A Levelheaded Lass

By littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? More

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Eight
ALL - Forty Nine
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Fifty

13.6K 451 123
By littlemissselle

Panay ang pag-message sa akin ni Deign na namimiss niya na raw ako. Hindi niya ako tinigilan sa FB lang kundi pati na rin sa iba't ibang social media sites at mobile apps. Kung atakihin man siya ng ka-epalan niya, magpo-post siya ng stolen shot ko na magbibigay ng dahilan para sapakin ko siya pagbalik namin sa Pilipinas.

Ako rin naman eh. Sobrang miss ko na siya.

Ngayon nga ay magka-usap kami sa Skype at ipinakilala ko siya sa grandparents ko.

"Lolo, Lola, this is Deign, uhm..." Wait. Kami naman na ulit 'di ba? He kissed me. I kissed him back. He said he'll wait for me. So dapat ba akong mag-assume o 'wag at baka ma-preempt?

He groaned, annoyed by showing how I do not know how to introduce him. "Her boyfriend po." He waved at them. "Hello po."

Pinigilan ko ang mapangiti dahil ayaw ko namang sabihin ng grandparents ko na ang landi-landi ko at kinilig na ako sa simpleng pagsabi niya na boyfriend ko siya.

Ngumiti naman ang grandparents ko. "Kumusta ka naman hijo? Gia have told us many things about you." Lola greeted.

"Ay talaga po ba? Matitino naman po ba ang sinabi niya? Kung hindi po, hindi po totoo 'yon!" Umayos siya ng upo at itinaas ang kanang kamay. "Mabait ho ako, masunurin, magalang, sweet, charming, wala po akong police record. Gusto niyo po padalhan ko kayo ng copy ng NBI clearance ko diyan?"

Natawa naman ako at pati na rin ang matatandang nasa tabi ko. "Tama si Gia, isip bata ka nga."

Napanguso naman siya dahil do'n. Lolo cleared his throat. "Deign."

"Po?"

"I just wanted to clear some things to you. Would you listen?" Lolo sounded like a PNP Chief or General na matatakot kang hindi sundin kundi ipapasok ka niya sa kulungan kahit na mababaw lang ang iyong kasalanan, afterall kasalanan pa rin naman iyon.

Kitang-kita ko sa screen ang mabagal na paglunok niya at hindi ko napigilan na i-printscreen ang mukha niyang parang natatae na ewan. Ha, may maipo-post din ako. Akala niya!

"Masaya sa'yo ang apo ko at alam kong kung gaano siya kasaya sa 'yo ay ganoon din kalungkot ang mararamdaman niya 'pag sinaktan mo siya. Pakiusap ko lang, sana mahalin mo lang siya." Nang tignan ko si Lolo ay nakangiti siya sa kausap niyang si Deign na tila nabigla sa sinasabi ng matanda. "Hindi masamang magkamali. Ang importante, natuto ka-kayo."

Napaakap na lang ako bigla kay Lolo dahilan para matumba ang iPad ko sa kama.

Pinagpahinga ko na muna ang grandparents ko at dumiretso ako sa kwarto ko para makausap siya ng solo.

Sinermunan niya ako kung bakit wala siya biglang nakita bla-bla-bla. Hindi ako magtataka kung tatanda 'to ng maaga, lagi na lang nagagalit.

"I miss you."

And poof, biglang kumalma ang itsura niya at ngumingiti na. "I miss you more."

Kinantahan niya muna ako ng Gravity habang ini-imagine ko na sumasayaw kaming dalawa. At hindi naman talaga siya umayaw nang hilingin ko na kumanta siya, feel na feel pa rin niya ang pagkanta niya. Lakas ng loob eh.

Humiga siya at niyakap ang puting unan niya. "Sana ikaw na lang yakap ko."

Napangiti na rin ako. "Konting tiis na lang. 'Pag umayos na pakiramdam ni Lola, promise, babalik na kami."

He nodded. "Nga pala!" Bumangon siya at nawala sa screen, maya-maya ay bumalik siya na hawak na ang cellphone niya. "Look, pasok na kami sa championship!"

I gasped. "Wow. Ang galing niyo talaga! Pa-burger ka naman!"

He laughed. "Sige, basta ichi-cheer mo 'ko."

Pumayag na ako basta ili-libre niya ako. "O'naman, 'kaw pa. Lakas mo sa'kin eh." I winked.

