Invisible Girl (Reprint unde...

Bởi aLexisse_rOse

12.2M 195K 19K

Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and... Xem Thêm

Chapter One: Her Voice
Chapter Two: The Meeting
Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded
Chapter Four: The Shower Scene
Chapter Five: Unexpected Kiss
Chapter Six: Stick to the Plan
Chapter Seven: Jealous
Chapter Eight: Jealous part2
Chapter Nine: That Guy
Chapter Ten: Sick
Chapter Eleven: The Other Guy
Chapter Twelve: Chaperone
Chapter Thirteen: New Look
Chapter Fourteen: His Childhood Sweetheart
Chapter Fifteen: She's Jealous
Chapter Sixteen: The Light
Chapter Seventeen: Bad Dream
Chapter Eighteen: Fallin
Chapter Nineteen: Big Decision
Chapter Twenty: Last Day
Chapter Twenty One: Why Me?
Chapter Twenty Two: Back to Manila
Chapter Twenty Three: He's Curious
Chapter Twenty Five: Face Off
Chapter Twenty Six: Mistaken
Chapter Twenty Seven: Broken Hearts
Chapter Twenty Eight: DejaVu
Chapter Twenty Nine: Careless
Chapter Thirty: Surprise Guest
Chapter Thirty One: The Confrontation
Chapter Thirty Two: Moving On
Chapter Thirty Three: Love Rain
Chapter Thirty Four: Together Again
Chapter Thirty Five: Finale
Epilogue:

Chapter Twenty Four: He's Back!

311K 5.7K 988
Bởi aLexisse_rOse

Chapter Twenty Four: He's Back!

<Muriel POV>

Huminto ang sinasakyan kong taxi sa tapat ng malaking gate. Nagbayad ako sa driver. Pagkatapos bumaba na ako at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Nakita ko ang kotse ni Riley na nakaparada sa tabi. Nauna siyang nakauwi sa akin. Medyo nahirapan pa kasi ako na makahanap ng taxi. Natapat pa na rush hour at sobrang traffic.

Saka ko lang napansin ang isa pang kotse na nakaparada sa tabi ng kotse ni Riley. Kaninang umaga ay wala pa iyon doon. Hindi kaya may dumating na bisita?

"Girlfriend!"

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Isang matangkad na lalaki ang nakita kong nakatayo sa entrada ng bahay.

"J-jared?" Parang hindi pa ako makapaniwala sa nakikita.

He was smiling sheepishly. The jerk was really cute! Tama nga ang sabi niya dati. Mas bagay sa kanya ang description na cute kaysa sa guwapo.

Humakbang siya palapit sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Nang tuluyan siyang makalapit ay huminto siya sa harapan ko. Mga ilang segundo niya akong tinitigan. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm back!" And to my surprised, bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya. "I miss you girlfriend." I heard him said. At lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Akala ko hindi na tayo magkikita."

I couldn't help but smile. Hindi ko rin akalain na magkikita pa kami ulit. Narinig ko na lang na suminghot siya.

"Hey! Umiiyak ka ba?" Ang drama mo ha?" Tinapik ko siya sa balikat.

Tumawa lang siya. "Ba't naman ako iiyak? Sinisipon lang kaya ako." Ngunit lalo pa niyang hinigpitan ang pakakayakap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay madudurog ang mga buto ko sa yakap niyang iyon.

"Jared, papatayin mo ba ako?" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung mabingi siya sa boses ko. "Hindi na ako makahinga!" 

Binitiwan naman niya ako. Pagkatapos ay sinapo ng mga kamay niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo ng paulit-ulit.

"Jared, para kang sira!" Pigil ko sa kanya habang nakatukod ang mga palad ko sa dibdib niya.

"Hindi mo ba ako na-miss girlfriend?" He was still holding my face.

Nag-pout ako sa kanya. "May dahilan ba ako para ma-miss kita?"

Siya naman ngayon ang nag-pout. "Tampo na ako nyan! Halos hindi na nga ko makatulog sa kakaisip sayo. Tapos ikaw hindi mo lang ako naalala!" Lalo niyang hinabaan ang nguso. 

