Said I Love You, But I Lied

By master_anoch

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... More

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 5
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 10

304 8 4
By master_anoch

Chapter 10:

TONI's POV

Habang papasok sa loob ng bar, unti-unting nabubuo sa isip ko ang gagawin kong plano. Binibigyan na ako ng tadhana ng pagkakataon kaya susulitin ko na. Kakampi ko ang tadhana ngayon. Kakampi ko nga ba?

This is my time to shine. And I want to shine like a diamond in the sky. Ano ba yan, bakit napapakanta ako? Baka mamaya magalit pa sa akin si Anne Curtis. Sya lang ang may karapatan. Anong karapatan? Tanungin nyo si Anne.

Bago pumunta sa bar counter, dumiretso muna ako sa locker area. Kailangan kong magsuot ng aming working shirt. Walang iba kundi ang kapita-pitagang black polo shirt na uniform naming mga bartender, na may pangalan ng bar ni Boss sa may kaliwang dibdib.

Pagpasok ko ng locker si Darwin kaagad ang una kong nakita. Since magkatabi lang ang aming locker, tumabi ako sa kanya. Hindi nya ata ako napansin. Hawak nya ang kanyang cellphone.

“Kanina ka pa Dong?” Wala syang reaksyon.

Binuksan ko ang aking locker at nilagay ang aking mga gamit sa loob. Hawak ko na ang aking uniform ng muli akong mapatingin kay Darwin. Biglang napaangat ang kanyang kamay pero nabitin lang sa ere. Tinitigan ko syang mabuti. Di kaya tulog ang isang ‘to? Tapos nananaginip lang?

“HOOY DARWIN!”

“Uy Toni. Ikaw pala. Kanina ka pa dyan?”

Tingnan mo ang isang ito. Kanina tulala tapos ngayon naman todo ngiti. Hindi kaya nababaliw na ito? Parang timang, OA ang ngiti. Wala nga ata ‘to sa sarili.

“Kahapon pa ako dito. Ikaw, kanina ka pa dyan?”

“Ikaw talaga. Puro ka biro.”

“Hindi kaya biro yon. Kahapon pa talaga ako dito.”

Hindi ko sya narinig sumagot. Bago ako pumasok sa cr na nasa loob lang din ng aming locker room nakita ko pa syang muling sumulyap sa hawak na cellphone at parang batang nagpapadyak. Ayy malala na ang isang ito.

Teka? Baka naman may problema itong si Darwin.

Pagkatapos kong magpalit ng uniform, lumabas na ako ng cr. Nakatulala pa rin si Darwin. Ngayon naman sa kisame na sya nakatingin. Malamlam ang kanyang mga mata, at nangingitim ang ilalim. Hindi tulad dati na mata pa lang nya masigla na. Iyong nangingitim ang mata, normal na sa kanya yon. Panggabi ang trabaho namin kaya kulang talaga kami sa tulog. Puyat lagi.

May problema nga ang isang ito. Muli akong naupo sa tabi nya. Hindi na naman ako naramdaman. Multuhin ko kaya ito ng maramdaman ako?

“Problema?” Tiningnan ko sya pero sa kisame pa rin sya nakatingin. “Ano bang meron sa kisame? Sideline mo na rin ba ngayon ang pagbibilang ng butiki?” May nakita akong dalawang butiki sa kisame. PBB teens lang ang dating. Ang lalandee. Hindi man lang mga nagtago. Dumisplay pa talaga sa kisame.

Hindi pa rin ako pinansin ni Darwin, kaya napapitik ako sa kanyang harapan.

“Uyy Toni--”

San ka na nakarating? May pasalubong ka ba sa akin?” Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Hindi ako sanay na tahimik sya, baka mamaya, na-eengkanto na pala sya wala pa kaming kaalam-alam.

“Pasensya ka na. May iniisip lang talaga ako.” Medyo nahihiya nyang sagot, saka napakamot sa ulo.

“Ano ba problema mo? Huwag ka ngang seryoso. Hindi bagay sa’yo ang emo.”

“Sa tingin mo ba, papayagan kaya ako ni Boss mag-advance ng tatlong buwan kong sweldo?”

Psss. Problema lang naman pala sa pera. Sobrang seryoso naman nya, para pera lang.

Napabalik ang tingin ko kay Darwin. Oo nga’t working student sya, dahil hindi naman sila mapera, pero sa loob ng matagal na panahon ko syang nakasama dito sa bar, ngayon lang sya namroblema sa pera. Siguro nagiging problema na rin nya ang pera noon hindi lang sya nagsasabi.

Nag-aaral sya sa umaga tapos nagtatrabaho naman sa gabi. Ang kapatid nya scholar sa dati kong school, pero never syang dumaing ng tungkol sa pera. Ngayon lang.

“San mo ba gagamitin?”

“Nasa ospital kase si Papa. Kailangan namin ng pera.” Ang lungkot lungkot ng boses nya.

“Anong nangyari sa Papa mo?”

