BOOK 4 > Ch. 22 ~TEN MINUTES~

8.4K 262 18
                                    



" One boy. Thousand feelings."







Hindi makapaniwala si Elizabeth na nag-toss coin pa ang dalawa para lamang malaman kung sino ang unang sasargo. Advantage na maituturing kung sino man ang unang makakatira sa isang billiard game na ang main trophy ay walang iba kundi siya. Advantage sapagkat kung sino ang makatapos ng 9-ball ay may isang puntos na ito. Ang hindi naman niya maintindihan ay kung bakit kailangan pang mang-challenge pa ni Lebanon at sa lahat pa ng taong hahamunin nito ay si Zep na parang ipinaglihi ng nanay nito na me kasamang billiard stick. High school pa lang sila ay ito na ang forte ng binata. Hanggang sa sumikat na nga ito, International wise, sa dinami ng ipinanalo nito sa Olympics at SEA games.


Nang makita niyang si Zep ang nanalo sa toss coin ay para naman siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Matagal na niyang tinapos ang ugnayan niya kay Lebanon at hindi na niya gustong buksan pa ang chances nila ng binata ng dahil lang sa makakasayaw niya ito at masosolo siya nito sa dance floor. Gustong-gusto na niyang umuwi. Makakasama sa kalusugan niya at ng ipinagbubuntis niya ang magpuyat.


Nang mag-angat na siya ng paningin, nakita niyang walang kahirap-hirap na natapos ni Zep ang first set, habang sa hindi kalayuan ay nakasandal si Lebanon sa pinakamalapit ding billiard's table. Pinapanood siya ng binata, ang atensyon nito ay wala sa billiard game habang ang mga braso nito ay naka-fold sa harapan nito. Nang magtama ang kanilang mga mata'y parang siyang tangang nakipag-titigan naman. And when he didn't look away, the man actually smirked at her as if he was challenging her to move and argue with him. Sinimangutan niya si Lebanon habang walang humpay pa rin silang nagkaka-titigan. Nakaka-pikon 'tong lalaking to. Ayaw siyang bigyan ng peace of mind! At habang busy silang dalawa sa pakikipag-titigan sa isa't-isa, narealize na lang nila na tapos na si Zep ang second set na as if normal lang sa taong to ang araw araw na paglalaro ng billiards.




" Hewitt, are you still sure you want to continue this? "




Ang sabe ni Zep na ikinakasa na ang pangatlong set. Ngumingiti ito ng nakakaloko. Duon naputol ang pagtitig sa kanya ni Lebanon ng lingunin nito si Zep. Lebanon's lips twisted and he was acting as if he didn't mind losing.




" I am so far enjoying it, Mr Hidalgo. Take your time. 'Wag mo ako masyadong iniisip. "




Ang sabe ni Lebanon na ibinalik ang atensyon sa dalagang kaunti na lang ay malapit ng mag-walk out. Tatayo na sana si Elizabeth para bulungan si Zep na gusto na niyang umuwi dahil obviously, walang kahirap-hirap nitong mapapanalo ang nine set ng billiards, nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang silipin ni Elizabeth kung sino ang tumatawag ay nagtaka pa siya kung bakit may international number ang nag-register sa screen ng kanyang cellphone. Bahagya siyang sumimangot saka niya sinagot ang tawag.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon