HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 117 : INTERHIGH

5.5M 103K 406K
By maxinejiji

MAX'S POV

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagsama sa bahay nila Sensui pero..

Wala naman sigurong mawawala kung sasama ako. Nagugutom na rin ako e.

"Hindi ko talaga inaasahang makikita pa kita sa Airport.. alam mo ba kung gano ako kasaya nung makita kita??" bulong ni Sensui at nilingon ko sya.

Masyadong malapit ang mukha nya sakin kaya naman ako na ang bahagyang lumayo.

Matamis ang mga ngiti nya at malambing ang tono ng boses nya..

"Nung umalis ka kasi kanina parang mamatay na ako.." malungkot talagang sabi nya. "Akala ko kasi kanina nagalit ka sakin kaya.. h-hindi mo na ako hinayaang ihatid kita kahit hanggang sa Airport.. Gusto sana kitang ihatid kanina e.. kaso parang ayaw mo.."

"Tss.." singhal ko pero ngumiti pa rin sya sakin.

"Talagang parati mo kong binibigla sa mga moves mo ah?? Hehehehe.. Pakiramdam ko tuloy.. ikaw ang nanliligaw sakin bwahahahahahaha.."

Hanep..

"O baka naman.. namiss mo rin ako??" mapanukso ang tinging tanong nya pa.

Asa..

Hindi ko sya sinagot..

"Pero okay lang kahit hindi mo ko namiss.. alam ko namang inaalala mo ko hahahahaha! Kung ganyan ka ng ganyan Taguro.. para kang cancer sa katawan ko hahahaha.. At lalo akong lumalala!"

Nababaliw ka na talaga.. tsk tsk tsk..

Nilingon kami ni Dein at bahagya syang ngumiti.

"Mukhang nagkakamabutihan na talaga kayo ah??" masayang tanong pa ni Dein.

"Hahahahahahaha.." malakas na tawa ni Sensui. "Mamaya ka na sumali Noona, nag-uusap pa kami e.."

"Goooo.." biro pa ni Dein at saka muling bumaling sakin si Sensui.

"Taguro.." tawag ni Sensui sakin.

"Mmm?" sagot ko na lumingon sa kanya.

"B-Bukod ba sa paa ko.. m-may iba ka pang dahilan k-kaya mo ko h-hinintay??" uutal-utal na tanong nya at nagtaka naman ako.

"Anong dahilan?" tanong ko.

"A-Ahh hahahahahaha.. tinatanong nga kita e.. May iba ka pa ba kakong dahilan kung bakit mo ko hinintay sa Airport?? B-Bukod dito sa paa ko na inaalala mo..??" mahinang tanong nya.

"Mmm.. wala naman na.." nakangising sagot ko at nagitla sya.

"Tch.. wala talaga?!"

"Wala.."

"Bakit wala?!" nakanguso at malakas na tanong nya at nagulat naman ako.

Siraulo'ng 'to..

"W-Wala talaga?!"

"Wala.."

"Hehehehehehe.." bigla syang tumawa.

Baliw na nga sya..

"Sige na nga.. kahit sa i-isip ko na lang.. kunwari.. m-mahal mo na rin ako kaya mo ko hinintay hahahahaha.."

"A-Ano!?" gulat na tanong ko.

"Tch! Wag ka na ngang kumontra.. sa isip ko lang naman e.." nakangusong sabi nya.

Naiwan akong napapanganga'ng nakatingin sa kanya!

Tss..

Hindi ko na sya sinagot at tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko..

Parang barado ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga..

Ang awkward ng eksena para sakin..

Kasama ko ang tatlong tao'ng gumulo sa buhay ko..

WTF is happening???

Pero kailangan kong aminin sa sarili ko..

Si Randall pa rin ang laman ng isip ko..

Palihim akong tumitingin sa kanya at masakit para saking nakikita na parang wala syang pakialam..

Deretso ang tingin nya sa daan habang nagmamaneho at ni minsan ay hindi ko man lang sya nakitang sumulyap sakin kaya naman hindi na ako tumingin pa sa kanya..

~RING! RING~

Nabasag ang katahimikan ng biglang magring ang cellphone ng isa sa amin..

"Hon, may tumatawag sayo.." sabi ni Dein.

"Ahh.." usal ni Randall at saka kinapa ang cellphone nya.

"Akina.. ako sasagot.."

Isang bagay na hindi ko nagawa kay Randall..

Ang pakialaman ang cellphone nya..

"Hello??" sagot ni Dein sa cellphone ni Randall. "I'm sorry, this is his girlfriend, Dein.. He's driving that's why I answered this call.. But I'll----"

"Give me.." si Randall at inabot ni Dein ang cellphone nya. "Yes.. Mmm.. Okay okay.. Thank you.. Bye.." dinig kong sabi lang ni Randall habang nakatingin ako sa daan sa labas.

"Sino yun Hon?"

"Si Doc Edda.. kulang daw sila ng residente.."

"Ha? Bakit daw?"

"Hindi pumasok si M-Maxwell.." biglang humina ang tono ng boses nya nung sabihin nya ang pangalan ng kapatid ko.

Natinag ako pero hindi ako nagpahilata.. nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana..

Tss.. bakit ganon? Magkakaiba naman sila ng school ah?

"Mmm.. Maxpein.." tawag sakin ni Dein na nilingon pa ako at tumingin naman ako sa kanya na may blangkong mukha. "Yung Kuya mo.. wala ba syang sinabi kung papasok sya??"

"Wala.." pormal na sagot ko.

"I see.." parang nanghihinayang na sagot nya kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

"Tatawagan ko na lang.."

"Can you do that for me? Please?"

"Okay."

At inilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Maxwell.

Maya maya lang.

"Ne?" sagot nya sa tawag ko.

"Magduty ka daw.."

"Eh!?"

"Duty.. wala daw residente sa......" napahinto ako sa pagsasalita at napatingin sa rear mirror kung saan kita ko ang mga mata ni Randall.

At nagtama ang paningin namin..

"SIS.." si Randall.

"Sa SIS.." dagdag ko sa sinabi ko kay Maxwell.

"Who's with you?" biglang tanong ni Maxwell.

"I'm with Deib.." sagot ko.

"And??"

"Them.."

"Them!?"

Aisshh wag ka na kasing magtanong!

"Pumasok ka na lang.." dagdag ko at saka ibinaba ang cellphone.

Peste..

"Papasok daw sya?" tanong ni Randall at tumingin na naman ako sa kanya at nagtama ang paningin namin.

"Mmm.." maikling sagot ko at saka tumingin ulit sa labas ng bintana.

Mabilis na tumakbo ang oras at maya maya lang ay nasa bahay na nila kami. Mabilis akong bumaba ng kotse ni Randall at tumingin sa tapat ng bahay nila. Kasunod ko naman ay ang nagmamadaling Deib na hindi magkandaugaga sa pagbitbit ng gamit nya.

Mukhang tanga..

"Oh.. they're here??" patanong na sabi ni Dein munit sa kotse na nasa harap ng bahay nila nakatingin.

"Who?" tanong ni Randall.

"Sila Lolo.." mahinang sagot nya at saka naglakad papasok. "Let's go.. come in.. come in.. Maxpein.."

"Mmm.." tango ko at saka sumunod sa kanila.

"Nandito si Lolo.." bulong ni Sensui sakin at hindi ko naman sya pinansin.

Tinitignan ko ang paraan ng paglalakad nya at kahit na iika-ika pa rin ay bahagya na lang at hindi na tulad nung kahapon at kanina..

~DINGDONG! DOORBELL!~

Bumukas ang pinto at bumungad samin si Manang.

"Pasok.. Pasok.." nakangiting usal ng matanda at isa-isa naman kaming pumasok. Ako ang nahuli.

"Ahh Manang.. kasama ko si Max.."

"Oo nga ano?? Kumusta ka naman iha??" nakangiting tanong nya sakin.

"Ayos naman ho.."

"Maige kung ganon.. o sya pasok na at nakahanda na ang pagkain.."

"Salamat ho.." tatangu-tangong sagot ko at saka sumunod kay Sensui.

"Maxiiiiii!!!!"

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko agad ang Mommy ni Sensui na nakabuka ang dalawang kamay na animong sasalubungin ako ng yakap!

"M-Misis Enrile.."

"Omo.. I miss youuuu!!!"

Patakbo syang naglakad papalapit sakin at...

NIYAKAP ako ng pagkahigpit higpit!

"Bakit ngayon ka lang???"

"H-Ho??"

"Hihihihihi ang tagal ka na naming hinihintay dito.." nakangiting sabi nya at saka parang nalungkot. "Ang sabi mo dati ay babalik ka dito but you didn't.. kung hindi pa ako nanood nung mga sports nyo ay hindi kita makikita.."

E bakit naman ho ko magpapakita sa inyo??

Weird..

"A-Ahh M-Mom.." si Sensui.

"Oh.. Baby! Nandyan ka pala!"

Kanina pa..

"Pagod kami ni Max.. Mom.." dagdag nya pa.

"Omo! Omo! Oo sige sige hihihihihi.. hindi mo naman kasi sinabi baby na pinagod mo pala si Maxi.. tuloy kayo.. upo kayo.."

"Pero.. prepared na kasi ang dinner.. Bakit kaya hindi na lang kayo doon sa dining area magpahinga habang nagdidinner?? Can you do that?" nakangiting tanong nya pa na nagpapalit palit ang tingin samin ni Sensui.

"O-Okay.." pormal na sagot ni Sensui at saka tumayo at inalok ang kamay sakin. "Let's go..??"

"Yiiiiiiiiieeeeee!"

Sabay kaming napatingin sa Mommy nya na nakahawak sa magkabilang pisngi nya na animong kinikilig pa!

"M-Mom?!"

"Kinikilig ako sa inyo... Yiiieeee!"

Hindi ko inabot ang kamay ni Sensui at kusa akong tumayo.. Taka naman silang napatingin sakin pero hindi na rin nila ako pinansin at dumeretso na kami sa dining area nila.

DEIB'S POV

Laking gulat ko nung pagpunta namin sa dining area ay nandon si Chairman!

Anong ginagawa nya dito!?

Dali dali akong tumango at nagbow sa kanya.

Akala ko si Lolo lang..

"G-Good evening Chairman.." nauutal na sagot ko. Lumapit ako sa kanya at saka nagmano.

"Good evening Chairman.." si Randall at Noona.

"Good evening.." sagot ni Chairman samin at saka dahan dahang tumingin kay Taguro na parang nagtataka kung anong ginagawa nya dito.

"A-Ahh.. S-She's my guest.." sabat ko at napatingin naman si Chairman sakin saka tumingin sa relos nya.

"But it's already late.." sagot ni Chairman matapos tumingin sa relos nya!

BIGLA AKONG NAKARAMDAM NG HIYA!

Naiilang na napatingin ako sa gawi ni Taguro pero nananatili syang nakatungo kaya naman pilit ang ngiting ganti ko kay Chairman bago nagsalita.

"G-Galing po kasi kaming Palawan.. So I invited her over for dinner.." sagot ko.

"I see.. sitdown.." pormal na sagot ni Chairman at naupo naman kami.

"Good evening.." pormal na bati ni Taguro sa kanya at gulat na napatingin kaming lahat sa kanya!!!!!

Loko talaga 'to!

Kung magsalita sya ay akala mo kaedad lang nya ang kausap nya!

"I believe we've met already.." pormal ang ngiting tanong ni Chairman sa kanya pero hindi sya sinagot ni Taguro!

"Y-Yes Chairman.. n-nung ininvite nyo sina Chairman Moon for d-dinner.." sabat ko.

"Yes, I remember.." tatangu-tangong sagot ni Chairman at saka tumingin sa food na inilalagay pa ni Manang sa table.

"Good evening Dean.." biglang bati ni Taguro kay Lolo na nasa kabilang dulo ng table. Masyadong naagaw ni Chairman ang paningin ko kaya naman hindi ko sya napansin.

"G-Good evening Lo.." bati ko sa kanya at saka ako nagmano.

"Good evening Lolo.." bati ni Noona at Randall.

"Good evening.. Good evening.." si Lolo.

"Let's eat??" si Chairman.

"Y-Yes.." sagot naming lahat.

"How's your trip to Palawan?" sarkastiko ang dating ng tono'ng tanong pa ni Chairman na kay Taguro nakatingin.

"Ayos naman ho.." sagot ni Taguro!

Badtrip huhuhuhu! Biglaan 'to.. hindi ko man lang sya nasabihan kung paano dapat pakisamahan si Chairman! Sana makisama naman sya huhuhuhu.. Baka ako ang mayari e!

"I didn't know that you're that close to have an overnight trip to Palawan.."

"Nililigawan ako ng apo nyo.."

"T-Taguro.." naiilang na tawag ko sa kanya at parang balewalang nilingon nya naman ako at saka takang tumingin kay Chairman.

"I'm sorry for my attitude.. I'm really this rude.." usal ni Taguro at tinignan naman sya ng seryoso ni Chairman!

Damn this!

"Hahahahahahahahahahahahahahaha!!!!"

Eh!?

Nagulat ako nung malakas na tumawa si Chairman habang nakatingin kay Taguro!

Si Lolo man bahagyang natawa rin!

"You're interesting.." biglang sabi ni Chairman na iiling iling habang tumatawa. "Hahahahahahahahahahahaha! Typical attitude of the Moon Family.."

Napabuntong-hininga si Taguro at saka nagtuloy sa pagkain! Wala namang humpay sa pagkabog ang dibdib ko dahil pakiramdam ko, ano mang oras ay sisigawan sya ni Lolo at Chairman dahil sa paraan ng pakikipag-usap nya!

Napakabastos talaga nito!

"Did you enjoy your stay together??" si Chairman.

"Of course.."

Bakit ba sya ganyan?! Huhuhuhuhuhu..

"We're with friends.."

"I see.. I thought you spent it together alone.. Hahahahahahahahahahaha!"

Hindi na sya sinagot ni Taguro at nagtuloy na lang sya sa pagkain! Naiilang ako dahil kung sumagot sya kay Chairman ay akala mo yung mga Moon lang ang kausap nya! Walang galang at walang modo! Gayun pa man..

HINDI KO MAGAWANG MAGALIT SA KANYA!

Hahahahahahahahahaha!!!!

Maya maya pa..

"How's your studies?" biglang tanong ni Chairman habang nakatingin sa food nya.

Nagkatinginan kami ni Noona na may iisang reaksyon ng mukha! NAGTATAKA!!

Sino daw?!

Napapalunok na tumingin ako kay Noona at saka nagsalita.

"O-Okay naman po.." sagot ko.

"How good?"

"A-Ahh.."

DAMN! I'M SPEECHLESS!!!

Nakaramdam ako ng matinding kaba at halos mamuo agad ang pawis sa noo ko!

Bakit ba kinakabahan ako e okay naman ang pag-aaral ko!?

"How good?!" biglang tanong ulit ni Chairman! And this time, nakatingin sya sakin! Kaya naman mas lalo akong kinabahan!

"W-Wala naman po akong problema sa mga subjects ko.." sagot ko at bahagya naman syang nagclear throat at saka tumingin kay Noona at Randall.

"And you two!?"

"A-Ahh.. We're also doing good with our studies.." sagot ni Randall.

"Good.." tangu-tangong sagot ni Chairman at saka tumingin kay Taguro.

Demmit!

"How about you?" tanong ni Chairman kay Taguro.

Sana sumagot sya ng ayos!!!

Hindi ko halos maigalaw ang kamay ko at hindi ko rin naman magawang lingunin si Taguro! Nagsisimula ng manginig ang mga kamay ko kaya naman nahihirapan narin akong ipagpatuloy ang pagkain ko! Napainom ako ng tubig at saka bahagyang tumungo! Pero sa gilid ng paningin ko ay nakatingin ako kay Taguro ng palihim!

"What about me Sir?" tanong ni Taguro!

PAAAAAAAKKKSSSHHHEEEEEEETTT!!!!!

Napatingin kaming lahat kay Taguro at makikita mong blangko'ng blangko ang mukha nya!!! Wala syang emosyon at deretso lang na nakatingin kay Chairman!!!

Anong ginagawa mo!!! Hindi 'to tulad ng pamilya mo! Huhuhuhuh wag ka namang ganyan Taguro!!!!

"How's your studies?" pormal na tanong ni Chairman sa kanya at parang balewala naman sa kanya ang asta ni Taguro kaya naman isa-isa kaming nakahinga ng maluwag!

Kitang kita mo sa aming lahat na talagang nagulat kami sa dating ng pagsagot ni Taguro kay Chairman! Kung paano ang tono nya kapag kausap sina Maze at Chairman Moon ay ganoon rin sya kay Chairman!

Bukod sakin at halatang nagugulat at nagtataka rin sina Mom, Dad, Manang at Noona sa iniaasta ni Taguro! Si Randall sa tingin ko naman ay sanay na sa ugali nya munit bahagya pa ring halata sa kanya ang pagiging ilang dahil sa pakikisama ni Taguro dito sa ngayon.

Mas mataas man sa kanya ang Lolo mo.. kailangan mo pa ring igalang si Chairman, Taguro.. Pakisama naman..

Hindi agad sumagot si Taguro at bahagyang inilapag ang spoon and fork nya at saka nagkrus ng mga braso't sumandal sa upuan at saka umastang nag-iisip.

"Mmm.." nangingisi pang usal nya bago tumingin kay Chairman. "Interhigh ho e.."

WTF???

Buset na 'to! Nag-isip pa! Tapos yun lang pala isasagot nya!

Nakakabadtrip!

Kinakabahan ako talaga!

Yung paraan ng pagsagot ni Taguro kay Chairman, paniguradong hindi nya magugustohan!

"She's one of the most outstanding students in her batch.." biglang sabat ni Lolo dahilan para lingunin sya ni Chairman bago tumingin ulit kay Taguro.

