EHS 2: His Part-Time Girlfrie...

Por missgrainne

3.6M 92.6K 2.9K

Amber's life was close to perfection that everybody was dreaming of. When she met the young businessman Clark... Más

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 2

195K 4.6K 71
Por missgrainne

CHAPTER TWO

NAGISING si Amber dahil nahihirapan na siyang huminga at masikip din na halos hindi na siya makagalaw. Pilit niyang iminulat ang mga mata at ganoon na lang ang pagtataka dahil hindi naman kulay-blue ang wall ng kuwarto niya. She scanned the room. It was so manly at pati ang amoy niyon ay ganoon din.

Busy ang mga mata niya sa pag-scan ng kuwarto nang biglang may gumalaw sa tabi niya. Kusang namilog ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino iyon.

Clarkson was sleeping peacefully beside her while one of his arms was wrapped around her waist. Bahagya siyang gumalaw dahil naiipit na talaga siya. Pero mahina lang itong umungol at isiniksik ang ulo sa leeg niya.

"Let me go." She frowned. But deep inside, she wanted to stay like this. It felt like she belonged to him and she had always felt safe every time she was with this man.

Dahil natutulog pa talaga si Clarkson, nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. He had this messy hair pero hindi naman 'yon nakabawas sa kaguwapuhan nito, bagkus mas lalo lang itong nagmukhang hot sa paningin niya. Ang linis at ang puti rin ng kutis nito. Unang tingin pa lang ay malalaman mo nang hindi ito basta-basta lalaki lang. May ibubuga, 'ika nga.

Then, one side of his lips suddenly curved up.

"Staring is rude," he said in a husky voice.

Sa gulat ay bigla niya na lang itong naitulak nang malakas dahilan upang mahulog ito sa kama.

"Ouch! You hurt my sexy butt, woman!" He groaned.

Umupo siya para tingnan ito. Bahagyang nakapikit pa ang mga mata at nakahawak sa bandang balakang. Hindi niya na napigilan ang sarili at tumawa nang pagkalakas-lakas. Kahit mawala ang poise niya ay ayos lang dahil talagang katawa-tawa ang hitsura ni Clarkson. She couldn't imagine that a handsome and famous businessman in front of her was damn funny.

"You should see your face. It's priceless!" she said while laughing.

Tumigil lang si Amber sa pagtawa nang maramdamang nakatitig si Clarkson sa kanya. Unti-unti itong tumayo at lumantad sa kanya ang magandang katawan pati na rin ang eight-pack abs nito na nakikipag-eye-to-eye sa kanya. He was wearing his black plain boxer shorts and for Pete's sake ay topless ito! Ngayon niya lang iyon napagtanto kaya bago pa man siya mag-iwas ng tingin ay may malambot na bagay nang dumampi sa maninipis niyang labi.

Bahagya siyang natigilan dahil sa kakaibang dulot ng halik na iyon sa katawan niya. At bago pa siya mawala sa sarili ay nahawakan na ng kanyang kamay ang isang unan at inihampas iyon sa hangal na nanghalik sa kanya.

"Pervert! You jerk!"

She heard him laugh habang hinuhuli ang kamay niya. "I am just shutting you up because you're laughing at me. But if you want more, that's fine with me."

Namula siya dahil hindi naman siya ipinanganak kaninang madaling-araw lang para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Sinamaan niya ito ng tingin nang biglang may maalala.

"What did you do to me?!"

Niyakap ni Amber ang sarili hindi dahil natatakot pa rin siya sa ginawa nitong pananakot sa kanya kagabi, naka-get over na siya roon. Natatakot siya dahil baka may ginawa itong masama sa kanya noong natutulog pa siya. Baka pinagsamantalahan siya nito.

Namutla si Clarkson at nag-iwas ng tingin.

Natatakot siya dahil baka kinuha nito ang virginity niya pero wala naman siyang kakaibang nararamdaman sa sarili. Normal pa rin naman at ang damit niya ay ganoon pa rin. Pero hindi dapat siya magpakapanatag. Kailangan niya pa ring masiguro kung may nangyari ba o wala.

Hindi pa rin nagsasalita ang lalaki at mukhang guilty dahil hindi makatingin nang deretso sa kanya. Sa asta nito, parang may ginawa talaga sa kanya kaya naman hindi niya napigilan ang sariling magalit.

"How dare you stole my virgi—"

"Look, Amber, it's not my intention. Hindi ko sinasadya na—"

"Panagutan mo ako!" sigaw niya.

Para naman itong nakakita ng aparisyon dahil nanlalaki ang mga mata nang tumingin sa kanya.

"What? Ano 'yong sinabi mo?"

Hinampas niya ito ng unan dahil napaka-insensitive nito. Her mom had always told her that her body was the temple of God. It should be well-taken cared off.

"Panagutan mo ako!"

