A/N-Dedicated to you salamat sa pag appreciate sa kwento ko ha^^
MY PERFECT WIFE (book 2)
CHAPTER 1 Tragedy
ANENG’S Point of view
RINGGG.....
RINGG........
Matapos ang ilang saglit nag ring muli ang telepono, itinabi ko muna ang walis dahil kasalukuyan kong winawalis ang nabasag at nagkalat na glass frame sa sahig.
Hello?-Excited kong sabi, baka kasi si hushbee na ang kausap ko at sasabihing malelate siya ng uwi.
Aneng si mommy ito, Aneng wag kang mabibigla sa sasabihin ko anak-sabi ng kabilang linya
Po?-biglang kumunot ang noo ko at automatikong napahawak ang dalawa kong kamay ng mahigpit sa telepono.
.
.
.
.
.
.
Ang sunod niyang mga sinabi ay halos ikagimbal ng mundo ko, hindi ko na alam basta pagkatapos non ay nabitawan ko ang telepono at bigla akong napaupo sa sahig, biglang bumigay lahat ng lakas ko.
Gusto kong sumigaw....
Gusto kong umiyak...
Pero lahat ng iyan ay hindi ko magawa.
Walang luhang lumalabas , hindi ko rin alam bakit hindi ko magawang sumigaw parang umuurong ang boses ko.
Hindi ko alam paano ako nakalabas ng bahay, basta ang tanging naalala ko ay kahit umuulan ng malakas ay pinapara ko lahat ng dumadaang Taxi.
Mama para po please pasakayin nyo po ako-pag mamakaawa ko sa driver, habang kinakatok ang window ng taxi neto, baka kasi hindi ako pasakayin dahil nga medyo basa na rin ako, hindi na ako nakapag isip ng matino kaya hindi ko nadala ang payong.
Pagkarating ko sa Ospital ay agad kong tinakbo ang reception area upang tanungin ang room na kinalalagyan ng asawa ko, wala na akong paki alam sa sasabihin ng mga nakakita sa akin basta ang alam ko sa ngayon wala akong ibang gustong mangyari kundi makasama at makita na ang asawa ko.
Lumakad ako sa kaliwang bahagi ng ospital gaya ng sabi ng nurse , sabi niya ay sa may dulong bahagi raw ito, pero habang naglalakad ako patungo dito ay pakonti ng pakonti ang tao, bakit ganun? Bakit ang layo? Bakit nasa dulong bahagi talaga?
Lumingon lingon ako, wala ng halos tao dito, dahan dahan akong nag lakad dahil nakita ko na ang panghuling kwarto, nag lakad ako sa gilid ng hallway habang isinandal ko ang isa kong kamay sa wall, dahil pakiramdam ko ay matutumba ako, kasi heto nanaman parang unti unti nanamang nawawala ang lakas ko pero dahan dahan akong lumakad patungo dito.
Pumasok ako sa kwartong iyon, medyo madilim at wala pang tao ang tangi kong nakikita ay ang puting kumot na nakatakip sa kung sino man, napatutop ako sa bibig ko, this time I swear tumulo ng magkasunod ang mga luha ko.
Se-seph, Seph gumising ka hushbee ko please-yugyog ko dito.
Seph please naman, marami pa akong mga plano sa atin, bakit mo ba ako iniwan agad?-hindi ko alam gaano kalakas ang boses ko, hindi ko rin alam gaano kadaming luha na ang nailuha ko.
Seph, hushbee ko bakit kailangan mo pang mamatay?-sabi ng garalgal kong boses
Kung alam ko lang na mangyayari ito,sana hindi na kita pinaalis ng bahay, bakit hindi mo hinintay na maging Perfect wife muna ako sayo? Gusto pa kitang pagsilbihan ng maayos yung walang palpak, hindi mo man lang ako binigyan ng chance.- sob sob sob sabay patak ng magkakambal kong luha.
Weh Talaga?-sabi ng boses ng kung sino man.
Oo hushbee please bumangon ka naman oh, di ko to matatanggap, sana nacomatose ka nalang o nabaldado, nabulag, naputulan ng kamay ng ulo atleast mapagsisilbihan pa kita, pe-pero ngayon * sob * sob* huhuhu hindi na, waaaaaaaaah huhuhuhu. Sob sob sob.
Ayoko nga-sabi ulit ng boses ng kung sino man.
Wag mong sabihin iyan, hushbee bumalik kna oh, please, magjojogging pa tayo diba? sob sob sob-habang nilakasan ko ang pagyugyog sa bangkay na nasa loob ng puting kumot na iyon.
Sob sob hushbeeeee.!!!!!!!!!!!!!sob sob GUMISING KAAAAA!!! PARANG AWA MO NAAA!!!Huhuhuh
Huy ang ingay mo! Tara na nga-sabi ulit at biglang hinila ang right wrist ko kaya napalingon ako sa nagsalita , may tao pala talaga sa likod na nagsasalita.
OoO
....
....
HUSHBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE KOOOOHH!!!!-sabay yakap ko sa kanya at kulong sa mga bisig niya
Tapos inangat ko ang tingin ko sa kanya.
IKAW NGA!!!HUSHBEEEEE ^____^
Bigla ko siyang niyakap ulit ng mahigpit.
Aray aray aray ang sugat ko-sabi niya habang napapikit sa sakit
Hushbee ikaw ba talaga iyan? Huhuhuhu
Oo naman, bakit ka ba napunta dito?sabi ko na nga ba eh ikaw yung nakita ko- sabi niya na pati ata sa pag sasalita ay nahihirapan siya
Eh sino yung nandyan?
Aba malay ko sayo, baka ibang hushbee mo-sabay irap niya.
Hushbee ikaw nga talaga iyan kasi mataray ka, nganga ka nga.
Say ahhhhh, sinunod naman niya ako.
Talon talon ka konti beshee.
Kahit nahihirapan siya ay ginawa naman niya.
Kiss mo ako sa lips beshee.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at pumikit ako.
Andito pala kayo mga anak, kanina pa namin kayo hinahanap eh-biglang sulpot ni momy
Na biglang ikinamulat ng mata ko.
Ah eh opo momy hehehe- kamot kamot ulo
Sabay tingin rin ni hushbee kay mommy na parang sobrang dissapointed. Tsss!
Bigla akong inakbayan ni hushbee at nilapit ang bibig niya sa tenga ako at may binulong yung tipong ako lang ang makakarinig
Mamaya na lang sa bahay
Tumingala ako at tiningnan ko siya kasi hindi ko siya maintindihan, pero wala sa akin ang tingin niya eh kundi nasa hallway.
Hinapit ko siya sa bewang dahil nahihirapan siyang maglakad at may mga pasa din siya tapos may benda siya sa kaliwang ulo, kawawa naman ang hushbee ko, bigla akong nalungkot (pout pout pout)
Aneng asaan mo naiwan ang slipper mo?-tanong ni daddy habang palapit sa min.
Sabay sabay silang lahat tumingin sa may baba, at ginawa ko rin
Po? Ha uh?- wala pala akong tsinelas.huhuhuhuhuhu
Agad agad kong tiniklop ang mga toe nailsko, Ngayon ko lang naramdaman ang lamig pala ng sahig huhuhuhu.
SA KOTSE
Nasa frontseat si Mommy at si Daddy naman ang nagdadrive samantalang nasa likod kami ni hushbee at hawak hawak ko ang isa niyang kamay, pakiramdam ko kasi kapag binitiwan ko ito mawawala siyang bigla.
Biglang huminga ng malalim si daddy.
Seph ikaw, alam kong maypagka careless driver ka, ngayong may asawa kana bawas bawasan mo na iyan, hindi lang kami ang mag aalala sayo-he said with a low tone but with authority habang nakatutok sa daan.
Oo nga anak, tinawagan ko nga si Tita eva mo kanina sabi ko wag ng tumuloy sa Ospital kasi okey ka naman na, marami ang pinakaba mo ngayong gabi, pasalamat ka hindi ko pa ito nasabi kina Ate Rica mo-sabi ni mommy na lumingon samen sa likod, ako naman nakatingin lang ako sa blangkong reaksyon ni hushbee pero alam ko naman nakikinig siya.
Tingnan mo yang asawa mo, hindi na nakapag suot ng tsinelas sa pag aalala sayo oh.
Daddy naman eh, paulet ulet, huhuhuhu-Sabay pagak na tumawa si Daddy.
I was taken aback nang nagsalita si hushbee.
Sorry po Dad, Ma sorry kung pinag alala ko pa kayo,I promise this won’t happen again.- habang ako nakatitig lang sa mukha niya na parang pinag aaralan ang bawat sasabihin niya
Aneng, sabay lipat niya ng tingin sa akin at nakatungo siya ngayon sakin.
He sighed before uttering those words
Sorry, if i made you feel worried-he said while looking at me intently.
I slightly smiled at him Feeling ko kasi ang sincere niya at pinapahalagahan na niya ang nararamdaman ko ngayon.
Okey lang iyon hushbee ko, basta sana hindi na mangyayari ulit mamamatay ata ako sa nerbyos at sa takot-I said habang tinapatan ko rin ang titig niya sakin.
I was surprised about what he did next.
He put his one arm around my waist at dinikit niya ang mukha niya sa buhok ko.
And here I am,
tulala....
I’m just waiting for what his going to do next.
I had a bad dream a while ago sabi niya na binubulong niya lang sakin, hindi ko siya magets so i just waited again sa sunod niyang gagawin o sasabihin.
Then he showered me little kisses sa hair ko, Im pretty sure of that.
After that he continued..
That’s the scariest dream I ever had in my entire life-he whispered
At sa ating dalawala ako ang pinaka natakot Neng, believe me.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ITUTULOY.
A/N COMMENTS VOTE NAMAN for inspiration lang hihihi, love ko kayow^^