" Love Untitled " ~ Secrets A...

By iamQVEEN

315K 8.5K 1.1K

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di... More

BOOK 4 > Ch. 1 ~ TORETE ~
BOOK 4 > Ch. 2 ~ PURPLE LINE ~
BOOK 4 > Ch. 3 ~ IODIZED SALT ~
BOOK 4 > Ch. 4 ~ DREAM CATCHER ~
BOOK 4 > Ch. 5 ~ AND THERE WAS HER ~
BOOK 4 > Ch. 6 ~ HIDDEN ~
BOOK 4 > Ch. 7 ~ MOVIE TITLE~
BOOK 4 > Ch. 8 ~ HAPPY ENDING ~
BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~
BOOK 4 > Ch. 10 ~ THE PARAMOUR'S VISITOR ~
BOOK 4 > Ch. 11 ~ THEY NEEDED HIM ~
~ BOOK 4 > Ch. 12 ~ THE PARAMOUR'S STITCHES ~
~ BOOK 4 > Ch. 13 ~ THE PARAMOUR'S BURNS ~
BOOK 4 > Ch. 14 ~ NICK CARTER IS HOT... NOT~
BOOK 4 > Ch. 15 ~ THE PARAMOUR'S PRESENT AND HER PAST~
BOOK 4 > Ch. 16 ~ COULD HAVE BEEN~
BOOK 4 > Ch. 17~ THE PARAMOUR'S NOTES~
BOOK 4 > Ch. 18 ~THE PARAMOUR'S FIRST DAY~
BOOK 4 > Ch. 19 ~THE PARAMOUR'S SHARPENED CLAWS~
BOOK 4 > Ch. 20 ~THE PARAMOUR'S SERENDIPITY~
BOOK 4 > Ch. 21 ~THE PARAMOUR'S ENGAGEMENT RING~
BOOK 4 > Ch. 22 ~TEN MINUTES~
BOOK 4 > Ch. 24 ~BLUE. AN ANSWERED PRAYER~
BOOK 4 > Ch. 25 ~KASE AYAW NIYA NG BAGO MONG BUHOK~
BOOK 4 > Ch. 26 ~SCREWED~
BOOK 4 > Ch. 27 ~UNCONDITIONAL LOVE~

BOOK 4 > Ch. 23 ~BRANDING HER YOURS~

11.6K 305 40
By iamQVEEN



Sometimes, walking away is the only option. Not because you want someone to miss you, or realize they took you for granted. But because you finally respect yourself enough to know you deserve better.







i...







" Lebanon, naiintindihan mo ba yung part na naka-agrabyado tayo ng kapwa? Na nakapangloko tayo ng isang tao na nanahimik kase alam niyang siya pa din ang girlfriend mo! Tigilan mo na nga ako sa mga tanong mong ganiyan! "




" You are not answering my question, Lizbeth. Mahal mo pa din ba ako? "




Ganito ang eksena ni Elizabeth at Lebanon, habang sila'y nasa dance floor pa din. Matapos ang unang kanta na kandaiyak siya, habang nakasubsob sa shirt ng binata, naisip niyang hindi na niya dapat payagan pa ang mga susunod na minuto na magkasama sila. Heaven's sake, paano niya uumpisahan ang pagmo-move on kung parang sinasadya ni Lebanon na mapalapit sa kanya? Na kung kailan resolved na siya sa conclusion na tatalikuran na niya ang ugnayan nila sa isa't-isa, para naman itong umaapila sa kanya ng second chance kesyo wala na sila ni Taygan?


Elizabeth gritted her teeth in frustration. Wala. Walang mapupuntahan 'tong usapan na'to at maling mali din na pumayag pa siya sa kalokohan ni Zep na pagbigyan si Lebanon na masolo siya.She turned her head and looked away. Kanina pa silang nag-aaway ni Lebanon habang nagsasayaw sa dance floor. Hindi naman niya ito matakasan. He was so into getting her back. Mas lalong hinapit ni Lebanon ang katawan niya sa katawan nito ng hindi siya agarang sumagot.




" Elizabeth! I am asking you a question! Napaka-simple lang nun? Answer me! "




Ang sabe ni Lebanon habang ang ang kanang kamay nito ay nakapalupot sa bewang niya, at ang kabila naman ay mahigpit na kinukulong ang mga kamay niya na nakapatong sa malapad nitong dib-dib. Damn the man! Nag-isang linya ang mga mata ni Elizabeth. Kung makakapag-file lang siya ng harassment ay makukulong itong lalaking ito!




" Ikakasal na ako kay Zepellin at bahala ka na sa buhay mo! Hiwalay man kayo ni Taygan o hindi, eh ano ngayon?! 'Wag mo akong pilitin sagutin ang mga ganiyang tanong dahil una sa lahat, wala na tayong relasyon at sisiguraduhin ko sa'yong hindi na tayo magkakaroon pa ng relasyon ulit! Pero sige, sa ikapapanatag ng kalooban mo at para matapos na rin 'to kase nakakapagod na, makinig ka! Mahal pa rin ba kita? Natural at hindi na! Papakasalan ko ba si Zep kung baliw na baliw pa rin ako sa'yo gaya ng dati?! Know what? Tell you frankly, hindi ko nga alam kung totoong minahal nga kita eh! Nag sex tayo sa Villa Diamante nun. Napatirik mo mata 'ko at nag-enjoy tayong dalawa. Nung malaman kong nagtu-two time ka, hindi ko nga alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin kung bakit sayang saya ako na ipaglaban ka pa kahit alam kong nagmumukhang tangang kabit na ako! Then maybe,hindi nga kita mahal? Na-excite ako sa ideya na makakapang-nakaw ako ng boyfriend ng iba! Can't blame me, you were only my second boyfriend. Ginago kase ako nung una ko kase inagaw siya sa akin ng isang walang kwentang textmate. Baka na-excite lang din ako sa katotohanan na this time, ako naman ang makakapang agaw! Happy? Ano ba?! Let go of me! "




Sinubukang hilahin ni Elizabeth ang mga kamay niyang namamanhid na yata sa loob ng malalaking kamay ni Lebanon. Dinaig pa niya ang tumalon sa sariling kamatayan ng sabihin niya ang kasinungalingan na iyon. Dear Lord, kailangan niyang ma-convince si Lebanon na wala na itong aasahan sa kanya. Elizabeth almost choked her statement. Lalo na ng nakita niya ang pain na dumaan sa mga mata ng binata. His muscles on his jaw were moving as if he was trying to suppress his emotions in silence. Lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang beywang at mga kamay. Sa ilalim naman ng mga palad niya'y nararamdaman niya ang malalim na paghinga ng binata. Pinagkakatitigan siya nito at hindi mabasa ni Elizabeth kung ano ang iniisip ni Lebanon. But he was as if inhaling her presence. He was looking at her as if he was weighing things. Na inaabsorb nito ang last statement niya. Na pinipilit nitong mag sink in ang mga sinasabi niya. Maya-maya pa'y tiningnan siya ng binata na parang may finality sa berdeng mga mata nito.




