Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

28: Salamat

11.3K 206 45
By chocnut

~Mia~

“Alin sa dalawa ang mas maganda Twin? This one?” Sabay taas niya yung pink blouse. “Or this one?” Yung yellow blouse na naman yung tinaas niya.

Kumibit-balikat ako. “Kung san ka kumportable.” Bored kong sagot.

Nagpout siya. “Mi naman eh. Alin dito sa dalawa?”

Umirap ako. “Yung pink. Teka nga, san ka ba pupunta? Bakit parang excited na excited ka?”

Ngumiti siya. “May date ako! Hihi.”

Kumunot yung noo ko. “Date? Sino naman kadate mo ha, Li?”

“Hihi. Si Treb-treb ko lang naman!”

Natigilan ako sa sinabi niya. Si Treb-treb niya? Tangina. Masakit.

“A-ah. Ge, enjoy.” Tumayo na ako sa kama niya. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

 

“Twin.”

 

“Ano?”

Ngumiti siya na para bang nahihiya siya.

“Pwede ba Li? Sabihin mo na agad para makabalik na ako sa kwarto ko. Wala akong oras para sa kaartehan mo.” Sht. Ba't ko yun nasabi? Bumuntong-hininga ako. “Li,  so  ̶  “

“Shh. Okay lang.” Putol niya sa akin. Ngumiti siya. “I understand why you're upset naman eh.”

“Understand?” Takang tanong ko. Understand? Ibig sabihin alam niya na nasasaktan ako everytime na magkasama sila ni Treb?

“Yep. I understand. You're his best friend, right? And nagagalit ka ngayon kasi di man lang niya kwinento sayo na magdedate kami.” Nakangiting sagot niya.

Natigalan ako sandali pero sumagot din agad ako. “A-ah. O-oo. Dahil dun nga. Sige Li, dun muna ako sa kwarto ko.” Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.

“Wait Mi. May sasabihin ako.” Nakangiti niyang sabi.

Tumango lang ako at binigyan siya ng sabihin-mo-na look.

“Umamin na ako kay Treb.”

“Ha?”

“Hihi. Umamin na ako kay Treb na gusto ko siya! Hihi.” Kinikilig na sabi niya.

“Umamin ka?” Di makapaniwalang tanong ko.

“Yeah. Bakit? May mali ba dun?” Takang tanong niya.

Sinirado ko yung pintuan at sumandal dun. “Lia, babae ka! Di ka dapat basta-basta umaamin!” Halos pasigaw na sabi ko. EWAN! Naiinis ako sa kambal ko. Naiinis ako!

Umupo siya sa kama niya at kumibit-balikat. “So? Ano naman kung babae ako? Di naman masama umamin ah.”

“LIA! Nasan ang delicadesa mo?!”

“Mia,” Umirap siya. “Delicadesa? Di na  yan uso. Pffsh. Eh ano naman kung ako yung unang umamin? At least nasabi ko na sa kanya yung nararamdaman ko. Di katulad mo.” Nagsmirk siya at umirap.

“ANO?! Ano bang pinagsasabi mo?” Di makapaniwalang tanong ko. A-alam niya?

“Psh. Mi, kambal mo ako, kilalang-kilala kita. Sa tingin mo di ko nararamdaman na may gusto ka kay Treb? Tch.” Umiling-iling siya.

Umiwas ako ng tingin. “Wala ak  ̶ ”  

“Wala kang gusto sa kanya? Fine. Eh di wala. Maganda nga yan eh, at least di kita karibal.” Nagsmirk ulit siya.

Napanganga ako sandail pero nagsmirk din ako kaagad. “Di ko alam na may kambal pala akong malandi. Kalain mo yun? Ikaw pa yung unang umamin.”

 

 

“Pag umamin, malandi agad? Eh, don’t care. Malandi na kung malandi at least di ako yung BEST FRIEND.” Sagot niya at nagsmirk.

Pinanigkitan ko siya ng mata. “Totoo pala yung sabi nila ‘no? Yung mga taong masyadong mabait, nasa loob yung kulo. Tsk.” Umirap ako at lumabas na ng kwarto niya.

Dumiretso ako sa kwrto ko at sumalampak sa kama.

Masakit. Sobra. Napabuntong hininga ako. Gusto ko na nga si Travis.

~Travis~

 

“Tara  Treb.”

