BOOK 4 > Ch. 15 ~ THE PARAMOUR'S PRESENT AND HER PAST~

9.2K 282 22
                                    


i...







At parang dinaig pa ni Elizabeth ang nakita ang sarili ng biglang nag-flashback ang mga pangyayari, sampung taon na ang nakakaraan ng gabing iyon na ginanap ang JS prom ng kanilang eskuwelahan, ng ulitin ni Zep ang inosenteng proposal na iyon.




Buong gabing nakasimbakol ang mukha ng kinse anyos na si Elizabeth, habang pinapanuod ang di hamak na mas matamis pa sa buko salad, na kinakain niyang dinner at kasama sa isa sa mga binayaran nila sa JS prom, ang parang may mutual understanding na si Geneva at Zachary. Hindi pa naman sila magkasintahan. Walang nakaka-alam 'nun. Pero marami ng nakakapansin sa special treatment na binibigay ng campus heartrob na si Zachary sa campus soon-to-be Valedictoian na si Geneva. Nagsasayaw ang dalawa sa gitna ng dance floor sa walang kamatayang 'King and Queen of Hearts' ni David Pomeranz, makatapos i-announce na ang sweetest couple ng campus ay ang King ang Queen of the night. Kanina lang, bago pa siya kumuha ng pagkain, ay sinimplehan naman siya ni Matthew Rivera, isa sa mga Senior CAT officers, na tulungan itong makasayaw ang isa pa niyang kaibigan na si Nadia. Bagkus sa pagtataray ng Editor-In-Chief ng kanilang campus newspaper, ay napapayag naman ito.


Malakas na dumighay si Elizabeth matapos niyang ubusin ang pagkain sa plato. Bising-bisi ang mga kaibigan niya sa kanya kanyang buhay pag-ibig. Habang siya ay parang tanga lang na bored na bored na sa JS prom na ito. Hindi naman iyon ang ikina-uurat niya. Naiinis lang siya sa ideya na dapat ay wala siya sa lugar na ito kundi duon sa concert ng paborito niyang boy band na Backstreet Boys! Kung pumayag lang kase ang nanay niya na imbes na magbayad sa isang JS prom na hindi naman niya gustong attendan, ay sana pumayag na lang ito na ibili na lang niya ang pera sa tiket ng concert kung saan first time niyang makikita si Nick Carter. I mean, it's not everyday na magtu-tour ang nasabing boy banad sa Pilipinas. Nasayang lang ang gabi niya sa isang walang kwentang JS prom.


Umiinom na siya ng iced tea at naisip niyang umuwe maya maya lang para masabe lang na may attendance siya, ng biglang may grupo ng mga Juniors na parang tinutulak ang isa sa mga kasamahan nila sa table kung saan siya nakaupo. Nang bigyang pansin ni Elizabeth ang walong lalaki, na nakilala niyang nabibilang sa Billiards Team, ay ikinagulat pa niya na tinutulak ng mga ito sa harapan niya ang parang alumpihit at hihimatayin na si Zepellin Leandro Hidalgo. Narinig pa niyang sinabe ng isa sa mga third year high school,




" Napaka-Tsupe mo Zep! Chance mo na'to! Nag-iisa si Elizabeth sa table o! "




At ng mahalata ni Zep na nakatingin si Elizabeth sa kanila sa curious na mata ay umayos siya ng tayo. Ang mga Junior high na kasama nito ay dali daling tumakbo palayo ng ma-realize na nakuha na nila ang atensiyon ng long time crush ng ka-team mate nila. Inosenteng pinagmasdan ni Elizabeth ang hindi mapakaling si Zepellin. Mukha itong hindi mapa-anak na pusa na hindi alam kung saan pupunta, na hindi pa makatingin ng direcho sa kanya at nakamot pa ng ulo. Sa huli ay huminga ito ng malalim at naupo sa silya na malapit sa kanya. Takang taka si Elizabeth sa kaharap. Parang gusto na niyang maniwala sa chismis na kumakalat sa campus nila na may tinatagong paghanga sa kanya si Zep. Hindi naman niya binibigyang pansin sapagkat hindi naman siya interesado. Na sa batang puso niya ay si Nick Carter lang ang lalaking pakakasalan niya balang araw. Miminsan lang niyang nakausap si Zep. Hindi sila close. Nakausap niya ito ng ikampanya pa niya na iboto si Geneva bilang Queen of the night sa nalalapit na JS prom. Maliban duon ay ni hindi niya nararamdaman ang existence ng kapatid ng boyfriend ni Geneva.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now