HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 115 : PALAWAN

6.3M 116K 416K
By maxinejiji

MAX'S POV

"I prayed that you and I... will end up together.." nakangiting usal ni Sensui habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot..

Pakiramdam ko ay nalibang ako sa mga kislap na paulit-ulit kong nakikita sa mga mata nya..

At non ko narealized na totoo pala ang sinasabi mga palabas at nababasa ko sa mga story book.. Kapag nagpapakatotoo ang tao tungkol sa nararamdaman nya.. kumikislap ang mga mata nito..

Yun ang tanging laman ng isip ko.. alin mang parte ng katawan ko ay hindi kumokontra sa nakikita ko.. Kaya naman pilit ko na lang inintindi ang masarap sa pandinig na linya'ng binitiwan nya..

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tinanong ko ito..

Anong nararamdaman ko??

Nalilito ako sa sarili kong nararamdaman..

Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nya at ang sarap titigan ng mukha nya kapag sinasabi nya yun..

Pero meron pa ring kulang..

Your mind is acting up again, Maxpein..

Naiiwas ko ang paningin ko sa kanya at saka ako tumingin sa dulo ng dagat..

Hindi sya nagsalita at hindi ko na rin sya nakikita.. nanatili akong nakatingin sa dulo ng tubig habang pilit na nag-iisip.

"H-Hahahahaha.. m-masyado ba akong naging mabilis?? D-Don't worry.. I just prayed for it.. h-hindi naman ibig sabihing iga-grant agad.. h-hehehe.." parang napapahiyang usal nya at napabuntong-hininga naman ako. "W-Wag mo sana isiping minamadali kita.. its not like that.. Its just that, I can't really help myself from being this comfortable to speak up my mind kapag ikaw ang kaharap ko.."

Hindi ako nagsalita..

Hindi ko sya sinagot..

Nanatili akong nakatingin sa malayo ay pilit na kinaklaro ang isip ko..

"What can I do to make you happy??"

Natinag ako nung madinig kong magtanong sya..

Hindi agad ako lumingon..

Hindi pa rin ako nagsalita..

Tinanong ko ang sarili ko..

Ano nga ba ang pwede nyang gawin para maging masaya ako??

Nahihirapan akong sagotin ang sarili ko..

Pano kita sasagutin kung sarili ko mismo, hindi ko masagot??

"I hope you won't mind if I do this.." mahinang usal nya at saka ko naramdaman sa magkabilang balikat ko ang mga kamay nya. Dahan dahan nya akong iniharap sa kanya at muling nagtama ang paningin namin. "I want you to answer me by looking straight in my eyes.. kasi yang mga matang yan.. yan ang pinaniniwalaan ko Taguro.." malumanay pang dagdag nya. "What can I do to make you happy??"

"I don't know.." malumanay ring sagot ko habang nakatingin sa mga mata nya. "Hindi ko alam.."

Hindi sya nagsalita..

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa at parehong hindi malaman ang mararamdaman..

Alam ko sa loob kong may panghihinayang sa kanya dahil yun ang nakikita ko sa naging reaksyon sa mukha nya..

Ramdam ko ring nalungkot sya pero wala akong magagawa..

Ayokong magsinungaling sayo.. Ayoko ng maulit pang makapagbitaw ako ng mga salita sayong ultimong ako.. ay walang kasiguraduhan..

Bumuntong-hininga sya ng malalim at nung maramdaman kong unti-unti nyang tatanggalin na ang mga kamay nya at saka ako nagsalita..

"Even if you can't make me happy like you want me to be.. can you at least do something for me?" tanong ko at parang nagliwanag naman ang kaninang malungkot na nyang mga mata.

"W-What is it?"

"Wag mo ko piliting maging masaya.."

"B-Bakit?"

"Dahil gusto kong hayaan mo kong maging masaya nang hindi dahil sa gumawa ka ng paraan para maging masaya ako.. Gusto kong maging masaya ng kusa.. na kahit wala kang ginagawa.. ikaw ang naging dahilan.." mahinahon at sinsero'ng sagot ko at nakita ko ang gitla sa mukha nya.

Hindi sya nakasagot at saglit pa syang namangha..

Unti-unti'ng lumabas ang matamis nyang ngiti at saka nya...

NIYAKAP ako..

"E-Even for just a minute.. p-please let me do this.." bulong nya pa habang nakayakap sakin.

Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun..

Pero isang bagay lang ang alam ko..

Seryoso ako sa sinabi ko..

"Thank you for not promising anything and staying true.." dagdag nya pa.

Huminga ako ng malalim at saka palihim na ngumiti sa kabila ng pagkakayakap nya..

*5*

*4*

*3*

*2*

*1*

"Hoooooooooyyyy!!!!!"

Mabilis kong naialis si Sensui sa pagkakayakap sakin nung marinig ko ang sigaw na yun ni Zarnaih! Sabay kaming napalingon sa kanya!

"Tch! Badtrip naman 'to si Parrot!" singhal pa ni Sensui.

"B-Baket!" kami ni Sensui.

Nagtama ang paningin namin ni Sensui at pareho kaming nagkailangan!!!

*AWKWARD!*

Pilit kong inalis ang pagkailang ko at saka muling pilit na sumeryoso!

"Umahon na kayo dyan at mag-iisnorkling daw tayo sabi ni Mang Peyts!!!"

"Sino namang Mang Peyts?" bulong ko pa. Hindi ko na hinintay si Sensui at iiling-iling na akong naglakad paahon.

"Hoy Taguro! Hintayin mo ko!" sigaw ni Sensui at hindi ko naman sya pinansin.

Salubong ang kilay na sinalubong ko ang mapanuksong tingin ni Zarnaih sakin!

"Tsk tsk tsk.. Haaaayyy Maxpein.." si Naih.

"Ano na naman?"

"What is this I'm feeling? I just can't explain.. When you're near.. I'm just not the same.. I tried to hide it.. tried not show it----"

"Shut up.." pambabara ko sa kanya nung bigla syang kumanta sa harap ko!

"I'm falling for you.. finally my heart gave in and I'm falling in looooooooovveee!!! I finally know.. how it feels.. so this is love---"

Inis akong naglakad papalayo sa kanya at saka lumapit kila Maxwell.

"Ano?? Okay pa don sa gitna ng dagat ha??" dinig ko pang tanong ni Naih kay Sensui.

"Oo, malamig ang tubig.."

"Oww??? E bakit parang pinagpapawisan ka?!"

"Tch.."

"Hahahahahaha.."

Hindi ko na sila pinakinggan at bumaling na lang ako kila Maxwell.

"Saan ang punta natin?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman sya sakin.

"Sasamahan tayo ni Mang Pitong magsnorkeling.." sagot ni Maxwell. "Gusto ni Maxrill magsnorkeling.."

"Ayoko.. kayo nalang. Dito na lang ako." maikling sagot ko.

"Bakit naman ayaw mo?"

Napalingon ako kay Sensui nung bigla syang sumulpot sa tabi ko.

"Masaya yon.." seryosong sabi pa ni Sensui na tumingin pa saming lahat. Iniiwas ko naman agad sa kanya ang paningin ko.

"Masaya nga pero hindi ako mag-eenjoy sa ganon.."

"Mag-eenjoy ka.. marami naman tayo e.. Maraming isda don.."

Ang kulit naman neto..

"Sige na Taguro.. sumama ka na.." parang batang pamimilit pa sakin ni Sensui!

"A-Ayoko nga.."

"Sige na nga kasi.. kasama mo naman ako e.."

"Tss.. e ano naman?!"

"Hahahahahahahaha.. alam kong gusto mo rin akong makasama kaya sige na.."

"Aww.. Wow ahh hahahahaha.. gumagay-own pah!?" si Naih.

"Tagurooooo!!!!" mahinang sigaw pa ni Sensui!

"Ayoko nga!" inis na sigaw ko rin!

"Bakit nga kasi!? Masaya yon!"

"Masaya nga! Pero hindi ako interesado sa ganon!"

"E bakit nga kasi!?"

"Takot ako sa isda!"

"A-Ano?!" pigil ang tawang tanong pa ni Sensui! "T-Takot ka sa isda?! Bwa---Bwahahahahahahahahahahahaha! Yang laki mong yan takot ka sa isda?! Hahahahahahahahaha!"

"Hahahahaha ngayon ko lang nalaman yan Max ahh??" pang-aasar rin ni Naih!

"Hahahahahahahahaha.." malakas na tawa rin ng mga kapatid ko.

Salubong ang kilay na iniiwas ko sa kanila ang paningin ko.

"Hahahahahahahahaha!"

Nung marindi ako sa tawa nila ay tinalikuran ko sila at naglakad pabalik sa kubo pero mabilis akong hinabol ni Sensui.

"H-Huy Taguro.."

"Ayoko ngang sumama.." pagmamatigas ko habang pinipigilan ang init ng ulo ko.

"B-Bakit parang nagalit ka?"

"Tss.. sinong matutuwa?? Pinagtatawanan nyo ang bagay na kinatatakutan ko.." seryosong sagot ko at natigilan sya kaya naman nagtuloy ako sa paglalakad at muli na lang syang humabol sakin.

"S-Sorry.. kung ganon ang naging dating sayo.. S-Sorry talaga.." paumanhin nya at hindi ko naman yun pinakinggan. Naubo ako sa loob ng kubo at saka uminom ng tubig. "Gusto lang naman kitang makasama e.." parang bata'ng dagdag nya pa.

"Sasamahan kita kahit saan.. wag lang don.." inis pa ring sabi ko.

"E g-gusto ko du---"

"Pwede ba? Pwede ka namang sumama sa kanila ng wala ako ah? Ayoko don.. at wag mo na akong pilitin.."

"Taguro naman.."

"Apat naman kayo don e.. Hindi ka nila pababayaan.."

"Pero gusto ko nga ikaw ang kasa---"

"Deib.." pigil ang inis na usal ko. "Kapag sinabi kong hindi ko trip ang isang bagay.. seryoso ako don.." sagot ko at natahimik naman sya.

"O sige.. i-kiss mo ko.."

"W-What!?"

"Kiss me.."

"Ano?! Nababaliw ka na ba?!"

"Nope.. I'm serious.."

"You're crazy.."

"Crazy about you, yes.. hehehehehe.."

"Shut up.."

"Hindi na kita pipiliting sumama pero.. ikikiss mo ko.. sa lips!"

"Tss.. and why the hell would I do that?!"

"Because I said so.." nakangising sagot nya na tumanyo at umastang lalapit sakin! Mabilis ko namang inilapa ang bote ng mineral water na hawak ko at naglakad paatras. "Hindi kita pipilitin.. pero hahalikan kita.."

"Shut up.."

"Hahalikan talaga kita.."

"I said.. shut up.."

"Edi sumama ka na.."

"Ayoko.."

"Edi hahalikan kita.."

"Wag kang lumapit Sensui dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na saktan ka.."

"Ayos lang.. hindi mo rin naman ako kakayanin kapag ako na ang nagmatigas sayo hehehehehehehe.. Kayang kaya kitang bihagin sa mga braso ko hehehehehe.."

"Tss.."

"At hindi rin ako nagbibiro.."

"Manahimik ka na.." sabi ko habang umaatras pa rin.

"Sasama ka? O hahalikan kita? You choose.." mayabang na sabi nya at saka kusang huminto sa paglapit sakin. Nasa pagitan namin ang lamesa at itinungkod nya pa ang dalawang kamay nya doon at saka deretsong tumingin sakin. "Naghihintay ako ng sagot Taguro.."

"Sige.. hindi ako sasama.." mayabang na sagot ko at mabilis naman syang ngumisi at saka muling nagtuloy sa paglalakad papalapit sakin pero hindi na ako umatras. Hinintay ko sya hanggang sa makalapit sya sakin.

"Edi... magpapahalik ka na sakin??"

"Kung yun ang gusto mo e.." sagot ko at bahagya naman syang natigilan.. Bakas pa sa lalamunan nya ang sunod sunod na paglunok!

"T-Talaga? Seryoso ka!?"

"Oo.."

"Y-You will really allow me to kiss you??"

"Sure thing.."

"Sigurado ka Taguro!?"

"Mmm.. I'll give you.. a 'goodbye kiss'.." sarkastikong sagot ko at napaatras naman sya!

"G-Goodbye---what!?"

"Hahahahahaha.." natawa ako sa naging reaksyon ng mukha nya!

"Ayoko!"

"Kol.. edi tapos ang usapan.." mayabang na sagot ko at saka tinalikuran sya at saka umastang muling iinom ng tubig munit..

Hinila nya ako sa bewang at inilapit sa katawan nya!

"Alam mo bang ayoko sa lahat at yung niloloko ako kung kailan seryoso ako??" nakangising tanong nya kaya naman nagpumilit akong kumawala sa kanya munit masyado syang mabilis kaya nahila nya ulit ako pabalik sa kanya! "Sinabi ko naman sayong wag mo kong dadaanin sa mga yabang mo dahil babae ka pa rin at lalaki ako.. mas malakas ako sayo Taguro---"

"S-Sasama nako.. Sasama na ako.. ha?? Sasama nako.. Sige na.. bitiwan mo na ako.." derederetsong sagot ko at natigilan naman sya at saka matamis na ngumiti sakin.

"Papayag ka rin pala e.. nagpapapilit pa.. Hehehehehe.."

"Oo at ipagdasal mo ng wag kitang matsambahan... lulunurin talaga kita!" inis na sigaw ko sa kanya at saka inis na lumabas ng kubo at bumalik kila Maxwell na kausap na sila Mang Pitong!

"Oh eto na pala sila----"

"Tara na!" malakas na sigaw ko dahilan para masapawan ko si Maxwell.

"Akala ko ba hindi ka sasama?" takang tanong ni Naih.

"Sasama nako!"

"Yiiiiiieeeee!"

"Tara na!" pagmamadali ko sa kanila.

"Mapipilit ka rin pala ni Sensui e hehehehe!!!"

"Tss.."

"Let's go??" dinig kong yaya ni Sensui na umakbay pa sakin!

Inis kong inalis ang kamay nya pagkakaakbay sakin at saka sumunod kay Mang Pitong!

Badtrip 'tong lokong 'to! Wag lang talaga kitang matsatsambahan e.. iiyak ka talaga! Sinasabi ko sayo.. iiyak ka!!!!!!

"Huyyy Taguro! Hintayin mo ko!"

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Hintayin mo ko! Masakit ang paa ko!"

"Pagamot mo sa mga isda!"

"Huy.. alalayan mo naman yun.." bulong sakin ni Naih nung kasunod ko ay sumakay sya sa yate. Naunang umakyat sila Maxwell at Maxrill tapos si Naih at sumunod naman ako! Inis akong tinalikuran sya at naupo. "Huyyy.. ano ka ba?! Kawawa naman oh.. hindi yan makakaakyat dito.." turo nya pa sa hagdan paakyat.

"Sa iba sya magpatulong.."

"Ano ka ba!? Sayo lang naman kumportable yan.."

"Wala akong pakelam.. magsarili sya.."

"Hahahahahahaha ano ka ba! You're so mean! Sige na oh.. tignan---"

"Ano ba Naih!? Kung gusto mo ikaw ang tumulong!"

"Eh-----"

"Araaaaaaaaaaay!"

Mabilis akong napatayo at tinignan si Sensui matapos ko syang marinig sumigaw!!

"Joke lang..." nakangising banat nya at tinignan ko naman sya ng masama! "Don't worry babe, I'm fine.."

Bwiseeeeet!!!!

Napapahiyang napaupo ako sa tabi ng mismong kinatatayuan ko at iiling iling na iniiwas ang paningin sa kanila! Akala ko ay may nangyari talaga sa kaniya dahil bigla syang sumigaw habang umaakyat sa hagdan ng yate kung san naman hindi ko sya kita! Tapos makikita kong nagbibiro lang pala?!

Pakinengshet!

Naupo naman si Sensui sa may bandang likuran ko at saka inilapat ang kamay nya sa may handle kung saan parang nakaakbay sya sakin.

"Nag-alala ka no???" parang natatawang tanong nya pero hindi ko sya nilingon. "Nag-alala si Taguro sakin hehehehehe----"

"Manahimik ka!" sigaw ko sa kanya at nagitla sya!

"Wag na wag kang hihingi ng tulong sakin kapag may nangyari sayo dahil hindi talaga kita tutulungan!" sigaw ko pa.

"A-Anong nangyari sayo?"

"Tss.. badtrip ka.."

"Huyy.. eto naman oh.."

"A-Alis!" sabi ko at itinaboy ang kamay nya!

"Huyyy.."

"Dumistansya ka nga sakin.."

"Taguro naman.."

"Dumistansya ka sabi e!"

"Ayoko nga!"

"Ahh.. ayaw mo!?"

"Ayoko.."

"Ayaw mo!?"

"A..YO..KO.. AYOKO!" nakangising pagmamatigas nya!

Grrrrrrrrr!!!!!!

Inis akong tumayo at saka bumaba sa kwarto sa ilalim ng yate!!

Abnormal na yun.. kung anu-anong ginagawa!? Alam nya ba kung anong dating nung mga ginagawa nya sakin!? Badtrip!

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko!?

Naiilang ako kahit hindi naman dapat!

Nung sumigaw sya kanina.. totoong nag-alala ako kaya naman ganon na lang kabilis ang naging pagtayo ko at pagpunta kung saan alam kong aakyatan nya dahil akala ko ay may masama na namang nangyari sa kanya!

Pesteng accident prone!

"T-Taguro naman.."

Inis akong napalingon at mas nainis ako nung makita ko si Sensui!

"Umalis ka dito.." pilit pinapalumanay na sabi ko.

"Wag ka na kasing magalit.. nagbibiro lang naman ako e---"

"Hindi ko gusto ang biro mo!"

"Kahit mo gusto.. wala kang magagawa dahil nagustohan ko yun.." nakangising sagot nya at pinandilatan ko naman sya ng mata! "Kitang kita kong nag-alala ka at wag ka ng tumangge dahil hindi makakapagsinungaling sakin yang magaganda mong mata hehehehehehe.."

Hindi ko sya sinagot!

Nanlilisik ang mga mata'ng tinignan ko sya ng deretso!

"Wag mo kong tignan ng masama dahil kahit anong gawin mo.. hindi ako matatakot sayo.. Mas maiinlove nga lang ako sayo.." nakangisi pa ring dagdag nya!

Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko!

Naiinis ako na hindi ko maintindihan!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya para ilang segundo man lang ay matahimik ang bunganga nya!

Masyado syang maingay at naiirita ako sa mga sinasabi nya!

"I really like you a lot.. Maxpein.." biglang malumanay na sabi nya dahilan para muli akong inis na mapatingin sa kanya.

Hindi ako sumagot at inis na tumitig sa kanya..

Nananatili syang nakangiting nakatingin sakin na para bang balewala ang masamang tingin ko sa kanya.

"And no matter what I do.. I can't stop myself from loving you.."

"S-Shut up.."

"I can always take care of myself, so you don't really have to worry that much.." nakangising sagot nya.

"I said shut up.."

"But still.. you always prove me that 'I can't' take care of myself.. because you will.."

"A-Ano bang sinasabi mo!?"

"Wag ka na kasing magsungit.. may sakit na nga ako e.." nakangusong sabi nya.

"Tss.. may sakit!? Wow.."

"Sorry na.. binibiro lang talaga kita.."

"Hindi ko nagustohan ang biro mo.." inis pa ring sabi ko!

"Kaya nga nagsosorry ako e.."

"Tss.. Pero sinadya mo! Abnoy ka talaga e no!?"

"Oo.. naabnoy sayo hehehehe.."

"Tss.. umalis ka na sa harap ko.."

"Pero---"

"Magpapahinga ako!"

"Sasamahan kita.."

"Ayaw kitang makita.."

"Ang sungit sungit mo.."

"Sinabi ng umalis ka sa harap ko e! Baka gusto mong magkasakitan pa tayo dito?!"

"Tch! Sige na! Sige na! Sungit!" nakangusong umakyat sya ulit sa taas ng yate at naiwan akong mag-isa!

Inis akong ibinagsak ang katawan ko sa sofa na nandoon at saka ako nagsindi ng sigarilyo!

King inang yun.. pinabibilis ang tibok ng puso ko!!

Kahit kelan, takaw disgrasya! Konting kilos akala mo mamamatay sya! Baliw!

Sandali akong nawala ang inis ko at taka akong napatingin sa kamay ko nung mapansin kong nanginginig 'to!

Anong nangyari dito!?

Dala ng inis siguro..

Hindi ko na yun pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paninigarilyo..

Pero maya maya lang..

"Maaaaaxxx!!!" dinig kong tawag sakin ni Naih. "Hahahahahahhaha! Woooohhh! Maaaaxxx!!! Umakyat ka dito daliii! Ang ganda! Ang ganda ganda!!!!"

Tss.. isa pang abnoy..

"Maaaaaaxxx!" sigaw nya pa ulit kaya naman inis akong tumayo! Aakyat na sana ako pero nakita ko ang isang towel na puti kaya naman kinuha ko muna yun at saka ako umakyat! "Max! Max! Tignan mo oh! Woooohhh hahahaha! Ang lalaki ng mga isda! Ang lalapit nila sakin!"

Gulat akong makita si Naih na nakalife vest na at pababa na ng yate!

"Noona! Tara na!" dinig ko ring sigaw ni Maxrill na kasalukuyang katabi ni Maxwell! Mabilis namang hinanap ng mga mata ko si Sensui! Inilinga linga ko pa ang mga mata ko pero hindi ko sya makita!

Nasan na yun!?

"Nandito pa ko.."

Dahan dahan akong napalingon sa likuran ko at muntik ng magkadikit ang katawan namin!

"A-Ano ba! Alis!" inis na sigaw ko dahil masyado syang malapit!

"Naligo ka na't lahat.. Mmm ang bango mo pa rin.. hehehehehehehe.."

"Alis sabi e!"

"Ano ka ba! Wag ka ngang OA! Tch! Hindi naman kita didikitan ng higit pa dyan! Tch! Oh eto!"

Pabato'ng ibinigay nya sakin ang lfie vest ko!

"Isuot mo yan.."

"Ano 'to?!" inis na tanong ko.

"Life vest ang tawag dyan.."

"Alam ko!"

"E bakit nagtatanong ka pa?? Para lang makausap ako?? Hahahahahahaha.."

"Ang kapal ng muka.." bulong ko pa.

"Mapisngi lang hehehehe.. sige na.. isuot mo na yan.. Bababa na tayo.."

"Ayoko---"

"Ops! Bawal tumanggit.. halik ang kapalit.."

Inis akong isinuot yun!

Peste! Bakit ba ako nagpapasindak sa accident prone pilantod na 'to!? Talagang makakatikim ng sapak sakin 'to e.. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na 'to ng hindi kita nasasapak Sensui! Taga mo yan sa panga mo!

"Bilis!" sigaw nya pa at parang tanga'ng sumunod naman ako!

Peste! Peste! Peste!

Nung matapos ako ay padabog ko pang pinagpag kunwari ang life vest na suot ko!

"Tapos ka na ba??"

"Ano sa tingin mo!?" sarkastikong tanong ko.

"Oh sya talikod.."

"Eh!?"

"Talikod!"

"A-Anong talikod?!"

"Tumalikod ka!"

Inis na naman akong sinunod sya!

"Hindi pa kita asawa kaya naman wala ka pang pwedeng makita hehehehe.. hanggang mukha ka pa lang.."

"Lintek rin naman talaga ang tigas ng mukha mo e no!?" inis na tanong ko habang nakatalikod sa kanya at nangigigil sa inis!

"Hahahahaha.. nagpapakatotoo lang.."

"Konting konti na lang talaga.. Konting konti na lang Sensui---"

"Ano?!"

Laking gulat ko nung idungaw nya ang ulo nya malapit sa mukha ko munit ang katawan nya'y nananatili sa likuran ko! Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa dahilan para mapaatras ako!

"A-Anong ginagawa mo dyan!!"

"Tinitignan ang mukha mo.. hehehehehe.."

"H-Hindi mo na pwedeng ulitin yun---naiintindihan mo!?"

"Okay.. heheheheheheh.."

"Seryoso ako!" inis na sigaw ko!

"Mas seryoso ako.."

Tumingin sya sa mga mata ko at kuminang na naman ang mga mata nya sa paningin ko!

"Hindi masamang ipakitang kinikilig ka paminsan minsan ha?? Ta.. Gu.. Ro.." sabi nya sa mismong mukha ko at saka nauna sakin!

Naiwan akong nakatayo at sunod sunod ang lunok!

Nung makarinig ako ng dive sa tubig ay saka ako inis na lumingon uli sa kanila!

Peste ka! Malunod ka sana!

"Pein, ano ba? Let's go! Hapon na oh.." si Maxwell. Kaya naman inis akong bumaba na rin ng yate!

"A-Akala ko ba snorkeling?!" inis na tanong ko.

"Teka lang.. doon pa daw ang snorkling.." si Naih. "Gusto kasi ni Maxrill makita ang mga isda dito.."

"Tsk! Ayoko ng isda! Nabubuset ako sa mga isda! Ayokong lumangoy! Naiinis akong lumangoy!" inis na sabi ko.

"E bakit ka nandito?!"

Pakiramdam ko ay namula ako sa pagkapahiya sa derektang tanong ni Naih na yun!

"E-Eh n-niyaya nyo ko---"

"Pero hindi ka namin pinilit.." nang-aasar pang sagot nya. "Kilala mo ang sarili mo.. kapag sinabi mong ayaw mo Maxpein.. ayaw mo, Maxpein!!!! Wala kelanmang nakapagpabago sa desisyon mo.. ngayon lang!!!!" nakangising dagdag nya at saka lumayo sakin! Inis akong tinignan sya habang papalapit kila Maxwell at Maxrill!

"Tss.. baliw ka.. geh, shabu pa!"

Inis akong lumangoy ng kaunti papalayo sa kanila at nakita ko si Sensui!

Parang bata'ng nakikipaglaro sya kay Maxrill na tuwang tuwa naman katitingin sa mga isda!

Masyadong malinaw ang tubig sa paligid namin kaya naman kahit na hindi mo ilubog ang ulo mo sa tubig ay makikita mo silang lumalangoy sa paligid!

Ano bang ginagawa ko dito!!!! Pesteeeeeee!!!!!!

Naiinis talaga ako at seryoso ako! Nababadtrip talaga ako!

Ako mismo ay hindi ko kilala ang tao'ng iniaasta ko ngayon!

Nagflashback sakin lahat ng mga pinagsasasabi ko kay Sensui at mas nakaramdam ako ng inis!

May gusto na ba ako sa kanya?!

Tss.. imposible..

"Max! Come here!" sigaw ni Maxwell at inis naman akong lumangoy papalapit sa kanila! "Stay here.. wag kang humiwalay samin.." may awtoridad na utos nya sakin at nagpalutang lutang na lang ako sa tubig at hindi ako nakisali sa kanila..

Tumingala ako sa langit at pinagmasdan yun..

Sana nga.. sana nga magkagusto na lang ako sa kanya.. Kasi gusto ko nang makalimutan si Randall..

Kahit ayaw ko ay kusa syang pumasok sa isip ko..

Naalala kong hindi kami nagkaroon ng pagkakataon noon na makapagswimming ng solo.. Parating may kasama.. pero hindi namin kelanman nakasama ang pareho'ng pamilya namin sa mga outings namin..

Nung nasa kalagitnaan pa lang kami ng relasyon namin ni Randall ay nakakapag-outing kami nila Maxwell, pero hindi rin naman sa ganitong kalayong lugar.. Sa mga lugar lang na malapit sa Laguna..

Pero kahit kelan hindi ako binadtrip nun tulad ng pambabadtrip sakin ng isang 'to!

Naalala ko ang mga sinabi ni Sensui mula kagabi!

Seryoso talaga sya.. may gusto talaga sya sakin.. At base sa ipinapakita at mga pinagsasasabi nya.. sa mga ikinikilos at ginagawa nya.. Kahit hindi nya sabihin, alam kong in love na sya sakin..

Masyado na nga ba talagang nagiging makapal ang mukha ko?? Dahil ako mismo ay nasasabi sa sarili kong in love nga sya sakin?!

Tss.. siguro nga ay makapal ang mukha ko.. Pero kahit naman ganon ang nararamdaman ko sa mga ipinapakita nya.. Hindi ko pa rin matanggap sa sarili kong gusto nya nga ako..

Sa dami ng kalokohang ginawa nya sakin noon?! Sinong engot ang maniniwalang hahantong kami sa ganito?!

"Isama mo naman ako sa iniisip mo.. O kasama na talaga ako?? Hehehehe.."

Inis akong napabalikwas mula sa pagkakalutang nung marinig ko na naman ang boses ni Sensui!

Nagtama na naman ang paningin namin at nakangiti pa rin sya sakin!

Kunwari pa syang takang tumingala sa langit at saka tumingin sakin!

"Anong meron dun?" tanong nya na itinuro pa ang langit! "Bukod sa ulap.. anong nakikita mo dun?? Hehehehehehehe.. Mukha ko??"

"Asa.."

"Pero.. ano ngang nakikita mo?? Seryoso.."

"Si Kamatayan.. sinusundo ka na.."

"H-Hoy Taguro! W-Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" biglang seryosong sigaw nya at hindi naman ako nagpasindak sa kanya! Seryosong tinignan ko sya at ipinaramdam kong wala akong pakialam sa kanya! "Wag mo nga akong bibiruin ng ganyan.. Gusto mo na bang mamatay ako!? Ginawa mo na dati yan ah! Natuwa ba ako!?"

"Sino bang may sabe sayong nagbibiro ako!?" inis na tanong ko.

"A-Anak ng.. badtrip ka ah!"

"Tss.."

Hindi nya ako sinagot salubong ang kilay na iniwas nya ang paningin kasunod ng buong katawan nya sakin!

"Para sa simpleng biro.. gagantihan ng masamang biro.. Bwisit!" dinig kong bulong nya at natawa naman ako ng bahagya munit hindi ko ipinarinig sa kanya.

Abnoy kahit kelan.. ugaling ugali neto kausapin ang sarili nya.. Tsk tsk tsk..

"Hoy.." usal ko na kinulbit pa sya at salubong na salubong naman ang kilay nya nung lingunin nya ako! "Anong ibinubulong bulong mo dyan ha?!"

"Ano bang pakialam mo!?" inis na tanong nya.

"Narinig kita.."

"Narinig mo pala e.. bakit nagtatanong ka pa?!"

"Tss.. ano ka babae?! Kung makapag-inarte ka sa harap ko.. Babae?! Babae?!"

"Hindi ko nagustohan ang biro mo, okay?!"

"Edi ngayon.. alam mo na kung anong pakiramdam ko!?"

"Tch! Ganyan ka ba talaga?! Para kang bata! Kapag biniro ka talagang kailangang magantihan mo ng doble!? Alam mo ba kung anong pakiramdam ko dahil binibiro mo ko sa kamatayan ko?!"

Ang OA naman nito..

"Pano kung magkatotoo ang biro mo?! Sa tingin mo hindi ka maguiguilty dahil yung simple'ng biro mo---nagkatotoo!?"

"Sino namang may sabi sayong hahayaan kong magkatotoo yun??" nakangising tanong ko.

"A-Ano?!" inis pa ring tanong nya.

"Kahit sunduin ka ni Kamatayan.. desisyon ko pa rin kung hahayaan kitang sumama o hindi.." nakangising sagot ko at natigilan naman sya. Kumurap kurap pa ang mga mata nya at saka napapalunok na tumingin na naman sakin. "Tss.. kilig na naman.." sarkastikong bulong ko at saka lumangon papunta kila Maxwell pero..

"A-Ano ba!!!!" inis akong sinipa sya!

"A-Aray!!!" sigaw naman nya! "Bakit mo ko sinipa!"

"Bakit mo ko hinawakan sa paa!!!!" sigaw ko rin sa kanya!

Lalangoy na sana ako papalayo sa kanya at papalapit kila Maxwell matapos kong bitiwan yung pamatay kong linya e bigla nya naman akong hinila sa paa dahilan para sipain ko ang kamay nya!

"Bakit ba ang hilig mong tumalikod matapos kong magbitiw ng matatamis na salita, Taguro!?" nakangising bulong nya sakin at salubong ang kilay namang napatingin ako sa kanya! "Alam mo?? Kung isang malaking kumpanya ang puso mo at puso ko.. sisibakin na ako sa trabaho.. Sa pagkakaalam ko.. trabaho kong pakiligin ka, dahil ako ang nanliligaw sayo.. Pero bakit nga ba, ako ang mas pinakikilig mo??"

Ano bang sinasabi nito!?

"Sabihin mo nga sakin.. may gusto ka na rin ba sakin??" matamis ang ngiti'ng bulong nya pa.

"Ano!?"

"Tinatanong ko kung may gusto ka na rin ba sakin??"

"Wala!" deretsong sagot ko. Hindi sya sumagot pero hindi rin bakas sa mukha nyang nainis sya. HIndi ko alam kung nagustohan nya ang sagot ko o nagalit sya! Nananatili syang nakangiti at nakatingin sakin!

Dinig kong bumuntong-hininga sya at saka mas tumitig sakin..

"Pwede bang ienjoy mo na lang ang pakiramdam habang kasama mo ko?? Pwede bang wag mo na lang kontrahin ang mga sinasabi ko at kiligin ka na lang??"

"Bakit ko naman gagawin yun?" mataray na tanong ko.

"Dahil sa ganong paraan ko lang makukuha ang pagmamahal mo.. At kung mamamatay man ako ngayon sa dagat na 'to.. ayos lang, basta ikaw ang kasama ko.."

"Ano ba! Ano ba! T-Tigilan mo na nga yang mga kabaduyan mo pwede!?" inis na tanong ko.

"Hahahahahahaha.. baduy na ba?!"

"Sobra! Ang jologs mo!" sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang muna sya!

"Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito.. kahit na hindi tayo.. Nakikita at nararamdaman kong gusto mo rin ako.."

"Ano!?"

"Mmm.. kahit hindi mo sabihin.. pinaparamdam mo naman sakin.. Actions speaks louder than words, you know!?"