"Is that so?"

"Mmm.. that even the most terror Lecturer admires her intelligence.." nakangiting sagot ni Lolo.

"Most terror?"

"Mr. Ciufan.."

"Ahh yeah??"

"Yeah.."

"Nice to hear that.." nakangiting usal ni Chairman na ngumiti Na kay Taguro!

Andwe..

Hindi ako makapaniwala sa iniasta'ng yun ni Chairman!

"You're classmates?" tanong muli ni Chairman at tumingin saming dalawa!

"N-No Chairman.. Third year po sya.." sagot ko na isinenyas pa si Taguro.

"But you're close??"

"W-We're actually getting to know each other.." kabado at nahihiyang sagot ko!

"Getting to know each other?? Hmmmm... in Palawan?? Interesting hahahahahahahahahahaha!" sarkastiko munit mapanuksong sabi ni Chairman at saka tumingin sakin ng nakakaloko. "Anu-ano naman ang nalaman mo tungkol sa kanya kung ganon?"

"A-Ahh that.. h-hehehehehe.. M-Marami po.."

"Hmmm.." tatangu-tangong sabi ni Chairman at saka tumingin kay Taguro. "Anong nagustohan mo sa Apo ko??"

"Tss.. sya po ang may gusto sakin.."

Pakneng sheeeeeeettt!!!!!

Sunod sunod ang naging paglunok ko at kahit napapahiya ay hindi ko naiwasang tignan ang naging reaksyon ng mga kamag-anak ko! Ngingisi ngisi sina Lolo at Daddy samantalang parang kinikilig naman si Mommy at Manang! Si Noona ay sarkastiko ang dating at parang balewala naman ang lahat kay Randall!

"I like your attitude.. Mature and formal.. Interesting.." dagdag pa ni Chairman.

"Thank you Sir.."

"I believe you mentioned when we first met that you want to take up Medicine?" nakangiting tanong ni Chairman sa kanya at tiningnan naman agad sya ni Taguro sa mata ng deretso'ng deretso!

"Yes.." pormal na sagot na naman ni Taguro.

"Before taking up Medicine, you must have your Pre-Medical Course first.."

"Yes Sir.."

"What do you plan to take up?"

"Nursing.." sagot ni Taguro at parang nagliwanag naman ang mga mata ni Chairman!

Pano nya nagagawa kay Chairman yan!? Alam mo ba Taguro na takot na takot ako dyan?!

"Mmm? Good choice.." nakangiting sagot ni Chairman sa kanya at saka tatangu-tangong tumingin kay Lolo na nginitian rin naman agad sya. "I'm looking forward to that.."

Nakakagulat kung paanong nakangiti si Chairman habang sumusubo ng pagkain at sa twing ngunguya sya at tinititigan nya si Taguro at nakangiting pinagmamasdan syang kumain!

Kitang kita sa mukha nyang natuwa sya sa sagot ni Taguro!

Yan si Chairman..

Kapag nalaman nyang gusto mong maging Doktor.. matutuwa sya ng higit pa sa inaasahan mo! Lahat ng mali'ng ginawa mo ay mabubura sa isip nya at ikaw na ang magiging pinakamagaling at hinahangaan nya sa lahat ng kamag-anak nya!

Ano bang meron sa Medicine na wala sa ibang courses!? Anong magagawa ko e, ayaw ko talagang mag-Med! Gusto ko Engineerin! Gusto kong maging Engineer!

Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko nung magsimula na silang mag-usap usap tungkol sa Medicine. Kahit na hindi nakikisagot si Taguro sa kanila, yung katotohanang gusto at plano nya ring magdoktor e pakiramdam ko, out of place ako..

"Actually Lolo, Chairman.. maraming bumibilib kay Randall dahil hindi lang sya gwapo.. napakatalino nya pa! Hahahahaha! Psh! Lahat nga yata ng nurses and Doctora's na nakakatrabaho nya ay may gusto sa kanya.. I told him not to be too nice to girls.. tsk tsk.." biro ni Noona at natawa naman silang lahat.

"One thing that you can never avoid.. Right, young man?" nakangiting tanong ni Chairman kay Randall na natatawang tumango agad. "Marami ang naiinlove sa mga Doctors dahil mukha silang matatalino talaga.. Malinis pang tignan.. Ha! Ha! Ha! Ha!"

"At napakabait naman kasi ng boyfriend ko.. I'm so lucky to have him.."

"He's also lucky for having you.."

"Of course Chairman.. hahahahahahah! But I feel like I'm luckier.. I love him more than he does hahahahaha---"

"Tsk tsk.. Nah, don't say that.."

"Bakit naman Chairman?"

"Nakakasakal kapag masyado kang mahal ng nobya mo hahahahahahahaha..!!"

Natahimik na naman ang lahat matapos ang huling sinabi ni Chairman.. Munit agad na naman syang nagsalita.

"You're Maxwell del Valle's younger sibling?" tanong ni Chairman kay Taguro.

"Yes.."

"I've been hearing a lot of good things about him.." dagdag ni Chairman at hindi sumagot si Taguro. "Isa sa mga pinagmamalaki ng Moon Family.. The popular Maxwell Laurent del Valle hahahahahahahaha! Kahit nasa ibang bansa ako ay nababanggit sa akin ang pangalan nya ng mga tauhan ko.. It's good to know that he's finally in BIS.. I'm so proud of that.."

Tumango lang si Taguro sa kanya.

"I believe, you have another sibling?? And the other is?"

"Maxrill.."

"He grew up in Korea??"

"Yes Sir.."

"Is he planning to stay here?"

"Yes but..." hindi naituloy ni Taguro ang sasabihin nya dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya.

"Why?? Ha! Ha! Ha! Let me guess.. Hindi pumayag si Maze, tama ba??" natatawa kunwaring tanong ni Chairman sa kanya.

"Mmm.." sagot ni Taguro.

"Oh well.. I'm sure Maze knows the best for all of you.. If Maze wants him to stay in Korea, then that would be the best for him.. Besides, maganda'ng mag-aral ng Medicine sa Korea.. Yun e kung... gusto nya ring mag-aral ng Medisina?" nakangiting anong ulit ni Chairman kay Taguro na agad namang tumingin sa kanya. "Gusto nya bang mag-aral rin ng Medisina?"

"I guess so.."

"Oh well.. kayong tatlong magkakapatid ay mukhang matatalino.. Sa kilos at pananalita.. hindi ko maitatangging matatalino kayo.. Isang bagay na hinangaan ko sa Lolo at Mommy nyo.. Ang tamang pagdidisiplina.. Ha! Ha! Ha!"

Hindi na naman nakasagot si Taguro.

"Ano nga pala ang ginawa nyo sa Palawan, iha?" tanong ni Daddy.

"Ang totoo ho.. parang nagbakasyon lang kami.." sagot ni Taguro. "Ang sabi ni Chairman Moon ay may aasikasuhin kaming magkakapatid doon, pero pagdating namin don ay nalaman namin sa katiwala naming gusto lang nyang makapagbakasyon kami.. Tss.." seryosong dagdag nya pa. Pinakamahabang isinagot nya kay Lolo. Nanatili pa ring nakikinig sa kanila ang lahat, ayaw kasi ni Chairman ng sabay sabay nagsasalita lalo na at kumakain.

"Hahahahahahaha! Tipikal na ugali ni Moon.." natatawng sagot ni Chairman. "Naniniwala sya na hindi lang sya ang napapagod.. at kailangan rin ng mga students magrelax.. Maaaring yung ang naging dahilan nya kaya nya kayo pinagbakasyon doon.." nakangiting sabi ni Chairman at hindi na naman sya sinagot ni Taguro.

"A-Ahh.. Lolo.." sabat ko at tumingin namang lahat sila sakin. "Yung k-kapatid ni Max.. si Maxwell.. plano nya po'ng magtayo ng maliit na Clinic sa lugar nila sa Palawan, para daw po.. m-makatulong sa mga tao'ng nandon.. Nabanggit po kasi nung katiwala nila don na.. yung pinakamalapit na Hospital sa kanila ay nasa dulo pa ng kabilang baryo.. Kaya naman binanggit ko rin sa kanya na.. sila Mom and Dad ay madalas magconduct ng Medical Mission.. at n-nasabi ko sa kanyang, isasuggest ko ang place nila for Medical Mission, dahil baka sakaling mapili nila Mommy at Daddy yung place nila para mabisita---"

"Good job, Deib Lohr! Very very good, Deib!!" malakas na puri sakin ni Chairman!

Napatingin ang lahat sa kanya at kahit nagulat ay napangiti rin agad silang lahat sakin..

Pilit rin ang ngiting naiganti ko sa kanila dahil nagulat ako sa naging reaksyon ni Chairman!

"That's my boy.." nangingiti pang sabi nya. "Nasa dugo talaga nating lahat ang pagiging Doktor!" napapapalakpak pang dagdag ni Chairman. "Kung gayon ay.. magandang ideya ang isinuggest mo sa kanila!? Bakit nga ba Lacey.. hindi natin subukan dumalaw sa lugar nila... What's your name again iha?" baling ni Chairman kay Taguro.

"Maxpein.."

"Yeah.. Maxpein! Maxpein.. I really like you name.."

"Thank you, Sir.."

"Nah.. don't call me Sir.. From now on.. you can call me.. Lolo.."

A-Ano daw?!

"Eh!?" gulat na tanong ni Taguro.

"Yeah.. you can call me Lolo.. Ha! Ha! Ha! Besides, your family's close to me.."

WTF???

Nagkatinginan kami ni Taguro at napabuntong-hininga sya!

Nagkatinginan rin kami ni Noona at bakas ang pagkagulat sa mukha nya!

Napatingin ako kina Mom and Dad at parang kinikilig pa sila!

Anong nangyayari!? Bakit ganon!?

Nakakagulat!

Yung pagpuri sakin ni Chairman..

At ngayon ay yung sinabi nya kay Taguro!

Saan lahat nanggagagaling yun!?

Nakakagulat dahil hindi sya ganon!

Takot ako sa kanya at alam nyong lahat yun! Hindi nya ako kailanman pinuri sa mga bagay na magaling ako at parati nya lang nakikita yung mga bagay na mali at mahina ako..

Hindi kaya.. dahil akala nya.. gusto ko ring mag-Medicine!?

Yeah right Deib.. natutuwa lang sya sayo ngayon dahil ang akala nya ay gusto mong kunin ang course na gustong gusto nya.. Bukod don ay wala ng ibang dahilan para matuwa pa sya sayo! Luko-loko ka kasi!

Napatingin ako ulit kay Chairman at bakas talaga ang tuwa sa mukha nya habang pinagmamasdan si Taguro.

"Sa tingin ko ay kinakailangang mapag-usapan namin ng Family mo ang tungkol dyan.." dagdag pa ni Chairman. "Ayos lang naman sa inyo ang bisitahin ang Palawan, hindi ba?" baling nya kila Mommy.

"Of course, Lolo.." nakangiting sagot ni Daddy.

"Lalo na at malapit sa amin si Maxi.. yiiiieeee.." si Mommy.

"Malapit lapit na rin ang pagtatapos ng Interhigh at wala namang klase.. I guess after next week ay mas maluwag ang schedule ko.. Maaari namang tayo tayo na lamang ang pumunta kung may laro at pasok ang mga bata, hindi ba?!" si Chairman at tumango naman kaming lahat. "Sa tingin ko rin ay matutuwa si Mokz kung sasamahan nya ako! Ha! Ha! Ha!"

"Sasama rin po kami ni Randall, Chairman!"

Bigla akong napatingin kay Noon at kinindatan nya naman ako!

"Di ba Hon?!" baling pa ni Noona kay Randall.

"Of course.. that would be exciting.." sagot ni Randall.

"Sige sige.. maganda ang magiging lakad natin kung ganon.. Maraming makakatulong.." nakangiting sagot ni Chairman sa kanila.

At nagtuloy tuloy na nga kami sa pagkain kahit na medyo may kabagalan..

"Malapit na nga pala ang birthday ni Deib?? Tama??" si Chairman.

Nagulat talaga ako!

Naalala nya ang birthday ko?!

Andwae..

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko!

"Yes Chairman.. hihihihihihi.." si Mommy!

"Malapit na ang Birthday ni Deib, sa tingin ko ay kailangan mong pumunta.." masayang sabi ni Chairman kay Taguro!

Sapakin ako ngayon na..

SAPAKIN AKOOOO NGAYOOOONNN NAAAAAAAAA!!!!!!!

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Chairman na naririnig ko!

Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya kaya nagugulat ako!

Gusto nya na ba si Taguro para sakin?!

Tch! Wag ka ngang engot Deib! Hindi mo naman sinabi kung ano mo si Taguro! Ang alam nya lang ay nililigawan mo.. Anong magugustohan nya kay Taguro!

Pero kung.. magugustohan man nya si Taguro.. Ikaw na ang the best na Lolo!

"Isama mo ang family mo.." dagdag pa ni Chairman.

"Kelan ho ba?"

"Sa August ang birthday nya.."

At natatandaan nya ang birthday ko!? E bakit ilang birthdays ko ang pinalampas nya?!

"Ngayon na lang ulit ako makakapunta sa birthday ng Apo kong yan kaya sa tingin ko kailangang maging enggrande ang kaarawan nya.. Kasi gagraduate na sya sa susunod na taon at maghahanda na para sa Kolehiyo.." nakangiting sabi ni Chairman na tumingin at ngumiti pa sakin!

Pilit ang ngiting iginanti ko naman sa kanya!

"Sige ho.."

"Pwede mo ring imbitahan ang mga kaibigan mo.. mas maganda ay yung mga kakilala rin ni Deib, hindi ba?"

"Oho.."

"Sige sige.. hahahahahaha magiging maganda yan.." si Daddy.

Nananatiling tahimik sina Manang at Taguro at ganon na rin ako. Samantalang sina Randall, Noona, Lolo, Mommy, Daddy at Chairman ay wala pa ring tigil sa pag-uusap.. Nanatili lang kaming nakikinig sa kanila.

"Pero may sakit sa pag-iisip ang pasyente ko, Hon.. Lalaki sya at natatakot akong lapitan sya.." nakangusong sabi ni Noona.

"Pwede ka namang magpasama.." nakangiting sagot ni Randall sa kanya.

"I don't think so.. I don't wanna go near him.. He's scary! Parang anytime, he's going to attack me!"

"Hahahahaha! Hindi ganon yun ano ka ba.."

"Psh.. hayaan mo na kay M-Maxwell.. sya naman ang maghahandle non ngayon.. Besides, kasama nya sina Dok Shiela at Dok Edda.."

"Oh??"

"Mmm.. sya ang magduduty di ba?? Magkakasamasama sila.." natatawang tanong ni Noona at nilingon ko naman si Taguro na nakatingin na pala kay Noona.

Napansin kong salubong ang kilay ni Taguro nung muling ibalik ang paningin sa pagkain.

"Anong case ng patient mo, iha?" tanong ni Lolo kay Noona.

"Diabetes Mellitus, Lolo.. He's also mentally challenged.. According to the Attending Physician, he's diagnosed with Schizophrenia.." sagot ni Noona kay Lolo.

"Violent?"

"Mmm.. according to the relatives.. Yes.." nakanguso pa ring sagot ni Noona.

"What kind of Schizophrenia?" tanong naman ni Chairman.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila!

"I don't know.. I'm not sure.."

"Ha?!"

"I-I'm not s-sure, Chairman.." napapayukong sagot ni Noona!

"Bakit hindi mo inalam? Pasyente mo yun?" sabat ni Lolo.

"Psh! I tried my best to feed him, Lolo.. I'm the one who's personally giving him his food! Ipinapatong ko ang tray nya sa bed nya pero tinapon nya lang! Pati yung water na binigay ko itinapon nya kaya ayun nabasag yung glass! I'm doing something for him na hindi ko naman trabaho! Anong gusto nyang gawin ko!? Ang itake out pa sya ng pagkain!? Duh!? Besides, I'm not a Psychiatrist, Lolo.."

"Kahit na.." seryosong sagot ni Lolo at parang napapahiya naman napatingin si Noona sa pagkain nya. "Randall?"

"Y-Yes Lolo?" baling ni Randall kay Lolo.

"Maraming klase ng Schizophrenia.. alin don ang pasyente nyong yan?"

"H-Hindi ko rin po alam.. k-kasi ay hindi ako nagduduty sa kanya----"

"Kahit na.." salubong ang kilay na sagot ni Lolo.

"N-Nasa SIS naman po ang pasyente at wala sa BIS.." dagdag ni Randall.

"Kahit pa nasaang ospital yan dito sa Laguna.. Affiliated tayong lahat.."

"S-Sorry Lolo.. Actually.. yung pagpapakain lang naman po ang problema namin sa kanya. Hindi nya kinakain yung food nya at yun ang nagbibigay ng problema samin.. Parati nyang sinasabing may bumubulong sa kanyang wag kainin yung pagkain na yun.. kaya hindi nya kinakain.. Aside from that.. wala na po kaming problema sa kanya.."

"Ehem.." si Chairman. Salubong ang kilay na inilapag nya ang dalawa nyang siko sa table at saka ipinatong ang baba nya sa dalwang kamay nya magkakapit at saka salubong ang kilay na tumingin kina Randall at Noona. "Ganon ba kayo ka-busy para hindi man lang matignan kung anong lagay ng pasyente ninyo?? Akala ko pa naman ay kailangan ko ng matuwa dahil magagaling na Doktor ang mga apo ko.." nakakainsultong tanong nya pa.

He's damn serious.. Yari na naman ako sa huli nito!

Inis akong sumulyap kay Taguro at wala naman syang pakialam.. Panay pa rin ang kuha nya ng pagkain at susubo..

Ang cute nya pa rin kahit walang pakialam hehehehehehehehe..

