Live or Die

By Prinsxepe

36.6K 1.2K 172

Sa pagbabalik ni Patricia sa Sebastian Academy, isang sikreto tungkol sa mga kaibigan niya ang malalaman niya... More

Live or Die
Prologue
Introduction
01: I'm Back
02: Caught
04: Kidnapped
05: Secrets
06: Lost Picture
07: Threats
08: Video
09: I Saw Her
10: Family
11: Bloody Event
12: After Exam
13: Massacre
14: Nightmare
15: Birthday Gift
16: Where's Prince?
17: Savior
18: Jealous
19: The Past
20: Trauma
21: Payback Time
22: Out of Control
23: Flashbacks
24: You're Next
25: Grim Son
26: Command
27: Masked Girl
28: Last Three
29: Truth and Lies
30: Old Friend
31: Investigation
32: Hang
33: Confused
34: Bianca's Plan
35: Unexpected Visitor
36: Keep Everything
37: Cemetery
38: The Party
39: Light's Off
40: Hide and Seek
41: Kill Them
42: Next Move
43: Mastermind
44: Revelations
45: Live or Die?
46: Final Game
Epilogue
Acknowledgement

03: Feelings

1.3K 47 5
By Prinsxepe

Patricia's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Tahimik ang buong klase. At lahat sila, nakatingin sakin. Ano pa nga bang aasahan ko? Wala namang magbabago. Ganyan na sila sakin simula ngayon. Nakakainis lang dahil tingin ko, ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Mico. Samantalang wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya. Wala.

Sinumbong ko agad sa mga pulis ang nalaman ko nang gabing iyon. Mabilis naman nilang naaksyunan iyon maging ang lalaking pinagsasaksak ang sarili niya. Nakapagtataka lang dahil nang mahinto siya sa ginagawa niya ay mas lalo siyang humagulgol ng iyak.

Ayon sa lalaking iyon, hindi raw niya alam kung bakit siya nasa silid na iyon at hindi rin niya maintindihan kung papaanong kusang gumagalaw ang mga kamay niya. Tila ba may kumukontrol sa kanya. Tama nga iyong naiisip ko kagabi. May hindi normal na nangyayari sa kanya.

Kung may kumukontrol nga sa kanya nang mga sandaling iyon, sino? Sino iyong taong 'yon? Natitiyak kong siya rin iyong taong nararamdaman ko ang presensya kagabi na nasa paligid lang at pinagmamasdan ako. Malakas ang kutob kong nasa loob lang ng paaralang ito ang taong iyon. Kailangan kong magingat sa kanya. Hindi siya normal.

May kakayahan siyang magpasunod ninoman. Kaya ngang pumaslang ng tao nang hindi niya ito ginagalaw. Kaya niya gawin ang lahat. Napapaisip tuloy ako kung papaano niya nakuha ang ganoong klase ng kakayahan. Anong kapalit niyon?

"Magandang umaga."

"Magandang umaga rin," bati ko rin kay Marvin.

Napansin ko agad pagupo ko na wala pa pala si Dianne. Mukha yatang tinapos niya talaga iyong dino-drawing niya na Card Captor Sakura. Paniguradong napuyat iyon dahil sa ginawa niya. Nabanggit niya rin sakin kagabi na may kailangan pa raw siyang ireview at isulat. Hindi ko natanong kung para saan kaya kinakabahan tuloy ako.

Kapag nagkataong may long test ngayon, baka wala akong maisagot. Ni hindi ko nga naintindihan iyong mga tinuturo kahapon at yung notes na pinahiram sakin ni Dianne. Ang sakit sa ulo. Wala akong maintindihan talaga. Nakakatuyo talaga ng utak ang pagaaral.

"Nakapagreview ka ba?"

Napatingin ako kay Marvin. Kinabahan ako bigla. Sinasabi ko na nga ba. Paano ako nito mamaya? Nakakainis. Baka wala akong maisagot kahit na isa. Hindi bale, excuse naman siguro ako dahil bagong pasok pa lang ako, hindi ba? Tama. Pero pwede ring hindi e. Hays. Lagot ako nito mamaya.

Umiling-iling lang ako kay Marvin.

"Hayaan mo, pakokopyahin nalang kita," aniya habang nakangiti at kinindatan ako. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at katabi ko siya. Malaking tulong siya sakin.

Hindi ko naman sinasamantala ang kabaitan niya, sadyang kailangan ko lang talaga ng tulong niya ngayon. Nakakatuwang siya pa mismo ang nagrekomenda sa sarili niya. Ang bait niya talaga. Plus factor pa iyong pagiging cute niya.

"Look girls, nilalandi niya si Marvin."

Naginit ang ulo ko sa narinig ko. Ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyon para sabihing nilalandi ko si Marvin. Nilingon ko lang ito at sinamaan ng tingin. Inirapan ko na rin para masindak siya. Akala niya siguro'y madadaan niya ako sa pagpaparinig niya.

"Sakin ka nalang tumingin para hindi ka mainis," sabi ni Marvin na siyang naging dahilan upang mapatingin nga ako sa kanya.

Ang ganda ng mga mata niya. Medyo brown ito at ang kapal ng kilay niya. Matangos ang kanyang ilong at sobrang kissable ng lips. Gwapo. Gwapo nga talaga itong lalaking ito.

Nakapagtataka lang dahil sa lahat ng babae sa school, ako lang yata ang kinakausap niya ng ganito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin. Ayokong mag-assume kaya sa ngayon, kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Kung lumagpas man doon, wala naman sigurong masama. Mabait nama siya at mabuti siyang tao.

"O, baka matunaw naman ako niyan," sabi niya at ngumiti. Nakita ko naman ang maganda at maputi niyang ipin na bagay talaga sa kanya.

"Sira!" Tumawa lang ako at nakisabay naman siya.

Maya-maya'y narinig kong may pumapalakpak. Napatigil ako sa pagtawa at hinanap ang pinagmumulan niyon. Napangisi ako. Si Bianca. Ano naman kayang klaseng palabas ang gagawin niya? Wala akong panahon para sa kanya. Sinasayang niya lang ang oras niya sakin. Walang kwenta.

"Malas ka talaga kahit kailan Patricia." Tumawa siya na sinabayan ng iba pa naming kaklase. Itinigil na rin niya pagpalakpak.

"Ano na naman ba 'to, ha?!" Pinandilatan ko siya ng mata. Nginisian ko naman ang iba naming kaklase na sakin nakatingin.

Pinagkakaisahan nila ako. Hindi ito maganda. Ayokong ipakita sa kanilang mahina ako kaya lalaban ako hangga't maaari. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, itutuloy at itutuloy nila itong ginagawa nila sakin. Sila ang sumisira ng araw ko. Mga bwisit talaga sila, lalong-lalo na siya.

"Namiss mo ba ako?" Sarakastiko niyang tanong sakin kasabay ang mabilis na pagngisi.

"Hayan mo nalang siya."

Tumingin ako kay Marvin at nakuha ko ang gusto niya. Gusto niyang huwag ko nang patulan si Bianca. Ngunit, paano? Kung ang palaging naguumpisa ay si Bianca? Mukhang mahirap yata iwasan iyon. Demonyita itong babaeng ito. Malabong hindi ako tantanan nito kahit na iwasan ko na siya.

"Tumingin ka sakin! Kinakausap kita!"

Nagulat ako nang may sumampal sakin ng malakas sa kaliwang pisngi. Tinitigan ko lang siya ng masama na sinabayan ng pagngisi. Wala lang. Gusto ko lang siyang inisin at ipakita sa kanyang wala lang sakin iyong ginawa niya. Talagang sinusubukan niya ako.

"Ang lakas ng loob mong titigan ako ng ganyan!"

Akmang sasampalin na naman niya ako. Nanlaki  ang mga mata ko nang makitang pinigilan siya ni Marvin na diretso lamang na nakatingin sakin. Ngumiti siya. Isang ngiti na biglang nagpawala sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Tigilan mo na siya kung ayaw mong ako ang makalaban mo," sabi ni Marvin at sinamaan niya ng tingin si Bianca.

Natahimik ang buong klase at nakatingin na ngayon lahat sa kanya. Kita mo ang gulat sa mga mukha nila na hindi makapaniwalang ipinagtanggol ako ni Marvin sa demonyitang Bianca na ito.

Inis na tinapunan ako ng tingin ni Bianca at ngumisi ako sa kanya. Binawi niya agad ang kamay na hawak kanina ni Marvin at bwisit na bwisit siyang  naupo sa pwesto niya habang nakadikit sa kanya ang mga mata ng buong klase.

Sakto naman ang pagpasok ng gurong si Mr. Valdez at mabuti na lang dahil hindi siya nagpatest. Itutuloy lang raw niya ang hindi niya natapos idiscuss kahapon at bibigyan niya na lang kami ng reviewer para sa test sa friday. Napangiti ako. Mabait pa rin siyang guro hanggang ngayon.

Nang magsimula na siya sa pagdidiscuss ay tahimik na nakikinig ang lahat. Ngunit hindi pa rin maalis ang pangamba ko na baka paginitan na naman ako ni Bianca mamaya sa cafeteria. Hindi niya ako nagawang ipahiya kanina kaya't natitiyak kong may binabalak na siya ngayon pa lang para purihin siya ng lahat.

"So class, sa friday ang long test. Ang reviewer ay ibinigay ko na kay Caroline at kayo na bahala ang magprovide ng xerox. Thats's all. You can take your break." Ngumiti si Mr. Valdez saming lahat at nilisan na ang klase.

Nagsilapit naman kami kay Caroline upang magbayad sa kanya para sa xerox copy ng lesson. Nagpasabay na lang ako kay Marvin at nakikita ko sa pwesto niya si Bianca. Matalim ang pagkakatitig nito sakin na tila ba pinapatay na niya ako sa isipan niya.

