TBS : 3 (UNDER REVISION)

By Rosercl

1.5M 19.9K 529

PLEASE DON'T READ! Started : July / 10 / 2015 Ended : December / 01 / 2015 More

The Bachelor SERIES ( Lance James Mariano )
TBB : 1
TBB : 2
TBB : 3
TBB : 4
TBB : 5
TBB : 6
TBB : 7
TBB : 8
TBB : 9
TBB : 10
TBB : 11
TBB : 12
TBB : 13
TBB : 14
TBB : 15
TBB : 16
TBB : 17
TBB : 18
TBB : 19
TBB : 20
TBB : 21
TBB : 22
TBB : 23
TBB : 24
TBB : 25
TBB : 26
TBB : 27
TBB : 28
TBB : 29
TBB : 30
TBB : 32
TBB : 33
TBB : 34
TBB : 35
TBB : 36
TBB : 37
TBB : 38
TBB : 39
TBB : 40
TBB : 41
TBB : 42
TBB : 43
TBB : 44
TBB : 45
Writer's NOTE

TBB : 31

22.7K 292 6
By Rosercl

Zelina's POV


Busy akong tinatapos ang inuwi kong paper works sa Thunder company ng bigla sa kalagitnaan ng pagti-Type ko ng keyboard ay tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha 'yon at nakita ko ang nakarehsitrong pangalan ni Lance tinignan ko muna ang oras at 3 am na pala.



Agad ko naman sinagot ang tawag ang agad kong narinig ay ang malakas na tunog ng kanta mula sa background ng phone. ''So-sorry na.'' 'yun ang bigla kong narinig ng humina ang tunog na naririnig ko sa background agad naman akong napa upo ng tuwid.



''Lance nasaan ka?'' nagtatakang tanong ko pero may bigla akong narinig na malakas na tunog at mayamaya nawala na sa kabilang linya ang kausap ko. Tinawagan ko ulit pero wala ng sumasagot at haggang sa nagpasya na akong matulog.



Pero habang nasa kama ako at nakahiga ay hindi naman maalis alis sa isip ko si Lance at parang hindi ako mapakali agad ko naman kinuha ang phone ko at bago matulog sinubukan ko ulit siyang tawagin naka ilang ring muna bago may sumagot.



''Hello?'' kinakabahan na sagot ko.


''Hello po Ma'am?'' napakunot noo naman ako sa boses ng isang lalaki alam ko na hindi siya si Lance.



''Nasaan ang may ari ng phone na 'to?'' hindi ko na pigilan na hindi kabahan bakit hindi si Lance ang sumasagot ng tawag ko?



''Ma'am nasa bar po siya ngayon at sobrang tulog magsasara na po kami kaso ayaw naman po niyang bumangon.'' Sabi ng lalaki at mukhang nagkakagulo na nga dahil naririnig ko sa background na balak nilang ipapulis si Lance dahil sa ayaw pa 'rin niya umalis.



''Saan Bar ba 'yan? Puwede bang paki text saakin ang lugar?'' sabi ko pumayag naman 'yung lalaki at agad naman akong nag ayos ng damit kinuha ko 'rin ang susi ko sa sasakyan at nagmamadaling nagmaneho sa papunta sa bar.



Pagkapasok ko palang sa bar agad ko ng nakita ang isang lalaking walang malay nanaka higa sa sahig hindi kung mapapakunot noo ako o maawa sa mukha ni Lance na pagod na pagod. Agad na pumasok ako at lumapit sa kanya.



''Lance? Lance bumango ka na dyan sino ba kasing nag sabi sa'yo na maglasing ka?'' sa sobrang inis ko ay hinampas ko 'yung dibdib niya narinig ko ng umugol siya.Nagpatulong ako sa mga body guard na isakay si Lance sa sasakyan ko.



Bigla napa-isip ako kung saan ko dadalhin si Lance baka magtaka si Mama at Daddy ko kung anong ginagawa ko at kasama ko siya bigla naalala ko sa apartment nalang namin. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan sa likod ng sasakyan nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Lance.



''Paano na kita ipapasok?'' nagtatakang tanong ko bigla naman akong napatingin sa may side at nakakita ako ng karton at may pumasok na ideya sa isip ko. Agad kong hinila 'yung karton at agad na binuhat si Lance at pinasok doon.



Hila-hila ko ang karton haggang sa may loob ng sala at binaksak si Lance sa sahig. Hindi man lang nagising si Lance sa ginawa ko. ''Ganya kana ba kamanhid o kalasing para hindi gumawa ng ingay?'' inis na tanong ko nanaman kay Lance.