" Sige Elizabeth, if that's the case, ganito na lang. If you already concluded that you never came to that point that you really fell for me, sure. Can I accuse you of lying on my face? Pwede. But that's too conceited of me if I push it, right? Baka nga namali lang ako ng basa sa'yo when I thought na kaya mo ginagawa ang mga nagawa na natin dati kase nga mahal mo ako, ipinaglaban mo ako eh. That's how I read things of course. Now, listen and listen carefully. "




Huminga ng malalim si Lebanon bago pa muli itong nagsalita. His eyes suddenly sharpened and Elizabeth found herself pulling herself backwards. But then again, lalo siyang hinigit pabalik ni Lebanon at oo, hindi na siya makahinga sa sobrang pagkakaipit nito sa katawan niya. Naguluhan siyang bigla. Hindi ba't ang statement niya ay para ma-discourage si Lebanon? Bakit parang hindi ito nangyayari? Putek. Lebanon smirked at her.




" Do you really think that the idea of you not really falling in love with me when I thought you did, will make me turn my back away from you, walk away, forget all the things that we had and most specially disregard my feelings for you? Think again, Elizabeth. Think twice. "




Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth sa sinabi ni Lebanon. Pinanindigan siya ng buhok sa braso lalo na ng ito'y nakakalokong ngumisi. Napangangang saglit si Elizabeth at kitang kita niya kung papaanong tiningnan ni Lebanon ang mga labi niya. Freakin' shit. Now that's hot? Ibinalik ni Lebanon ang mata nito sa kanyang mukha.




" In fact, nagpapasalamat ako sa'yo at naging honest ka pa sa feelings mo sa akin na ni minsan ay hindi mo pala ako minahal? Then let's do it my way, Ms Pengson. I am going to make you love me that you will not look at another man again! Perhaps, the most conventional way. Let's go back to step one. Liligawan kita. "




What?! Elizabeth's back stiffened. Teka, ano daw?! Tiningnan niya ang binata na parang bang tinubuan ito ng multiple na ulo, habang ito'y ngumingiti sa kanya na parang hindi narinig ang kaninang sinabi niya na pangtaboy. Then once again, the live band played a song as they both silently eyed each other again.





I was wrong when I hurt you

But did you have to hurt me too

Did you think revenge will make it better?

I don't care about the past

I just want our love to last

There's a way to bring us back together




Elizabeth's face hardened. Hindi niya alam kung papaanong nabaliktad ang sitwasyon, pero hindi ito ang nasa plano niya!




" Hindi ako nagpapaligaw! Pakakasalan ko si Zep kaya bakit ako magpapaligaw! Gagong 'to! Bitiwan mo nga ako sabi! "




Ang sabing nayayamot na si Elizabeth na sinubukang itinulak ang mga kamay niyang nakapatong sa dibdib ng binata at hawak hawak pa rin nito. Sa isang iglap, naisiksik ni Lebanon ang sarili niya sa leeg ng dalaga, habang wala namang choice si Elizabeth na napasiksik ang mukha sa dibdib nito.




" Shhh... quiet! You talk too much, ELizabeth. 'Pag hindi ka pa rin tumigil, hahalikan kita sa gitna ng dance floor! "




Sukat duon ay nanahimik si Elizabeth. Naiisip pa lang niya ang eskandalo na mahahalikan siya ni Lebanon ay ayaw niyang tangkain kung totohanin nito ang threat just because alam niyang gagawin ito ng lalaki. At wala siyang lakas na lumaban. He's a large man. Kayang kaya nitong hila-hilahin siya anytime. At teka, ano ba namang kanta 'yan? Nananadya?! Sumisimangot na siya ng muling magsalita si Lebanon.




" You are so worth my one hundred thousand pesos, Love. Mukha yatang maba-bankrupt ako sa kagustuhan kong mapansin mo. Ang mahal ng five minutes ng isang araw mo. But that's fine. Mahal naman kita. Understandable. "




And by the time na nilalambing siya ng binata habang ang kanilang mga katawan ay magkadikit, ay parang unti-unting natunaw ang pader na inilagay ni Elizabeth laban sa patuloy pa ring pang-aakit ni Lebanon sa katotohanan na pwedeng maging 'sila' ulit. Mahina pa itong tumawa. Ang mainit nitong hininga ay parang mumunting buhok na kinikiliti siya sa kanyang leeg. Napakagat ng lower lip si Elizabeth habang nagsi-simula siyang isayaw muli ni Lebanon. And the man knew on how to sway.





I must forgive you (I must forgive you)

You must forgive me too (we must have to try)

If you wanna try to put things back the way they used to be

(honey let's start again)

'Cause there's no sense in going over and over

The same things as before

So let's not bring the past up anymore




Huminga ng malalim si Elizabeth. Sinubukan niyang mag-relax tutal naman at last song narin ito. Pagkatapos nito'y uuwi na rin siya. Hindi niya alam kung nandiyan pa si Zep. The last time she checked ay nakikipaglaro itong muli ng billiards kay Matt at Rafa Armand. Nag-eenjoy bigla ang kumag ng maka-kubra ng isang daang libong piso! Pwes, kung ano man, magtataxi na lang siya mamaya. No, please. Hindi pwedeng ganito. She needs to be out of Lebanon's life. Sabihin na niyang wala na sila ni Taygan. Pero hindi kakayanin ng konsensiya niya na may babaeng may taning na ang buhay ay sinasaktan pa rin niya. Na siguro'y magiging tama kung... wala ng tuluyan si Taygan? Or maybe gumaling ito? But now seemed to be the foulest time to wrong a dying woman. Ni hindi pa nga siya nakakapag-apologize dito. Then she heard Lebanon spoke against her neck.




" Love, gusto kong mag-apologize sa mga bagay na ginawa ko at hindi ko ginawa. Most of all sa mga hindi ko ginawa na expected sa akin bilang boyfriend mo. I understand that it's somewhat too late for senseless apologies because damage had been done. Pero gusto ko pa ring mag-sorry, tanggapin mo man o hindi. Sana... sana ikaw nalang yung una kong nakilala. Sana ikaw nalang yung una kong naging girlfriend. I wished too that I was a better man when you met me. I wasn't. I screwed up and I know... I know kung gaano kitang sinaktan, Love. But if there was one thing na hindi ko pinagsisisihan and never will I even imagine not happening was the day that I met you. Kung ire-rewine ang buhay ko, gusto ko mag-umpisa duon sa part na naglalakad ka ng slow motion papunta sa direksyon ko ng nakasuot ng mini blue dress para hanapin si Nadia. Damn, I hope you had an idea how much you caught me. My world stopped the moment you did that catwalk. "




Ang sabe ni Lebanon at mahina pa itong tumawa. Pagkatapos ay para pa itong nanggigigil na inamoy ang kanyang leeg. Napapapikit na madiin si Elizabeth. Sht, that mixed feeling. Yung alam mong mali? Pero ayaw mo namang bumitaw? Kase nasasarapan ka pa? Pero mali eh.