Ngumiti siya na umabot hanggang sa mga mata niya. "Kaya ako na-i-in love sa'yo eh. Galing mong mang-uto. Isang kindat mo lang eh."

Natawa na lang ako at tumigil na kami sa pang-u-uto sa isa't isa. Nagpaalam na ako sa kaniya para makapagpahinga na siya. Hindi man niya sabihin, batid ko naman sa mga mata niya ang pagod.

Just when we thought na okay na sina Lolo't Lola ay tsaka naman namin isinugod si Lola sa ospital in the middle of the night. Iniwan na namin ang mga bata sa bahay at kami-kami na lang ang pumunta.

Marahang umiiyak si Mama at nanatili lang naman si Papa sa tabi niya para aluin siya. Habang si Lolo ay tahimik lang na pinagmamasdan si Lola na sinasaksakan ng mga kung ano-ano sa katawan. Nang matapos ang mga nurse at doktor ay wala pa ring malay si Lola.

Katabi ko si Phillip na nakasandal sa balikat ko dahil nakatulog na siya ulit. Tinabihan ako ni Ate Alex at nginitian.

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako. "Magiging okay din si Lola."

"I know, Ate. Kalma lang tayo. Tignan mo nga si Lolo oh."

She smiled. "Nakakainggit sila."

I gave her a look. "Para namang walang asawa 'to ah." Nagpigil siya ng tawa at umiling. "Andiyan naman si Kuya ah." Sabay turo ko kay Kuya na nakatayo at nakasandal sa pader habang tahimik lang na nakatingin sa mga magulang at grandparents namin.

"Oo naman, andiyan nga Kuya mo pero lagi naman akong inaaway niyan." Napanguso siya. "Alam mo kung anong nakakainis diyan sa kapatid mo? 'Yung 'pag nag-aaway kami tapos hindi naman nagsasalita, kuntento na siya minsan sa 2-3 sentences na argument niya." Napa-irap siya.

"Madami lang siya magsalita 'pag nanenermon siya." I pouted.

She tapped my head. "Mahal lang talaga niya kayo."

"Eh teka nga. Bakit naiinggit ka pa rin sa kanila?"

"Wala lang. Gusto ko lang ma-inggit." Eh siraulo rin pala 'tong si Ate eh. "Biro lang. Na-imagine ko lang kasi na kung ako kaya magkakasakit tapos sa ganiyang edad, sasamahan din kaya ako ni Casimir, hahawakan din kaya niya ang kamay ko o he'd rather stay in his office and work."

Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. I never thought na nag-iisip ng ganoon si Ate. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay lagi siyang nakangiti at masaya. Hindi ko naisip na may tampo rin pala siya sa pagiging workaholic ni Kuya.

Pero I know my brother, he loves his wife so much. Alam ko namang mas priority niya ang pamilya kaysa trabaho.

I can't blame Kuya. May dalawa silang anak at kailangan niyang tustusan ang mga pangangailangan nito.

'Pag kami nga ni Deign kinasal, ka-klaruhin ko ang mga bagay-bagay sa kaniya tulad nito. Ay taray, kasal agad, Gianina?

Ate Alex smiled but it didn't reach her eyes. Parang natunaw ang puso ko sa narinig ko at sa nakita ko sa mga mata niya. Humarap ako sa kaniya at umakap. Pero bago ko pa sabihing 'wag na siya malungkot ay umalingawngaw ang pagmumura ni Phillip.

"Tangna naman Gia oh! Natutulog 'yung tao eh!"

Halos nakalimutan ko ng tao nga pala siya-este natutulog pala siya sa balikat ko.

Tinignan ko siya at inangat ang kamay ko para mag-peace sign. "Sorry."

Pinauwi na muna kaming apat nila Papa't Mama. Sumunod naman kami kahit na gusto naming hintayin na magising si Lola.

Nang makauwi kami ay sinalubong kami ng mga bata. Umakap sila sa mga magulang nila, si Ace kay Kuya at si Art kay Ate Alex.

"Dad, where's Dude and Penny?" Ace asked.

"Binabantayan si Lola Granny." Yeah, he's used to call us names. I wonder kung anong ibang tawag niya sa'kin 'pag si Kuya lang ang kausap niya.

