The Dare

By ricisreveries

137K 3.9K 248

New journeys brought by a game. (GTS #1) Copyright © 2015 More

THE DARE
Prologue
Chapter 1: Strikes
Chapter 2: Red book
Chapter 3: Dare
Chapter 4: Napkin
Chapter 5: Closer
Chapter 6: Fb Messages
Chapter 7: Bakit ngayon pa?
Chapter 8: Good night
Chapter 9: Second time
Chapter 10: Kiss
Chapter 11: Unexpected
Chapter 12: Nothing more
Chapter 13: Confirmed
Chapter 14: D6
Chapter 15: Boyfriend
Chapter 16: Sobrang tanga ko ba?
Chapter 17: Park
Chapter 18: Manugang
Chapter 19: I hate you
Chapter 20: Proposal
Chapter 21: Frittata
Chapter 22: Don't worry
Chapter 23: Other side
Chapter 24: I choose her
Chapter 25: Torpe's Confession
Chapter 26: I'm leaving
Chapter 27: First Rule
Chapter 28: Moving on
Chapter 29: True love
Chapter 30: Trouble
Chapter 31: Breakup
Chapter 32: D6 rebuilt
Chapter 33: Courting
Chapter 34: Friends again
Chapter 35: I quit
Chapter 36: Sacrifice
Chapter 38: Move Forward
Chapter 39: Years later
Chapter 40: First night together
Chapter 41: Lines
Chapter 42: Hurting
Chapter 43: Ashley
Chapter 44: Trick?
Chapter 45: Birthday
Chapter 46: Preparation
Chapter 47: Mr. Right
Chapter 48: Angels
Chapter 49: Picnic
Chapter 50: Responsibilities
Epilogue
Simplyponchiie's Note
HELLO!

Chapter 37: Yes

2.2K 97 13
By ricisreveries

Ice's POV

Magi- isang buwan na akong naghihintay dito sa Pilipinas para sa pagdating nila Yanna at Lance.

Alam kong nakauwi na si Bea kaya silang dalawa nalang ang hinihintay ko.

I know they'll help me. Besides, alam ko namang hindi agad-agad na sasagutin ni Pat si Xider kaya pwede pa naman siguro akong mag- register sa panliligaw diba?

~Calling Lance...

[Sup bro? Napatawag ka?] bungad niya sakin sa kabilang linya

"Kelan kayo uuwi?" tanong ko

[Tsk. Miss mo na ko tol no?] kung nandito siya, malamang kanina ko pa siya nabatukan.

"Tss. Kelan nga kasi?"

[Tomorrow dude.] para akong nabuhayan sa sinabi niya. Aba! Katagal ko kayang naghintay.

"Yes! Sige sige. I'll see you tomorrow. Punta nalang kayo dito sa bahay ko sa Laguna. Pakisabi nalang din kay Bea. Thanks."

[Bakit ba atat ka? May pa- yes yes ka pang nalalaman diyan. Speaking of Bea, nagkita na ba kayo ulit? Alam na namin ang nangyari Ice. Kumusta ka na pala bro?]

"Malalaman niyo bukas. Di pa kami nagkikita ni Bea. And I'm okay dude." sabi ko

[Mabuti naman kung ganun. Sige, I need to hang up already. See you tomorrow dude.]

"Lance! Nakapagluto na ko request mo!" dinig kong sigaw ni Patricia sa kabilang linya

"Teka Lance, kumusta na pala si Pat? Magkakasama pala kayo ngayon?" tanong ko habang nakangiti.

[Okay naman siya. Tapos na siya sa pag- aaral ng Culinary. Sayang wala kayo dito.] sagot niya

"Sayang nga. Can I talk to her?" I asked

[Pat! Kakausapin ka raw ni Ice!] sigaw ni Lance sa kabilang linya. Nakakabingi.

[Hello Ice?]

Hay. Narinig ko na naman ang boses niya. Tignan niyo, nababakla na naman tuloy ako.

"K-Kumusta? Congratulations pala Chef." nakangiti kong sabi kahit alam kong di naman niya nakikita yun. Nababaliw na talaga ko. I mean, matagal na talaga akong baliw. Sa kanya.

Aish, corny ko!

[Okay naman ako. Haha! Thank you! Ikaw? Kumusta? I heard what happened. Sana okay ka lang.]

"I'm fine Pat. Okay lang ako dito.

[Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nakipag- away ka sa tatay mo? Siguro sinungitan mo no? Hahaha! Joke.] ganda talaga ng tawa niya.