(no looking back, we can't look back)

(honey let's start again)

Out of all the good we had

You only keep track of the bad

Though you knew I never really loved her

Didn't anyone tell you yet

That to forgive is to forget

How can you be mad if you don't remember





" Damn sake, I so miss your scent! Love...sorry talaga OK? Sorry kase niloko kita. Nasaktan kita. Sorry kase may mga mali akong decisions na hindi ko na kayang itama. And yes, sorry... hindi kita kayang i-let go. Please, please... ask me anything at all. Pero hindi kayang pakawalan. I think I'm going nuts just thinking of you. 'Yung mga panahon na hindi ko alam kung saan ka pumunta, nawalan ako nun ng direksyon. Halos mabaliw ako sa kakaisip. Ni hindi ko nga alam kung saan kita umpisahang hanapin. I was so lost without you. Love, nakikiusap ako sa'yo. 'Pag bumalik ka sa akin, I promise to take good care of you. Hindi na kita sasaktan. My world will only revolve around you. Mamahalin kita ng sobra sobra. "




Napakagat ng pambabang labi si Elizabeth habang ang mga kamay niya'y untgi-unti ng pinakawalan ni Lebanon. She absentmindedly sighed. Ano nga kaya at parang pinaglaruan ang buhay nila at binigyan sila ng chance na i-replay ang mga buhay nila? Will everything be the same?





I must forgive you (I must forgive you)

You must forgive me too (we must have to try)

If you wanna try to put things back the way they used to be

(honey let's start again)

'Cause there's no sense in going over and over

The same things as before

So let's not bring the past up anymore

(no looking back, we can't look back)

(honey let's start again)





" Love. "




Napamulat si Elizabeth ng muling magsalita si Lebanon. Sht, his monologue was killing her! Nasasaktan siya! Pero natutuwa din siya? Sarap sa puso eh. Ansama sama ng loob niya!




" Ano 'yun? "




First time niyang nagsalita sa mahabang panahon na nakikinig siya. Then she realized her mistake. Napamulat siya ng nagpatawag siyang 'Love'?! Elizabeth mentally slapped her face twice. Lebanon chuckled lowly. Nararamdaman niya ang paglapad ng ngiti nito sa kanyang leeg.




" Tell me, ano bang pwede kong gawin para maging akin ka na lang ulit? "





I must forgive you

And you must forgive me too

It's the only thing that's left that we haven't try to do

One thing I'm sure will work

That we haven't tried before

Let's not bring the past up anymore

(no looking back, no looking back)

(honey let's start again)





Elizabeth felt the most familiar pang that slashed her throat and heart. Hindi niya sinagot ang tanong na 'yun. Para ano pa? To start over again? To forget the past? No, of course not. They can't just forget. They can resolve into forgiving each other's trespasses, but they can't just forget the past.


Naramdaman ni Elizabeth na unti-unti na siyang inilalayo ni Lebanon ng maramdaman ng binata na muli siyang nagbalik sa pananahimik. However, mabilis na bumitaw si Elizabeth at umikot sa opposite side ng hindi tinitingnan ang binata. Kailangan niyang makaalis ng mabilis. Bukas mag-rerender na siya ng resignation sa opisina at kakalimutan niyang lahat ng ito'y nangyari. Sana nga ganun na lang ganun kadali ang lahat. 'yung pwedeng maging kayo ulit? 'Yung kakalimutan niyo na lang 'yung mga importanteng issues in between? Pero hindi naman ganuon kadali 'yun. Kung may maganda mang naidulot sa kanya ang sitwasyong ito'y yun ay ang kanyang ipinag-bubuntis. Hindi pa siya nakakalayo ng umikot palayo si Elizabeth, ng hawakan ni Lebanon ang kanyang braso.




" Lizbeth please naman? Don't run away from me again? Mag-usap pa tayo-- "




" No, Lebanon. You listen. And please. 'Pag sinabi kong makinig ka, totoong makikinig ka!"




Angil ni Elizabeth na tiningnan na sa mata ang lalaking binitawan na ang braso niya. He was quite shaken by her reaction. Sumimangot si Elizabeth at hindi niya alam kung papaano at saan niya nakuha ang tapang sa dibdib, habang nagko-compose ng isang kasinungalingang statement. God knows on how much she misses the man in front of her. At 'yung mga sinabi ni Lebanon kanina? Kung nagkataong nasa ibang panahon sila at sitwasyon baka nga pinakasalan na niya ngayon din. Madalin naman siyang mauto eh. 'yun nga eh uto uto siya. Kaya nagka leche leche buhay niya. Then there's Taygan. Kailangan na niyang itama ito. Ayaw niya ring lumaki ang anak niya sa maling environment. Kaya't habang wala pa ito sa mundong ginagalawan nila ng ama niya, itatama niya ito.




" Ayoko na sa'yo. Hindi kita minahal. Gusto kong ito na ang huling pagkakataon lalapit ka sa akin para makapag-usap tayo! Naiinis ako sa sarili ko na na involve pa ako sa'yo! You're not even my type! Kaya please? Nakikiusap ako sa'yo. Ayokong mag-away kame ni Zep ng dahil sa'yo. I love him and I will marry him. Good bye. "




And Elizabeth turned around without thinking twice, as Lebanon's pained face was imprinted on her mind. At alam niyang hindi niya makakalimutan kung papaanong ang sukdulang sakit ang dumaan sa mata ng binata. Feeling niya, magpe-play ito ng paulit-ulit sa utak niya habang nabubuhay siya. Pagkatalikod ni Elizabeth ay siya namang naramdaman niyang namumuo bigla ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. She almost walked and ran leaving Lebanon staring at her back, while he still stood on the dance floor.







ii...







Naipadala na ni Elizabeth sa email ni Geneva ang resignation letter niya. Tinawagan siya ni Geneva kaninang umaga at sinabi nitong naiintindihan siya. Pinayagan siya nitong i-extend ang bakasyon hanggang ngayong Lunes at tutal naman ay hindi rin ito pinapasok ni Rafa Armand ng biglang humilab ang lumolobo na nitong tsan. Biglang napatingin si Elizabeth sa sariling tsan. Hindi rin niya maintindihan, pero patapos na ang trimester niya pero balakang lang ang lumapad sa kanya. Yung tsan niya'y umuumbok na rin, pero hindi pa masyadong halata lalo na 'pag nagsuot siya ng jeans.


Kaninang madaling araw din ay tumawag sa kanya ang kapatid na si Cali. Sinabi nito sa kanya na uuwi na siya sa Apartment at excited na itong makita siya. Kalauna'y nagpilit na rin ang kapatid niyang umalis sa Villa Diamante. Nahihiya na daw kase siya kay Rafa Armand at Geneva at hindi naman niya daw iyon bahay. Napapangiti si Elizabeth. Home sick. Kahit pa gaano kaganda at ka-enggrande ang Villa ay hinahanap hanap na ni Cali ang mapalapit sa totoong pamilya.


Sa mga panahon na walang tao sa iniwan nilang apartment ay may nagme-maintain ng kalinisan ng bahay. Medyo nagulat pa nga siya ng makita niyang bago pa ang mga kurtina, pillow case at bed sheet na akala mo'y parang kahapon lang ay nanduon silang magkapatid. Iniikot ni Elizabeth ang mata sa kabuoan ng apartment. Tapos ay nakaramdam siya ng matinding lungkot. In a few weeks ay iiwan niya na ang bahay na naging saksi ng buong pagkatao niya. Ang tanging lugar kung saan natagpuan niya si 'True' at habang siya naman ay si 'Love'. Pakshet, para na namang sasabog ang puso niya sa sama ng loob! At kung may anong dahilan na napaka-baba ng luha niya these past few days, humahagulgol siya sa gitna ng kanyang sala habang ang kapitbahay naman nilang Executive Assistant ni Aaron Ravid Mitchells na nakatira sa harapan ng bahay niya, ay parang nanadayang nagpapatugtog ng 'Tadhana'. Kulang na lang mabulag siya sa nanlalabo niyang mata. Eto 'yung hinihintay niya kagabi pa, yung makaiyak ng malaya, 'yung walang nakakakita.


