When You Kiss Me •GiRL2GiRL•

By OUTandPROUD

179K 4.2K 357

2nd story ko na po ito. girl to girl story pa din po. Tungkol po ito sa babaeng unang beses siyang nag seryos... More

ONE.
TWO.
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT.
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR.
TWENTY FIVE.
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
THIRTY
THiRTY ONE.
THiRTY TWO
THiRTY THREE
THiRTY FOUR
THiRTY FiVE.
THiRTY SiX
THiRTY SEVEN.
THiRTY EiGHT.

TWENTY NINE.

4.1K 107 11
By OUTandPROUD

alam kong napaso ito dahil nag luha ang kanyang mga mata. gusto ko sanang matawa ng malakas pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil panigurado lang ay papagalitan ako ni mama.

habang kumakain ay nag kukwentuhan sila ni mama.

parang reporter lang ang peg ni mama dahil napakaraming tanong kay spencer.

at hindi nanapansin ng bruha ay panay ang subo ko sakanya kahit na may laman pa ang kanyang bibig.

"dahan dahan naman anak baka naman mabulunan siya at mapaso dahil napakainit pa ng sabaw" sabi ni mama

"okay lang po" sagot naman ni spencer habang ngumunguya ito

pero pag tinitignan niya ko ay naku kunot ang kanyang noo.

hahahahaha! akala ko hindi niya napapansin ang ginagawa ko.

"ate sa susunod kain ka ulit dito" sabi ni sam

"at bakit naman? sarap kaya ng ulam nila sakanila palagi" sabi ko

"ang dalang lang natin may bisita ate e, tsaka si ate spencer naman e" si sam

"haaay nako! buti pa sana kung siya ang gagatos sa lulutuin na ulam e" sabi ko

"shay!" suway nanaman ni mama

"wag kang mag alala sam mauulit to" kangiting sabi ni spencer kay sam

"yeeeeeeeeey!" masayang sabi naman ng kapatid ko

suuuuuuus! kapal naman neto bakit kaya di muna niya hintayin na ayain namin siya! syadong feeling close ah!

"spencer anak sa susunod gusto ko matikman ko ang luto mo." sabi ni mama

"ay walang pong problema. pag po okay na okay na tong kamay ko ipag luluto kopo kayo ng specialty ko" si spencer

"panigurado masarap yan" si sam

"tama!" si nathan na parang natatakam na

grabe wala paman at hindi pa alam ang iluluto ni spencer ay natatakam na siya. grabe talaga katakawan ng batang to!

"nako baka lasunin lang tayo" singit ko

"baka pag natikman mo luto ko e mainlove ka sakin?" si spencer

"PWEDE BA! bakit naman ako maiinlove sayo?! ampanget mo lang at babae ka! duuuuh!" mataray kong sabi

"e ano naman kung babae ako?" si spencer

"di ko pinangarap na mag ka gusto sa isang babae! ang babae ay para lamang sa lalake!"

"wag magsalita ng patapos" sabi nito at ngumiti ng nakakaloko

letse tong babaeng to!

"basta hindi ako maiinlove o mag kakagusto sa isang babae lalo na sayo!" sabi ko

"tama na yan." si mama

at nag kwentuhan nanaman nga ang dalawa hanggang sa matapos kaming kumain at pati makapag dessert.

ako ang nag ligpit habang

si sam at nathan ang nag hugas ng plato.

si mama naman at spencer ay nasa may sala at tuloy parin sa chikahan.

kung saan saan na napunta ang usapan nila. at kung ano ano narin ang mga naitatanong ni mama at game na game naman sumagot ang bruhang spencer.

pagkatapos mag hugas ng dalawa ay nag paalam na si mama na maghihilamos para makapag pahinga na.

kaya naman naiwan sa sala ang dalawang bata at si spencer kaya naman inayos ko narin ang kwarto ko para mamaya pagkatapos kong maligo ay deretcho nakong mag papahinga.

pagkatapos ni mama ay nag paalam na siya kay spencer na mag papahinga na dahil maaga pa siya bukas.

tumango at nag pasalamat naman si spencer. at ako naman ay naisipan ko ng maligo para mapatuyo kupa ang buhok ko.