"Malalaman mo din ang tungkol dun." sabi ko

Ayaw kong sabihin sa kanya sa tawag lang, I want to tell her personally.

[Patricia! Nasan yung niluto mo?] dinig kong sigaw ni Yanna sa kabilang linya

[Nandiyan sa kusina! Baka kinakain na ni Lance!] sigaw din ni Pat

"Magkakasama ba kayo?" tanong ko

[Ah oo. Nagpaluto kasi ng Frittata si Lance. Yung niluto ko dati sa Disix. Tanda mo pa ba?] iba ang tono niya habang tinatanong yan.

Inalala ko pa tuloy. At hindi agad ako makasagot nang maalala ko yung sinabi ko sa kanya sa luto niya ng Frittata.

*flashback*

"Sorry kung hindi masarap." sabi niya habang nakayuko. Siguro akala niya hindi masarap yung mga luto niya.

"What are you talking about?! This is the best Fleur burger I've ever tasted!" natutuwang sabi ni Bea

Napaangat ang ulo niya.

"Honestly, first time kong makatikim ng caviar roll na hindi epic ang lasa. Congrats." sabi ni Lance habang kumakain pa rin

Napangiti naman siya dahil dun.

"You should make me one ng cupcake na to. O my ghad! Hahaha best cupcake. Sakto lang, hindi sobrang tamis or what." sabi ni Yanna

"Nakakapanlaki ng mata 'tong cheesesteak mo. Hahaha! Congrats Pat." sabi ni Xider habang nakangiti "You're hired." bulong niya at kumindat

Kita ko ang saya sa mukha niya.

Sa totoo lang, sobrang sarap ng Frittata na pinatikim niya sakin.

Yung sobra talaga.

Magsasalita na sana ako nang maalala ko ang convo naming anim sa Group chat kagabi.

Yung sobrang kasweetan ni Xider at Pat.

Para akong mamamatay sa selos.

Bigla tuloy uminit ang ulo ko.

Kaya imbis na good comment ang lumabas sa bibig ko, sumaliwa pa yun.

"Frittata huh? This is a complicated dish. At sa natikman ko ngayon, commom na yung lasa niya. Walang kakaiba." walang gana kong sabi

Napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko.

Habang nakatingin ako sa kanya, ini- imagine ko kung ano kayang itsura niya habang tinatyoe ang mga sweet na salitang iyon para kay Xider.

"Huh? Patikim nga!" -Bea

.

.

.

"Masarap naman Baby ah?" -Bea

Aish! Eto na naman siya. Alam ko namang gusto lang niya na masaktan si Pat kaya gumaganito siya eh. Pasaway talaga.

"Yeah yeah. I need to go, see you tomorrow baby. Thanks for the food." sabi ko kay Bea at kay Pat.

Tinawag kong baby si Bea dahil kanina niya pa pinipisil yung kamay ko na sumakay nalang. Hahaba lang ang usapan eh.

Puputakan na naman niya ako panigurado sa bahay kung hindi ako naki- ride.

~end of flashback

[Ice? Nandiyan ka pa ba?] tanong niya sa kabilang linya kaya natauhan ako

"Ah o-oo. Pwede bang humingi ng request?" tanong ko

[Ano yun?]

"Gawan mo rin ako ng Frittata." seryoso kong sabi

[Pfft. Seryoso?] tanong niya kaya kumot ang noo ko

Di naman ako nagbibiro ah?

"Oo."

[Hello? Nasa Pilipinas at nasa Paris ako. Paano yun? Ihahagis ko papunta diyan?] natatawa niyang sabi

Napaisip naman ako bigla.

Aish!

Nakaka- slow talaga kapag yung taong mahal mo na yung kausap mo.

Pero pupunta rin naman ulit ako sa Paris eh.

"Basta gagawan mo ko okay?"

[Tsk. Oo na, sige ibababa ko na ha? Bye Yelo.] she said then ended the call.

Napangiti na naman ako mag- isa.

Tinawag niya ulit ako na ganun..

"Yelo! Kain na!"
"I'm sorry din Yelo. Ah- I mean Ice."

****

Kinabukasan, maaga akong gumising para magluto.

Maya-maya lang alam kong nandito na yung tatlo.

And yes, marunong akong magluto.

Palihim akong nag- aral ng Culinary mula noong umalis si Pat dito sa Pilipinas.

Pero di ko rin natapos. Una ko pa ngang natutunan yung Frittata na ginawa niya noon.