Huminga ako ng malalim nang muling makaupo. Nagsiupo na rin ang iba habang ang ilan ay nagbabayad pa rin at nagpapalista kay Caroline. Ilang saglit pa ay tumabi na sakin si Marvin. Nakangiti pa rin siya na labis kong ikinasaya. Nakakawala ng problema ang ngiti niya.

"Gusto mo bang sabay na tayo mag-recess?" Tanong niya sakin at sandaling may tinignan sa phone niya.

"Ah, sige. Wala naman akong kasabay." Ngumiti ako ngunit sa phone pa rin niya siya nakatingin.

"Bakit wala pa rin si Dianne?"

"Hindi ko rin alam, e. Tinatawagan ko nga siya ngunit hindi siya sumasagot."

"Baka naman nalate lang?"

"Imposible. Hindi nale-late ng ganitong oras iyon."

Sandali niya akong tinapunan ng tingin at nilibot ng tingin ang buong klase. Ngayon ko lang napansing naglabasan na pala halos at kaming dalawa na lang ang natitira.

"Tara na?" Nilahad niya ang kamay niya at inabot ko iyon. At lumabas na kaming dalawa.

Naglalakad na kami papuntang cafeteria pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Mas hinigpitan niya pa ang hawak kaya hindi ko na nagawang bumitaw pa.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante na siyang ikinakairita ko. Dali-dali 'kong binawi ang kamay ko sa kanya hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. Nakatingin lang siya sakin habang ako'y sa mga pagkain nakabaling ang tingin.

"Anong problema?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Patricia, anong gusto mong kainin?" Hindi ako ulit sumagot. Tumalikod na ako't naghanap ng puwesto at nakasunod pa rin siya.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Napatingin rin ako sa paligid nang marinig na pinaguusapan na ooói nila ako.

"Ha? Ang alin?" Nagtataka niyang tanong. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin bago ako tumingin sa pinto sa labas.

"Bakit mo hinawakan ang kamay ko? Alam mo, ikaw pa lang ang nakagawa sakin ng bagay na iyon," medyo nahihiya kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang muli niyang hawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya dahil doon at agad na binawi ang kamay ko. Ano ba itong ginagawa niya? Pinagtitinginan na kami. Ako na naman ang topic nila rito. Nakakarindi na.

"May gusto ka ba sakin?" Diretso kong sabi. Napatitig ako sa kanya at ngumiti lang siya.

"Sinungaling ako kapag sinabi kong hindi," aniya at umiwas ng tingin. Kita kong namula ang pisngi niya. So, totoo nga. May gusto sakin ang lalaking ito?

"Ano namang nagustuhan mo sa gaya ko?" Muli siyang tumingin sakin.

"Gusto ko ang lahat tungkol sa'yo. Naniniwala akong hindi ka masamang tao. Sa totoo lang, matagal na akong may gusto sa'yo. Nagsimula noong nakita kita sa campus namin sa Selvestre Academy. Kaya nga ako nagpa-transfer rito ay upang mas makilala ka." Ngumiti na naman siya na siyang nagpapula sakin.

Matatalim ang tingin sakin ng mga estudyante habang kumakain sila. Ngunit wala akong pakialam. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito. Ngayon lang may lalaking naglakas-loob na umamin sakin. Nakakapanibago lang.

"Sigurado ka bang ako talaga ang gusto mo at hindi ang bestfriend kong si Dianne?" Paniniguro ko. Mahirap na. Ayoko namang umasa agad kaya mas mabuti nang sigurado.

"Siguradong-sigurado," sabi pa niya at may kinuha sa loob ng bag niya.

Nilabas niya ang isang keychain. Nagulat ako ng husto nang makilala ko ito. Ito ang nawawala kong keychain na matagal ko nang hinahanap. Saan niya ito nakuha? Papaanong nasa kanya ang bagay na ito?

"Nalaglag mo iyan nung araw na iyon. Sa'yo yan, hindi ba?" Kinuha ko ang keychain at tumango ako sa kanya.

"Maraming salamat," sabi ko at hindi ko napigilang yakapin siya. Wala akong pake kung pinagtitinginan na kami basta ang importante maipakita ko ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa kabutihang ginawa niya.

Nang muli akong maupo sa pwesto ko ay umorder na siya ng pagkain namin. Burger at milk tea lang ang sabi ko sa kanya. Nang makabalik siya ay nagsimula na kaming kumain. Ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko dahil sa kanya. Ibig sabihin ba nito, nagugusthan ko na rin siya?

"Ang saya ng araw na 'to," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya at napangiti na lang rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
95.1K 2K 52
one girl,four boys who will she choose? forever1429
25.7K 533 32
Hear the eyewitness testimony on the True Existence of Hell. Mary Katherine Baxter was chosen by God to let the world know of the REALITY of Hell...
1.2M 18.3K 58
Nerd, kind hearted, naive by day yan si Mayumi Young. Pero pag gabi ... she turns into a cold hearted, demonic gangster. kaya pag nakabanga mo siya y...