Ako si Mia.

נכתב על ידי chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." עוד

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

30: Nurse M

11.7K 228 29
נכתב על ידי chocnut

~Mia~

 

Pumasok kaagad ako sa bahay nila Treb pagkadating na pagkadating ko. Sila Kurt, Dee, Ren, at Lex agad ang nakita ko pagkapasok ko. Sabay-sabay nilang inalis yung tingin nila sa TV at tumingin sa akin.

“Hi Mi.” Bati nila.

Tumango lang ako. “Si Travis?” Tanong ko.

“Nasa kwarto niya.” Sagot ni Kurt.

Tumango lang ulit ako at tumakbo papunta sa kwarto ni Tang.

“Oh, hi Mia.” Bati sa akin ni Ate Yara nung nakita niya akong nakatayo sa pintuan ng kwarto ni Treb.

Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya. “Kamusta siya?” Tanong ko kay Ate Yars habang nakatingin kay Travis. Natutulog lang siya. Hay. Halatang may sakit siya.

“Medyo okay na. Lagnat lang yan, gagaling din agad yan.”

“Biglaan lang ba yung lagnat niya?” Tanong ko. Aaminin ko, nakahinga ako ng maluwag nung nalaman ko na lagnat lang pala yung sakit ni Treb. Akala ko kung ano na eh.

“Nope. Nagpaulan ang gago, kaya ayan, nagkalagnat. Alam niyang mahina ang resistensya niya pero nagpaulan pa rin. Hays. Tanga talaga ng kapatid ko poreber.” Pabirong sagot ni Ate. Tumango lang ako, kumuha ako ng upuan at tumabi kay ate Yars.

Nagpaulan? Err. Si Lia may kakagawan nito eh. Pagkadating niya kasi sa bahay kagabi basang-basa siya. Di pa nakunteto ang gaga sa pagsira ng araw ko kaya nagparinig siya sa akin kung gano kasaya yung date niya kasama ang BEST FRIEND KO. Nakakainis! Talagang pinagdidiinan niya na magbest friends lang kami ni Tang. Sarap tanggalin ng bangs niya! Kung di dahil sa akin di naman magiging sweet si Treb sa kanya, pasalamat nga siya pumayag ako dun sa deal namin ni Travis eh. Naasiwa ako sa mukha niya! Pffsh. Di kami magkamukha! Alam niyo kung bakit? Kasi si Dora kamukha niya, bwiset na bangs yun.

“Mia, ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakasimangot diyan tapos parang badtrip na badtrip ka.”

Nabalik ako sa realidad nung biglang nagsalita si ate Yars.

“Ah, oo, ayos lang ako.”

Ngumiti si ate Yars at tumayo. “Baba muna ako Mi ha? Magluluto muna ako. Pakibantayan muna si Travis.” Tumango lang ako. “Thanks.” Umalis na siya ng kwarto at bumaba na.

Lumipat ako dun sa upuan kung san nakaupo si ate Yars kanina. “Hi Tang. Ba’t ang tanga mo? Alam mong mahina ang resistensya mo pero nagpaulan ka pa rin.” Mukha akong tanga dito, kinakausap ko yung taong tulog. Eh, ayos lang, nasa baba naman silang lahat.

Napangiti ako ng mapakla nung naalala ko yung rason kung bakit nagpaulan si Treb. “Oo nga pala. Gusto mo si Lia. Gusto ni Lia maligo sa ulan kaya nagpaulan ka rin.”

 

Tinignan ko lang siya. Naiinis ako sa sarili ko. Para kasi akong nasa teleserye dahil sa kadramahan ko. Yung teleseryeng pinagtatawanan ko lang dati. Di ko naman alam na mangyayare pala yun sa akin.

 

“Ganun mo ba siya kagusto Treb? Na okay lang sayo magkasakit basta masaya lang siya. Nakakaselos Treb. Sobra.” Oo, inaamin ko, nagseselos ako.

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pintuan at pumasok si ate Yars na may may dalang tray.

“Oh, gulat na gulat ka?” Natatawang tanong ni ate sa akin.

“A-ah. Hehe. Ang t-tahimik kasi eh, tapos bigla ka lang pumasok.” Nauutal na sagot ko. Hoo. Mukha namang walang narinig si ate Yars kaya ayos lang

Ngumiti lang si ate at nilagay yung tray sa bedside table ni Treb. “Okay lang ba sayo na ikaw muna magpakain kay Treb? Kelangan ko pang magluto para dun sa apat na itlog na nasa baba. Di pa kumakain ng lunch yung mga yun eh.”

 

Natawa ako dun sa sinabi ni ate Yars. Apat na itlog? Hahaha! “Oo, ayos lang.”

Ngumiti lang si ate at naglakad na palabas ng kwarto pero bago siya makalabas, tinignan niya muna ako. “Pwede mo nang i-tuloy yang pagkausap mo kay Treb. Alam mo na pag kinakausap mo yung tulog, pwede nila yun mapaginipan? Kaya sige lang, ituloy mo lang.” Sabi niya sa akin at umalis na ng kwarto.

Bigla akong namula sa sinabi ni ate Yars. Narinig niya lahat ng sinabi ko? Nakakahiya! Bwiset. Bwiset. Bwiset. Napabuntong-hininga na lang ako at tinignan si Travis. Ah! Papakainin ko pa pala ‘tong gagong ‘to.

“Treb. Gising. Wui.” Tinapik-tapik ko yung pisnge niya para magising siya.

“Psst. Huy. Gising.” Pinoke-poke ko yung braso niya, ayaw pa magising eh.

Maya-maya din nagising na siya at nung nakita niya ako biglang nanlaki yung mga mata niya.

“A-anong gi-ginagawa mo d-dito?” Pautal-utal na tanong niya. Malamang, mahina pa siya eh. May sakit nga di ba?

“Duh. Malamang, para alagaan ka. Umupo ka ng maayos, kumain ka muna.” Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung bowl ng sabaw sa tray at hinipan ito.

“Kaya mo bang kumain?” Tanong ko.

“Malamang hindi. Kita mong may sakit ako tapos tatanungin mo ako nyan.” Sarkastikong sagot niya.

“Ay wow ha? May sakit ka na nga tapos namimilosopo ka pa. Di kita alagaan dyan eh.”

 

“Joke lang. Ang seryoso mo talaga. Sige na, pakainin mo na ako Mi.” Nakangiting utos niya. Tamo ‘to, kung makangiti parang walang sakit.

“Makautos ka. Pag ikaw gumaling, patay ka sa akin.” Pagbabanta ko sa kanya. Hinipan ko yung sabaw. “Oh, nganga.” Utos ko sa kanya sabay tapat nung kutsara sa bibig niya. Ngumanga naman siya, susubuan ko na sana siya pero biglang bumukas yung pintuan kaya sabay kaming lumingon dun ni Treb. At nakita namin yung apat na nakatayo dun sa may pintuan.

“Wow naman, ang sweet.” Pang-aasar ni Dee.

“Ang sakit bro. Tagos dito oh.” Pag-iinarte ni Kurt. Tinuro pa niya puso niya tapos umarte pa na umiiyak siya.

“Inggit kayo? Sige, kayo na magpakain kay Treb oh.” Tatayo na sana ako pero biglang nagsalita si Treb.

“Panira talaga kayong apat eh. Alis nga! Dun na kayo sa baba.” Pagtataboy ni Treb sa kanila.

“Kala ko ba may sakit ka? Makasigaw ‘to.” Sagot ni Lex.

“Chine-check lang naman naming kung pano maging nurse si Mia eh.” Dagdag ni Ren.

“Tsaka hoy, anong panira? Bakit, nagmomoment ba kayo?” Pag-iintriga ni Dee kaya namula ako bigla.

“Hi-hindi ‘no! Gutom na kasi ako, tapos papakainin na sana niya ako pero bigla kayong pu-pumasok. Sus. Panira.” Pautal-utal na sagot ni Treb.

“Papakainin? Ibig sabihin susubuan mo siya Mi?” Tanong ni Lex. Tumango lang ako bilang sagot.

“Ang..” Lahat kami napatingin kay Kurt nung bigla siyang nagsalita. Hinawakan niya ulo niya. “Ang sakit ng ulo ko Mi. Lalagnatin ata ako. Mia, alagaan mo rin ako. Subuan mo rin ako.” Pag-iinarte niya at umacting pa siya na mahihimatay siya.

Natawa kami sa ginawa niya. Hahaha! Parang tanga eh.

“Ang pangit ng acting mo tol, di convincing.” Biro ni Treb.

Pinaningkitan siya ng mata ni Kurt. “Sigurado ka bang may sakit ka?” Tanong niya. Tinignan ako ni Kurt. “Mi, pakicheck nga kung ano ang temperature niyang gagong yan. Baka nagiinarte lang yan eh.” Seryoso pero pabirong sabi ni Kurt.

Bigla naman humiga si Treb at tumalukbong ng kumot. “Mia, ang lamig. Pwedeng pakihinaan ng aircon?”

Bigla naman akong napa-irap sa ginawa niya. Naniniwala naman akong may sakit siya eh. Di na niya kelang maginarte. Tanga talaga nito. Tsaka alam kong nagbibiro lang si Kurt.

“Asuuus. Style mo bulok!” Dee.

“Hayaan niyo na yang dalawang yan. Tara sa baba, baka tapos na si Ate Yars.” Ren.

