Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

32: Reason

11.4K 273 76
By chocnut

~Mia~

“Layuan mo na ako.” Malaming na sabi ko sa kanya.

“La-layuan? Gusto mong layuan kita?” Tanong niya.

Umiwas ako ng tingin ko. ”Oo, yun yung gusto ko.” 

Hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya. ”Mia naman, may nagawa ba ako? Kung oo, sabihin mo sa akin! Wag yung pinapalayo mo ako.” 

“Wala, wala kang nagawa. Gusto ko lang na lumayo ka.” 

“Mia naman. Ayoko! Best friends tayo di ba?” 

Yun nga eh! Best friends lang tayo. 

Bumuntong-hininga ako. ”Kung yung tungkol sa pagdadamoves mo kay Lia ang inaalala mo, kela Kurt ka na lang magpatulong. Di ka na rin naman siguro mahihirapan, umamin na si Lia sayo di ba?”

“Mia, ayoko, di ako lalayo.” Matigas na sabi niya.

“Fine. Eh di wag.” Tumayo na ako. ”Eh di ako ang lalayo.” Maglalakad na sana ako paalis pero pinigilan niya ako.

“Mi naman... Di ba sabi nila ‘Everything happens for a reason’? Sigurado akong may rason ka, sabihin mo sa akin Mi.”

 

Humarap ako sa kanya. “Sawa na ako sa katangahan mo. Yun, yun yung rason ko.” Malamig na sabi ko sa kanya.

“Mia, yun lang ba? Susubukan kong maging matalino, wag ka lang lumayo. Please.. Mia..” Pagmamakaawa niya.

“Walang gamot sa katangahan, Travis.” Matigas na sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya, maglalakad na sana ako palayo pero bigla niya akong niyakap. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Buti na lang nakatalikod ako, ramdam ko kasi yung pag-init ng pisnge ko.

“Travis, bitaw.” Utos ko.

Di niya sinunod yung utos ko kasi mas hinigpitan pa niya yung yakap niya.

“Mia… Please… Bigyan mo ako ng rason.”

 

“Pag ba sasabihin ko yung rason, lalayo ka na ba?” Tanong ko. Pinipigilan ko na mga luha ko. Konteng tulak na lang, lalabas na ‘tong mga ‘to. Ayokong makita niya akong umiiyak.

Imbes na sumagot siya, mas hinigpitan niya lang pagkakayakap niya sa akin. Buti na lang walang tao sa park ngayon.

Eto na… Sasabihin ko na…

“Travis, sobrang sakit na eh.” At ayan na nga, naglabasan na ang mga pesteng luha ko.

 

Naramdaman kong biglang lumuwag ang yakap niya. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa pagkakayakap saakin at humarap sa kanya.

“Oh ayan, nasabi ko na. Layuan mo na ako ha?” Sabi ko habang nakatingin sa mata niya. Tulo pa rin ng tulo mga luha ko. Di na ako nagabalang punasan yun kasi alam kong marami pang lalabas.

“Mi-mia, ma-masakit? A-ang alin?” Nagugulohang tanong niya. Pupunasan niya sana luha ko pero pinigilan ko siya.

“Wag. Wag mong punasan ang mga luha ko. Nakakatawa kasi pakinggan eh, ikaw yung may dahilan kung bakit sila lumalabas ngayon tapos ikaw rin magpupunas. Nakakatawa di ba?” Sarkastiko akong tumawa habang nakatingin pa rin sa kanya.

“A-ako?” Tinuro niya sarili niya. “Ako ang dahilan?”

“Yun yung sinabi ko di ba?”

 

“Mia.. bakit? Nagugulohan ako..”

 

“TRAVIS! Ganyan ka ba katanga?! Ganyan ka ba kamanhid?! Di mo pa rin ba nararamdaman?! Travis, sobrang sakit na.. Kaya tama na… Please.” Sobrang sakit na.

“Mia.. Hindi.. Di ko talaga maintindihan.”

 

Humikbi ako. “Ang sakit kasi Treb eh. Sobra. Di pa nga ako nahuhulog ng tuluyan, masakit na. Pano na lang kaya pag nahulog na talaga ako? Syempre, mas masakit yun kasi alam kong walang sasalo sa akin. Alam mo kung  bakit? Kasi di naman ako yung hinihintay mong mahulog eh… Yung kambal ko. Yun yung pinakamasakit dun.” Dire-diretso kong sabi sa kanya. Halatang nagugulohan pa rin siya kaya nagsalita ako ulit.

