MOONLIGHT (Season 2)

By ilovemitchietorres

71.7K 1K 283

MOONLIGHT (Season 2) by ilovemitchietorres "Tell me the story about how the sun loved the moon so much he die... More

~ interlude ~
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10

Chapter 9

2.9K 100 63
By ilovemitchietorres

"something about you made me feel a little more alive and a far less lost" — The Better Man Project

Song for this chapter:
Ghost by Justin Bieber
Unstable by Justin Bieber featuring Kid LAROI
As I Am by Justin Bieber

NOTE: STREAM JUSTICE ALBUM BY JUSTIN BIEBER OR ELSE I WILL NOT UPDATE

CHAPTER 9

JUSTIN

"Inutusan ko na ang tropa natin sa Pampanga. Meron na ding padating na backup mula sa South." Nagreport sakin si Ryan ngayon tungkol sa mga inutos ko sa kanyang gawin. Nagiisip pa ako ng ibang plano at paraan para makakuha pa ng ibang information mula sa mga connection namin tungkol sa nangyareng pagkidnapped kay Ariana kagabi.

The fucking odd is that there's no trace of evidence.

Wala kaming makuhang lead kung sino ba ang mga taong kumuha kay Ariana sa location kagabi na merong high level security dahil sa mga list VIP guest sa venue.

Merong sumabutahi sa akin.

Merong isang taong naglakas loob na kalabanin ako at isa iyon sa mga taong nakasalamuha ko lang kagabi.

Nangangati na akong gamitin ulit ang baril na nasa lamesa ko ngayon.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila.

I fucking swear.

"Inaantay ko na lang na kontakin ako nung isa kong kausap kanina—"

Napansin kong umilaw ang screen ng cellphone ko.

Nadinig kong itong tumunog ng makailang beses.

Bilang lang ang taong may alam sa number ko na karamihan tungkol sa mga kabusiness deal namin na mga importanteng tao.

Wala akong oras makipagusap sa kanila ngayon.

Wala akong panahon para makinig sa mga proposal nila para makipagdeal sa angkan namin.

"Hindi ko ba sasagutin yan pare? Mukhang importante yan ha." Sabi ni Ryan sa akin at sinilip yung screen ng cellphone ko sabay sabing. "You should answer this call bro I think this is very important—"

Doon ko lang napansin na hindi nakaphonebook ang number na tumatawag sa akin.

Telephone number.

"Hello?"

"Justin..."

Literal na tumigil ang mundo ko ng madinig ko ang boses ng babaeng kagabi ko pa hinahanap.

"Ariana?!... Are you okay?"

"..."

"Where are you baby tell me I'll come get you—" kinuha ko agad ang susi ng sasakyan at lumabas.

"Hindi ko alam.... Justin natatakot ako..." her voice was breaking and I almost lost it.

She's scared and I can't do anything

Gusto ko sumigaw.

Gusto ko magwala.

I just want to go wherever the fuck she is right now and hold her in my arms.

I miss her so much.

"I know babydoll it's hard but I want you to focus okay?" Kailangan kong makakuha ng information kung na saan siya ngayon.

"..." I can hear her heavy breathing on the other line.

"Ariana... listen to me baby. Tell me what exactly happened—"

"Yung janitor yung kumuha sa akin. Hindi ko na matandaan yung nangyare basta may babae akong nakasalubong sa hallway... kasabay ko siya sana magpunta sa restroom tapos...." Nararamdaman ko ang takot at tensyon ngayon sa boses niya habang nagsasalita siya.

"Baby just breathe...."

Huminto siya sa pagsasalita.

"Yeah, you're doing great babydoll." I said softly.

I don't want to add any more pressure on her right now. Gusto ko na buo pa rin ang isip niya lalo na't siya lang magisa ngayon.

Matapos niyang huminga ng malalim nagsalita siya ulit.

"..tapos andito na ako. Nasa malaking bahay kami ngayon... andito ako nagtatago."

"Did they hurt you?"

Iniisip ko pa lang ang bagay na to mas lalo akong nanggalaiti sa galit.

"H-hindi... ang sabi nila hindi nila ako sasakyan. Justin natatakot a-ako..."

"They won't hurt you babydoll don't worry."

No one can hurt you Ariana.

"Ryan, itrace mo tong number na tumawag sa akin ngayon."

"Got it."

"Ibigay mo sa akin agad ang exact location."

"Akong bahala pare."

Magkasunod kaming naglalakad ngayon papunta sa parking lot.

"Meron bang bintana na malapit sayo? I want you to look outside and tell me what you can see."

Sinulyapan ko si Ryan sa tabi ko.

Sumenyas siya na nakikipagcoordinate na siya para makuha ang kailangan kong data.

Maya-maya nadinig ko ulit ang boses ni Ariana.

"Nakikita ko lang yung malawak na garden sa baba... maraming bulaklak... rose?.... pine trees."

"Okay..."

Garden.

Rose.

Pine trees.

"Tapos... malalaking bahay... nasa subdivision ata kami."

"Got it baby."

Inisip ko agad ang mga exclusive subdivision na pwedeng gawing location ng mga nanghostage kay Ariana.

Meron ng mga pangalan ang pumasok sa isip ko.

Kailangan ko pa ng iba pang information.

"Wala na akong ibang nakita kundi yung mga yon—"

"Babydoll?...."

"..."

"Ariana?"

"..."

"FUCK!" Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko end call na.


RYAN

"Boss, nakuha na namin yung isa sa mga suspect."

"Sa lahat ng balita ngayon ito ang pinakamagandang nadinig ko. Niceee."

Sinulyapan ko si Justin. Malapit na kami makarating kung san namin pinarada ang mga kotse namin ng may matanggap akong tawag sa isa sa mga tropa naming naghahanap sa mga suspect na kumuha kay Ariana kagabi sa party.

Meron kaming alas ngayon.

"Siguraduhin niyong hindi yan makakatakas dahil malilintikan tayong lahat."

"Copy boss."

"Papunta na kami."

Tumakbo ako palapit kay Justin.