****************
kulang sa isang oras yata akong nasa banyo dahil ni linis ko na ito para bukas ay konti nalang ang gagawin ko.

iniisip ko pag katapos ko ay wala na si spencer pero laking gulat ko nung nadatnan ko itong nasa sala pa.

napansin ko rin na wala na si nathan. umuwi na siguro ito dahil medyo late nadin kase.

di bale bukas nalang ako magpapasalamat sa bigay nilang fruitsalad.

*******************
naisipan kong lumabas muna at doon nalang mag patuyo ng buhok habang hindi pa umaalis ang busita namin. ayoko naman makisali sa kung ano man ang usapan nila ng kapatid ko.

ilang minuto nakong nasa labas ng biglang lumabas din si sam.

"ate?" tawag nito sakin

"ohh?" sagot ko

"anong gawa mo siyan?" tanong niya

"papatuyo ng buhok bakit?"

"wala lang akala ko umalis ka"

"saan naman ako pupunta ng ganitong oras??"

"pasok kana ate"

"maya nalang pag umalis na busita natin"

"ikaw shay wala akong ginagawa sayo ah" biglang singit ni spencer

"me sinabi bakong me ginawa ka sakin??!" pag mamataray ko

at naramdaman kong naupo siya sa may tabi ko.

may mahabang upuan na gawa sa kahoy kase sa may harapan namin. at may maliit na mesa sa gilid.

"samuel maligo kana mabuti pa para makapag pahinga kana din" sabi ko

"mamaya nalang ate pag uwi na si ate spencer" si sam

"nako samuel anong oras na baka ubuhin kapa pag hindi kapa naligo" sabi ko

"sige na sam maligo kana aalis nadin ako maya maya" si spencer

"ay mabuti naman" mahina kong sabi

"osige po. pero wag ka munang aalis ate spencer ah? hintyin mokong matapos mabilis lang ako promise" si sam

"sige" kangiting sagot naman ni spencer

ng pumasok na si sam para maligo ay wala ng nag salita samin dalawa.

wala naman akong balak kausapin siya dahil busy ako sa pag papatuyo ng buhok ko.

ni tignan siya di ko ginagawa.

ilang minuto yata kaming tahimik.

"uhmm" sabi nito pero hindi man ako kumibo

"shay?" sabi ulit niya

kaya naman iniangat ko na ang ulo ko.

"bakit?!!"masungit kong sabi

"hala! bakit ang sungit mo?" si spencer

"iniistorbo moko e!" sagot ko

"grabe ka naman. ano bang kinagagalit mo na naman sakin?"

"wala naman. ayoko lang talagang nakikita yang pag mumukha mo" seryoso kong sagot

"kanina ang ayos ayos mong kausap e"

"kanina yon."

"grabe para pag ka moody mo"

"grabe talaga!"

"pero okay lang kaya kong sakyan yan" kangiti netong sabi

"nung pinag sasabi mo diyan!"

"single ka hindi ba?" tanong bigla neto

"bakit?!" galit kong sabi

"alam ko dahilan kung bakit single kapa hanggang ngayon"

"bakit aber?! manghuhula kaba?!"

"pano ka naman kase mag kakaroon ng karelasyon e saksakan yang kasungitan mo."

"kahit masungit ako marami padin nag kakagusto sakin at kaya dahil wala pakong boyfriend dahil ayoko muna!"

"o kaya naman dahil single kapa kase hinihintay moko" natatawang sabi nito kaya naman napatingin ako ng masama sakanya

"ANG KAPAL MO!!" inis kong sabi sakanya

"baka kaya hindi kapa nag kakaboyfriend kase girlfriend ang para sayo. at ako yon"

"wag mong sabihin gutom kana naman kaya ganyan yang mga lumalabas sa bibig mo?!"

"hahahahaha! galit kana niyan ah babaeng pikon?!" natatawang sabi nito

"grabe kase yang kakapalan mo spencer mahiya ka naman sa balat mo!" sabi ko sakanya pero tawa tawa lang ang bwisit!