"Tss.. one word, Sensui.. One word.. ASSUMING!"

"Showy lang.. hehehehehe.. Wag ka na kasing masungit! Pwede bang ienjoy na lang natin yung oras ng hindi mo ko inaaway!?"

"Wag mo kong dikitan para hindi kita inaaway!"

"E anong gagawin ko?! Hindi mahiwalay sayo ang puso ko!?"

"E kung lunurin ko yang puso mo?"

"Sa pagmamahal mo?! Pwede!!!! Pwedeng pwede! Hahahahaha!"

"Hoy! Tama na yan! Tara na!" biglang tawag ni Naih samin at inis akong tinalikuran si Sensui!

"Teka.." habol na naman nya!

"What now! Tigilan mo na ako!"

"Y-Yung paa ko.. m-masakit na talaga.."

Hindi ako nakasagot at tinitigan ko sya.

Sinubukan ko pang tumingin sa paa nya pero dahil nakalubog kami sa tubig ay hindi ko yun makita!

Pero ganun pa man e bakas talaga sa mukha nyang seryoso sya sa sinasabi nya.

"Sabi naman kasing magpahinga ka na e.." inis pa ring sabi ko.

"Mas gusto kong mapagod kasama mo.. kesa magpahinga ng hindi ka nakikita.." bulong nya habang iniinda ang sakit na nararamdaman nya. Bahagya ng nakangiwi ang mukha nya at mukhang nasasaktan na talaga sya!

"T-Tara.. tara.." yaya ko at iniakbay ko ang kamay nya sa balikat mo.

"Kaya mo ba ako??"

"Tss.. nasapak nga kita ng ilang beses e.." mayabang na sabi ko.

"Tch!"

"Hindi kita bubuhatin wag kang mag-alala!"

"Mahalin mo lang ako ayos na.."

"Manahimik ka.. baka lunurin kita.."

"Love me.. love me.. say that you love me.. Fool me.. fool me.. Go on and fool me.." kanta nya pa ng isang lumang kanta habang nakatingin sakin!

Hindi ko na sya pinansin at inakay ko na sya palangoy papalapit sa yate.

Nakaakbay sya sakin pero hindi ko gaanong ramdam ang bigat nya.

Gumagaan ang katawan namin pareho habang nasa tubig..

"Oh.. What happened? Are you okay??" biglang tanong ni Maxwell mula sa likuran namin kaya naman sabay naming nilingon sya.

"Hindi nya na kayang umakyat.. tulungan mo nga.." utos ko sa kanya.

"Magpahinga kana kaya?" baling ni Maxwell kay Sensui.

"Kaya ko pa.." nakangiting sagot ni Sensui kaya naman inalis ko ang pagkakaakbay sakin ng kamay nya!

"Kaya mo pa pala e! Umakyat ka mag-isa!"

"Shhh.. Maxpein.." suway sakikn ni Maxwell. Seryoso sya.

"Tss.."

DEIB'S POV

Napakasaya naman talaga ng araw na 'to at ito na ang pinakamasayang araw sa tanang buha ko hahahahaha!

Ewan ko ba kung bakit meron sa loob kong nagsasabi saking hindi man sing tindi ng nararamdaman ko ang nararamdaman ni Taguro.. Alam kong meron!

Kahit konting konti ay MERON!

Pero ayaw ko pa ring mag-assume ng sobra..

Iniiwasan kong maramdaman at mag-isip tulad ng dati.. nung si Kim pa ang nililigawan ko..

Gayunpaman ay ayokong ipagkumpara.. dahil itong ginagawa ko kay Taguro.. hindi ko na pinag-iisipan pa.. dahil nagkukusa.. Lumalabas sa pagkatao ko ng natural na natural..

Hehehehehehehehhehehe.. Love me.. Love me.. Say that you love me..

"Oh.. What happened? Are you okay??" biglang tanong ni Maxwell mula sa likuran namin kaya naman sabay naming nilingon sya.

"Hindi nya na kayang umakyat.. tulungan mo nga.." utos ko ni Taguro sa kanya.

"Magpahinga kana kaya?" baling ni Maxwell sakin.

"Kaya ko pa.." nakangiting sagot ni ko at mabilis namang inihagis ni Taguro ang kamay ko!

"Kaya mo pa pala e! Umakyat ka mag-isa!" sigaw nya pa!

"Shhh.. Maxpein.." seryosong saway ni Maxwell sa kanya.

"Tss.."

"Let me help you.." bulong pa ni Maxwell at saka inalalayan ako paakyat.

"Oh? Ayos ka lang ba iho??" alalang tanong ni Mang Pitong.

"A-Ahh hehehe.. opo.." sagot ko naman.

Pero ang totoo ay tinitiis ko na lang..

Masakit na talaga ang paa ko at nanginginig hanggang hita ko kapag sinusubukan kong ipapag o ilakad ito..

Sakit na kayang kaya naman..

Pero mapapangiwi ka talaga kapag biglang tinamaan!

"Maxwell.." tawag ni Taguro.

"Mmm?"

"Ayoko ng lumusong sa tubig.."

"Bakit?" gulat na tanong ni Maxwell sa kanya at lahat naman kami ay nananatiling nakatingin sa kanya.

"Ayoko nga kasi lumangoy langoy kasama ng mga isda! Natatakot ako sa isda!"

Hahahahahahahaha! Ang cute..

"Kasama mo namin kami e.. marami tayo.." pigil ang tawa'ng sagot ni Maxwell sa kanya!

"Tss.. kahit na marami tayo.. mas marami pa rin yung mga isda!!!"

Hahahahahahah! Ang cute cute nya..

"Maxpein---"

"Look.. hindi ko trip ang mga ganon, okay!? Hindi ko trip makilangoy sa mga isda kahit pa magaganda silang tignan para sayo! Hindi lahat ng maganda at masaya sayo ay ganon rin sakin! Ayokong lumangoy! Kayo na lang.."

"Ang killjoy mo, Max!" si Parrot!

"Oo nga.." sang-ayon ni Maxrill. "Kasama mo naman si Deib.."

"Tss.. pipilay pilay nga e.."

"Edi sasamahan na lang kita dito.." singit ko at nilingon naman nila ako at ngumiti naman ako. "Kung ayaw nya talagang magsnorkle.. sige maiwan na lang kami dito---"

"Sumama ka sa kanila.."

Tigas ng ulo..

"Sasamahan na lang kita dito.."

"Kailangan mong mag-enjoy.."

"Tch! Pano ako mag-eenjoy e ang sakit nitong paa ko.. hindi pa kita makakasama?? Anong enjoy dun!? Hehehehehe.."

"Kaya nga sumama ka na, Noona.." si Maxrill.

"Peste! Peste! Peste!" sigaw ni Taguro na parang wala ng magawa!

Inis syang tumalikod samin at lumapit kay Mang Pitong! Nagkatinginan naman kaming lahat at saka palihim na natawa sa kanya..

"Ang laki laking tao, duwag.." bulong pa ni Maxwell.

"Hahahahaha.. nagpapacute lang yan.." si Maxrill.

"Hahahaha, ngayon ko nga lang rin nalamang takot sya sa isda e hahahah.. ang cute di ba?! Pucha ang weird talaga ni Max! Super duper weird!"

"Hahahahahaha.." at nagtawanan kami.

"Are you enjoying, Deib??" tanong sakin ni Maxwell at agad naman akong ngumiti sa kanya.

"I'm more than enjoying.. I'm very happy at the same time.." nakangiting sagot ko.

"Psh! Ikaw ba naman makadikit ng hard sa crush mo e.. pucha sinong hindi matutuwa?!"

Inis akong nginusuan si Parrot!

"She's not my crush.." nakangising sagot ko.

"Hahahahahahaha.. in love ka na ba talaga kay Max ha?? Sensui??"

Nakaramdam bigla ako ng hiya sa derektang tanong nyang yun!

"Ang tanga ko talaga.. kitang kita naman, bakit pa ako nagtatanong di ba!? Hahahahaha.. you're in love.." si Parrot.

"Tch.."

"Hahahahaha.. pucha ang lupet! Wala pang nakadikit kay Max ng sing close ng pagdikit dikit mo!"

Seryoso!?

"T-Talaga??" tanong ko.

"Mmm.. kaya nga nagugulat ako't hindi ka napapasama sa mga ginagawa mo e hahahaha.."

"Mmm hahahahaha.." nanunuksong banat ni Maxwell at hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti sa kanila..

Sandaling katahimikan ang namutawi pero lahat kami nananatiling nakangiti.

"Salamat.. salamat sa inyo.." pigil ang hiya'ng usal ko at tumingin naman sila sakin.

"Saan??" nakangiting tanong ni Maxwell.

"Kasi kahit na, inaway away ko noon si Taguro.. Ngayon, tinutulungan nyp pa rin ako.."

"Psh.. anong kinalaman namin dun!? Ginusto mo yan e hahahahaha.."

"Hahahahaha.." nakitawa ako kay Parrot. "Pero seryoso.. Salamat talaga.. Kasi kung sa iba yun.. malamang, hindi na ako nakalapit kay Taguro.."

"Bakit naman?!"

"Kasi nga syempre.. yung pinagdaanan namin nung una, hindi maganda.. Kahit sinong malapit na tao sa kanya ay magagalit sa mga pinaggagagawa ko sa kanya.."

"Hahahahaha.. sabagay.. Pero ayos na rin yung sa ganon kayo nagsimula.. at least, matatapos kayong masaya.."

Napatingin ako kay Maxwell ng bitiwan nya ang masarap sa pandinig na linyang yun!

"T-Talaga??"

"Mmm.. hindi naging maganda ang start nyo.. Kaya paniguradong masaya ang magiging ending nyo.."

"Hahahahahahahahahaha.." natawa ako sa sobrang saya. "Sana nga.."

Mabilis na lumipas ang sandali at narating namin ang parte ng dagat kung saan sabi ni Mang Pitong ay spot talaga for diving and snorkeling..

"Ano?? Ayaw mo ba talagang sumama??" tanong pa ni Parrot kay Taguro na umiling naman agad. "Sumama ka na kasi.. wala ng araw oh.. 5:30pm na kasi.."

"Ayoko nga.."

"Sige na Max, please?"

"Sige, magpumilit ka pa.." nakasimangot ng tugon ni Taguro sa kanya.

"Edi hindi na.."

Tinignan lang nina Maxwell at Maxrill si Taguro at saka sumunod kay Mang Pitong.

At maya maya pa ay nasa tubig na naman sila..

Iika-ika naman akong naglakad papalapit sa gilid ng yate para silipin sila..

Gusto ko rin sana.. pero mas gusto kong makasama si Taguro at makapagpahinga..

"Bakit hindi ka sumama?"

Dahan dahan akong napalingon kay Taguro pero hindi sya nakatingin sakin.. nasa tabi ko sya pero isang metro ang agwat nya. Nakatungo lang sya sa dagat habang salubong ang kilay nya kaya naman tumingin na lang rin ako sa kanila. Kasalukuyang nagtatawanan sila sa tubig.

"Sabi ko naman sayo.. pumunta ako dito, para sayo.. Mas mag-eenjoy akong sigaw sigawan mo kesa mag-enjoy mag-isa kasama yung mga isda'ng kinatatakutan mo.."

"Tss.."

"Hehehehe.. Masakit na rin kasi ang paa ko.. B-Buti sana kung kasama ka, alam kong hindi mo ko pababayaan kaya sasama talaga ako.." nakangiti pang sagot ko at nakita ko naman sa gilid ng paningin ko na lumingon sya sakin kaya naman nakangiting lumingon rin ako sa kanya at saka nagtama ang mga paningin namin.

"Bakit ba parati mo na lang idinidikit ang sarili mo sakin??" seryoso at kunot-noo'ng tanong nya munit hindi galit ang tono ng pananalita nya.

"Hindi ko alam.. basta, gusto kong parati kitang nakikita.. parati kitang nakakasama.. nakakausap.."

"Bakit nga?"

"E kasi nga gusto kita.. Gusto kitang makasama, makausap, makita.. lahat.. Lahat ng may kinalaman sayo.. gusto ko.." nakangiting sagot ko at mas sumeryoso naman sya!

Magagalit na naman ba sya?!

Bumuntong-hininga sya at salubong na naman ang kilay na tumingin sa malayo.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pumapayag akong gani-ganituhin mo dahil kung ibang tao yan.. matagal ng nakatikim sakin.." biglang usal nya at napalunok naman ako. "Ikaw lang ang nakaganito sakin.."

"A-Anong ganyan??"

"Ang lumapit lapit sakin.. umakbay-akbay sakin.. yumakap yakap sakin.. humawak hawak sa kamay---"

"Hoy!" sigaw ko sa kanya! "Mamatay man ako ngayon.. i-ikaw ang unang humawak ng kamay ko at ikaw rin ang unang yumakap sakin!"

Hindi sya nakapagsalita at inis na tumingin sakin!

"Oh!? Bakit?! Hindi ba?! Tch! Hindi ba't nung minsang harangin ako ng mga gangster e hinawakan mo ang kamay ko at niyakap mo ko nung huli?! Nakita pa nga tayo ni Choco!"

Hindi pa rin sya nagsalita!

"B-Baka may gusto ka na rin sakin??" pigil ang kilig na tanong ko.

"Ewan ko.."

Hindi ako nakasagot! Hindi ko inaasahan ang sagot nyang yun!

Ibig sabihin.. nalilito na rin sya??

"T-Taguro.." usal ko sa pangalan nya at bumuntong-hininga pa rin sya.

"Ayokong sabihing hindi.. pero mas ayaw kong sabihing, OO.."

"B-Bakit?"

"Dahil mahirap na.. Hindi ko ugaling magbitiw ng salita.."

"P-Pero.. h-hindi ba't mararamdaman mo naman yun? Kung gusto mo o hindi ang isang tao---"

"Oo nga pero hindi sa ganitong sitwasyon.."

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at bumuntong-hininga na naman sya at saka tumingin ng deretso sakin.

"Kinausap ko ang sarili ko at pinag-isipan ko ng todo kung anong gagawin ko sayo.."

"A-Anong gagawin mo?"

"Naiinis ako sa mga pinaggagagawa mo pero.. hindi ako makapagbitiw ng salita para huminto ka na sa mga ginagawa mo dahil ayokong masaktan ka.." deretsang usal nya at nabigla naman ako. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit masyado akong nag-iingat para hindi ka masaktan.. Tss.."

"Nakakaloko.. parang tanga.." natatawa pa kunwaring usal nya at saka muling bumuntong-hininga. "Sabi ko sa sarili ko ay tatanggapin ko na lang ang lahat ng mga ginagawa mo at tatandaan ko na lang ang lahat ng mga sinasabi mo sa ngayon.." sabi nya at saka muling tumingin sakin. "At pagbalik natin sa Laguna.. saka ko na lang ulit tatanongin ang sarili ko kung hanggang saan ka na ba talaga aabot sa buhay.. ko.."

*TUGUDUG!*

*TUGUDUG!*

*TUGUDUG!*

*TUGUDUG!*TUGUDUG!*TUGUDUG!*

Unti-unti ay muling bumilis ang tibok ng puso ko!

Gusto kong tumalon sa saya pero ayokong sirain ang sandaling ito!

Kahit wala syang sinasabi ay pakiramdam ko napakalaki ng pag-asa kong sasagotin nya na ako!!!

Ayaw nyang masaktan ako? Hahahahahaha.. Pumapayag syang iparamdam ko sa kanya ang feelings ko? Bwahahahahahaha! Oh Taguro.. bakit ba ang lakas ng kutob kong sasagutin mo na ako???

Hahahahahahahahaha.. hinding hindi ka magsisisi Taguro.. dahil ipapakita ko na sayo ang future na hindi mo nakikita noon..

"Yeeeeeeeeeeessssssss!!!!"

"Tss.."

Napapahiyang napatingin ako kay Taguro.

"Anong iniyeyes-yes mo dyan!?" taas-kilay na tanong nya.

"A-Anong yes?" tanong ko.

Naisigaw ko ba??

Bobo!

Badtrip!

Bumabalik na naman ang sakit kong yun!

"A-Ano na nga ba yung sinasabi mo??" pag-iiba ko sa usapan..

"Tss.. kung anu-ano kasing iniimagine mo e.."

"H-Hindi naman.." nakangusong sagot ko at hindi naman sya sumagot. Muli syang tumingin sa malayo kaya naman nakangiti akong tumitig ako sa kanya. "Pero...." nangingiti pang usal ko pero hindi sya lumingon. "...hehehehehe.. I don't know why I have this feeling that you also have feelings for me.."

Tumingin sya sakin!

"Pano mo nasabi?" tanong nya at ngumiti naman ako.

"Dahil sa mga ikinikilos mo rin.."

"Ano bang ikinikilos ko?"

"Na nag-aalala ka sakin.."

"Kahit sinong tao, pwede namang mag-alala sayo.. Masyado kang lapitin ng aksidente.."

"P-Pero iba pa rin yung pinapakita mo.."

"Bakit? May iba-iba bang level ang pag-aalala??" natatawa pa kunwaring tanong nya.

"Oo!" matikas na sagot ko! "At pinakamataas ang sayo.. hehehehe.."

"Tss.."

