Lost Soul (Soul Series Book 1)

Por NerdyIrel

458K 20.8K 3.2K

"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she... Mais

Published Book
Prologue
Chapter 1 - The Beginning
Chapter 2 - Take away
Chapter 3 - Stolen Life
Chapter 4 - Can we play?
Chapter 5 - Strangers
Chapter 6 - Why me?
Chapter 7 - Another one
Chapter 8 - Dangerous
Chapter 9 - Bonfire Party
Chapter 10 - Farewell
Chapter 11 - Coincidence
Chapter 12 - Playful Soul
Chapter 13 - Justice
Chapter 14 - Violent Soul
Chapter 15 - Choices
Chapter 16 - Insinuation
Chapter 17 - Hired
Chapter 18 - Vengeance
Chapter 20 - Answers
Chapter 21 - Reunion
Chapter 22 - The Truth
Epilogue
Author's Note

Chapter 19 - Clues

12.1K 612 78
Por NerdyIrel

Chapter 19 - Clues


May 16, 2015

Davao City – L. Mansion

3 pm.


"It's been so long since I last saw this place"


Hannah stares at the old house in front of her. Sobrang luma na nito at sira-sira na, malayo sa mala-palasyong disenyo na naaalala niya.


Naglakad siya ng dahan-dahan at pinagmasdan ang paligid. Punong-puno ng mga tuyong dahon ang sahig at halos natatakpan na ng mga agiw ang mga bintana ng bahay.


Basag na ang ilan sa mga ito at yung iba naman ay tinatakpan na lang ng mga kahoy upang wag siguro pasukan ng mga ibon.


"What happened here?" Tanong ni Mark.


"Abandoned"


Simula nung umalis sila Hannah ay hindi na kasi talaga sila bumalik dito. Even her mom who recently went here on Davao stayed at a hotel.


"Don't worry, we're not staying here" Dugtong ni Hannah habang naglalakad palapit sa lumang pintuan.


"Bakit nga ba ulit tayo nandito?" Tanong ni Mark pagpasok nila.


"According to my mom, the black lady first attacked me here. Tingin ko mahalaga itong lugar na ito sa kanya kaya lagi siyang nagpapakita dito sa akin" *coughs*


Medyo nabahing si Hannah ng dahil sa mga alikabok sa paligid.

She tried to open the lights but unfortunately, wala na ang kuryente dito.

Buti na lang ay may dala-dala silang flashlight.


"Dun tayo" Umakyat na siya sa hagdan at dire-diretsong pumasok sa dating kwarto niya.


Para bang nagflash back sa kanyang utak ang lahat ng mga nangyari dito. Her days and nights spent alone in this room...


"There" Tinuro ni Hannah ang parte ng kanyang kwarto. "My mom said she saw me there....umiiyak at may marka na ang mga kamay..."


Pinakita ni Hannah ang kamay niya na may peklat na hugis letrang 'M'.


"Do you think we could get clues here in your room?" Tanong ni Mark habang binubuksan ang mga drawers sa gilid.


"Hindi ako sure pero walang mangyayari kung hindi natin susubukan. Kaya nga tayo bumalik dito sa Davao ay para malaman kung ano talaga ang gusto nung kaluluwang iyon"


Nanahimik na silang dalawa at nagsimula na si Hannah maghanap ng mga bagay na pwedeng magkaroon ng connection between the black lady and her scar. Napansin niyang lumabas bigla ng kwarto si mark. Thinking that maybe he just needs to go to the bathroom, she decided not to bother asking him.


Dumidilim na sa labas ng mapansin ni Hannah na wala pa rin si Mark. Tumayo na siya at pinagpag ang pants niya na nalagyan ng kaunting alikabok. Saktong paglabas niya ng kwarto ay nandon na Mark at naglalakad na palapit sa kanya.


"Where have you been?" She asked.

"Downstairs. May mga box kasi doon pagbaba ko. Nagbaka-sakali akong may makitang importante"

"Anything?" She hoped.

"Wala e. Ikaw?"

"Wala din..."


They both sighed in frustration.

May hindi nga nila alam kung ano ba talaga ang dapat nilang hanapin.


"How about my parent's room?" Tanong ni Hannah. She pointed out where it was but didn't even move for a bit.


"Hindi ka sasama?" He asked.

"Dun ako sa basement. Naalala ko kasi, may maliit na office dito dati si Papa"


"Samahan na kita"

"Hindi na mark, ayokong abutin pa tayo ng gabi dito. Bilisan na lang natin habang may araw pa sa labas"


Nagmadali na si Hannah pumunta sa basement nila. Nahirapan pa nga siya buksan ang pintuan nito dahil na-stuck na yata sa sobrang tagal nang nailock.


"Achoo" Onti na lang ay sisipunin na siya sa dumi ng lugar. May mga ipis at daga pa sa paligid.


Halos hindi na pala ginalaw ang mga papeles dito...