Nagkakatinginan kami nila Manang at Mommy at pareho rin silang napapatahimik dahil mukhang sasabonin na naman nila Lolo at Chairman si Noona at Randall. Sa twing sasablay kasi ang dalawang yan sa pagsagot sa kanila ay napapagalitan sila.. Kasi ay ganon na lang rin kung ipagmalaki nila sa iba sina Randall at Noona kaya ayaw rin nilang mapahiya.

"Sa dami ng klase ng Schizophrenia.. paano nyo malalaman kung alin sa mga yun ang dapat at hindi dapat nyong gawin kung gayong hindi nyo alam kung alin sa mga Types ng Schizophrenia ang sakit nya??" salubong ang kilay na dagdag ni Chairman at sabay na napatungo sina Randall at Noona. "Baka naman panay na lang ang atupag nyo sa relasyon nyo kaya naman hindi nyo mapabuti ang relasyon nyo sa pasyente nyo?!"

"H-Hindi naman po sa ganon.." sagot ni Noona.

"Tsk tsk.. Yan na nga ba ang sinasabi ko.. Unahin ang pag-aaral Dein Leigh!" sigaw ni Chairman at natihimik lalo ang lahat!

Pinakiramdaman ko si Taguro..

Bakit parang wala pa rin syang pakialam!?

Patuloy ang pagkuha nya ng pagkain!

Gutom na gutom ba sya?!

"A-Ahh Maxi.. try this one.. Chocolate Hazelnut Cake hihihihi home-made.. Yiiiieeee.." bulong sa kanya ni Mommy.

"S-Sige ho.." sagot ni Taguro na kumuha agad nung Cake.

"G-Gutom ka ba??" nahihiyang bulong ko kay Taguro.

"Mmm.. mahaba yung byahe e.. Hinintay pa kita.."

"B-Bakit ka nagpagutom??"

"Wala akong dalang pera e.. may binili kasi ako.."

"Tsk! Wag mo ngang gugutumin ang sarili mo para lang pakiligin ako!" nakangising bulong ko pa sa kanya.

"Tss.. Assuming ka na naman brader.."

"Hehehehehe.. basta wag na wag kang magpapagutom ah?? Kahit tumaba ka ayos lang hehehehe.. Mas gugustohin ko pa yun para hindi ka lapitin.."

"Shut up.."

"Kiss ko mamaya ah??" mahinang mahinang bulong ko pa.

"Sige.. basta sapak ang kasunod.."

Bakit ba sya ganyan kabrutal??

"Hindi man lamang kayo nag-abalang basahin ang nakasulat sa Patient's Chart!?" biglang sabi na naman ni Chairman kaya natahimik na naman ako't nakinig!

"N-Nagkataon po kasing busy Chair---"

"Busy!? Sesanghe.." namamangha kunwaring sigaw at biglang bulong ni Chairman! "Anu-ano ang signs ng pasyente?!" biglang tanong nya at nagkatinginan lang sila Randall at Noona! "Anu-ano ang klase ng schizophrenia!"

Galit na talaga sya!

Nakaramdam ako ng hiya at matinding hiya yun!

Naiinis rin ako dahil alam naman nyang may bisita ako!

Ngayon nya pa talaga napiling bulyawan yung kapatid ko! Tch!

Badtrip!

Nahihiya ako dahil nakikita ni Taguro kung paano kaming pagalitan ni Chairman!

Napatingin ako kay Taguro and this time.. blangko ang mukhang nakatingin lang sya kay Chairman na tumingin rin sa kanya!

Nakakagulat na ngumiti rin si Chairman agad nung makitang nakatingin si Taguro sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na ako iha.. ayaw ko lang talaga ng ganyang mga sagot kapag may kinalaman sa pasyente ang usapan.. Hindi magandang ehemplo sa isang bisitang tulad mo na nagnanais mag-aral ng Medisina ang tulad nitong apo ko.." nakangiti munit sarkastikong sabi ni Chairman kay Taguro na tumingin kay Randall.

"Psh.." singhal ni Noona.

Parang napapahiyang napayuko si Randall at tumingin ulit si Taguro kay Chairman na kasalukuyan namang nakasimangot at nakangitin kay Noona!

"I'm very disappointed.." bulong ni Chairman.

"P-Pero Chairman.." si Noona.

"No, Dein Leigh.. You know me.. At ayaw ko sa lahat ay yung iniisip kong nag-aaral kayong mabuti munit ganito pa ang malalaman ko?? Hindi mo alam ang kaso ng pasyente mo dahil 'busy' ka kamo?! Diyosmiyo, Dein Leigh.. At ikaw Randall!?"

"Y-Yes Chairman.."

"Third year Medicine Student.." namamangha kunwaring sabi ni Chairman. "And yet.. you know nothing about schizophrenia?! Do you have any idea on how you will handle this certain cases!?" biglang sigaw na naman nya at napayuko naman si Randall at hindi nakasagot! "At gusto nyo pang sumama sa Medical Mission kung ganyang mukhang namimili rin lang kayo ng pasyente nyo?! Ang Medical Mission na kinaconduct ng Mommy at Daddy nyo ay hindi tulad ng ibang Medical Mission na nakasanayan nyo! Wala tayong pinipiling sakit at 'lahaaaaaat' hangga't maaari ay inaabutan natin ng tulong at paunang lunas.. Paano kung nagkataong may makasalamuha kayo doong mentally challenged tulad na lamang ng pasyente nyo ngayon?! Iiwasan nyo... dahil busy kayo?! Sesanghe!"

Sana matapos na 'to..

"A-Ang hirap po kasi nyang l-lapitan Chairman.. p-parati nyang iniisip na may gagawin kang masama sa kanya.. Ang sabi rin po nung n-nurse na nakaassign sa kanya ay h-hindi rin daw kinakain ang pagkain na ibinibigay sa kanya.. ang nangyayari ay naghahypoglycemic ang pasyente at yung po ang i-inaagapan namin.."

"Kalokohan ang isang yan!" sigaw ni Chairman at natahimik na naman sila! "E paano ngang kakain ang pasyente nyo e hindi nyo alam kung anong klase ng Schizophrenia ang meron sya! Paano kayong makakakilos ng maayos at maaagapan ang DM nya!"

"H-Hindi nya nga po kasi kinakain yung pagkain nya.."

"Yan! Yan mismo! Sa pamamagitan ng napansin nyong yan.. pwedeng pwede nyo ng malaman kug anong klaseng Schizophrenia ang sakit nya! Sa pamamagitan ng napapansin nyong yan ay pwede kayong gumawa ng hakbang para mapakain sya at nang sa ganon ay hindi bumaba ang blood sugar nya! Anong klaseng pag-iisip ba naman ang meron kayo!"

Make this stop.. please..

"Think! Hindi kayo aalis sa table na 'to kapag hindi nyo nasagot ngayon kung anong klaseng Schizophrenia yan!"

Sabay sabay kaming napatingin kay Chairman!

"And I'm serious!"

He's really serious!

Badtrip!

Napatingin ako kay Noona at Randall at pareho lang silang nakayuko!

Desserts na ang kinakain namin pero rice pa rin ang laman ng plates nila!

Hindi na sila nakakain ng maayos dahil panay na ang daldal nila mula pa kanina hanggang sa ngayong sinesermunan na sila!

"Kung hindi kumakain ang pasyente ng food na ibinigay nyo.. sa tingin nyo.. anong iniisip nya tungkol sa pagkain na yon??" malumanay na tanong ni Lolo at nagkatinginan naman sila Randall at Noona na sabay ring tumingin kay Lolo dahil walang maisagot! Napapapikit si Lolo at saka bumuntong-hininga habang halatang pinipigilan ang inis nya! "Ano sa tingin nyo ang klase ng food na kailangan nyong iserve sa kanya para kainin nya yun?!"

Hindi pa rin sila nakasagot!

"Sesanghe.." bulong ni Lolo na hindi makapaniwala sa kanila! "Ano ba yan!?! Ha!? Hindi nyo pa ba naranasang humawak ng mentally challenged patient!? Is this your first time!?!"

"Y-Yeeeess.." mahabang sagot nina Randall at Noona.

"My goodness, Dein Leigh!" sigaw na naman ni Chairman! "Kahit pa hindi nyo pa naransanang humawak ng ganitong klaseng case.. dapat may background kayo dahil inaral nyo yan!"

"N-Nalimutan ko na po C-Chairman.."

"Nalimutan!? Nalimutan?! Pero ang pamimili ng damit na gagamitin sa duty hindi mo kailanman nalimutan?! Nag-aral ka pa!"

"Tigilan mo na ang pag-aaral kung ganong nakakalimutan mo lang rin pala ang inaaral mo! Nagsasayang ka lang ng pera! Anong klaseng dahilan yan at anong klaseng pag-iisip ang mayroon ka!? Nakalimutan?! Na-ka-li-mu-tan!? Stupid reason!"

Hindi na naman nakasagot si Noona.

"Yun lang tungkol sa pagkain na yun ay makakagawa ka na ng diagnosis sa isip mo Dein Leigh.." nanginginig ang boses na sabi ni Chairman! Halatang pilit nya lang pinapahinahon ang sarili nya. "Bakit hindi kinakain ng pasyente ang pagkaing ibinibigay nyo!"

"D-Dahil... D-Dahil.." naghahanap ng sagot na usal ni Noona.

"Dahil praning sya.."

Napatingin ang lahat kay TAGURO!!!

"W-What!?" salubong ang kilay na tanong ni Noona sa kanya! Ngingisi ngisi namang tumingin si Taguro sa kanya dahilan para manlaki ang mga mata nya!

"Hindi nya kinakain ang pagkaing binibigay nyo.. dahil 'praning' sya.." sagot ni Taguro na ngingisi ngisi pa!

Damn it! Shut up Taguro! Ayan ka na naman e!

Parang pinagsisisihan ko na tuloy na isinama ko pa sya dito!

Kitang kita mo sa mukha ni Taguro ang pagiging sarkastiko! At bakas na bakas naman sa mukha ni Noona ang pagkapikon sa kanya!

"E-Excuse me??" pigil ang inis na anong pa ni Noona pero nanatiling nakatingin si Taguro sa kanya. "Who says you're allowed to talk here?!"

"D-Dein.." si Daddy.

"D-Do you think that this is a j-joke?!" nagpipigil parin ng inis na tanong ulit ni Noona kay Taguro!

"Who says I'm joking?" inosenteng tanong ni Taguro sa kanya!

Damn it! She's acting up again!

"P-Please.. shut up.." bulong ko kay Taguro at taka naman syang tumingin sakin!

Dahan dahan tumingin si Taguro sa lahat ng nasa table at saka nagtatakang tumingin sa kinakain nya.. Mas nakakagulat pa nung biglang magsalubong ang kilay nya at saka sumubo ng cake!

Pabagsak nyang ibinaba ang fork nya at saka sumandal sa upuan nya at nagkrus ng mga braso bago tumingin kay Noona.

"Bakit hindi nya kinakain ang pagkain na ibinibigay mo?" tanong ni Taguro kay Noona. "Dahil praning sya.."

"You're out of your mind..." pigil ang inis na bulong ni Noona sa kanya. "You know nothing so just shut up!" biglang sigaw ni Noona pero nanatiling kalmado si Taguro!

"I'm serious.." seryoso ngang sagot ni Taguro na sumama ang tingin sa kanya! Salubong ang kilay namang pinandilatan sya ng mata ni Noona! "Hindi nya talaga kakainin ang pagkaing binibigay mo dahil iniisip nyang 'lalasunin' mo sya.."

"And why the heck would I do that!?"

"Hindi ko naman sinabing gagawin mo yun.." nakangising sagot ni Taguro sa kanya. "But his sickness makes him think that you're going to do that.."

Gulat akong napatingin kay Taguro.

"I think.. he has Paranoid Schizophrenia.." dagdag pa ni Taguro.

*CLAP!*CLAP!*CLAP!*CLAP!*CLAP!*CLAP!*

Gulat akong napatingin kay Chairman at Lolo nung sabay silang nakangiting pumalakpak!

Bakit?!

"Magnificent!" sigaw pa ni Chairman na namamangha!

Magni---what?!

Napatingin ako kay Taguro at nagtuloy lang sya sa pagkain nya! Napatingin ako kina Chairman at Lolo at nakangiti silang pinapanood kumain si Taguro!

T-Tama ba ang sinabi ni Taguro?!

Hindi ako makapaniwala!

"How did you know that??" namamanghang tanong ni Chairman kay Taguro na saglit pa bago tumingin sa kanya.

"I told you.. she's very intelligent.." bulong pa ni Lolo kay Chairman na agad tumango sa kanya.

"Now I believe you.." sagot ni Chairman kay Lolo! "You're really interesting.. You're impressing me.." baling nya kay Taguro.

"Again.. may I know how did you know that??" ulit na tanong ni Chairman kay Taguro.

Hindi agad sumagot si Taguro..

Uminom muna sya ng water at saka ngumunguyang sumandal at tumingin kay Chairman at Lolo.

"Minsan na ho kasi akong nakasalamuha ng mentally challenged student.. Hindi ko sya nakasundo.. masyadong wirdo ang ugali nya at hindi ko nagustohan ang ginagawa nya sakin.. pero nagdadalawang-isip akong patulan sya.." seryosong sagot ni Taguro. "Napansin kong may kakaiba sa ugali at iniaasta nya kaya naman, pumasok sa isip kong.. baka may sapak sya.. Hinanap ko sa libro ng kapatid ko kung anong posibleng sakit nya o kung meron mang sakit na tulad nung personality na meron sya at bago ko mabasa ang Bipolar disorder e napadaan ako dyan sa Schizophrenia na yan.. Ang totoo.. hindi ko nga alam na ganyan pala ang bigkas nyan.. Iskitsophrenia pala.. akala ko kasi.. shisophrenia.."

"Hahahahahahahahahahaha!!" natawa sina Lolo at Chairman sa kanya.

"Iyon ba yung kay Miss Baylon, Miss Pein??" tanong ni Lolo kay Taguro na agad namang tumango sa kanya.

"Yes Dean.. Pumasok kasi sa isip ko na.. may sapak sa ulo ang babae'ng yun.. Kasi.. kapag ako ang kaharap nya.. parang nauulul sya.. Tapos kapag kaharap nya na si Deib.. biglang nagiging inosente ang dating nya.. Tss.. nacurious lang naman ako kung may ganong sakit.. kaya yung napapansin ko sa kanya, hinanap ko sa libro.."

"At nakita mo sa Bipolar Disorder??"

"Mmm.. nung una akala ko ay yang Schizophrenia ang sakit nya.. Pero nung mabasa ko yung Bipolar.. mas maraming signs yun na nasa kanya, out of 10 ay nasa 8 ang napansin ko sa kanya.."

"Mahirap idiagnose ang Bipolar Disorder.. pano mo nasigurong tama ka!?" inis na tanong ni Noona kay Taguro!

"Naisip ko rin yan.. Naisip ko ring.. hindi naman ako doktor para idiagnose na may Bipolar Disorder sya.." blangko ang emosyong sagot ni Taguro. "But the fact na umamin sya tungkol sa sakit nya.. sa tinign ko.. tama ang diagnosis ko.. Alam nya ang sakit nya, Dein.. Hindi nga lang alam ng mga magulang nya.. Funny.. I can still recall kung panong ipinamukha sakin ng Daddy nya na doctor sya pero hindi nya man lang napansin ang kakaibang acts ng anak nya.. Mmm.. siguro nga ay tama sila, sa school kadalasan napapansin ang mga kakaibang attitude and acts ng bata.. And you were there.. you know what happened.." nakangising sagot ni Taguro. "At sa tingin ko.. sa mga libro at napag-aaralan mo rin lang naman ibinabase ang pagdadiagnose mo sa pasyente mo, hindi ba??"

Hindi nakasagot si Noona! Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya at napatungo na lang sya! Kay Randall naman tumingin si Taguro!

"Sabi don sa nabasa ko.. para kumain ang taong may Paranoid Schizophrenia ay kailangan mo silang bigyan sealed foods.. Yung mga pagkaing sila ang magbubukas.." sabi ni Taguro na deretsong nakatingin sa mga mata ni Randall at saka muling tumingin kay Noona na inis pa ring nakatingin sa kanya. "And they're not as dangerous as you think.. Although the delusional thoughts and hallucinations of schizophrenia sometimes lead to violent behavior, most people with schizophrenia are neither violent nor a danger to others.."

"At bakit naman kita paniniwalaan!? E high school ka lang naman!" sigaw ni Noona sa kanya.

"Dein!" sigaw ni Daddy.

"Look.. how dare you talk like that to us?! What do you know about Medicine?! Huh!?"

"We're talking about Psychiatry here.." nakangising sagot ni Taguro. "Hindi ko naman kailangang makatapos ng Medisina para mabasa ko ang libro nyo.. and besides.. May mga medical terms na hindi ko maintindihan pero may medical dictionary rin naman kayo kung tawagin.. Marunong naman akong mag-ingles kahit papano.. I'm just sharing what I've read.. hearing what I've said doesn't mean that you have to follow me.."

"At pano ka nakakasigurong tama ang nabasa mo!?"

"Mas kapanipaniwala ang libro kesa sakin Dein.. bakit hindi mo na lang subukang basahin??"

"W-What?!"

"Walang masama kung itatry mo.."

"Psh.. at pano ka nakakasiguro'ng tama ang pagkakaintindi mo sa nabasa mo!?"

"Itatama naman siguro ako nila ako kung.. mali ang pagkakaintindi ko?" sarkastikong tanong ni Taguro.

"She's correct, Dein Leigh.." si Lolo at natahimik si Noona!

Sapakin ako ngayon na!!!!

"Enough!" sigaw ni Chairman. "I can't believe this.. Medicine Students who knows nothing about Schizophrenia versus a high school student who knows nothing about Medicine but is able to answer my questions regarding a patient's health condition is now arguing in front of me!?"