"Tch! Totoo! Kung alam mo lang kung gano kasaya yung naramdaman ko nung makita kong dumungaw ka sakin nung sumigaw ako ng malakas kanina hehehehe.. Natatawa ako hindi dahil nakakatawa ka.. natatawa ako dahil wala ng mapaglagyan yung kilig ko hahahaha.. ang cute cute mo nun!"

Napatahimik ako nung makita kong inis syang tumingin sakin..

Natahimik kaming dalawa at sabay naming pinanood ang alon ng tubig.

"Hindi kita mamadaliing sagutin ako Taguro.. wag kang mag-alala---"

"Pero wag mo ko itulad kay Kim.."

"A-Anong kay Kim!?" gulat na tanong ko.

"Ayokong mag-isip ka ng kakaiba tulad ng paraan ng pag-iisip mo nung kayo pa---"

"Hindi naman naging kami!"

"Pero parati mong sinasabing 'parang kayo na rin naman'.. Ayokong isipin mo yun sakin.. sa atin.."

"M-May tayo na ba??"

"Asa ka pa.."

"Tch!"

"Ang ibig kong sabihin ay wag mo itatatak sa isip mong 'parang tayo na rin' naman!"

"A-Ahh hahahahaha.. a-akala ko sinasagot mo na ako e.. hehehehe.."

"Dahil ayaw kong umasa ka sakin tulad ng pag-asa mo noon kay Kim.."

"T-Taguro.. wag mo namang ikumpara ang sarili mo kay Kim---"

"I'm not.." mabils na sagot nya at saka tumingin sakin. "Masyado akong malayo kay Kim.. she's perfect and I'm worst.." nakangiting sagot nya. "Umasa ka dahil pinaasa ka nya.. Sakin, wag ka ng umasa dahil wala kang aasahan.."

Nalungkot akong bigla sa sinabi nya at pakiramdam ko ay bumagsak ang mga balikat ko..

"D-Don't worry.." nanlulumong usal ko saka pilit na ngumiti sa kanya. "What you said is right.. Umasa ako kay Kim noon pero.. h-hindi ako magdadalawang isip na umasa rin sayo ngayon.. I don't care if in the end, I'll get hurt.. aasa pa rin ako.. Because my chances are based from what you're showing and not in what you're saying.."

Pigil ang damdaming tinalikuran ko sya at saka iika-ikang naglakad papalayo sa kanya..

Dahan dahan akong napatingin sa kamay ko nung maramdaman kong hawakan nya yun..

Unti-unti kong iniangat ang paningin ko sa kanya at saka kami tumingin sa isa't isa..

"Ayokong umasa ka.." mahinang usal nya habang nakatingin sa mga mata ko. "Dahil ang gusto ko.. maghintay ka.. kahit wala kang nakikitang pag-asa.."

"T-Taguro.."

"Ayokong pilitin ang sarili kong gustohin ka.. dahil gusto ko 'tong magkusa.."

Napatungo ako at naghahalu-halo na naman ang emosyon ko..

Napatingin akong muli sa kanya at may namumuong luha na sa mga mata nya..

"Gusto kong kapag minahal na kita.. hindi mo na kailangang mag-effort pa.." nakangiting sabi nya. "Hindi mo na kailangan sumunod sakin dahil isasama kita.. Hindi mo na kailangang magpatulong sakin dahil tutulungan kita.." tumingin ako sa mga mata at kitang kita ko ang pagiging sincere nya!

Damn.. I want to hug her..

Taguro.. I want to kiss you..

Parang may bulak na kumikiliti at umiikot-ikot sa loob ng puso ko habang binabasa ko ang bibig nya.. gusto kong angkinin ang mga labi nya pero natatakot akong baka mabastos ko sya.. Para akong hinihigop ng labi nya kapag tinitignan ko yun..

"Gusto mong lumangoy?" biglang tanong nya at napatingin naman ulit ako sa mga mata nya.

"H-Ha?"

"Gusto mo ba kakong lumangoy.. sasamahan kita.." napapabuntong-hininga pang tanong nya at napangiti naman ako.

"Bakit?" nakangiting tanong ko.

"Anong bakit?"

"Kanina.. ayaw mong lumangoy kasi takot ka sa isda.. Ngayon naman, niyaya mo ko.. Bakit??" nakangiti pa ring tanong ko habang nakatingin sa mga mata nya.

"Dahil bisita kita.. gusto ko mag-enjoy ka.." seryoso pa ring sagot nya.

"Mas nag-eenjoy ako ngayon dahil solo kita.." bulong ko sa kanya. "I want to make your fairy tales come true.."

"I don't believe in fairy tales.." seryosong usal nya.

"Coz I've never seen a fairy yet.." nakangiting dagdag nya pa.

"Then live in reality and allow me create our own fairy tale.."

"Tss.." nakangiting singhal nya at saka tumingin ulit sa tubig. Huminga ako ng malalim at saka hinawakan ang mga kamay nya dahilan para lingunin nya akong muli.

"I'm so lucky.." mahinang usal ko habang pinagmamasdan ang kamay nya. "Yung mahawakan ang kamay mo ng mas matagal pa sa isang segundo.. napakaswerte ko.." nakangiti pang usal ko at saka tumingin sa mga mata nya. "Hihintayin kita.. kahit ilang taon pa ang lumipas bago tayo makabalik ng Laguna.." nakangiting sambit ko at natawa naman sya.

"Tss.." tatawa tawang singhal nya. "Edi sinolo mo na ko ng todo nun dito?! Asa.." natatawa pa ring dagdag nya.

"Hahahahaha.. taba talaga ng utak mo e no?"

"Ano pa nga ba?"

"Tch.. hambog.."

"Tara na.." yaya nya sakin at dun ko lang napansing hindi sya bumitiw sa kamay ko.

"Teka kukunin ko yung ve---"

"Ako na.. pilay.." pang-aasar nya at saka kinuha yung life vest namin.

"Tch.." singhal ko pero nakangiti pa ring pinanood sya.

Para na akong mamamatay ngayon Taguro.. hahahaha! Mamamatay na ako sa kilig!

Habang papalapit sya sakin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa kanya..

"Bakit?" takang tanong nya.

"Sabi mo.. wag ko ugaliing titigan ang mukha mo dahil baka masaulo ko.. Tch! Hanggang ngayon hindi ko pa rin saulo! Gusto ko pa ring tignan ng tignan hanggang sa mabilang ko lahat ng black heads mo! Hehehehe."

"Tss.. ano bang sinasabi mo dyan?"

"Na gusto kong masaulo ang mukha mo.."

"Wag na.. mapanaginipan mo pa ako.."

Napaisip ako sa sinabi nya at saka ko naisip..

Bakit nga ba hindi ko na sya napapanaginipan ngayon?? Noon, parang bangungot sakin kapag sya ang laman ng panaginip ko.. pero bakit ngayong in love na ako sa kanya, hindi ko pa rin sya napapanaginipan..

"Sabi nila.. kapag nakita mo sa panaginip mo ang isang tao, kasalukuyan kang iniisip nung tao'ng yun.." dagdag nya pa habang isinusuot ang vest nya. Napahinto naman ako sa pagsuot ng akin.

"I-Ibig mong sabihin.. nung mga oras na napapanaginipan kita.. iniisip mo ko!?" tanong ko.

"Tss.. malay ko sayo.."

"Anong malay mo sakin!? Hahahahaha ibig sabihin.. iniisip mo talaga ako!"

"Bakit? Napanaginipan mo na ba ako??"

"Oo!"

"Kelan??"

"Noon! Nung hindi pa kita gusto.."

"Tss.. bangugot yun.."

"Hahahaha ganyang ganyan rin ang tingin ko noon don.. hahahaha.."

"Tss.."

"Pero ngayon.. para sakin hindi na bangungot yun.. Tadhana na yun hahahaha.."

"Ang korni mo.."

"Pero iniisip mo nga ako nung mga oras na yun??" nanunuksong tanong ko pa.

"Malay ko.."

"Pero naiisip mo ko noon?? Nung mga time na magkaaway pa tayo??"

"Oo naman.."

"T-Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mmm.." tatangu-tangong sagot nya at napangiti naman ako!

Iniisip nya rin ako! Hahahahahahaha!!! Iniisip nya rin ako.. haaaayy tsk tsk tsk..

"Iniisip ko kung ilang demonyo ba ang sumanib sayo at ginanon mo ko.."

"A-Ano?!" inis na tanong ko at natawa naman sya!

"Sige na.. sige na.. Tara na.. gumagabi na.. Wala ka ng makikita mamaya.." sabi nya pa at saka inabot ang mga snorkeling gears ko at isinuot ko naman isa-isa yun.

"Okay lang.. kasama naman kita e.. hehehehe.."

"Tss.. isda ang ipupunta mo don.. Hindi ako.."

"Oo nga, pero ikaw ang kasama mo.."

"Whatever.." singhal nya ba. "Pano 'to?? Kakayanin mo ba 'tong mga flippers na 'to e me tama yang paa mo??"

Napatingin ako don sa flippers at kinabahan ako bigla!

Pano ko nga ba maipapagpag ang paa ko e masakit yung isa!

"Tss.. utang na loob mo sakin 'to.. Dahil kahit na takot ako sa isda, sasamahan kita.." seryosong sumbat nya pa kaya naman nawala ako sa iniisip ko!

"Hahahahaha! Utang na loob mo rin sakin 'to dahil sa pagharap mo sa mga bagay na kinatatakutan mo e isang Deib Lohr Enrile ang kasama mo.. Tsk tsk.. sa daan daang babae'ng nangangarap sakin, isang cute mo lang ang nakapagpabaliw sakin.. Taguro.. Taguro.. Tagur---"

"Wag kang mag-alala dahil may nabaliw na rin naman sayo.."

"Huh? Sino!?"

"Si Ysay.. hahahahahahahhaha!!!" malakas ang tawang sagot nya!

Kinilabutan ako sa sinabi nya!

"Nakakadiri ka!" inis na sigaw ko sa kanya!

"Hahahahahahahahaha.. bakit?! Hindi ba?!" tumatawang tanong nya pa at hindi ko na magawang mainis! Hahaha!

Natutulala ako twing makikita ko syang tumatawa.. I'm in love..

"Ang cute mo'ng tumawa Taguro.."

"Talaga?"

"Mmm.. talagang talaga.."

"O sige, hindi mo na yan makikita.."

"Bakit!!!" inis na tanong ko.

"Cute pala e.. baka mabaliw ka.." nakangising sagot nya at saka inialok ang kamay sakin. "Tara na.."

"Tch! Ang yabang mong magyaya dyan.. baka mamaya umatras atras ka!" sigaw ko sa kanya! Napailing naman sya.. "Hahahahaha.. ano!? Natatakot ka na?!"

"Tss.. hindi naman ako sobrang takot sa isda tulad ng iniisip nyo.. Ayaw ko lang talaga nung dumidikit sila sakin, lalo na yung malalaki!"

"Nagawa mo na bang magsnorkeling noon?"

"Oo naman.."

"S-Sinong kasama mo?!"

"Bakit gusto mong malaman??" nakangising tanong nya.

Si Randall siguro..

Nanlulumong napabuntong-hininga ako.

"Si More.. sya ang nakasama ko.."

Hehehehehehehehehehehe...

Hindi ko maiwasang mapangiti..

"Tss.. seloso.." pang-aasar nya pa at saka pumwesto sa hagdan ng yate at nilingon ako. "Ano ba?! Kikiligin ka na lang ba dyan?! Baka gusto mong kumilos?? Gumagabi na oh!"

Ang yabang talaga nitong Taguro'ng 'to!

"E kung tinutulungan mo kaya akong tumayo!?" inis na tanong ko.

"Hanep ka rin naman talaga, ano!? Ako ang nililigawan mo, baka nakakalimutan mo?!"

"O-Oo nga pero.. m-masakit yung paa ko e.."

"Bahala ka sa buh---"

"Eto na nga e.. hehehehehe.." natatawang sagot ko agad at saka pilit na tumayo!

Masakit na masyado pero titiisin ko.. makalapit lang sayo hehehehehe!

Nung tuluyan akong makalapit sa kanya ay agad nyang inialok ang kamay nya sakin.

"Wag kang bibitiw.." mahinang usal nya at napangiti naman ako.

"Hahawakan mo ang kamay ko kahit nasa malalim na tayo??" nakangiting tanong ko.

"Tss.. malamang! Alangang salubungin ko yung mga isda?! Engot.."

Ang sweet sweet nya talaga..

"Bilis.. anong oras na oh.."

"Nasan ba sila??" tanong kong sumilip pa sa dagat.

"Ayun lang sa banda ron.." turo nya sa mismong malapit lang sa yate.

Agad naman kaming bumaba at pigil ko talaga ang sakit ng isang paa ko!

Ayokong maging pabigat kay Taguro kahit papano kaya naman pinipilit ko talagang itungkod yun para makababa ako!

Nakahinga lang ako ng maluwang nung tuluyan na kaming makalusong sa tubig.

"Okay ka lang ba?" tanong nya.

"O-Oo naman.." pagsisinungaling ko.

"Wag mo na lang masyadong iflip ang paa mo para hindi sumakit ng sumakit.."

"Yes bosssss!!!" malakas na sagot ko na sumaludo pa.

"In the count of three.. sabay tayong lulubog.."

"Sige.." nakangiting sagot ko.

"Isuot mo na yung goggles mo.." sabi nya at sinuot yung kanya. "One.. Two.. Three.."

Sabay kaming lumubog..

Nakangiti agad ako nung magtama ang paningin namin sa ilalim ng dagat!

Gusto ko syang yakapin dahil nakangiti rin sya sakin!

Nakahawak sya sa kamay ko habang sabay naming nilalangoy papalapit sa mga isda..

Hindi man magkalapat isa-isa ang mga daliri namin ay masaya na rin ako sa paraan ng paghawak nya..

Sadyang hinahawakan nya lang talaga siguro ang kamay ko para alalayan ako..

Gayunpaman ay masaya pa rin ako hehehehehe!

Kasi alam kong.. sa ngayon ay sakin mo lang ginagawa 'to.. Alam kong bukod sakin ay wala kang ginagawan ng ganito..

A broken heart is difficult to reach, Taguro.. But how did you reached mine??

Nangingiti akong ibinaling na lang sa mga maliliit na isdang sumasalubong samin ang paningin ko..

Magkahawak pa rin ang mga kamay namin habang lumalangoy..

Masaya naming sinalubong ang mga isda.. Bakas ang takot sa itsura ni Taguro sa twing may makikita syang malaking isda pero halata ring ayaw nyang ipakita sakin.. Halata sa kanyang pilit nya lang ginagawang matapang ang sarili nya..

Kaya naman sa twing may makikita akong papalapit na isda ay hinihili ko ang kamay nya para naman mas mapalapit sya sakin at ako ang sumalubong sa malalaking isda..

Mabilis na tumakbo ang oras at nung makita naming papalapit na samin sila Parrot ay umahon na rin kami..

"Akala ko ba ay hindi kayo sasama ha?!" nanunukso munit taas ang kilay na tanong ni Parrot samin!

"E si Taguro e.. pinilit ako.. hahahahahahaha!" mayabang na sagot ko at tumingin naman sya kay Taguro!

"Bakit? Palag??" mayabang na tanong ni Taguro sa kanya at saka nanunuksong tumingin palipat-lipat si Parrot samin!

"Kayo ah!!!"

Thank you Parrot..

"Tss.."

"Ikaw Maxpein ah! Meron kang hindi sinasabi sakin!" nagtatampo kunwaring sigaw sa kanya ni Parrot!

"Talaga??" pang-aasar ni Taguro sa kanya.

"I hate you!"

"Tss.. para kang bata.. Tara na, dumidilim na.."

"Umakyat na mga kapatid mo'ng napagkagegentleman!" sigaw ni Parrot at saka nagpaumuna sakin munit bago pa man sya umakyat ay hinubad nya ang mga flippers nya at saka dinuro kami! "Kapag kayo'ng dalawa ay naglihim sakin.. isinusumpa ko.. hinding hindi ako aattend sa kasal nyo!"

WTF???

"Bwahahahahahahahahahahaha!" sabay kaming natawa ni Taguro sa kanya!

"Oo sige! Huh!!! Pagtawanan nyo ko! Malaking kakulangan ang hindi ko pag-attend sa kasal nyo pag nagkataon dahil kalahati ng Cebu ay pag-aari ko! Hindi kayo makakatungtong sa Cebu!"

"Sinong tinakot mo.." nakangusong pang-aasar sa kanya ni Taguro. "Akyat na, bilis!"

"Huhuhuhu.. I really hate you, Maxpein.. I hate you both!" sigaw nya at saka parang bata'ng umiiyak kunwaring umakyat.

"Ang lakas ng topak nun.." natatawang bulong ko kay Taguro.

"Naiinggit lang yun.."

"Hahahahahahahaha.. naiinggit sayo??"

"Naiinggit sayo.."

"Sakin?! Bakit sakin!?"

"Kasi wala syang tulad mo.."

Bwahahahahahahahahahaha! LUNURIN AKO NGAYON NA!!!!!

"Tara na.. madilim na.. Malayo pa ang byahe natin.."

"Mmm.." nakangiting sagot ko sa kanya. "M-Mauna ka ng umakyat.."

"Sige.. tutulungan kita pagdating ko sa taas.."

"S-Sige.." nakangiting sagot ko pa at saka pinanood syang umakyat..

Now I have to face my fears!

Sobrang sakit na ng paa ko at pakiramdam ko ay mas lalong sumakit ito!

Dahan dahan kong inihakbang ang isang paa ko paakyat kasunod ang masakit kong paa!

Pero....

Pucha ang sakit talaga!

"Okay ka lang ba??"

Tumingala ako at nakita ko si Maxwell!

Mabilis syang bumaba at inialok ang kamay nya kaya naman mabilis akong inabot yun!

"Kumapit kang mabuti.. hihilahin kita pataas.."

"M-Mmm.." tango ko at ginawa nya nga yun!

A-Araaaayyy!!!!

Pigil ang sigaw ko dahil ayokong may makarinig na nasasaktan talaga ako!

Ayokong mag-alala si Taguro.. dahil okay lang naman ako..

Nung tuluyan akong makaakyat ay pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa pinakamalapit na bench at eksaktong humarap samin si Taguro. Nagtataka syang pinagmasdan ako habang hinuhubad ang snorkeling gears nya.

Sana wag nyang mapansin ang paa ko..

Tinapos nya ang ginagawa nya at saka lumapit sakin..

"Oh iho.. ayos ka lang ba??" biglang singit ni Mang Pitong dahilan para hindi makapagsalita si Taguro.

"O-Opo.." pagsisinungaling ko.

"Ahh.. akala ko naman ay kung anong nangyari sa iyo.. Ilang oras pa ang byahe natin pabalik.. Itinawag ko na sa restaurant na paparating na tayo.. Malamang ay gutom na kayo kaya maigi ng may makakain na pagbalik doon.. Ipapahatid ko na lamang sa kwarto nyo ang kakainin nyo.."

"Thanks for today Mang Pitong.." nakangiting sagot ni Taguro sa kanya.

"Ahh hahahaha.. wala naman sakin iyon.. Kinausap ako ng Lolo nyo tungkol dito at gusto ko rin namang gawin 'to para sa inyo.. Maganda masyado ang Palawan kaya naman nakakapanghinayang kung hindi nyo makikita.."

"Makakarating kay Chairman ang pag-aasikaso nyo samin Maman.." si Maxwell.

"Hahahahaha, aba'y hindi na.. Kilala naman ako ng Lolo nyo at alam nya ang ugali ko.. Hindi ko kayo pababayaan.."

"Salamat Maman.."

"Wala naman iyon, bagay.."

"Bukas.." biglang sabat ulit ni Taguro. "Gusto kong makita yung mga lugar malapit sa Resort.. Pwede nyo ho ba akong igala doon??"

"Oo naman.."

"Sa lugar kung saan sila madalas pumunta.."

Nakangiti munit nagulat si Mang Pitong sa sinabi ni Taguro! Nakangiti munit seryoso rin si Taguro! Taka naman tumingin si Maxwell sa kanila pero parang silang dalawa lang ang nagkaintindihan!

"Saan yan!?? Sama akooooo!!!" biglang singit ni Parrot dahilan para mawala ang naiilang na tingin ni Mang Pitong kay Taguro.

"A-Ahh hahahahaha.. doon lamang sa lugar natin kanina iha.." sagot ni Mang Pitong sa kanya.

"Yiiieee oo sige, Mang Peyts!! Gusto ko ring makita yung doon mismo sa resort nila Max! Maganda don! Napakaganda doon!"

"Oo naman.. bukas na bukas ay dadalin ko kayo don.."

"Oo nga po, bukas po kasi ay uuwi na kami.."

"Alam ko namang babalik pa kayo dito.."

"Panigurado po yan hehehehe!"

"O sya sya.. may mga roba dyan sa baba, sige na't kumuha na kayoa at malamig.. Aba'y hindi pala kayo nagsipagdala ng pamalit ninyo.."

"A-Ano po bang roba Mang Peyts?!" tanong ni Parro sa kanya.

"Hahahahaha! Iyong bathrobe ba?? Yun lamang kasi ang meron dyan sa baba.. maaari kayong kumuha.. Mahigit sa lima ang mga yun alam ko.. Ako naman ay may dalang pamalit kaya nga eto't bihis na ako oh.." turo nya pa sa bagong palit na damit.

"Ah sige sige.. bababa po muna kami.."

"O sya sige.." sabi ni Mang Peyts at saka bumalik sa pwesto ng makina. Sila Maxwell, Maxrill at Parrot naman ay bumaba para pumunta sa kwarto ng yate.

Kaya naman napatingin ako kay Taguro at laking gulat ko nung makitang nakatingin na sya sakin!

Bakit ganyan ka makatingin!?

Blangko ang mukha nya habang nakatingin sakin!

Dahilan na naman para mapaisip ako kung ano kayang iniisip nya!

Kung bakit sya nakatingin sakin!

Agad naman akong kinabahan kahit na wala naman akong dapat na ipag-alala..

Dahan dahan syang naupo sa harap ko na bahagya pang itinukod ang isang tuhod nya sa lapag.

"Okay ka lang ba??" bakas ang pag-aalalang tanong nya.

Hindi.. masakit yung paa ko, sobra..

"O-Okay lang ako.." nakangiting pagsisinungaling ko.

"Masakit ba yung paa mo?"

"Hindi.. hehehehe.. Ayos lang.." nakangiti pa ring sagot ko at saka mabilis kunwaring tumayo! Munit ang totoo ay iniinda ko ang sakit habang hinuhubad ko ng mabilis ang flippers at mabilis na isuot ang sapatos ko!

Mabilis naman ring nakaakyat pabalik samin sina Parrot kaya naman nawala na sakin ang atensyon ni Taguro.

NAIH'S POV

Kumuha kami nina Maxwell at Maxrill ng kanya kanyang bathroba na ROBA daw ayon ke Mang Peyts hehehehehe..

"Oh.. kukunin ko ang dalawang 'to para dun sa love birds.." sabi ko pa.

"Sinong love birds?!" takang tanong ni Maxrill.

Slow talaga 'tong bata'ng 'to.. Kung anong talino ng mga kapatid nya, sya namang engot nya!

"Sino pa?! Edi yung dalawa pa sa taas!"

"Sila Deib at Noona??"

"Malamang!"

Grrrrr! Kung hindi ka lang talaga pogi!

"Sila na ba??" tanong pa ni Maxrill.

"Hindi pa!"

"E bakit love birds??"

"Hahahahaha.. Maxrill.. wag mo syang kulitin.." singit ni Maxwell!

Thank God!

"I'm just asking her.." seryosong sagot ni Maxrill sa kanya.

"She's just joking, okay?"

"Arasseo.. Psh.." nakangusong sagot nya pa.

Pero hindi ko talaga akalaing magiging ganon ang treatment ni Max kay Sensui..

Una ay yung kagabi! Kitang kita ko kung paanong inalalayan ni Max si Sensui nung papasok sila sa Restaurant! Nakita naming lahat yun pero parang wala syang pakialam!

Pangalawa ay yung kaninang umaga.. Hindi nakatikim si Sensui ng flying kick nya samantalang ginagawa nya talaga yun kapag sapilitang ginising nya sa araw na alam naman nyang walang pasok!

Pangatlo ay yung nagyakap sila kanina sa dagat! Hindi ko alam kung paanong pumayag si Max na gawin sa kanya yun ni Sensui!

Kung ako ang tatanongin.. kapag may lalaking yumakap kay Max, kahit kilala nya pa 'to basta hindi nya gusto.. iikot at iikot ang paningin nung lalaking yun sa hilo!

Pang-apat ay yung pagsama nya kahit na tumanggi na sya ng una dahil ayaw nyang sumama!

Pinilit lang sya ni Sensui at drinamahan ng konti.. pumayag na sya?! WTF???

Panglima ay yung nakita kong mabilis na pagtakbo nya papalapit kay Sensui nung marinig nya 'tong sumigaw!

Ang kilala kong Maxpein, ay walang pakialam sa paligid nya! Humingi ka man ng saklolo dyan, kapag hindi ka nya trip tulungan.. wala syang pakelam!!!!

Pang-anim ay etong ngayon lang.. sinamahan nyang magsnorkeling si Sensui kahit na takot sya sa isda!

Oh baka naman hindi talaga sya takot at nag-iinarte lang?!

Pero hindi e!

Meron talaga syang hindi sinasabi sakin!

"Hey.."

Mabilis akong napalingon kay Maxwell nung bahagya nya pa akong kulbitin!

"H-Ha??"

"Sabi ko.. umakyat ka na.."

"A-Ahh hahaha.. o-oo.." napapahiyang sagot ko at saka iiling-iling na umakyat.

Nung makita ko sila Max at Sensui ay mabilis akong napangiti..

Ganyan nga Max.. ganyan nga..

"Here.. use this.. its getting cold.." dinig kong sabi ni Maxwell na iniabot na ang mga bathrobe sa kanilang dalawa munit hindi ko pa rin maiwasang mapaisip dahil sa pagkamangha ko sa kanilang dalawa.

May isa ka talagang salita Max.. kaya mahal na mahal kita bilang kaibigan e hehehehe.. Sana nga hindi mo masaktan si Sensui.. kasi kawawa naman sya..

At saka naman ako tumingin kay Sensui.

Ipakita mo lang ang tunay na nararamdaman mo.. sa ganong paraan, mahihirapan syang ilayo ang loob sayo.. Yun ang kahinaan ni Taguro, Sensui.. kapag nakikita nyang sincere ka sa mga sinasabi mo.. Hehehehe.. Goodluck sayo pre at talaga namang susuportahan kita dyan hehehehe..

Sana nandito rin si Lee..'

Nanlulumong lumapit ako sa kanila..

"Sana may kape.." nakangusong sabi ko at saka humiga sa gitna ng yate.

"Pagdating natin sa Hotel, maraming coffee.." si Maxrill.

"Mmm.."

"Matagal tagal pa ang byahe natin.. why don't we play a game??" si Maxwell.

Napabalikwas ako ng bangon at saka tumingin sa kanya!

"Sige! Anong game!?" excited na tanong ko!

"Truth or dare!" nakangising sagot nya at parang naintindihan ko naman ang ngiting yun!

"Kol! Hahahahaha! Sali ako dyan! Sali ako!"

"Ako rin.." si Maxrill.

At umupo rin sina Maxwell at Maxrill sa harap ko at saka kami sabay sabay na lumingon dun sa dalawa.

"Hindi ba kayo sasali??" nakangiting tanong ni Maxwell sa kanila.

"Hindi.." rekta'ng sagot ni Max!

"Sali na kayo, Noona.." pilit ni Maxrill.

"Hindi ako interesado.."

"Wag ka ng KJ, Max! Sumali ka na!" yaya ko pa!

"Tss.."

"Sali tayo, Taguro.." yaya rin ni Sensui sa kanya at napangisi naman ako.

"Ayoko.."

"Para hindi natin mapansin ang oras habang naglalaro tayo, tara na.."

"Ayoko nga.."

"Sige na.." parang bata'ng pakiusap ni Sensui sa kanya at tinignan naman sya ng masama ni Max!!! "Please??"

"Tss.." nakasimangot na singhal ni Max at laking gulat ko nung kusa syang maupo sa tabi ko!

OMG! This can't be happening!!!

Hindi ko talaga maiwasang mapanganga dahil sa ginawa nya!

Paanong nangyaring napapasunod nya si Maxpein sa mga gusto nya?!

Don't tell me... m-may gusto na rin sya kay Sensui!?

Napanganga ako habang nakaturo sa kanya kaya naman nagulat si Max sa iniasta ko!

"Para kang tanga.." pormal na sabi nya pa sakin!

"M-May naalala lang.." napapahiyang sagot ko!

Tumayo ako at kumuha ng bote sa baba, maya maya pa ay bumalik ako sa kanila at saka nakangiting nagtanong.

"Sinong unang mag-i-spin??" tanong ko.

"Ikaw.." sagot ni Max!

"Bakit ako!?"

"Ikaw nakaisip nito e.."

"A-Anong ako!? Si Maxwell kaya!"

"Edi sya mauna.."

"Psh!" nakanguso'ng iniabot ko kay Maxwell ang bote!

"Tsh.. para spin lang natatakot na kayo? Hehehehe.." biglang sagot ni Maxwell at iniikot ang bote na agad namang tumutok kay Maxrill!

"Dongsaeng.." usal ni Maxwell na nakangisi na sa nakangusong si Maxrill.

"What!"

"Hahahahaha.. calm down.. Truth or dare??"

"Consequence!"

"Eh!?"

"Dare!"

"Hahahahaha---"

"Aniya.. Aniya! Truth.." biglang bawi ni Maxrill!

"Wala!!" sigaw ko! "Dare una mong pinili e!"

"I want truth! Hindi nyo pa naman nasabi ang dare!"

"Fine! Psh!" nakangusong sagot ko at saka naman sya bumaling ulit kay Maxwell!

"Who's your favorite?? Me or Maxpein.."

"You.."

"Hahahahahahah!!!" tumawa kaming dalawa ni Maxwell! At dinig ko namang bumungisngis rin si Sensui at nakanguso naman si Max!

"Why??"

"Because you're nicer than her.. Maxpein-Noona is silent but explosive at the same time.. she gets really mad when she's mad.. Masungit sya at madalas na hindi nagsasalita kaya laging hindi ko alam ang inisiip nya.." nakangusong sagot ni Maxrill. "But she always takes care of me though.. hehehehehehe.."

"Tss.."

"Good.." sabi ni Maxwell. "Next.." at in-spin muli ang bottle na tumapat rin sa kanya!

"Hahahahahahahahha!!!" nakaturong tawa ko sa kanya! "Ako ang magtatanong!"

"Tsh.." singhal nya.

"Truth or dare?!"

"Truth!" inis na sagot nya at nginisian ko naman sya!

"Who's your first love!?" nakangising tanong ko.

Hindi sya agad nakasagot!

"Who's your first love!!" ulit ko.

"S-Si D-Dein."

WTF???

Gulat akong napatingin sa kanya at iniiwas naman agad nya ang paningin nya!

"W-What?!" gulat na tanong ko!

"Tsh.." singhal nya.

"Seryoso!?" tanong ko ulit at tumango sya! "S-Si D-Dein na kapatid nito?!" turo ko kay Sensui at tumango naman agad sya! "B-Bakit?!"

"Tsh! Anong bakit?!"

"Bakit si Dein!?"

"I don't know.."

"Psh.." singhal ko at natawa naman sya.

"Shut up Zarnaih.. Deib's here.. its awkward.."

"Fine!" singhal ko at muli naman nyang in-spin ang bottle na tumapat agad sakin!

Fvck!!!!

"Your turn.." nakangising pang-aasar ni Maxwell!

"Ako magtatanong.."

Bigla akong napatinign kay Max!!!

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

"Truth? Or Dare?" nakangisi munit seryosong tanong sakin ni Max!

"Dare.." sagot ko.

"Kumanta ka sa harap ko.."

"Yun lang pala e!" mayabang na sagot ko!

"Habang tumatambling.."

"M-Max naman.."

"I'm serious.. its a dare.."

Bastos na 'to!

"Anong kanta!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Anything.."

Inis akong tumayo na inayos pa ang bathrobe ko at saka nag-isip..

Anong kakantahin ko!?

"Faster.." naiinip kunwaring pang-aasar pa ni Max!

"Teka naman!"

"We're waiting.."

"Psh! Buset!" inis na singhal ko at saka umubo ng bahagya. "E-Ehem.. Ehermm.." tumayo ako ng ayos sa harap nila at saka kumanta. "T-There's somethin' that.. I've got to say.. You're always with me.. Even though, you're far away.. Talkin to you on my cell.. Just the sound of your voice.. Makes my heart melt.. Oh boy, well it's true! I'm all about you.. I'm all about us.. No, baby, you never have.. To question my love.. And every night.. There's a new crowd.. But it's always you.. That I'm singing about.. There is only one these words.. Are going out to.. Oh boy, I-I'm all about y-you..."

Nakaramdam ako ng inis nung pumasok sa isip ko si Lee!

Siguro.. si Ate ang iniisip nya ngayon.. Psh!

"T-Tama na yun!" inis na sabi ko habang naghahabol ng hininga at naupo!

*SONG TITLE: All about You by Aaron Carter*

Parang wala namang interes na tumingin sakin si Maxpein!

"W-What!?" inis na tanong ko.

"Para kanino naman yung kanta mo??"

"A-Anong---W-Wala! Ano ka ba!" iiling-iling na sagot ko sa kanya! "G-Ginawa ko na yung dare ko at w-wala kang karapatang magtanong!" nakangusong sagot ko! "A-Akina na nga yang bote'ng yan at ako na mag-iikot---"

"Ako na.. para fair.." nakangising tanggit ni Maxwell!

Inikot nya muli ang bote at muli itong tumama sa kanya!

"Bwahahahahahaahaha!" malakas na tawa ko!

"Tsh! May daya yata 'tong bote'ng 'to e!" inis na sigaw ni Maxwell! "Truth!"