Tumawa si Clarkson nang nakakaloko. "Bakit naman kita pananagutan?"

"Because you stole my v-virginity!" she shouted.

How dare him?!



HELL, Clarkson couldn't imagine na matatawa siya nang ganito. Akala pa naman niya ay nagagalit si Amber dahil sa ginawa niyang pananakot dito kagabi.

"Because you stole my v-virginity!"

Namumula ang mukha nito. Hindi niya alam kung sa galit or something basta natutuwa siya kapag nakikita ito sa ganoong hitsura. Kanina pa rin siya nito hinahampas ng unan. At imbes na maasar siya, nag-e-enjoy pa nga siya sa ginagawa nito sa kanya.

"I didn't do anything. You're still a virgin?" he teased. Kuminang nang kusa ang mga mata niya sa sariling tanong.

"What do you mean?" tanong nito na mukhang nahimasmasan na. Tumigil na rin ito sa ginagawang panghahampas ng unan sa kanya.

"Wala akong ginawa sa 'yo kaya virgin ka pa rin." He winked.

She sighed in relief. Hindi na ito nagsalita, bagkus inirapan lang siya dahilan para matawa siya nang bahagya.

"Get up. I'll drive you home after breakfast. Anyway, I already called your dad last night about you. I didn't know that Mr. Charles Collins, the CEO of CCE, is your father."

Small world, eh?



"SWEETHEART, I'm glad you are safe. Pinag-alala mo kami ng daddy mo. Lucky that Clarkson called to inform us na magkasama kayo." Humalik sa pisngi ni Amber ang kanyang ina at bumaling sa katabi niya. "Good morning, hijo. Nice to meet you."

"No problem, Tita. I'm glad to be here," wika ni Clarkson at bumeso pa sa mommy niya.

"Amber, why didn't you tell us about your boyfriend? Come in, Mr. Forbes. Nice to finally meet you. Dito ka na rin mag-breakfast," sabi naman ng daddy niya na kabababa lang galing sa kuwarto ng mga ito.

Nalukot ang maganda niyang mukha. "Dad, he's not my boy—"

"Pleasure to meet you, Sir." Inilahad ni Clarkson ang kamay sa daddy niya at tinanggap naman nito agad iyon.

She looked at Clarkson with what-the-hell-happened look. Nagkibit-balikat lang ito.

"Call me 'Tito,' hijo."

"Sure, Tito."

Amber excused herself and went upstairs to change her clothes. She was now wearing a sleeveless floral dress above the knee and she also tied her hair. Bumaba na rin siya agad sa dining room pagkatapos.

"I agree with that, Tito. That's a great idea." It was Clarkson's voice talking to her dad while her mom looked at her.

"Come, hija. Sit beside Clarkson," aya nito sa kanya.

Napaupo si Clarkson nang deretso nang saktong makaupo na siya sa tabi nito. Nag-umpisa na siyang kumain nang bigla itong bumulong sa tainga niya.

"Babe, you smell good. What's your shower gel?" he whispered.

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na orange juice. "C-cherry blossom," she murmured which made him laugh.

Hindi napigilan ni Amber ang sarili na tingnan si Clarkson. May sapi ba talaga ang lalaking ito dahil bigla na lang tumatawa nang mag-isa? Tumingin sa kanya ang daddy niya at tipid lang na ngumiti habang ang mommy niya naman ay mukhang nag-e-enjoy sa pinapanood.

"Sorry for laughing big time. I can't help it," Clarkson finally said while fighting another laugh.

"Stop laughing, jerk!"

"Amber." Her dad in a warning tone.

"I'm sorry." Bahagya siyang yumuko dahil naaasar na talaga siya.

Sinipa niya ang paa ni Clarkson sa ilalim ng mesa. Hindi siya mahilig manakit ng tao, but Clarkson was an exception. Lagi na lang siya nitong pinagtatawanan at ngayon sa harap pa talaga ng mga magulang niya.

Narinig niya ang mahihina nitong tawa dahil sa ginawa niya. Matino ba talaga ang lalaking ito? Sinong tao ang sinasaktan na ay natutuwa pa?

Pero mayamaya lang ay biglang nagpaalam na ito sa kanila.

"I have to go. Thanks for the breakfast," sabi nito at tumayo na. Tiningnan siya at itinaas ang dalawang kilay.

She mouthed, what?

"Hija, hatid mo muna sa labas si Clarkson."

So, kaya pala ito nakatingin sa kanya. Tumayo siya at iniwasan ang kamay nitong hahawakan sana ang braso niya. Naglakad na sila palabas ng bahay nila.

"Girlfriend," bulong ni Clarkson mayamaya.

Marahas siyang lumingon dito at nag-iwas din agad ng tingin dahil halos tumama ang mukha niya sa ilong nito.

Inihatid niya ito hanggang sa malaki nilang gate. Nagmamasid lang din ang security guard nila sa hindi kalayuan pero wala naman sa kanila ang paningin nito.

