The One You Hate (COMPLETED)

Af Yellowjazz

321K 11.6K 1.6K

#6 in Fanfiction (10/02/2015) From young love to great love. Mere

Prologue
Characters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
Last Chapter
Epilogue
Epilogue i
Epilogue ii
Epilogue iii
Epilogue iv
Epilogue v

35

3.6K 164 25
Af Yellowjazz


GAB POV

Napakasakit malaman na ikakasal na si Andrea sa lalaking unang minahal niya. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya.

Sana totoo na lang na nawala ang ala-ala ko para hindi ko nararamdaman ang sakit. Pero alam mo yung pumatay sa puso ko? Yung hindi niya ako nakikilala.

Simula nang magising ako ay siya lang ang nasa isipan ko. Nagpanggap akong hindi ko siya naalala dahil narinig ko ang usapan ni Mommy at Daddy na ilalayo nila ako kay Andrea. Pati ang pag-alis ng bansa ni Andrea ay alam ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako aalis sa lugar na ito hanggang hindi siya bumabalik.

Hiningi ko ang tulong ni Monroe para magpanggap na girlfriend ko dahil gusto nila akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman kilala.

Gusto ko lang iparamdam sa kanila na wala na sa isip at puso ko si Andrea. Siya ang karamay ko sa mga taon na nangungulila ako sa kanya.

Malakas ang pakiramdam kong dadalo siya sa reunion ng Austin Academy. At hindi ako nabigo.

Gustong-gusto kong lapitan si Cheska upang tulungan ako pero hindi ko magawa. Gusto kong isipin nila na wala akong naalala sa nakaraan ko.

Unang beses ko siyang makita sa loob ng limang taon ay para kong nakita ang bride sa harapan ko. Siya pa rin yung babaeng gusto kong dalhin sa simabahan at ibigay ang apelyido ko. Sa kanya ko pa rin isusumpa ang mga pangako ko na mamahalin ko siya habambuhay.

Hindi ko sinasadyang matapunan siya ng juice. Dahil sa kaba ay nanginig ang kamay ko. Pinunasan ko ang gown niya pero hindi ko sinasadya ang lahat.

Doon ko nakumpirma na hindi niya nga ako naaalala. Dumating si Monroe at tinawag niya akong Babe pero wala lang sa kanya. Sobrang proud pa nga siya na ikakasal na siya kay Dillan. Paano ko papalitan ang limang taon na hindi ko siya nakasama?

Napansin ni Monroe iyon kaya iniwan niya kami. Pagkakataon ko na ito. Nilakasan ko ang loob kong isayaw siya. Tangina namimiss ko na siya. Yung mga yakap at halik niya.

Yung mga tingin niya sa akin ay parang lalamunin niya ako ng buhay.

Yung mata niyang nagungusap. Yung labi niyang napakalambot. Wala pa ring nagbabago kay Andrea.

"You can call me Andrea." wika niya. Tunay nga bang kinalimutan na niya ang nakaraan?

"Alam mo sana bumalik yung kalendaryo." kako. Sana ako na lang yung fiance mo. Sana nakilala kita noon pa." sabi ko. Sana ako na lang ulit Andrea.

"If you are destined for each other, kahit dekada pa yan, makikilala mo pa rin siya sa tamang panahon." wika niya. May mahihintay pa ba ako Andrea? Huli na ba ang lahat para sa atin?

"Naniniwala ka ba sa forever?" tanong ko sa kanya. Dahil ako naniniwala pa rin ako sa forever kasama siya.

"Of course. Hindi ako ikakasal ngayon kung hindi ako naniwala sa forever." sagot niya.

"You really love that Dillan Martinez guy. Siguraduhin mo lang na mas gwapo siya sa akin Eia." sabi ko. Natatakot akong nahulog na ang loob mo sa kanya at hindi na kita maagaw pa. Siya ang unang minahal mo. Pangalawa lang ako. Paano ako makikipagkumpetensya sa kanya Andrea?

"Alam mo Gab ang hangin mo talaga. Hindi ka ba naniniwala sa forever niyo ni Monroe?" tanong niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa tagong lugar sa yate. Siya pa rin yung Andrea na mahilig magreklamo at sigawan ako.

Nasasaktan ako tuwing binabanggit niya si Dillan. Kitang-kita ko ang saya sa mga mata niya.

Hanggang sa bumalik kami sa loob upang ienjoy ang gabing ito. Masaya ako na kasama ko siya kahit isa lang akong kaibigan sa kanya.

"Goodevening everyone. I know we've waited for so long for this event. Alam ko nakita niyo na ang mga unang pag-ibig ninyo at unang pagkabigo. I need you cooperation guys. This game is called, tamis ng unang halik. If you know what I mean. The music will play at sa pagpatay ng ilaw na'to, you can kiss anyone from here. KJ's are not allowed. Let's have fun"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang makita ko siyang sumasayaw. Saktong pagpatay ng ilaw ay naramdaman ko ang labi na humalik sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at inisip na si Andrea 'yon. Para kahit papano ay mabawasan ang sakit sa puso ko.

Laking gulat ko nang makita kong siya nga ang nasa harapan ko. Agad akong nagwalk out dahil hindi ko mapigilan ang kilig. Tangina kalalaki kong tao pero pagdating kay Andrea nakukuryente ang buong katawan ko.

Gusto ko siyang yakapin dahil nasasaktan siya sa nakita niya. Hindi niya kinayang makita sina Dillan at Monroe na naghahalikan. Gustong gusto kong suntukin si Dillan pero ayoko munang magpakita sa kanya. Marami na rin siyang nainom na alak kaya pinigilan ko siya.

Tinanong ko rin siya kung pwede ko siyang isayaw. Ilang taon na ang nakalipas nang huling kantahan ko siya. Para sa'yo ang kantang to Andrea.

Bumabalik nanaman sa utak ko lahat ng pinagsamahan naming dalawa.

Ikaw lang ang laman ng puso ko Andrea. Hindi magbabago ang pag-ibig ko kahit may mahal ka ng iba.

Tanginang luha to. Limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang mga nangyari. Kung maibabalik ko lang ang oras Andrea. Sana naalagaan kita at hindi iniwan. Sana buhay pa si Eggnog. Sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Sana masaya pa rin tayo.

Oo nakangiti ako sa harapan mo, pero sa kabila ng mga ngiting iyon, ang puso kong nasasaktan.

Nagising ako na katabi ko na siya sa kama. Lasing ako pero hindi ako bingi. Rinig ko ang usapan nina Troyan at Cheska. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil tinulungan nila ako. Kaya heto, hahanapin ko si Cheska at magsasabi na ako ng katotohanan sa kanya.

Alam kong nasa parlor siya ngayon. Hindi na ako makapaghintay sa sobrang traffic kaya nagdecide akong dumaan sa shortcut na lugar.

May isang babae na humarang sa akin sa gitna ng kalsada. Hindi ako maaring magkamali, si Andrea ito. Tadhana nga naman. Sinisigawan niya ako at tinawag pa niya akong bulag at bingi. Hindi ako nakapagreact agad dahil biglang bumagal ang mundo ko. Nabibighani niya ang puso ko. Ka cornyhan nanaman nasa isip mo Gabrielo.

Masaya akong napapangiti ko siya. Kitang-kita ko sa side mirror ang mga ngiti niya nang hindi nila alam. Sana huminto ang oras. Lahat nang mga banat ko sa kanya ay galing sa puso ko. Kakaiba pa rin ang saya at mahika na dulot niya sa akin.

Hinatid ko siya sa kanto at nagtaxi na lang siya. Gusto ko siyang sundan kaso naalala ko na pupuntahan ko si Cheska ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon para harapin si Dillan dahil baka mapatay ko lang siya.

Bago pa man ako lumiko ay may isang kotse na humarang sa akin. Sakay noon sina Troyan, Cheska at ang kapatid kong si Gabriela.

Daig pa nila ang charlie's angels sa ginawa nila sa akin. Itinali nila ang kamay ko at isinakay sa kotse. Kusa akong sumama sa kanila na ipinagtaka nila.

"Hoy Gab. Hindi ka man lang ba manlalaban?" tanong ni Cheska. Umiling lang ako at nginitian ko siya.

"Yang mga ngiting yan Gabrielo alam ko ang ibig sabihin. " wika ni Cheska.

"Tanong mo na lang si Gabriela." sabi ko.

"What's the meaning of this?" tanong ni Troyan.

"Hindi nawala ang ala-ala niya. Nagpanggap lang siya." wika ni Gabriela. Si Gabriela at Monroe lang ang nakakaalam ng lahat. Siya rin ang tumutulong sa akin na magpanggap kina Mommy at Daddy. Matagal ko na siyang pinatawad dahil kahit anong mangyari, kapatid ko pa rin siya at nangako siyang hindi na niya kami papakialaman ni Andrea.

Halos tanggalin ni Cheska ang tenga ko sa pagkakahawak niya.

"Kayong magkapatid kayo mapapatay ko kayo!" galit na galit na sabi ni Cheska.

"I'm sorry okay. Gusto lang ng kapatid ko na siya mismo ang magsabi sa inyo kaya nagsinungaling ako sa inyo." paliwanag ni Gabriela.

Siya ang nagsabi sa akin na tutulungan ako nina Cheska, Troyan at Madisson na bumalik sa akin si Andrea.

"Maraming dahilan kaya naglihim ako. Kailangan ko ng tulong niyo. Hindi ko hahayaang makasal si Andrea kay Dillan. Ikamamatay ko." kako.

"Tangina Gabrielo, ang tatag mo talaga. Ako na mag-iisponsor ng rebulto mo. " sabi ni Cheska.

"Mahal ko siya at siya lang ang papakasalan ko." sabi ko.

"Si Kevin at Dillan ang kalaban natin sa misyon na'to. Huwag kang mag-alala Gab, tutulungan ka ng mga bruhang to." sabi ni Cheska. Nakakatuwang isipin na nagka-ayos ayos na sila. Nagkabati na sina Gabriela at Troyan at pinagsisisihan daw nila ang nangyari kaya nandito sila sa tabi ko para itama ang lahat.

"Operation: Ibalik si Eggnog!!!" sigaw ni Cheska. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang nasa isip niya. Nagtatawanan silang lahat at saya rin ang naramdaman ko dahil may kasama ako sa pagbabalik ng alaala ng kaisa-isang babaeng papakasalan ko. Nakakita ako ng liwanag para ipagpatuloy ang pag-ibig ko. Ilang taon ang lumipas, ngayon pa ba ako susuko?

Kung magtagumpay man kami, gusto ko munang pakasalan si Andrea bago ang lahat. Makakapaghintay ako hanggang maging ready siya. Bubuo kami ng pamilya at hindi mawawala sina Eggnog, Eggshell, Eggwhite, Eggyolk, Kwek-Kwek, Omelet at si Pugo.

Ipaglalaban kita Andrea. Kung hindi ko maibalik ang ala-ala mo sana makapasok muli ako sa puso mo.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

306K 32.4K 23
Kim X Jeon (Season I)
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
49.5K 2.1K 46
Status: COMPLETED Liking Kenji Suson was the best thing that ever happened to the then highschool girl Trisha's mundane life, that's why she was det...
7.5K 65 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...