EHS 2: His Part-Time Girlfrie...

By missgrainne

3.6M 92.6K 2.9K

Amber's life was close to perfection that everybody was dreaming of. When she met the young businessman Clark... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 9

132K 3.6K 57
By missgrainne

CHAPTER NINE

INALIS ni Amber ang tingin sa mga papel sa harap niya at inilipat naman ang mga mata sa nakabukas na laptop. "I didn't know that Dad was able to do all these things when he was the CEO," usal niya.

Paano ba naman kasi, kahapon niya pa pinag-aaralan ang mga papel sa harap niya at ikino-compare iyon sa mga files na naka-save sa flash drive niya pero hindi magtugma.

Ni hindi niya na nga napansin na nakapasok na pala ang secretary niya.

"Miss Collins, nasa labas po si Mr. Forbes at may lunch date daw kayo," nakangiti nitong sabi.

"Kanina pa ba siya ro'n? Bakit hindi mo sinabi agad?"

"About fifteen minutes na, Miss Collins. I tried to call you pero mukhang busy ka kaya hindi mo siguro napansin."

Nasapo ni Amber ang noo. Akala niya kasi guniguni lang ang pag-ring ng telepono sa gilid ng table niya.

"One in the afternoon na rin at kailangan n'yo nang kumain. Hindi magugustuhan ng daddy n'yo kapag nalaman niyang nagpapalipas kayo ng gutom dahil sa trabaho."

Tumango-tango siya at ngumiti. "Salamat. Lalabas din ako kaagad pakisabi kay Clarkson."

Lumabas na ito ng opisina niya at kasabay n'on ay ang pagtayo niya. Hinubad niya ang coat na suot. Kinuha niya lang ang purse niya at lumabas na rin.

Agad namang tumayo sa kinauupuan si Clarkson at sinalubong siya nang makita siya nito.

"Sorry for making you wa—"

Naputol ang sasabihin niya nang halikan siya nito sa mga labi. "You don't need to explain, babe."

Napakagat siya sa ibabang labi dahil bigla siyang nahiya. Ikaw kaya ang halikan sa harap ng mga empleyado mo. Nakita niya pang napangiti ang mga ito sa ginawa ni Clarkson sa kanya.

"What do you want to eat?" tanong nito na hinapit siya sa baywang habang naglalakad.

"Ikaw."

Napalingon ito sa kanya pagkapasok nila sa elevator. Kumunot ang noo niya sa paraan ng pagtingin nito, bigla kasing kuminang ang magaganda nitong mata.

"Gusto mo akong kainin?"

Mariin siyang napapikit at kinagat muli ang kanyang labi nang ma-gets ang kalokohang tumatakbo sa isip ng kasintahan.

"Clarkson," she said with a warning on her voice.

He made a soft chuckle. "I'm just asking to make it clear, babe."

"I want something sweet. Sweet and sour, something like that."

Tumango lang ito at hinawakan siya sa kamay bago muling lumabas. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng sasakyan. Hindi lang siya sure kung ganito rin ito ka-gentleman sa mga naging girlfriend nito. Ilang months na rin silang in a relationship and so far, wala pa namang nagiging problema.

Nagtataka nga siya kung bakit parang masyadong perfect ang relasyon nila, hindi ba dapat kahit minsan ay nag-aaway sila? Hindi naman sa gusto niyang mangyari iyon pero parang walang thrill ang isang relasyon kung walang away o hindi pagkakaintindihan.

"What are you thinking?" untag ni Clarkson sa kanya.

"I wonder kung bakit parang ang perpekto naman ng relationship natin."

"You want to pull some strings to make our relationship imperfect?" biro nito.

"It's not that, babe. Of course, I like the way our relationship is going..." She stopped when she spotted Elisse running. Mukhang papunta ito sa park at galing sa gym malapit sa ospital kung saan nagtatrabaho si Natalie. Ganoon ba ang bagong trip ni Elisse? Ang tumakbo nang nakayapak?

"What?"

"I saw Elisse. There," turo niya pa sa likuran nila dahil nalagpasan na nila ang kaibigan.

"Where? Sa gym or sa ospital?" tanong nito na tinapunan siya ng mabilis na tingin.

"From gym to the hospital. She's running without any cover on her feet. In short, nakayapak."

Paano kung masugatan ang mga paa ng kaibigan niya? Well, malapit lang naman ang ospital doon. Puwede itong magpagamot kay Natalie o kaya sa doktor na pinagpapantasyahan nito.

"Brat talaga 'yang kapatid ni Axer. 'Buti at nagkakasundo kayo."

Si Amber naman ngayon ang napangiti. She didn't have any idea kung paano nangyari iyon dahil iba-iba ang personality nilang magkakaibigan.

