Chapter Thirty One

41.8K 997 35
                                    

Ngiting ngiti pa si Ian nang lumapit kay Joy. Itinatago niya sa likod niya ang folder na puno ng doodle ni Joy.

"O, mukha kang clown d'yan," anito sa kanya.

Hindi siya nagsalita at bigla na lang itong hinalikan sa mga labi.

Hahampasin sana siya ni Joy pero naka-iwas agad siya.

"Sira ka talaga!" ani Joy.

Ngumiti lang siya rito saka inilabas ang folder mula sa likod niya.

"So, matagal ka na palang may gusto sa'kin ha?" aniya.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Joy pagkakita sa hawak niyang folder. Namula pang bigla ang mukha nito bago inabot ang folder. Ang kaso, itinaas iya 'yun agad ng husto kaya naman napayakap lang ito sa kanya.

"Ikaw ha, tsansing na 'yan!" tumatawang sabi niya rito.

Tinignan siya ng masama ng dalaga bago ito nagdadabog na lumayo sa kanya. Tumalikod ito at nagmartsa papasok sa kwarto nito. Mabilis na sinundan niya ito.

Nakahalukipkip pang naupo si Joy sa kama habang nakasimangot at hindi tumitingin sa kanya.

"Sweetie naman, 'wag ka nang mahiya. Okay lang naman e. Hindi naman nakapagtatakang magkagusto ka sa'kin!" nang-aasar pang sabi niya.

Tumingin nang masama sa kanya si Joy saka umirap. Mukhang galit na talaga ito. Bumuntong hininga na lang siya at nag-squat sa harap nito.

"Sorry na, MJ. Hindi na ako mang-aasar," aniya. Ayaw niyang nagagalit sa kanya ang dalaga. Hangga't maaari, gusto niyang maayos ang relasyon nilang dalawa.

Inilahad ni Joy ang kamay sa harap niya habang hindi pa rin tumitingin. Malungkot na iniabot niya rito ang folder. Hindi siya kumilos kahit na hawak na nito ang folder.

"Natuwa lang naman ako sa mga doodle na 'yan," malungkot pa ring sabi niya.

Nakita niya pang pina-ikot ni Joy ang mga mata nito bago iniabot uli sa kanya ang folder.

"Fine! Sa'yo na 'yan!" anito.

Ngumiti siya nang malapad saka niyakap ang folder.

Kapagkuwan ay tumayo na uli si Joy at nilagpasan siya. Kasabay ng pagtayo niya, tinanong niya pa ito.

"Christ ang ibig sabihin ng 'X' 'di ba?" tanong niya.

Iwinasiwas nito ang isang kamay habang hindi tumitingin sa kanya.

"Yeah, yeah. Whatever."

~*~

Niyakap ni Joy ang Yaya niya nang pumayag itong turuan siyang gumawa ng cake. Na-perfect niya na kasi ang paggawa ng cookies. Pati mga ulam, kahit paano maalam na siya. Gusto niya naman sanang matutong gumawa ng cake.

"Thank you, yaya!" sigaw niya pa.

"Anong meron?" tanong ni Ian na kapapasok lang ng kusina.

"Tuturuan ako ni Yayang gumawa ng cake!" excited na balita niya kay Ian.

"Talaga? Nice!" anito.

"Dun ka na muna sa kwarto. Para maka-concentrate ako," aniya. Sigurado kasing 'pag nand'yan si Ian, mangungulit lang ito at baka hindi siya matuto.

Hindi kumilos si Ian sa kinatatayuan at humalukipkip pa.

"No. Manonood ako," anito.

Pinaningkitan niya ito ng mata saka nilapitan. Itinulak niya ito palabas ng kusina. Kahit hirap, natulak niya ang binata palabas.

"O, sakto! Nandito na pala si Kuya!" aniya nang makita ang kapatid na pumasok ng pinto. Nagtatakang tinignan sila nito. "Hoy, kuya!" tawag niya sa nakatatandang kapatid. "Maglaro muna kayo nitong si Ian ha! Ilayo mo muna sa'kin!" aniya pa.

He's My BrideWhere stories live. Discover now