Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

26: Sanctuary

12.5K 255 63
By chocnut

~Mia~

"WOOOAH."

Yan kaagad ang lumabas ng bibig ko nung inalis na ni Tang yung kamay niya sa mata ko.

Tumabi sa akin si Tang at ngumiti, "Ganda 'no?"

"Sobra! Nakakainsecure. Dinaig pa ang ganda ko!" Pabiro at manghang-mangha kong sagot.

"Hahaha! Wala namang mas...sdfghjkl." 

Napatingin ako kay Tang, "Ano yun? Di ko narinig. Ulitin mo nga." Utos ko. Binulong na kasi niya yung last part kaya di ko na narinig.

"Wala! Wag mo na yun intindihin. Tara, dun tayo oh." Hinila niya ako papunta dun sa duyan na nakatali sa dalawang puno. Umupo kami dun; Siya, nakaindian seat. Ako, yung normal na upo lang.

"Tang, sa inyo ba 'tong lugar na 'to?" Tanong ko habang nakatingin sa langit.

"Hindi ah. Pero etong duyan, oo. Haha." Sagot niya.

Simple lang naman 'tong pinuntahan namin e, puros puno at damo lang. Walang ilog at bulaklak. Pero kahit simple lang 'to, nakakarelax pa rin. Di siya kalayuan sa mall, pero tago siya. Di ko nga alam na may ganito pala e.

"Mi.." 

"Hmm?"

"Alam mo bang sanctuary ko 'to?"

Tumingin ako sa kanya saglit, nakatingin siya sa langit habang nakangiti. Di ko alam kung bakit pero napangiti rin ako. Binalik ko ang tingin ko sa langit kasi baka isipin pa nito na hinuhubaran ko siya sa utak ko. Ang landi pa naman nitong lalakeng 'to. 

"Pano mo 'to naging sanctuary?" Tanong ko.

"Feeling ko kasi safe ako dito."

"Malamang, kaya nga sanctuary eh." 

"Tss. Nagtanong ka, sinagot ko ng maayos, tapos ganun pa rin, binara mo pa rin ako. Wow ha?"

Medyo natawa ako sa sagot ni Treb. "Ulol. Ang ibig kong sabihin, pano mo 'to nakita? Tagong-tago kaya nitong lugar na 'to. Kung di mo ako dinala dito, di ko malalaman na nageexist pala 'to."

"Ahh. Nung umalis kasi si Mommy at Daddy, umiyak ako ng umiyak. Tumakbo ako paalis ng bahay, takbo lang ako ng takbo tapos ayun, napunta na lang ako dito. Simula nun, lagi na akong tumatambay dito. Ninakaw ko pa nga 'tong duyan na 'to sa bahay eh. Hahaha!" 

Tumango-tango lang ako, "May iba pa bang nakakaalam nito?"

"Hmm. Di ko alam. Di naman kasi sa akin 'to, kaya possible na may iba nang nakapunta dito. Pero..."

"Pero?"

"Pero ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala ko dito." Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sa akin. Di ako lumingon, nakatingin pa rin ako sa langit. May feeling kasi ako na pag lumingon ako magiging awkard, kaya ngumiti na lang ako.

Maya-maya din inalis na niya tingin niya sa akin. "Mi, parang may iba sayo ngayon."

"Ha? Iba? Ano?" Tanong ko na nakatingin pa rin sa langit.

"Parang... blooming ka. May lablayp ka na 'no? Kung meron, galit na ako sayo!" 

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, "Hoy! Tumigin ka nga sa akin." Utos ko, sinunod naman niya. "Bakit ka naman magagalit kung may lovelife na ako ha?" Tanong ko.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, parang namutla na ewan. Iniwas niya ang tingin niya at pinaglaruan ang kamay niya. "A-ahh.. A-ano.. Ma-magagalit ako k-kasi.."

"KASI?!" Tagal naman kasi makasagot eh, tapos nauutal pa. Prebleme nete?

"Ano.. Kasi bespren mo ako di ba? Kaya dapat alam ko!" Sagot niya tapos pinalo niya ng dalawang beses yung dibdib niya na para bang proud na proud siyang bespren ko siya. Pffsh.