Dinala ng mag-asawa ang mga anak sa likod para makapag-swimming dahil iyon ang gusto ng mga bata kahit pa alam kong antok na antok din ang dalawa.

Kami naman ni Phillip ay dumiretso sa kusina dahil nagugutom ako, ewan ko lang siya baka gusto lang maki-join.

Pinaghain kami ng almusal ng kasambahay at sumaya ang mga alaga ko sa tiyan nang maamoy ang pancake lalo na nang makita ko ang mga ito.

Payapa akong kumakain habang nagba-browse sa social media accounts ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa gigil nang makitang may pinost nanaman si Deign na stolen picture ko na nakanganga. Bwisit talaga!

"Oh gusto mo ba ng bagong phone?" Tanong ng kakambal ko bago isubo ang isang malaking hiwa niya sa pancake.

"Bakit?" Naiirita kong tanong.

Nginuya niya muna ang pagkain at lumunok bago sumagot. Aba, may kaunting manners pa pala siya. "Kung dutdutin mo 'yang screen ng phone mo parang gusto mong sirain eh."

Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon nang may mabasa akong comment mula sa taong 'di naman namin kilala pero mukhang fan ni Gavin. She's mad and saying rude things. She even said na 'yung mga tulad daw namin ni Deign ay dapat mawala sa mundo. Hindi ko alam kung alam ba niya ang buong istorya pero 'yung paraan ng pagsasabi niya ay parang may alam nga siya hanggang sa nasundan na iyon ng iba pang fans sa pag-comment maski sa mga lumang post ni Deign ay nagko-comment na sila at minemention ako.

Nagpakawala na lang ako nang malalim na hininga at ininom ang hot chocolate na nasa harap ko.

"Oh anong meron?" Phil asked.

I forced a smile. "Bashers."

Humagalpak naman ang ungas na ito sa kakatawa habang nag-e-emote ako dahil sa masasakit na salita na sinasabi ng ibang tao sa akin.

"Let them be." He said after wiping his tears of joy.

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Pasyal tayo."

Kumunot ang noo ko. "Siraulo ka ba? May sakit na nga si Lola, naisip mo pang mamasyal!"

"She's the one who told me yesterday na mamasyal instead of burying my ass off here."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Is that what she exactly said?" 'Cause I'm pretty sure Lola wouldn't say 'instead of burying yo ass off here, apo'.

"Well, except the 'ass off here' part. But come on, it's just the same. Tara na! KJ mo naman eh!"

Hindi pa rin ako pumayag dahil hindi talaga magandang idea iyon pero nagpaalam siya agad kay Kuya at pumayag naman si Kuya dahil 'yon din naman daw ang gusto ng mga Lolo't Lola namin kung sakali.

Siyempre gusto ko rin naman mamasyal pero 'yung masaya naman sana ako hindi 'yung may iniisip ako na Lola ko na nasa ospital. I bet I wouldn't enjoy roaming around in London.

Busy si Phillip sa pagtingin sa malaking map na hawak niya habang naglalakad kami.

See? I really wonder kung anong emergency ang magpapataranta sa isang 'to.

Turo siya ng turo kung saan-saan at panay lang din naman ang pagsunod ko sa kaniya. Papasok kami sa loob ng isang parang musuem, which is so not Phillip, by the way, nang may tumawag sa pangalan naming dalawa.

Paglingon ko ay nakita ko sa kabilang street si Ate Jhaztine! We used to talk to her through phone noong mga bata pa kami at nakakabalita lang kami sa kaniya through Facebook. Kasama niya si Kuya Jericho na gwapong-gwapo sa suot nitong makapal na brown jacket, white top, jeans at boots.

Tumakbo sila patawid sa amin nang magkahawak kamay. Iba rin eh. Iba talaga 'pag in love. Niyakap niya kami at kinamusta.

"Grabe, ang laki niyo na!"

I giggled. "Ikaw din, Ate. Ang laki mo na."

Tumawa siya at biglang nagbago ang mukha sabay hampas kay Kuya Jericho. "Tignan mo na. Tignan mo na!"

"What?" Angal ng isa.

"You're just going to marry me right now! Look at them, they're both grown up! I'll look old during our wedding!"

I gasped at napasara naman si Phillip sa map na hawak niya.

"Ikakasal na kayo?" Tanong ng kakambal ko.