"Drive safely," sabi niya nang aktong bubuksan na nito ang pinto ng sasakyan. Lumingon ito sa kanya at ilang hakbang lang ay nasa harap niya na. "W-what?"

Iniharang ni Clarkson ang isang kamay sa gilid niya at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. Iyon na naman 'yong malakas na tibok ng puso niya. Kusang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang hangin mula sa mukha nito na tumatama sa maamo niyang mukha.

Amber slowly walked backward dahil hindi niya kaya ang presensiya ng lalaki na ganoon kalapit sa kanya. Though nakatabi naman na niya itong matulog. Pero ibang case naman kasi iyon. Sa kakaatras niya, may malamig na bagay siyang naramdaman sa likod niya.

Iminulat niya ang mga mata at tila gusto na lang sana niyang ipikit uli iyon dahil ayaw niyang makita ang malapad na ngiti ni Clarkson. Obviously, alam nito na kaya siya pumikit ay dahil naghihinatay siya na muli na namang mahalikan nito. Pilit niyang kinalma ang sarili at itinulak ito.

"Umalis ka nga sa harap ko, naiipit na ako."

"You want me to kiss you?" tila nang-uuyam na tanong nito.

"Of course not. Ang kapal talaga ng mukha mo."

"So why did you close your eyes? It means you're waiting for something."

"Get out. Think what you want to think. Pervert!"

"Am I? How come?" he asked in disbelief.

Hindi na siya sumagot at inirapan ito. Maniac ang lalaking ito.

"I will pick you up tomorrow night. Be ready."

"But—"

"I won't accept no for an answer, Amber," he said and hopped into his car and drove away.

She decided to stay at the garden and dialed Natalie's number.

"Hello, Alie."

"Yes, Amber? What's up?"

"I'm good. Hmm, can we talk? I mean, can we have our lunch together with Elisse?"

Alam niya naman na hindi siya kayang tanggihan ng mga ito. Mahal niya ang mga kaibigan. Para sa kanya, parang kapatid na niya ang mga ito. Dahil na rin nag-iisang anak lang siya kaya siguro napalapit siya nang husto kina Natalie at Elisse.

Isa pa, nagkakasundo sila halos sa lahat ng bagay. Kahit iba-iba 'yong course na kinuha nila, hindi iyon nakaapekto sa pagkakaibigan na meron sila ngayon.

Mahilig si Amber sa mga bagay na kakaiba at walang kapareho. She also tried modeling. She enjoyed it very much pero dahil sa sobrang pagod, hindi kinaya ng katawan niya. She decided to stop but her manager kept telling her na anytime ay puwede siyang bumalik. Pero mukhang malabo iyon dahil alam niya sa sarili na kapag natapos na siya sa pag-aaral ay haharapin niya na ang buhay bilang CEO ng kompanya nila. Kung sana may kapatid na lang siyang lalaki, siguradong iyon ang magma-manage ng business nila. Iniisip niya nga minsan na mabuti pa si Elisse ay may Kuya Axer na namamahala ng negosyo ng pamilya ng mga ito.

Mabuti na lang talaga at may dalawa siyang kaibigan na laging nandiyan para sa kanya.

"Hello? Amber, are you still there?"

Napaigtad siya sa nagsalita sa kabilang linya. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya siguro hindi niya namalayan na sumagot na pala ang kaibigan.

"Y-yes, Alie. Ano nga uli iyon?" Bahagya pa siyang natawa sa sarili.

"I will send you the address. Nagpa-reserve na si Elisse."

"Okay. See you later."

"You have something to explain later. I saw you last night."

She gulped. "What do you mean?"

"You can explain later, Amber my dear."

"Yeah. See you." And she ended the line.

Papasok na sana siya sa loob ng bahay nila nang maalala ang sinabi ni Clarkson sa mga magulang niya. Boyfriend? Hindi niya ito boyfriend. Wala siyang ideya kung bakit sinabi iyon ng lalaki kanina. Mukhang kailangan niya itong makausap nang masinsinan.

Hindi lahat ng bagay makukuha nito nang ganoon lang kadali. Hindi siya makakapayag na maging isa sa mga babae nito.

I will play his game but I will make sure I'm gonna win it.

Seguir leyendo

También te gustarán

84K 2.1K 8
MONTENEGRO BROTHERS 3
4.9M 120K 27
Warning: SPG | Mature Content | R-18 | Published under LIB Bare. SYNOPSIS Nielsen Cañeba was one of the hidden gems in military. Ang pagmamahal sa tr...
6.3M 207K 55
Famous for her magnetic beauty, Tatianna attracts men without even trying--one of them being a Señorito from the powerful Guerrera family, a man will...
651K 32.9K 19
The future of Grande Cruises and the first-born son of the billionaire shipping magnate--Clinton Grande has learned to carry and control the weight o...