Bata pa siya ng namatay ang papa niya kung kaya't wala pa siyang interes noon kung ano ang ginawa ng nanay niya sa mga gamit nito. She never thought that her dad's office would look exactly the same.


Pati ang ayos ng ballpen at ilang libro sa malaking table nito ay nakaayos pa rin.


Lumapit siya sa bookshelves at tinignan ang mga ito. Ang ilan ay kinain ng anay ngunit ang iba ay maayos pa naman. Puno ng literature books at business related books ang mga ito. Iyon kasi ang hilig ng kanyang tatay.


She went to the table and decided to read some papers. Some of them were his plans for the town. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na iyon naituloy pa.


*Bogssh*


Napaangat ang ulo ni Hannah ng may marinig na malakas na pagbagsak.


"Hello?! Mark? Ikaw ba yan?" Sigaw niya.


Gamit ang flashlight ay inilawan niya ang hagdan sa labas ng pintuan ngunit wala namang tao doon.


"Mark?" Sigaw niya ulit ngunit hindi ito sumasagot.


Kinabahan na siya at nagmadali ng tignan ang mga drawer sa table.


*Thump. Thump. Thump*


Natigil si Hannah ng may marinig ulit na ingay malapit sa pintuan. Para bang naglalakad ang tunog at may ibinabagsak.


Yumuko na ulit siya at agad binuksan ang ilan pa sa mga drawer. Itinatapon na niya sa sahig ang mga bagay na hindi importante ng dahil sa pagmamadali. Nasa huling drawer na siya at bubuksan na sana niya ang isang lumang box ng nagsitaasan ang kanyang mga balahibo.


Habang tumatagal siya dito sa basement ay palakas ng palakas din ang tunog nito, palapit ng palapit hanggang sa nasa tapat na mismo ng tenga niya ito naririnig...


Then she felt someone touched her shoulder.


"Hah!" She exhaled as she stood straight. Nawala na lang bigla ang tunog kasabay din ng pagkawala ng baterya ng kanyang flashlight.


*silence*


Her eyes adjusted at the darkness around the room. Wala siyang makitang multo o anino man lamang ngunit ramdam niyang may nakatingin sa kanya.


"I'm not here to stay. I just have to look for something. I promise I'll leave as soon as I can" She whispered.


Halos mapatalon siya ng bigla na lang tumugtog ang isang music box doon sa gilid.


I have to get out of here.


Nanginginig sa takot na inilagay sa bag ni Hannah ang lumang box ng tatay niya. Her instinct says that she has to bring it with her.


Slowly, Hannah took a step towards the door. But the music suddenly stopped. Napalunok siya at hindi gumalaw. She didn't dare look at her right side. Alam niya mula sa peripheral vision niya na may nakatayo na doon na mga batang babae. Dalawa sila at magkahawak ang kamay.


Pretending not to know, she took another step.

This time, nagsibagsakan naman ang mga libro sa left side niya.

She tilted her head to look at it. Isang lalake na butas ang noo ang nakatitig sa kanya.


Nilakasan ni Hannah ang kanyang loob. Hindi pwedeng manigas na lang siya dito at hayaang matakot sa mga ito. Naglakad na ulit siya at malapit na sana sa pintuan ng may tumakbo naman doong batang lalake.


Tumawa ito ng malakas.


Napatingin na lang sa taas si Hannah at pinigilan ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

Sa lahat talaga ng mga nakita niya, batang multo ang pinakaayaw niya. The last time she encountered one, she ended up hiding inside her blanket.


MARK! Asan ka na ba? Bumaba ka na sana dito...please!


Niyakap niya ng mahigpit ang bag niya at naglakad na ulit. Paglabas niya ng pintuan ay napatakip siya ng bibig. Muntikan na siyang sumigaw ng makita ang halos apat pang mga kaluluwa. Mga babae sila na nakasuot ng sinaunang 'saya'. May mga sunog ang mga mukha at damit nila.


Dahan-dahan silang lumalapit sa kanya. Ang mga kamay ay para bang hahawakan siya...


Okay Hannah. In count of one...two....


"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Nagtatakbo siya paakyat sa hagdan. Akala niya'y makakarating na siya sa taas ng nahawakan ng lalakeng multo ang kanyang paa at hinila siya ng malakas pabalik sa baba. 


"MARK! TULONG!" Sigaw ni Hannah habang sinusubukang mahila ang kanyang paa. Napakapit siya sa may gilid ng hagdan kung kaya't nagawa niyang mapigilan ang mga ito. "MARKKKK!"


Naramdaman niyang hinawakan na rin siya ng mga babae sa kabilang paa. They were all pulling her back to the basement. Nagpapanic na si Hannah at umiiyak na ng sobra dahil sa takot. It was like the ghosts wants her to stay.


Hindi niya na alam ang dapat niyang gawin. Onti na lang ay makakabitaw na siya sa pagkakakapit niya.


She heard the boy laughed again.