"Kung inaakala mong madadaan ako sa pagpapa-cute at pambobola mo, then think again!"

"Alam kong matagal na akong cute. At saka kailan ba kita binola? Lagi kaya akong seryoso pagdating sayo."

"Yeah right!" I rolled my eyes. wala pa rin siyang pagbabago.

"Seryoso talaga ako. At mahal kita. Aray!"

Isang sipa sa binti ang natanggap niya mula sa akin.

"Para saan yun?" Nakatingalang sabi niya habang sapu-sapo ang nasaktan na binti.

"Pa-welcome ko sayo! Gusto mong ulitin ko?" Bigla tuloy siyang umatras palayo sa akin.

"Sadista ka talaga! Pasalamat ka at mahal kita kung hindi..." Sinadya niyang ibitin ang sasabihin niya.

"Kung hindi ano?" Hamon ko sa kanya.

"Isusumbong kita sa may-ari ng bahay na ito." Tapos lumingon siya sa may pintuan. "Riley oh! Inaaway ako ng bisita mo!"

Hindi ko alam na naroon pala siya. Nakasandal siya sa hamba ng pinto at nakamasid lang sa amin ni Jared.

Kanina pa ba siya naroon?

"Hindi pa ba kayo tapos dyan?" Hindi ko gaanong maaninag ang mukha ni Riley dahil may kadiliman sa puwesto niya. Pero napansin ko ang iritasyon sa tinig niya. "Kanina pa nakahanda ang hapunan at nagugutom na ako." Tinalikuran niya kami at pumasok siya sa loob.

"What are you doing here?" Paglingon ko kay Jared ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya. Nag-iba na rin ang timbre ng boses niya. Parang nanibago tuloy ako sa kanya. "Alam mo ba kung anong pinasok mo?"

I sighed. "Trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito. At hindi ko ginusto 'to, Jared."

"But why here?"

"As if naman na may choice ako." I squared my arms.

"Umalis ka na dito. Doon ka na lang sa condo ko mag-stay."

"Bakit pa? Eh nandito ka naman!"

"Hindi ako pwedeng mag-stay dito."

Nagulat ako sa sagot niya. "What?"

Nilagay niya ang kamay sa bulsa ng pantalon at sumandal sa poste ng ilaw. "I can't stay. Kahit gustuhin ko, hindi naman pwede. Marami akong inaasikaso ngayon sa kumpanya. Magiging abala ako this week at madalang kita mabibisita rito."

Nalungkot ako sa narinig.

"Muriel, please doon ka na lang sa condo ko. Mas safe ka doon." Muli siyang tumingin sa akin.

I could see his point. Pero... "Dalawang lang naman ang pananatili ko rito. Babalik din agad ako ng Davao pagkatapos."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Pwede ba kahit isang beses ay makinig ka naman sa akin. Ikaw lang naman ang iniisip ko."

"I'll be fine, Jared. And I can handle the situation on my own."

"Hindi ka ba natatakot na baka malaman niya ang tungkol sa pagpapanggap mo?" He was talking about Riley.

"Natatakot. Kaya nga hangga't maaari ay iniiwasan ko siya." Hindi tumitingin na sagot ko sa kanya.

"Then get out of this house! Huwag mo nang hintayin na mahalata ka at malaman ni Riley ang tungkol sa pagpapanggap mo."

Sa isang iglap ay nakalapit ako sa kanya at mabilis na tinakpan ang bibig niya. "Kailangan talagang sumigaw?" Angil ko. "Baka gusto mong hinaan ang boses mo?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya. Pero nanatiling hawak niya ang kamay ko sa aking pagtataka. "Kung kinakailangang kaladkarin kita palabas para lang mailayo sa lugar na ito ay gagawin ko. Ayokong makita kang nahihirapan." This time he lowered his voice.

"Jared please, huwag mo na paguluhin ang sitwasyon."

"Ikaw ang nagpapagulo ng sitwasyon. Kung aalis ka ng bahay na ito siguradong wala ka ng magiging problema."