Natauhan lang si Elizabeth ng may humintong taxi sa harapan ng bahay niya at nabosesan niya ang masayang tumitiling si Cali. Agaran niyang pinunasan ang mukha na namumula at namamaga na sa kakaiyak. Hindi pwedeng makahalata ang kapatid.


Nang buksan niya ang pintuan ng bahay para sa kapatid, ay siya ring bahagyang pagkawala ng kanyang ngiti. Hindi nag-iisa si Cali sa pagdating nito. Kasama nito si Lace. Ang bunsong kapatid ni Lebanon. Not that hindi niya kayang i-welcome si Lace sa apartment. Pero paano ba niya maiiwasan ang angkan ng Hewitt kung ang kapatid niya'y walang ideya sa totoong pinagdadaanan niya at sinama pa nito ang best friend sa bahay nila?




" Ate koooo! I miss you! I miss you! "




At dinaig pa ni Cali ang hindi siya nakita ng mga sampung taon. Mahigpit naman niyang niyakap ang kapatid na hinalikan ang buong mukha niya. Nakipagbeso-beso din sa kanya si Lace na parang lalong tumatangkad sa mga buwan na hindi niya ito nakita. Bigla naman siyang nagtaka. Paanong nagkita ang dalawang 'to kung galing sa Villa Diamante si Cali? Hindi na lang siya nag-over think. Pero kailangan niyang makausap ang kapatid para i-explain dito ang nangyayari sa kanya. Teenager na 'tong kapatid niya. Makakaintindi na'to. Oo, aamin na siya. Sa mga pinagdaanan niya these past few months, ni hindi siya nakarinig dito ng mga katanungan, ni hindi ito nagsumbong sa mga magulang at kapatid nila ng muntikan na siyang malaglagan. She owed her an explanation.




" Ate, hindi na ako nagpahatid sa kotse nina ate Geneva, grabe nakakahiya nga kase. Araw araw na ata niya akong pinagsha-shopping. Tapos parang hindi nauubusan ng masasarap na pagkain duon? Tapos pinag-aral pa nila ako 'dun! Grabe parang sobra sobra na! Pero ate? Last month nga nung nasa Bacolod ka, dumating 'dun si Kuya Lebanon? Hindi niya ako nakita kase nasa kusina ako tinutulungan kong magluto si ate Geneva. Pero nung kakatok sana ako sa library kase duon sila nag-uusap nina Sir Rafa Armand, narinig ko hinahanap ka niya? Bakit parang clueless si Kuya Lebanon sa mga whereabouts mo, ate? "




Ang inosenteng tanong ng kapatid niya, habang inilalabas nito ang mga pasalubong na gulay sa kusina. Nakikinig lang naman si Lace sa pagkaka-mention ng pangalan ng kuya niya. Napatigil sa paglalakad si Elizabeth habang hinihila niya ang bag ng kapatid papasok sa kwarto nila. Ito na 'yun eh. 'Yung kailangan niya mag-explain. Pero hindi pwede at nakikinig si Lace. Kinakabahang nag-isip ng idadahilan si Elizabeth.




" Uh... hindi ko alam! Hindi kase ako nakapagpaalam 'dun before ako pumuntang Bacolod. Baka napag-usapan lang nila ako ni Sir Rafa Armand. Medyo naging busy na rin kase siya kaya hindi na rin kame nagkaka-text nung umalis ako papuntang Bacolod. Bakit ka nga palang umuwi mag-isa? Sana nagpasundo ka na lang sa akin! Delikadong umuwi mag-isa 'pag duon ka galing sa Villa! Anlalaki ng puno duon eh! "




Pag-iibang topic ni Elizabeth. Nagdasal siya na hindi na ipu-pursue ng kapatid ang pangungulit sa kanya.




" Ate, OK lang! Hinatid naman ako ni Sir Richard Armani hanggang sa bus terminal kasama ng kanyang mga body guards. Tas, pinasundo niya ako sa driver ni ate Geneva sa terminal hanggang dun sa mall sa Makati. Hindi na ako nagpatuloy dito kase dinaanan ko pa 'dun si Lace. Duon na kame nag taxi. Oh my god! Ang gwapo talaga ni Sir Richard Armani lalo na sa personal! Pwede na akong mamatay ngayon na! Hindi ko kinaya 'yung dimples! Tsaka ambango bango niya kahit kakagaling lang niyang mag-jogging! "




Ang parang nahihimatay pang parang nagpa fan girl na sabi ng kanyang kapatid. Naihilamos ni Elizabeth ang mga kamay sa mukha. Buti na lang at nasali sa usapan ang Vice President. Ang kwarto ng kapatid niya sa Isabella ay punong puno ng posters ng magazine clip ni Richard Armani. Napansin niyang nakikitawa na rin si Lace. Parang kanina pa kase ito hindi kumukibo.


Ipinagpatuloy ni Elizabeth ang pag-liligpit ng mga gamit ni Cali. Yung ibang damit nito hindi na nito inilabas sa bag. In two weeks time, aalis na rin sila ng kapatid niya dito. Lumipas ang magtatanghalian at nasa bahay pa rin nila si Lace. Parang hindi mauubusan ng topic ang dalawa, habang inabala naman niya ang sarili sa kusina habang niluluto ang mga gulay na dala ng kapatid. Maya-maya pa ay may narinig siyang may kumakatok. Nang tingnan niya ang sala ay wala duon si Cali at si Lace. Malamang nasa kwarto ang dalawang 'yun kaya hindi narinig 'yung kumakatok.




" Sandali lang! Nagmamadali ka ba? Aalis ka? Sandali nga eh! "




Ang sabing naiirita na si Elizabeth ng hindi tumitigil ang katok sa pinto. Pagpihit niya ng door knob ay sakto namang naramdaman niyang lumabas ng kwarto ang kapatid niya at si Lace. Nang tuluyan ng bumukas ang pintuan ay daig pa niya ang tinuka ng ahas. Lebanon was there outside her house, wearing a white shirt and jeans, aviator as he is clean shaven. At may bouquet din ito sa kamay niya. Saglit na parang hihimatayin si Elizabeth. The man was looking fresh and was so handsome, he almost occupied the entire space of the doorway. Nanlaki ang mga ni Elizabeth. Lalo na ng naramdaman niyang parang nailuwa ata ng lalamunan niya ang puso niya. In nanoseconds, isinara niya ang pintuan.




" Elizabeth! No! Wait! "




Ang sabe ni Lebanon na napigilan ang tuluyang pagsara ng pintuan. Nang bahagya naitulak ng binata ang pintuan at nagkaroon ng space para makausap niya si Elizabeth, ay saka siya nagsalita. He was smirking and chuckling at her. Ang malaki nitong kamao ay pinipigilan ang doorknob. Elizabeth grunted in frustration. The guy was way stronger than her.