Lumingon ako kung san nanggaling ang boses at nakita ko si Lia na kalalabas lang ng gate nila. Nginitian ko siya at lumapit sa kanya.

“San tayo Li?” Tanong ko.

“Hmm. San mo ba gusto?” Balik na tanong niya.

“Mall tayo?”

 

“Tara.” Ngumiti siya at nagsimula na kaming maglakad.

May date kami ngayon ni Li, biglaan nga eh. Bigla niiya lang ako niyaya kagabi, pumayag ako kaagad kasi si Lia na yan eh. Di ko pa nakwekwento sa tropa tungkol sa pag-amin ni Lia, di ko alam, di ako kumportable sa topic na yun.

 

 

“Dun tayo Li.” Tinuro ko yung bakanteng table sa may bintana. Pumwesto kami dun. Magkaharap kami habang kumakain.

“Treb..”

 

“Hmm?”

 

“Nagaway kami ni Mi kanina.”

 

Halos maibuga ko yung kinakain ko sa gulat. “Nag-away kayo?! Bakit?” Napansin ko na napatingin sa akin yung ibang customers kaya nginitian ko na lang sila.

“Ewan. Bigla na lang siya nagalit nung kwinento ko sa kanya na umamin na ako sayo.”

 

“Nagalit? Si Mia?”

 

“Yeah. Feeling ko nga nagseselos siya eh, kaya ayun, pinaalala ko sa kanya na magbest friends lang kayo. Gusto ko nga sana sabihin sa kanya na wala siyang karapatan magselos eh, pero di ko na tinuloy kasi alam mo na, baka pala di talaga siya nagseselos.” Sagot niya.

Di ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng inis kay Lia, di ko alam kung saang part dun sa sinabi ni Lia ang nakakainis. Pero di ko pinahalata sa kanya, baka kasi tanungin niya ako kung bakit, wala naman akong maisasagot kung sakali. Pero si Mia nagseselos? Baka.. Eh, ewan.

“Kamusta naman siya?” Tanong ko.

“I’m sure she’s okay na.” Nakangiting sagot niya.

“Ba’t mo naman nasabi? Nagkabati na ba kayo?”

 

“Di pa naman. Pero I know okay na siya.”

 

“Bakit?”

 

“She’s with Kurt. Tinext kasi ako ni Kurt kung okay lang daw ba na pumunta na siya ng bahay para sunduin si Mia.”

 

“Kasama niya si Kurt?”

 

Tinignan niya ako. “That’s what I said, right?”

Tumango na lang ako. Eto na naman ‘tong nararamdaman ko. Bakit ba palagi silang magkasama?! Di ba sila nagsasawa? Tsk.

“Ooh. It’s raining.” Parang batang sabi ni Lia.

“Tsk. Badtrip. Tara Li, taxi na lang tayo pauwi.” Hinila ko siya papunta dun sa gilid ng entrance para pumara ng taxi pero bigla niyang binawi ang kamay niya at ngumiti sa akin.

“Ayoko. Gusto kong maligo sa ulan. Tara Treb! Ligo tayo!” Bago pa man ako makasagot hinila na niya ako papunta dun sa maliit park na nasa harap ng mall kaya eto kami, mga basang sisiw.

“Wihihihi! Saya!” Umikot-ikot si Lia na parang bata. Di lang kami yung naliligo sa ulan kaya ayos lang.

“Masaya nga pero magkakasakit naman ako pagkatapos.” Natatawa kong sabi.

“Pffsh. Maligo ka na lang ulit mamaya. Mag-enjoy muna tayo.” Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.

~Kurt~

 

Nandito kami nila Dee, Ren, at Lex sa kwarto ko. Gagala sana kami kaso lang biglang umulan, kaya napagdecisionan naming na tumambay na lang dito sa kwarto.

“Tol…” Tawag sa akin ni Ren.

“Hmm?”

 

“Kelan ka aamin?” Tanong nilang tatlo.

Kumunot yung noo ko. “Ha?”

 

“Kelan ka aamin kay Mia?” Tanong ulit nila.

Kumibit-balikat ako. “Sinong may sabi na may plano akong umamin?”

 

“Di ka aamin?” Tanong ulit nila.

“Di na. Nagugulohan na nga si Mia sa nararamdaman niya kay Treb eh, tapos makikigulo pa ako.” Chill na sagot ko.

“Di pa naman siya sigurado na may gusto siya kay Travis ah.” Sagot in Dee.