"So, ako pa ngayon ang magulo?" Nakapameywang ako sa harapan niya. Umakyat na ang topak ko sa ulo. Kanina pa niya pinipilit ang gusto niya at naiinis na ako. "Ako pa ngayon ang nagpapalala ng problema?" 

Napakamot na lang ng ulo si Jared. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin."

"Pero iyon ang pagkakaintindi ko!" Ako naman ang nagtaas ng boses. Mainit na ang ulo ko para pigilan pa iyon. 

"I'm sorry." Akala niya siguro ay lalamig ang ulo ko sa pagso-sorry niya.

Tinalikuran ko na siya at humakbang papasok ng bahay. Mas lalo lamang iinit ang ulo ko kung hindi ako lalayo sa kanya. Pero mabilis niya akong pinigilan. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya na nakapulot sa akin. He was hugging me from my back.

"Muriel... I said I'm sorry. I'm sorry, okay? Masyado lang akong nag-aalala para sa'yo."

Sa isang iglap ay humupa ang topak ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na okay lang ako. Wala kang dapat ipag-aalala."

Hindi siya sumagot. But I heard him sighed. Kumawala ako sa kanya at binitawan naman niya ako. 

Somehow, natuwa naman ako sa kanya dahil alam niya ang limitation niya. Alam niya kung saan siya titigil at hihinto. Alam niya kung galit o nagbibiro lang ako. Mukhang kabisado na niya ang mood swing ko. Madalas man kaming mag-asaran dati but I could feel that he treated me as one of his close friend. At naa-appreciate ko iyon ng sobra. 

"Ikaw naman ang tatanungin ko." Humarap ako kay Jared at pinisil ang tungki ng kanyang ilong. "Bakit ka nandito? Kate-text mo lang sa akin noong isang araw, sabi mo magtatagal ka pa sa New York."

He chuckled. "Boston hindi New York." Pagtatama niya sabay pitik sa noo ko. "Halatang hindi mo sineseryoso ang mga pinapadala kong text message sayo."

"Aray masakit yun ah!" Sabi ko kahit hindi naman. "Puro naman kasi kalokohan ang mga pinapadala mong text."

"Dapat talaga nasa Boston pa ako. Kaya lang biglang nagkaroon ng emergency kaya napauwi ako ng wala sa oras."

"Anong emergency?"

"Ikaw!"

Inirapan ko siya. "Nice! Kailan kaya tayo magkakaroon ng matinong usapan?"

"Sinasagot ko lang ang tanong mo."

"Ang gusto ko matinong sagot."

"Matinong sagot naman iyon." Tumawa siya ulit. "But honestly, nang malaman kong bumalik ka ng Manila at dito pa nakatira sa bahay na ito. Naisip kong kailangan mo ako. Alam kong hindi mo ito kakayanin mag-isa. Kaya heto ako ngayon. Fresh from Boston and to the rescue sa magandang binibini na nasa harapan ko."

"Paano mo naman naisip na kailangan ko ng tulong mo?"

"Instinct." He squared his shoulder. Ang yabang ng loko.

Umaangat ang kilay ko. "Paano kung sabihin kong mali ang instinct mo?" 

"Huwag mo na akong kontrahin. Basta kailangan mo ako!"

"Who do think you are, myself appointed big brother?"

Muli niya akong pinitik sa noo. "Big brother ka jan? Mas matanda ka kaya sa akin."

Hinampas ko siya sa braso. "Kapal mo! Mas matanda ka sa akin ng tatlong taon. Twenty four ako tapos twenty seven ka naman."

Hinimas ni Jared ang braso. Nakita kong namula iyon. Napalakas yata ang pagkakahampas ko. Pero mukhang okay lang naman sa kanya. Kasi hindi naman siya nagreklamo.

"Basta kapag kailangan mo ng karamay nandito lang ako. Alam mo naman, kung nasaan ka naroon din ako."

"Bakit noong nasa Davao ako ay wala ka?"

Tumawa lang siya. "Busy ako masyado sa trabaho. At saka alam ko naman na safe na safe ka roon."

"Palusot ka pa. Baka naman busy ka sa pambababae."