Napatungo ang lahat!

Hindi ko malaman ang mararamdaman ko..

May inis sa dibdib ko.. pero meron rin namang humahanga..

Humanga talaga ako kay Taguro pero naiinis rin ako dahil ramdam ko ang pagiging sarkastiko nya!

"Let's end this here!" sigaw na naman ni Chairman! "I'm afraid I might say something unpleasant!" galit na tumayo si Chairman at saka umalis. Sabay sabay naman kaming tumayo at yumuko kahit nakaalis na sya.

Nung maupo kami ay sabay sabay na napabuntong-hininga ang lahat!

"Get out of here.." inis na bulong ni Noona kay Taguro.

"Dein!" suway ni Lolo sa kanya! Pero hindi nya 'to pinansin!

"Are you making fun of me!? In front of my family!?" galit na tanong ni Noona pero hindi sya sinagot ni Taguro! "I accepeted you in a nice way here.. pero anong ginawa mo?! Can't you answer in a nice way!? Masyado kang mayabang!"

"Tss.."

"What!?" pasugod na tanong ni Noona kay Taguro na hindi man lang natinag sa kanya! "Masyado ka talagang mayabang!"

"Enough!" si Lolo.

"Get that person out of here Deib.. baka kung ano pang magawa ko dyan!"

"I said, Enough!"

"Ano ka ba Dein!?" inis na tanong ni Lolo sa kanya! "Irespeto mo ang bisita!"

"Bisita?! Ako ba inirespeto ng bisita, Lolo?! Ipinahiya nya ako sa harap ni Chairman at sa harap nyo tapos irespeto pa rin ang bisita?!" inis na tanong ni Noona kay Lolo!

"Kung ganon ay dapat ba naming ikatuwa ang naging sagot mo sa mga tanong ng Chairman?! Daladalawa kayong tinanong pero nakasagot ba kayo?! Hindi ka ipinahiya dahil kusa kang dapat na mahiya! You talk like you know nothing about Medicine that's why Chairman got mad! Alam mo ba kung gaano kung ipagmalaki nya kayo sa mga taong nakakausap nya?! Higit pa sa pagyayabang ng isang 'to!" sigaw ni Lolo na itinuro si Taguro! "Kung nayayabangan ka sa kanya ay mas mayabang pala si Chairman kung ganon?! Dahil kung ipagmalaki nya sa ibang tao ang katalinuhan nyo.. sya na ang pinakamayabang na tao sa buong mundo! He's more than proud.. but you disappoint him.. us.." mahinang dagdag ni Lolo at saka tumayo. "Thanks for the dinner.. I'm going.."

Pinanood pa namin kung paanong umalis si Lolo!

Damn it!

Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko!

May tensyon sa pagitan nila Taguro at Noona at kami naman ay nagpapakiramdaman pare-pareho ng sasabihin!

"I think I should go too.." mahinang sabi ni Taguro na agad tumayo.

"T-Taguro.." mahinang bulong ko sa kanya.

"Yeah.. I think you should go too.. You're causing a lot of trouble.." sarkastikong sabat ni Noona na nakatingin sa kanya.

"Thanks for inviting me over.." nakangiting sagot ni Taguro sa kanya at saka sumeryoso. "Study hard.."

Napatingin ako kay Noona at talagang nagngalit ang mukha nya!!!

This is trouble!!!

"I think we should talk.."

Napatingin ang lahat kay Randall ng bigla 'tong tumayo at naglakad papalapit kay Taguro at malumanay na hinila 'to palayo!

Nagkatinginan kami ni Noona at pareho naming hindi alam kung pano magrereact sa scene na yun!

Bakit kailangan nilang mag-usap!? Anong pag-uusapan nila!

Umakyat ang inis sa ulo ko at kabadong hinabol sila ng tingin papalabas ng bahay!

RANDALL'S POV

Malumanay kong hinila si Maxpein papalabas ng bahay at salubong ang kilay nyang tumingin sakin matapos ko syang bitiwan.

"What was that?" inis na tanong ko na nakaturo pa sa loob ng bahay!

"What?!" salubong ang kilay na tanong nya!

"Bakit mo ginanon si Dein!?"

"What!? Anong ginawa ko sa kanya?!"

"Pinahiya mo sya! Are you making fun of us!?"

"W-What!? Pwede ba?!" inis na tanong nya at mas nainis naman ako!

"Look, Pein.. Napahiya kami ni Dein sa ginawa mo!"

"Sinasabi mo bang intensyon kong gawin yun?"

"H-Hindi pero---"

"Bilang Medicine Student.. tama sila.. Obligasyon mong malaman ang sakit ng pasyente mo.. Kahit naman siguro sino magagalit sayo---"

"Pero sana nanahimik ka nalang!"

"Tss.."

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at malumanay na tumingin sa kanya matapos bumuntong-hininga.

"Are you okay??" nag-aalalang tanong ko.

"What?!" inis na tanong nya pa rin.

"Okay I-I'm sorry.."

"What are you saying?!" takang tanong nya. "Tss..."

Bumuntong-hininga ako at saka tumingin sa kanya.

"S-Sana kasi hindi ka na lang nagsalita.."

"I'm just sharing kung ano mang nabasa ko.. hindi ko intensyong ipahiya kayo.. Tss.."

"Pero sana nga hindi ka na lang nagsalita.."

"Tss.. edi hindi ako nakauwi!?"

What!?

Taka akong tumingin sa kanya!

"Hindi daw pwedeng tumayo hangga't hindi nasasagot yung tanong nung Chairman.. pano ako makakauwi!? Tss!"

"Hahahahahhahahahaha!" hindi ko napigilan ang sarili kong matawa dahil sa kakyutan ng sagot nya!

Natatawa pa rin akong napatingin sa kanya at nagtataka naman syang tumingin sakin!

"I'm sorry for laughing.. is just that.. you're giving me a cute and funny reason.."

"Tss.."

"I'm sorry okay??" malumanay na sabi ko at saka tumingin sa mga mata nya na agad naman nyang iniiwas. "Nag-enjoy ka ba sa Palawan??" tanong ko at hindi sya sumagot. "K-Kumusta kayo ni Deib??"

"Why do you wanna know?"

"I-I'm just asking.."

"Don't ask.."

Napapahiyang naiiwas ko ang paningin ko sa kanya at saka napabuntong-hininga.

"H-Hindi ko kasi alam na mahilig ka na palang magswimming ngayon.."

"Ganon pa rin naman.."

"Ha?? E bakit nagswimming ka?" natatawang tanong ko.

"Yun lang naman ang pwedeng gawin don.." walang emosyong sagot nya.

"E-Edi nagswimming ka nga?"

"Mmm.."

"Nag-enjoy ka naman ba?"

"Bakit naman hindi?"

Kapag ganyan ang sagot nya, pakiramdam ko lagi ay galit sya!

Pakiramdam ko ay ayaw nya akong kausap!

Please... kahit konting minuto lang.. Talk to me seriously..

"Edi nagsnorkeling kayo?" tanong ko ulit.

"Mmm.."

"E d-diba... a-ayaw mo sa isda??" gulat na tanong ko at natigilan sya.

"Naalala mo pa yun?"

"O-Oo naman!" sagot ko!

"Tss.."

"P-Pero... di ba ayaw mo sa isda?? Pano ka nakapagsnorkeling?!"

"Lumangoy.."

"P-Pano?"

"Kung panong magsnorkeling.. ganon ang ginawa ko.." parang nauubos ang pasensyang sagot nya!

"M-Magkasama ba kayong natulog ni Deib sa iisang kwa---"

"Hindi.." biglang sagot nya at nakahinga ako ng maluwag. "Hindi ako ganon.." dagdag nya at nagitla ako!

"T-That's not what I meant.." sagot ko at hindi sya nagreact.

"If there's nothing else you'd like to talk about.. I think I can go now.."

"P-Pein.." habol ko sa kanya nung tatalikod na sana sya. "C-Can I take you home?" tanong ko at nagulat sya.

Hindi sya nakapagsalita..

Takang napatingin sya sakin at hindi ko naman malaman ang sunod na sasabihin..

Kinabahan ako bigla at hindi na ako makatingin sa mga mata nya!

Bakit ko nga ba sya ihahatid!? Tsh!

"I m-mean.. its late.. S-Sa tingin ko k-kailangan ko na ring u-umuwi.. E-Edi ako na lang ang maghahatid sayo.." pagpapalusot ko habang napapakamot kunwari sa batok ko.

"Hindi na.."

"H-Ha?"

"Wag mo na akong ihatid.."

"B-Bakit? W-Wala namang masama kung i-ihahatid kita.."

"Tss.. nag-iisip ka ba?!" inis na tanong nya at natigilan naman ako! "Nakita mo naman kung pano kaming nagkainitan ni Dein sa loob di ba?! Tapos ikaw pa maghahatid sakin!? Nag-iisip ka ba?!"

Yeah right!

Napatungo ako sa pagkapahiya at hindi nakasagot sa kanya.

"Kaya kung ayaw mong dagdagan.. manahimik ka na lang at bumalik don sa loob.. Maaga pa ang laro ko bukas.. uuwi nako---"

"M-Manonood ako.."

"What!?"

"M-Manonood ako ng laro mo bukas.."

"Bakit!?"

"B-Bakit naman hindi?! Bawal na rin ba??" nakikiusap na tanong ko. "A-Ayaw mo bang manood ako!?"

"Tss.. hindi ka talaga nag-iisip e no!?"

"Look.. yung kanina.. A-Ako na ang magsosorry para kay Dein.. pero wala yun.. Bukas wala na yun.."

"Ikaw bahala.."

"Pein.." habol ko na naman sa kanya.

Damn it!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ba ginagawa 'to!

Kitang kita kong naiinis sya at nagagalit sya sa ginagawa ko pero ewan ko kung bakit meron sa loob kong gustong magpumilit akong gawin 'to!

"I w-want to talk to you.." dagdag ko.

"We're already talking.."

"But there's more that I want to say.. kaya nga a-ako na lang ang maghahatid sayo.."

"What?" salubong ang kilay na tanong nya at natigilan ako.

Ano nga ba?! Ano nga bang sasabihin ko pa?!

Makahalata ka naman Randall.. ayaw nyang kausapin ka kaya manahimik ka na!

Pero.. gusto ko syang makasama..

Kinabahan ako sa naisip ko!

Ano ba 'tong naiisip ko..

"Next time nalang.. palamig ka muna.." mahinang usal nya at saka naglakad papasok ng bahay. Sumunod ako at napatungo ako nung makitang takang nakatingin samin ang lahat.

"Uuwi na ho ako.." pormal na paalam nya sa lahat.

"Ihahatid na kita.." sabat ni Deib at napatingin naman ako sa kanya.

Hindi ko gusto ang narinig ko..

Hindi ko malaman kung bakit naiinis ako nung marinig kong ihahatid nya si Maxpein!

Gusto kong magreact pero hindi ko magawa! Hindi magiging tama ang iaasta ko kapag nagkataon!

"Sige na iho.. ihatid mo na si Maxi.." si Tita.

"Mag-iingat kayo.. salamat sa oras mo Max, iha ha?" si Tito.

"Salamat rin ho sa inyo.."

"Walang-anuman.. Babalik ka ha??" nakangiting tanong pa ni Tito sa kanya at ngumiti naman sya.

Lalo akong nainis!

Sa nakikita ko ay gusto na nila si Maxpein para kay Deib!

Inis akong napatingin kay Deib..

Kung sa kanya sya mapupunta.. ano namang kaya nyang gawin para mapasaya si Maxpein!?

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya ng todo at panoorin ang mga kilos nya!

Hindi man lang naalis mula pa kanina ang paningin nya kay Maxpein at kitang kita kung paanong natutuwa sya sa bawat kilos ni Pein!

Naiintindihan ko ang mga ikinikilos nya..

Dahil ganyan rin ako noon..

Yung parang tangang hindi maalis kay Maxpein ang paningin.. Nakangiti habang pinapanood syang gawin kung ano mang ginagawa nya! Parati akong namamangha sa twing ngingiti sya at parati akong humahanga sa twing tatawa sya! Bawat kilos nya parang gusto kong makita!

Sinasaulo ko ang mga galaw at kilos nya.. Pinapanood ko ang mga reaksyon ng mukha nya! Ultimong expresyon ng mukha nya gustong gusto kong nakikita!

Lahat ng tungkol sa kanya inaalam ko..

Lahat ng bagay na man kinalaman sa kanya interesado ako..

Nakikita ko ang sarili ko kay Deib ngayon..

Dahil kung ano sya ngayon, ganon ako noon..

Lahat ng ginagwa nya ngayon, ginagawa ko noon..

Hindi mo alam kung gaano kaswerte ang tingin ko sa sarili ko noon sa twing maiisip kong girlfriend kita..

Nakaramdam na naman ako ng bahagyang kirot sa dibdib ko nung makita kong alalayan ni Deib si Maxpein sa siko..

"I-Ihahatid ko na muna sya.." natinag ako nung biglang nagsalita si Deib sa harap ko.

"A-Ahh oo.." naisagot ko. "I-Ingat kayo.."

"Salamat.."

"S-Sige.." dagdag ko pa na napatinign kay Maxpein. Blangko ang emosyong nakatingin rin sya sakin.

"Excuse me.." pormal na sambit ni Deib at dun ko lang napansing nakaharang ako sa pinto!

Napapahiyang naitabi ko ang sarili ko at saka nila ako nilampasan..

Nakahinga ako ng maluwang nung maramdaman kong wala na sila..

Pero meron namang lumutang na panghihinayang sa loob loob ko..

Bagsak ang mga balikat na naglakad ulit ako papalapit kay Dein.

"U-Uuwi na rin ako.." mahinang usal ko.

"Sige.."

Napatingin ako kay Dein at nakita kong inis sya.

"D-Dein.."

"Its okay.. just go.."

"A-Are you mad?" mahinang tanong ko.

"Is there something I should be mad about? Should I be mad?"

"O-Of course not.."

"Then.. go.."

"Dein.."

"Take care.." sabi nya at saka naglakad papaakyat..

Gusto ko pa sana syang habulin pero pakiramdam ko napapagod na ako.. Baka mag-away lang ulit kami!

Napatingin ako kina Tita at Tito, ganon na rin kay Manang na kasalukuyang nakatingin na rin sakin.

"Uuwi na po ako.." paalam ko.

"Mag-iingat ka iho.." si Tita.

"Opo.. Salamat Tita.. Tito... Manang.."

"Ingat ka pauwi.." si Tito.

"Salamat po.."

"Ingat iho.." si Manang..

"Thanks Manang.."

"Pasensya ka na sa Chairman ha?" si Tito.

"W-Wala po yun.. sanay na po ako.." nakangitng sagot ko.

"Mmm.. at ang mga sinasabi naman nya ay para rin sa inyo.."

"N-Naiintindihan ko po.."

"O sige na sige na.. Masyado ng gumagabi at baka may pasok ka pa bukas..."

"Sige po.." nakangiting paalam ko at saka ako tumango sa kanila at tumalikod..

Naglakad ako papalabas pero..

Makakasalubong ko ang ngiting ngiting si Deib!

Hinarang ko sya at gulat naman syang napatingin sakin.

"A-Akala ko ba ihahatid mo si Pein??" gulat na tanong ko.

"Mmm.." sagot nya.

"E s-san ang punta mo??" tanong ko at napangiti sya.

"Ahh.. may naiwan lang.."

"A-Ano yun?"

"Regalo ko.."

Regalo!?

"R-Regalo??" tanong ko.

"Mmm.. regalo.."

"A-Anong regalo?? H-Hindi nya naman birthday di ba??"

"Twing birthday lang ba pwedeng magregalo??" sarkastikong tanong nya at natigilan naman ako. "Mmm.. uuwi ka na ba?? Ingat.." sabi nya na tinapik pa ang balikat ko at saka naglakad papasok ng bahay.

Saglit pa akong natigilan at saka naglakad papalabas ng bahay nila..

Pumunta ako sa kotse ko pero bago ako sumakay ay nilingon ko ang kotse ni Deib kung saan alam kong nakasakay si Pein..

Dahan dahan akong lumapit don at kinatok ang bintana..

Nakangiting tinignan ko si Pein.

"Ingat kayo ah?"

"Uuwi ka na rin?"

"Mmm.." nakangiting sagot ko.

"Ingat rin.."

"Salamat..."

"Mmm.."

Asta syang sasarhan na ang bintana pero iniharang ko ang kamay ko don!

"M-Mmm.. d-dumating na nga pala si Tim.." pahabol ko.

"Tim?"

"Yeah.. si Tim.. T-Tim Sales.."

"Ahh.. si Timothy.."

"Yeah.."

"Oh?"

"Mmm.. and he's inviting us over.."

"San?"

"Sa The Barb.. this Friday.." sagot ko at natigilan naman sya.

"Bakiit daw?"

"Magpapaparty sya kasi ikakasal na sila ni Nessa.."

"Ahh talaga.." parang walang interes na sagot nya.

"C-Can you come?" interesadong tanong ko.

Sana pumunta sya.. Sana pumunta sya.. Pumayag ka na.. Pumayag ka..

"Okay.."

"T-Talaga!?!" namamanghang tanong ko at nagtaka sya.

Agad kong inayos ang sarili ko.

"I m-mean.. talaga?" simpleng tanong ko.

"Mmm.. I work there.. Remember?"

"A-Ahh.. H-Hehehe.. e-edi parang makakapunta ka lang k-kasi may p-pasok ka at trabaho sa a-araw na yun?"

"Mmm.."

"P-Pein.. Tim's our friend.. w-wala naman sigurong masama kung makikijoin ka sa kanila..?? D-Diba??"

"Um-okay na nga ako di ba?"