"Please! Someone help me!" Sigaw niya ulit.


She looked up at the door, praying that Mark would hear him but instead, she saw someone else. Someone familiar. "Dad?"


It's him! Here's here!


He smiled at her peacefully and even offered his hand.


Parang nagising si Hannah dito.

Nakaramdam siya ng tapang at lakas ng loob.


Yes dad. I have to fightback. I have to win against them. They're just playing with my mind. They're already dead.They can't hurt me. I'm more powerful than them because I'm alive!


She looked at the ghosts again and kicked them. Pero kahit anong sipa niya ay ayaw nilang bitawan ang mga paa niya.


"GET AWAY FROM ME!" Sigaw niya. Bumitaw na siya sa pagkakakapit sa gilid at tinulak na mismo ang mga ito. Like magic, they just vanished into thin air.


Tumayo agad siya at tumakbo paakyat.


"DAD!" She shouted. 


Wala na ito. Ni isang paghangin sa paligid ay wala.


"No dad please. Let's talk!" Pagmamakaawa niya.


Pumunta siya sa may sala ngunit hindi na ito nagpapakita sa kanya.

"Please..." Napaluhod siya at humagulgol sa iyak. "Miss na miss na kita papa"



"Hannah? Anong nangyari?!" She didn't even answer mark.


Sobrang nasasaktan kasi siya na hindi man lang niya nakausap o natitigan ng maayos ang kanyang tatay. Ang tagal niyang hiniling na magpakita ito sa kanya...


"Let's get out of here. Gabi na..." He helped her stood up. Nanghihinang naglakad si Hannah papunta sa ni-rent na kotse nila.


"Manong Toti, pakidiresto na lang po sa hotel" Bulong ni Hannah.


Si Manong Toti ay driver nila Hannah noong bata pa siya. Pinakiusapan ito ng kanyang ina upang sunduin sila sa airport.


"Ma'am, okay lang po ba kayo?"


Tumango lang siya at nanahimik. Mark pulled her closer to him.

Hannah was glad he was there to comfort her. She really needs a friend right now.


Yung pangungulila niya sa tatay niya ay naramdaman niya ulit pagkatapos ng ilang taon. Kaya ang galit niya sa babaeng nakaitim ay mas tumindi pa.


She's the reason why my dad is dead. I hate her so much!


Because of that, she got more determined to find out what the soul needs. She really wanted that black lady gone.


***


Nang makarating na sa hotel ay bumalik na ang lakas ni Hannah. Habang nasa front office ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Ang dungis kasi ng itsura niya at halatang kakagaling niya lang sa pagiyak.


"Anong isang room lang? Dalawa kami ng kasama ko oh! Nagpabook ako ng 2 rooms. Ayusin niyo yan!" Pagalit na sabi ni Hannah.


Nagtinginan ang mga ito ngunit nagapologize din agad.


"Bakit? Anong problema?" Tanong ni Mark.

"Isang kwarto lang daw kasi ang naka-reserved under my name" Sagot niya.


"Ma'am, pasensya na po talaga pero wala na pong ibang available deluxe rooms. Ang meron lang po ay isang kwarto na may double bed"

"Fine. Okay na yun"


Nang makuha na nila ang room key ay umakyat na agad sila sa room nila. Hannah immediately took a shower at nagpalit na ng malinis na damit.


"Ano yan?" Tanong ni Mark nung nakaupo na si Hannah sa kama.

"Ang alin?"


He pointed out her legs. May marka ito ng mga kamay.


"Something happened earlier at the basement-----Ohmygosh" Tumakbo si Hannah upang kunin ang bag niya na ipinatong niya sa may upuan.


And then she ran towards mark and pulled out the old box.


"This! I think kaya ako pinigilan ng mga kaluluwang iyon na makaalis sa basement ay dahil kinuha ko ito"


"What is it?"


"I don't know. Tara tignan natin" Umupo siya sa tabi ni mark at sinubukang buksan ang box ngunit nakalock ito.


"Don't you have a key?" Umiling si Hannah. Wala namang naibigay ang kanyang mga magulang sa kanya na susi o kahit na ano.


She looked around the box and was surprised ng may makitang nakaukit sa ilalim nito.


Maria. 1989.


Nagkatitigan si Hannah at si Mark bago sila parehas napatingin sa kamay ni Hannah.


M.

M as in Maria?


-------------------------------------------


I hope you guys enjoyed this chapter :) 

If you do, please don't forget to VOmment! Hihi love yah x

Continuar a ler

Também vai Gostar

2.6K 197 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
470K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...
64.4K 1.6K 24
•Book One• You can't have it all, ika nga nila. Isang perpektong pamilya. Mapagmahal na mga kaibigan at isang mabait na kakambal. Sa sobrang pagmamah...
939 55 16
It tells the story about a teenage girl who is a victim of bullying. Instead of fighting back, she wrote story where in she killed her bullies. Later...