"Jealous?" Umaangat ang kilay niya.

"Kapal mo!"

"Come here Muriel." Banayad niyang utos sa akin.

Lumapit naman ako sa kanya. Pagkatapos ay niyakap niya akong muli. At nagpaubaya ako.

"Na-miss talaga kita!"

Hindi ko napigilan mapangiti sa sinabi niya.

"Ako rin! Na-miss din kita!"

"But I miss you more. Remember what you to told me before we part our ways? Alam ko na ang ibig sabihin nun."

"Yung hasta la proxima vez?"

Naramdaman kong tumango siya. "Ikaw ha, sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin. May nalalaman ka pang spanish words. Akala mo hindi ko malalaman na I love you pala ang ibig sabihin nun."

Ang lakas ng tawa ko. "Asa ka pa!"

Pagpasok namin sa dinning area ay naabutan naming kumakain na si Riley.

"Kanina ko pa kayo hinihintay." Salubong sa amin ni Nana Tonya. "Sige na at maupo na kayong dalawa. Kumain na kayo at lumalamig ang pagkain."

Hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Riley. Dedma lang siya.

Pinaghila ako ng silya ni Jared. Naupo naman ako. At naupo naman siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kanin at siya mismo nagsandok sa pinggan ko.

"Kumain ka nang kumain ha? Kita mo nangangayat ka na." Tinignan ko siya ng masama. Pero nginitian niya lang ako. "Ano gusto mo? Menudo o chicken curry?"

Hindi ko siya pinansin at inabot ko ang pinaglalagyan ng menudo. Pero kinuha sa akin iyon ni Jared at tangkang magsasalin sa pinggan ko.

"Ako na!" Awat ko sa kanya.

"Hindi ako na!"

"Ako na sabi eh!" Nakipaghilahan ako sa kanya ng mangkok.

"Hayaan mo na akong pagsilbihan ka. Ngayon lang tayo ulit nagkita at na-miss talaga kita ng sobra."

"I swear Jared, kapag nagpilit ka pa maliligo ka ng menudo!" Banta ko sa kanya.

Effective naman dahil bigla niyang binitawan ang mangkok.

"Sabi ko nga ikaw na!"

Heto na naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako aasarin at maaasar sa kanya. Pero siguro kailangan ko na rin masanay. Dahil hindi si Jared iyon kung mawawala ang kapilyuhan niya. Nature na iyon ng binata. And besides kahit minsan naiinis ako sa kanya, nagagawa rin naman niya akong pangitiin at patawanin.

"Tapos ka nang kumain Riley?" Tanong ni Nana Tonya sa alaga nang bigla na lamang itong tumayo. "Konti pa lang ang naka-"

"Busog na po ako. At gusto ko nang magpahinga." At humakbang ito palabas.

"Huy Pare! Magkukuwentuhan pa tayo, di ba?" Pahabol ni Jared. Pero parang walang narinig si Riley at tuluy-tuloy na lumabas. "Anong nangyari doon?"

Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang dahilan.

"Parang hindi na kayo nasanay sa batang iyon." Sabat ni Nana Tonya. "Malamang nagtalo na naman sila ng nobya niya sa telepono."

Nakita kong lumingon sa akin si Jared. Pero nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang walang naririnig.

"Oo nga pala, Nana Tonya. Ipagpapaalam ko po sa inyo si Muriel. Ako na lang po ang magsasabi kay Tita Lorie. Tatawagan ko na lang po siya mamaya." 

Nag-angat ako ng tingin at lumingon sa kanya. "Bakit? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"May lakad ba kayong dalawa?" Si Nana Tonya.

Wala naman siyang nabanggit sa akin na aalis kaming dalawa.

"Doon na po titira Si Muriel sa condo ko." Seryoso niyang sabi. "At itatanan ko na po siya."

Mabuti na lamang at nalunok ko na ang kinakain. Kung hindi ay baka nabilaukan na ako sa sinabi niya.

Isang malakas na tawa ang naging tugon ni Nana Tonya. "Ikaw na bata ka masyado kang palabiro."

"Seryoso ako Nana Tonya! Itatanan ko siya sa ayaw at gusto niya."

