Game of Love 2: Still in Love...

JeraldineTanL által

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... Több

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 53 ] Past

36.4K 555 49
JeraldineTanL által

Chapter 53: Past

"Good morning, hon!"

"Good morning. Napatawag ka ata?"

"I can't come to work today. Is that okay?"

"Why?"

"May mga kailangan lang akong asikasuhin, Gab."

"Sasamahan na kita."

"No, I can do it by myself. I know you’re busy. I can handle myself. Don't worry."

"Sige, mag-ingat ka. Tumawag ka sa 'kin kapag nakauwi ka na."

"Sure. I'll cook for dinner. I'll just call you later."

"Your place?"

"Yes. I love you, Gab."

"I love you more."

Binabaan ni Jin si Gab at saka niya tinawagan si Mafelle pero hindi siya sumasagot kaya tinext niya na lang ito.

To: Mafelle Teppei

I want to talk to you Mafelle. Just the two of us.

Pumunta si Jin sa pastry shop na ipinatayo niya at doon hinintay si Mafelle dahil sinabi niya na doon sila magkita. Gusto niya itong makausap tungkol kay Gab.

"You're here. I thought you wouldn't come," sabi ni Jin nang makita niya si Mafelle.

"I have second thoughts at first but I realized that I also have some things to say to you so I came. Tama na din siguro ‘to."

"Sit. Just wait for me here, I'll get something to eat."

Kumuha si Jin nang makakain at maiinom nila at saka siya bumalik sa kung saan nakaupo si Mafelle.

"You own the place?" tanong ni Mafelle.

"Yes."

"It's quite good."

"Thanks."

Natahimik si Jin. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan na kausapin si Mafelle.

"Dahil hindi ka nagsasalita, ako na lang ang mauuna. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Layuan mo ang kuya ko."

"Hindi ko pwedeng gawin ‘yon."

"Hindi pa kayo kasal kaya madali pa na paghiwalayin kayo. Sana 'wag mo ng pahirapan pa si Kuya. Kung may plano ka din naman na saktan siya, mas mabuti na gawin mo na ngayon."

"Bakit ba galit na galit ka sa 'kin, Maf? Wala naman akong nagawa sa ‘yo."

"Wala ka ngang nagawa sa ‘kin pero sa kapatid ko, meron."

"Tapos na ‘yon. Bumalik na ako at masaya na kami."

"Sana nga hindi ka na lang bumalik. Maayos na si Kuya nang bumalik ka, napansin mo ba ‘yon? Kung nakita mo lang gaano siya ka-miserable noon nang mawala ka, maiintindihan mo din kung bakit ako nagkakaganito. Pinoprotektahan ko lang ang kapatid ko. Alam ko na kapag iniwan mo siya ulit, babalik na naman siya sa dati."

"Hindi ko na siya iiwan pa ulit. Hindi ko ‘yon magagawa sa kanya."

"'Wag ka ngang magsalita ng tapos, Jin. Sana talaga hindi ka na lang bumalik. Masaya na sila noon ni Mika. Alam mo ba kung ano ang hirap ni Mika para lang ibalik siya sa dati?"

"Bakit ba napasok si Mika dito?"

"Kasi gusto ko si Mika para kay Kuya. Oo, alam natin na may kinalaman siya sa nangyari sa ‘yo pero alam din natin na hindi siya ang pumatay sa 'yo. Alam mo 'yan, Jin. Si Mika lang ang taong nagtiis kahit na masahol ang ugali ni Kuya noon. Kahit ako na kapatid niya, hindi ko kinaya ang ugali niya. Si Mika lang ang may kayang gumawa nun. Dapat siya ang girlfriend ni Kuya ngayon. Ayoko din magkaroon ng koneksyon sa pamilya niyo."

"Maf, kung dahil ito sa nagawa sa 'yo ni Kuya noon, sana kalimutan mo na ‘yon at 'wag mo na akong idamay. Hindi kasalanan ni Kuya na iba ang gusto niya--"

"Shut up, Jin! Walang kinalaman si Axel sa usapan na ‘to!"