"O-Oo nga.. e p-parang pupunta ka lang kasi dahil may trabaho ka sa araw na yun.."

"Wala akong trabaho nun.. kaya pupunta talaga ko.."

"T-Talaga?"

"Tss.. bakit ba parang hindi ka makapniwala? Are you expecting me not to come?" natatawa'ng tanong nya at natigilan na naman ako para pagmasdan ang tawa nyang yun!

Damn.. I miss watching this..

I miss watching her smile and laugh.. this close..

Napabuntong-hininga ako at ngumiti rin sa kanya.

"N-No.. it's not like that.. hahahaha.." napapahiyang sagot ko at ngumiti naman sya.

"Ehem.."

Napalingon ako sa bandang likuran nung marinig ko ang kunwaring ubo na yun..

Si Deib..

"D-Deib.." usal ko at saka bahagyang lumayo sa bintana ni Maxpein. Napatingin ako kay Deib at sa bibit nya.. Isang katamtaman ang laking paper bag.

Blangko ang mukhang tumingin sya sakin at saka tumingin kay Maxpein.

"Makakaabala ba ako??" nakangiting tanong nya.

"A-Ahh hindi.. u-uuwi na rin ako.. May s-sinabi lang ako kay Pein.." sagot ko.

"I see.. go ahead, take your time.."

"A-Ahh hindi.. Tapos na.."

"I see.. so, I guess I can take her home?"

"Y-Yeah.. Yes of course.. Ingat.."

"Ingat rin.." sabi nya at saka muli akong tinapik sa balikat at naglakad papasok sa pinto nya. "Let's go?" dinig ko pang tanong nya kay Pein na agad tumango at tumingin sakin.

"Sibat na kami.." si Pein.

"S-Sige.. ingat.." pilit ang ngiting sabi ko na kumaway pa sa kanya.

Nung panoorin ko silang papalayo... bumagsak ang mga balikat ko..

Don ko lang naramdaman ang matinding lungkot..

Noon, ako ang naghahatid sa kanya..

Noon, ako ang nagreregalo sa kanya..

Noon, sakin lang sya sumasama..

Noon, hindi ko na sya kailangang yayain dahil kusa syang sumasama..

Noon, hindi ko namimiss ang mga ngiti nya dahil maya't maya kong nakikita..

Noon, ramdam na ramdam kong mahal nya ako..

Pero lahat nang yon.. hindi na ngayon..

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko..

Miss na miss na kita Pein..

Bagsak ang balikat na tinanaw ko sila ulit habang papalayo..

DEIB'S POV

"Let's go??" pilit ang ngiting yaya ko kay Taguro.

"Mmm.." sagot nya na tumango pa at saka tumingin kay Randall at sinarhan ang bintana. PInaandar ko naman agad ang kotse ko.

Hindi ako nagsalita..

At nasasaktan ako dahil nakikita kong palihim nyang tinitignan si Randall sa side mirror habang papalayo kami..

Napahigpit ang kapit ko sa handle ng paperbag at manibela..

Damn it..

Kayanin mo Deib.. tandaan mo ang sinabi nya.. Hintayin mo sya kahit pa nasasaktan ka na..

P-Pero hindi ko naman inaasahang magiging ganito kasakit...

Parang maluluha ako sa nakikita ko kaya naman pinindot ko agad ang music player ko at kunwaring nagfocus sa pagmamaneho..

Napabuntong-hininga ako ng tumugtog ang unang kanta..

Now Playing: From the Bottom of my Broken Heart by Britney Spears

♫ ♪ 'Never look back," we said.. How was I to know I'd miss you so?.. Loneliness up ahead, emptiness behind.. Where do I go? And you didn't hear.. All my joy through my tears.. All my hopes through my fears.. Did you know, still I miss you somehow..' ♪ ♫

Mas nainis ako dahil sa kanta!

Pakiramdam ko ay pinatatamaan ako nung kanta!

Babae pa man rin ang kumanta kaya pakiramdam ko ay si Taguro ang nagsasabi nun!

Ano bang nangyayari sayo Deib, wag ka ngang mag-imagine!

Pero hindi ko maiwasan..

Taguro parang awa mo na.. wag mo na syang tignan.. Ako nalang..

♫ ♪ ' From the bottom of my broken heart.. There's just a thing or two I'd like you to know.. You were my first love, you were my true love.. From the first kisses to the very last rose.. From the bottom of my broken heart.. Even though time may find me somebody new.. You were my real love, I never knew love.. 'Til there was you.. From the bottom of my broken heart.. "Baby," I said, "please stay... Give our love a chance for one more day".. We could have worked things out.. Taking time is what love's all about.. But you put a dart.. Through my dreams through my heart.. And I'm back where I started again.. Never thought it would end ' ♪ ♫

Parang pinatatamaan talaga ako nung kanta e..

Sana naman.. hindi tulad nyan ang nararamdaman nya..

Kanina pa kami nakalayo sa bahay pero nananatiling tahimik si Taguro at nakatingin sa labas ng bintana..

Iniisip nya kaya si Randall?'

Hindi ko taalga maiwasang hindi mag-isip..

d>>_<<b

Ano na kayang naramdaman nya??

Sa tingin ko hindi ko na kailangang magtanong.. dahil nakikita ko na..

Napabuntong-hininga ako at agad namang nangilid ang mga luha sa mata ko..

Si Randall pa rin..

Sunod sunod ang haplos at kirot na yun sa dibdib ko at hindi ko alam kung panong maalis yun..

Pilit kong wag pairalin ang lungkot sa puso't isip ko kaya naman inis akong pinindot ang player at pinalitan ang CD!

Sige.. tignan natin kung yung nararamdaman pa rin ni Taguro ang maging dating sakin nung meaning!

Inis akong pinagpipipindot yung player ko!

Peste.. makisama ka ah! Yung magandang kanta!

Now Playing: God must have Spent a Little More Time on You by N'SYNC

♫ ♪ 'Can this be true?.. Tell me, can this be real?.. How can I put into words what I feel?.. My life was complete.. I thought I was whole.. Why do I feel like I'm losing control?.. I never thought that love could feel like this.. and you've changed my world with just one kiss... How can it be that right here with me.. there's an angel?.. It's a miracle... Your love is like a river.. Peaceful and deep.. Your soul is like a secret.. That I never could keep.. When I look into your eyes.. I know that it's true.. God must have spent.. A little more time.. On you..' ♪ ♫

Hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya...

You changed my world with just one kiss, Taguro..

Hindi na nawala sa isip ko yung lambot at dampi ng labi nya..

"Hindi ko alam na fan ka pala nila.."

"H-Ha??" takang tanong ko sa biglaang tanong ni Taguro'ng yun! Taka akong nilingon sya at ngingisi ngisi syang nilingon rin ako!

"Kalalaki mong tao.. fan ka ni Britney??"

"A-Ano!? H-Hoy!"

"Hahahahahahahahaha!!!"

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa pagkapahiya!

"Sasoundtrip pa ah.." tatawa tawang bulong nya at saka tumingin sakin. "Tapos N'Sync?! Hahahahahahah---"

"H-Hoy! A-Ano naman ha!? M-Masama ba?!"

"Hindi naman.. nakakatawa lang talaga! Hahahahahaha!"

Ano bang nakakatawa?!

Inis akong inihinto sa tabi ang kotse ko at pinanood syang tumawa!

"Mwoya?" mayabang pang tanong nya!

*Translation: Ano!?*

Hindi ko sya sinagot!

Padabog na pinalitan ko ang CD at ibinalik ang kay Britney Spears! Inis akong tinignan ang likod nung Album at hinanap ang isang kanta at ni-play yun!

Now Playing: Sometimes by Britney Spears!

♫ ♪ 'You tell me you're in love with me.. Like you can't take your pretty eyes away from me.. It's not that I don't wanna stay.. But every time you come too close I move away.. I wanna believe in everything that you say.. 'Cause it sounds so good.. But if you really want me, move slow.. There's things about me you just have to know.. Sometimes I run (sometimes).. Sometimes I hide.. Sometimes I'm scared of you.. But all I really want is to hold you tight.. Treat you right, be with you day and night.. Baby all I need is time.. I don't wanna be so shy.. Every time that I'm alone I wonder why.. Hope that you will wait for me.. You'll see that you're the only one for me.. I wanna believe in everything that you say.. 'Cause it sounds so good.. But if you really want me, move slow..There's things about me you just have to know..' ♫ ♪

Inis akong tiningnan sya at parang natawa na naman sya!

"Tch! Pinagtatawanan mo ba ako!?" inis na tanong ko at ngingisi ngisi lang syang pinagmasdan ako! "Alam mo bang lahat ng kantang yan ay may kinalaman sayo?!"

"Tss.. inaano kita?!"

"Tch! Yan! Binili ko yan lahat dahil sayo!"

"Ahh talaga?"

"Oo! Dahil hindi ka mawala sa isip ko!" inis na sabi ko at natigilan sya! "Yang l-lintik na k-kantang yan!" sigaw ko na itinuro pa yung player ko! "Yan! Parang sirang plaka yang nagpapaulit ulit sa tenga ko at kahit ayaw ko kusang pinapatugtog sa radyo!" inis na sigaw ko at natigilan sya at tumitig sakin! "A-Alam mo ba kung ilang beses sa isang araw kung marinig ko yan? Ha?! Alam mo ba?!"

"Hindi.."

"Maya't maya!" sigaw ko!

"Maya't maya naririnig ko yan hanggang sa masaulo ko at nasaulo ko yang pesteng kantang yan ng hindi ko nalalaman! Nasabihan pa ako ng alagad ni Britney Spears ng dahil dyan!"

"Hahahahahahahaha! King inang yan.."

Siraulong 'to.. napapamura pa sa tuwa!

"N-Nung araw na sinayaw mo yan.. n-nung araw na yun! Dun ko nalamang saulo ko na pala yan!"

"Hahahaha talaga? Ayaw mo nun?"

"Tch! Kaya nga inaasar ako ni Tob e!"

"E ano bang kinalaman ko dyan sa kantang yan?!"

"E-Ewan ko rin.." napapahiyang sagot ko.

"Tss.. Baka fan ka lang talaga ni Britney? Dinadamay mo pa ko.. hahahahahaha---"

"Shut up!" inis na sigaw ko at natahimik nga sya! "Lahat ng kantang nagpapaulit-ulit sa tenga ko e walang kinalaman sayo pero pakiramdam ko lagi ay patungkol sayo! Lahat para sayo! Kinakanta ng isip ko para sayo!" inis na sigaw ko sa kanya! "Tapos ikaw.. pagtatawanan mo lang ako at kung anu-anong sinasabi mo!? Tch! Nakakaasar ka, alam mo ba yun?!"

"A-Ano bang nagyayari sayo..??" takang tanong nya at inis akong tumingin sa kanya.

"Anong nangyayari sakin?!" inis na tanong ko at napaatras sya!

"Nauulul ka na ba?!"

"Oo! Sayo!"

"Tss.."

"Kahit kailan.. wala kang kwenta!"

"Hahahahahahaha! Obligasyon ba talaga ng mga nililigawan mo ang kiligin sa mga sinasabi mo?! Responsibilidad ba talaga naming iappreciate yung mga ginawa mo!? Pwede ba Sensui.. masyado kang madrama hahhahahaha.."

Inis akong iniiwas ang paningin ko sa kanya at tuminign sa labas ng bintana..

Bumuntong-hininga ako at saka nagsalita.

"Nagseselos ako e.." nakangusong sabi ko at nilingon nya naman ako.

"Saan?"

"Natatakot rin ako.."

"H-Ha?? A-Ano bang sinasabi mo!?"

"Nagseselos ako dahil nakikita kong si Randall ang tinitignan mo habang papalayo tayo.. At natatakot akong.. mawala yung sweetness mo sakin d-dahil don.."

"S-Sweetness?! K-Kelan naman ako naging sweet sayo!?"

Inis akong nilingon na naman sya!

"N-Nung nasa P-Palawan tayo! Di ba 'sweet' ka sakin non!"

"H-Hindi ah!" inis na tanggi nya!

"H-Hala Taguro! Amnesia agad?!"

"H-Hoy.. hindi ako sweet! Ikaw ang nagbigay ng kahulugan don sa ginagawa ko! Normal lang sakin yun! Sweet lang talaga ang dating sayo kaya mo nasabing sweet! Sinabi ng wag kang assuming e!"

"B-Badtrip ka naman e!" inis na sabi ko at natigilan sya!

Napayuko ako sa paanan ko at pilit na pinakakalma ang sarili ko!

Nababadtrip ako sa kanya!

Parang sinasadya nya na talagang saktan ako e!

"A-Ano ka ba?! Bakit ba nagkakaganyan ka bigla bigla!?" tanong nya!

"E kanina ka pa kasi e.."

"Inaano kita!?"

"S-Sa bahay.. kung asarin mo si Noona.. A-Ang dating sakin nun, inaasar mo sya para mapahiya sya kay Randall at ipakita sa kanyang mas matalino ka sa kanya! Tapos.. nung paalis tayo.. si Randall yung tinitignan mo! Tapos ngayon pinagtatawanan mo ko imbes na iappreciate mo yung kanta ko na tungkol sayo! Puro na lang si Randall! Buset na Randall! Sabihin mo nga sakin.. ano na?! Nagbago na ba agad yung nararamdaman mo!? Si Randall pa rin ba talaga?? Sabihin mo lang saking, OO! Hihinto talaga ako!" nakangusong sigaw ko sa kanya at natigilan naman sya.

Ano bang sinasabi mo Deib!? OA masyado brad..

Nakaramdam ako ng hiya pero mas nahihiya akong bawiin lahat ng sinabi ko!

Baka isipin nya obssessed ka na sa kanya!

Ang kapal naman ng mukha nya kapag naisip nya yun! Hindi naman nya kasing ganda si Britney Spears!

Hindi ko nilabanan ang mga masamang tingin nya sakin. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya!

"Tss.." singhal nya!

"What!?" inis na tanong ko!

"Praning ka rin pala e.."

"H-Ha?"

"Wala kang pinagkaiba sa pasyente ng kapatid mo.. Praning rin.."

"A-Ano!?"

"Kung anu-ano kasing isinusuksok mo dyan sa maliit na kukote mo kaya kung anu-anong naiisip mo!"

"E wag ka rin kasing kumilos ng kung anu-ano dahil ginugulo mo masyado ang isip ko! Alam mo namang lahat ng kilos mo nakikita ko e!"

"Edi wag mo kong tignan!"

"Hindi ko nga kasi mapigilan!" inis na sigaw ko at natigilan sya! "Tch! Bahala ka sa buhay mo----hindi ko ibibigay yung panget na teddy bear sayo! Kala mo ha!"

"A-Ano!?"

"Ewan sayo!"

"Hahahahahaha!" tumawa na naman sya!

Badtrip!

Talagang pinagtatawanan nya lang ako ha!

Bakit may tao'ng kasing sama nya?!

"Mukha kang tanga.. alam mo ba yun??" natatawang tanong nya at nagulat ako!

"A-Anong sabi mo!?"

"Mukha kang tanga.. alam mo ba yun ha?!" inulat nya pa!

Peste talaga! Tibay!

"Kasi.. kung anu-anong iniisip mo tapos isusumbat mo sakin.. Tss.. Kung sa simpleng tingin e nagseselos ka na.. pano pa kaya kapag nalaman mong sa Friday e makakasama ko sya..... baka mamatay ka na?! Hahahahahahaha.."

Friday?! Anong Friday!? Anong meron sa Friday!? Bakit!?

"A-Anong sa Friday!?" inis na tanong ko!

"Dumating yung dati naming kabarkada na ikakasal na.. Magpapaparty sya sa Friday at invited daw kami.."

"Sasama ka naman?!"

"Syempre.. kaibigan namin yun e.."

"A-Ano!? Tch! Bakit ka sasama! Pinayagan ba kita ha!?"

"Nagpaalam ba ko sayo ha?!" natatawang tanong nya!

"Hindi! Kaya nga hindi rin kita papayagan kasi hindi ka nagpaalam!"

"Hahahahhahahahahaha!"

"W-What!!!!"

"Ano ba kita?! Boypren!?"

Hindi ako nakasagot!

"Hoy.. wag na wag mong nililimitahan ang mga kilos ko dahil isa yan sa mga bagay na ayaw na ayaw ko.." nakangiti munit seryosong sabi nya! Natigilan naman ako..

"S-Sorry.." usal ko at saka muling in-start ang kotse ko at pinaandar yun.

Nakaramdam na naman ako sa kirot sa dibdib ko!

Tama nga naman sya Deib.. ano ka ba nya?! Wala naman di ba?! Bakit kasi nagdedesisyon ka mag-isa?! Sa huli tuloy napapahiya ka lang!

Kailan mo ba matatanggap na hindi ka naman nya boyfriend?! At yung nangyari sa Palawan ay naiwan sa Palawan! Wala na kayo sa Palawan kaya tumigil ka na!

Ano ba kasing nangyayari sakin?! Kahit ako nagtataka bakit ako nagkakaganito bigla! Wala ka sa hulog Deib! Haaaaaayyy.. Sana hindi na lang natapos yung Palawan..

Maya maya lang ay nasa kanila na kami.

Mabilis syang lumabas ng kotse at agad ko naman syang hinabol.

"T-Taguro.."

"Oh.."

"S-Sorry.."

"Saan?"

"For being harsh.." sagot ko at nangiti naman sya sakin at tumingin ng deretso sa mga mata ko. Huminga sya ng malalim at saka hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Wag ka kasing mag-isip ng kung anu-ano okay!?"

"E k-kasi.."

"Tsk.. hinintay na nga kita kanina.. Sinamahan pa kita sa inyo.. Tapos ngayon, naihatid mo pa ako dito at ngayon ikaw ang tinitignan ko.. Bakit ka pa nagseselos?!"