"Yeah right! Gutom lang yan Jared! Kumain ka na lang!" At sa kanyang pagkamangha ng isubo ko na lang sa bibig niya ang hawak kong kutsara na punung-puno ng pagkain. Mas mabuting may laman ang bibig niya nang sa ganon ay hindi na siya makapagsalita. Bakit ba masyado siyang madaldal?

<Jared POV>

"Siya ba ang babaeng nagpatibok sa pihikang puso ng kaibigan ko?" Biglang sumulpot si Riley mula sa likuran ko sabay abot sa akin ng hawak niyang San Mig Light.

"Sinong siya?" Kunwari ay hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. 

Bahagya niya akong sinuntok sa balikat. "Oh come on Jared! Alam mo kung sino ang tinutukoy ko." Mukhang nasa good mood na naman ang kaibigan. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Paalis na sana ako. Nagyosi lang ako sa sandali sa bakuran. Mabuti na lang at sumulpot si Riley. Akala ko hindi na siya lalabas ng kuwarto niya at tutulugan na lang ako. Pero hindi pa rin niya ako matiis. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nag-back out kanina. Gayong tuwang-tuwa pa siya at masigla nang dumating ako. Pero nang dumating si Muriel, bigla na lang nagbago ang timpla niya.

"Hindi ka na kumibo dyan?" Si Riley ulit.

"Paano mo naman nalaman na siya nga iyon? Wala naman akong binabanggit sayo."

"Isn't it obvious? Masyado kang halata. Ang hirap sayo hindi ka marunong magtago ng tunay mong nararamdaman lalo na kapag inlove ka." Tumungga siya ng alak mula sa kanyang bote.

Ganon na ba ako transparent? O pagdating lang talaga kay Muriel ako ganito?

"Yeah! Siya nga yun." Umamin na rin ako sa kanya. There's no reason to deny it. Mas mabuting malaman niya ang nararamdam ko para kay Muriel.

"You're the man pare!" Nakipag-high five pa sa akin si Riley. "So how did you met her? How did you fell inlove with her?"

"It's a long story." Matipid kong sagot. Mas mabuti na iyon kaysa magsinungaling.

"And?"

"Kailan ka pa naging tsismoso, Riley?"

Tumawa lang siya. "Curious lang naman ako sa lovelife ng bestfriend ko."

Hindi ako kumibo.

"Hey! Bakit ba ang tahimik mo ngayon? Naninibago tuloy ako sayo?"

"Okay lang ba kung patirahin ko si Muriel sa condo ko?"

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit mo naman naisip na patirahin siya sa condo mo?"

Gusto ko sana siyang ilayo sayo! Gusto ko sanang sabihin.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko sayo?"

"O-of course. Okay lang sa akin. At kung iyon ang gusto niya, bakit hindi?"

"Iyon nga ang problema, ayaw niyang pumayag." Sabi ko habang tinititigan ang hawak kong bote. 

"Bakit mo nman kasi naisip na patirahin siya sa condo mo? Ang laki-laki ng bahay namin, at okay naman siya rito."

Tumingala ako sa kalangitan at pagkatapos ay lumingon sa kanya. May gusto lang akong kumpirmahin. "Do you like her?"

Na-freeze sa ere ang hawak niyang bote ng beer. Halatang nagulat siya sa tanong ko. "Why are you asking me that kind of question? Alam mo naman na may girlfriend ako."

I've known him for years. At alam ko kung kailan siya nagsisinungaling.

"I'm just asking. No offense, pare." At ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko lang makasiguro."

"Gago ka ba? Paano naman ako magkakagusto kay Muriel? Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Samantha?"

Nilapag ko ang hawak na bote sa mesa at tumayo. "Sinong Samantha ba ang tinutukoy mo? Iyong nakasama mo noong hindi ka pa nakakakita o yung Samantha na nakasama mo after your operation?"

Hindi nakasagot si Riley sa tanong ko. Confused, he stared back at me.

"Never mind pare. Forget it!" Hindi ko intensyon na guluhin ang isip niya. "Got to go. Gusto ko na rin magpahinga." Tinapik ko siya sa balikat. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na ako patungo sa nakaparada kong kotse.