Kung ikukumpara ang sitwasyon ngayon kesa kagabi mas kalmado na siya. Bakas pa din yung pagaalala sa mukha niya na hindi na maalis nung nawala si Ariana.

"May lead na bang nakuha sa inuutos ko sayo?"

"Don sa exact location? Wala pa."

Nakita ko siyang bumuntong hininga.

"... pero meron akong magandang balita."

Huminto siya agad sa paglakad para ituoj ang buong atensyon sa akin.

"Just fucking tell me right know."

Ngimiti ako sa kanya.

"Nakuha na natin ang isang suspect."

Naghahabulan kami ngayong dalawa ni Justin sa expressway. Umalis kami agad. Bumalik kaming Subic para makipagkita sa tropa naming nakahuli sa babaeng suspect.

Sinalubong kami ng mga tauhan namin.

Andito kami ngayon sa underground parking lot.

Doon ko na nadinig ang umiiyak na babae na hawak-hawak ngayon ng isa naming tauhan.

Naunang naglakad si Justin palapit sa kanila.

Sumusunod lang ako.

I can already see her.

I can see her hour glass figure on her fitted little dress.

Long wavy hair, pretty face and a hot body to play with. She's one of my type definitely.

Sayang nga lang napunta siya sa maling landas.

Mali ang taong nakabangga niya.

Maybe just maybe....

Magkaroon ng milagryo at makalusot siya sa mga tanong na ibabato sa kanya ngayon ng kaibigan ko.

"Where the fuck is she?!"

At nagsimula na ang interrogation.

Umiiyak yung babae.

Halatang takot na takot.

Nanginginig.

Pulang-pula na ang mukha sa kakaiyak.

Sino ba naman ang hindi matatakot sa sitwasyon niya ngayon?

Siya lang naman mag-isa habang mga di kilalang mukha ang nakikita niya. Higit sa lahat hindi siya pamilyar sa lugar kung na saan siya ngayon.

"Pare easyhan lang natin." Paalala ko kay Justin.

Babae pa rin yan.

Naniniwala akong dapat pa rin irespeto.

Tinapik lang ni Justin ang kamay ko palayo.

"I fucking swear.... if something ever happened to Ariana. I'll fucking kill you—"

"Woah. Woah. Woah... not too fast bro."

Pumagitna ako sa kanilang dalawa.

Halos magwala na yung babae sa pagiyak ng dahil sa paninindak ni Justin. Alam kong seryoso siya sa sinabi niyang iyon pero kung gusto niyang makakuha ng impormasyon sa taong to hindi ba dapat hindi niya pagbabantaan na patayin?

"Let me handle this. Kung gusto kong makakuha ng impormasyon ako ng kakausap dito."

Tinignan niya lang ako ng masama.

"Mabilis lang to." Dagdag ko.

Tumili ang babae ng biglang magpaputok ng baril si Justin.

Gago talaga tong taong to.

Naglakad siya palayo para manigarilyo,

I only got few minutes on my hand for this shit.

Humarap ako sa babae.

Ngumiti.

Hinawi ko buhok niya palayo sa mukha niya.

She looked like a fucking mess.

"Pleaseeee maawa ka sa akin. Wag niyo kong papatayin please. Please. Please..."

"Shhhhh...." marahan kong pinadaan ang kamay ko sa likod ng ulo niya. Gusto ko muna siyang pakalmahin. Wala na siya sa katinuan ngayon dahil sa nangyareng pagbitbit sa kanya dito at sa tingin ko konti na lang bibigay na rin to sa trauma niya ngayon.

"It's okay... wag kang magalala hindi kita sasaktan."

Tinignan ko yung lalakeng may hawak sa kanya ngayon at sumenyas na pakawalan siya.

Halos mapaluhod ang babae.

Lumapit ako at inalalayan siyang makatayo ng maayos.

Nanginginig ang katawan niya ngayon at ramdam ko din kung gaano ito katensyunado.

"Ayoko pang mamatay. Please maawa kayo sa akin. Maawa ka sakin—"

"Shhh.. wag kang magalala. Papakawalan ka din namin kung makikipagtulungan ka." That's half lie to be honest. Si Justin pa din ang masusunod kung anong gagawin niya sa babaeng to pagkatapos namin siya kausapin ngayon.

"Wag kang magkakamaling magsinungaling sa itatanong ko sayo kung gusto mong makaalis dito."

Tumango siya agad sa akin.

"Na saan si Ariana?"

Umiling siya sabay sabing. "Wala akong alam—"

"Miss, just tell the truth. Na saan yung babaeng kasama mo papunta sa restroom kagabi? May mga CCTV footage kaming nakita—"

"Wala akong alam promise maniwala ka sa akin."

"Sigurado ka?"

Lumuhod siya at nagiiyak.

Nagmamakawa sa akin.

"Napagutusan lang a-ako.... w-wala akong choice..."

Napabuntong hininga ako habang pautal-utal siyang nagsasalita ngayon.

"Tinakot nila ako... a-ang sabi nila... p-papatayin nila ako kung h-hindi ko sila susundin—"

"Sinong nagutos sayo?"

Umiling siya ulit.

"Hindi ko alam."

Ito ang nakakapuno ng pasensya.

"H-hindi ko talaga a-alam... wala akong alam kung sino... meron na lang tumutok sa akin ng baril... inutusan akong abang yung isang babae—" mukhang wala talaga siyang alam at kahit ano namang paninindak na gawin namin wala kaming makukuha sa kanyang impormasyon.

Hindi ko na siya maintindihan sa pagsasalita dahil iyak siya ng iyak.

Maya-maya nadinig kong tumunog ang cellphone ko.

Sinagot ko ito agad ng mabasa ang caller I.D.

"Hello?"

"Boss natrace na namin yung location."

"Saan?"

"Baguio."

"Isend mo sakin ang exact location."

Nahagip ng mata ko ang ginawang paghakbang ni Justin palapit sa amin. Hawak-hawak niya ang baril at sa tingin ko meron siyang gagawin na hindi maganda. Bago pa may mabawian ng buhay inunahan ko na siya sa magandang balita.