"E-Eh p-pano kasi.. ginawa mo nga lahat yun p-pero.. k-kaiba pa rin kasi yung tingin mo kay Randall e.. N-Nakakaselos.."

"Tss.. nakikita mo ba kung anong nakikita ko sa kanya!?"

"H-Hindi! Malamang!"

"Yun naman pala e.. edi wag kang magselos.."

"E ano nga bang nakikita mo sa kanya!?"

"Kung anong nakikita mo sa kanya.. edi yun lang rin ang nakikita ko hehehehe.. Hindi namang pwedeng magkaiba si Randall sa paningin natin---"

"Taguro.." inis na pigil ko sa kanya.

"Oh?"

"Seryoso ako.." seryoso talagang sabi ko at natigilan sya at napabuntong-hininga. Inilabas nya ang sigarilyo mula sa bulsa nya at saka nagsindi ng isa. "Itigil mo na nga yan.." pigil ko sa kanya.

"Sabi ko naman sayo.. wag na wag mo kong lilimitahan.. isang pakiusap lang yan.." nakangiti munit seryosong usal nya kaya wala akong choice kung hindi dumistansya na lang para hindi ko malanghap lahat ng usok mula sa kanya.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kanya. Pinakikiramdaman ko rin ang sarili ko.

"Y-Yung mga sinabi mo kasi sa Palawan.. H-Hindi mawala sa isip ko." biglang usal ko at napatingin naman sya sakin. "M-May nagbago ba sa n-nararamdaman mo ngayong nakita mo si Randall??"

"Bakit mo tinatanong?" tanong nya habang nakatingin sa yosi nya..

"K-Kasi gusto kong malaman..."

"Wag mo ng alamin.." seryosong sagot nya na deretsong nakatingin sakin!

Napapahiyang napayuko na lang ako..

"Ano yung panget na teddy bear na sinasabi mo?" biglang tanong nya.

"H-Ha??"

"Yung panget na teddy bear na sinabi mo kanina.. ano yun?? Sabi mo.. hindi mo ibibigay sakin yun? Nasan yun??"

"H-Ha??" maang-maangang tanong ko!

Ibibigay ko ba sa kanya?!

Pano kung hindi nya magustohan?!

Ang tigas naman ng mukha nya kung hindi pa magustohan yun?! Sya lang ang bibigyan ko ng ganon pag nagkataon!

'At isa pa.. kaya ko binili yun, dahil naalala ko sya!'

Dahil sa kanya.. binili ko yun.. Dahil nakikita ko yun sa kanya! Bwaahahahahahahahahahahaha!

~FLASHBACK~

~KNOCK! KNOCK!~

Baka si Taguro yan!?

Engot! Bakit ka naman kakatukin ni Taguro e ilang oras na ang nakalipas mula nung makaalis sya!

Bagsak ang balikat na naglakad ako papalapit sa pinto..

"M-Mang Pitong??" usal ko nung makita ko sya sa labas ng pinto.

"Oh.. handa na ba ang mga gamit mo??" tanong nya. "Alas kwatro ang flight mo sabi ni Maxwell.. aalis na tayo maya maya dahil mahigit isang oras rin ang byahe sa dagat.."

"A-Ahh opo.. hehehehe.."

Mabilis kong kinuha ang gamit ko at tinulungan naman nya agad ako.

"Kumusta ang paa mo??" tanong pa ni Mang Pitong habang papunta kami sa kwarto ko kung nasan ang mga gamit ko.

"A-Ahh.. nagulat nga ho akong biglang um-okay e hehehehe.. Salamat po.."

"Naipahinga mo yata kagabi e??"

"Oo nga po.. hehehehehe.. Anggagaling nung mga nag-alaga sakin e hehehehehe.." nangingiting sagot ko at ngumiti rin sya.

"Oh.. eto na ba ang lahat ng gamit mo??"

"Opo.."

"Sigurado ka??"

"Opo hehehehe.. Kanina ko pa po chineck ng chineck yan kasi maaga akong nag-empake.."

"Kung ganon e bababa na tayo?"

"Sige po.."

At kinuha na namin ang lahat ng gamit ko, pero bago pa man ako lumabas e chineck ko muli ang buong kwarto at wala na talaga..

Sa Elevator..

"Uuwi na kayo Sir?"

Napatingin ako don sa Elevator Girl..

"A-Ahh hahahaha.. Yes.."

"Sayang naman.. Saglit lang ang stay nyo dito.."

"A-Ahh hehehehe.."

"A-Ako nga po pala si Beang.."

"H-Hi Beang.."

Nawala lang si Taguro.. tsk tsk tsk..

Hindi ko na pinansin yung elevator girl kahit panay pa rin ang ngiti at tingin nya sakin hanggang sa makababa kami..

"Nag-enjoy ka naman ba dito?" tanong ulit ni Mang Pitong.

"Oo naman po hehehehehe.. bitin nga po e.."

"Aba e pwedeng pwede naman kayong bumalik.."

"Paigurado po yan.. hehehehe!"

Panay rin ang bati sakin nung mga clerks at staffs nung Hotel kaya naman ilang minuto rin bago pa kami nakalabas ulit ni Mang Pitong..

"Oh akina at ako na ang mag-aakyat ng mga yan.." sabi ni Mang Pitong.

"A-Ahh ako na po---"

"Hindi na at hindi pa naman magaling ang paa mo.. Sige na.. ako na at kasama ko naman ang anak ko.."

"Salamat po.."

"O sya mauna ka ng sumakay.."

"A-Ahh e.. m-may dadaanan pa po kasi sana ako e?? Pero s-saglit lang po 'to.."

"O sya sige sige.." sabi nya at sumenyas pa. Nagngitian pa kami saka ako patakbo'ng bumalik doon sa mga tyangge..

Ang laki agad ng ngiti ko nung makita ko doon yung Ale na tindera.

"Oh.. akala ko hindi ka na babalik.." bungad nya sakin.

"Heheheheheh.. kailangan ko pong bumalik kasi baka pagsisihan ko kapag hindi ko nabili yang bibilihin ko heheheh.."

"Oh eto.." sabi nya na inilabas yung stuffed toy na bibilin ko. "Meron pang mas maganda dyan kaso ay nabili na kanina pang umaga.."

"A-Ahh.. hehehe.. okay lang po, eto talaga ang gusto ko e.." nakangiting sabi ko at saka itinaas pa sa ere yung stuffed toy.

Hello hehehehehehehehehehe..

"Ang cute mo naman iho... hehehehehehe.."

"Para kang yung anak ko ahehehehehehe.. napapangiti sa twing bibilhan ng regalo iyong nobya nya.."

Pano nya naman nalaman??

"Sa nobya mo yan, hindi ba?" tanong nung Ale habang iniaabot sakin ang paperbag.

"A-Ahh...."

"Hehehehehehe.. matutuwa sya nyan.. kasi naalala mo sya.."

"A-Ahh hehehehehehe.. Sana nga po.. Eto po bayad.." sabi ko sabay abot ng isang libo at saka tumalikod.

"T-Teka iho ang sukli mo---"

"Keep the change.." nakangiting sabi ko at saka kumaway kahit nakatalikod na.

Nakangiting binitbit ko yun hanggang sa makasakay na ako sa yate.

"Oh nabili mo na ba??" tanong ni Mang Pitong.

"Opo hehehehe.." sagot ko na ipinakita pa ang paperbag na bitbit ko.

"Para siguro yan kay Maxpein.."

Alam nya rin?!

"A-Ahh hehehehehehe.."

"Bagay na bagay kayo.."

"Salamat po Mang Pitong.."

"Sana ay makabalik kayo dito.."

"Oo naman po.."

"Sa honeymoon nyo hahahahahahahahaha!"

Loko 'to ah..

Pero.. nice idea.. hehehehehehehe..

~END OF FLASHBACK~

"Hoy!"

"H-Ha??" gulat na tanong ko nung marinig ko ang sigaw nya.

"Ano bang inginingiti ngiti mo dyan!? Nasan kako yung teddy bear?!" inis na tanong nya pa.

"A-Ahh.. hahahahahah w-wala yun.." napapahiyang sagot ko.

Ano na Deib!? Akala ko ba ibibigay mo?!

Hindi na lang.. Badtrip.. Najajahe ako.

Baka sabihin nya na naman.. baduy ako!

"O-Oh.. s-san ka pupunta?!" gulat na tanong ko nung bigla syang tumayo at umastang papasok sa bahay nila.

"Sa loob.."

"H-Ha?! E nag-uusap pa tayo ah?!" inis na tanong ko.

"May kukunin lang ako.. maghintay ka dyan.."

Hindi nya ba ako pwedeng papasukin!?

Inis akong naghintay don!

Mula sa labas ng kotse ko ay tanaw ko sa likuran ang paperbag nung teddy bear na ibibigay ko..

Saka na lang kita ibibigay.. nahihiya ako e.. Baka hindi ka nya magustohan kasi e.. Abnormal kasi yun.. sana maintindihan mo ha?? Hehehehehehehe...

Parang baliw na nagpaikot-ikot ako sa harap ng bahay nila at tumingala nung makita kong namatay ang ilaw sa taas..

Tinanaw ko pa sa pinto ang hagdan para makita ang pagbaba ni Taguro at maya maya lang ay nakita ko nga sya..

"Oh.."

Gulat akong tinignan yung paperbag na ibinato nya!

Saka ako takang tumingin sa kanya!

"A-Ano 'to!?" tanong ko.

"Edi buksan mo.. Tss.."

Taka akong napatingin sa kanya saglit at saka ko dahan dahang tinignan yun paperbag..

Bumilis ang tibok ng puso ko!

*TUGUDUG!*TUGUDUG!*TUGUDUG!*

Nung tuluyan kong mabuksan ay binuka ko lang ang pagitan ng paperbag at saka sinilip ang nandon..

S-Stuffed T-Toy????

Napatingin pa ako kay Taguro at parang balewala na naman sa kanya ang reaksyon ko!

Kaya naman dahan dahan na lang ulit akong tinignan yung stuffed toy!

B-Binili nya ba 'to para sakin???

*TUGUDUG!*TUGUDUG!*TUGUDUG!*

Ibig bang sabihin nun ay n-naalala nya rin ako???

Dahan dahan kong kinuha yung stuffed toy sa loob at saka dahan dahan ring itinaas yun.. Bahagya kong ibinaba sa sahig ang paperbag at saka ko hinawakan sa magkabilang kamay ko ang stuffed toy na bigay nya..

Kulay puti na malaking stuffed toy na may red na ribbon sa leeg.. At may maliit na letter "D" na nakaburda sa bandang kaliwa nito..

Ito na ata ang pinakamagandang stuffed toy na nakita ko...

"P-Para ba sakin 'to??" tanong ko na hindi inaalis sa stuff toy ang paningin.

"Malamang.. alangang ipinakita ko lang sayo? Tss.."

"T-Talaga??" namamanghang tanong ko parin na nasa stuffed toy pa rin ang paningin.

"Oo nga.." mahinang sagot nya pero hindi ko parin sya tinignan! Masyadong maganda yung stuffed toy sa paningin ko! "Buong oras kang nasa isip ko kaya naman naisipan kong bilhin yan para sayo.."

*TUGUDUG!*TUGUDUG!*TUGUDUG!*

Buong oras kang nasa isip ko kaya naman naisipan kong bilhin yan para sayo..

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi nya..

Dahan dahan akong napatingin kay Taguro pero nakatingin sya sa malayo habang patuloy ang paninigarilyo.. pinagmasdan ko pa sya nung itapon nya ang filter at ibuga ang huling usok na hinithit nya.. Dahan dahan rin akong naglakad papalapit sa kanya at saka mabilis na niyakap sya!

"Hindi mo alam kung gano mo ko napasaya dahil dito.." mahinang usal ko at ramdam ko ang pagkagulat nya pero hindi ko yun pinansin.

"M-Masyado naman yatang m-mahigpit ang pagkakayakap mo.." hirap na hirap na usal nya pero mas hinigpitan ko pa!

Mmmmmmmm....

"Tss... u-umalis ka na nga! N-Nahihirapan akong h-huminga!" inis na sabi nya at umalis na ako ng kusa! Umubo pa sya ng bahagya! "Ganyan ka ba matuwa?!" inis na tanong nya!

"Taguro.." pigil ang kilig na usal ko. "A-Alam mo bang konting konti na lang mababaliw na ako kaiisip sayo tapos ganyan pa ang sasabihin mo??"

"Ano?!" inis na tanong nya.

"Papatayin mo yata ako sa tuwa at kilig e hehehehehehehe.." biro ko sa kanya.

"Tss.. baliw ka na.."

"Seryoso ako.." seryosong sabi ko at saka muling tumingin dun sa stuffed toy. "Alam mo bang.. n-ngayon lang ako nakatanggap ng ganito??" namamanghang sabi ko pa at hindi sya sumagot. "Tapos galing pa sayo??? Taguro.. h-hindi ko masabi sayo ngayon k-kung anong nararamdaman ko..."

Hindi sya sumagot pero hindi rin mawala ang ngiti sa mukha ko!

"Tss.. kung magselos ka pa rin.. ewan ko na lang.." nakangising sabi nya na halatang naghahabol ng hininga at hindi ko naman maiwasang hindi matawa.

"H-Hehehehehe.. h-hindi na promise.." nakangiting sabi ko at saka muling pinagmasdan yung stuffed toy. "Itatabi ko 'to pagtulog ko hehehehehehehe.. Ang cute cute mo hahahahahah.." sabi ko dun sa stuffed toy. "Kasing cute mo yung nagbigay sayo.. Simula ngayon.. ako na ang Daddy mo heheheheehe at sya naman ang Mommy mo--------" napahinto ako nung makita kong masama ang tingin sakin ni Taguro. "Daddy mo na lang rin sya hahahahahahahaha.. Pareho kaming Daddy ha?? Hehehehe.. mukha nmaan syang lalake e.." dagdag biro ko.

"Tss.. wag mo kong isali sa mga kaabnuyan mo.."

"Pero.. salamat talaga hehehehehe.. Hindi mo alam talaga kung gano ako kasaya.. kung gano mo ko napasaya Taguro.."

"Okay.."

Inis akong tinignan sya at pasiring na ibinalik sa stuffed toy ang paningin ko..

"Papangalanan kitang.. Tagsen.. Hehehehe.."

"Eh? Tagsen!? Tss.. san mo naman nakuha yan!?"

"Taguro.. Sensui.. TagSen.. Hahahahaha.."

"Korni mo.."

"Tch!" singhal ko sa kanya.

"Tss.. TagSen e nakita mo ng D ang nakalagay dyan.."

"E ano naman!?" nakangusong sabi ko. "TagSen ang ipapangalan ko sa kanya.. TagSen Enrile hahahahahahahahaha.."

"Dugong.."

"W-What!?"

"Dugong ipangalan mo hahahahahahahahaha.."

"A-Abnormal ka!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Tss.."

Bigla kong naalala yung ibibigay ko!

Nakangising tinignan ko si Taguro at nagtaka naman sya!

"Gusto mo ng pangalang Dugong?? Hehehehe.. Maghintay ka dyan.." sabi ko at saka naglakad papalapit sa kotse ko at kinuha yung paperbag ko at nung makuha ko na ay pabato ko ring ibinigay sa kanya! "Oh ayan! Dugong ang ipangalan mo dyan!" natatawang sabi ko.

"A-Ano 'to!?"

"Tch! Edi tignan mo!"

"Tss.."

Mabilis nyang binuksan yung paperbag ko at mabilis nya ring kinuha ang stuffed toy dun.

"Sakin 'to!?" gulat na tanong nya.

"Hahahahahahhahahahahahaha!" malakas na tawa ko. "Hindi ka rin kasi mawala sa isip ko kaya binili ko yan para sayo.."

"Tss.. nag-abala ka pa.."

Siraulo'ng 'to talaga..

"P-Pwede bang magpasalamat ka na lang habang kinikilig?! Abnoy talaga.."

"Tss.. in fairness.. Kamukha mo.."

"A-Anong kamukha ko!? E kaya ko nga yan binili kasi kamukha mo!"

"Tss.. asa!"

"Hahahahahahahaha! Seryoso! Tignan mo.." sabi ko na lumapit pa sa kanya. "Wirdo ang itsura ng Teddy Bear na yan at wirdo ka.. Baduy manamit parang ikaw.. Hindi yan maganda pero hindi rin naman pangit.. Kaya ikaw na ikaw yan hehehehe---"

"E ang sabi mo kanina panget?!"

"P-Pangit nga!"

"Ang cute kaya.."

"N-Nagustohan mo??" hindi makapaniwalang tanong ko!

"Oo naman.. kamukha mo e.."

Hindi ako nakapagsalita!

"T-Taguro.."

"Tss..." singhal nya at saka lumayo!

"B-Bakit lumalayo ka?!"

"Tss.. panay iskor mo e.. nakakailang yakap ka na ah.. Sa susunod na gawin mo yun, may libre ka ng sapak.." sabi nya habang tinitignan yung stuff toy na bigay ko. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang tinitignan sya. "Wag mo kong tignan.."

Nakita nya pa yon?!

Inis na inalis ko sa kanya ang paningin ko at tumingin na lang rin don sa bigay nya..

"Mag-asawa yung stuffed toy natin hehehehehe.." natatawang sabi ko.

"Ha??? Hanep.. Mag-asawa?! E parehong lalaki yan!"

"Ha?! Anong lalaki-----Aww.. Oo nga no??" sabi ko nung mapansing pareho ngang lalaki yung teddy bear namin.

"Better luck next time Sensui.." nakangising sabi nya at saka tinapik ako.

"Edi gusto mong bigyan kita ulit??" pang-aasar ko sa kanya.

"Umuwi ka na.. Late na.."

Tch! Kahit kailan talaga..