“Tol, akala ko ba maka-TraMi ka? Tol naman! Umayos ka nga. Akala ko ba loyal ka? Ikaw yung vice president ng mga TraMi di ba?” Pabiro kong sagot.

Kinamot ni Dee yung ulo niya. “Pero paps, kaibigan rin kita.”

“Tsaka wala naman sigurong mawawala kung aamin ka.” Dagdag ni Lex.

“Meron.”

“Ano naman yun?” Tanong ni Ren.

“Yung friendship namin. Natatakot ako na baka pag umamin ako sa kanya, lalayo siya sa akin. Yun na nga lang yung meron kami eh tapos mawawala pa.”

“Masakit bro?” Tanong ni Dee.

Pabiro ko siyang binatukan. “Gago. Malamang. Nagmahal ako ng taong alam kong may gustong iba.” Pabiro kong sagot. Pero totoo lahat yung sinabi ko.

“Ayos lang yan tol. Pero di ba mas sinasaktan mo sarili mo dyan sa plano mo?” Tanong ni Ren.

“Oo. Pero alam ko na magiging masaya siya dahil sa plano ko.” Nakangiting sagot ko.

“Kahit na di siya sa piling mo masaya? Masokista ka ba?” Ngayon, si Lex na naman ang nagtanong.

“Ano yun tol? Sa piling ko masaya? PWE! Ang corny mo. Pero oo, basta masaya siya ayos lang.” Ngumiti ako. “Prinsesa natin siya di ba? Prinsesa KO siya. Pero kahit masakit man tanggapin, di ako ang prinsepe niya. Knight-in-shing-armor niya lang ako.”

Tumahimik sandali. Walang nagsasalita, lahat sa sahig lang nakatingin.

“Awwe. Group hug!” Pabaklang sabi ni Dee.

Tatapunan ko na sana siya ng unan pero sinakyan nung dalawa yung trip niya.

“Gorabels! Wihihi.” Pabaklang sigaw ni Ren.

“Masaya itey! Libreng chansing kay fafa Kurt. Tara i-hug!” Dagdag ni Lex. Mabilis silang lumapit sa akin, bago pa man ako makalabas ng kwarto niyakap na ako ng mga gago.

“ALIS! Babakla niyo!” Sigaw ko pero di nila ako pinansin. Nakayakap pa rin sila sa akin nang biglang tumunog yung cellphone ko. “Alis na! Kelangan kong sagutin yun.” Sabi ko sa kanila, umalis naman sila at tinignan lang ako. Kinuha ko cellphone ko at sinagot ito.

“Hello?” Hinintay kong sumagot yung nasa kabilang linya, di ko kasi natignan kanina kung sino yung tumatawag. Agad naman akong napangiti nung nagsalita na yung nasa kabilang linya.

“Ano?... Tapos na?... Oh, kamusta naman?... Hahaha! Hayaan mo na, parte yan ng plano eh… Nainis? Sa akin? Bakit?... Hahaha! Ayos ka din eh. Pano pag tanungin ako nun? Ano sasabihin ko? Eh hindi naman talaga kami nagkita ng kapatid mo… Eh, siguro nga… ANO?! Nagpaulan kayo? Bakit?... May panibagong plano?... Bakit? Di pa ba kumpirmado?... Ahh. Kumpirmado na pala eh, bakit kelangan may ganyan pa?... Eh ano naman kung nagseselos ako? Di naman masama magselos ah… Tss. Fine… Hahaha! Loko… Oo na… Sige, bye na… Ay teka!

 

 

 

Salamat Lia.”

-----------------------------------------------------------------

Hi guys! Ano, nagegets niyo ba yung gusto kong palabasin? Kung oo, congrats! Kung hindi, ayos lang yan! Magegets niyo rin sa next chapter. Don’t worry. ;) Sorry pala sa late UD guys, nawalan kami ng net eh. Saya di ba? -_- Nga pala, malapit na matapos ang ASM. 3 or 5 chapters na lang then the end na. Sana supportahan niyo ako hanggang sa ending. :) By the way, ano, galit pa rin ba kayo kay Lia? Hahaha! XD

P.S: Sunod-sunod ang UD ko ngayon. ;)

Ayun lang. Mamaya ulit! Loveyou. ♥ xx

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 682 7
As an obedient servant, you possess the understanding of sacrifice and are well aware of your limitations. You bear the weight of responsibility in s...
629K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
8.9K 201 47
Write what you feel not what they want.