"Ano ba talagang ikinagagalit mo kay Gab? Sige, kung galit ka sa ‘kin, okay lang ‘yon pero sana naman patawarin mo na si Gab sa nagawa niya sa ‘yo. Nahihirapan din ang Kuya mo ngayon dahil pinapapili mo siya."

"Ako kasi ang dapat niyang piliin dahil kapatid niya ako, hindi ikaw. Noon, ikaw na ang pinili niya. Pati ba naman ngayon, ikaw pa din?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Ilang buwan pa lang simula nang mamatay si Jin. Simula din nang mawala siya ay nagbago na din si Gab. Hindi na siya nakakausap ng mga kaibigan niya at bihira din siyang pumasok. Tila ba ang mundo niya ay umiikot lang kay Jin at tumigil ito nang mawala siya.

 

"Kuya, ano bang nangyayari sa ‘yo?!"

 

Nakita ni Mafelle si Gab na umuwi na naman ng lasing at may mga sugat na naman. Wala na ang mga magulang nila sa Pilipinas dahil bumalik na sila sa ibang bansa. Simula noon, palaging naglalasing at naninigarilyo si Gab. Madalas na din ito kung mapaaway. Inalalayan niya si Gab papunta sa kwarto nito.

 

"Kuya, bakit ka ba nagkakaganito? Lagi ka na lang lasing at galing sa away."

"Ikuha mo ako ng alak sa ref."

 

Nilapitan ni Mafelle si Gab at niyakap. Nahihirapan siya na nakikita ang kapatid na sinisira ang buhay niya dahil sa hindi nito matanggap na patay na si Jin.

 

"Kuya, tama na ‘yan. Lagi ka na lang ganito. Kailan ka ba titigil?"

 

Tinulak ni Gab si Mafelle. Nagulat si Mafelle dahil nagawa sa kanya iyon ng kapatid niya.

 

"Ikuha mo na lang ako ng alak. Bilisan mo."

 

Tumayo si Mafelle at sinunod ang utos ng kapatid kahit na labag ‘yon sa loob niya. Pagkabigay niya ng alak, naiwan siya sa kwarto at tiningnan ang kapatid habang umiinom.

 

"Hindi ka ba aalis? Gusto kong mapag-isa."

"Kuya, itigil mo na ang pakikipag-away at paglalasing."

"'Wag mo akong pakialaman."

"Hanggang kailan ka ba magiging ganyan?! Ilang buwan na siyang patay pero bakit hindi mo pa rin ‘yon matanggap?! Kalimutan mo na siya! Hindi na siya babalik pa!"

"Sinabi kong 'wag mo akong pakialaman! Buhay ko ‘to!"

 

Natakot si Mafelle nang ibato sa kanya ng kapatid niya ang bote ng alak na iniinom nito. Maswerte siya at nailagan niya ito. Hindi niya na napigilang umiyak dahil sa takot sa kapatid.

 

"Kapatid kita kaya may pakialam ako sa ‘yo! Sinisira mo ang buhay mo dahil sa babaeng patay na! Kalimutan mo na siya!"

"Kapatid lang kita."

"At ano siya?! Girlfriend mo? Ni hindi mo nga siya ka-dugo! Tanggapin mo na lang na patay na siya at hindi na siya babalik pa! Kailan ka ba magigising sa katotohanan, Kuya?!"

 

Nilapitan siya ni Gab at sasaktan sana siya nito pero pumasok ang katulong sa loob ng kwarto kaya natigilan si Gab. Nilapitan ng katulong si Mafelle.

 

"Ilabas mo na siya dito," sabi ni Gab sa katulong.

"Tara na, Mafelle."

"Hindi ako lalabas dito hanggang hindi ko naipapamukha sa kanya ang lahat ng mga ginagawa niya!" pagmamatigas ni Mafelle.

 

Tiningnan ni Mafelle ng deretso si Gab.