“Sige, tara. Mi, baba lang kami ha. Ge.” Lex.

“Oy Trabis, wag kang masyadong malandi ha. Wag ka masyadong lumapit kay Mia, baka mahawaan mo Prinsesa namin. Ge, bye Mi.” Kurt. Tumango lang ako at ngumiti kaya umalis na sila.

“Oy Tang, hanggang kelan ka magtatalukbong dyan? Di na kita papakainin, sige ka.”

Bigla naman siyang umayos ng upo. “Tss. Prinsesa.. Pwe.” Bulong niya pero rinig ko naman. Hinayaan ko na lang. Ngumanga na siya kaya sinubuan ko na.

“Ang init!”

“Malamang, bagong luto eh.” Sagot ko.

“Ba’t di mo hinipan?” Tanong niya.

“Ang dami mong arte.” Inirapan ko siya.

Kanina pa tapos kumain at uminom ng gamot si Treb kaya tulog na siya ulit. Tinignan ko yung wall clock sa kwarto ni Treb.

5: 43.

Kanina pa pala ako andito. Bumalik si ate Yars kanina para bihisan si Treb pero umalis din agad.

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa ceiling.

Gusto ko si Treb. Oo, aminado na akong gusto ko siya. Pero mahal? Di pa naman siguro. Pero bakit nasasaktan ako tuwing nakikita kong magkasama sila ni Lia. Pero parang ang bilis naman ata. Bigla kong naalala yung nabasa ko sa tumblr: “Di sa taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, o segundo nasusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Mga numero lamang ito. Kung mahal mo, eh di mahal mo.”.  Binalik ko ang tingin ko kay Tang at bumuntong-hininga.

 

“Ginugulo mo utak… at puso ko. EW!” Ang corny nung sinabi ko. Kinilabutan ako bigla. Yun na ata ang pinakakorning linya na sinabi ko. Tsk. Seryoso na nga. “Ang gulo na nga buhay ko nung di pa kita kilala eh tapos bigla ka dumating, mas gumulo tuloy lalo.”

Tinignan ko siya at mahinang pinitik yung ilong niya. “Bakit ba kasi ang tanga mo?”

“Bakit mo ba kasi akong napagkamalang si Lia?” Nagsimula nang uminit yung gilid ng mata ko. “Ba-bakit pa ba kasi tayo nagkita sa mall? Bakit pa ba tayo nagkita sa park? Bakit pa ba tayo naging magkaklase? Bakit mo pa ba kasi nagustohan kambal ko? Bakit ba kasi sa lahat ng tao… ikaw pa?” May tumulo na luha galing sa mata ko kaya pinunasan ko ito kaagad.

“Masakit Treb. Sobra.” May tumulo na naman kaya pinunasan ko ulit.

Tumingin ulit ako sa ceiling. Please, bigyan niyo ako ng sign. Itutuloy ko pa ba ang deal? Nagugulohan na ako.

Napatingin ako bigla kay Travis  nung bigla siyang gumalaw. Akala ko nagising siya pero di pala, tulog pa rin siya.

Tinignan ko lang siya. Biglang tumulo yung luha ko nung nagsalita siya…

Lia…”

Pati sa pagtulog mo, siya pa rin ang iniisip mo. Treb, ako yung andito eh.

Tulad ng ginawa ko kanina, pinunasan ko kaagad luha ko. Ito na ba ang sign na hinihingi ko? Ito na nga siguro yun.

Tumayo na ako. Pero bago ako umalis, tinignan ko muna siya. Napangiti ako ng mapakla.

“Nakakatawa. Kung kelan sigurado na ako na may nararamdaman na ako para sayo, dun pa ako maglelet-go. Pero ang feeling ko naman ata, ano namang ilelet-go ko eh di ka naman naging akin. Di rin pwedeng sabihing move on, di naman naging tayo. Acceptance. Yun yung dapat. Dapat kong tanggapin na ako si Mia, ang tulay para maging kayo ni Lia.”

------------------------------------------------------------------------------------------

Awwe. Ang sad. :( Mygad guys, di ko kineri ang drama! Nadrain ang powers ko dun. 2 or 3 chapters na lang ang natitira guys. Ano, ready na ba kayo mag-“hello” kay “good bye”? Charinggan. Hahaha! XD Mag-a-update ulit ako mamaya! Ang saya di ba? Hihihi. :>

Oh sige na. Mamaya ulit! Loveyou porebs. ♥ xx

המשך קריאה

You'll Also Like

187K 7.5K 32
"The worst feeling in the world is being forgotten by the one you'll never forget."
498 67 16
(Ongoing) || We have seen her in the story of Zarina Villaruel. We know that she was a Christian who wanted out. But was that the end of her? Will we...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.9K 268 37
In life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have coura...