"nag sasabi lang naman ako ng totoo."

"alam mo spencer kung sakali man mag kagusto ko sa kapwa ko babae ayoko sayo!"

"bakit naman?" curious niyang tanong

"itchura mo lang spencer mukhang marami kanang babaeng niloko, pinaasa at pinaiyak"

"malay mo sayo ako mag babago. ikaw makakapag pabago sakin"

"so totoo nga. grabe proud kapa ah!"

"hindi naba pwedeng mag bago ang isang tao?" si spencer

"kung manloloko ka manloloko kana talaga"

"hindi siguro. may isang taong magpapatino sa taong manloloko"

"hindi siguro" tipid kong sabi

"alam mo shay gusto pa sana kitang mas makilala pa" seryosong sabi spencer

napaisip at bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. ayokong mag assume pero parang alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
bigla tuloy akong natahimik.

"sana pag bigyan moko" sabi ulit nito

"tatapatin kita spencer hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sayo" seryosong sabi ko sakanya

"okay lang basta ba maka close kita" kangiting sabi nito

"okay" sagot ko

"hindi paman kita tinatanong basted na  agad ako sayo" natatawang sabi nito

"huh?!" naguguluhan kong sabi

"wala. nga pala pwede naman siguro akong mag tanong ano?" si spencer

"sige basta kaya kong sagutin" sagot ko

"sino nag palaki sayo?" tanong niya

napakunot noo akong napatingin sakanya

"huh?! bakit?"

"baka kase matandang dalaga ang nag palaki sayo kaya ganyan ka kasungit" sabi niya

"HEH!!" sabi ko at hinampas ko ito sa braso

"grabe ang sakin naman" natatawang sabi nito habang hinihimas ang braso niya

"pasalamat ka di sa kabilang kamay kita hinampas kundi nako!"

"grabe ka ang sadista mo din pala"

"pag di moko tinigilan masasapak talaga kita"

"sadista ka nga. pero gusto ko yan" sahi nito at ngumiti ng nakakaloko

"letse ka spencer!!" inis kong sabi

"lalo kang gumaganda pag nagagalit ka"

"kahit di ako galit maganda talaga ako!" mayabang kong sabi

"mag pinag manahan pala ako ng kakapalan ng mukha at ikaw yon" natatawang sabi nito

"umuwi kanalang kung wala kang sasabihin maganda dahil baka hindi kita matancha e mapatay kita diyan!!" inis kong sabi pero natatawa lang ako loka!

kainis! alam na alam niya kong badtripin! bwisit to!

"sige na nga hindi na. tama na. eto seryoso na. naka ilang boyfriend kana?"

"wala pa. hindi pako nag kakaboyfriend" seryoso kong sagot

"weeeeh? hindi nga?" sabi nito at parang hindi naniniwala

well di nga naman kase kapanipaniwala dahil sa ganda kong to e hindi pako nag kaboyfriend.

"hindi kita pinipilit maniwala" sabi ko

"ang ganda ganda mo kaya. tska marami kang manliligaw diba? imposible naman wala kang magustuhan sakanila?"

"alam kong magandang maganda ako okay? anong magagawa ko kung wala akong nagustuhan sakanila" sagot ko

"sobrang pihikan mo naman yata" si spencer

"hindi naman sa pihikan talagang ayoko munang mag boyfriend"

"kung hindi ka pihikan anong dahilan?" curious nitong tanong

"marami kase akong plano para sa pamilya ko"

"pwede ka naman mag plano kahit may karelasyon ka hindi ba?"

"alam ko pero ayoko kase gusto ko kina mama at sam muna ang atensyon ko. makakapag hintay naman kase ang pakikipag relasyon."

"pero pano kung may gustong gusto ka na?"

"malabo yan"

"pero pano nga di ba?"