 

"Lagi ka na lang nakikipag-away. Kung wala kang sugat, tadtad ka naman ng pasa kaya ang panget panget mo na! Lagi ka na lang amoy alak at sigarilyo. Kung pumapasok ka sa school, wala kang tulog palagi at tinutulugan mo lang ang klase mo. Kung hindi ka tinutulungan ni Mika, malamang tanggal ka na sa school."

"Ano'ng gusto mong palabasin ngayon, Mafelle?"

"Sumosobra ka na! Inaabuso mo na ang sarili mo! Naiintindihan kita noong una dahil alam kong nawalan at nasaktan ka pero hindi ka pa din tumitigil. Hanggang ngayon, ganun ka pa din at mas lalo ka pang lumalala."

 

Tinitingnan lang siya ni Gab pero hindi ito sumasagot.

 

"Tanggapin mo na lang na wala na siya, Kuya. Alam ko na hindi madali ‘yon dahil sa tagal ng pinagsamahan niyo pero ito ang tatandaan mo, kahit na ano pa ang gawin mo, kahit na magpakamatay ka pa, hindi na siya babalik pa."

"Tama na."

"Kung nandito pa siya ngayon, sa tingin mo ba matutuwa siya na nakikita ka na nagkakaganyan? Sinisira mo ang buhay mo. Kalimutan mo na siya, Kuya! Madami pa namang ibang babae dyan na kaya siyang lamangan!"

"Tama na sabi, Mafelle!"

 

Natigilan na si Mafelle dahil sa takot niya kay Gab. Huminga ng malalim si Gab bago siya nagsalita ulit.

 

"Matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas," kalmadong sinabi ni Gab.

"Kuya, mamili ka. Ako o si Jin?"

"'Wag mo akong papiliin dahil baka hindi mo magustuhan ang isasagot ko."

"Ewan ko sa 'yo, Kuya. Sinagot mo na din ang tanong ko sa sinabi mo. Hindi ako makapaniwala na mas pipiliin mo ang taong patay na kaysa sa ‘kin na kapatid mo at kasama mo pa! Hindi ko na kaya ang ugali mo. Hindi ko na kaya na tiisin pa ang mga ginagawa mo."

 

Pagkasabi nun ni Mafelle, lumabas na siya ng kwarto ni Gab. Doon niya na din napagdesisyunan na iwan na ang kapatid sa Pilipinas.

"Parang naulit lang ang nangyari noon kagabi, Jin. Nagawa ka niyang piliin kaysa sa ‘kin."

"Sorry. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari."

"Wala ka naman kasi talagang alam! Nagmamarunong ka lang!"

Natahimik si Jin dahil alam niyag totoo ang sinabi ni Mafelle. Wala siyang alam tungkol sa mga nangyari noon at hindi man lang siya minsang nagtanong tungkol doon.

"Please, stay away from my brother, Jin. I'm not asking this as a friend but as a sister who cares for him. Kung kay Axel din ‘yon nangyari, baka ganito din ang gagawin mo. Put yourself in my shoes. Please think of it. ‘Yan lang ang hinihiling ko sa ‘yo."

"Kung sakali ba na gawin ko ‘yon, mapapatawad mo na si Gab?"

"Kung papatunayan niya sa ‘kin na mas mahalaga pa din ang pamilya namin kaysa sa 'yo, oo. Sige, aalis na ako."

Napaisip si Jin sa sinabi ni Mafelle. Gusto niya lang sanang gumawa ng paraan para makatulong na pagbatiin ang magkapatid pero lalo lang siyang naguluhan sa pag-uusap nila. Naiintindihan niya ang pag-aalala ni Mafelle sa kapatid pero sobra na ang hinihingi nito para pagbigyan niya ito. Naisipan niya na lang na i-text si Gab.

To: Gab

Show Mafelle that you really care for her and give her what she wants. Try to talk to her later. I'll be busy. I cannot call you until dinner. I love you, Gab. Bye!

~

Pagkauwi ni Gab galing sa trabaho ay nilapitan niya kaagad ang nakababatang kapatid.