Suddenly a bitter laughed rose inside me. Hindi ko nagustuhan ang natuklasan ko. And I think I need to do something before its too late.

<Riley POV>

Kanina pa nakaalis si Jared. Pero laman pa rin ng isipan ko ang binitiwan niyang tanong sa akin.

Sinong Samantha ba ang tinutukoy mo? Iyong nakasama mo noong hindi ka pa nakakakita o yung Samantha na nakasama mo after your operation?

Ano ba ang ibig niyang sabihin doon? Bigla tuloy akong naguluhan.

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Napatayo ako nang marinig kong may kumakanta.

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control

Sinundan ko ang pinaggagalingan ng boses na iyon. At dinala ako ng mga paa ko sa kusina.

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed when you've had too much to drink

I saw Muriel. She was busy washing the dishes while singing that favorite song of mine.

I could be the girl who grows old with you

I wanna grow old with you"

Pagpihit niya paharap sa akin ay nagulat pa siya nang makita ako. Nabitawan niya ang hawak na plato. Mabuti na lamang at naging maagap ako at nasalo ko iyon.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" She snapped. Sabay kuha ng hawak kong plato. "Hindi ka pa ba marunong magpasintabi? O talagang gusto ko mo lang akong gulatin?" Iyon na naman ang mahaba niyang nguso.

"Bakit ikaw ang gumagawa nyan?" Naisip kong itanong. Baka kasi magtaka siya kung bakit ako napadpad roon.

"Kailangan nang magpahinga ni Nana Tonya at alam kong pagod na siya." Tinalikuran niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Nandyan naman si Tere. Bakit hindi na lang siya ang inutusan mo?"

"Kaya ko namang gawin bakit kailangan ko pang iutos sa iba."

"Bisita ka dito."

"Magkaiba ang bisita sa nakikitira."

Napansin ko ay hindi na siya aloof sa akin. Hindi na rin bumubulong kapag nagsasalita. Siguro nga sa umpisa lang siya ganon. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit parang alam na alam niya kung saan nakalagay ang mga gamit sa kusina. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang nililigpit niya ang mga hinugasang gamit. Kabisado niya kung saan niya ilalagay at itatabi ang bawat isa.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka?"

"Nagugutom ako." Which is partly true. Kaya nga lumabas ng kuwarto ko dahil nakaramdam ako ng gutom. Konti lang kasi ang nakain ko kaninang hapunan. Napansin ko lang si Jared sa garden kaya lumabas ako at nakipagkuwentuhan sa kanya.

"Where are you going?" Tanong ko nang makita ko siya na palabas na ng kusina habang pinupunasan ang kamay niya. Akala ko pa naman ay ipaghahanda niya ako ng pagkain. 

Huminto si Muriel at lumingon sa akin. "Aakyat na ako sa kuwarto ko." Pagkatapos ay muli siyang humakbang palabas.

"Wait!" Pigil ko sa kanya.  

Huminto naman siya. "What?"

"How did you know the song?"

Kumunot ang maganda niyang noo.

"Yung kinanta mo kanina. How did you know it?"

"Everybody knows the song. Di ba movie sountrack iyon ng The Wedding Singer?"

Tumango ako. "It's my favorite. Both. The song and the movie."

Siya naman ang tumango. 

"How about you? Favorite mo rin ba iyon?"

She smiled. "I love the song. And it reminds me of someone... minsan nya kasing kinanta sa akin iyon." Then I saw the sadness in her eyes. "Mauna na ako. Inaantok na rin ako."

"Goodnight Muriel."

"Goodnight Rai!" At tuluyan na siyang lumabas at naglaho sa paningin ko.

Saka ko lang na-realize ang huling sinabi niya.

She called me Rai. Same voice, same tone.

At isang babae lang ang tumatawag sa akin sa ganoon pangalan.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.1M 141K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
748K 26.5K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2K 113 8
Hi, mga mahal ko! If you are new to my stories, here is the list of how you should read them in order. I also have a list of my important announceme...