Ang alam ko nagdadrive ng tricycle ang Papa nya base na rin sa kwento nya. Tulad ko ulila na rin sila sa ina. Tatlo na lang sila sa pamilya. Parang kami din. Ako, si Daddy at si Ate. May bonus kapamilya nga lang kami. Si Jaypee.

“Ayon sa doctor malala na raw ang kanyang sakit sa bato. Kailangan nyang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi namin alam na may sakit na pala sya. Siguro nahihiyang magsabi sa aming magkapatid.”

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagpiyok ng boses nya. Ano ba yan. Ayoko pa naman ng ganitong topic. Allergy ako sa mga sensitive issue lalong lalo na kung tungkol sa pamilya. Ayoko ng mala-MMK na buhay.

“Huwag ka na ngang magdrama dyan. Hindi bagay sa’yo.”

“Si Papa na lang ang kasama namin sa buhay. Paano na kami kung pati sya mawawala pa?”

“Ano ka ba, hindi naman kagad mamamatay ang Papa mo. Excited ka. Huwag ganon. Papa mo yon.” Hindi sya tinablan ng biro ko. Lalo lang nalungkot ang hitsura nya. Bigla naman akong nakonsensya.

“Sorry. Nagbibiro lang naman ako. Huwag ka na kaseng mag-emote dyan. Nagmumukha ka lang palaka. Hindi bagay sa’yo ang drama. Pang-comedy ka kaya. Papahiramin kita. Magkano ba?”

“Toni naman eh. Seryoso ako. Sabi ko kailangan operahan ng Papa ko. Malaking pera ang kakailanganin.”

“At ako ba nagbibiro? Ganon?”

Wala nga palang alam itong si Darwin tungkol sa totoong kalagayan ko sa buhay. Sina Mikki at Karen lang ang nakakaalam ng tungkol sa buhay ko. Hindi naman ako nagkukwento sa kanya. Kasalanan nya. Hindi sya nagtatanong. Puro kase kami tawanan lang sa trabaho.

“Huwag ka ng mag-alala. Ako na ang bahala.”

“Anong gagawin mo?” Hindi makapaniwalang tanong nya.

“Manghoholdap lang naman ako ng bangko para may pangpaopera ka na sa Papa mo. Ano call ka?” Lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

“Ser—yoso ka ba?”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

Ito ang hitsura ni Darwin  -----à     O____O

Nga-nga.

“BWAHAHAHAHA! Tingnan mo ang hitsura mo. Para kang tanga.” Hawak ko ang tiyan ko sa sobrang katatawa. “Sa tingin mo gagawin ko talaga iyon? Loko ka ha. Kahit naman ganito ako may savings ako. May pera ako.”

“Ser—yoso?” Gulong gulo ang histura nya. Ako rin gulong gulo na sa usapan namin. Andami ko ng tawa ngayong gabi. Hindi ko na mabilang.

“Anong gusto mo joke?”

Si Darwin loading pa rin. Haay!

“Naku Toni, thank you talaga. Hayaan mo huhulug-hulugan kita araw-araw para lang makabayad ako sa’yo. Thank you talaga.” Tingnan mo ito, gagawin pa akong alkansya.

“Huwag mo ng isipin yon. Ang mahalaga ma-operahan kagad ang Papa mo.”

“Hindi naman pwede yon. Ang utang ay utang. Kaya dapat bayaran.”

“Ayy naku. Ewan ko sa’yo. Halika na nga. Late na tayo dahil dyan sa kadramahan mo.”

Sabay kaming lumabas ni Darwin ng locker. Bumalik na rin sya sa normal. Buti naman. Ayokong may kasamang emotero buong magdamag. Dapat laging good vibes lang.

“Kung kailangan mo ng katulong, alalay, atsay o kahit pa side kick pwedeng pwede ako. Sabihin mo lang. Thank you talaga Toni.”

“Ang kuleet mo ngayon. Promise.”

Bumalik na ang kakulitan ni Darwin, kaya naging normal ang magdamag namin.

Normal? Iyong hindi ko maramdamang nagtatrabaho ako, dahil wala na akong ginawa kundi ang tumawa at makipagbiruan sa mga kasama ko. Lalong lalo na si Darwin. Para akong nakakita ng isa pang bonus na kapamilya sa kanya.

Ang saya.

JAYPEE’s POV

Nakatulong sa akin ang dalawang bote ng beer kagabi kaya hindi ako nahirapang matulog. Pero kung titingnan pa lang ang mga papel na nakatambak sa mesa ko ngayon, parang gusto ko ng umuwi at matulog na lang maghapon. Kailangan ko na talaga ng kapalit ni Diane pansamantala.

Mula sa binabasa kong papeles, napatingin ako sa pinto ng may marinig akong katok. Glass ang kalahati ng pintuan ng office ko kaya mula sa loob kita ko na kaagad kung sino ang nasa labas. Mabilis akong napatayo ng makita ko kung sino ang bisita ko.

“Tito Anton. What a surprise. Napadalaw po kayo? Maupo po kayo. Ano pong gusto nyo? Coffee? Tea?” Pinaupo ko ang bisita ko.

Nagsisisi tuloy ako ngayon kung bakit hindi ko tinanggap ang binibigay ng HR na reliever ni Diane.