Napanguso si Ate Jhaztine. "I think that should be, 'ikakasal pa lang kayo'?"

Inakbayan siya ni Kuya Jericho at hinalikan sa sentido. "'Cause I don't want you to get stuck with me forever without being so sure."

"And it almost took you forever to be sure of me, huh?"

Napangisi ang fiancé niya na siyang mas nagpagwapo rito. "You still don't get it." Umiling siya. "Oh ano mga bagets, anong balak niyo?"

"Eh papasok sana sa museum kaso sumingit kayong dalawa." Seryosong sagot ni Phillip.

"Hindi naman ako informed na kagaya ka ng kapatid mong nerd."

And I butted in, "Nah uh!" Malayong-malayo sa nerd 'tong si Filipe.

Sinamahan kami ng newly engaged couple na ito sa mga gusto naming puntahan kaya naman itinago na lamang ni Phillip ang map niya sa bulsa sa likod ng pantalon niya.

Ngayon nga ay nagmemeryenda kami na libre ni Kuya Jericho. Sinulit ni Phillip ang pagpapalibre sa kaniya dahil mayaman naman daw ito. Makapal din eh.

"So Ate Jhaztine, kwentuhan mo naman ako tungkol sa love story niyong dalawa." I grinned.

Phillip flicked his tounge in annoyance. "Girls and their favorite topic." Kuya Jericho agreed.

"Oh edi do'n kayo sa kabilang table." Sabi naman ni Ate Jhaztine.

"No. I wanna stay beside you." Her fiancé protested.

"Tamis naman." I said dreamily.

"'Yoko na." Tanging nasabi ni Phillip.

Ikinuwento ni Ate Jhaztine kung paano sila nagkita ni Kuya Jericho at may kinalaman pala si Kuya sa pag-usbong ng pag-i-ibigan nila. Hindi ko maiwasan na kiligin. Namiss ko nanaman tuloy bigla si Deign.

"Eh kayo, may mga lovelife na ba kayo?"

"Tss. Lovelife, sakit lang sa ulo 'yan." Mabilis na tugon ni Phillip.

"Weh. Ayaw mo lang aminin eh." I teased. At inirapan niya lang ako. "Pero ako, I'm proud to have Deign."

Ngumiti agad si Ate Jhaztine nang mabanggit ko ang pangalan ng boyfriend ko. "Yeah! Nakikita ko nga pala post mo. He's a celebrity, right?"

Kumunot ang noo ko at hindi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. "Ah...Ate baka si Gavin 'yung tinutukoy mo."

Halata ang pagkalito sa mukha niya at napakamot na lang sa ulo. "Ay nako, pasensiya na. Iba ba?"

I nodded. Nagpaliwanag ako sa kaniya pero I didn't go into much details.

Matapos namin kumain ay sumama sila sa amin sa ospital and thank God, gising na si Lola. Nilapitan namin siya at niyakap. Tumawa siya at hinalikan kami ni Phillip sa mga noo namin.

"Namasyal kayo?" Nanghihina niyang tanong.

"Opo tapos nakita namin sila Ate Jhaztine." At itinuro ko ang newly engaged couple na nasa tabi nila Kuya.

'Di nagtagal ay silang magkakaibigan naman ang lumabas para makapag kwentuhan.

Mukhang hindi pa rin umuuwi si Lolo. Ando'n pa rin siya sa tabi ni Lola, hawak ang isang kamay at nakikipag kwentuhan.

Maya-maya ay bumalik na sila Kuya. Nakangiti si Ate pero hindi iyon muling umabot sa kaniyang mga mata.

Tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Mama.

"Yes Ma?" I answered.

"Gusto makausap ni Ace ang Kuya mo. Hindi kasi sumasagot eh kaya ikaw na tinawagan ko."

"Ay opo sige po ito na siya." I handed my phone to my brother. He took it and talked to his son.

Matapos makipagusap ni Kuya ay ibinalik niya na sa akin ang phone ko. "Uuwi na po muna kami, 'Lo, 'La. Hinahanap kasi kami ng mga anak namin eh."

Tumawa si Lolo. "Sige na. Babalik naman si Kathryn at Daniel dito mamaya."

He smiled. "O kayong kambal, hindi pa ba kayo sasama?"

"Sama na ako, Kuya." Tumayo na si Phillip pero hinila ko siya pabalik sa pagkakaupo niya. "Ano ba?"