"Pare... nakuha ko na yung location ni Ariana."

Natuon agad ang buong atensyon niya sa akin pagkasabi ko ngbalita.

Hindi ko akailan na darating ang panahon na ang kinakatakutan ng karamihan at sinasamba ng mga taong makapangyarihan ay mapapaikot lang ng isang babae.

Justin, pare ko, sa tagal ng pinagsamahan natin ngayon lang kita nakitang ganito.

Ngayon ko masasabing may kahinaan ka na.

Kahinaan na magagamit laban sayo.

Isang babaeng may hawak sayo.

Ariana you had Justin wrapped around your fingers.










JUSTIN

Kailangan kong makarating agad.

Kailangan kong bilisan ang pagpapatakbo ko ngyon ng sasakyan.

Wala ako dapat sayangin na oras.

Ariana needs me and I should be there with her.

Nakuha na ang exact location kung na saan tumawag si Ariana sa akin. Sumibat kami agad ni Ryan ng makuha namin ang impormasyon na nasa Baguio ang hostage. Isa sa mga exclusive na subdivision na pagmamay-ari ng mga maimpluwensyang tao hindi lang sa Pilipinas.

3 hours.

Estimated na oras bago ako makarating sa destinasyon ko ngayon.

Kailangan kong bilisan.

Tumatakbo ang oras.

Andito na kami ngayon sa Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) ng madinig kong tumunoh ang cellphone ko.

Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello?"

"Sir, I just want to reminder you about your scheduled meeting with—"

"Clear all my schedule today."

"But Sir this is one of our VIP—"

Ang ineexpect kong tawag yung update hindi yung meeting reminder. Wala akong panahon magisip maliban sa lagay ngayon ni Ariana. Isa lang ang gusto kong tutukan at tuunan ng pansin ay ang pagplanuhan kung paano ko mababawi si Ariana sa kamay nila.

Pinapangako ko hindi matatapos ang araw na to na hindi ko nababawi si Ariana.

She's mine.

She belongs to me.

Babydoll, just hang on there a little bit.

Paparating na ako.

Babawiin kita.









ARIANA
Pinagmamasdan niya ako ngayon. Hindi ko mabasa kung anong takbo ng isip niya habang tinititigan ang mukha ko. Naiilang ako sa ginagawa niya. Ngumiti ang matandang lalake bago uminom ng alak na hawak niya ngayon sa baso.

"Hindi ka ba nagugutom?"

"..."

"My personal chef prepared this all just for you."

Pinadaan ko ang tingin ko sa hile-hilerang pagkain na nasa harapan ko ngayon. Sa dami ng nakikita kong pagkain nalulula at nauumay na ako kahit hindi pa ako kumakain.

Kaming dalawa lang ngayon ang nakaupo sa magkabilang dulo ng mahabang lamesa.

Merong nakastandby na waiter sa gilid na naga-assist kanina sa akin nung umupo ako.

Wala akong ganang sabayan siya sa pagkain.

Wala akong balak kumain dito kasama siya.

Gusto ko ng umuwi.

Gusto ko ng makabalik kay Justin.

Paano?

Nakakulong ako dito sa bahay na ito at ang taong nasa likod ng pagkidnapped sa akin ay nasa harapan ko lang mismo.

Bakit niya ba ginagawa to?

Ano bang atraso ni Justin sa kanya?

Hindi ako umimik.

Maya-maya nakaramdam ako ng prisensya ng taong lumapit sa akin. Doon ko napansin agad yung lalakeng nakastanby kanina sa gilid na lumapit sa kinauupuan ko at tinanggal ang ilang plato ng pagkain at pinalitan din agad ng bago.

"Kung hindi mo gusto ang mga pagkain na nasa harapan mo ngayon pwede tayong magrequest ng ng bago—"

"Mawalang galang na ho pero bakit niyo ginagawa to?"

Natigilan siya sa pagsasalita.

Napakakalmado niya to the point na nakakakaba lalo. Hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman ngayon lalo na't ganito ang pakikitungo niya sa akin na para bang magkakilala na kami noon pa.

Itong ngiti na nakikita ko na naman sa mukha niya ang nakapagpailang sa akin.

Hindi ako mapakali.

Merong mali dito.

"Gusto kitang makita at makilala ng personal."

Ako?

Bakit ako?

Tumayo siya sa kinauupuan niya.

Nakakaintimidate siya lalo tignan.

Alam kong importante siyang tao at masasabi kong makapangyarihan dahil sa tindig pa lang ng pangangatawan niya kahit na may edad na ito.

Nakaramdam ako ng kaba.

Takot para sa sarili ko.

Sinundan ko siya ng tingin.

Doon ko nakita ang suot niyang mamahalin.

Business man suit without a tie.

Puting buhok.

Nakasuot siya ng salamin at kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon.

Nakamasid sa bawat galaw ko.

Huminto siya sa gilid ng kinauupuan ko.

"Let's make this quick as I don't have much time."

Nanindig ang balahibo ko ng madinig ko siyang magsalita sa harapan ko ngayon.

Amoy sigarilyo siya.

Naghahalo ang amoy ng pabango at tabacco.

Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko pa din mapakalma ang sarili ko sa kaba at takot sa taong nasa harapan ko.

Sino ka ba?

Bakit mo ko kinindappped?

"Gusto kong makita kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa mga panahong wala ako dito sa Pilipinas."

"..."

"Gusto kong malaman kung sino ang kinahuhumalingan ng batang iyon."

"..."

"Kilala mo ba talaga siya?"

"..."

"Alam mo ba kung anong klase siyang tao?"

"..."

"Anong mga pinangako niya sayo ngayong nasa poder ka niya?"

Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya kahit hindi niya sabihin ang pangalan ng taong ito. Bakit pakiramdam ko kilala ng matandang lalake na to si Justin? Ano bang konesyon meron silang dalawa? Meron na akong hinala pero ayoko munang makampante dahil sino ba ang nasa tamang pagiisip ang gawin ang bagay na to sa akin at kay Justin?

