Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
15: Group date
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

21: Prinsesa

13.1K 267 88
By chocnut

~Mia~

"Mia oh, tissue." Sabay abot sa akin ni Ren ng tissue.

Kinuha yun ni Kurt at nilagay sa tabi, "Ulol. Tissue? Eh hindi naman umiiyak si Mia." Sabi niya.

"Mas maganda na yung ready 'no." Sagot naman ni Ren.

"Tumigil nga kayo. Kita niyong di okay si Mia tapos ang ingay-ingay niyo." Dee.

"Yun nga yung point Dee eh. Di okay si Mia. Tinatry lang naming i-cheer up siya. " Sagot ni Ren.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na nag buntong-hininga.

Andito nga pala kami sa kwarto ni Kurt. Naka-upo ako sa kama tapos nasa tabi ko naman si Kurt, yung tatlo naman sa sahig lang naka-upo. Nung tinawagan ko kasi si Kurt at sinabi ko yung salitang 'masakit', binababa niya ito kaagad at pagkalipas ng sampung minuto eh andun na agad siya sa labas ng bahay. Pawis na pawis siya at hingal na hingal. Nung lumabas ako para puntahan siya bigla na lang ako hinila at dinala dito. So yun, malinaw naman na siguro.

"So.. Mi, naamin mo na ba?" Tanong ni Ren.

"Amin ang alin?"

"Na.. na may... na may gusto ka kay Treb." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanya, "Bakit ko naman aaminin ang isang bagay na di naman totoo?"

"Ahh. Kaya pala. Kaya ka pala nasasaktan ngayon kasi di mo siya gusto. Ahh. Okay." Sarkastiko niyang sagot at tumango-tango pa.

"Bakit ba ayaw mong aminin na gusto mo na siya Mi? Wala namang mawawala kung aaminin mo di ba, kahit sa sarili mo man lang." Si Lex.

"Mia, may gusto ka ba kay Travis?!" Ngayon, si Dee na naman. Di ba nila ako titigilan?

Umiwas ako ng tingin, "B-bakit niyo ba yan t-tinanatanong?"

"SAGUTIN MO NA LANG KASI! MAY GUSTO KA BA KAY TREB?!" Sabay na sigaw nung tatlo.

Sasagutin ko na sana sila pero biglang...

"TAMA NA! WAG NIYO SIYANG PILITIN KUNG HINDI NIYA PA KAYA SAGUTIN YANG MGA TANONG NIYO." Sigaw ni Kurt kaya biglang tumahimik. Pero maya-maya din nagsalita na si Dee...

"Di pa niya kaya? O talagang ayaw mo lang marinig?" Tanong niya na halatang nang-aasar.

"Marinig ang alin?" Takang tanong ko.

"Di mo ba nararamdaman?" Tanong ni Ren.

"Ang alin?"

"Ganyan ka ba kamanhid?" Tanong naman ni Lex.

"Ha? Manhid?" Nagugulohan na ako. Pinagsasabi nitong mga 'to?

"May gus—"

"MAY GUSTO SI DANIEL PADILLA KAY KATHRYN BERNARDO! DI BA? DI BA?" Biglang sigaw ni Kurt kaya di na natuloy yung sasabihin pa nung tatlo.

"Connection nun?" Takang tanong ko.

"W-wala naman. Ano lang... Nasabi ko lang. Oo, n-nasabi ko lang. Hehe." Nauutal niyang sagot. Bakit nauutal 'to?

Tinignan ko yung tatlo ang binigyan sila ng ano-nga-ulit-yung sasabihin-niyo? look.

Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na umiling, "Wala yun Mi. Kalimutan mo na yun. Hehe." Nakangiting sagot ni Dee.

Nagbuntong-hininga ako, "Ge, sabi niyo eh." Sagot ko na lang.

"Mia, alam mo namang ikaw ang Prinsesa namin di ba?" Kurt, nakangiti siya sa akin.

Napangiti ako dun, "Yun sabi niyo eh. Bakit?" Tanong ko.

"Since ikaw ang Prinsesa namin, gagawin namin ang lahat para lang mapasaya ka." Sagot naman ni Dee.

"Talaga lang ha?" Nakangiti na ako. Pag sinasabi kasi nilang Prinsesa nila ako, napapangiti ako.

"Oo naman! Lahat lahat!" Sagot ni Ren.

"As in?" Paninigurado ko.

"As in!" Sagot ni Lex.

"Nuxx. Sige nga, pangitiin niyo nga ako." Hamon ko sa kanila.

