kami nakakaistorbo sa schedule mo?" Alam niya kasing lagi itong busy at kailangan pang magpa-appointment ng mga taong gustong kumausap dito.

"Don't be too formal, Amber. Just call me with my first name and no, hindi ka nakakaistorbo," sagot nito na wala man lang kalambing-lambing.

Well, ano nga ba ang aasahan niya sa isang Matthew Stewart? Hell, lahat yata ng drug addict ay takot sa lalaki, lalo na 'yong mga corrupt politicians na katrabaho nito. Wala kasing sinasanto ang kasama niya, lahat binabangga para sa ikakaayos ng bansa.

"Nag-text si Mandy. Nasa fourth floor daw siya."

He nodded and led the way to the elevator.

"Amber!" Mandy called her name and waved at her when she saw them. She was sitting on one of the tables.

"There," turo niya kay Mandy pero hindi naman 'yon pinansin ng senador. "Suplado," she murmured.

"I heard that."

Natawa siya. "Really? Ang talas naman ng pandinig mo," biro niya at hinila ito papunta kung saan nakaupo si Mandy na ngayon ay nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa ni Matthew.

What's with her?

Lumapit ang dalawang waitress sa kanila at hindi malaman ang gagawin nang makita ang mga kasama niya. Mandy Lane and Matthew Stewart in flesh.

Pilit pinapormal ng dalawang waitress ang sarili bago ibinigay sa kanila ang menu.

"What do you want to eat?" Hindi niya alam kung sino ang tinatanong ni Matthew, kung siya ba o si Mandy? "Amber, what do you like?"

Okay fine, siya iyon. Pangalan niya ang binanggit nito.

Pinasadahan niya uli ng tingin ang menu pero wala siyang magustuhan na kainin. "I don't like to eat. I don't like the food here."

"Ano ba'ng gusto mo? Do'n na lang tayo kumain kung saan mo gusto." Mataman lang na nakatingin sa kanya ang lalaki.

Kumibot-kibot 'yong mga labi niya kasi wala naman siyang gustong kainin talaga. Wala siya sa mood.

Umiling siya. "Ayokong kumain, Matthew," sagot niya habang pinaglalaruan ang daliri sa ibabaw ng kanyang kandungan.

Napabuntong-hininga ito at tila ba nauubusan ng pasensiya. "Anything? You want something to drink?"

Tumingin siya kay Mandy na busy sa pagtingin ng makakain pero alam niyang nakikinig ito sa kanila. "I want a pineapple juice."

"Okay. Bumili na lang tayo ng pagkain mo mamaya."

"I'm fine, Mat—"

"I insist."

Ano pa ba ang magagawa niya? Ibinaling niya na lang ang tingin kay Mandy na ngayon ay nakasimangot na hindi mo maintindihan.

"Mandy, are you okay? You look different. May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya.

"She's fine, don't mind her."

Bumalik ang tingin niya kay Matthew nang ito ang sumagot.

"How did you know she was fine? May something sa inyo ni Mandy, am I right?" tudyo niya rito.

"Wala, ha! Ano ka ba, Amber?" depensa ng babae.

Napangiti siya. Ang lakas ng kutob niyang may something sa dalawa. Para kasing kanina pa nag-iiwasan ang mga ito at hindi makatingin nang deretso sa isa't isa. Kaya naman naisipan niyang asarin ang katabi. Si Matthew.

Lumapit siya rito at bumulong. "Do you like her?" She was referring to Mandy na ngayon ay lalong nalukot ang magandang mukha nang bumulong siya sa lalaki.

"No, I like someone else," sagot nito na nakatingin sa mga mata niya.

"He likes—"

"Shut up, Mandy, or I will drag you outside and will ban you to my house!"

Confirmed! May something nga sa dalawang ito.

Natawa siya sa reaction ng dalawa. A cute couple. Nagtatapunan ang mga ito ng masasamang tingin sa isa't isa.

Natahimik siya bigla nang maalala si Clarkson. Kahit alam niyang hindi na puwede, nami-miss niya pa rin talaga ito. At ang malaman na nasa Singapore na naman ito ngayon ay mas lalong nagpapabigat ng loob niya.

Damn these hormones!

Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 2.1K 8
MONTENEGRO BROTHERS 3
6.9M 161K 30
All that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
607K 41.6K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...