Winter's pov
maligayang araw para sakin! woohoo! ang dami kayang dapat ipagdiwang! una, hindi ako nagkasakit sa pagsugod sa ulanan kahapon! pangalawa, binalik na yung car key ko! at pangatlo, magbestfriend na kami ni Blythe... BESTFRIEND. dapat ba tong icelebrate o paglamayan? ang sakit nung word ah? sagad hanggang buto ah? agos dugo ah? di bale na! atleast may namamagitan samin kahit papaano. oo na! assuming ako masyado -_-" pero dahil sa maligayang araw para sa akin ngayon. hindi ako pumasok sa 3 subjects. bwahahahahahhaahaha. sinong may pake? si mama? sus! sanay na akong sigaw-sigawan niyan! di naman na masyadong bago yun sa panlasa ko eh.
pagpasok ko ng room para sa 4th subject. ang inaasahan kong makita ay si Blythe. pero bakit wala siya? imposible namang nagskip din siya ng 3 subjects di ba? eh nagcr kaya?
"ahh Trish nakita mo ba si Blythe? nasaan siya?"
"ah si Blythe? wala eh.. absent daw kasi tinatrankaso.. nagpunta nga dito kanina ung kaibigan niya eh para ipaalam sa mga teachers." Trish
"talaga?! may sakit si Blythe?! salamat ha!"
agad akong tumakbo palabas ng room. palabas ng school. palabas ng gate. pumunta ko agad sa bahay nila Blythe.
"tao po? tao po?"
"o iho? anong iyong sadya?" -Mama ni Blythe
"ahhh.. totoo po ba na may sakit si Blythe?"
"oo eh.. nakahiga nga lang maghapon yung batang yun. dadalawin mo ba siya? hala sige pasok ka." -mama ni Blythe
"salamat po.."
"pwede kang umakyat iho.y. puntahan mo si Blythe sa taas. sige." -mama ni Blythe
"ahh.. salamat po ulit"
**********
*tok* *tok* *tok*
"Blythe? Winter to.. papasok ha?"
"anong ginagawa mo dito?" -Blythe
"bakit? bawal ba dalawin yung pancake ko?"
"ha? ibig kong sabihin bakit ka nandito? hindi ka pumasok? pero nakauniform ka ah? nagcutting ka? baliw ka talaga! bumalik ka dun sa school!" -Blythe
"haaay! ang daldal mo naman para sa may sakit! di pa ba natutuyo yang laway mo? ratratan ha?!"
"bakit ba kasi nagcutting ka ha?!" -Blythe
"para nga dalawin ka!"
"haay! baliw ka talaga! bumalik ka dun sa school! dali!" -Blythe
"eeeh. wag mo naman akong ipagtabuyan! ayaw ko pumasok kasi wala akong katabi, wala akong kakulitan, kadaldalan... wala ka."
"ewan ko sayo. hmp!" -Blythe
"may ibibigay pala ako sayo..."
"ha? Winter naman eh! may sakit lang ako! hindi ko pa birthday!" -Blythe
"ayos lang yan! nakita ko kasing nasira ng ulan yung orasan mo kahapon eh. kaya binilhan kita niyan. hoy! waterproof na yan ah! hindi na yan basta basta masisira ng tubig ulan!"
"eh? magkapareho tayo?" -Blythe
"oo.. ayos lang yun! astig nga ng dating eh! solid na solid tayo."
"salamat ha." -Blythe
"ano ka ba wala yun!"
makita ko lang na nakangiti ka Blythe.. solve na ko. *burp* lol
Stacy's pov
pauwi na sana ako pero naalala kong dalawin si Blythe. oo nga at dinalaw ko siya kaninang umaga bago pumasok. pero mukhang ang sama talaga ng lagay eh. kita mo sa mukha niya na parang bagsak na bagsak yung katawan niya at naghihina.
*tok* *tok*
"tao po!"
"oh iha? nadito ka din ba para dalawin si Blythe?" -Mama ni Blythe
"din? may dumalaw po ba kanina?"
"oo meron. yung lalaking matangkad na matangos ang ilong. nalimutan ko yung pangalan eh. ano nga ba yun?" -Mama ni Blythe
huh? teka si Winter ba yun?
"nakauniform po ba?"
"oo ata" -Mama ni Blythe
"nandito pa po ba?"
"ay wala na. kaalis lang eh. hinintay lang daw niya makatulog si Bulay." -Mama ni Blythe
"ah ganun po ba? aakyat na po ako ha?"
"o sige iha." -Mama ni Blythe
pag-akyat ko sa may room ni Blythe. nakita kong nakangiting natutulog ang bruha! kaninang umaga lang lantang gulay to eh. ngayon parang may kalaro na siya sa panaginip niya. pambihira talaga to oh. si Winter lang pala gustong dumalaw. asuuus.. ang bestfriend ko nahuhulog na.
Kay tagal din nating 'di nagkita
Ako'y nasasabik na sayo
Kamusta kana nalulungkot ka rin ba?
Sana ay kapiling kita
"saan yung kumakanta?" tapos napansin kong nagising si Blythe
Ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah la la
"ang ganda ng boses no?" -Blythe
Sumulat ako upang malaman mong
Ako'y tapat pa rin sayo
May problema ka ba, matutulungan ba kita?
Sa 'kin ay huwag kang mangamba
"saan ba galing yun? ringtone mo?"
Ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah la la
"hindi ah.. yung kapitbahay kumakanta. astig no?" -Blythe
"sus. kung makapuri to! bakit pakakasalan mo?"
"baliw to! masama bang pumuri ng tao?" -Blythe
Tandaan mo nalang ang sasabihin ko sa'yo
Ang pag-ibig kong ito'y
'Di magbabago, kahit malayo ka sa piling ko
Umula't bumagyo, ayos lang,
Huwag kang mangangamba, ayos lang,
Kumusta ka mahal ko ok ba?......
"oh? bakit hindi niya tinapos?"
"ewan ko nga rin eh. lagi yang ganyan." -Blythe
"talaga? LAGI? edi instant soundtrip ka?"
"pwede na rin" -Blythe
"sus! kunwari pa to! kapag yang kapitbahay niyo pinakasalan mo in the near future eh hindi na talaga ako magugulat.."
"ewan ko sayo!" -Blythe