Pumasok muna ako sa kuwarto ko na magulo dahil matagal ko na rin naman hindi nagagamit ang apartment ko na 'to. Agad kong binukas ang cabinet sakto naman na may nakita akong mga damit na hindi ko pa na uwi nag palit na ako. Paglabas ko agad ko nakita si Lance na hindi man lang gumawa sa kinahihigahan niya.



Pumunta ako sa kusina kumuha ng tubig at binuhos sa mukha nito. Narinig ko ang mahinang mura niya kasalanan naman niya tuingin siya saakin at hindi pa magawang ibukas ang kabilang mata niya. ''Bakit mo ginawa 'yon?'' nagulat ako hindi dahil sa gising na siya nagulat ako dahil sa boses niya.



Papano nagagawa ng isang lalaking maging sobrang seductive gamit ang pang umagang boses nila? Hindi ko napigilan ang mataranta kaya na buhos ko pa ang konting laman ng tubig sa baso sa mukha ni Lance. Agad naman itong bumangon at medyo hilo hilo pa dahil natatapilok pa siya habang papunta sa sofa kung sa tutuusin naman ay nasa harap lang nito.



''Pahingin tubig.'' Mahinang sabi nito agad naman akong napa kunot-noo.



''Hindi paba sapat ang tubig na binuhos ko sa mukha mo at nagawa mo pa na humingin ulit?'' mataray na tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin nagtuloy-tuloy ako sa kusina at pinagkuha siya ng maiinom kaso pagbalik ko nakita ko na wala na siyang pang-itaas at nakatulog nanaman ito.



Hinayaan ko na lang siya bahala na siya sa buhay niya napatingin ako sa relo ko at nakita ko na malapit na palang mag 6 ng umaga at wala pa akong tulog. Pero nagpasiya ako na magluto muna ng almusal at mayamaya humiga na ako sa kama.



Nagising na lang ako maingay na tunog ng phone ko agad ko naman sinagot ang tawag. ''Hello?'' nanglalaki ang mga matang mabilis akong napabangon at nagmamadaling tinignan ang phone ko 30 mins palang ako nakakatulog.



Nagmamadaling pumunta ako sa sala at nakita ko ang mahimbing na si Lance na natutulog wala akong choice kaylangan ko siyang hilain papunta sa kuwarto. Nalaman kasi ang Dad ko na umalis ako sa bahay at nag aalala siya kaya ng itanong niya kung nasaan ako sinabi kong nasa apartment ako at papunta na sila ngayon ng Mama.



Papatayin kita Lance James kapag nalaman nila na kasama kita. Tatandaan mo hindi mo na masisislayan ang kagandahan ng bukas. Gigil na sabi ko sa isip ko. ''Hindi kapa rin ba gigising ah? Jusko. Malilintikan ako kapag hindi kapa gumising Lance!!'' ilang beses ko pang ginising si Lance pero ayaw niya.



''T*ngna mo! Wag kanang magigising letche ka!'' inis na sabi ko kay Lance at sinipa siya sa sikmura. Hinulog ko siya sa may carpet at hinila papunta sa may kuwarto kung puwede lang sana ay ipagsasaksak ko siya at hatiin ang katawan ginawa ko na.



Narinig ko na umungol siya pero wala akong pakialam. Binuksan ko ang walang laman na cabinet ko at walang sabi sabi na pinasok ko siya pero may lahing kapre ata ang isang 'to dahil hindi man lang nag kasiya. Hinila ko siya papasok sa ilalim ng kama at mukhang kasya siya nakalabas pa ang paa niya pero ok lang sasarado ko na lang siguro ang pintuan.



Nagulat ako ng biglang tumunog ang doorbell at nagmamadaling iniwan ko na si Lance nagklat pa sa sala ang mga damit niya kaya naman kinuha ko 'yon at inilagay sa ilalim ng sofa. At nagmamadaling pumunta sa gate nakita ko ang magulang ko at alanganing ngumiti sa kanila habang pinapatay ang lalaking nasa kuwarto ko ngayon na mahimbing ang tulog. Patay ako pagnahuli ako.



-Rosercl

VOTE.COMMENT. FOLLOW ME. THANK YOU AND GODBLESS!


Continue Reading

You'll Also Like

348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
926K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
116K 2.6K 37
(Turner's Series Book 1) Pirapirasong mga alaala, maitatagpitagpi pa ba? Kung isip man ay nakalimot, puso rin ba?
19.6K 1.5K 25
Ace Series #2 ¦ Patrick Niel Acosta "We shine together like the moon and stars, always remember that, my Salve."