“Naku Jap-Jap anong dalaw ang sinasabi mo dyan. Hindi kita dinadalaw. I was in the area kaya naisipan ko ng dumaan dito tutal naman andito na rin ako.”

Napangiti na lang ako sa sagot nya. Kahit kelan talaga, pahard to get ang matandang ito. Sya lang ang nag-iisang tao na tumatawag sa akin hanggang ngayon ng palayaw ko noong bata pa ako.

Nakatayo lang sya at sinusuri ang buong opisina ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Nararamdaman ko.

“Ano ba namang opisina mo ito. Ang liit liit. Hindi ka ba nasisikipan dito? Kung pumapayag ka na ba sa alok ko, eh hindi ka magtatyaga sa masikip na kwartong ito. Wala ka ring sekretarya. Ano ba namang kumpanya ito.”

“Tito nakaleave lang po ang sekretarya ko.” Napangiti na lang ako. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha. Iisa lang naman ang gusto nyang iparating. Ang lumipat na ako sa kumpanya nya.

Malaki ang utang na loob ko kay Tito Anton. Nang makatapos ako ng kolehiyo at magpasyang sa ibang kumpanya magtrabaho, hindi sya pabor sa desisyon ko pero pinagbigyan nya pa rin ako. Kaya naman lalong lumaki ang respeto ko sa kanya. Hindi nya sinasaklawan ang anumang desisyon ko.

“Bakit ba pareho kayo ng ugali ni Maritoni? Pareho kayong mapride. Ayaw ninyong magtrabaho sa kumpanya. Kung hindi kayo, sino ang magpapatakbo non kung wala na ako? Kung buhay lang sana ang esposa ko, hindi siguro kayo mag-aalisan sa poder ko.”

Eto na naman po kami. Wala akong ibang gagawin kundi ang makinig sa mga hinaing ni Tito Anton sa buhay. Sanay na sanay na ako sa kanya. Lagi nya kaming dinadaan sa drama. Ang tingin nya pa rin sa amin mga bata. Mga batang kailangang alalayan sa lahat ng bagay.

“Isa pa iyang si Marjorie. Pwede namang dito na lang sya magmodelo, kung bakit sa ibang bansa pa sya didayo. Naturingan akong may anak, pero wala naman sa tabi ko.”

Kaya naman hindi ko masisi si Toni ng magdisesyon syang umalis sa poder ng ama at tumayo sa sarili nyang paa. Kailangan din naming matuto sa mga sarili namin, hindi iyong lagi kaming nakadepende sa kanya.

Mahal namin si Tito Anton, pero kailangan din naming harapin ang hamon ng buhay sa sarili naming mga paraan. Paano kami matututo kung hindi nya kami hahayaang magkamali?

“By the way, how’s my daughter?” Pag-iiba nya ng topic.

“She’s fine Tito. Don’t worry. Hindi ko naman sya pababayaan.”

“Aba’y dapat lang. Wala ng ibang titingin don kapag nawala ako kundi ikaw lang. Nagtatrabaho pa rin ba sya sa pipitsuging bar na iyon?”

“Yes Tito. But don’t worry---”

“Oo na. Oo na.” Pinutol nya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagkumpas kumpas ng kanyang kamay sa ere. “Hindi ako nagwoworry sa batang iyon dahil alam kong matapang iyon at hindi magpapaapi. Saka andyan ka naman.” Tumino sa isip ko ang huli nyang sinabi.

“O sya, ako ay aalis na. Sabihin mo sa magaling kong anak ang daan pabalik sa bahay. Baka hindi na nya alam. Ikaw ba, alam mo pa ang pauwi sa bahay?”

“Tito talaga. Palabiro.”

Namimiss lang naman nya kami, lalo na ang anak nya ayaw pang sabihin. Sino ngayon ang mapride?

Hinatid ko si Tito Anton hanggang sa labas. Nasalubong namin sa hallway si Boss kaya ipinakilala ko silang dalawa sa isa’t-isa.

“Alam mo Jap-Jap parang kilala ko yang Dennis Hubert na yan. Kung hindi ako nagkakamali nagkita na kami noon.”

Tumingin ako sa paligid. Baka may makarinig ng tawag sa akin ni Tito, nakakahiya.

“Baka po ang sinasabi nyo ay ang dati kong Boss. Si Boss Rupert. Magkamukha po silang mag-ama.”

“Jap-Jap ako ba ay niloloko mo? Natural kilala ko si Rupert. Iisa ang mundong ginagalawan natin, at pagdating sa negosyo mas lumiliit ang mundo. Hindi ko akalaing sya ang anak ni Rupert.” Nakahawak sa baba nya si Tito at tila nag-iisip.

Napapakamot na lang ako dahil kay Tito. Totoo palang kapag tumatanda sumusungit. May huli pa syang pahabol bago sumakay ng sasakyan.

“Tama nga. Nakita ko na ang Dennis na yon. Sa Korea.”

Teka?

Nasa Korea si Anne. Ang Ate ni Toni.

Continue Reading