Chapter Five

54.1K 1.2K 54
                                    

Iniangat ni Joy ang cellphone niya nang tumunog ulit yun. Indikasyon na nag-reply na ang ka-text niya.

 

From: Aya

In fairness kay Christian ha, lalo siyang gumwapo! Ni hindi ko agad nakilala! Ano bang pinaggagagawa nun? Ibang-iba talaga eh!

 

Kanina pang si Ian ang topic nila. Hindi niya rin alam kung bakit pero aliw na aliw si Aya sa topic na yun. Alam na kasi nito ang sitwasyon nila ni Ian at mukhang nakaka-amoy pa raw ng romance.

To: Aya

Ano bang pinagsasasabi mo jan? Patingin ka na nga sa mata! O mas mabuti, utak na ang ipatingin mo!

 

From: Aya

Bakit kaya hindi ikaw ang magpatingin ng mata? Nabubulag ka na! Kita mo...

 

Naningkit ang mga mata ni Joy sa huling text ni Aya. Halata kasing ibinitin talaga nito ang sinasabi. At alam niya ang kasunod noon. Hindi man eksaktong alam niya ang bawat salita, alam niyang may kinalaman yun kay Rihanna.

To: Aya

Pwede ba, Aya. Alam ko kung anong gusto ko.

 

Yun na lang ang isinagot niya kesa naman magtalo pa silang magkaibigan.

From: Aya

Whatever, Joy. Anyway, bukas ha? Umoo na yung dalawa. Alam mo namang mahirap kumuha ng oras kay Genna kaya samantalahin na natin.

 

Magkikita-kita silang apat bukas. Sabado kasi at saktong walang taping o guesting o kung anuman si Genna, ang artista nyang kaibigan. Apat lang sila dahil nasa U.S. ang isa niya pang kaibigan na si Jacky. Tatayo na sana siya para kumuha ng maiinom nang nag-ring ang cellphone niya. Pagkatingin niya roon, napakunot agad ang noo niya.

Calling...

Ian Kumag

 

Sumimangot pa si Joy na parang makikita yun ni Ian bago siya sumagot.

"Oh, problema mo?"

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa soul mate mo?" ani Ian.

"SOLE mate? Sorry ha, ngayon ko lang na-realize na kamukha mo nga pala yung talampakan ko. Bakit ka nga napatawag?" inis na tanong ulit ni Joy.

"Kung kamukha ko yang talampakan mo, isa ka nang Diyosa. Ubod ng ganda! Biruin mo, talampakan mo pa lang ulam na ulam na?" Tumawa pa ng malakas si Ian mula sa kabilang linya na ikinainis lalo ni Joy. "Anyway, change of plans. Susunduin kita bukas. Magdi-dinner tayo sa bahay ng parents ko," anito.

"Huh?!" Napatayo bigla si Joy sa narinig. "Anong magdi-dinner?!"

"Magdi-dinner, kakain ng hapunan, magdi-dinner," pagpapaliwanag ni Ian sa meaning ng dinner.

"Leche. Alam ko ang ibig sabihin nun! Ang tanong ko, bakit kailangang mag-dinner kasama ang pamilya mo?!"

"Aww! 'Wag ka ngang sumigaw ng sumigaw! Baka masira ang eardrums ko! Di bagay sa gwapo ang bingi!" Tumahimik ito sandali saka nagpatuloy. "Gusto ni Mama na ipakilala kita sa kanila bilang official fiancé ko."

"Kilala naman nila ako ah!" ani Joy, inalala ang araw na isinama siya ng Kuya niya sa bahay nila Ian. Yung din ang araw na dineklara ng Mama ni Ian na siya ang mamanugangin.

He's My BrideWhere stories live. Discover now