"ewan ko? hindi ko alam? ayoko kase kaya hindi pumapasok sa isip ko yan. at tsaka bakit ba ang kulit mo? nung magagawa mo kung ayoko pa"

"ohhh wag kang magalit nagtatanong lang ako" sabi nito na parang umiilag pa

"e ang kulit mo kase e"

"oh sige hindi na. iba nalang itatanong ko" si spencer

"ayusin mong mag tanong"

"pwede karin mag tanong sakin" si spencer

"wala ako sa mood mag tanong e at hindi naman ako interesado sayo"

"grabe ang hard mo talaga sakin" sabi nito

"mag tatanong ka o pauuwiin na kita?" pananakot ko

"eto na mag tatanong na. ninindak kapa eh"

"ohh ano na nga tanong mo?"

"anong wholename mo?"

"josme yan lang tanong mo??"

"bakit? pag katapos marami pakong itatanong sayo"

"okay. shayrielle buong name ko" sabi ko

"woow ah unique naman" amaze nitong sabi alam ko maganda name ko kasing ganda ko haha!

"pinag sama name ni mama and ni papa" dagdag ko

"oohw so i guess ariel name ng daddy mo?"

"yup!" sagot ko

"i see. bagay sayo" kangiti nitong sabi

"ikaw naman ano sayo? spencer lang?" tanong ko

"miles spencer" sagot niya

wow! ang ganda din pala ng pangalan niya.

pero syempre sa isip ko lang iyon sinabi dahil baka lumaki pa ulo niya kung sabihin ko sakanya e.

"ohh okay." tipid kong sabi

"how about sam?" tanong ulit niya

"sinunod namin sa name ng lolo mo. mag katunong diba? manuel, samuel"

"woow! talaga?"

"oo. malaki kase utang na loob namin sa lolo mo"

"kaya pala close si lolo and sam"

"nako kung pwede lang nga malamang sa hacienda narin nakatira yang si sam e"

"talaga? siguro yaw na siya pauuwiin ni lolo no?"

"oo. bata palang kase si sam e lagi ng nasa hacienda yan minsan nga e pinapasundo pa siya ng lolo mo" sabi ko

"mabait at masarap kaseng kasama kapatid mo shay"

"alam ko kaya nga mahal na mahal ko kapatid ko e, tumigil nga ako sa pag aaral para makapag aral siya. ayoko kaseng mahinto siya sa pag aaral"

"pwede naman kayong mag aral ng sabay ah"

"ang hirap e, mahirap lalo na may edad na si mama. di bale ng hindi ako graduate ng college basta makapag tapos si sam"

"kakatuwa ka naman. totoo nga sinasabi nilang mabait ka" kangiti nitong sabi sakin

"e bakit ikaw? nakatapos kaba?" tanong ko

"wag natin pag usapan yung akin magulo kase buhay ko sa manila e" sabi nito sabay kamot pa sa ulo

"nako sobrang pasaway mo siguro ano? kaya ka pinadala dito"

"may dahilan naman ako no"

"sabihin mo pasaway ka talaga. ganyan naman kayong mayayaman e"

"uuy hindi ah. grabe ka naman. wag ka ngang judgemental"

"sa itchura mo palang spencer mukhang sakit ka sa ulo e. spoiled bratt ang dating mo nako tsk! tsk!"

"kilalanin mo muna ako bago moko i judge"

"ayoko nga. hindi paman e sumasakit na ulo ko sayo"

"ang hard mo te! grabe ka!" sabi niya at natawa ako sa reaction niya

at bigla nalang sumipot ang kapatid ko.

"te spencer andito kapa." sabi ni sam habang punas punas pa ang ulo niya

"bakit gusto mo naba kong umuwi?" sabi ni spencer

"hindi naman po. dito ka po matutulog?" si sam

"bakit naman siya dito matutulog e ang lapit lapit lang ng hacienda. at san mo naman siya patutulugin?!"

nako talaga tong si sam kung makapag tanong oo!

"edi tabi kayong matulog te problema ba yon" sagot naman nitong si sam

at narinig kong natawa si spencer halatang pinipigil pa.

kaya naman tinignan ko ito ng masama.

