Chapter Nine

44.9K 1K 45
                                    

"MJ o," ani  Ian saba abot ng hotdog kay Joy.

Siya ang naglagay ng ketchup doon pagkatapos niyang bilhin.

"Ayun o, may palagay-lagay pa ng ketchup. In-love ka talaga sa'kin 'no?" ani Joy.

"W-what? Pinaglagay lang ng ketchup in-love agad? Saka, ilang beses ko bang sasabihin na nadala lang ako ng pagkakataon kaya ko nasabi 'yun? Hindi ako in-love sa'yo 'no! 'Lul mo!" aniya saka sumubo ng hotdog.

"H'we? Sabi nga nila, 'yung mga sinasabi natin na hindi natin sinasadya, 'yun 'yung totoo. Spur of the moment. Kaya 'wag ka nang mag-deny d'yan."

"Hindi nga ako in-love sa'yo. Naalala ko lang 'yung ex ko. Akala ko siya ikaw."

Natahimik sandali si Joy pero humarap sa kanya sa nang-aasar na mukha. "Palusot-dot-com ka dude! Nabighani ka lang talaga sa ka-gwapuhan ko e! Bakla ka talaga!" ani Joy sabay tawa.

Inihilamos ni Ian ang kamay niya sa mukha ni Joy habang pinipigilan niyang tumawa. Tinampal naman 'yun ni Joy ay lumayo sa kanya.

"Halika na nga. Bumalik na tayo sa hotel," aniya.

Inabot na sila ng dilim sa daan. Nag-enjoy pa kasi sila sa paggagala sa Central Park. Mabuti na nga lang, nawala 'yung awkwardness sa pagitan nila na nabuo dahil sa sinabi niya.

Nasa lake sila noon at nag-rent sila ng bangka. Tahimik lang sila noong una. As in, hininga lang nila ang maririnig mo. Ni wala ngang nagyaya sa kanila na pumunta sa kinaroroonan nila. Basta dinala na lang sila roon ng mga paa nila.

Nagsimulang tumawa noon si Joy nang mapansin niyang paikot-ikot lang sila sa isang lugar. Magkasalungat kasi ang ginagawa nilang pag-sagwan.

"Sige, ipagpatuloy lang natin 'to. Baka next year nakausad na tayo," sabi ni Joy habang tumatawa.

"'Wag mo kasing salungatin 'yung pagsasagwan ko!" ani Ian, natatawa na rin.

"Anong ako? Ikaw kaya d'yan! 'Wag mo kasi akong pagmasdan masyado! Kaya ka natutuliro e!"

Ang totoo, hindi naman nakikita ni Joy na pinagmamasdan siya ni Ian. Naisip niya lang sabihin 'yun para gumaang ang atmosphere sa pagitan nila. And she succeeded. Dahil simula nang oras na 'yun, naging biruan na lang sa kanila ang sinabing 'yun ni Ian.

Kung saan-saan pa silang naglibot na dalawa. Nakarating sila sa Alice in Wonderland, Conservatory Garden, pati sa Central Park Zoo.

Sa Alice in Wonderland, puro si Joy ang nagpa-picture. Sabi kasi ni Ian, mukha lang siyang tanga kung magpapa-picture siya sa mga estatwa ng characters ng Alice in Wonderland.

"E bakit pa tayo nagpunta rito kung hindi ka naman magpapa-picture?" sabi ni Joy.

"Ikaw lang naman ang nanghatak papunta rito a?" sabi ni Ian.

Si Joy nga ang nagyaya na pumunta sila roon, pero hindi naman umangal si Ian at nagpatiuna pa.

"Ikaw kaya ang naunang pumunta rito!" si Joy.

"Sabi mo gusto mo rito e. Sinunod ko lang naman. Hindi mo alam ang daan kaya nagpatiuna ako," sagot naman ni Ian.

"Uuy, iba na talaga pag in-love!" pang-aasar ni Joy.

"Nabigla lang nga ako nun, okay? Hindi ako in-love sa'yo!"

"Whatever, Ian."

Sa huli, nagkaroon din ng picture si Ian. Stolen shot lang 'yun habang nakaupo ang huli sa tabi ng estatwa na may hawak na libro.

Sa Conservatory Garden pinakanagustuhan ni Joy. Sobrang ganda ng tanawin doon. Pakiramdam niya, nasa ibang mundo sila. Parang panaginip lang sa paningin niya ang lugar. Nag-trip si Ian at nagkuha ng maraming pictures doon. Parang prenup na rin daw nila. Mas maganda raw na ipakita 'yun pag nasa isang album na.

He's My BrideTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang