He's My Bride

De purplenayi

2.5M 55.9K 3.1K

[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw... Mai multe

He's My Bride - Published in Print
He's My Bride
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Epilogue
Nayi's Note
Special Chapter #1
Special Chapter # 2
Special Chapter # 3

Chapter Fourteen

38K 1K 33
De purplenayi

"Yes! Sa wakas!" excited na sigaw ni Joy nang kunin niya ang bine-bake niyang cookies. Naka-limang subok din siya bago na-perfect ang ginagawa. Naka-ilang kundi hilaw, sunog naman ang niluluto niya.

"Makikita nyang Ian na 'yan! May pasabi-sabi pa siyang sinpleng cookies hindi ko magawa ah?"

Nang nakaraang araw lang, pinagtatawanan siya ni Ian dahil maalat ang niluto niyang adobo at sinabi pa nitong kahit cookies, hindi niya magawa nang matino. Kaya heto siya, nagpumilit makagawa ng matinong cookies para ipamukha sa binata na kaya niyang gumawa ng masarap ng cookies.

Excited pang inilagay niya sa container ang mga ginawa nang lumamig 'yun. Balak niya, dadalhin niya 'yun sa mismong opisina ni Ian.

"Wow, mukhang masarap 'yan babe a!" narinig niyang sabi ni Rihanna mula sa likod niya. Nginitian niya ito at iniabot ang isang container na nilagyan niya ng cookies. Ang container na inihanda niya para naman sa nobya.

"Heto o, baunin mo. Matagal-tagal din ang biyahe mo papuntang probinsya e," aniya.

Kinuha naman nito ang container bago kumapit sa braso niya.

"Hatid mo na kasi ako. May kotse ka naman na 'di ba?" paglalambing nito sa kanya.

"Hindi pwede, Ri. May mahalaga akong gagawin mamayang hapon. Hindi o pwedeng ipagpaliban 'yun."

Ngumuso pa ito saka pumadyak.

"Ganyan ka naman e. Apat na araw rin tayong hindi magkikita ayaw mo pa akong ihatid man lang." Nagdadabog pang tumalikod ito.

"Tsk!" Sinundan niya agad ang dalaga at hinawakan sa braso. "Sige na, ihahatid kita pero hanggang sa sakayan lang ng bus. Malalagot ako pag hindi ako nakaratig mamaya. Magbibihis lang ako."

Ang totoo, wala naman siyang lakad. Ayaw niya lang na pumunta sa probinsya nito dahil hindi siya komportable sa mga kaibigan nito. Lalo pa't kasal ng matalik na kaibigan nito ang pupuntahan. Panigurado, masama na naman ang magiging tingin ng mga ito sa kanya. At ayaw niyang maranasa n pa uli 'yun.

Hindi niya rin naman masisi ang mga kaibigan nito. Iniintindi niya na lang tulad nang pag-intindi niya sa mga kaibigan niya. Hindi naman kasi talaga normal ang relasyon nila ni Rihanna.

~*~

Dahil malapit lang naman ang sakayan ng bus mula sa bahay nila, sandali lang ay nakarating na sila roon. Nagpumilit pa rin si Rihanna na ihatid niya ito nang tuluyan sa probinsya pero mahigpit na tumanggi siya. Sa huli, napilitan din itong sumakay ng bus.

Alas-diyes pa lang ng umaga at balak niya, pupuntahan niya na sa opisina si Ian para ibigay ang ginawa niyang cookies nang maka-receive siya ng text. Galing 'yun sa publishing company na pinagpasahan niya ng manuscript.

"Yes! Mukhang lucky day ko talaga 'to!"

Sinasabi lang sa text na nag-email na ito kung anong resulta ng pagpapasa niya ng manuscript at positibo siyang magandang balita 'yun. Lucky day niya nga e.

Binuksan niya agad ang email niya sa cellphone at hindi na nag-aksaya ng oras at binasa 'yun. Sa bawat salitang binabasa niya, unti-unting bumabagsak ang balikat niya.

Rejected ang manuscript niya.

~*~

"Nasa loob ba si Ian?" tanong ni Joy sa assistant ni Ian na si Louie.

Tinitigan pa siya nito bago sumagot.

"Naku, ma'am may ka meeting po si Sir. May appointment po ba kayo?" Tinignan pa nito ang notebook na hawak at nai-check kung mayroong appointment ang amo.

Sa kilos ng assistant ni Ian, hindi siya nito nakilala bilang asawa ng amo nito. Mukhang ang naaalala nito ay ang pagsugod niya dati kay Ian dahil sa pag-harang nito sa lahat ng applications niya sa ibang kompaya.

Simula nang "Ikasal" sila, ito ang unang beses na pumunta uli siya sa opisina ng binata.

"Uhm, wala e. Pwede bang sabihin mo na lang sa kanya na narito ako?"

Napangiwi pa ang lalaki at tinignan siya. "Naku, pasesnya na ma'am. Hindi ko talaga pwedeng istorbohin ngayon si Sir. Mahalagang tao po kasi ang ka-meeting niya. Inabot po kami ng matagal bago nakakuha ng appointment sa kanya."

Tumingin pa ito sa pinto ng opisina ni Ian. "Kung okay lang po sa inyo, hintayin niyo na lang na matapos ang meeting. Saka ko po sasabihing narito kayo at gusto niyong maka-usap si sir."

Sumimangot siya. Kung kalian naman kailangan niya ng kausap, saka pa busy ang mokong. Bumuga na lang siya ng hangin at iniabot dito ang hawak na container.

"Pakibigay na lang ito sabihin mo bigay ko," aniya. Hindi naisip na hindi nito siya kilala.

"Uhm, Im sorry ma'am but... may I know your name please?"

"MJ. MJ Lim. Oh, wait." Kumuha siya ng papel sa mesa nito at nagsulat.

Husband,

I made you cookies. Hope you like it.

Take care.

-MJ

Malungkot pa siyang ngumiti saka iniabot dito ang note.

"Pakisama na lang 'to pagbibigay mo," aniya saka bagsak ang balikat na naglakad papuntang elevator. Narinig niya pa ang mahinang pagmumura nito bago siya makalayo nang tuluyan.

Ang totoo, sinadya niyang ilagay ang "husband" sa note para mabasa ng assistant ni Ian.

Sa inis, nag-drive na lang siya nang nag-drive kung saan siya dalhin ng sasakyan niya.

~*~

"Uhm, Sir Ian... may nagpapabigay po," sabi ng assistant niya habang inilalapag sa mesa ang isang paper bag.

Tinignan niya lang sandali ang paper bag at tumango sa assistant niya.

Ipinikit niya muna ang mga mata. Hindi ganoon kaganda ang naging usapan nila ng huling ka-meeting niya. Huminga siya nang malalim at inihilamos ang kamay sa mukha niya. Nahampas niya pa ang kamay sa mesa niya.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang mapatingin uli sa paper bag. Sanay na siyang maka-tanggap ng ganito sa kung sinu-sino mula pa nang college siya. Normal na 'to. Dati ay bubuksan niya lang 'yun at ibibigay na sa assistant niya.

Napatigil ang pagkuha niya sa paper bag nang may maalala. Ibinilin niya nga pala kay Louie na 'wag nang ibigay sa kanya ang mga padalang ganun dahil hindi niya rin naman 'yun bubuksan. Ibinibigay niya na lang 'yun sa assistant niya at ito ang hinahayaan niyang magsawa sa mga regalo.

Pipindutin niya na sana ang intercom pero parang hinihila siya ng paper bag na tignan ito. Sa huli, binuksan niya rin 'yun.

Napatayo siya bigla at napalabas ng pinto nang mabasa kung anong nakasulat sa note na kasama nun.

"Louie! Galing dito ang asawa ko?" aniya habang itinataas ang papel. Napatingin sa kanya ang ibang empleyado pero hindi niya pinansin.

Hatalang kinabahan bigla si Louie at bahagyang tumungo.

"Opo, sir. Kaso nasa kalagitnaan kayo ng meeting kaya ibinilin niya na lang na ibigay ko 'yan sa inyo."

"What the hell, Louie? Sana tinawag mo ako para nalabas ko ang asawa ko kahit sandali!
Hindi ba't ibinilin ko sa'yong kahit anong ginagawa ko, papapasukin mo si Joy?" galit pang sabi niya.

"Pasensya na po, sir." Medyo nanginginig nang sabi ng assistant niya.

Hindi naman siya madalas na magalit ng sobra. Oo, sumisigaw siya pero alam ng assistant niya 'pag galit na talaga siya.

Huminga muna siya nang malalim saka pumikit ng mariin. Hindi na siya nagsalita at isinara na lang ang pinto.