"Hehehehe.. ako magtatanong ah!?" nakangising sabi ko. "Hanggang ngayon ba.. may feelings ka pa rin kay Dein??" biglang seryosong tanong ko.

"W-Wala na.."

"Weeeehhh???"

"Tsh.."

"Yung totoo.."

"M-Meron pa.. pero hindi na tulad ng dati.."

"Psh.. magkapatid nga kayo.." bulong ko pa na tinignan silang dalawa ni Max!

Muling inikot ni Maxwell ang bote at...

"Bwahahahahahahaha!!!" malakas na tawa ko habang nakaturo sa mukha ni Sensui at inis naman syang tumingin sakin! "Truth? Or dare!!" hamon ko sa kanya!

"Truth!" confident na sagot nya!

"Are you in love with Maxpein Zin del Valle!?"

"H-Ha??"

"Woooaaahh!! Kunwing hindi narinig! Maang-maangan hahahaha!!!" natatawang turo ko pa sa kanya at saka muling nagsalita! "Are you in love with Maxpein already?!"

"Y-Yes.."

Napanganga na naman ako sa sagot nyang yun!!!

Napangiti ako at parang baliw na nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Max!!!

"Yaaaaaa!!! Hahahahahahahaha! Kinikilig ako!!!" malakas na sigaw ko! "Pano!?!?" usisa ko.

"A-Anong pano!?"

"Pano ka nainlove sa kanya?!"

"H-Ha??"

"Ano ka ba! Wala ka ba sa ulirat?! Ilang beses ko ba uulitin ang tanong ko!?" inis na tanong ko sa kanya! "Pano ka kako nainlove kay Taguro!"

"A-Ahh hehehehe.. h-hindi ko rin alam e.."

"Pwede ba yun?!"

"M-Mmm.. E sa hindi ko alam, anong magagawa ko!? Tch!"

"Imposible!"

"Kahit na isang dahilan wala ka?! Inaway-away mo si Max.. kung anu-anong ginawa mo sa kanya.. Ako na nga mismo ang may gustong umalis kami sa school na yun dahil ginawa mong impyerno ang buhay-estudyante namin! Paanong nangyaring ang isang abnoy na Deib Enrile at nainlove sa astig na Maxpein del Valle?! Come on.. don't be coward.. Answer me beybeh!! Yeah!"

"M-May mga bagay syang g-ginawa sakin na m-maski na sinong babae.. hindi pa nagagawa sakin.."

"Tulad ng!?"

"Sapakin ako.."

"Hahahahaha! Ano pa?!"

"Iligtas ako sa masasamang tao.."

"Ano pa?!"

"Pakiligin ako.."

"Ano pa!?"

"A-Ang dami mo namang tanong!" inis na sigaw nya! "N-Nahihiya na ako e!"

"Hahahahahaha! May pahalik halik ka na nga sa noo e, ngayon ka pa nahiya?! Bakit?! Wag mo sabihing hindi pa alam ni Max yang mga pinagsasasabi mo!? Hahahahahaha!"

"S-Shut up.." nakangusong usal nya.

"Awkiieee.. I'll shut up! Hahahahaha! Spin the botlle Maxwell!" utos ko at ginawa nga nya! Kamalas malasang sakin na naman huminto!

"Truth!" inis agad na sigaw ko dahil alam kong kapag nag-dare ako, hahardcore-in na naman ako ni Taguro!

Peste huhuhuhu..

"Para kanino yung kanta kanina?"

Agad kong nilingon si Sensui dahil sa tanong nya at gulat naman akong makitang nakangisi pa sya!

"Ako naman ang magtatanong ngayon hahahaha.. Para kanino yung kanta kanina?!" ulit ni Sensui!

Damn it!

"Sagot.." naghahamong pang-aasar pa ni Maxwell!

"Go, Zarnaih-Noona!!" pang-iinis rin ni Maxrill!

I'm busted!

"Para kanino, Parrot!?" si Sensui!

"P-Para k-kay..."

"Kay???" si Sensui..

"K-Kay..."

"Kay!?"

"K-Kay L-L-L-Lee.." sa wakas nasambit ko. Nangatal ang buong katawan ko at sobrang kaba ang naramdaman ko!

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" malakas na sigaw ko bigla at nagulat naman sila! Tumayo ako at umikot-ikot sa buong yateeee!!! "Huhuhuhu parang awa nyo na wag nyong sasabihin! Wag nyong sasabihin! Wag nyong sasabiheeeeeeeeeen!!!" malakas na atungal ko at nagulat lalo sila! "Huhuhuhuhu.. kapag 'to nakarating sa kanya isinusumpa ko.. hinding hindi kayo magiging masaya!! Huhuhuhuhu!!!"

"Hahahahahahahahahahaha!!!" malakas na tawanan nila Sensui at Maxwell! "Hahahahahahahahahahahahah!!!"

"Ang cute mo, Naih.." pang-aasar pa ni Maxwell sakin! "Ibig mong sabihin hindi alam ni Lee na may gusto ka sa kanya?!"

"H-Hindi.."

"Pano nangyari yun?!"

"A-Anong panong nangyari yun!?" inis na tanong ko kay Maxwell!

"Si Lee yung kaibigan ni Deib, di ba?!" tanong nya at tumango naman kami ni Sensui! "Panong nangyaring hindi nya alam na may gusto ka sa kanya!?"

"At bakit?!" taas-kilay na tanong ko!

"E obvious ka kaya! Bwahahahahahahaha!!"

"A-Ano?!" gulat na tanong ko!

"Kahit ako.. kahit hindi mo sabihin, napapansin ko hahaha! Kakaiba kang tumingin sa kanya at sa twing kakausapin ka nya ay nagagalit ka sa kanya kahit wala naman syang ginagawa sayo! Halatang halata ka hahahaha!"

Kill me now..

"Hahahahahhahahaha!!"

That is not true.. Kill me nowwwwwwwww!!!!!

Totoo ba ang sinasabi nila?!

Kabadong inalala ko ang lahat ng mga eksena namin ni Lee!

Halata ba talaga ako?!

"Hahahahhahahahahahaha!"

Pero pano!?

Kapag nagkataong halata nga ako.. nahalata kaya nya?!

Pano kung oo?????

Waaaaaaaaaaaaa!!!!

Nakakahiyaaaa!!!!

"Hahahahahahahahahahha!!!" malakas na tawa pa rin nila at inis naman akong tinignan sila!

"E-Eh ano naman k-kung halata ako?! H-Hindi ko naman sya i-inaano ah!?" inis na sabat ko!

"Don't worry.. hindi naman na namin kailangang sabihin hehehehe.." pang-aasar sakin ni Sensui at sinipa ko naman sya!

"A-Araaaaaay!!!"

"A-Ay s-sorry.. p-pilantod ka nga pala.. Sorry!"

"Tch! A-Alis nga dyan! Sadista ka e!"

"Sorry Sensui!"

"Ayaw ni Lee ng ganyan!"

"W-Wag ka ngang OA! Hindi ko naman sinasadya e! Nagsosorry na nga e!"

"Hahahahaha! Biro lang.. Pero ssshhhkk.. masakit talaga!"

"Sorry na nga sabi e!"

"Oo na! Nasipa mo na e! May magagawa pa ba naman ako!"

"Hehehehehehe! Peace!" pang-aasar ko sa kanya.

Mabilis na inikot muli ni Maxwell ang bote at ang pinakahihintay naming lahat..

IT'S MAXPEIN'S TURN!!!

'Bwa! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Bwa! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Bwa! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pano ba yan, Max?!" mayabang na tanong ko na kunwaring kinakalikot ang kuko at saka tumingin sa kanya pero blangko ang mukha nya.

Hindi man lang kinabahan ang peste!

Akala ko pa naman aayaw na agad sya once na huminto ang bote sa kanya!

Taas-kilay na sinipat ko si Maxpein at nakangiting naman sya sakin!

Meron ka talagang hindi sinasabi sakin e.. dati rati, kapag naglalaro tayo ng ganito ay umaayaw ka agad kapag tumapat na sayo yung bote.. pero bakit ngayon?? Parang naghihintay ka pa ng tanong?!

Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko pa sya..

Humanda ka sakin ngayon hehehehehehehe..

"Ako magtatanong.."

Gulat akong napalingon kay Sensui ng sabihin nya ang huling linyang yun!

"A-Ako nga sana magtatanong e!" nakasimangot na sigaw ko kay Sensui!

"Sya na.." nanunuksong sabi naman ni Maxwell at tinanguan naman ako ng sunod sunod ni Maxrill na mukhang payag ring si Sensui ang magtanong kay Maxpein!

Sabay sabay kaming pinagmasdan si Maxpein na dahan dahang lumingon sa katabi nyang si Sensui.

"What??" maangas munit seryosong tanong ni Max kay Sensui.

"Truth.. or Dare?" nakangiti munit seryosong tanong naman ni Sensui sa kanya!

Yiiiiiieee!! Nakakakilig sila hahahahaha!!

Makikita mo sa mga mata nila na talagang kumportable na talaga sila sa isa't-isa!

Nawala ang dating nagliliyabang mga mata nila twing magkikita sila!

Naging sweet ang tono ng pananalita ni Sensui kay Max at naging kalmado naman ang ugali ni Max pagdating kay Sensui!

Ibang-iba talaga!

Nakangiting pinanood ko sila!

"Truth.." sagot ni Max at mas uminit ang excitement sa pagitan nila!

"Kyiiiieeee.." pigil ang kilig na ngiwi ko sa kanila habang nakangiti!

"May chance ba ako sayo??" nakangiting tanong ni Sensui sa kanya at nananatili silang nakatingin sa mata ng isa't isa!

Waaaa!!! Mamamatay na ako sa kilig hehehehehehehehe!!! Ang swerte nitong mokong na Maxpein na 'to!

Gwapo si Sensui!

Gwapo'ng gwapo!

Kaya naman kahit sino.. talagang mamamatay kapag tinanggihan 'to!

Kung tutuusin ay hindi naman sing gaganda nila Kim, Abby, Aimee, Dein, Keziah, Michiko, AKO at kung sinu-sinong mga babae dyan si Max.. Kung ilelevel ang ganda naming lahat sa kanya, sya ang pinaka-LEAST!

Pero.. Kahit pagsamasamahin ang ganda namin lahat.. Hinding hindi namin matutumbasan yung LAKAS NG DATING NYA! Tahimik.. Maangas.. Misteryosa.. Interesante.. Nakakamangha.. Nakakabilib.. At higit sa lahat..

MAYABANG!

Hehehehehehehe..

Masyadong maraming bagay na pwedeng maging dahilan para mainlove ang isang lalaki sa kanya.. Mabait sya at walang hihigit pa sa kabaitan nya.. Matulungin at.. Maasahan.. dahil kapag kinailangan mo talaga ang tulong nya ay hinding hindi sya magdadalawang-isip na puntahan ka.. Tunay na kaibigan.. Dahil hindi man nya ako itinuturing na BESTFRIEND nya.. ipinaparamdaman nya naman saking ako ang pinaka-dabest na kaibigan nya!

"Hoy Taguro.. tinatanong kita.." pangungulit ni Sensui sa kanya!

"H-Huy Max.. laro 'to.. Sumagot ka.. wag kang madaya.." pangungulit ko pa.

"May chance ba kako ako sayo?!" ulit ni Sensui sa tanong nya.

"Anong chance ba?"

WTF???

"Hahahahahah! Chance na sagutin ako.. mahalin ako?"

"Meron naman.."

OMG!!!!

"S-Seryoso ka?!"

"Tss.. sinagot ka na't lahat nangungumpirma ka pa!?" inis na sigaw ni Max sa kanya!

Yan.. sa ugali na yan.. yan ang dahilan kung bakit lagi syang napapaaway!

"H-Hehehehehe.. n-nabigla lang.. Hindi ako makapaniwala.."

"Tss.."

Ngumiti ng malaki si Sensui sa kanya at inirapan naman sya ni Taguro at saka bumaling kay Maxwell.

"Ikutin mo na.." utos nya pa dito. Mabilis na namang inikot ni Maxwell ang bote at huminto kay Sensui!

Exciting 'to hehehehehehe!

"Ako ang magtatanong!!!" malakas na sigaw ko na nakataas pa ang isang kamay! Lumingon namang silang lahat sakin lalo na si Sensui!

"Ano na naman!" inis na sigaw nya sakin!

"Hehehehehehehehe.. Truth or dare??"

"Dare.." nakangisi'ng sagot ni Sensui!

Parang kumislap ang mga mata ni Sensui dahilan para mapangisi rin ako sa kanya!

Parang alam ko na ang sinasabi nya hahahahahaha..

Pero hindi pwede.. baka magalit sakin si Max!!!

"S-Sige nga.. Pitikin mo nga sa noo si Taguro.." natatawang hamon ko!

"A-Ano?!" gulat na tanong ni Sensui at tinignan naman ako ng masama ni Max!

"I dare you.. pitikin mo sa noo si Taguro!!" pigil ang tawa'ng hamon ko ulit!

Gulat na napatingin si Sensui kay Max!

"Sige.. subukan mo.." mayabang na hamon ni Max kay Sensui dahilan para kabahan sya!

Bwahahahahaha! Yari ka dyan!

"P-Pero.. ang daya naman e!" sigaw ni Sensui at natawa naman kami sa kanya! "W-Wag naman yun! Ayaw ko syang saktan e!"

"Hahahaha ang OA mo! Pipitikin mo lang naman e! May namatay na ba sa pitek ha!?"

"A-Ayoko pa rin!"

"Woooohh!! Tatalon ka sa dagat kapag hindi mo nagawa yan!"

"Hoy Parrot! Wag ka ngang madaya!"

"Tatalon ka talaga sa dagat kapag hindi mo nagawa yan Sensui.. seryoso ako.. kayang kaya kitang buhatin at ihagis sa dagat! May pating dyan.. bahala ka hehehehe.."

"P-Pero.." kabadong usal nya nakangiwing tumingin kay Max na nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya. "I-I'm sorry Taguro---"

"Tss.. sige.. subukan mo lang.. Babaliin ko talaga yang paa mo!"

Hardcore talaga 'to..

"Magpapapitik ka ba Max?? O.. ihahagis ko si Sensui sa dagat!?" mayabang na tanong ko.

"Ibahin mo yang dare mo kung ayaw mong ako maghagis sayo.." mayabang na sigaw ni Max sakin!

Galit yata sya..

"Hahahahahhahahahaha!!" malakas na tawa ni Maxwell at Maxrill sa kanya! Inis naman akong tinignan ng masama si Max!

"Noona.." bulong sakin ni Maxrill na sinenyasan pa akong lumapit sa kanya kaya naman ngingisi ngisi akong inilapit ang tenga ko sa kanya. "Dare Sensui to dare Maxpein-Noona.. let's see what will they do.. hehehehe.."

Nagkatinginan kami ni Maxrill at saka nanlilisik ang mga matang nagkaintindihan.

"O sige sige.. we've made a unanimous decision.. Sensui.. I dare you to dare Maxpein.."

"A-Ano?!" si Sensui.

"Dinedare kitang i-dare mo sya!" turo ko pa kay Max!

"Pano yun?!"

"Engot.. edi idare mo sya! Bale sya ang gagawa ng dare na dapat ay sayo!"

"A-Ang daya mo naman!?"

"Mamili ka.. pipitikin mo sya sa noo?? Ihahagis kita sa dagat??? O ide-dare mo sya?!"

"Tch! Badtrip ka!"

"Hahahahahah oh well.. part of the game.." mayabang na sagot ko pa!

Tumingin muli si Sensui kay Max at nakangisi na naman kaming pinanood sila!

Nakangiting lang sila sa isa't isa na animong parehong may iniisip!

"Bilis! Tumatakbo ang oras oh!"

"T-Teka!"

"Bilis!"

"Sandali!"

"Fasteer!!!"

"Aiissshh!!!" inis na singhal ni Sensui at saka nag-isip!

"Tagal naman oh---"

"I dare you.." biglang mahinang usal ni Sensui at blangko ang mukhang tinignan naman sya ni Max!

OMG OMG OMG OMG!!!!! Kyaaaaaaaaaaa!!!!

Ang sweet sweet tignan twing magtititigan sina Max at Sensui!

Naiinggit ako..

"I dare you to love me.."

WTF??

"W-What?!" gulat na tanong ni Max sa kanya!

"I said.. I dare you to love me.." mayabang na sagot ni Sensui sa kanya!

Wow...

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko at nagulat sila!

"Nice.. hahaha.." dinig kong sabi pa ni Maxwell pero nanatili kila Max at Sensui ang paningin ko!

Parang ako ang kinilig sa sinabi ni Sensui'ng yun at hindi ako makatiis!

"Kyaaaaaaaaaaaa!!! Nakakakilig kayooooooooooo!!!" malakas na sigaw ko at nagtawanan sila!

"Hahahahahahahaha!!"

"Oh.. mga iho.. iha.. nandito na tayo.. Natatanaw nyo na ba ang isla??" biglang sulpot ni Mang Pitong.

"Ha?! Ang bilis naman ho??"

"Oo naman.. hehehe.. may ginagawa kasi kayo kaya maaring hindi nyo napansin.."