Itong tao na to na nasa harapan ko ngayon ang dahilan kung bakit ako napalayo kay Justin at kung bakit ako ngayon nakulong dito,

"Proprotektahan niya ako."

Nadinig ko siyang tumawa ng sagutin ko ang huli niyang tanong. Sa totoo lang hindi ko naman akalain na mabibigkas ko ang mga salitang iyon na dapat sa isip ko lang sinabi.

"Proprotektahan? Young lady.... seryoso ka ba sa sinabi mo?"

Hindi ko gusto ang pananalita niya ngayong nakakainsulto pakinggan.

"Kung isa sa pinangako niyang proprotektahan ka niya bakit wala siya ngayon sa tabi mo? Bakit andito ka mag-isa?"

"..."

"Bakit nakuha ka ng walang kahirap-hirap?"

"..."

"Kung di niya kayang gawin ang simpleng bagay na to ano pa kaya sa tingin mo ang pwedeng mawala sa kaniya kapag nagkataon?"napailing siya at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Any guess miss?"

Hindi ako kumibo hanggang sa magsalita siya ulit.

"Hanggang kailan ka mananatili sa poder niya?"

"..."

"Hanggang kailan Ariana?"

Kinilabutan ako lalo ng madinig kong binigkas niya ang pangalan ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya ang pangalan ko. Maimpluwensy siyang tao at kaya niyang makuha lahat ng impormasyon na gusto niya.

"Excuse me, Boss."

Malaking tao ang dumating at kitang-kita sa katawan niya na isa siya sa mga bodyguard ng matandang lalake na to.

"Kailangan na ho nating umalis. Nakalagpas na sa boundary ng Rosario ang subject."

Tumango ang matandang lalake.

"Nakahanda na rin ho ang sasakyan sa labas."

"Good."

Maya-maya pa nakita ko na ulit ang familiar na mukha ng lalakeng nagpanggap na janitor kagabi sa event. Napatayo ako. Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa mga taong andito ngayon.

Tinignan ako ulit nung matanda.

"I guess this is goodbye for now. I'll meet you again soon young lady."

Ano ng nangyayare?

Lumapit siya at bigla na lang hinawakan ang kanang kamay ko para halikan ito. Hindi na ako nakagalaw pa sa kinatatayuan ko dahil hindi ko expected na gagawin niya yung gesture na iyon.

"Masaya ako na nakita na kita."

Masaya siya?

Sa tono ng pananalita niya kanina ang pakiramdam ko kabaliktaran?

Inabot nung bodyguard ang itim na fedora sa matanda.

"Michael."

"Boss."

"Ikaw ng bahala kay Ariana."

"Copy boss."

Michael ang pangalan ng lalakeng dumampot sa akin kagabi at siya ang isa sa dahilan kung bakit ako ngayon andito. Naguguluhan sa nangyayare ngayon. Base sa nadinig ko mukhang paalis na din ang matandang lalake na ito at maiiwan ako dito.

Humakbang na siya palayo ng maglakas loob akong magsalita sa huling pagkakataon.

Hindi ako mapakali at lalong hindi ako mapapalagay kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Sino ho ba kayo?"

Huminto siya sa paglalakad at naging alerto ang katabi niyang bodyguard kaya ito napalingon para tignan ako. Nakahawak na siya sa may bulsa ng pantalon niya na may bagay na huhugutin.

Sumenyas ang matandang lalake sa guard para maging stand by ulit ito.

"Anong pangalan niyo?" Lakas loob kong pagtatanong sa taong nasa likod ng lahat ng ito.

Ngumiti siya.

"Sa tingin mo. Sino ako?"








RYAN
Nakakuha kami ng lead kung na saan ang exact location ngayon ni Ariana dahil sa ginawa niyang pagtawag sa cellphone ni Justin kanina. Halos magiisang oras din ang nakalipas bago namin nakuha ang information na to.

Connections.

Buti na lang may mga connections kami na nagpabilis ng proseso sa lalong madaling panahon.

Pinaalam ko agad kay Justin ang magandang balita kaya heto sumibat kami agad papuntang Norte. Hindi na nagdalawang-isip si Justin na bumyahe agad kaya sa daan kami nagusap para sa plano namin. Madalas nangyayare yung ganitong set-up kapag gipit na kami o di kaya talgang wala ng oras magschedule ng meeting sa pormal na lugar.

Naguusap kami ngayon ni Justin gamit ang cellphone na nakakabit sa bluetooth ng sasakyan naming dalawa.

Dinig ko ang boses niyang naguutos sa akin ng mga gagawin para ipasa ko sa mga tropa namin. Isa sa bagay na nakasanayan ko na sa ilang taon kong nakasama at nakatrabaho si Justin yung pagiging mitekuloso niya at strikto. Kapag naglapag siya ng plano kailangan makuha mo agad lahat ng detayle at ang pinaka-ayaw niya sa lahat yung uulitin niya yung sinabi niya.

Nasa sayo kung gusto mong irecord o hindi. Nakakatawa man isipin sa point of view ko pero malamang sa malamang isang delubyo yun para sa mga tauhan naming takot sa kanya. Isa si Justin sa mga taong kilala kong kinakakatakutan ng lahat.

I'm not even joking.

Hindi lang matunog at kilala ang angkan ng Bennington dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.

Kilala ang angkan ng Bennington sa black market kaya di na nakakapagtaka ang istado nito.

Kung sino man ang taong nasa likod ng pagkidnapped kay Ariana para na niyang nilagay ang sarili niyang paa sa hukay.

"Nakuha niyo ba ang sinabi ko?" Tanong ni Justin sa kabilang linya.

Malinaw na malinaw.

"Yes, Sir." Sagot ko kasabay ng iba pa naming kasama.

End call.

Sa pangunguna ni Justin, malapit na kaming makarating sa destinasyon namin. Napabyahe kami ng wala sa oras mula Manila papunta ngayon sa summer capital ng Pilipinas.

Baguio.

Doon namin na trace ang location kung saan tumawag si Ariana. Matagal na rin nung huli akong nakapunta dito dahil madalas ang destinasyon ko mga pier at mga 5 star hotel kung saan may mga kabusiness deal kami o di kaya para personal kong icheck lahat ng kontrabado na papasok at palabas ng bansa.