Di ko nga lang magaya yung masarap niyang luto pero masarap din naman yung akin.

Naligo na rin ako at nag- ayos.

Pagkatapos nun, umupo muna ako sa sofa sa sala atsaka nanood ng tv.

Bungalow lang ang bahay na ito pero maayos at maganda naman.

Pinagawa ko ito noon gamitng ipon kong pera dahil sa pagkanta.

Singer ako ng isang banda noon at kasama ko sa bandang iyon si Lance at Xider.

Kung ako ang singer, si Lance naman ng sa drums at si Xider ang guitarist.

May iba pa kaming kasama pero nagkawatak- watak kami mula noong pagbawalan ako ni Dad sa ganoong gawain.

Sinasayang ko lang daw ang oras ko. Sumama naman sakin yung dalawa hanggang sa magkaroon na rin kami ng kanya kanyang pagkakaabalahan.

Maya- maya, may pumaradang isang sasakyan sa harap ng bahay ko.

It's them.

Nakaramdam ako bigla ng kaba.

Sabay-sabay silang tatlo na naglakad papasok sa bahay ko, wala ng katok-katok.

"Suuup dude!" bati sakin ni Lance atsaka nakipag- fist bump.

Tinanguan ko nalang siya at ngumiti.

"Kumusta Ice?" tanong ni Yanna

"Okay naman." nakangiti kong sabi

Umupo yung dalawa sa sofang mahaba pero si Bea halatang nahihiya pa rin sakin.

"Upo ka na rin Bea." sabi ko sa kanya kaya sumunod naman siya.

I know she's trying to move on already.

"So, anong plano mo Ice?" panimula ni Yanna nang makaupo na rin ako sa single na sofa.

Kinakabahan talaga ko. Aish!

"K-Kain muna tayo." sabi ko at pumunta kaming lahat sa kusina para kumain.

Matapos nun, parang nakaipo na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanila.

"I need to tell you something." sabi ko sa gitna ng panonood namin ng tv dito sa sala.

Nilibang ko muna kasi sila habang nagpapalakas ako ng loob.

"Ano yun?" sabay na tanong nung dalawa.

Si Bea naman tahimik lang. Alam kong alam niya na rin ang sasabihin ko.

"Sorry kung tinago ko sa inyo lahat ng 'to..." -ako

"Guys, sorry din." nagulat ako nang magsalita si Bea

"Teka, ano ba 'to?" nagtatakang tanong ni Yanna

"Sorry kung hindi namin sinabi sa inyo ni Bea ang tungkol sa totoong relasyon namin. Alam kong wala pa kayong alam tungkol sa mga nangyari. Pero ngayon, gusto ko lang linawin lahat... Tinali ako ni Dad sa isang arranged marriage. With Bea."

Gulat na gulat silang dalawa na akala mo nakakita ng multo ang mga mukha.

"Bakit di ka kumalas agad?!" -Yanna

"Dahil ayoko. Sorry for being selfish. Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman mo Ice... At hindi ko man lang inisip yung mararamdaman ni Patricia noong mga panahong yun. I'm so sorry." -Bea

"Tol, bakit di ka man lang nagsabi samin?" -Lance

"Ayaw kong madamay pa kayo. Baka kasi pati kumpanya ng mga pamilya niyo sumabit kapag nagsalita pa ako. Nililinaw ko lang." -ako

"Bakit kailangan mo pa yang sabihin ngayon?" tanong ni Yanna sakin

"Kasi gusto kong ipaalam muna sa inyo lahat bago ko ipaalam dun sa babaeng mahal ko. Kay Patricia."

Nagkatinginan si Lance at Yanna.

"Liligawan ko rin siya. Ang tagal ko ng pinag- isipan ito. Sobra kasi akong naduwag noon eh. Pero ang mahalaga, babawi na ako ngayon diba? Ito nga rin yung dahilan kung bakit ako tinakwil ng tatay ko eh. Tingin niyo ba may pag- asa pa ko kay Pat?" tanong ko ulit sa kanila.

"Ah.. I-Ice, kasi ano eh.." -Yanna

"Sabihin mo na." bulong ni Lance sa kanya

"Ikaw na kaya?!" bulong naman ni Yanna pabalik. Para namang di ko sila naririnig.

"Ano ba yun?" tanong ko

"A-Ah, Ice, kasi ano---" -Yanna

"Patricia said yes already dude. Yesterday." -Lance

"What?"