"heh! matulog kana mabuti pa!" sabi ko kay sam

"ate spencer tulog na po ako ah?" paalam nito kay spencer

"sige kita nalang tayo bukas" kangiting sagot naman ni spencer

"goodnight ate. goodnight ate spencer"

"goodnight" sabay na sabi namin ni spencer

nagulat pa kaming pareho

"wow! talagang nag sabay pa kayo ah. uuuuuuy!" pang aasar ni sam

"heh! ikaw talaga!" sabay tayo ko para kurutin sana siya pero mabilis itong nakatakbo

"ang kulit niyong mag kapatid no?" si spencer

"mapang asar talaga yang si sam mana siya kay papa"

"kaya naman pala."

"spencer may mag susundo ba sayo? sobrang dilim na kase oh" sabi ko habang nakatingin sa daan

"dont worry may mag susundo sakin" kangiti nitong sabi

"buti naman baka sakin kapa mag pahatid e masipa pa kita diyan!"

"bakit mag papahinga kanaba?" tanong niya

"hindi pa naman basa pa tong buhok ko e, tsaka mamaya na pag nandiyan na sundo mo"

"maya maya lang niyan darating na sundo ko nag sabi kase ako ng oras e"

"hindi kaba naiinip dito? panigurado kung asa manila ka e malamang asa gimikan ka"

"panigurado lang yon hehe" natatawa nitong sabi

biglang lumiwanag sa daan panigurado lang may paparating na sasakyan at panigurado eto na sundo ni spencer.

kaya naman sabay na kaming tumayo.

"eto na sundo ko" sabi ni spencer habang nakatingin sa papalapit na sasakyan

"malamang" sagot ko

at ilang saglit lang ay huminto na nga ito sa may harapan namin.

"thank you ah. pakisabi nadin kay mama salamat" kangiti niyang sabi

sa twing nakikita kong nakangiti si spencer may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag.

at marerealized ko nalang na nakangiti nadin ako sakanya.

"oo sige ingat ka"

"sa susunod ako naman mag luluto"

"sige na sakay kana" pagtataboy ko

at naglakad na nga ito malapit sa sasakyan.

"salamat ulit"

"oo na sige na sakay na"

"ikaw din pasok kana. thank you ulit shay sana matuloy natin pag kukwentuhan natin marami pakong gustong itanong sayo e"

"hala! medyo makulit kadin ano? oo sige walang problema basta hindi mahirap sagutin yang mga itatanong mo"

"hehe pasensiya na. sobrang nag enjoy ako"

"natural naka kain ka kaya nag enjoy ka libre e"

"ang HARD mo talaga! sige na nga alis na kami. pasok kana goodnight salamat ulit"

"sige ingat kayo" sabi ko at sinara na niya ang pinto ng sasakyan

hinintay ko munang makaalis sila bago ako pumasok.

uminom muna ako ng tubig bago pumasok sa kwarto ko.

ewan ko pero may saya akong hindi mapaliwanag.

para tuloy akong tanga. nakangiti habang pahiga sa kama.

what if nga kaya makatabi kong matulog si spencer? sarap siguro niyang katabi kase ang bango bango niya e. ahihihihi

WHAT THE?!! at bigla akong napailing at napaupo bigla.

BWISIT! ano ba tong pumapasok sa isip ko! baliw kase tong si sam kung ano ano pinag sasabi e! haaaaays!

never akong papayag na magkatabi kaming matulog no! eeeeew kaya yon! baka irape pa niya ako e mahirap na!

kung kay spencer nalang wag na uy! sa ganda kong to!!

pero bakit nga kaya ang bango bango ng babaeng yon? parang hindi man bumabaho. pati ata pawis niya e mabango.

buseeeeeeeeeeeeeeet! peste!!! ano ba tong naiisip ko! yiiiiiih! makatulog na nga lang!

nako baka pati sa paniginip ko e siya parin mag papaalbularyo na talaga ako!!

Continue Reading

You'll Also Like

102K 5.5K 26
COMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsi...
415K 6.8K 21
Bawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!
96.2K 5.6K 58
"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to...
61.1K 7.5K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...