Maganda sana na magbakasyon dito sa totoo lang.

Sa lagay namin ngayon mukhang magjojoyride lang kami dahil sa malamang sisibat kami agad pabalik ng Manila kapag natapos na ang mission ng tropa.

Mission para mabawi si Ariana.

Sa isang exclusive na bahay natrace ang exact location ni Ariana. Hindi madaling makakuha ng impormasyon sa mga taong nakatira don lalo na't bigatin ang mga pangalan ng angkan na andito.

May malaking pader na nakapagitan sa ordinaryong mamayan at may kaya sa buhay ang nagpapatunay sa lagay ng estado na meron rito.

Sinubukan kong tawagan ulit si Justin.

Kahit ilang beses ko na siyang nakasama magdrive hindi pa din talaga ako nasasanay sa pagiging reckless driver ng taong to. Nagpapasalamat na lang ako dahil hanggang ngayon buhay pa siya kung hindi lang talaga siya pinanganak na maswerte malamang matagal na siyang nabura sa mundo.

"Pare..."

"Don't start with your bullsh!t telling what not to do—"

Bumuntong hininga ako at napakamot na lang sa ulo.

Ang papel ko lang naman sa buhay niya maliban sa pagiging matalik na kaibigan e yung papaalalahanan siyang kailangan niya pang makabalik ng buhay. I've been with Justin for so many years right now and I've seen enough of the reckless things he did without hesitating of losing his life. Siguro naman ngayon may rason na siya para mabuhay.

"Gusto ko lang ipapaalala yung usapan natin ha yung Audi R8." Pagbibiro ko para naman hindi ganun katensyunado.

Hindi siya umimik dahil malamang hindi siya nakikinig.

"Justin."

"..."

"Wag kang magalala pare. Mababawi mo din si Ariana."

That's it.

I said it.

Nung isang gabi ko pa sa kanya gusto sabihin ang mga salitang ito. Gusto ko palakasin ang loob niya pero dahil mailap si Justin sa mga ganitong kakornihan na bagay nauuwi na lang sa inuman ang lahat. Alam kong hirap na hirap siya ngayon pero nagpapakatatag siya.

Ngayon ko na lang siya nakitang ganito na balisa.

Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya si Ariana at alam ko din na gagawin niya ang lahat mabawi lang siya.

"Babawiin natin siya." Dagdag ko.

Pinapangako kong hindi matatapos ang gabi na to na hindi namin matatapos ang mission na to.











JUSTIN

I'm almost there babydoll.

Just wait a little longer I'm coming.

I lost track of time.

Ang nasa isip ko lang ngayon kailangan ko agad makarating sa destinasyon namin. Location kung saan natrace si Ariana kaninang hapon. Ang dilim na sa daan at hindi pa nakisama ang panahon.

Umuulan.

It's like mocking me.

I fucking hate it.

"Pre... malapit na tayo."

Nadinig ko ang boses ni Ryan na namumuno sa navigation ng buong tropa. Ang sabi niya sa akin kanina meron kaming 15 tauhan na kasama at meron pang ilan na parating pa lang para sa backup.

Nangangati na ang kamay kong bitawan ang manibela.

Gusto ko ng bumaba.

Huminto kami sa tapat ng malaking gate.

Ngayon ko lang nakita tong exclusive subdivision na to at base don sa mga nakuha naming lead karamihan sa mga taong nakatira dito may underground business.

Typical na buhay ng mga mayayaman.

Bumusina ako ng makailang beses.

Maya-maya pinagbuksan na kami ng gate.

Kinuha ko agad ang baril sa drawer.

Ilang minuto na lang simula ngayon magagamit ko na ulit ang bagay na to.

I won't hesitate to kill.

I'll kill them using my own hands.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila.










RYAN
Natanaw ko na ang malaking gate. Nakipagcoordinate na ako sa management ng subdivision na darating kami pero hindi siguro nila akalain na darating kami ng mas maaga sa binigay kong oras.

Malakas na busina ang nadinig naming lahat mula sa sasakyan ni Justin.

Napapikit na lang ako.

"Please pagbuksan niyo na kami."

"Copy Sir."

Aligaga ang lahat ng sabihin ko yun kaya pinagbuksan na kami nila ng gate. Pinaharurot agad ni Justin ang sports car niya kaya kami naiwan.

"Alam niyo na ang dapat gawin. Kumuha kayo ng isang lead at wala na kayong ititira. Nakuha niyo?"

"Copy boss."

"Good."

Matapos akong makipagcoordinate sa tropa namin agad kong sinundan ang sasakyan ni Justin. Pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa manibela. Malapit na namn ang pakikipagpatintero namin kay kamatayan.

Sinulyapan ko yung sports car na nasa likod ko.

"Pre andyan ka pa ba?"

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Giro.

Muntik ko ng nakalimutan na meron pala kaming kasamang intern. Kung tutuusin ito ang una niyang lakad kasama ang tropa namin.

Makikita natin kung meron ba siyang potensyal.

"Malapit na pre. Handa ka na ba?"

Hindi na siya umimik.

"Wag kang magalala kaming bahala sayo." Paalala ko sa kanya.

Hindi nagtagal nakita na namin ang puting malaking bahay. Hindi uso ang malaking bakod dito sa subdivision na to kaya kitang-kita ang lawak ng bawat properties na para bang nagpapayabangan silang lahat.

Kung di ako nagkakamali ito ang pinakamalaking property na nadaanan namin.

Wow.

Sinong hinayupak ang may ari nito?

Huminto na ang mga sasakyan at nakita ko agad ang itim na sports car ni Justin na nakaparada sa labas habang nakabukas ang pinto.

Shit.

Bumaba na ako agad at sumenyas sa tropa naming pumasok na sa loob bago pa may mangyareng hindi maganda.

Please utang na loob nagmamakaawa ako sa lahat ng santo sana hindi pa kami huli.