Tinignan ko siya ng makahulugan tapos ay humarap kay Kuya. "Hindi na Kuya. Papasundo na lang siguro kami kay Manong mamaya. Una na kayo ni Ate Alex."

"Okay." Iyon lang ay umalis na silang mag-asawa kasama nila Ate Jhaztine na mauuna na rin daw.

Tinulak naman ng malakas ni Phillip ang balikat ko. "Epal mo talaga."

"Mas epal ka. Bigyan mo naman ng quality time 'yung mag-asawa."

"Quality time, eh magkatabi rin naman matulog ang mga 'yon."

I had nothing to say so I just rolled my eyes at him.

The next day, kausap ko si Deign sa Skype pero ayaw niya makipag-video call. Inakusahan ko pa nga siyang may kasamang iba o na may ginagawang 'di maganda pero mariin naman niyang itinanggi.

"Hoy Deign Albert, magpakita ka na kasi!"

Bumahin siya bago nagsalita. "Ayoko nga!"

"Bakit nga?"

"Eh ang pangit ko ngayon. Baka 'di mo na 'ko balikan 'pag nakita mo ako."

Napangiti naman ako bigla. "Talagang hindi kita babalikan 'pag hindi ka nagpakita."

"Gianina! Umayos ka!"

"Ikaw ang umayos!" I crossed my amrs in front of my iPad. "Magpapakita ka o hindi na ako babalik."

Rinig ko pa ang mahina niyang pagmumura. "Oo na, ito na, ito na." Nagpipigil naman ako ng tawa nang sa wakas ay i-on niya na ang video call pero imbis na pagtawanan siya ay naawa ako sa nakita ko. Parang ora mismo gusto ko ng bumalik para mayakap siya at alagaan siya. Malamlam ang mga mata niya at pulang-pula ang ilong.

Bumahin siya at nagpunas ng ilong. "God bless you."

"Thanks." He pouted. "O ano, na-turn off ka na? Hindi mo na 'ko babalikan?"

"Deign. Mas gusto ko ngang balikan ka na ngayon din nang makita kita eh." Nagtalukbong siya ng kumot. "Deign, come on." Pero hindi siya sumagot at bumahin lang muli. "Baby...'wag ka na mahiya."

Inalis niya ang kumot. "I love you," he said. Bago ko pa siya sagutin ay dinugtungan na niya. "And I miss you. I'm really hoping na makabalik ka sa championship game pero no pressure kung hindi pa talaga kaya I understand." He smiled.

Pero kasi that's two weeks from now. There's still no assurance if gagaling na si Lola. I'll try, just try. I don't want to promise it kung hindi ko naman kayang panindigan. Ayaw kong i-disappoint nanaman siya.

Pinagpahinga ko na siya dahil mas kailangan niya iyon. Um-absent pa nga siya dahil hindi niya talaga kayang pumasok sa lagay niyang 'yon eh. Sana gumaling na siya. Sana gumaling na din si Lola. Sana gumaling na sila pareho.

Ilang araw din namalagi si Lola sa ospital hanggang sa magsawa siya at ipinilit na sa bahay na lang siya magpapahinga kasi knowing daw na nasa ospital siya ay mas magkakasakit lang siya dahil hindi siya comfortable doon.

Ipinagpilitan pa nga niyang mamasyal kaming buong pamilya kahit na pinagbawalan siya ng doktor dahil masama sa kaniya ang mapagod dahil mahina na ang puso niya.

Malapit na mag-gabi nang masilayan namin ang London Eye. Gandang-ganda ako doon kaya naman kinuhaan ko agad ng litrato, nagpaka-OC muna ako at feeling blogger kung paano ko i-a-anggulo ang kuha ko bago i-post. Nang makapag post na ako ay natuwa ako sa nakita ko.

'Di nagtagal ay may nag-notif sa akin sa Instagram. imdeignsison took a photo of you. Agad na umusok ang ilong ko sa inis kahit hindi ko pa nakikita iyon dahil alam kong kahihiyan nanaman ang ipinost ng mokong na 'yon!