"Mag-usap tayo, Mafelle."

Umupo siya sa tabi nito.

"Galit ka pa din ba kay Kuya?" malambing na tanong ni Gab.

"Pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin noon at kagabi, oo."

"Patawarin mo na si Kuya sa nagawa niya. Hindi niya naman ‘yon sinasadya."

"Ganun lang ba ‘yon kadali para sa ‘yo, Kuya? Kung alam mo lang gaano kalaki ang galit ko sa inyo ng babaeng ‘yon."

"Alam kong mali ang nagawa ko sa ‘yo. Pagkatapos mo akong iwan noon, nagbago na ako. Pinilit ko na makipag-ayos sa ‘yo pero ayaw mo naman akong kausapin. Hindi mo pa din ba ako papatawarin ngayon?"

"Tatanungin kita ngayon. Kung papiliin kita, siya pa din ba ang pipiliin mo, Kuya?"

"Wala akong pipiliin sa inyo. Mahal ko kayo parehas."

"Paano kung sakaling iwan ka niya ulit? Baka maulit na naman ang nangyari noon."

"Hindi na mangyayari ‘yon, Mafelle. Hindi ko na gagawin sa ‘yo ‘yon ulit."

"Talaga, Kuya?"

"Oo."

Nilapitan ni Mafelle si Gab at niyakap.

"Hindi naman kita matitiis kuya, eh. Miss na miss na kita."

"Miss na din kita."

"Sana matanggap mo din si Jin."

Dumistansiya si Mafelle sa kapatid nang marinig ‘yon.

"Simula pa lang noong una, alam mo na ayaw ko na sa kanya. Gusto ko si Mika para sa ‘yo at alam mo ‘yon."

"Nagustuhan mo rin naman siya noon, hindi ba? Alam ko na magugustuhan mo din siya ulit. Alam ko na kaya ka lang ganun sa kanya ay dahil naapektuhan ka sa ginawa sa ‘yo ni Axel. Wala namang kinalaman si Jin sa ginawa ng kapatid niya sa ‘yo kaya sana hindi na siya madamay dito."

"Inaamin ko, isa na ‘yon sa dahilan kung bakit hindi ko siya gusto pero iba si Mika sa kanya. Siya lang ang tanging nagtiyaga sa 'yo noong hindi ka na namin kaya pang kontrolin. Siya din ang dahilan kung bakit maayos ka na ngayon. Ginawa niya ang lahat para sa ‘yo pero hindi mo man lang siya nagustuhan dahil si Jin lang ang nasa isip mo."

"Malabo ang gusto mo at hindi ko ‘yon maibibigay sa ‘yo. Sana maintindihan mo na si Jin lang talaga ang gusto ko at hindi magiging si Jin si Mika kahit na ano pa ang gawin natin."

"Wala naman akong magagawa, hindi ba? Buhay mo 'yan at nagsasuggest lang naman ako. Pero sana naman, 'wag puro si Jin ang inaatupag mo. Alam ko kung gaano mo siya kamahal at gaano siya kahalaga sa ‘yo pero hindi ako papayag na piliin mo siya kaysa sa ‘min na pamilya mo."

"Alam ko. Hindi na ‘yon maaulit."

Pagkatapos mag-usap nina Gab at Mafelle ay pumunta na siya sa kwarto para ilagay doon ang mga gamit niya. Tinawagan niya si Jin pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Ilang beses niya pa itong tinatawagan pero wala pa ding sumasagot at nag-aalala na siya. Tanghali pa lang noong huli itong magtext sa kanya at hindi niya pa nasagot ang text na ‘yon dahil marami siyang ginagawa.

'Nasaan na kaya siya at hindi siya sumasagot?

Sinubukang tawagan ni Gab ang mga kaibigan pero walang nakakaalam sa kanila kung nasaan si Jin at hindi din nila ito nakausap nang araw na ‘yon kaya lalo siyang nag-alala.

"Mafelle, aalis lang ako. Babalik din ako mamaya."

"Saan ka pupunta, Kuya?"

"Pupuntahan ko lang si Jin."

"Bakit kailangan mo pa siyang puntahan? Pwede naman kayong magkita bukas."

"Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Ge, babalik din ako kaagad."

Madaling umalis si Gab sa bahay nila at pinuntahan si Jin sa condominium kung saan ito nakatira pati na din sa bahay nito pero hindi niya ito nakita doon kaya naisipan niyang puntahan na lang si KL para makausap ito ng maayos.

"Gab, bakit ka nandito? Nakita mo na ba siya?"

"Sigurado ka ba na hindi mo nakausap si Jin simula kanina? Best friend ka niya, ‘di ba? Wala ba talaga siyang nasabi sa ‘yo?"

"Oo naman! Teka, may nangyari ba?"

"Nawawala siya."

"Ano?! Ano ba'ng nanyayari?! May ginawa ka na naman ba sa kanya?!"

"Wala akong ginawa sa kanya kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi siya sumasagot sa tawag ko at hindi ko din siya makita."

"Hindi siya aalis ng walang dahilan! Kung wala kang ginawa sa kanya, bakit siya aalis nang walang pasabi?"

"Walang maitutulong ang pagsigaw mo sa ‘kin. Aalis na ako para hanapin siya. Sabihan mo na lang ako kapag alam mo na kung nasaan siya."

"Saan ka pupunta?"

"Hahanapin siya kung saan ko siya pwedeng makita."

Nagmadaling umalis doon si Gab at pumunta sa bar kung saan niya nakita si Jin noon. Alam niya na bukod kina KL, si Marc lang ang ibang nilalapitan nito.

"Nasaan si Jin?" tanong niya pagkakita kay Marc

"Hindi ko alam. Hindi ko siya nakita ngayong araw."

"Ilabas mo siya, Marc."

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala din akong ilalabas dahil wala akong tinatago."

"Alam ko na tinatago mo siya."

Kahit na madaming tao sa bar ay hinanap niya sa loob si Jin pero wala siyang napala.

"I told you. She's not here."

"Kung alam mo kung nasaan siya, sabihin mo na sa ‘kin. Kailangan namin mag-usap."

"Hindi na siya ulit nagpakita sa 'kin simula nang huli siyang pumunta dito kasama mo."

"Sigurado ka?"

"Oo. 'Wag kang magalala, kapag nakita ko siya, sasabihin ko agad sa ‘yo."

"Ito ang tatandaan mo, Marc. Kapag nalaman ko na may binabalak ka na masama kay Jin, hindi kita sasantuhin."

~

Umuwi si Gab ng lasing at inihatid pa siya ng isang lalaki.

"Thank you for bringing my brother home," sabi ni Mafelle sa lalaki.

"May kapatid pala siyang babae. Ngayon ko lang nalaman."

"So you know my brother and you're not just a random guy?"

"Yes, I'm Marc. Mika's manager."

"The last time I checked, you're not his manager. Don't lie to me. I know her."

"I'm the new one. You can call her to check if I’m telling the truth."

"No need. You may leave now. Thank you."

Tinulungan siya ni Marc na dalhin si Gab sa kwarto nito. Pagkahatid ni Mafelle kay Marc sa labas ay sakto din naman na paglabas ni Gab sa kwarto. Naisipan niya na uminom na lang at magpakalasing dahil sa pagkadismaya niya tutal nasa bar na din siya noon. Hindi talaga sinasagot ni Jin ang kahit anong tawag at text niya at hindi niya din ito mahanap. Wala man lang siyang ideya kung nasaan ito. Pagkapasok ni Mafelle sa bahay ay pinuntahan niya kaagad ang kapatid sa kwarto pero wala ito. Nakita niya itong umiinom ng beer sa gilid ng pool.

"Kuya, bakit ka nandito?" tanong niya pagkakakita sa kapatid.

"Samahan mo ako dito, Mafelle."