"Sila na ni Xider." -Yanna

Narinig ko pa ang pag buntong hininga ni Bea.

Parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko.

Sila na talaga?

Putcha. Nasayang na sakripisyo ko! Takte naman oh. Huli na naman ako!

Tadhana naman eh. Lagi mo nalang akong pinaglalaruan.

Napakasakit naman!

Ganito rin ba ang naramdaman ni Pat noon o mas higit pa? Ang sakit pala kasi talaga.

Naramdaman kong may basa sa pisngi ko.

What the,

Umiiyak na naman ako?

Poop talaga oh.

Patricia Ramos, hindi ba talaga tayo destined?

_______

Patricia's POV

"It's a YES." I answered.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya atsaka ako niyakap ng mahigpit.

Nasaktan ako noon.

But I realized na hindi naman sapat na dahilan yun para magpakulong ako sa nakaraan.

Aish. Kung magsalita ako kala mo nagkaroon ako ng boyfriend noon eh nuh?

But nope.

Si Xider Gabriel ang first boyfriend ko.

Sabi nila, first love never dies.

At si Ice ang first love ko.

Pero tulad din ng sabi ng iba,

First love can be buried by True love alive.

And now till forever, alam kong si Xider na ang true love ko.

Nagpalakpakan ang maraming tao sa paligid.

Kasama na rito sina Yanna at Lance. Alam ko namang kasama din sila sa pakana na 'to eh.

Nasa isa kaming park ngayon at kami ang pumukaw ng atensyon ng lahat.

Punong puno ng petals ang paligid. Feeling ko nga parang nag- propose sakin si Xider na magpakasal eh. Sobrang bongga naman kasi talaga.

Dinaig pa yung mga napapanood ko sa tv.

"I'm the happiest man in the world right now... I love you Patricia. Mahal na mahal kita." bulong niya saking tenga

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ngayon ko nalang ulit ito naramdaman.

Sa sobrang pagkahumaling ko noon kay Ice, di ko man lang nakita si Xider.

Masyado akong nabulag.

Akala ko si Ice pa rin, pero hindi na pala.

"I love you too Xider, mahal na mahal din kita."

Humiwalay siya sa yakap pati ako.

And she gave me a gentle kiss on my lips.

Mararamdaman mo talaga na mahal na mahal ka ng isang tao sa bawat actions niya.

Actions speak louder than words eka nga nila.

"I can't believe you're mine now." he said.

"Ngayon, maniwala ka na." sabi ko habang nakangiti

"You're making me fall even more Patricia."

"The feeling is mutual Xider."

He smirked then give me a quick gentle kiss again.

Pinalo ko siya sa balikat,

"What was that for?" -siya

"Nakakailan ka na ha!" -ako

"Eto naman. Naglalambing lang eh. Isa pa nga." sabi niya at akmang hahalikan ako pero hinarang ko ang mga palad ko sa mukha niya

"Sige na nga, mamaya nalang sa bahay. Sobrang PDA na tayo eh." natatawa niyang sabi na nagpatawa rin sakin

"Sige ba." pagbibiro ko

"Now look up." -siya

Tumingin naman ako sa itaas.

"5. 4. 3. 2. 1." pagbibilang niya

Maraming fireworks ang pumutok sa taas.

At unti- unting lumalabas doon ang mga salitang,

Te amo, Saranghae, Mahal kita, I love you.
Patricia Ramos ❤️

___________

Author's note:

Sa lahat po ng nagbabasa ng story na 'to. You all could stop reading kung nac- cliche-han na kayo. At kung may tumutugma pong lines sa story ko na meron din sa ibang story, bukod po sa pagbibigay niyo ng offending comments, there's one more thing you can do. Alisin niyo 'tong story na 'to sa library niyo and stop reading. Ako naman po yung nagsusulat ng story na 'to at hindi kayo. :)

At dun naman po sa mga nakaka- appreciate, kahit marami pa kayong silent readers diyan, super thank you pa rin. :)

Continue Reading

You'll Also Like

145K 2.2K 44
(COMPLETED) Bradley Teo Lauchico High school friends fell in love with each other. Haunted by a traumatic upbringing and a cruel false accusation tha...
35.8K 935 55
He's the ultimate player, a Cassanova Perhaps. Sya si Chelo Gail Asuncion. I'm a Fighter, a Gangster as they called. I'm Heira Grace Chua And i'm...
3.1K 137 13
Second Generation #2 Cyfer Montecastillo
2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features