Sinudot-sundot ni Kurt tagiliran ko, "Eh kanina ka pa kaya naka-ngiti! Nung sinabi naming ikaw yung Prinsesa namin, bigla ka na lang ngumiti. Asuuus."

Nagmake-face lang ako sa kanya, "Kacornihan at kadramahan! Ewness." Maarte kong sabi kaya medyo natawa sila. "Gala nga tayo! Libre niyo ako. Dali na! Boring dito kila Kurt eh." Tumayo na ako kaya tumayo na rin sila.

"Tara!" Sabay akbay sa akin ni Kurt, "Sa tingin mo, asan dinala ni Treb yung kambal mo?" Tanong niya, binigyan ko siya ng bakit-mo-tinatanong? look. "Tinanong ko po yun kasi po para maiwasan po natin sila po." Parang batang sagot niya.

Inakbayan rin ako ni Dee, "Tol, tinatanong pa ba yan? Syempre 'no, somewhere cheap." Sagot niya kaya nagtawanan kami.

"Adik ka Dee. Tropa niyo pa rin kaya si Tang! Hahaha!"

"Lam mo Mi, ganyan lang talaga kaming mga lalake maglambingan kaya okay lang yan." Sagot ni Ren.

"Tama. Kaya tara gumala!" Sang-ayon ni Lex.

*

"Maiba... TAYA!" Sigaw ni Dee.

"Ha-ha! Ikaw taya Kurt." Pang-aasar ko kay Kurt. Siya lang kasi yung naiiba, siya lang yung nakalahad ang kamay.

"Tss. Eh di ako. Ayos lang naman, mabilis naman ako tumakbo." Pagyayabang niya.

"Yabang ah. Oh dali na, GAME!" Sigaw ni Ren kaya tumakbo na kami palayo kay Kurt.

Andito nga pala kami sa mini-field ng subdivision nila Kurt, naglalaro ng habol-habolan. Kami lang ang andito kasi andun yung ibang tao sa playground. Sa mall dapat kami pupunta pero bigla nagbago ang isip ng mga 'to. Ayos lang naman sa akin, mas gusto ko pa nga dito kesa sa mall eh.

"Nakng. Andaya naman tol! Ako ang lagi niyong target!" Rinig kong reklamo ni Dee.

"Ang kupad mo kasi tol! HAHAHA!" Pang-aasar ni Kurt.

"Dee! Wag na nga madaming reklamo! Habulunin mo na lang kami!" Dagdag ni Lex kaya tumakbo kami palayo kay Dee.

"Ay may bato!" Sigaw ko. Muntik na akong matapilok kaya kinuha ni Dee yung chance at tinaya ako. "HOY! Unfair! Time-out ako nun eh!" Reklamo ko.

"Wala akong narinig. Nyeh nyeh." Pang-aasar ni Dee sabay takbo.

Hmm. May naiisip akong plano. Umupo ako sa tabi at yumuko. Maya-maya din, may narinig akong footsteps palapit sa akin.

"Mia, anyare? Okay ka lang?" Tanong ni Kurt. Naka-yuko pa rin ako pero alam kong si Kurt yung nagtanong dahil sa boses niya.

Dahan-dahan kong tinaas yung ulo ko, pasimple ko ring hinawakan ang braso ni Kurt sabay sabing... "TAYA KULOT! HAHAHA!" Pagkasabi ko nun, tumakbo na ako palayo sa kanya.

"HAHAHA! Nice one Mi!" Sabi ni Lex na nasa tabi ko at nakipag-apir pa sa akin.

"Sabi sayo Kurt eh! HAHAHA!" Sigaw ni Ren kay Kurt.

"Uto-uto! HAHAHA! Utut mo tol." Dagdag ni Dee.

"Putek. Naloko ako dun ah! Eh si Mia na yun eh! Humanda kayo sa akin. HAHAHA!" Sabay takbo niya.

Naghabulan at asaran lang kami dun. Nung napagod na kami, humiga kami sa field. Ayos lang naman kasi di naman kami maarte. Parang naka-circle yung position namin, basta yun. Lahat kami naka-pikit, di pa kasi lumulubog yung araw.

"Ang Prinsesa, dapat inaalagan, di pinapabayaan." Biglang sabi ni Dee kaya napangiti ako, tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Ang Prinsesa, dapat pinapasaya, di pinapalungkot." Dagdag ni Ren. Ngumiti na lang ako kasi di ko siya kayang tignan, dun kasi siya sa may ulohan ko naka-higa.

"Ang Prinsesa, dapat pinapangiti, di pinapasimangot." Dagdag din ni Lex. Tulad nung ginawa ko kay Ren, ngumiti lang din ako kasi nasa may ulohan ko rin siya.