Pero nang i-check ko ang post niya ay nanlaki ang mata ko sa gulat. Nagpalingon-lingon ako. Sinuri ang bawat paligid. Narinig kong tinawag pa ako ni Papa nang tumakbo ako sa may gawing kanan pero napahinto rin nang hindi ko siya makita. Yumuko ako at bumuntong hininga. Marahil umasa lang ako masiyado sa pinost niyang litrato ko na nakatalikod at nakaharap sa London Eye pero kasi imposible namang malabo iyon 'di ba?

Tumalikod na ako at babalik na sana sa pamilya ko nang iba ang bumungad sa akin. Simpleng-simple sa suot niyang pulang long sleeves na checkered at washed jeans. Mayroon ding nakasabit sa likod niya na itim na backpack. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko at agad siyang niyakap. Mahigpit ang yakap na iyon na siyang ginantihan naman niya ng mas mahigpit na yakap.

Hinaplos niya ang buhok ko at inamoy iyon. "I missed you so much."

I nodded. "I missed you too." Lumayo siya ng kaunti para punasan ang luha ko at pagtawanan ako kaya naman hinampas ko siya.

"Ang iyakin mo talaga."

"Pinapaiyak mo kasi ako eh. Ganyan ka naman eh."

He giggled then pinched my cheeks until I felt like it was burning, not sure if it's because of his pinch or just because I'm blushing. Muli niya akong niyakap ng sobrang higpit. Inangat niya ako at pina-ikot.

"Miss na miss talaga kita!" sigaw niya, not minding the other people looking at us. Well, he's Deign. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba as long as alam niyang masaya siya at walang ginagawang masama.

I held his face, laughing. "Miss na miss din kita!"

"Sorry 'di ko kinayang basta na lang maghintay nang walang ginagawa para mabawasan ang pagkamiss ko sa 'yo." Umiling ako at niyakap lang siya ng mahigpit. Hindi niya kailangang humingi ng tawad sa isang bagay na siyang nakapagpasaya sa akin ng sobra.

Sobra-sobra 'yung tuwa ko na parang ayaw ko ng bumitaw sa kaniya. Ayaw ko na siyang umalis.

Nang ibaba niya ako ay hinila ko siya palapit sa pamilya ko na mukhang kanina pa kami pinapanood. Ipinakilala ko siya kay Lolo't Lola. Nag-mano siya sa mga ito at niyakap siya ni Lola. Tinapik naman siya ng lolo ko.

"Aba, mapa-Ilocos o London, sumusunod ka talaga, ano?" sarkastikong sabi ni Papa.

Napahawak sa batok si Deign. "Ayaw mo ba no'n, Sir?"

"Paano 'pag sinabi kong ayaw ko?"

Bago pa ako sumingit ay siniko ni Mama si Papa at sinabihan. "Clifford, 'wag ka ngang ano diyan parang 'di ka ganiyan dati ah. 'Di ba nga pu-..." hindi na natapos ni Mama ang sasabihin niya dahil agad na tinakpan ni Papa ang bibig niya.

"Ano, Penelope? Gutom ka na? Sige tara kain na tayo."

Hinila niya si Mama sa kung saan at sumunod naman ang lahat na tumatawa. Habang magkahawak kamay kaming naglalakad ni Deign ay may humarang sa daan naming dalawa, si Art na nagpapakarga sa boyfriend ko na siyang pinagbigyan naman niya.

Kumain kami bilang isang buong pamilya at masaya akong tanggap nila si Deign, tanggap nila kami. Ang gaan-gaan sa pakiramdam.

I realized that I don't need the whole world to accept the love we have for each other. It only takes the acceptance and approval from my family.

Minsan na ako dumating sa puntong akala ko wala akong kakampi, akala ko walang makakatanggap sa akin pero hindi ko naisip na hindi naman pala limitado ang mga taong nakapalibot sa mundo ko. Hindi lang ang mga schoolmate ko ang pwede kong makita at maka-kwentuhan. Hindi lang ang mga co-fangirls ko ang pwede kong makasama sa kabaliwan. Hindi lang ang mga kaibigan ko ang pwede kong malapitan.

Maraming tao ang pwede kang husgahan pero may iilan pa ring kaya kang tanggapin. At ang iilang tao na 'yon ang tutulong sa 'yo na bumangon ulit at dadamayan ka kahit na anong mangyari.