Tarantado talaga tong si Justin malinaw ang usapan naming walang mangiiwan.

Fuck.

Nauna siyang pumasok sa loob.






ARIANA

"Anong nangyayare?"

"Tapusin mo muna ang kinakain mo."

"Tinatanong kita. Anong nangyayare ha?"

"..."

"Sagutin mo ko!"

"..."

"Saan pumunta yung matandang lalake ha?" Kanina ko pa siya tinatanong pero ni isa don wala siyang sinagot. Naiwan ako dito sa labas habang nakahain sa akin ang madaming pagkain na kanina pinagsaluhan kang namin nung matandang lalake.

Umalis na siya kanina pa.

Meron akong kutob na may mangyayareng hindi maganda dahil sa kilos ng kasama niyang bodyguard kanina.

Alam kong may nakahanda silang plano laban kay Justin. Natatakot ako sa pwedeng mangyare.

Hindi na ako mapakali kanina pa sa kakaisip.

Paano kung inabangan sila Justin?

Paano kung patibong to?

Paano kung may mangyareng hindi maganda...

Hindi ko kaya.

Tumayo ako sa inuupuan ko at tinignan si Michael. Siya ang lalakeng kumuha sa akin sa event. Siya rin ngayon ang nagbabantay sa akin. Malamang kilala niya yung matandang iyon at ayaw niya lang sabihin kung sino ng dahil sa lintek na utang na loob.

"Miss... kumain ka na lang—"

Kinuha ko yung babasaging baso at hinampas ito sa gilid ng lamesa. Tumalsik ang matatalim na parte nito.

Despirada na ako.

Alam kong importante ako sa kanila dahil kung hindi matagal na nila akong sinaktan.

Ito lang ang naiisip kong paraan para magsalita siya.

Tinapat ko yung talim sa harapan niya ng mapansin ko ang ginawa niyang paghakbang.

Nakita kong naalerto siya sa ginawa ko.

"Miss... ibaba mo yan."

Umiling ako sa kanya.

"Sabihin mo sa akin kung saan siya pumunta."

"..."

"Ayaw mo magsalita?"

Nanginginig ang mga kamay kong tinapat ang basah na parte ng baso sa may pulso ko.

Takot.

Matinding takot ang nakita ko sa mga mata niya.

Nabasa ko ito.

"Miss bitawan mo yang hawak mo madidisgrasya ka—"

"Wag kang lalalapit."

Humakbang pa rin siya.

"Ang sabi ko wag kang LALAPIT!!!" Sigaw ko.

Huminto na siya sa paghakbang.

"Ngayon... sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo."

"..."

"... dahil kung hindi..." nilapit ko ang talim ng baso sa pulso ko.

Umiling siya.

"Maniwala ka sa akin wala akong alam. Maliban sa utos sa akin na kunin ka kagabi... at bantayan ka ngayon. Hindi ka namin sasakyan katulad ng sinabi ko sayo—"

"Anong gagawin niyo kay Justin?"

Umiling siya.

"Hindi ko alam."

Mangilid-ngilid ang luha ko habang tinitignan siya.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Sa mga oras na to baka nangyare na yung kinakatakutan ko.

Huli na ba ako?

Wala man lang ako nagawa.

Justin...

"Miss ibaba mo na yang hawak mo sige na."

"Tulungan mo kong makatakas dito please."

"..."

"Please Michael..."

"Katulad ng sinabi ko sayo napagutusan lang ako. Pasensya na."

Doon na yung oras na hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko at doon na ako umiyak.

I feel so helpless.

Parati na lang wala akong nagagawa para protektahan si Justin. Ako na lang ang nagdadala sa kanya ng problema. Parati ko na lang nilalagay ang buhay niya sa piligro.

I don't deserve him.

"Wag kang magkakamaling humakbang ulit." Natigilan ako ng madinig ang isang boses ng lalakeng di familiar sa pandinig ko.

Pinunasan ko agad ang luha sa mata ko at naaninag ang mukha ng lalakeng may hawak ng baril.

Maya-maya napapalibutan na kami.

Nakita ko na lang na tinumba nila si Michael habang pumipiglas ito.

"Ariana..."

Ang bilis ng pangyayare basta ang alam ko na lang tumakbo ako palapit sa taong ito.







GIRO

There's one thing on my mind.

I want to save Ariana.

Gusto ko makatulong kay Justin. He's a friend of mine a long time ago kaya masasabi kong meron kaming pinagsamahan na dalawa kahit papaano.

Ariana, I met her once. Siya ang unang taong nagparamdam sa akin na welcome pa din ako dito sa Pilipinas. Gusto ko ng bumalik sa States at kung ako ang masusunod gusto ko ng simpleng buhay pero hindi pa din ako sinusukuan ng erpat ko. Gusto niyang ako na ang pumalit sa kanya at mamahala sa family business namin dito sa Pilipinas. My plan is to not really get involve in any of this pero dahil ito naman talaga ang mundo kung saan ako nabibilang hindi ako makawala.

I must return the favor.

Tumatanda na ang erpat ko at wala namang ibang magmamana lahat ng ito kundi ako. All this money and fortune that they made is just for me.

Ngayon nagagamit ko na ang inpluwensya ng pamilya ko para makatulong sa mga taong mahalaga sa akin.

Sumunod kami agad sa loob ng makita na wala na si Justin sa sasakyan niya. I see hindi pa din siya nagbabago. Siya pa din talaga ang Justin na nakilala ko noon. Taong matatag at walang kinakatakutan.

Hawak-hawak ko ang baril habang nililibot ko ang pangingin ko.

Naghahanap ng lead kung na saan ang hostage.

Sa tulong ni Ryan natrace ng isa sa tauhan niya ang exact location ni Ariana kaya kami andito ngayon.

Ililigtas namin siya.

Gagawin namin ang lahat para mabawi si Ariana.

Naghati ang grupo namin.

Meron akong kasamang limang tauhan na maglilibot ngayon sa ground floor habnag sila Ryan naman sa second floor at yung iba backup ni Justin.

Sumenyas ang isa naming kasama.

Tumigil kaming lahat at nagtago.

Meron akong nadinig na babaeng sumisigaw.

Si Ariana.

Ng masigurong walang kalaban sa paligid dahan-dahan kaming naglakad papunta sa lugar kung saan namin nadinig ang sigaw ng babae.

Doon ko na siya nakita.

Sa ilang oras na nakalipas ngayon ko na ulit siya nakita.

What I remember is her beautiful smiling face....

Naglaho ito lahat at napalitan ng mga luha.

She was crying so hard right now and she was holding something.

Napansin ko agad yung mga nagkalat na bubog sa sahig.

Naalarma ako ng makita ko yung lalakeng papalapit sa kanya at don na ako nagsalita para pahintuhin ito.

Mabilis lang ang nangyare.

Pinadama nung kasamahan namin yung lalake sa sahig at pumipiglas ito.

Binaling ko agad ang tingin ko kay Ariana and that's the time I knew it...

I met her halfway as I hugged her back.

Her small frame was trembling. Doon ko naramdaman ang tindi ng takot na nataramdaman niya ng humigpit lalo ang yakap niya sa akin.

"Girroooo..."

"Shhh... it's okay. You're safe now. Don't worry." I said reassuringly as I gently stroke her back.

"It's okay..." paulit-ulit kong sinasabi sa kanya.

Napadaan ulit ang tingin ko sa mga bubog sa sahig at sa hawak niya kanina. Ang instict kobagad tignan kung meron siyang galos o sugat. Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya para tignan siya ng maayos.

Gusto kong punasan ang luha sa pisngi niya ng marinig ang boses ng lalakeng tumawag sa pangalan niya.

"Ariana."

Her face suddenly lit up as she saw someone behind my back. The looked of recognition was written on her face as she pulled back completely away from me without hesitation.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumakbo siya malapit sa lalakeng ito.

I just stand there and watch them as they hug each other. Masaya ako na nagkita sila ulit. Masaya ako na nasa mabuting kalagayan na ulit si Ariana. But one thing is for sure, nakahanap ako ng isa pang rason kung bakit ako magtatagal dito sa Pilipinas.








JUSTIN

I need to save her.

Ito lang ngayon ang mahalaga para sa akin at wala na akong pakealam kung ano mangmangyayare sa akin ngayon dito. I just need to find her. I need to hold her. I just want her back and I'll do everything for that to happened.

I lost so much time already.

Hindi ko na kaya na matapos na naman ang araw na to na di ko siya kasama at kapiling.

She's my life.

She's my everything.

Alam konh delikado ang lagay ko dahil magisa kong pinasok ang hideout ng mansyon kung na saan natrace ang location ni Ariana. Hindi ko na naantay sila Ryan at pumasok na sa loob.

Susunod sila sa akin.

Alam kong babackupan nila ako kahit anong mangyare.

Mahigpit ang hawak ko sa baril habang naglalakad sa loob.

Alerto.

Pinakikiramdaman ang paligid.

Wala akong idea kung ilang mga nakabantay dito sa loob ng bahay. I need to focus or else I'll fvck up big time. Walang trace ni isang taong nakaposte man lang sa dinaanan mo.

Hindi ako dapat makampante.

Sa dami ng mga insidenteng ingkwentro sa buhay ko alam ko na ang mga posibilidad na pwedeng mangyare. Buhay ako makakalabas dito sa lugar na to o isa ako sa mga magiging malamig na bangkay. Ako ang unang tatapos sa kanilang lahat bago pa nila ako maunahan.

Umakyat ako ng hagdan.

Alerto ang tingin sa paligid.

Sa bawat paghakbang at kilos ko kalkulado.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil buhay ang kapalit.

"Asaan ka na Ariana?"

Natitiyak andito siya sa isa sa mga kwarto na to.

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa paligid hanggang sa mahagip ng paningin ko ang mga lumang painting nakadisplay sa hallway.

Hindi ko na maalis ang ang buong atensyon ko sa larawan na nasa harapan ko ngayon.

I should know...

I should know that this could happened.

Papakealama niya ang buhay ko.

Nakampante ako sa kung anong meron ako.

Humigpit ang hawak ko sa baril habang tinititigan ng masama ang mukha ng matandang lalakeng nakaupo sa trono.

Gusto ko sumigaw.

Gusto ko magwala sa galit.

Bakit hindi ko to naisip?

Bakit hindi siya sumagi sa isip ko?

"Fucking geezer."









ARIANA
Gusto ko ng umalis dito pero hindi ko masabi ngayon sa taong yakap-yakap ko. Naunahan ako ng pagiyak ko ng dahil sa halo-halo ng emosyon. Hindi ko expected na makikita ngayon dito si Giro sa dinami-dami ng taong kilala ko siya ngayon ang kasama ko.

Gusto ko ng umuwi at umalis na sa lugar na to. Si Giro ang makakatulong sa akin pero paano ko siya makakusap ng maayos kung iyak ako ng iyak.

Nakakainis talaga ang asal ko ngayon parang bata.

Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya.

Sinubukan kong tumahan sa pagiyak.

Safe na ako.

Ligtas na ako ngayon lalo na't may kasama na akong kakilala ko.

Wala na dapat akong ikatakot diba?

Teka, paano nalaman ni Giro na andito ako?

At higit sa lahat bakit siya andito ngayon?

Pinunasan ko agad ang luha sa pisngi ko ng maaninang ko ang taong parating.

Isang lalake.

Kilala ko siya sa paraan ng paglakad at pagtindig niua.

Namamalikmata lang ba ako?

Pinaglalaruan ba ako ng imahinasyon ko?

"Ariana."

Yung boses na ito...

Itong boses na to yung matagal ko ng gustong madinig simula ng madukot ako sa event nung isang araw. Walang oras na lumipas na hindi ko siya naiisip.

Ang gusto ko lang naman nasa maayos at mabuti siyang kalagayan okay na ako don.

Nangingilid ang mga luha ko habang tinitignan ang lalakeng kakapasok lang.

"Justinnn!" Hindi na ako nagdalawang-isip at tumakbo ako palapit sa kinatatayuan niya ngayon.

Mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Bumalot agad ang init ng katawan niya habang magkayakap kaming dalawa. Dito ko na nabuhos lahat ng takot ko sa pagiyak. Hindi lang ako natatakot para sa buhay ko kundi para sa buhay ni Justin. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayare sa akin kung may nangyareng masama sa taong to.

Hindi ko kaya na pati siya mawala sa akin.

"Justin..." hindi ko na maintindihan kung anong mga binibigkas kong salita basta ang alam ko lang mahigpit ang kapit ko sa damit niya.

"It's okay babydoll I'm here now. You're safe now baby."

Makailang beses kong naramdaman ang kamay niyang nakahawak sa likod ko.

"Shhh... it's okay baby..."

"..."

"It's okay babydoll."

"..."

"I got you baby... I'm here now."

Siniksik ko ang sarili ko sa katawan niya kahit na wala ng kahit isang katiting na space ngayon ang nasa pagitan naming dalawa. Tinago ko ang mukha ko sa gilid ng leeg niya habang yakap siya ng mahigpit.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib niya ngayon.

Pinadaan niya ng makailang beses ang isang kamay niya sa likod ng ulo ko.

"Let me see your face...."

Hinigpitan ko ang kapit sa damit niya ng madinig ko siyang magsalita.

Ayoko.

Natatakot ako na kapag bumitaw ako mawala si Justin.

Natatakot ako na maiwang magisa ulit dito.

Umiling ako sa kanya.

Justin run his hands on my side in response.

"It'll be quick Ariana... I want to see your face baby to know that you're okay."

"..."

"Come on babydoll..." he whispered gently on my right ear as he run his hands on my back trying to calm me.

Ramdmam ko ang panginginig ng katawan ko.

Huminga ako ng malalim.

Unti-unting binitawan ang kamay kong nakakapit sa taong nakayakap sa akin.

Dahan-dahan kong ininalis ang mukha kong nakasiksik lang kanina sa may bandang leeg niya para tignan ang mukha ng taong nasa harapan ko ngayon.

Naaninag ko siya.

Halos hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya ngayon dahil sa pag-iyak ko.

I know it's him.

Ramdam ko ang ginawa niyang pagkilatis sa akin.

Ito ang parati niyang ginagawa.

He's trying to read what's on my mind.

"How are you feeling baby?" He said softly.

Lalo lang akong naiyak.

I miss him so much.

Alam kong bilang lang yung yung oras na hindi ko siya nakita at nakasama pero pakiramdam ko ang tagal kaming nagkahiwalay.

He gently cupped my left cheek and I close my eyes as response when he lean in to give me me a quick peck on my lips. I feel my own tears running down my cheeks. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. I won't let go.

Ayoko ng maranasan ulit yung takot na naramdaman ko.

Huminga ako ng malalim.

Kanina ko pa sinusubukang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Ang daming bagay nq tumatakbo ngayon sa isip ko. Naguguluhan na ako.

He squeezed my sides gently as he hugged me back.

"It's okay we're going home now." He said reassuringly.

I buried my face on his neck holding him close as much as possible.

"Boss clear na ang area."

"Nice" nadinig ko ang familiar na boses ni Ryan.

"Pwede na tayong sumibat." Dagdag na sabi niya.

Naramdaman ko na lang ang ginawang pagbuhat sa akin ni Justin.

Nadidinig ko silang naguusap tungkol sa status namin dito ngayon at sa planong pagbalik agad ng Manila. Hindi ko na gaanong maintindihan ang sinasabi nila dahil sa sakit ng ulo ko. Dito na ako nakaramdam ng pagod at panghihina. Naramdaman ko na din yung hapdi at kirot sa balat ko na sa tingin ko nakuha ko kanina sa mga bubog.

Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko kay Justin ng maramdaman kong bibitawan niya na ako matapos niya akong paupuin sa passenger seat ng sasakyan niya.

"Justin—"

"Shhh... I'm here now baby don't worry."

Hindi ko pa din siya binitawan.

I'm scared.

"It's okay babydoll. You're safe now."

"..."

"I'm sorry if I came so late... I... I'm sorry that I'm not there when you need me. I'm sorry that this shit happened... I fucked up. This is all my fault and I should be the one to blame. I'm sorry... I'm truly sorry baby... I didn't mean all of this to happened... to make you feel scared and alone. I promise this will never happen again..."

Umiling ako agad ng madinig lahat ng mga bagay na sinabi niya.

Hindi, hindi ikaw ang may kasalanan nito Justin. Gusto kong sabihin na walang may gusto sa nangyare sa amin ngayon. Higit sa lahat ayoko yung sinabi niyang kasalanan niya lahat ng ito. Kilala ko siya alam kong aakuin niya lahat ng ito. Ayokong makita na pinagihirapan niya ang sarili niya.

"Justin... please wag mong sisihin ang sarili mo—"

He pulled back to look at me.

"Shhh... ang mahalaga ngayon andito ka na."

Ngumiti siya pero hindi ko makita yung saya sa mha mata niya.

His eyes that I love so much looked so dull and empty staring back at me.

He looked away avoiding my gaze.

Justin....

"I need to put this on you..."

Nakita ko na lang ang ginawa niyang paginject sa may bandang braso ko.

"For you to relax and calm you down..."

Hinawakan ko agad si Justin ang nakapitan ko yung kwelyo ng suot niyang damit.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

Tinitigan ko ang mukha niya.

He was just staring back at me.

Ramdam kong unti-unti niyang umeepekto ang tinurok niya sa akin. Nakakaramdam na ako ng panghihina at antok.

"Justin..." pangalan na mabigkas ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.


To be continued...

Note: not proof read yet so please expect errors.

And thank you for reading as always :)

PS stream Justin's "JUSTICE" album para makapagupdate ako agad!!! Kakamiss talaga makinig ng songs niya actually habang gumagawa ko ngdraft JUSTICE yung pinapakinggan ko :'( so proud of juju and his latest album release.

Yours truly,
Yam

Continue Reading

You'll Also Like

995K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...