"Ang Prinsesa, minamahal, di sinasaktan." Kurt, tinignan ko siya at ngumiti. Ngumiti rin naman siya pabalik.

*

"Ge tol, ingat kayo. Bye!" Paalam ni Ren at sumakay na ng jip.

"Sama pa kayo?" Tanong ni Kurt.

"Di ako makakasama tol, susunduin ko pa kapatid ko eh. Ingat na lang kayo." Paalam ni Lex at sumakay na ng taxi.

"Ikaw Dee?" Tanong ko.

"Di na rin siguro, baka hinahanap na ako sa bahay. Ingat Mi, Kurt." Paalam ni Dee at nagsimula na maglakad.

"Tara na?" Tanong niya ng nakangiti.

"Tara." Sagot ko.

Hinatid ako ni Kurt pauwi, magse-7:30 na. Wala kaming ibang ginawa sa park kundi maglaro, bumalik nga ata kami sa pagkabata namin eh. Hahaha! Pasalamat nga sa kanila kasi nagenjoy ako, nakalimutan ko yung... basta yun! Alam niyo na yun.

"Lapit na tayo sa bahay mo Mi oh." Sabi ni Kurt na naka-akbay sa akin. Wala namang malisya yun, tropa kami eh.

"Oh, andito na tayo." Sabi ko ng naka-ngiti nung naka-rating na kami. Papasok na sana kami ng gate nang may tumawag sa amin...

"Kurt. Mi." Lumingon kami ni Kurt at nakita namin si Lia at Treb. May hawak na roses si Lia na siguradong bigay ni Treb.

"Oy tol." Bati ni Kurt.

Tinanguan lang siya ni Tang at tumingin sa akin, "Bakit kasama mo si Kurt?" Walang kaexpre-expression na tanong niya.

"Wala lang. Masama ba?" Sagot ko.

"Mmm. That's good kaya Mi! You're starting to hang out with friends na." Masayang pahayag ni Lia.

Nginitian ko lang naman siya, "Musta date Li?" Tanong ko. Kahit papano, okay naman na ako. 

"It was fun. As in. Hihi!" Masayang sagot niya. "Ay! Mauna na ako sa loob ha? May gagawin pa ako eh. Bye Treb! I had a great time. Bye din Kurt! Thanks for taking care of Mia." Sabi niya at tumakbo na sa loob kaya di na nakasagot 'tong dalawa.

Kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa labas. Naka-akbay pa rin sa akin si Kurt at nasa harap namin si Treb. Naka-poker face lang si Tang habang naka-ngiti naman si Kurt, nagtititigan sila.

"Anong ginagawa mo dito Kurt?" Tanong ni Tang.

"Wala lang, hinahatid si Mia." Naka-ngiting sagot ni Kurt.

"Bakit?" Naka-poker face pa rin na tanong ni Tang.

"Anong bakit? Masama na bang ihatid si Mia? Hinatid ko siya kasi PRINSESA NAMIN siya." Sagot ni Kurt na naka-ngiti pa rin. Hmm. Ako lang ba 'to? Or talagang may tension dito?

"Prinsesa?" Takang tanong ni Tang pero naka-poker face pa rin.

"Oo. Prinsesa. NAMIN. At alam mo kung anong ginagawa sa mga Prinsesa?" Mas nilakihan niya ang ngiti niya at lumapit kay Treb...

"Minamahal at di sinasaktan." 

---------------------------------------------------------------------------------------

BOOM! Hahaha! Bitin ba? Hihi sorry. ^.^ Guys, napansin niyo ba? Di maldita/masungit/mataray si Mia sa chappy na 'to? Sa mga nakakamiss na sa kamalditahan ni Mia, wag kayong mag-alala kasi pati ako miss na rin ang kamalditahan niya kaya siguro sa next chappy dun na. :3

Ayun lang. Sana nagenjoy kayo! Bye. Mwahugs! ♥ xx

Continue Reading

You'll Also Like

4K 733 35
A story about hoping. "Hahawak ka pa rin ba kahit bumitaw na ako?" After three years of being hurt and broken, Yana tries to keep herself busy. As Ya...
14.1K 489 26
Hindi inaasahang nakapasa sa Entrance Exam si Yasmin sa isa sa mga prehisteryosong eskwelahan ng bansa, ang Figuerra High University o tinatawag na F...
68.3K 1.1K 41
☾ t h o u g h t s t o p o e m s ☽︎
44K 1.2K 34
No description available. The author, which could been lazy for so long, is also one in BITTER comrades.