" Kahit na mag-lock ka ng pintuan, may duplicate key ako para buksan ang bahay mo! Com'on, Love... parang hindi naman ako gabi-gabing natutulog dito dati! "




Ang sabi ni Lebanon na ang isang kamay ay wala pa ring effort na nakahawak sa doorknob para pigilan ang dalaga sa pagpipilit na i-reject siya. Nag-bukas ng bibig si Elizabeth para mag-counteract sa statement ng binata. However, nakalimutan niyang nasa likod niya si Cali at ang kapatid ni Lebanon na si Lace, na na-witness ang conversation nilang dalawa. Both were unbelievably gawking at them. Parang nagimbal ang mundo ng dalawang teenagers na hindi sinasadyang marining ang ganitong mga usapan ng matatanda.




" Dito ka natutulog... gabi-gabi, kuya? "




Sukat sa sinabing iyon ni Lace ay nabitawan ni Elizabeth ang doorknob at mabilis na napaharap sa dalawa na nanlalaki ang mata sa gulat. Nag-take advantage si Lebanon at mataktikang pumasok sa loob ng bahay. Unang naka-recover sa pagkabigla ay si Lace din na lumapad na ang ngiti. Para itong biglang na-excite.




" Kuya, does that mean that you and ate Elizabeth are in a relationship? Oh my god, Cali! Totoo ngang magiging true blooded sisters tayo! Girlfriend ni kuya si ate mo! "




Nagpanik si Elizabeth sa itinatakbo ng conversation. Magsasalita na sana siya ng sa wakas ay maka-recover naman sa pagkagulat ang kanyang kapatid.




" Ate? So... nag-kiss na kayo ni Kuya Lebanon?! Grabe, Lacey! Nag-kiss na si ate at kuya mo!"




Hindi makapaniwalang pinapanuod pa ni Elizabeth ang mga kapatid nilang nagtatalunan pa sa kilig. Bigla siyang napikon. Kasalanan 'tong lahat ni Lebanon! Ano ano tuloy na kadumihan ang naiisip ng mga minor de edad nilang mga kapatid! Naniningkit ang mga mata niyang tiningnan ang lalaki na parang natutuwa pa sa panunukso sa kanila. She was about to lash out her frustrations, when she saw Lebanon took his aviator off. Sukat duon ay natigilan talaga siya. Dinadaan siya sa gandang lalaki nito! Para naman siyang tangang napapatitig. Lalo pa siyang napasimangot sa asar sa sarili. Ibinuka niya ang bibig para magsalita. Pero bago pa niya ito magawa ay ibinigay na sa kanya ni Lebanon ang blue roses at ang isang paper bag na may lamang iba't ibang strawberry chocolates. Alam niyang strawberry 'yun. Naaamoy niya.




" Ano 'yan?! Bakit me paganyan-ganyan ka pa?! "




Ang sabi ni Elizabeth na hindi na maipinta ang mukha. And she saw the guy smiled at her while he combed his shoulder length hair. Biglang naglikot muli ang puso ni Elizabeth. Para naman siyang tanga! Nagpapa-cute lang sa kanya ng bahagya, feeling niya pinamumulahan na siya ng mukha! But hey, masisisi ba niya ang sarili? He's newly showered, the white shirt pressed against his broad chest, he smelled the after shave cologne that assaulted her nose even when he's a few steps away from her...at lalo siyang napikon sa sarili niya. Lebanon grinned. Lalo na ng ma-realize nitong ina-asses siya ng dalaga mula ulo hanggang paa.




" Just what I promised you last night, Elizabeth. Liligawan kita. Here. "




Ang sabi nito na inaabot sa kanya ang flowers at brown bag. Imbis na tanggapin ang mga ito ay nameywang si Elizabeth.




" Manliligaw ka?! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Tanghaling tapat, umaakyat ka ng ligaw?! Ano ka, instik?! "




" Ate Elizabeth, sa Australia uso din duon ang manligaw ng mga ganitong oras! "




Ang sabe ni Lace na tumawa ng malakas. Tiningnan siya ni Elizabeth at naisip niyang makukurot niya sa singit din 'tong batang 'to! Ano pa ba? Sinuportahan ang kuya! Kumilos naman si Cali para kunin ang flowers at paper bag mula kay Lebanon. Mukhang maninigas at dadaan ang pasko, pero ang ate niya'y hindi kukunin ang binibigay ng kanyang unexpected visitor.




" Hala ate naman, nagsusungit ka pa! Nag-kiss na nga kayo ni kuya Lebanon, para ka pang ano jan! "




Pinanlakihan ng mata ni Elizabeth ang kapatid. Ibibitin niya talaga 'tong isang to patiwarik sa puno nila sa Isabella!




" Cali, anong nalalaman mo sa mga ganiang bagay?! Lagot ka talaga sa nanay mo 'pag uwi natin sa Isabella! Hoy, kayong dalawa nga, "




Biglang namawis ang nuo ni Elizabeth sa stress. Hindi niya gustong makita ng mga kapatid nila ang mga magaganap na conversation nila ni Lebanon. Everything about them are all sensitive. Napaka-liit ng bahay nila para magbulungan silang dalawa ng binata. Pretty sure, mag-aaway silang dalawa nito mamaya lang. Humugot ng wallet si Elizabeth mula sa bulsa ng kanyang apron at kumuha duon ng two hundred pesos.




" Mautusan ko lang kayong dalawa! Bumili kayo ng betsin, asukal at kape! 'Wag diyan sa malapit na tindahan sa labas ng compound! Duon sa ika-apat na kanto! 'Yung malapit sa Triple R building! Bilis na alis! "




Ang sabi ni Elizabeth kay Cali at Lace. Hindi niya gustong makita ng dalawa ang confrontations na mangyayari. Mas lamang na mag-aaway na naman sila ni Lebanon. Ang tigas kase ng ulo. Sinabi ng wala na itong aasahan sa kanya? She even emphasized that she's not even sure if she even loved him! And yet still, ang lalaking ito ay nag-iinsist ng sarili niya. Manliligaw pa nga sa tanghaling tapat! Tinanggap ni Cali ang pera at nakakaloko itong ngumiti sa kanya.




" Hala ate? Sa pagkakatanda ko, andame pa nating betsin, kape at asukal ah? Punong-puno pa ng laman yung cabinet natin since the last na iniwan natin 'tong apartment! Aanhin mo pa 'tong ipabibili mo sa amin? "




Sinamaan niya ng tingin si Cali. Minsan talaga 'tong kapatid niya ansarap ipamigay sa ibang pamilya!




" Me bisita ako 'di ba? Manliligaw daw eh! Pwes, ipapakain ko sa kanya yung pinagsama-samang betsin, kape at asukal! Ang kulit mo! Isa pa ha! "




" Weh?! Gusto mo lang masolo si kuya eh?! Hala ate ang landi mo! "




Hindi nakapag-pigil si Elizabeth at dinaklot ang unang gamit na nahawakan para ibato sa kapatid na sadyang pinipikon siya. Sa mga panahong iyon ay mapag-patol siya, kaya napipikon siya sa mga ganung joke ng kapatid. Nagtititili at mabilisan namang lumabas si Cali kasama si Lace. Nang masigurado niyang wala na ang dalawa, tiningnan niya ng masama ang lalaking kanina pa siya pinapanood. He was scrutinizing her from head to foot, while he was silently smiling as if he likes what he's seeing. Elizabeth frowned, nose flared. Inirapan niya ang lalaki saka siya walang lingon na tumuloy sa kusina.




" Magkaliwanagan nga tayo Lebanon! Anong hindi mo naiintindihan sa part na ikakasal na ako? I think you were even present when Zep proposed! Kaya pwede? Tigilan mo 'tong pang-uuto sa akin na manliligaw ka at ganyan! "




Ang sabi ni Elizabeth na kinuha ang kutsilyo sa taas ng counter ng kusina at itinapat pa sa direksiyon ng hindi pa nakakalapit na binata. Sumunod kasi ito kung saan siya pumunta.




" Hanggang diyan ka na lang! Subukan mong lumapit sa'ken, ikaw ang ipang-sasahog ko sa mga gulay sa kawali! "




Ang sabing pagbabanta ni Elizabeth. Lord above, she can't be near the man! Baka mabaliw siya! Baka bumigay siya! Sa simula pa lang ng storya nila, napatunayan na niyang marupok siya every time na three steps away lang ang binata sa kanya. Nakita niyang sumandal ito sa pader na naghahati ng kusina sa sala. Finold nito ang mga braso sa harapan.




" Really. Then why in the world did Zep flew for Bacolod like, "




Saglit itong tumingin sa diver's watch nito, saka ibinalik ang nakakalokong tingin sa kanya.




" ... exactly eleven thirty in the morning? Like now? Kung totoo ang relasyon mo kay Mr Hidalgo ay fiancee, hindi ba't dapat ikaw ang naghahatid sa kanya ngayon sa NAIA? Or maybe, dapat kasama ka niyang pabalik sa Bacolod? Unless kagabi pa lang ay nag-break na kayo! "




Lebanon gave him a look of triumph. Natigilan si Elizabeth at halos murahin na niya lahat ng mamumura niya sa utak. Peste 'yan. Paano naman nalaman nitong lalaking 'to ang lahat ng ganitong important information? At may point si Lebanon. Bakit ba niya kase hindi 'yun naisip in the first place? Magpe-pretend na lang siyang girlfriend ni Zep, hindi pa niya ginalingan? Nakakapanggigil! Nagsalita siya habang dinu-duro duro ang binata ng kutsilyo.




" Lebanon, una sa lahat, wala ka sa posisyon na tanungin ako sa mga bagay na kino-consider 'kong private! Pangalawa, I don't owe you any explanation! Relasyon namin ni Zep 'to! Labas ka na 'dun! "




Ang sabi ni Elizabeth na ibinuhos ang galit sa hinihiwang kalabasa. Nakita niyang tumango si Lebanon, pero ang mukha ay obvious na hindi naniniwala. Maya maya pa'y naglakad ito na ang mga kamay ay nasa bulsa ng jeans. Hindi namalayan ni Elizabeth na nasa tabi na niya ang binata. Sumandal ito sa kitchen counter na malapit sa kanya, kung saan duon walang awang hinihiwa pa rin ng dalaga ang kalabasa.




" Then tell me, Elizabeth. Why do you have to lie to me? "




Ang sabi ni Lebanon na ang mukha ay kadangkal lamang sa tenga ni Elizabeth. Parang na-comatose ang pag pu-pump ng dugo sa puso ng dalaga. Immediately, she felt his breath brushed her neck and she thought she'll collapse. Amoy na amoy pa niya ang minty breath nito. Natigilan siya sa statement ng binata. Kinailangan niyang huminga ng malalim bago pa niya ito lingunin. But then again she wished she had not. Muntik ng magkabunggo ang mga ilong nila nung saktong hinarap niya ito. His face was an inch away from hers.




" Anong sabi mo?! Ano ba! Lumayo-layo ka nga sa'kin jan! Naaalibadbaran ako sa'yo! "




Ang sabi ni Elizabeth na itinulak palayo si Lebanon. Pagkatapos 'nun ay siya naman ang tumalikod 'din para puntahan ang kanyang sinaing. Wala namang kailangang gawin sa sinaing niya. Luto na 'yun. Kailangan lang niyang makalayo. The man was invading her senses. Ang gwapo kase ng gago sa white tshirt niya. Ambango pa.




" I will repeat, Elizabeth. Ang sabi ko nagsisinungaling ka. "




Muli ay finold ng binata ang mga braso sa kanyang harapan. Hinarap ni Elizabeth si Lebanon na hawak ang sandok.




" Ano na naman 'yang pinag-sasabi mo?! Kelan ako nagsinungaling sa'yo at bakit ako magsisinungaling sa'yo?! "




Hindi alam ni Elizabeth kung saan pupunta 'tong usapan nila. Pero kinakabahan siya. Specially when the guy openly and arrogantly smirked at her.




" I got it, Elizabeth. Hindi ka magsasabi ng totoo. So, let me begin asking you. How can you call yourself still having a relationship with Mr Hidalgo if he got himself a wife even before he flew back for Bacolod? Does the name Simone De Asis ring a bell to you? Yes? I'm positive. Naipakilala na siya sa'yo when you were in Bacolod. Ang lalaking ina-nounce ang engagement niyo kagabi lang ay nagpakasal ng madalian sa huwes under Judge Leviticus Buencamino. How the hell was I able to get the details? No, hindi ko kailangan ng tulong ng agency ko para malaman ko 'yun. Have I ever mentioned that Judge Buencamino is my mother's elder brother? Mas malamang na hindi naman ako pagsisinungalingan ng uncle ko, I guess. Am I right? "




Ang unang nag-sink in sa utak ni Elizabeth ay ang balitang biglaang pagpapakasal ni Zep kay Simone. Her smile widened. Anak ng tinapay! Seryoso 'yun? Sa isang kisap-mata, dinaig pa ang mga teenagers na nagtanan?! Kinasal agad! Nang ma-realize ni Elizabeth na pinapanood ni Lebanon ang bawat reaksiyon niya ay mabilisan niyang binawi ang kanyang malapad na ngiti. And then she realized. Wait lang ha? Ano 'to, pinapaimbestigahan ang bawat kilos at kwento ng buhay niya? And sht, so paano niya ngayon i-eexplain sa lalaking 'to ang hoax engagement niya kay Zep?! At bakit siya mag-eexplain?! She felt cornered. Pressured even. Biglang namawis ang noo at likod niya. Nagco-compose pa lang siya ng sasabihin niya sa binata ay saka naman ito nagsalita.




" Now Elizabeth, tell me. Paanong magkakaroon ka ng romantic relationship kay Zep, kung kaninang umaga lang ay madalian silang nagpakasal ni Ms De Asis, now Mrs Zepellin Leandro Hidalgo? I am under the impression that without a doubt, you are single. At base pa sa reaksiyon mo sa ibinalita ko sa'yo, bakit parang hindi ka man lang na bother na ang tinatawag mong fiancee ay kasal na ngayon sa kanyang long time best friend! "




Ang sabi ni Lebanon na ipinatong na ang mga kamay sa beywang. He looked like a predator to her. Parang biglang nanliit ang kusina niya habang tinitingnan niya ang binata at habang pina-process niya sa utak ang sasabihin. Eh ano nga ba ang pwede niyang ilusot? Buking na siya. But as if aamin siya! Elizabeth swallowed hard first. Itinaas niya ang baba at kilay para maiparating sa lalaking ito na hindi siya nayanig sa mga nalalaman nito.