“Kung nagugulohan ka pa rin, sige, lilinawin ko. Gusto na kita Travis  ̶  Ay hindi pala. Mahal na pala kita. Ilang beses ko sinabihan ang sarili ko na hindi pwede kasi sa simula pa lang si Lia na talaga ang gusto mo. Pero ano bang magagawa ko? Yun yung sinasabi ng puso ko eh. Corny na kung corny pero yun yung totoo.” Tulo pa rin ng tulo mga luha ko. Kelan ba kayo titigil?

“Mia… Di ko alam ang sasabihin ko..”

 “Wala kang kelangan sabihin. Gusto mo malaman yung rason di ba? Oh ayan, nasabi ko na. Layuan mo na ako ha? Tutal, best friend mo naman ako di ba? Ayaw mo naman sigurong nasasaktan ang best friend mo kaya please… Layuan mo na ako kasi baka pag di ka pa lumayo, mahulog na ako ng tuluyan at ayaw kong mangyare yun. Kaya please Travis… Please.” Pagmamakaawa ko.

“Mia, hindi ko kaya. Mahalaga ka sa akin.” Sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Sige, kung ayaw mo, ako na lang ang lalayo. Kahit masakit, kakayanin ko. Mas masakit kasi yung palagi tayong magkasama pero di naman ako ang nasa isip mo. Saklap di ba?” Sinubukan kong tumawa kasi nakikita ko yung sarili ko sa mga madramang teleserye na tinatawanan ko lang dati. Mukha nga akong tanga eh. Tumatawa habang umiiyak.

Yayakapin sana ako ni Travis pero lumayo ako. “Di ka pa ba nakukunteto Travis? Dadagdagan mo pa ba yung nararamdaman ko sayo? Tama na. Please lang.”

Yumuko siya. “Sorry..” Halos pabulong na sabi niya. May nakita akong pumatak na luha. Pumatak na luha? Inangat ni Travis yung mukha niya at nakita ko na may kumawalang luha sa kaliwang mata niya. Sabi nila pag galing daw sa kaliwang mata yung luha, it symbolizes pain. Nasasaktan siya?

“U-umiiyak ka?”

Pinunasan niya luha niya at mapaklang ngumiti. “Ang tanga ko kasi eh. Ang tanga tanga ko! Di ko namalayang nasasaktan na pala kita. Naiinis ako sa sarili ko! Nasaktan kita. Ang tanga tanga ko! Di lang tanga, manhid pa.” Naiinis na sabi niya.

“Wala ka namang kasalanan Travis eh. Alam ko naman kasing walang patutungohan ‘tong nararamdaman ko para sayo pero wala eh, mahal na kita eh. Kaya Travis, kung talagang mahalaga ako sayo, layuan mo na ako.” Pinunasan ko ng mga luha ko at sinubakan ngumiti ky Travis.

 

“Bye Tang tanga! Good luck kay Lia. Kaya mo yan. Pag nagsimula na akong maglakad, wag mo akong pigilan ha? Ako na nga yung gumawa nung gusto kong gawin mo eh. Chix ka kasi.” Tumawa ako kahit alam kong peke.

Sasagot pa sana siya pero tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.

Alam niyo kung anong nararamdaman ko ngayon? Ang sakit. Sobra.

 -------------------------------------------------------------------------------------

Di ko kineri ang drama. Jusme. Naiinis ako kay Travis dito. Muntanga nga eh. XD May mga galit pa rin kay Lia, di niyo pa rin gets 'nooo? Ayos lang yan! Magegets niyo rin sa susunod na chapters. ;) Thank you pala kay Lyka Bianca Gallar kasi tinulungan niya ako sa chapter na 'to. :)

Yung lang. Bye! Labsyou. ♥ x

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
498 67 16
(Ongoing) || We have seen her in the story of Zarina Villaruel. We know that she was a Christian who wanted out. But was that the end of her? Will we...
44K 1.2K 34
No description available. The author, which could been lazy for so long, is also one in BITTER comrades.
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...