Chapter Twenty Four

38.7K 911 149
                                    

Mabilis ang mga kilos ni Ian habang nagbibihis. Alam niya na ngayon kung saan pupuntahan si Joy. Ma-swerte siyang nagtiwala pa rin sa kanya ang matalik na kaibigan at pinaniwalaan siya. Alam nitong mahal niya ang dalaga kahit noon pa man. Kahit na hindi niya 'yun alam sa sarili niya, si Patrick ay nakikita 'yun sa mga mata niya.

Kinuha niya agad ang susi ng kotse niya. Wala siyang pakialam kung pinagbawalan siya ni Brad na mag-drive. Naka-alis naman na ito at hindi siya mapipigilan. Ang mahalaga lang sa kanya, mapuntahan at maka-usap niya si Joy.

Napatigil siya sa pagbaba ng hagdan nang makita si Rihanna na naka-upo sa sofa. Halatang kararating lang nito galing sa kung saan. Nagdilim agad ang paningin niya at gusto niya itong kaladkarin palabas ng bahay niya.

Pero bago pa man siya makakilos, malakas na bumukas ang pinto ng bahay at pumasok roon si Joy. Mabilis ang lakad nito at halatang nagmamadali. Sandali pa itong tumingin kay Rihanna bago ito umakyat ng hagdan.

Sandaling nagkatinginan sila bago siya nito nilagpasan at dumeretso sa kwarto nito.

~*~

"Anong pina-plano mo, Joy?" tanong ni Lana sa kanya.

Kinailangan niya ang tulong nito para maka-uwi. Nawala sa isip niya noong una na hindi niya nga pala dala ang kotse niya kaya naman bumalik siya sa loob ng bahay ni Aya at humingi ng tulong. Pinagtawanan pa siya ni Aya pero hindi niya 'yun pinansin.

"Maging masaya," simpleng sabi niya.

"That doesn't answer my question."

"It does." Matipid na ngumiti siya kay Lana bago tumingin sa kawalan.

Nang makarating sa eskinita papunta sa bahay nila, nakita niya pang bumaba ng isang taxi si Rihanna at papasok sa loob. Napatitig siya rito sandali bago marinig ang boses ni Lana.

"Ano, nagbago na ba ang isip mo?" tanong nito sa kanya.

Hindi niya napansin na nasa tapat na pala sila ng mismong gate ng bahay nila. Tumingin siya sandali kay Lana at nagpasalamat bago mabilis na lumabas ng kotse at pumasok sa loob.

Hindi siya nag-aksaya ng oras at padabog na binuksan ang pinto ng bahay. Nakita niya pang naroon si Rihanna sa sofa. Nakataas ang kilay na tinignan siya nito. Hindi niya 'yun pinansin at nagmamadaling umakyat ng hagdan.

Napatigil siya sandali nang makita si Ian doon. Nakatitig din ito sa kanya at parang may gustong sabihin na hindi niya mawari.

Nilagpasan lang niya ito nang magsimula itong bumaba para salubungin siya. Inis na tinignan niya pa uli si Rihanna sa sofa ng sala habang prente pa rin itong naka-upo.

Padabog na binuksan niya ang pinto ng kwarto at kinuha ang maleta. Inilatag niya ito sa kama bago pinangalahati ang mga damit sa closet. Kinuha niya rin ang mga gamit sa tokador at sa CR. Iniisa-isa niya na 'yung ilagay sa maleta nang pumasok sa kwarto si Ian.

"MJ, please don't do this. Let me explain..."

"Labas!" singhal niya habang hindi tumitingin dito.

"MJ naman... listen to me first. Don't leave me—"

Tinignan niya ito nang masama bago pabagsak na inilagay ang mga damit sa maleta. Inirapan niya muna ito bago niya ipinagpatuloy ang pan-eempake.

"MJ, mahal kita... maniwala ka naman o," anito pa.

Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

Nagulat na lang siya nang bigla siyang nitong hilahin at halikan sa mga labi. Hindi siya nakakilos nang mahigpit siyang yakapin nito.

He's My BrideWhere stories live. Discover now