" O, tapos? So, kinasal sila? O, e ano naman? Ano bang malay mo? Gaya ng dati, sayang-sayang ako pag nakapang-agaw ako ng lalaki ng iba! Nung una, boyfriend lang sinusulot ko. Ngayon, asawa na! Sarap kaya maging kerida! 'Yung tipong ka-sex mo siya habang ang legal na partner ay walang kamuwang muwang sa ginagawa niyo at naghihintay siya sa sala? Like... Taygan. Yeah. Sinanay mo ako eh. I was your paramour, Lebanon. Kabit mo ako. Ano bang alam mo sa mga pwede ko pang gawin after I had an intense, thrilling, mind-blowing sexcapade and hidden relationship with you? Wala! Tsaka bakit ba nag-eexplain ako sa'yo? As far as I know, we're done. We're not even friends! At pwede? Stop stalking me! Iniimbestigahan mo ako? Tigilan mo! "




Tumalikod si Elizabeth ng sa tingin niya'y nagiging emosyonal na naman siya. Sht. This conversation obviously took the best of her. Nayayanig siya sa bawat statement niya at naiinis siya sa sarili na ma-realize na ang previous relationship nila ni Lebanon let out her inside beast. Hindi naman siya ganito. In fact, hindi niya naisip na may abilidad pala siyang makapang-agaw ng pagmamay-ari ng iba just because nagmamahal siya ng sobra. Nakagat ni Elizabeth ang labi. She closed her eyes as she felt herself on the verge of crying again. Nakakainis. Nakakainis talaga. Hindi makakabuti si Lebanon sa kanya. To her sanity, most specially to her heart. Napipikon niyang inihilamos ang mga kamay sa mukha ng maramdaman na tumulo na ang luha niya. Narinig pa niyang nakatayo na sa likod niya si Lebanon at nagpakawala ito ng malalim ng hininga. Elizabeth could imagine the frustration on his face. Sapol ito sa lahat ng mga sinabi niya. Totoo naman eh.Then there was silence.




" Elizabeth. "




She heard him on his baritone voice. Itinaas niya ang isa nyang kamay para patigilin ito sa mga sasabihin pa nito sa kanya.




" Please, tama na. 'Wag na. Just... don't. "




Gustong sampalin ni Elizabeth ang sarili ng gumaralgal ang kanyang boses. Hindi niya gustong ipakita sa lalaking ito ang weakness niya, na apektado siya sa presence niya. Ito yung part na ayaw niyang makita ni Cali at ni Lace. Napaka kumplikado kase ng sitwasyon nilang dalawa at kokonting tao lang ang nakaka-alam ng totoo. Huminga siya ng malalim habang nararamdaman ang presensya ni Lebanon sa kanyang likod. Para itong walang pinapakinggan, mas lumapit pa ito sa kanya.




" Elizabeth, I beg to disagree. Hindi ka naging kabit sa relasyon natin. It was my choice to love you and by the time na nagmamahalan na tayo, on the rocks na kame ni Taygan 'nun. It was... complicated. Hindi ako magmamalinis. I'm sorry. Believe me. I'm sorry if I made you feel that way. Damnit. Hindi ko gustong maramdaman mo 'yan because napaka-importante mong tao, kase ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ayoko na gumawa ng excuses. Mali ako eh. "




Lebanon sounded pained. Hindi man niya ito nakikita pero alam niyang hirap na hirap ito sa pagsasalita. She almost went out of her skin when she felt his arms encircled her waist from behind. Ang katawan nila'y sinadyang pinagdikit. Lalong napapikit si Elizabeth ng isiksik ni Lebanon ang mukha sa kanyang leeg. Shtness, ramdam na ramdam niya ang mainit nitong paghinga sa kanyang balat, ang malapad nitong katawan sa kanyang likod at ang muscled arms nito sa kanyang katawan.




" Love, I'm sorry. It might take eternity for you to forgive me. I can handle that. You can push me away, slap me on my face, reject me all you want, curse me to hell... but let me love you. Wala namang problema kung hindi mo ako minahal. I'll make you love me again. Come back to me. "




Halos mamaga ang lalamunan ni Elizabeth sa pagpipigil ng iyak. Binuksan niya ang kanyang mga mata ng pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya. The man was begging as if next to it was his lifeline. She lightly shook her head as if clearing her mind. Mali ito. Hindi ito pwede. Unti-unti niyang inalis ang braso ni Lebanon na nakapulupot pa rin sa kanya. Para namang naintindihan ng binata at kusa na itong lumayo at kumalas sa kanyang likod.




" Ayoko na. Ayoko na sa'yo. Sana malinaw na 'yan sa'yo. "




Ang sabi ni Elizabeth na hindi na gusto pang pahabain ang explanation niya. Again, narinig niyang bumuntunghinga si Lebanon. Inabot ni Elizabeth ang toyo na pang adobo niya sana na nakalagay sa mangkok. Kailangan na niyang kumilos. This conversation delayed her too much. Narinig niyang nagsalita ang binata.




" Why. "




Ang sabi ni Lebanon sa flat na tono. Saktong umikot si Elizabeth dala ang mangkok at para na rin sagutin ang argument ng lalaki and when she least expect it, bumangga ang mangkok na may lamang toyo sa katawanan ni Lebanon. Napatili pa si Elizabeth. Napaurong naman ang natapunan sa tshirt niyang puti ang binata. Pero huli na ang lahat. Naitapon lahat ang nangangamoy at nangingitim na condiment sa damit ni Lebanon. Nanlalaki ang mga mata ni Elizabeth na napatingin sa mantsa. At hindi lang basta mantsa. Masagwang mantsa.




" Ano ka ba naman, Lebanon! Ayan tuloy! Bakit ka kase nakaharang! Kahit kelan ka talaga ang hilig mong humarang sa dinadaanan ko! "




Ang sabi ni Elizabeth na lumingon lingon pa para maghanap ng basahan o tissue. But of course, useless 'yun. Nagulat pa siya at napatinging muli sa kausap ng ito'y malalim na tumawa. Niyuko ni Lebanon ang sarili habang nakapameywang. He was smirking hotly when he eyed her again.




" I guess nakaganti ka na sa akin nung first time kitang matapunan ng spaghetti sauce sa damit mo nung nasa kitchen tayo ng Villa Diamante. You know? Our first encounter? "




Ang sabi ni Lebanon na lumalapad ang ngiti sa remembrance. How could he ever forget? Una pa lang niyang makita ang dalagang naka mini blue dress ay parang biglang nag-slow motion ang planet na ginagalawan niya. Sumimangot si Elizabeth.




" Hindi 'yun ang unang encounter natin! 'Yung pinaka-unang encounter natin 'yung hinanap ko si Nadia at nakiusap ako sa'yo na gusto kong makausap yung ES ng CEO kase emergency! Eh antipatiko ka? Ang yabang mo 'din kase! Alam mo kahit kelan, nakakapikon ka! "




At lalo pa siyang nainis kasi'y napakagat pa ng lower lip si Lebanon sa sinabi niya.