Nilapitan niya ang kapatid at umupo sa tabi nito.

"Gusto mong uminom?" alok ni Gab.

"No, thanks. Why are you acting like this? What happened?"

Hindi sumagot ang kapatid kaya naman hinayaan niya lang ito dahil baka gusto nito ng katahimikan. Kahit na noon kasi ay ayaw nito ng maingay. Tiningnan niya si Gab at nakatingin lang ito sa kawalan.

"Wala na siya, Mafelle. Iniwan na ako ni Jin at hindi ko din alam kung bakit. Maayos naman kami kagabi at kaninang umaga," matamlay na sagot ni Gab.

Hindi alam ni Mafelle ang isasagot niya dahil ‘yon ang gusto niyang mangyari.

"Mahal mo ba talaga siya, Kuya?"

"Oo. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi."

"Mas mahal mo siya kaysa sa ‘min?"

"Mas mahal ko kayo. Iba ang pamilya sa girlfriend. Mahal na mahal ko siya, Mafelle. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya kaya sabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya hahayaang mawala ulit pero ngayon, siya na ang mismong umalis. Ano ba'ng nagawa ko?!"

Nakonsensya si Mafelle. Alam niya na nasaktan niya si Jin sa mga pinagsasabi niya kanina nang mag-usap sila nito at naisip niya na posibleng siya ang dahilan kung bakit iniwan ni Jin si Gab. Nanahimik na lang siya at niyakap ang kapatid. Hindi niya inaasahan na maririnig ang mga ganung salita galing sa kapatid. Ni minsan ay hindi niya ito nakausap ng ganito kaseryoso at alam niya lang na dahil sa epekto ng alak kaya nagkwento ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang tumayo si Gab at nagmadaling pumunta sa kwarto nito kaya sinundan niya ito.

"Ano'ng nangyayari kuya?"

"Tinext ako kanina ni Jin pero hindi ko nasagot ‘yon."

Biglang naalala ni Gab ang text ni Jin noong tanghali kaya hinanap niya ang phone niya para basahin ito ulit. Ngayon lang nagtext sa kanya si Jin na may nakasulat na 'bye'. Nang mabasa niya ‘yon ay napaupo na lang siya.

"Iniwan niya na talaga ako, Mafelle. Tinext niya lang ako kanina na makipag-ayos sa ‘yo at hindi na niya ako kinontact pa."

"Kuya-- Aah!"

Nagulat siya nang ibato nito ang cellphone niya. Nakaramdam na naman ng takot si Mafelle at pag-aalala sa kapatid. Ganito din ang ginagawa nito noon.

"Aalis ako ulit. Babalik din ako bukas," pagpapaalam ni Gab.

Alam na ni Mafelle kung saan nito balak magpunta. Alam niya na magpapakalasing na naman ito o kaya maghahanap ng gulo sa labas. Hinawakan niya sa braso ang kapatid.

"Kuya, may aaminin ako sa ‘yo."

"Bukas mo na lang sabihin."

"Mahalaga 'to kuya! Tungkol kay Jin ang sasabihin ko."

Natigilan si Gab sa narinig.

"Sorry, Kuya! Sa tingin ko alam ko na kung bakit umalis si Jin. Nagkita at nag-usap kami kanina ng palihim."

Hinawakan ni Gab sa magkabilang balikat si Mafelle.

"Ano'ng ginawa mo sa kanya?!"

"Sinabihan ko siya na layuan ka na niya. Tinanong niya din ako kung makikipag-ayos ako sa 'yo kapag ginawa niya ‘yon at um-oo ako. Hindi ko naman alam na aalis talaga siya. Sorry, Kuya! Hindi ko talaga alam," mangiyak ngiyak na sinabi ni Mafelle.

Hindi sumagot si Gab at umalis na lang doon dahil kapag sinigawan niya pa si Mafelle ay magkaka-away lang sila nito ulit.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...
375K 8.3K 31
Ano kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo k...
15.9M 280K 53
Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer Buenavista. At ngayong magboyfriend at...