At ilang minuto nga lang ay narating na namin ang pangpang at sabay sabay kaming bumaba ng yate. Niyaya pa namin si Mang Pitong na sumabay na saming kumain pero tumanggi sya. Ang sabi nya ay kailangan nya na ring umuwi para makasabay kumain ang pamilya nya. Kaya naman todo pasalamat kami sa kanya at saka kami sabay sabay na bumalik na lima sa Hotel.

DEIB'S POV

Hindi ko napigilan ang sarili kong magmadaling makaupo sa sofa pagkarating na pagkarating namin!

Masakit na talaga..

Badtrip!

Parang kinukuryente ang paa ko na may pangangalay pa sa binti ko!

I dare you to love me..

Nang biglang pumasok sa isip ko ang kaninang sinabi ko hehehe!

Kitang kita ko kung paanong nagulat si Taguro at ilang na tumitig sa mga mata ko!

"Patingin nga ng paa mo.."

Gulat akong napaupo ng ayos nung biglang lumapit si Maxwell sa harap ko.

"Tsk.. namamaga na.."

"Ha?!" gulat na tanong ko at saka yumuko para tignan ang paa ko!

"At nangingitim pa.."

Nagulat ako nung makita kong namamaga na nga at nangingitim yun!

Mabilis na tumibog ang puso ko at nag-alala ako sa lagay ng paa ko!

Bakit nagkaganon!?

May laro pa naman kami sa lunes! Badtrip naman oh!

"Kailangan nating ipa-Xray 'to.." dagdag pa ni Maxwell.

"Anong nangyari dyan?"

Mula sa tagiliran ko ay biglang sumulpot si Taguro at nagtama ang paningin namin!

Mas kinabahan ako sa seryosong tingin nya!

Dahan dahan syang naupo sa harap ko at tinignan ang paa ko.

"Bakit nagkaganyan yan??" salubong ang kilay na tanong nya na tumignin pa ng masama sakin bago muling tumingin ng masama kay Maxwell!

"Y-Ya.." suway ni Maxwell sa kanya. "Sabi ko naman kasi magpahinga ka na lang e.."

"Tss.. bakit kasi sumama sama pa e.." si Taguro.

Hindi na ako sumagot pa dahil ayaw ko namang isipin nilang sinisisi ko sila!

"Kailangang ma-Xray 'to para makita kung may bali na buto.. Yung pamamaga kasi at pangingitim ay pwedeng senyales rin ng baling buto.. Kaya mas maganda kung maipapa-Xray natin 'to.." si Maxwell.

"May laro ka ba sa lunes?" tanong ni Taguro at tumango naman ako. "Tsk.. pano ka makakapaglaro nyan??"

"H-Hindi ko rin alam.."

"Patingin nga!"

Anong alam mo naman sa ganyan?! Tch!

"Masakit na masakit na ba??" tanong pa ni Taguro.

"O-Oo e.. kanina pa.."

"Kanina pa pala e, bakit hindi ka nagsasabi!?"

Hindi na ako sumagot at nakanguso na lang na sinalubong ko ang mga tingin nya!

"Tsk.. gagalawin ko 'to.. Sumigaw ka lang kapag nasaktan ka.."

"A-Anong gagawin mo?!"

"Kailangang makita kung aling ugat ang nabanat sayo---"

"P-Pero---"

"Kailangan mong tiisin ang sakit kung gusto mong makapaglaro sa lunes Sensui.."

Kinabahan ako.

"Ikaw na.." utos nya kay Maxwell at napaikot naman agad ako nung maramdaman kong iangat ni Maxwell ang paa ko!

"A-Araaaaayyy!!!!" namimilipit talagang sigaw ko!

"S-Sorry Deib, pero kailangan talaga nating gawin 'to.. Paniguradong gagawin rin 'to ng doktor na pupuntahan mo.."

"M-Masakit talaga e!" namimilipit na sagot ko.

"Masakit talaga 'to.. masakit na masakit.. kaya wala kang magagawa kung hindi tiisin muna.."

"P-Pero.. masakit kasi talaga.. Hindi ko kaya.." nanghihina ng sagot ko.

"Natiis mo nga kanina e.. tiisin mo rin ngayon.." seryoso munit hindi galit na sabat ni Taguro at saka sya naupo sa hawakan ng sofa. Kinuha nya ang isang kamay ko at saka tumignin sa mga mata ko. "Diinan mo na lang ang kamay ko kapag hindi mo na kaya.."

"......." hindi ako nakapagsalita at naiwan na naman akong salita.

"Kailangan mong tiisin yan kung talagang gusto mong makapaglaro sa Lunes.. Isa pa.. hindi magandang pinatatagal yan dahil baka lalong mamaga.. Ang sabi ni Mang Pitong ay sa dulo pa ng kasunod na baryo ang pinakamalapit na ospital dito.."

"P-Pero.."

"Sensui.. makinig ka sakin.." sabi nya pa na hinawakan ako sa baba. "Kailangan nating maagapan yan, bago pa lumala.. Okay??"

"O-Okay.." iiling-iling na sagot ko dahil mukhang wala naman na akong choice!

Gusto nila akong tulungan at gusto ko rin naman talagang makapaglaro sa lunes!

"Deib.." tawag sakin ni Maxwell na nasa paanan ko pa rin at nakangiwing nilingon ko naman sya habang hawak pa rin ni Taguro ang kaliwang kamay ko! "Magiging masakit talaga 'to kaya tiisin mo.. I need to move your ankle in various ways to see which ligament has been hurt or torn.. Wag kang masyadong malikot dahil hahanapin ko kung aling ligaments ang nastretch o napunit dito.. konting maling ikot mo baka madamage mo naman yung ibang ligaments kaya tiis lang.. Okay?!"

"O-Okay.."

"Mabilis lang 'to kapag nakita ko agad.. magiging matagal kapag hindi ko nakita agad.."

"B-But as much as possible, p-please lessen the pain.." pagmamakaawa ko at tumango naman sya kaya naman.. "A-Ah! A-Ah! A-Araa--wwwooooohh.. woohhh.." sabi ko pa habang humihinga sa bibig ko! "Araaaaaaaay!!" sigaw ko! "A-Aray! A-Araaaay! Aray.. woooh.. woooh.."

Hindi ko na kaya!

Nanghihina na talaga ako!

Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Taguro!

Pero muling inikot ni Maxwell ang paa ko dahilan para mapayakap na ako kay Taguro!!!

Gulat syang napatingin sakin pero hindi ko ininda yun dahil masakit talaga!

Masakit na masakit!

Wala akong pakialam kung awayin nya pa ako pagkatapos.. pero ang sakit talaga ng paa ko!

"Alright.. Kailangan mo talagang magpahinga Deib.."

"T-Tapos na??" nakahinga ng maluwag na tanong ko.

"Mmm.." sagot nya at mabilis ko namang inalis ang pagkakayakap ko kay Taguro at saka hinang hinang sumandal sa sofa!

"Grabe.. bakit nangingitim na yan?! Nagsapatos ka pa kasi e! Okay ka lang ba?!" si Parrot.

Hindi ko sya magawang sagotin dahil hinang hina talag ako!

Muling lumapit sakin si Maxwell at binendahang muli ang paa ko!

"A-Aray.. aray.. D-Dahan dahan brad.. dahan dahan.. m-masakit.."

"Sorry, konting tiis pa Deib.."

"A-Aray.."

"Ayan.." sabi nya pa at saka muling tumayo. "Halika na.. ihahatid na kita sa kama.."

"Hindi pa sya kumakain.." singit ni Taguro.

"Kailangan nya talagang makapagpahinga.. I need to elevate his foot.."

"Pano ka kakain??" tanong ni Taguro sakin.

"W-Wala nakong gana.." nanghihina talagang sagot ko.

"Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo.. hahatidan kita.."

Parang nawala ang panghihina ko sa sinabing yun ni Taguro kaya naman medyo napangiti pa rin ako!

"A-Ahh!!!" sigaw ko nung maitukod ko ang pilay na paa ko!

"Tss.. dahan dahan lang kasi!" sigaw pa ni Taguro sakin!

Nagpaakay ako kay Maxwell hanggang sa kwarto ko at naupo naman agad ako.

"Magpahinga ka na muna pre.. ako na bahalang magsabi kay Pein kung anong dapat nyang gawin.."

"Salamat Maxwell.."

"Sure thing.. maiwan na muna kita dyan.."

"Pakisabi kay Taguro, kumain na muna sya.."

"Hindi na.. sabay na lang kayong kumain dyan.." nakangiting sagot nya at saka nakangiting lumabas ng kwarto!

Parang hindi ko magawang kiligin dahil sa sobrang sakit talagang nararamdaman ko!

Gusto ko ng mamanhid ang buong binto ko dahil sa sobrang sakit!

Maya maya lang ay tumayo ako at kumuha ng damit ko.. Pumasok ako sa banyo at saka nagpalit ng damit at magsipilyo..

Pagkalabas ko ay nasa kwarto ko na si Taguro at may inaayos na gamit..

"A-Ano yan??" tanong ko.

"Kailangan mo ng cold compress para mabawasan yung pamamaga nyang paa mo, humiga ka na don at wag ka ng lakad ng lakad. Hindi mo na muna pwedeng ilakad ang paa mo."

"H-Ha?! E pano na ako bukas?!"

"Bakit?"

"Edi hindi ako makakasama sayo??"

"Tss.. naisip mo pa yung gala, e ganyan na nga ang lagay mo?!" inis na tanong nya at saka inayos naman ang mga pagkaing dala nya. "Dito na lang tayo kumain.." dagdag nya pa. "Umupo ka na sa kama.."

"Ha??"

"Umupo ka na sa kama.. ieelevate ko ang paa mo.."

"Sige.." sabi ko at sumunod sa utos nya.

Mabilis nyang inalis sa pagkakarolyo ang isang mahabang benda at saka mabilis ring itinali sa mataas na frame nung kama at saka itinali rin sa binti ko.

"T-Teka.. Teka!" pigil ko sa kanya at huminto naman sya.

"Bakit?"

"M-Mamaya na yan.. m-magsisipilyo pa ko pagkatapos kumain e.."

"Tss.. wag ka ng magsipilyo!"

"H-Hoy! Hindi ako nakakatulog ng ganon!"

"Tss.. edi ngayon pa lang!"

"Ayoko nga!"

"Kailangan mo nga kasing ielevate 'to!"

"Pwede naman mamaya e.."

"Tsk! Kaso nga.. kailangang withing 48hours ay elevated ang paa mo at immobilized! Kung gusto mong makapaglaro sa lunes e sumunod ka! Wala ka ngang 48hours bago mag-lunes.. engot!"

"Badtrip naman.." walang magawang bulong ko at pinanood syang itali ang paa ko. "Pano ako kakain nito?!"

"Edi sumubo ka.."

"Nang nakahiga?!"

"Tss.. edi umupo ka.."

"Nang nakataas ang paa?! Okay ka lang!?" inis na tanong ko sa kanya.

"Alam mo?! Ang liit liit na problema, pinapalaki mo!" inis na sigaw nya sakin! "Kung hindi ka makatulog ng walang sipilyo, magtiis ka na muna sa mouthwash! Kung hindi ka makakain ng nakataas ang paa, susubuan kita! Hindi nag-iisip!" singhal nya pa at saka tinalikuran ako at lumapit sa pagkain!

Kaya naman kahit masakit pa talaga ang sugat ko..

She really cares for me..

Bahagya pang nagulat si Taguro nung makita akong nakangiti sa kanya!

"Ano na naman yan?" parang sawa ng tanong nya!

"Masaya lang ako.."

"San?" tanong nya habang inaayos ang mga pagkain sa side table ng kama.

"Sa lahat ng nangyari ngayon.."

"Tss.."

"Ang dami daming nangyari hehehehe.. sa sobrang dami pwede na akong mamatay hehehe.."

"Go.."

"Sana lagi tayong ganito Taguro.."

"Tss.. simple'ng bagay nga e hindi natin mapagkasunduan e.. gusto mo pang laging ganito?!" inis na tanong nya na ipinatong ang huling plate na kinuha nya at saka umupo sa tabi ko. Tumingin sya ng deretso sakin dahilan para tumingin rin ako sa kanya. "Pwede bang ingatan mo yang sarili mo??" seryosong tanong nya at nabihag na naman nya ang puso ko!

"K-Kailangan ko yata kasi talaga ng alaga mo e.." ngingiwi ngiwing biro ko. "A-Ahh.. tsk.."

"Wag ka ng gumalaw galaw.. susubuan na kita.."

"Ahhhh.." biro ko pa na ngumanga sa harap nya, ngumiti naman sya at saka sinubuan ko. Nginuya ko yun agad at saka ngumanga ulit. "Aaaahhh..."

"Tss.. isip-bata.."

Ngumiti lang ako sa kanya at saka nagtuloy sa pagnguya.

"Kumain ka na rin.." sabi ko pa.

"Uunahin na kita.."

"Sabayan mo ko.."

"Mamaya na.."

"Sabayan mo sabi ako e.." nakangusong pagpupumilit ko.

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"G-Galit ka na naman.. ang init lagi ng ulo mo sakin.."

"Kasi.. sa isang salita ko, itikom mo na yang bibig mo.." pigil ang inis na sagot nya kaya naman hidni na ako nagsalita pa!

Nakangusong sumubo na lang ako ng sumubo sa bawat pagkaing isusubo nya!

Painom nya rin ako ng tubig at maya maya ay lumabas sya munit pumasok rin!

"Eto.. pain reliever.." abot nya sakin at saka ako inabutan ng bottled water. "Inumin mo na yan.. babalikan ki---"

"San ka pupunta??" pahabol na tanong ko.

"Maliligo lang ako.."

"Balik ka ah?" nakangusong tanong ko pa pero hindi na sya sumagot!

Tch! Sungit..

Inis akong kinuha ang remote sa gitna ng kama at binuksan ko ang TV.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako..

MAX'S POV

"Hoy.."

Napalingon ako sa may pintuan nung marinig ko ang boses ni Naih.

"Kumusta naman?" sarkastikong tanong nya pa at hindi naman ako sumagot. Naupo sya sa sofa at saka nakapandekwatrong tumingin sakin. "May gusto ka na kay Sensui noh??" tanong nya pa at hindi pa rin ako sumagot..

Pinagpatuloy ko ang pagsusuot ng damit ko at saka ko pinatuyo ang buhok ko.

"Sana magtuloy tuloy na yan Max---"

"Hindi pa yun tulad ng inisiip mo.." biglang sagot ko at napabuntong-hininga naman sya,

"Hindi kita minamadali.. Tulad ng ng sabi ko noon, alam kong alam mo ang ginagawa mo.. Malamang, katawan mo yan e! Ang totoo.. masaya lang ako, dahil tinutupad mo yung sinasabi mo.. Na hindi mo sya sasaktan.."

"Dahil wala naman akong dahilan para saktan sya.."

"Hmmm.. hehehehe.. kaya nga pinagpepray kong sana magkagusto ka na rin sa kanya e.. O baka naman, may gusto ka na nga?! Hehehehehe! Masyado ka kasing natural e.. halos walang pinagbago sa kilos mo.. halatang hindi mo pinipilit ang sarili mo at natural na natural ka talaga sa mga ginagawa mo.. May gusto ka na sa kanya ano!?"

"Ewan ko.." rektanong sagot ko at natigilan sya at napahawak sa bibig!

"Oh my God.. Seriously?" OA na tanong nya pa at saka tumayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat! "The fact that you answered 'ewan ko' means that..you're not saying no?! Meaning.. m-meron nga!!!"

"Tss.."

"OMG! Gusto mo na nga sya! Hahahahahah! I'm so happy for you---"

"Manahimik ka nga.. hindi pa rin yun tulad ng iniisip mo kaya wag kang mag-assume.."

"Oh e ano lang!?"

"Hindi ko nga alam.. malalaman ko lang yan, kapag nakaharap ko na ulit si Randall.. Pakikiramdaman ko ang sarili ko.."

"Kyaaaaaaaa!!! Sana si Deib na lang.."

"Wag kang mag-alala.. hindi ko rin sya kayang bitiwan.." sagot ko at saka naglakad papalabas ng kwarto munit mabilis nya akong nadampot sa kamay ko.

"OMG.." napapanganga pang usal nya.

"What?"

"S-Seryoso ka sa sinabi mo!?"

"N-Na ano?" takang tanong ko.

"Na hindi mo k-kayang bitiwan si S-Sensui?!" tanong nya at tumingin pa ako sa side ko bago tumango sa kanya! "Waaaaaaaaaaa!! You really like him already!"

"Mmm.. talaga? Okay.." sagot ko at saka naglakad ulit.

"T-Teka nga, saan ka ba pupunta!?"

"Kay Sensui.."

"Ha?! Bakit!?"

"Aalagaan ko sya.."

Nagulat si Naih sa mga sinabi ko munit nakarecover rin naman agad!

"A-Ahh hahaha.. h-hindi mo naman kasi sinabi e.. Sige na.. sige na.. hehehe.. dun ka na.."

Nginitian ko lang sya at saka ako pumasok sa kwarto ni Sensui.

Natutulog na si Sensui pagkapasok ko..

Sobrang sakit talaga siguro kaya naman bagsak ang katawan..

Binuksan ko sa ref nya at kinuha don ang icepack.