" You remembered? "




Ang sabi ng binata na hindi pansin ang dumidikit na basang tshirt sa kanyang katawan. Lalo namang napasimangot si Elizabeth. Ano ba naman kase. Pina-alala pa niya. Tiningnan niyang muli ang tshirt ng binata na alam niyang in no time, ay mangangamoy na.




" Ewan ko sa'yo ha?! O, paano ngayon 'yang shirt mo? Umuwi ka na kase! Senyales na 'yan na kailangan mo ng umalis ng bahay ko! "




Pagtataboy ni Elizabeth kay Lebanon na parang isinuklay pa ang kamay sa humahaba ng buhok. 'Nang yan, ang gwapo ng kurimaw na'to! Macho eh! Naiiritang naisip ni Elizabeth, ng biglang parang may naisip ang binata sa pananahimik nito habang nakatitig sa kanya, at pagkatapos nun ay nagsimulang kumilos.




" Why would I go home? Hindi pa tapos ang oras ng pag-akyat ng ligaw ko sa'yo? Maliit na bagay, Elizabeth. "




Then as she least expected it, Lebanon took his shirt off. She literally froze. Nabato-balani si Elizabeth na napahawak pa sa kitchen counter ng parang slow motion sa tingin niya ang pag taas ng shirt ng binata, showing first his 'V' shaped hips, followed by his navel with those tiny hairs that went south, after which his six pack abs and finally, the guy's muscled chest. Hindi alam ni Elizabeth kung hanggang kelan siya naka-titig, o kung naka-ilang lunok siya sa nanuyo niyang lalamunan. The man was a walking evidence of what and who Mr. Sexy is. Tang'na, nag-iinit bigla ang katawan niya! Nang tingnan siyang ulit ni Lebanon ay unti-unti itong napangisi. Bloody hell, napaka-transparent niya, malamang alam na alam na nito ang kadumihan ng utak niya! Napapunas si Elizabeth ng pawis sa kanyang nuo.




" Naiinitan ka? "




Lebanon grinned. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya habang hindi inaalis ang eye contact sa kanya. Siya naman ay parang tangang nakipagtitigan din, ang dib-dib niya'y may parang libo libong drums na kumakabog. Nang makalapit si Lebanon ay may inabot itong kung ano sa kanyang likuran. As expected, nagdikit ang kanilang mga katawan at para lang siyang tangang hindi makaiwas sa laki at lapad ng katawan nito. Nang makuha na ni Lebanon ang kung ano mang kinukuha nito, iwinagayway pa ng binata ang object sa kanyang harapan.




" Tissue. Gusto mo? Pawis na pawis ka na. You're in heat, I think. "




Ang sabi pa nito na pinupunasan ang abs habang nakakalokong ngumingiti sa dalagang namumula na ang mukha. Elizabeth's nose flared in anger. The man was apparently seducing her.




" Mukha mo in heat! Oo, mainit sa kusina! Nagluluto ako eh! Umalis ka nga sa harapan ko at magsuot ka na ng shirt! Makita ka pa ng mga bata, magtanong yung mga 'yun bakit para tayong may ginagawang milagro dito! "




Ang sabi ni Elizabeth na nilingon pa ang pintuan kung dumating na ang mga kapatid nila. Lebanon smirked at that.




" Elizabeth, ako lang naman ang topless sa ating dalawa. You're not naked or anything close to that. 'Yan siguro din ang dahilan bakit naiinitan ka? Unless ako ang dahilan kung bakit ka in heat! "




Lebanon was obviously teasing. Tumawa ito ng malakas. Naiirita na namang naglakihan ang butas ng ilong ni Elizabeth. Nagagalit siya sa dahilan na ang huling statement na iyon ay parang tuksong nagdulot sa kanya ng mga nakakakiliting sensation, nanikip bigla ang kanyang bra! Hindi 'to maganda! Pesteng baritone voice 'yan! Ano-anong nararamdaman niya!




" Lebanon, kung gusto mo pang maayos kitang kausapin pagtapos ng conversation na'to, ngayon din layuan mo ako! Pumasok ka sa kwarto! Me mga shirt ka pa dun! Alis na! Bilis! Bwiset na'to! "




And Lebanon left her seething in anger. Angry to herself. Naihilamos ni Elizabeth ang mga kamay sa mukha. Ano ba naman 'yan?! Parang isang buwan lang nung nag-sex sila nung lalaking 'to ah? Ano ba't parang ngayon lang niya nakita ang katawan nito na kung malaglag naman ang panga niya, para siyang tinigang na virgin?! But yes, she can't deny it. The man was oozing with so much sexiness, she wasn't left any choice but to stare... and stare more. Gustong sabunutan ni Elizabeth ang sarili. Naisip na lang niya na linisin ang natapong toyo sa sahig at hindi na siya magluluto ng adobo. Magluluto na lang siya siguro ng tilapia. Perfect na partner pa ng gulay niya. Nilalabas na niya sa ref ang minarinade na tilapia kagabe bago siya matulog, ng mapansing wala sa sala si Lebanon at para bang hindi na niya maramadaman ang presence nito. Sumimangot siya ng makita niyang nakabukas pa din ang kwarto niya at hindi naman niya narinig na lumabas ng pintuan ang binata.


Then a petrifying realization had her almost fainting. Paksht! Pinapasok niya si Lebanon sa kwarto na kasalukuyang ginagawa nilang nursery room! Nandito nakaimbak ang crib, mickey mouse na beddings at sheets, diaper supplies, baby monitor, baby swing, stroller, wall art na may iba't ibang kulay ng alphabets! Daig pa niya ang pinanghinaan ng tuhod, pero parang me sunog ng takbuhin niya ang kwarto! Nabitawan niya sa kitchen sink ang mga isda!


Nang humihingal at humahangos pa niyang pasukin ang kwarto, ay kulang na lang himatayin siya sa heart attack. Sa nanlalaking mga mata, kitang kita niya na nasa tabi ng crib si Lebanon, habang ang binata ay bising-bisi na ini-inspect ang mga nakasabit na palamuti sa taas ng crib. Nang mapansin ng binata na nakapasok na siya'y itinigil nito ang ginagawa. He stared at her. His green eyes pinned her as her body refused to move a bone. Ang instensity na binibigay ng mga mata nito ay siyang dahilan kung bakit para siyang naestatwa sa kinatatayuan. God please, pinanlalamigan siya bigla ng buong katawan. But Lebanon's voice were colder. Dangerous too. Bigla siyang natakot ng muli itong nagsalita.




"Care to explain? "




Oh no. Hindi pwedeng malaman ng lalaking 'to na pinagbubuntis niya ang anak nito. No.


Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 54.1K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #1 (MARIUS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED) ********** Bully ang pagkakakilala ni Marius kay Vina dahil kinder pa lang sila...
1.3M 18.3K 40
Dice and Madisson
4.4M 20.2K 7
"Forgetting a debt doesn't mean it's paid." But I didn't forget him. I knew I owed him a huge amount of money. He paid me even though he wasn't able...