Naisip kong hindi lang pala bashers ang meron ako. Meron din akong mga Ninong at Ninang na handa akong protektahan. Meron akong mga kinakapatid na handa akong kampihan. Meron akong mga Ate at mga Kuya na handa akong pakinggan. Meron akong mga kapatid na handang sumugod na kahit kanino basta sinaktan ako. Meron akong mga magulang na handa akong ipaglaban.

Hindi magtatagal si Deign dahil bukas din ng madalang araw ang balik niya sa Pilipinas kasi baka raw malagot siya kay Lola niya hindi siya nagpaalam na pupuntahan niya ako dito.

Magkatabi kami ngayon sa sofa dahil hindi pumayag si Papa na magkatabi kami sa kama matulog, edi sa sofa na lang, ang dali naming kausap eh.

Nakaunan siya sa kandungan ko at marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

"Buti naman gumaling ka na."

"I have to. Bukod sa nakapag-book na ako ng flight eh baka saktan ako ni Coach 'pag hindi ako gumaling bago ang championship."

I laughed. "About that...I'm still not sure kung kailan kami makakabalik eh."

He smiled. "No worries. Ang importante lang naman sa'kin eh itong mayakap ka bago ang game para naman ma-inspire ako."

"Cheesy." Mahina kong tampal sa pisngi niya.

Inabot niya ang mukha ko at hinila palapit sa mukha niya para mahalikan ako. "I prepared all the notes for you para hindi ka kay William lalapit."

"Oo nga pala, kumusta na 'yung ungas na 'yon?"

Umiling siya. "Bakit ko pa kasi nabanggit? Tsk."

Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "Ano ka ba naman. Kaibigan ko 'yung tao eh."

"Okay, fine."

Mahimbing ang naging tulog ko sa mga bisig niya. Maaga siyang nagising para umalis kaagad. Ginising na nga lang niya ako na handa na siyang umalis eh. Hindi na niya pinagising ang mga magulang ko. Hindi na rin niya ako hinayaan na samahan pa siya sa airport. Basta iniwan niya lang ako na may isang matagal at matamis na halik.

Humihigab pa akong pumasok ulit ng bahay. Kinukusot ko ang mga mata ko at habang pa-akyat ay napansin ko ang mga sticky notes na nakadikit sa kanang hawakan ng hagdanan.

Those were messages from my friends I even got one from my favorite enemy, Indi. Puro I miss you ang laman ng mga iyon at pahihingi ng pasalubong. Natawa ako nang mabasa ang kay William at Zoe.

William: Alam ko namang mamamatay ka rin at mamamatay din ako pero pasalubong ko muna ah.

Zoe: Tall, white, blue eyes, British accent, and handsome lang pls?

Pero parang kinurot ang puso ko nang mabasa ang kay Tanya.

Tanya: I am sorry and I miss you.

I don't know why but I felt sorry for her, too. Not because dahil ako ang pinili ni Deign pero dahil sa...alam kong nasaktan din siya. And I miss her, too. Miss ko na ang pagba-bonding naming tatlo.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay may nakadikit din doong sticky note na mula naman kay Deign.

Deign: Can't wait to have you know everything.

At napaisip ako dahil doon. May mga bagay pa akong hindi alam sa kaniya pero hindi iyon naging dahilan para hindi ko siya mahalin. Hindi siya pala-kwento ng tungkol sa buhay niya noon dahil hindi ko naman siya minahal o minamahal nang dahil sa kung ano o sino siya noon.

Nahiga na ako sa kama nang magsend ng photo si Deign through iMessage. It was a photo of him as if kissing the screen.

I just took a photo of myself with the same pose. At 'di ko napigilan ang matawa sa reply niyang, "Kilig hihihi".

I am in love with this guy and there's no backing down.

***

I want this to have a light ending pero may epilogue pa naman. And we will get to know more Deign sa epilogue. For those who were asking, yep gagawa pa rin ako ng special chapters tulad ng nakasanayan. Maraming salamat sa pagbabasa ng A Levelheaded Lass! Sobrang salamat!!

Dedicated sa handler ni Gia! Hi, bbgurl! PM me your username pls. Thank you so much sa paghandle ng account ni Gia. Thank you so so much sa mga effort mo and such. So much appreciated! Spread the love, mwah!


Epilogue soon...


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
6.5K 531 85
SSOY2: "LOVE OF A STAR" •/completed/• #Sagacity *The wealthy and witty guy... (All good fortune known to him except the nature of his family that he...