"O s-sige.." sabi ko at pinulot yung paperbag na lalagyan ni Tagsen.

"Magkita na lang tayo bukas.. Ingat ka.." sabi nya na astang tatalikod na pero mabilis ko syang nilapitan.

"Taguro.."

"Oh?"

"Salamat ulit.."

"Okay.."

"W-Wala man lang welcome?!"

"Edi welcome.. Tss.. Sige na.."

"Teka naman.."

"Tsk.."

"B-Bukas ah??"

"Anong bukas??"

"B-Bukas.. kita tayo.."

"Tss.. E ano bang sinabi ko kanina?!"

"I-Inuulit ko lang.. hehehehehe.. S-Sabi mo sakin kanina nung nasa Palawan pa tayo.. H-Hihintayin mo ko sa Parking Lot bukas di ba??"

"Tss.. ako pa talaga maghihintay sayo no!? Asteg ka rin ah.."

"Hahahahahahahaha edi ako ang maghihintay sayo.."

"Ikaw bahala.."

"Hihintayin kita ah??"

"Oo----"

"E kung sunduin na lang kaya kita!?" tanong ko.

"Hindi na.."

Minsan na lang e..

"Sige na.. masyado ng gabi.."

"Sige.. hehehehehehe.. S-Salamat ulit.."

"Ingat.."

"Salamat.." sabi ko at saka naglakad papalapit sa kotse ko. "T-Tatawagan kita pagkauwi ko.." nakangiti pang senyas ko.

"Kahit wag na.."

Ang sweet sweet nya talaga!

Nginusuan ko sya matapos nyang sumenyas na umalis na ako kaya naman nakasimangot akong sumakay sa kotse ko! Nakita kong nakatingin rin sya sakin hanggang sa makaalis ako kaya naman natuwa pa rin ako kahit papano hehehehehehehe..

Panay ang lingon ko kay Tagsen na itinabi ko sakin habang nagmamaneho..

"Hehehehehehehe.. Simula ngayon.. hindi ko na kailangang magmukhang tanga dahil nandyan ka na.. May makakausap na ako pag mag-isa ako hehehehehe.. Tagsen.. Tagsen.. Tagsen.. Hehehehehehe.. Gusto mo ba ang pangalan mo ha??" nakangising tanong ko at hinawakan ko pa yung stuffed toy.

Kahit mukhang tanga ay nakangiti pa rin ako hanggang sa makauwi..

"Oh baby, naihatid mo ba ng maayos si Maxi??" salubong sakin ni Mom.

"Opo naman yes, Mom!"

"Wooowww.. mukhang happy ang baby ko ahh?? Yiiieee..."

"Kasi Mom.. binigyan nya ako ng ganito.." sabi ko at pinakita ang gift ko.

"Omo!!! Kyyyaaaaahhhh!! Binigay nya 'to?? Look oh.. may letter D!!"

"Oo nga po e heheheheheh ang sweet nya di ba Mom??"

"Omo.. hahahahaha.. Ang sweet naman pala ni Maxi.."

"Binigyan ko rin sya ng stuffed toy Mom.."

"Really?? Bakit hindi mo muna pinakita sakin??" nakangusong tanong ni Mom at inakbayan ko naman sya kunwari.

"E Mom.. baka kasi sa sobrang cute nun e hingiin nyo pa hehehehehe.. di bale, sa susunod ikaw naman ang bibilhan ko hehehehehe.."

"Yiiieee talaga??"

"Opo naman yes Mom!"

"O sya sige na.. magpahinga ka na at may game ka pa bukas.."

"Sige po Mom.."

Nagpaalam lang ako kina Manang at Daddy at umakyat na rin ako.. Pero bago pa man ako makarating sa room ko..

"N-Noona.." usal ko sa pangalan nya nung makita kong nasa harapan sya ng pinto nya at nakatingin sakin. "A-Anong ginagawa mo dyan!?"

"Can we talk?"

"About what?" tanong ko.

"About Maxpein.."

Hindi agad ako nakasagot at nagtataka pa rin akong napatingin sa kanya. Bahagya ko pang naitago sa likuran ko ang paperbag kung nasaan si Tagsen..

Pinagbuksan ko sya ng pinto at sumunod sa kanya papasok.

Inilapag ko ang gamit ko at saka ako naupo sa sofa ko, naupo rin sya.

Hindi agad sya nagsalita at saglit pa kaming nagtitigan..

"What about her?" seryosong tanong ko.

"I still don't like her.."

"Tch.." mabilis na singhal ko. "If you're gonna ask me to stop courting her.. I'm sorry Noona but---"

"No.."

Natigilan ako at napatingin lang sa kanya.

"I want you to continue courting her and much as possible.. kailangang maging kayo na.. as soon as possible.."

"Ha?!"

"Yes.."

"B-Bakit?!"

"Anong bakit?! Ayaw mo bang sagotin ka nya?!"

"G-Gusto ko pero.. bakit parang minamadali mo naman ako!?" inis na tanong ko at hindi sya nakasagot! "Tch! May kinalaman na naman ba si Randall dito!?"

"Just... do what I said.."

"And why would I do that?!"

"Because.. I want you to do that!"

"No!" inis na sigaw ko. "Pwede ba?! Ano na naman ba 'to?! Noona.. wala na si Randall at Maxpein.. ano pang ikinagaganyan mo!?"

"Hindi ko sya kailanman magugustohan----"

"Walang nagsabi sayong gustohin mo sya! Hindi rin naman kita pinilit di ba?! Nagkusa ka!"

"O-Oo nga Deib pero.. sana maintindihan mo namang ginagawa ko 'to para sating pareho---"

"No!" sigaw ko na naman! "You're selfish, Noona! And you're doing that for yourself! Bukod sa sarili mo wala na!"

"Deib.."

"Ano bang nangyayari sayo ha?! Bakit ba nagkakaganyan ka!? Noona.. wala na si Taguro at Randall! Ano pa bang dahilan para magkaganyan ka!? Sayo'ng sayo na si Randall di ba?!"

"You d-don't understand.."

"Then make me understand!" sigaw ko at napatungo sya. "I can't understand dahil hindi mo pinapaintindi sakin! Bakit hindi mo sabihin sakin ang dahilan at susubukan kong intindihin! Pero kung sasabihin mo sakin na dahil ganito ganyan si Taguro at si Randall.. hindi ka makakaasa sakin!"

"Deib.."

"Noona!" sigaw ko sa kanya at nagita sya! "Noona.. hindi ko mamadaliin si Taguro'ng sagotin ako para sayo.. dahil gusto kong sagotin nya ako dahil gusto nya!! Naiintindihan mo!?"

"Gusto ko lang naman kasing mawala na totally yung chance na magkabalikan silang dalawa D-Deib e!"

"A-Ano ka ba?! Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo ha?! Anong nangyayari sayo?! Alam mo ba kung anong iisipin ni Randall kapag narinig nya yang mga sinasabi mo?! Iisipin nya.. baliw ka!"

"I don't care! Just do what I said!"

"No!" sigaw ko sa kanya na dinuro pa sya! "Don't you dare tell me what to do and how to handle my relationship with Taguro dahil lang dyan sa mga kapraningan mo kay Randall, Noona.. Dahil sinasabi ko sayo.. kapag iniwan ka ni Randall dahil dyan sa mga kabaliwan mo hinding hindi kita tutulungan!"

"Deib naman e!"

"Please! Noona---Please!" sigaw ko na iniharang pa ang dalawang kamay ko! "Wala akong makitang dahilan at hindi ako kumbinsido sa dahilan mo para madaliin kong sagotin ako ni Taguro! Nag-eenjoy ako sa kung ano kami ngayon at masaya ako sa kung ano kami ngayon! Pwede bang wag kang makialam!? Nagkasagutan lang kayo kanina nagkaganyan ka na! Kung anu-ano nang naisip mo! This is crazy!"

Hindi sya nakapagsalita at nanatili syang nakatungo!

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at saka ko sya nilapitan..

"Noona.. please stop.." mahinang bulong ko. "Matagal na silang wala.. Nasayo na si Randall, ano pa bang kailangan mo?? Okay.. I'm sorry.. Hindi ko kayang pagbigyan yang request mo dahil.. ayaw ko rin namang ipahamak ang sarili ko.. ayaw kong pag-isipan ako ng masama ni Taguro.."

"N-Naiintindihan ko.."

"Noona.."

"I'm sorry rin.."

"Bakit ba kasi?" malumanay na tanong ko.

"Hindi ko talaga maiwasang matakot e.."

"Saan nga??"

"Na magkabalikan sila.."

"N-Noona.. Ano bang nakikita mong dahilan para magkabalikan sila?? E nandyan ka at eto ako... kung wala akong pag-asa kay Taguro.. edi umpisa pa lang binasted nya na ako!?"

"E-Eh kasi---"

"Tsk.. wag ka kasing paranoid.."

"H-Hindi naman kasi ganon yun e.."

"Noona.. trust me.. Okay??"

"Psh.." singhal nya at saka tumayo.

"And please.. wag mo na ulit babastusin si Taguro.."

"Sabihan mo rin syang wag akong bastusin.."

"Hindi ka naman nun gaganunin kung hindi ka nauna, Noona.."

"Psh.. whatever.."

Hindi na sya nagsalita at nagderederetso na lang palabas..

Don ako nakahinga ng maluwag! Pero hindi ko talaga sya naintindihan kanina!

Tch..

Hindi ko na inisip pa yon at naligo na ako at pagkatapos ay natulog katabi si Tagsen..

MAX'S POV

♫ ♪ 'Lying in my bed I hear the clock tickin and I think of you.. Caught up in circles.. Confusion, there's nothing new.. Flashback, warm nights.. Almost left behind.. Suitcase of memories.. Time after..... Sometimes you'll picture me.. I'm walking too far ahead.. You're calling to me.. I can't hear what you say.. You say, go slow.. I fall behind.. The 808's on time.. If you're lost, you can look.. And you will find me.. Time after time.. If you fall, I will catch you.. I will be waiting.. Time after time..' ♪ ♫

*Song Title: Time after Time by INOJ*

Nagising ako sa malakas na tugtog kaya naman nakasimangot akong bumangon..

Tss.. si Yaz yan panigurado.. Tsk..

Hindi ko na sila masyadong kinausap ni Naih kagabi dahil pagod na pagod na talaga ako..

Bago pa man ako tumayo ay nahagip ng paningin ko yung stuffed toy na bigay ni Sensui..

Tss.. akalain mong pareho pa naming binilhan ng stuffed toy ang isa't isa?! Korni..

Kinuha ko yun at sinipat na maige na hindi ko na nagawa kagabi..

Simple lang sya pero ayos na rin naman..

Gawin mong itim.. magmumukhang Voodoo doll.. Tss..

Naalala ko kung anong itsura nya kagabi nung makita nya yung stuffed toy na binigay ko sa kanya..

Tss.. parang bata.. Simpleng bagay, tuwang tuwa..

Saka ko muling tinitigan yung bigay nya..

Parang pamilyar ka sakin ah??

Muli kong tinitigan yung stuffed toy at..

"Tss.." napasinghal pa ako sa sarili ko nung maalala ko kung san ko yun nakita!

Sa Palawan rin... Akalain mo nga naman.. iisang tindahan lang pala binilhan namin..

~FLASHBACK~

"Hoy.." si Naih. Nilingon ko naman sya. "Bakit mag-isa ka na lang dyan?! Nasan na si Sensui!?"

"U-Umakyat na.."

"Oh?! Bakit?"

"Ewan ko.."

"Hmmm.. nag-away kayo?!"

"Hindi.."

"Ows?!"

Hindi ko na sya kinausap pa..

Maya maya..

"Tara don.."

"San!?"

"Don.." turo nya kung saan namin hinatid yung bata'ng nawawala kanina.. "Nakita ko maraming tyangge don... bibili akong souvenirs.. heheheheheheh.."

Hindi ko na sya sinagot at tumayo na lang ako at nagpunta na nga kami don..

"Teka.. eto.. eto.." sabi nya na nakaturo sa mga keychain. "Bibilan ko sila Michiko hehehehehehe.."

At nag-umpisa na syang pumili ng mga bibilihin nya. Nanatili naman akong nanonood sa mga ginagawa nya.

"Tara don.." yaya nya nung matapos na sya.

"Teka.."

"Bakit? May bibilin ka?"

"Bilan mo rin si Lee.."

"A-Ano!?"

"Bilan mo rin kako si Lee.."

"Psh! At bakit ko naman bibilhan yun!?"

"Bilhan mo na.. bibilan ko rin si Sensui.."

"H-Ha?!"

"Tss.."

Hindi ko na sya pinansin at nagpunta na lang ako don sa kabilang tyangge..

Tinignan ko kung anong mga tinda nung Ale na nakangiti na agad sakin..

Puro stuffed toy ang tinda nya at lahat ay magkakaiba..

Napansin ko ang isa..

Simple lang pero medyo malaki.. Yun na ata ang pinakamalaki sa lahat ng nandoon.

"Maganda ang isang 'to.." sabi nung Ale don sa tinitignan ko at inabot nya yun sakin kaya kinuha ko.. Don ko lang nakita na may Lette D sya sa harap. "Mura lang yan.."

"Kukunin ko na.."

"Talaga? SIge sige hehehehehhe.."

~END OF FLASHBACK~

~KNOCK! KNOCK!~

"Hoy Maxpein! Gising ka na ba?! Mag-aalas siete na!" sigaw ni Naih mula sa labas ng kwarto ko.

"Maliligo nako.." sigaw ko.

"Sige sige.. bilisan mo.."

At inilapag ko na yung stuffed toy na bigay ni Sensui at saka ako naligo..

Mabilis akong kumilos at nung pagkababa ko ay bihis na sina Naih at Yaz at nag-aaway na..

"E sa gusto kong sumama e!"

"Nakakagulo ka lang nga kasi don!"

"What!? Excuse me!? Kailan kita ginulo?! Duh!?" nakapamewang pang sigaw ni Yaz kay Naih.

Hindi ko sila pinansin at nagderetso ako sa dining table para magbreakfast.

"Wag ka ng sumama! Saka ka na sumama!"

"Gusto ko nga kasing makita yung bagong school nyo!"

"Fine! Pero promise me na hindi mo guguluhin si Deib!"

"Whatever! Wala kang magagawa kung gusto kong sumama!"

"Masyado ka kasing malandi!"

"Shut up, Zarnaih! Psh!" sigaw ni Yaz at saka naupo sa harap ko. "Good morning Maxpein.."

"Mmm.. morning.."

"Haaay nako.. ang papansin kong kapatid.. ayaw kong pasamahin sa school nyo at baka guluhin ko lang daw si Deib! Ang OA nya lang di ba?! As if namang nakikijoin ako sa kanila ng teammates nya sa basketball court kaya nya nasabing ginugulo ko si Deib!"

Hindi ko sya sinagot!

"Kasi panay ang habol mo kay Deib e hindi ka naman pinapansin!" biglang singit ni Naih na kumain na rin.

"E bakit ba kasi panay rin ang pakikialam mo!?"

"Dahil ako ang nahihiya para sayo!"

"Aneeeeyyy ba yan mga teh! Ang ingay!"

Sabay sabay kaming napalingon sa hagdan at nakita naming pababa si Beka.

"Ang gaganda nyo pero napakabubungangera nyo jusmeh!" dagdag nya pa! "Puyat pa naman ang mga bakla.." at saka sya dumeretso at naupo sa harap ko. "Kumusta naman?! Namiss kita ah!? Nasa iisang bahay tayo pero madalang tayong magkita hahahahhaha.."

"Okay naman.."

"Mukha nga e.. Hindi pa ba tapos ang sportsfest nyo?"

"Mmm.. may two weeks pa.."

"Ang tagal pala talaga nyan ano?? Nako.. edi matagal pa pala talaga bago kayo makapasok?"

"Mmm.."

"Kumusta na nga pala ang TB??" singit ni Naih.

"TB??" si Yaz.

"Shut up.." singhal ni Naih sa kanya at nginusuan naman sya ni Yaz. "Pakisabi na lang kila Barb na after nito.. babawi na talaga kami.."

"Hay nako.. hahahahaha.. Bebenta naman ang TB kahit wala kayong dalawa ano! Hahahaha charot! Pero ang hina ng benta ngayon.. Pano, lahat ng students e nasa sportsfest nyo!"

"Hahahahahahaha talaga?!" si Naih.

"Oo at nakakaloka! Hindi tuloy mabiyayaan ng gwapong lalaki ang mga bakla ngayon! Hindi nakakainspire magtrabaho! Panay shokoy ang gumugora sa TB!"

"Hahahahahahaha e nasan pala si Boy!?"

"Pumasok na ang bakla at sya ang mag-oopen ng Cafe ngayon.."

"Ganon ba.."

Nagkwentuhan pa kami saglit at maya maya lang ay paalis na kami papasok.

"Wag kang malikot dahil talagang ihuhulog na kita at hindi ako nagbibiro!" sigaw ni Naih kay Yaz.

"Edi kay Maxpein na lang ako aangkas!"

"Asa! Hahahahaha ano ka chickz?! Duh!?"

"Huh!?"

"Hindi nag-aangkas yan!"

"E bakit yung kapatid nya?!"

"Duh?! Kapatid nya yun!"

"Whatever.."

Hindi ko na sila pinansin at nagdrive na lang ako papasok..

~BROOOOOOOOOOOOOOOOM!!!!~

BIS Parking Lot..

I miss this place..

Saglit ko pang pinagmasdan ang buong Parking Lot pagkababa ko ng motor ko..

Kahit walang nagbago sa itsura ay parang naninibago ako..

Nung marinig ko na ang maiingay na sigawan nung magkapatid at tunog ng motor ni Naih ay kinuha ko na ang mga gamit ko at isinukbit ang bag ko sa likod ko..