Inirapan ko siya, "Wala. Wala akong lovelife. Di ako malandi tulad mo." Bespren?! Tss. Wateber.

"Maka-malandi. Sungit mo ah? Mood swings? Meron ka?" Sunod-sunod na tanong niya habang pinopoke-poke pa braso ko.

Pinalo ko yung kamay niya at sinamaan siya ng tingin, "Pag masungit, meron agad? Kaloka. Di ka pa nasanay sa akin. Tss." 

"Oh ano na, bakit ka nga blooming?"

"Maganda ako eh."

"Oo, alam kong maganda ka. Ang tinatanong ko kung bakit ka blooming. Labo neto."

"Malabo? Alin yang mukha mo?"

"Ha-ha. Funny." Sarkastiko niyang sagot kaya inirapan ko. "Ano ba kasing meron Mi? Parang may iba sayo eh. May nangyare ba? Pagkatapos kasi nung card-giving, parang may nagbago na sayo." 

"Secret! 'Lam mo yun? Secret para fun." Sagot ko sabay taas-baba ng dalawa kong kilay.

"Baliw. Ayos nga kasi."

"Saka na ako aayos pag maayos na yang mukha mo." Trip ko mang-asar ngayon! May magagawa ka? Ha?!

"Ang saya mo kausap. Promise." Sarkastiko niyang sagot.

"Aba! Sagana sa sarcasm si Treb tanga ah! Huwaw naman! Asensado!" 

"Ewan ko sayo! Gulo mo! Tss." Halata sa mukha niya na naiinis na siya. Dali mainis nito. Hahaha!

"Oh, kalma! Ang puso mo Tang. Kaya nga tayo andito sa Sanctuary mo para magrelax di ba? Chill lang Treb." 

"Di ko kaya kumalma!" Halos pasigaw na sagot niya.

"Cheber. Bakit naman?" Tanong ko. Teka, ano yun? Cheber? Bagong word sa Mia Dictionary! Astig.

"Di kaya kumalma ng puso ko kasi..." Nakahawak siya sa kaliwang dibdib niya habang nakatingin sa akin.

"Kasi?! Ay kaloka ka ha! Kanina ka pa nambibitin! Kaimbyerns! Mygad." Sabay irap ko. Ano bang nangyayare sa dictionary ko? Daming nadagdag ah.

"Di kaya kumalma ng puso ko kasi kasama kita." Ngumiti siya sabay kindat. Tengene nemen oh. Ba't ang landot landot ng lalakeng 'to?

Umiwas ako ng tingin kasi naiilang ako. Ba't ba? Di na ba pwedeng mailang ang magandang tulad ko? Cheret lang.

"Oyy. Si Mia, kinikilig. Pulang-pula oh! Hiyang-hiya na yung apple ni Snow White sayo! Yiiee!" Pang-aasar ni Treb.

"Di 'no! Sadyang rosy cheeks lang ako. Landot mo poreber! Oy Tang, may banat ako!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Di ako papatalo 'no, di yun pwede kay Enrile!

"Game! Ano yun?" Excited naman nito. Halatang-halata sa mukha oh.

"Hulog ka ba ng langit?" Tanong ko na may kasama pang pagpapacute.

Natuwa naman ang gago kaya nagpacute rin. "Bakit?"

"Hehe," Nilagay ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko na para bang kilig na kilig ako. "Aba dapat lang! Di ka kasi bagay dun. HAHAHAHA!"

Sumimangot si Treb. "Tuwang-tuwa ka eh, 'no?"

"NAMAN! Havey eh! HAHAHAHA!" Tawa pa rin ako ng tawa. Hahahaha! Nakakatawa mukha ni Treb eh.

"Hala sige, tawa pa."

"Duh. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? HAHAHAHA!" 

 "Oh, tama na, nasobrahan na. Magkwento ka na dali."

Tumigil na ako sa pagtawa at inirapan siya. "Atat lang? Kalerks. Oh eto na, magkwekwento na."

"Game!"