Kinuha niya ang container na laman ng paper bag at binuksan 'yun. Natawa siya nang may isa pang note na laman 'yun.

O, ano? Sinong hindi marunong gumawa ng cookies? Ayan, kumain ka! (Mabulunan ka sana! Joke lang!)

Kumuha siya ng isang cookie at lalo siyang napangiti. Aminin niya man o sa hindi, masarap 'yun.

Kinuha niya ang cellphone niya para i-text ito na natikman na ang nai-bake nito nang kumatok ang assistant niya. Nakatungo pa rin ito nang lumapit.

"Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi nakilala si Ma'am Joy. Mukha po kasi siyang tomboy," anito. Pinigilan niya ang sarili niyang matawa. Hindi niya naman kasi ito masisi sa bagay na 'yun. "Na-realize ko lang po na siya si Ma'am Joy nang ibigay niya 'yun note. Ang kaso, naka-alis na agad siya."

Tumango na lang siya. Wala na sa kanya ang nagawa ng assistant niya dahil maganda na ang mood niya dahil sa cookies.

"Okay na 'yun. Bumalik ka na sa trabaho," aniya.

"Uhm, sir. Ang totoo kaya po ako lumapit kasi may napansin po ako kay Ma'am Joy kanina."

Napa-angat siya ng likod at nakinig nang mabuti sa sinasabi ni Louie.

"Ano kasi, Sir. Napansin ko nung dumating siya, malungkot siya. Tapos bagsak po 'yung balikat niya nung umalis dahil hindi kayo naka-usap. Sorry po talaga, Sir."

Napa-sorry ulit ang assistant niya dahil bigla siyang tumayo sa sinabi nito. Kinuha niya agad ang cellphone at nai-dial ang number nito.

Hindi niya na narinig ang mga sinabi ng assistant niya hanggang sa makalabas ito ng opisina niya.

~*~

Pabagsak pang naupo si MJ sa kotse niya pagkatapos bumili nang maiinom. Hindi niya na alam kung saan siya nakarating pero wala pa rin siyang paki-alam. Nagawa niya na nga dating sumakay nang hindi tumitingin sa sign board ng bus at nakarating siya sa kung saan-saan.

Nasa kalagitnaan siya nang pag-inom nang tumunog ang cellphone niya. May ilan nang missed calls doon at isang text message. Iniwan niya kasi sa kotse niya ang cellphone.

From: Ian-tot

Hey, wife! Why aren't you answering? Nakuha ko na ang cookies mo. And I must admit, masarap. Thank you!

Hindi niya napigilang mangiti. Ang unang beses na napangiti siya simula nang mabasa niya ang rejection letter. Magre-reply na sana siya nang biglang mamatay ang phone niya. Low batt nga pala 'yun at sira ang chord niya para mai-charge 'yun. Inis na inihagis niya na lang ang cellphone niya sa passenger's seat. Balak niyang bumalik sa opisina ni Ian.

Mabagal lang ang takbo ng sasakyan niya dahil hindi niya alam kung nasaang lupalop na siya ng Metro Manila. Nakatitig siya sa signage kung saan ang daan nang bigla na lang may babaeng bumungad sa harap ng kotse niya. Mabuti na lang nakapag-preno siya agad.

Mabilis na bumaba siya para siguraduhing hindi niya nabangga ang babae. Nakaupo ito sa semento at umiyak.

"Miss! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

Hindi ito nag-angat ng tingin at nakatungong umiiyak pa rin.

"Miss? O, shit! Dadalhin kita sa ospital!" nagpa-panic na sabi niya. Walang mga tao sa paligid dahil bukod sa tanghaling tapat, nasa medyo liblib na lugar siya.

Hinihila niya na ito patayo pero ayaw nitong sumama sa kanya.

Mukha namang walang sugat ito o kung ano pa man pero iyak pa rin ito ng iyak.

"Miss, please naman. Kung nasaktan kita sabihin mo naman o. Kinakabahan na ako e," aniya.

Doon lang nag-angat ng tingin ang dalaga. At base sa pamumula ng mga mata nito, matagal na itong umiiyak.

"Hey, anong problema? Saan masakit?" tanong niya. Nag-panic pa siya at napa-upo sa semento para tabihan ito.

Umiiyak pa ring itinuro nito ang dibdib sa bahagi ng puso.

"Bakit ganun, kuya?" Tinitigan siya nito. "I mean ate. O kuya. Kung ano mang gusto mo. Ang sakit sakit!"