~BRIZK! BRIZK!~

Agad kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko nung magvibrate yun..

~Randall Calling..~

Pano naman nito nakuha ang number ko?!

"H-Hello?!" sagot ko.

"Hi.. good morning.."

"Pano mo nakuha ang number ko?"

"Aren't you going to greet me first?" natatawa pa kunwaring tanong nya.

"Tss.."

"Hahahaha.. I got from your brother.."

"Si Maxwell?!"

"Si Maxrill.."

"Eh?! Pano!?"

"I called him.. meron syang number sakin.."

Hindi na ako nagsalita..

"Anyway, I just called to say good luck.."

"San?"

"Sa laro mo ngayon.."

Tss.. akala ko ba manonood sya?!

"Thanks.." sagot ko na lang.

"Hindi ako makakanood kasi.. kailangan ko pa lang magduty ngayon.. actually nasa duty nako.."

"Okay lang.. sige, papasok na ako.."

"Galingan mo ah?"

"Bye.."

At ibinaba ko na ang cellphone..

Tss.. hindi naman kita niyayang manood.. ikaw ang nagsabing manonood ka kaya hindi ko na kawalan kung hindi ka manood..

"Good morning.."

Napahinto ako sa ginagawa ko at dahan dahang napalingon sa likuran..

SI SENSUI..

May usapan nga pala kami..

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi naman.. kararating rating ko lang rin nung dumating ka hehehehe.. Good morning.."

"Mmm.. morning.."

"Waaaaaaaaaaaaaa si Deeeeeeeiiibbb!!!"

Patakbo'ng lumapit si Yaz sa kanya at naiilang naman nginitian sya ni Sensui na sumusulyap pa sakin.

"G-Good morning.." bati ni Sensui kay Yaz.

"Yiiieee sumama ako dito para panoorin ka hehehehehe.."

"A-Ahh hehehehe.."

"Ang aga mo naman?"

"Mmm.. h-hinintay ko si Max.."

"Ayy.. ganon?"

"Mmm... hehehehehe.."

"Ang aga aga.. brokenhearted ako haaaayyys.."

"H-Ha??"

"Wala!" sigaw nya kay Deib at saka nagwalk-out.

"A-Anong problema nun?" tanong ni Sensui at nagkibit-balikat naman ako. "Akina yung gamit mo.. ako na ang magdadala.."

"Ako na.."

"Ako na.. Please?"

"Tss.. ako na.. at wag kang makulet.."

"Tch.. bad mood ka ba??"

"Hindi.. kung hindi ka magkukulit.."

"Okay hehehehehehehe.. Ang cute cute mo kaya wag kang sisimangot.. nawawala ang inspirasyon ko e.."

"Wag ka ring mag-ingay.."

Naglakad kami sabay sabay papasok..

Nahuhuli samin sila Yaz at Naih pero rinig na rinig pa rin namin ang sigawan nilang magkapatid..

"Nakatulog ka ba ng maayos?" biglang tanong na naman ni Sensui.

"Oo.."

"Talaga?! Hehehehehehe.. ako rin e.. Salamat kay Tagsen.."

"Tss.."

"Ang sungit mo.." singhal nya at hindi ko naman sya sinagot. "Wala pa rin bang pangalan yung stuffed toy mo??"

"Wala.."

"Tch.. ang aga aga ang sungit mo.. Dapat nga matuwa ka dahil nakatulog ka ng maayos dahil don sa binigay kong stuffed toy sayo hehehehehe.."

"Tss.. asa.."

"A-Anak ng.. wag mo sabihing.. h-hindi yun ang dahilan kaya ka nakatulog ng maayos?!"

"Hindi naman talaga.." pigil ang tawang sagot ko.

"A-Ano!?" gigil na tanong nya. "E ano!?"

"Pagod ako e.."

"W-What!? Grrrrrrr! Taguro!"

"Pwede bang wag kang maingay?!" inis na sabi ko sa kanya.

Mabilis akong naglakad at maya maya lang ay nakasalubong ko sina Jigz at Josh sa quadrangle..

"San tayo?" tanong ko.

"Don.." turo ni Jigz sa Billiard Hall.

"Don ang room natin??" tanong ko.

"Oo.."

Hindi ko na sila pinansin at mabilis nakong naglakad papunta don.. Mabilis kong inilapag ang mga gamit ko at saka inilabas ang tako ko para ayusin yun.. Maya maya lang ay pumasok na rin si Sensui.

"Bakit mo ko iniwan!" sigaw nya. Hindi ko naman sya sinagot. "Hoy Taguro!"

"Deib.. wag mo munang guluhin si Max.." si Naih.

"H-Ha?? Bakit?"

"May mga oras talagang ganyan sya sa umaga.." dinig kong bulong pa ni Naih.

"E-Eh anong gagawin ko??"

"Pumunta ka na lang muna sa room nyo.. may laro rin kasi kami di ba?"

"Tch.."

~KNOCK! KNOCK!~

Agad akong tumingin sa pinto at nakita ko si Coach.

"Oh.. Enrile.. what are you doing here?!" salubong ang kilay na tanong nya kay Sensui.

"A-Ahh Coach.."

"Aga aga mo namang mamanhikan!?"

"C-Coach naman.."

"Tsk tsk.. Oh Marchessa? Del Valle?? Are you ready!?" baling nya samin.

"Yes Coach.."

"Good.. Luna ang kalaban natin.. bilisan nyo na dyan at nandon na sila sa Gym.."

"Sige Coach.. susunod na kami.."

"Sige.. Hoy Enrile.. Magprepare ka na rin dahil after ng laban nila ay tayo naman.."

"Y-Yes Coach.."

"Mamaya ka na manligaw kapag nanalo ka na.."

"Hahahahahhahahaha!" nagtawanan silang lahat maliban sakin at kay Sensui.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at saka ako tumayo nung matapos.. Mabilis namang lumapit sakin si Sensui.

"Hoy sunget.. galingan mo ah?! Manonood ako.." nakangising sabi nya at saka naglakad papalabas ng Hall.

Pasiring akong inalis ang paningin ko sa nilabasan nya at saka tumingin kay Naih.

"Bilisan mo dyan.." sabi ko at saka naglakad papalabas.

"Anong problema nun?!" dinig kong tanong ni Yaz pero hindi ko na sila pinansin..

Ako man ay hindi ko malaman kung bakit biglang nag-iba ang mood ko..

Parang may mali lang talaga akong naramdaman bigla..

Pumasok ako sa Gym..

"Kyaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Tagurrrroooooo!!!"

"We miss youuuu!"

"Leggooooo BIS!!"

"Gooo Lunaaaa!"

"BIS!"

"LU!!"

"Gooo gooo gooo Tagurooooo!!!"

"Parrrroooottt!!!"

"Taguro Brotherrrsss!!!!"

Pakiramdam ko ay ang tagal ko ring hindi nakarinig ng ganitong ingay.. Masyadong tahimik ang naging bakasyon ko kaya naman naririndi ako sa ingay na 'to ngayon..

Mabilis na lumapit sakin si Naih at sabay kaming naglakad papalapit sa mga table at nakita agad namin ang kalaban..

Tulad dati ay nagsalita ang announcer tungkol sa mga rules at kinausap rin kami ng referee..

Mabilis ring nagsimula ang game at medyo nahirapan kami..

"Hoy.. okay ka lang ba???" tanong sakin ni Naih nung mapansin nyang sunod sunod ang sabay ko..

"Oo naman.."

"Kanina ka pa pumapalya e.."

"Wala ata ako sa mood.." sagot ko.

"Kanina ka pa wala sa mood.. ano bang nangyari sayo!? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo!?"

"Wala.."

"E bakit ka ganyan?"

"Ewan ko.."

Hindi na kami nagpansinan at pinanood na lang namin yung kalabang tumira..

Pero nakakailang tira na sya at hindi na kami nakatayo ni Naih!!!!

Ending..

TALO!

"Aaaaahhh.." parang nanghihinayang na sigawan ng crowd.

"Anong nangyari!?"

"Talo!"

"Bakit?!"

"Hindi ko alam.."

"Sayang naman.."

"Bakit nagkaganon!?"

"Anong nangyari sa kanila?!"

"Kung kailan naman nasa BIS na.."

"Huhuhuhu sayang naman.."

"All one naman e.. bawi na lang.."

"Nako.. pano pa kapag BIS na ang kalaban?!"

Hindi ko pinakinggan ang mga naririnig ko at naglakad ako pabalik sa Hall.

"Hoy Max.." dinig kong habol sakin ni Naih.

"Ano bang nangyayari sayo??"

"Tss.. hindi ko maintindihan.. Biglang pumangit ang pakiramdam ko.."

"Ha?!"

Totoo ang sinabi ko sa kanya..

Parang nagkusa ang katawan ko.. Biglang nawala sa mood at hindi ko maintindihan kung bakit.. Ultimong ako ay kinakabahan sa biglang pagbabago ng mood ko na hindi ko mawari kung anong pinagmulan..

"Baka nagselos ka kay Ate at Deib kanina?!"

"Ano?!"

"Baka kako nagselos ka kina Ate at Deib kanina!"

"Tss.. hindi.."

"Ows?!"

"Hindi nga.."

"E yun lang naman ang posibleng dahilan para magkanyan ka e!?"

Napatingin ako sa kanya at saka ko pinakiramdaman ang sarili ko..

Tss.. bakit naman ako magseselos?! E wala naman silang ginawang nakakaselos sa harap ko?! Engot 'to..

"Hindi nga ganon yun.."

"Hay nakoooo nakooo nakooo Maxpein.."

Bakit nga ba kasi nagkaganon!? Pati tuloy laro ko apektado!

"Taguro!"

Sabay kaming napalingon sa likuran ni Naih at nakita namin si Sensui'ng salubong ang kilay at papalapit samin!

"Anong nangyari sayo!?" tanong nya.

"Tss.. bakit ba ganyan kayo magsitanong?! Bawal ba akong matalo!?" inis na tanong ko.

"H-Hindi naman sa ganon pero kasi.. nandon ako e.. Nanood ako.."

"O-Oh e ano naman ngayon!?" tanong ko.

"Edi dapat inspired ka!"

"Asa!"

"Hahahahahahahahahahah!!!" malakas na tawa ni Naih. "Hanep sa confidence Sensui ah?! Hahahahaha! Easy lang brad.. baka plumakda ka hahahahaha.."

"Tch! Isa ka pa e! Bakit hindi mo pinanalo!" sigaw ni Sensui kay Naih.

"A-Aba! Kung makapagsalita ka.. bakit?! Bawal ba kaming matalo ha?!"

"H-Hindi naman.. n-nakakahinayang lang kasi.."

"Psh! Wag kang mag-alala dahil hindi na mauulit yun.. di ba Max?!"

Hindi ko sila sinagot.

"Oh e ano pang ginagawa nyo dito?!" biglang tanong ni Sensui.

"At bakit?? Nag-uusap kami e!" si Naih.

"Baka may laro ako!?"

Napatingin kami sa kanya..

"May laro ba kayo!?" tanong ni Naih.

"Oo! Kaya nga sumunod ako dito dahil paniguradong nakalimutan nito!" turo nya sakin!

Nalimutan ko nga..

"Hahahahaha o sige sige manood kami! Tara Max!"

"H-Ha?!"

"Tara kako!"

"S-Sige sige.."

"Anong sige!? Tara!!!!!!!!" malakas na sigaw nya at hinila ako..

"Kyaaaaaaaaaaaa!!!"

"Gooooo BIS!!"

"Goooo Gooo Gooo BIS!!!"

"BIS for the win!"

"Sure win na yan!"

"Home court e!"

"Goooo Deib!!"

"We looove youuuu Deib!"

"Gooooo Lee!!!"

"Waaaa galingan moooo Tooooobbb!!!!"

At ayun na naman ang maiingay na tilian ng mga babae't bakla at sigawan ng mga lalaki.. Naupo ako sa isa sa mga bench katabi nina Michiko, Migz at BJ habang kinakausap ni Coach sila Sensui..

At doon ko lang napansin..

"Luna rin pala ang kalaban nila?" bulong ko kay Naih.

"Ahh oo nga noh?!"

Mula sa kinauupuan ko ay natanaw ko si Kev Gonza at team mates nya na kasalukuyang nag-uusap-usap rin..

~PRRRRRRRRRIIIITTTT!!!!~

Malakas na pito ng referee..

"Leeeeeeet's goooo BIS!!!" sigaw ng mga players namin.

"Taguro.."

Napatingala ako ng madinig ko ang malambing na boses na yun ni Sensyu..

Ayan na naman yang lintek na malambing na yan! Sinabi ng hindi malambing e!

"Oh?" tanong ko.

"Wag mong aalisin sakin yang paningin mo ah??" bulong nya.

"Yiiiieeee ang sweeeetttt!!!" tukso ni Michiko.

"Tss.. maglaro ka na lang.."

"Dahil lahat ng tira ko.. para sayo.. hehehehehehe.."

"Hoy.. matouch ka naman.. nilalambing ka ni Sensui oh.." bulong ni Naih.

"Sige na.. galingan mo.." salubong ang kilay na sabi ko at nginitian lang nya ako!

Maya maya lang ay nagsimula na sila..

Pero hindi pa man tumatagal ang laro ay mukhang nagkakainitan na!

Anong problema nito?!

Kapansin-pansin kung paanong binabalya ng binabalya ni Kev Gonza si Sensui!

"Hala.. foul na dapat yun si Gonza ah! Nakita mo yun?! Tulad na yung ginagawa nya kay Deib e!" sigaw ni Michiko pero hindi ko sya pinansin at patuloy ko na lang pinanood ang laro.

Mabilis na tumatakbo sina Lee at Deib kasunod ni Tob.. humahanap sila ng tamang timing para maipasa ni Tob ang bola kay Lee na ipapasa kay Sensui para mahulog! Pero nagawa ng ipasa ni Tob ang bola kay Lee ay hindi pa rin makakawala si Sensui sa bakod ni Kev Gonza! Mapapansin mo talagang hindi basta basta pambabakod ang ginagawa nya!

"Ano bang ginagawa nung referee! Hindi tumitingin sa paa!" si Migz!

"Ang daya! Hooooyyy ang dadaya nyo! Tignan nyo! Tinatapakan ni Gonza si Deib oh!" si BJ!

Napatingin ako sa paanan ni Sensui pero hindi ko nakita ang pagtapak ni Gonza na sinasabi nila kaya naman mas tumingin pa ako ng maige sa kanila! Sinubukang ipasa ni Lee ang bola pero naagaw agad ni Jermayne Orquiza na agad ipinasa kay Gonza and they scored!

"Kyaaaaaaa goooo LU!!!"

"Gooo Keeevvv!"

"We looove youuuu Keeeevvv!!"

Bakas ang inis sa mukha ni Sensui kaya naman mabilis syang tumakbo para bakuran si Gonza pero kapansin pansin na parehong salubong ang kilay nila at bahagyang nag-uusap pa! Maya maya ay kakaiba na ang dating ng balyahan nila at...

WTF??

Malakas syang tinulak ni Gonza!

Napatayo kaming dalawa ni Naih at napatingin sa kanila!

~PRRRRRRRIIITTT!!!~

Malakas na pumito ang referee!

"Foul!" sigaw nung referee!

"Ano bang problema mo!" malakas na sigaw ni Sensui na tumayo para itulak rin si Gonza!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ba ako nang ako ang binabantayan mo!" si Gonza!

"Ano?! Bobo ka ba?!"

"Sinong bobo?!" malakas na sigaw ni Gonza at sinapak si Sensui!

~PRRRRRRRRRRIIITTT!!! PRIIIIITTTTTTTTT!!!!~

"Araaaaaaaaaaaaaaaayyyy!!!!"

Napaigtad ako nung marinig ko ang malakas na sigaw ni Sensui at mabilis akong naglakad para hawiin yung mga humarang sa kanila at kitang kita ko kung paanong tinapakan pa ni Gonza ang paa ni Sensui! Yung paa nyang namamaga kahapon lang!

WTF??

"Deib!" sigaw ni Tob at Lee saka tinulungan si Sensui na namimilipit sa sakit!

"Wag kang yayabang yabang sa harap ko Enrile dahil matindi pa dyan ang aabutin mo----"

"Woi.." sita ko kay Gonza dahilan para lingunin nya ako.

"Destiny.." nakangising usal nya matapos humarap sakin. At saka dahan dahang sumeryoso ang mukha nya at sumama ang tingin sakin dahilan para mas talasan ko ang tingin ko sa kanya. "Gago ka.. pinaikot mo ko.. Moon ka rin pala?!" biglang sigaw nya.

"Hindi ka kasi nagtatanong e.."

"Bakit hindi ka nagpakilala!?" galit na tanong nya. "Para mapahiya ako?! Para magulat ako kung sino ka talaga! Ano?! Ganon ba?! Ha?!" sabi nya na tinutulak tulak ako! "Kilala mo ba ako ha?! Alam mo ba kung sino ako!?"

"Magugulat ka ba kung sasabihin kong.. Oo?" sarkastikong tanong ko at nagitla sya. "Oo.. kilala kita.. ng higit pa sa inaakala mo.."

Natahimik sya at nanatiling masama ang tingin sakin.

"Who are you..??" nanginginig ang mga panga'ng tanong sakin ni Gonza.

"You'll die if I tell you..." seryosong sagot ko na nakatingin ng deretso sa mga mata nya.

Nanaig ang tensyon sa pagitan naming dalawa at halos hindi na namin marinig ang ingay na nagmumula sa paligid namin.. Parang umikot ang paligid at animong kaming dalawa lang tao sa ibabaw ng court na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 243K 65
AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
8.3K 243 62
LIEZIANA CASTORA isang normal na babae as in normal utak nya lang hindi Normal ang buhay nya until dumating ang araw na niyaya sya ng crush nya n...
515K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...