"Hyper lang?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagmake face ako. "Okay na kami ni Daddy." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bakit? Nag-away ba kayo?" Takang tanong niya.

Napairap ako. Di nga pala niya alam yung tungkol dun. Kwinento ko sa kanya yung buong kwento para maintindihan niya.

"Ahh. Alam mo ba na bago yung card-giving naging topic ka namin?"

"Ako?! Sinasabi na nga ba eh! Mga backstabber!" Pabiro kong sagot.

"Baliw. Di ka namin binackstab. Medyo may connection yun dun sa kwinento mo. Basta! Wag mo na yun isipin, di naman yun ganun kaimportante." 

"K. Sabi mo eh."

"Nakwento mo na ba 'to kela Kurt?"

"Di pa. Ikaw pa lang nakwentuhan ko nito."

"Ahh. Astig! Pwede ko bang ikwento sa kanila?"

"Pwede, kaibigan ko din naman yung mga yun." 

"Tara Mi! Libutin natin 'tong sanctuary ko." Tumayo na siya at hinila ako patayo.

"Libot? Eh puros puno lang naman and andito eh." 

"Dami mo namang reklamo! Dali na." Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod na ako.

"Ay ipis na panget!" Sigaw ko. Muntik na kasi akong matapilok.

"HA?! IPIS?! ASAN?!" Eh? Makasigaw 'to si Treb? Wait... HAHAHA! Takot siya sa mga ipis! Mapagtripan nga.

"Na-nasa likod mo! Kyaaaah! Ang panget! Kamukha mo! Aaaaah!" Sigaw ko na kunware takot na takot ako. Hahahahaha! 

Biglang tumakbo papunta sa akin si Tang at nagtago sa likod ko. "Asan? Asan ang ipis? Wala na ba?" Kinakabahang tanong niya.

"Na-nasa ulo mo! AAAAAH!" Sigaw ko. Pwahahahaha!

Nanlaki yung mata niya tapos bigla na lang siyang nanigas. "Na-nasa u-ulo k-ko?" Tumango ako. Lumunok siya. "Ta-tanggalin mo! Tanggalin mo! AAAAH!" Sigaw niya habang nakatayo pa rin dun.

"PWAHAHAHAHAHAHAHA!" Di ko na mapigilan yung tawa ko. HAHAHAHA!

Kumunot yung noo ni Treb. "Tinatawa-tawa mo?"

"HAHAHAHAHA! Ipis? TAHAHAHAHA! Takot ka sa ipis? HAHAHAHA!"

"Oh eh anong masama dun? Tanggalin mo na  yung ipis sa ulo ko!"

"Pano ko tatanggalin ang wala? Explain please. HAHAHAHA!" Shet. Hahahaha! Di pa rin ako makaget-over sa mukha ni Treb.

"Wala? Ibig sabihin pinagtritripan mo lang ako?" Tanong niya.

Natatawang umirap ako, "Duh? Sa tingin mo may ipis sa ganitong lugar? Poreber tanga. HAHAHAHA!" Natatawang umiling-iling ako. Di ba niya naisip yun? Puros puno at damo dito tapos may ipis? Shunga porebs.

Sumimangot si Treb. "TSK! Lakas mo mantrip. Bwiset." Naiinis na sabi ni Treb.

"Hihihi. I know right? Pffsh. Nakakatawa yung mukha mo kanina. Hahahaha! Priceless! Hahahahaha!" 

"EWAN! Tara na nga! Libot na tayo!" Hinawakan niya ko sa aking palapulsohan at nagsimula na kaming maglibot.

--------------------------------------------------------------------------------

Haluu! Bitin? I know. ;) Boring? Pasensya. Late UD? Pasensya ulit. (_ _ ) Yan lang kineri ng powers ko. Senya na poe. Pero sana kahit papano, nagenjoy kayo. :) Alam ko yung mga TraMi dyan, nagdidiwang na. Hahaha! Peace sa mga KurMi! Labs ko rin naman kayo eh. Hihi. XD

K, babels! Labsyou! ♥ xx

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 391K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
38.2M 788K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...