Lumapit ako sa kama at saka ako naupo sa tabi nya at pinagmasdan ko ang mukha nya..

Hindi ko naiwasang mapangiti..

Gwapo ka sana.. kaso masyado kang maingay.. Nakakaturn off..

Sa dami ng lalaking nakilala ko, ikaw ang pinakamaraming sinasabi.. daig mo pa ang babae..

Ikaw lang ang lalaking parating nagsasabi ng Nakakainis! Tss.. bading..

At ikaw lang ang lalaking nakapagparamdam sakin kung panong mag-alala ng todo..

Bakit ba kailangang maramdaman ko sayo 'to??

Sana kung ikaw talaga.. ikaw na lang ang talaga.. Pero bakit hindi ko pa rin maalis si Randall sa isip ko??

Napabuntong-hininga ako at kitang kita ko ang dahan dahang pagmulat ng mga mata nya..

"N-Nandyan ka na pala.." mahinang usal nya.

"Mmm.. ipapatong ko 'to sa paa mo ah?"

"Ano yan??"

"Yelo.. para mabawasan yung pamamaga ng paa mo.."

"Mmm.. Salamat.."

"Matulog ka na.. babantayan kita.." mahinang sagot ko rin sa kanya pero ngumiti sya..

Isang hindi norman na ngiti.. kung hindi, ngiti ng lalaking kinikilig..

Cute na cute ako sa kanya kapag ganon ang nagiging reaksyon ng mukha nya..

"Gusto kitang titigan.." malumanay na sabi nya na ipinatong pa ang kaliwang kamay nya sa ulo nya. "Ayokong mawala yung mukha mo sa paningin ko.."

"Tss.. hanggang ngayon lang 'to sa gabi'ng 'to.." sagot ko.

"Pwede ko bang hiliging, gabi gabihin mo na??" natatawang tanong nya pa.

Hindi ako nagsalita..

Naupo lang ako ng ayos at saka muling tumingin sa kanya.

"Taguro.."

"Mmm.."

"Nakapagsorry na ba ako sayo sa dami ng ginawa ko noon??"

"Mmm.. ewan ko.." kibit-balikat na sagot ko.

"Kung ganon.. pwede pa ba akong magsorry ngayon???"

"Ikaw bahala.."

"Seryoso ako.."

"Seryoso rin ako.."

"Sorry.." sinsero'ng usal nya at nakita ko naman ang pagiging totoo sa mga mata nya. "Sorry dahil.. nauna kitang saktan bago kita magustohan.. Sorry kasi mas nauna kitang bastusin, kesa igalang.. Sorry kasi.. mas ipinakilala ko sayo yung immaturity ko.. Sorry dahil andami mong pinagdusahan ng dahil sa mga kalokohan ko.."

"Ano namang kinalaman mo sa mga yun?" tanong ko na kinukutkot kunwari ang cover ng kama nya.

"Kasi.. nung minsang pagalitan ka ni Maze sa Dean's Office nung araw na nagkita kayo.. Naguilty talaga ako non ng todo.. Pakiramdam ko, ako lahat ang may kasalanan kung bakit ka nila tinatrato ng ganon.."

"Ahh.."

"Tapos.. nung araw rin na yon, sinabi mo sakin na hindi ka talaga anak ni Maze at kapatid ka ni Maxwell sa Daddy.. Lalo akong naguilty non.."

"E labas ka naman don.."

"O-Oo nga.. pero kasi.. Kung hindi ko sinimulan yung ginawa kong mga kalokohan sayo, edi sana hindi sila nagalit sayo? Edi sana hindi ka nila naipahiya sa harap ko at ng mga kaibigan natin.." nakangusong dagdag nya.

"Kahit hindi mo ko pinagtripan.. kahit hindi tayong naging magkaaway.. Dati na silang galit sakin.. kaya, maguilty ka man o hindi, wala na sakin yun.."

"Talaga??"

"Mmm.. bibigat lang ang dibdib ko kung magtatanim pako ng sama ng loob dito.."

Natahimik kami pareho at parang nag-iisip sya..

"A-Alam mo.. tama nga si Randall.."

Napatingin ako sa mga mata nya ng banggitin nya ang pangalang yun..

"Ikaw yung babae'ng parang lahat ng problema may solusyon.. Yung babae'ng parating positibo kahit pa napakaraming negatibo sa paligid mo.."

"Nakatulong sakin ang kawalan ko ng interes sa paligid ko.." ngingisi ngising sagot ko at natawa naman sya.

"Hindi mo man lang ba tatanggapin ang sorry ko??"

"Mmm?? Mmm.. edi sige.. tinatanggap ko.."

"Am I forgiven??"

"You're forgiven.." nakangiting sagot ko.

Bumuntong-hininga sya.

"Twing maiisip ko kung bakit ko nga ba ginawa yun noon.. natatawa rin ako sa sarili ko dahil hindi ko rin alam kung bakit.." natatawang dagdag nya. "Kapag naiisip ko lahat ng kalokohang ginawa ko sayo.. hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa sarili ko.." bumuntong-hininga ulit sya at saka pinagmasdan ang mukha ko. "Bakit mo nga ba ginawa yun?"

"Ang alin?" takang tanong ko at umiling naman sya.

"Natatandaan mo ba nung una tayong magkita?"

Sinong makakalimot?! Hardcore ka..

"Yung pinatid mo ko?"

"Mmm.."

"Tss.. Malamang.."

"Hahahahaha..." natawa talaga sya ng matindi. "Hindi ko makalimutan yung itsura mo!"

Buset..

Hindi ako sumagot at iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanya..

"Tinignan mo ko ng masama kaya ko ginawa yun.."

WTF???

"A-Ano?!" gulat na tanong ko.

"Mmm.." tango nya pa. "Tinignan mo ko ng masama at hindi ko nagustohan yun kaya pinatid kita.. hehehehe.."

"Tss.."

"Bakit mo nga ba ginawa yun??" tanong nya at napaisip naman ako..

Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya..

Parang wala naman akong matandaang dahilan..

"Taguro.."

"Oh??"

"Bakit mo ginawa yun??"

"Hindi ko alam.." malumanay na sagot ko.

"E bakit mo ko tinignan??"

Bakit nga ba!?

Pili kong inalala yung oras na yun na sinasabi nya..

Umulan ng malakas eksaktong pagtapak ko sa unang palapag ng building.. Andami kong nakitang nag-aakyatan sa kaliwang hagdan ng building kaya naman sumunod ako sa kanila at doon na rin umakyat.. Hindi ko pa alam kung saan ang floor ko kaya naman dumaan ako sa bawat floor ng building na yun dahil baka sakaling makita ko.. Sinundan ko yung magandang babae'ng nakita ko at yun na nga si Michiko.

Eksaktong pagdaan ko sa harap nya ay nakita ko sya..

Bakit nga ba napatingin ako sa kanya!?

Hindi ko talaga alam kung bakit!

"Anong iniisip mo?" tanong nya dahilan para mabalik ako sa ulirat.

"Iniisip ko kung bakit nga ba kita tinignan non.."

"Hahahah ang weird mo talaga.."

"Tss.. tinatanong mo ko tapos.."

"Sige isipin mo.."

"Ayoko na.."

"Hahahahaha.. Bakit?!"

"Basta.. tinignan kita.. Nakita kita.. hindi ko alam kung bakit, basta.. napansin kita.."

"Baka dahil gwapo ako?!" nakangising tanong nya at ngumiwi naman ako kunwari at pinag-aralan ang mukha nya.

"Siguro.." tatangu-tangong sagot ko at natawa sya!

"Hahahahahaha! Edi na-love at first sight ka pala sakin??"

"Ayy kalokohan yan.."

"Tch!" nakangusong singhal nya. "Yung tingin mong yun.. hindi ko talaga nagustohan.. Ang angas ng dating.. Nakakaagaw talaga ng pansin.."

"Anong tingin ba?"

"Yun.. yung tingin mong yun! Kakaiba e.. mahirap iexplain.. Para bang.. tinignan mo ko ng masama dahil ayaw mo kong makita??"

"Tss.. kaya pinatid mo ko!? Kung anu-ano kasing iniisip mo e.."

"H-Hindi ah.."

"Tss.. abnoy ka.. Sa simpleng tingin kong yun, pinatid mo ko!? Hindi naman kita inaano, tapos pinatid mo ko?! Alam mo ba kung gano katinding inis yung naramdaman ko nun?! Alam mo ba kung pano akong napahiya nun!?"

"Sorry na.." malambing na usal nya.

"Tss.. kung kelan nangyari na.."

"Alangan namang magsorry muna ako sayo bago ko gawin yun? Anong malay ko kung sino ka!? Tuleg ka rin e hahahahah.."

Linya ko yan ah!?

"Tss.."

"Pero sorry talaga.." biglang seryosong sabi nya.

"Napahiya na ako kaya wala ka ng magagawa.."

"Hahahahaha.. plakda ka ba naman sa harap ng buong section namin e, sinong hindi mapapahiya! Hahahaha!" malakas na sabi nya pa at tinignan ko sya ng masama. "P-Peace.." sabi nya na nagpeace sign pa at saka nagpigil ng tawa!

"Napahiya talaga ako nun dahil lintek ng lalakas ng tawa nyo! Buti na lang talaga at dumating si Lee.."

"Tch! Ang bayani kong kaibigan.. Kapa na lang ang kulang kamukha nya na talaga si Superman! Peste.."

"Hahahaha.. bakit??"

"Naiinis ako twing tutulungan ka ni Lee non!"

"Baka nagseselos ka na?" mayabang na tanong ko at nagulat naman sya!

"Wow ah! Hanep sa confidence level ah!?"

"Hehehehe.."

"Noon, wala pa akong pakialam sayo at nabubwisit talaga ako twing susulpot sya para tulungan ka.. Parati rin syang nakakontra sa mga plano kong gagawin sayo pa!"

"Pero ayos rin yung kaibigan mong yun e no?? Matibay rin.."

"Bakit?"

"Kasi.. sa inyong tatlo.. Sya lang talaga yung kinakitaan ko ng eagerness na magsorry sakin.. Hindi tulad nyo ni Tob.. ikaw yung luko-loko.. si Tob naman yung baliw na asungot mo! Kakakarampot na ginawa mo, lintek kung tumawa! Nakakapang-init ng ulo!"

"Hahahahahaha!" malakas na namang tawa nya! "Ganon talaga yon si Tob.. hahahaha! Maraming nagsasabi don na nakakainis sya pero ang totoo, naiinis lang sila sa kanya kasi nakakainsulto yung paraan nya ng pagtawa.. Alam mo bang nagalit rin sakin yun nung nilagyan ko ng bubble gum yang buhok mo?! Tch! Ako 'tong si gago na tuwang tuwang magkwento sa kanya nung kalokohang ginawa ko sayo.. yun pala si loko sa loob loob nya e nabadtrip sakin! Kinabukan, bigla na lang nag-emo at magdamag akong hindi pinansin!"

Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ko alam na ganon pala ang nangyari sa kanila!

"Talaga?" tanong ko pa.

"Oo.. nabadtrip sila sakin ni Lee nun! Ang sabi pa nila.. naiintindihan daw nila ako, naiintindihan talaga nila ako pero ang hindi nila maintindihan ay kung bakit ayaw pa kitang tigilan?? Hindi na daw ba sapat yung dahilang.. dahil babae ka!? Hahahahahaha.."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko naman.. bakit kita titigilan sa oras kung kailan kagagawa mo lang sakin ng kalokohan!?"

"Tss.. childish..."

"I know.." sagot agad nya. "That's why I said sorry.."

"Hindi naman mababawasan nyang ang immaturity mo.. Tss.."

"At least sincere hehehehehe.."

"Whatever.."

Bumuntong-hininga ulit sya saka nagsalita.

"Hindi ko rin alam kung ilang demonyo nga ba ang pumasok sa katawan ko, bakit ko ginawa sayo yun?? Hahahaha.. hindi ko talaga makalimutan yung pagplakda mo dun! Ang pangit ng hulog mo hahahaha! Isang malakas na blaaaag!!! Kasi mataba ka nun hehehehe.."

"Tss.."

"Tapos dinakma mo yung collar ko at saka nagsalita sa mukha ko.. Amoy bubble gum ang hininga mo at nasabi ko pa sa isip kong ang cheap mo hahahahaha.."

Siraulong 'to..

"Hindi ko kasi talaga nagustohan yung dating mo nun.. para kang gangster.." madiing sabi nya pa. "Matabang gangster hehehehehe.."

"Asa.."

"Bakit nga pala ang taba mo nun?"

"Panay kain e.."

"Saan??"

"Galing akong Korea di ba? Walang ginawa si Mokz kung hindi pakainin ako.. pagod kasi ako lagi galing sa trabaho.."

"Anong naging trabaho mo dun?"

"Waitress sa isang simpleng restaurant sa umaga at cashier naman sa isang convenient store sa gabi.."

"Eh!? E bakit ang taba mo? Kung pagod ka lagi, hindi ba't dapat mas pumayat ka pa nga??"

"2 months kasi bago ako bumalik dito sa Pilipinas ay pinahinto na ako ni Mokz sa trabaho.. kaya ayun, puro kain na lang ang ginawa ko.."

"Ahh.. hahahaha.. Kasi nung una talaga kitang makita, ayaw ko nung buhok mo kasi kulot tapos nakatali.. Ayaw ko ng katawan mo kasi mataba ka.. Ayaw ko nung tingin mo kasi masyadong masama.."

Hindi ko sya sinagot..

Imbes ay nginisian ko sya..

"Anong iningingiti ngiti mo dyan!?" nakangiti ring tanong nya.

"Hindi ko akalaing ganon na lang ang naging tama mo sakin.."

"H-Ha?!" gulat na tanong nya!

"Akalain mong nagawa mong pag-aralan ang kabuuan ko sa iilang segundo??" pang-aasar ko.

"H-Hindi ko maintindihan.."

"Tss.. Ang sabi mo ay hindi ko nagustohan ang masamang tingin ko sayo kaya mo ko pinatid.."

"Oo nga!"

"Pero nagawa mo kong pag-aralan sa pagitan ng ilang segundo mula nung tignan kita hanggang sa patirin mo ko?! Edi napansin mo talaga ang kabuuan ko!?"

"Tch! Asa!"

"Hahahahah.. wag ka ng tumanggi."

"Tch! O-Oo na! Oo na! Panalo ka! Kaya nga sorry di ba!?"

"Forgiven.." nakangising sagot ko.

"M-May isa pa.."

"Ano yun??"

"S-Sorry kasi.. hindi ko na mapigilan ang sarili ko.. sa tingin ko mahal na kita.."

"A-Ano bang sinasabi mo??"

"Na mahal na nga kita.."

"T-Tss.."

"Seryoso ako Taguro.. mahal na kita.. Lalo na ngayon, dyan sa mga ipinapakita mo.. ngayong nandito ka sa harap ko.. ngayong kinakausap mo ko.. Ang sarap sarap ng pakiramdam ko.. Bumibigat lalo yung dibdib ko.. nadadagdagan yung nararamdaman ko sayo.."

"M-Manahimik ka na.."

"Ayoko ng itanggi sa sarili ko at lalong lalo na sayo yung nararamdaman ko.. For me its better to let you know how I feel, kesa solohin ko.. Anong mapapala ko?? At least kapag sinabi ko sayo.. napakilig na kita, napasaya mo pa ako.."

"Sabing manahimik ka na e.." seryosong suway ko sa kanya!

"Bakit ba parati mo na lang iniiwasan ang mga pagpapakilig ko sayo??" nakangiting tanong nya.

"Kasi ayaw kong magpadaan dyan sa mga matatamis na salita mo.." mahinahong sagot ko at saka tumingin sa mga mata nya. "Pano ko ba ipapaintindi dyan sa 'maliit na kukote' mo na mas gusto kong maging natural ang nararamdaman ko sayo?? Gusto ko, kusa.. ayoko ng pilit.. Ayaw kong makuha sa magagandang salita.. Ayokong madaan sa pagpapakilig.. gusto ko kusa.."

"Tch! Bakit ba ganyan ka ang brutal mong magsalita sakin?! Maliit na kukote.. Tch! Ang talino mo e no??"

"Sobra.." nakangising pang-aasar ko sa kanya at saka ako bumuntong-hininga. "Minsan kasi.. kailangan nating makarinig ng masasakit na salita para tumatak sa isip nating yung sinasabi ng isang tao.."

"Andami mong alam hahaha.. Halika nga dito.."

"S-Saan??" tanong ko ng ialok nya ang kamay nya!

"Gusto kitang yakapin e.."

"Siraulo ka ba?? Bakit ko naman gagawin yun??"

"Kahit ngayon lang Taguro.." parang batang pakiusap nya! "H-Hindi ko na talaga mapigilan yung nararadamdaman ko e.. Kahit isa lang??"

"Ayoko!"

"Sige na!"

At hinila nya ang kamay ko at napayakap ako sa kanya!

"It's the little things that you do that make me so crazily attracted to you.." mahinang bulong nya sa tenga ko.

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
67.8K 885 47
Would you like to risk all of you for your love one sake? "I am willing to risk everything than to miss the good thing" -Mandy 'Till death do us p...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...