Hindi niya pinansin ang pag ate-kuya nito sa kanya. Ang napansin niya lang ay ang sobrang sakit na nakikita niya sa mga mata nito.

"Ano bang problema? Makikinig ako," aniya.

Wala naman sana siyang balak na makialam sa problema nito pero sa nakikita niya, baka kung ano pang gawin ng babae 'pag iniwan niya na lang ito basta.

Naupo ito ng maayos at nagsimulang i-kwento sa kanya ang problema. Nalaman pala nitong pangalawang pamilya lang sila. Ang akala niya, kaya lang hindi sila napagtutuunan ng pansin ng ama ay dahil sa busy ito sa trabaho. Ayun pala, sa unang pamilya ito umuuwi.

Kamamatay lang ng ina nito isang taon na ang nakakalipas kaya wala itong kasama sa ngayon kundi mga katulong. Kanina lang, ipinakilala ng ama nito ang dalawang kapatid. Hindi pa rin ito makapaniwala at hindi pa rin nito matanggap na ang inakala nitong perpektong pamilya na meron ito ay isa palang malaking kasinunalingan. Tumakbo agad ito paalis ng bahay matapos sabihin ng ama ang katotohanan at ngayon nga ay napadpad sa kinaroroonan nila.

Umakbay si Joy sa dalaga para patahanin ito.

"Tahan na. Hindi ba mas okay ngayon na may mga kapatid ka? At least may makakasama ka na," aniya.

"Pero ayoko ng kapatid! Ang gusto ko lang naman, magka-oras sa akin si Papa. Pero kahit minsan, hindi niya ako nabigyan. Kaya naman pala. Nauubos na pala ang oras niya para sa mga 'yun kaya wala nang natitira para sa akin. At alam mo ba, sa bahay pa titira ang babaeng 'yun!" anito na ang tinutukoy ay ang nakakatatandang kapatid na babae.

"Come on, think of it positively. Baka naman dinala talaga sa iyo ang mga kapatid mo para may makasama ka. Give them a chance. Malay mo naman magkasundo pala kayo," aniya.

Hindi ito sumagot pero sa tingin niya, kino-consider nito ang sinabi niya.

Tumahan na rin ito at nagpupunas na lang ng mga mata.

"Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Baka hinahanap ka na nila."

"Salamat," medyo nakangiti nang sabi nito. "Kanina pa tayo nag-uusap pero ni hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si JL. Thank you sa pagdamay ha," anito.

Ngumiti siya saka inabot ang kamay ng dalaga.

"I'm Joy."

~*~

"Hey!" Nagulat na lang si Joy ang salubungin siya ng mahigpit na yakao ni Ian. "Where have you been? Kanina pa ako nag-aalala! I'm so close to calling the cops!"

Hindi siya nakasagot dahil sobrang higpit ng yakap nito at halos hindi siya makahinga.

"I-Ian... 'di ako m-makahinga," aniya.

Agad na bumitaw si Ian.

"I'm sorry," anito. "Bakit nakapatay ang cellphone mo?"

"Na-drain 'yung battery. Hindi naman ako makapag-charge kasi sira 'yung chord ng charger."

Napatingin siya sa orasan. Maga-alas singko pa lang ng hapon pero nasa bahay na si Ian. Normally, alas-sais pa ito dumarating.

Hindi niya na ito napuntahan sa opisia dahil sinamahan niya pa si JL maghapon. Ayaw pa kasi nitong umuwi. Hindi niya naman maatim na iwanan na lang. Nang maihatid niya ito, dumeretso na lang siya ng uwi kaysa puntahan pa uli sa opisina si Ian.

"Are you okay? Saan ka galing?"

Ngumiti siya ng pilit. "May sinamahan lang akong kaibigan," aniya.

Tumango ito.

"Okay, magpahinga ka na muna. Ako na ang magluluto ng dinner."

Hinaplos pa ito ang pisngi niya saka sinuklay ng kamay ang buhok niya bago tumalikod.

"Uhm, Ian..." tawag niya rito bago pa ito makalayo.

"Hmmn?"

Ngumiti siya.

"Salamat sa lahat."

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.2K 367 66
Eli made a mistake that he would never forget. But it will became worst when he met the girl who happened to be connected from his past. He fell in l...
29.9K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.5K 1.4K 28
Playful Beau threw a paper-plane of love letter for the innocent-looking campus chick that he wants to hit on. Pinlano niya na gawin iyon dahil agad...