Elisse was known to be a brat. Hindi ito natatakot sabihin kung ano man ang tumatakbo sa isip. In short, very expressive and jolly. Katulad si Elisse ng kapatid nitong si Axer, saksakan ng kulit at maraming kalokohan.

Natalie was quiet. Lahat ng sinasabi at lumalabas sa bibig nito ay may katuturan. At hindi basta-basta sinabi lang kundi pinapanindigan talaga nito. Suplada rin. She had an aura around her na matatakot kang lapitan ito, lalo kung hindi mo ito kilala. But Natalie was a good friend and a good adviser.

Siya ang pinakatahimik sa kanilang lahat pero natuto na siyang magtaas ng boses, lalo at si Elisse ang kasama niya. Talagang napapasigaw siya sa mga kalokohan nito. She was very sweet, siguro ay dahil nag-iisang anak siya kaya ganoon. Nasanay siyang maglambing dahil iyon ang nakikita niya sa mga magulang.



"FINISH your food first bago tayo umuwi. Look, wala pang bawas ang pagkain mo," sermon sa kanya ni Clarkson noong nasa restaurant na sila for lunch at inginuso pa ang pagkain niya. Nawalan kasi siya ng gana bigla.

Sumimangot siya at pilit inubos ang pagkain. Bawat subo niya ay dagdag naman nito ng pagkain sa plato niya.

"You're getting thin, Amber. You should eat a lot of healthy foods and try to sleep at least eight hours."

"Ayoko na, Clarkson. Last na subo ko na 'to," pakli niya. Busog na kasi talaga siya.

Tumango ito at nagpatuloy na rin sa pagkain. Pero mayamaya ay nagsalita uli. "If you continue doing this, sasabihin ko kay Tito na ako na ang tatapos ng ginagawa mo." Hinawakan nito ang kamay niya. "Ayokong nakikita kang napapagod."

Na-touch naman si Amber sa sinabi ni Clarkson. Ngumiti siya at hinawakan din ang kamay nito. "Salamat, Mr. Forbes, marami-rami ka nang naitulong sa kompanya kahit hindi naman dapat." Hinalikan niya ito sa mga labi, isang mabilis na halik lang. "Uwi na tayo, babe," ungot niya uli.

Tumayo na ito at inalalayan siya. Pumipitik kasi ang magkabilang sentido niya.

Inihatid siya ni Clarkson sa condo unit niya dahil bigla na lang sumakit ang ulo niya. Siguro ay dahil sa sobrang tindi ng init sa labas at wala pa siyang masyadong tulog.

"I will stay here until you wake up, babe. Mukha ko pa rin ang makikita mo pagmulat mo ng mga mata." Hinaplos nito ang noo at mukha niya, sabay hinalikan siya sa mga labi. "Sleep."

Tumango lang siya. "Thank you, babe." And she closed her eyes.

Kailangan niya lang talagang magpahinga dahil masyado nang pagod ang utak at katawan niya dahil sa trabaho. Mabuti na lang at kahit paano ay nabawasan ang ginagawa niya dahil tinutulungan siya ni Clarkson.

Bakit hindi niya na lang i-suggest dito at sa daddy niya na pag-isahin na lang ang kompanya nila? Actually, mas marami ngang nagawa ang kasintahan kaysa sa nagawa niya. Pero okay lang naman siguro 'yon dahil beginner pa lang siya.

Narinig niyang tumunog ang cell phone nito at lumabas ito ng kuwarto upang siguro ay kausapin ang caller. Siya naman ay sobrang inaantok na kaya hindi niya na pinansin si Clarkson. Wala namang ibang tatawag dito kundi mga kaibigan lang o kaya about business ang pag-uusapan.

Pero kahit inaantok na ay kinakausap pa rin siya ng isang bahagi ng utak niya.

Paano kung babae ang kausap niya?

It won't happen. Clarkson loves me and he can't afford seeing me in pain because of him.

She felt that the man loved him, even though hindi niya pa naririnig ang tatlong salita na matagal niya nang gustong marinig mula rito.

"Of course, I love you!"

Nagulat si Amber sa narinig mula sa labas ng kuwarto niya. Nakabukas ang pinto at hindi siya nagkakamali na boses iyon ni Clarkson.

Gusto niyang bumangon para tanungin ito kung narinig ba nito ang pag-uusap nila ng utak niya dahil nag-reply ito ng "Of course, I love you." Pero talagang kinain na siya ng antok. Tatanungin na lang niya ito paggising. Sigurado naman na nasa unit niya pa rin si Clarkson pagmulat niya ng mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

628K 42.1K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
4.9M 120K 27
Warning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa tr...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
648K 32.9K 19
The future of Grande Cruises and the first-born son of the billionaire shipping magnate--Clinton Grande has learned to carry and control the weight o...