Chapter Six

53.3K 1K 48
                                    

"Bakit hindi pwedeng kasama ako?" nakanguso pang sabi ni Rihanna. Yumakap pa ito sa likod ni Joy. Hindi napigilang mapangiwi ni Ian sa nakikita, he thought girls are really cute pero sa nakikita niya ngayon? Parang gusto niyang masuka.

"Hindi talaga pwede, babe. Napag-usapan na natin 'to kagabi di ba? Saka alam mong hindi naman ganun kadali ang lahat. Ni wala ka pa ngang passport," sabi ni Joy saka humarap sa dalaga. Sa pagkakataong yun, tumalikod na si Ian. Ayaw niya nang makakita ng kung ano pa dahil imiikot na ang sikmura niya.

Nakasuot na naman si Joy ng hoodie, khaki shorts at ang paborito niyang orange na rubber shoes. Napapa-iling na lang si Ian dahil hindi niya ma-imagine na sa lahat ng babae, ito pa ang nagustuhan ng mga magulang niya.

Oo, maganda si Joy... noon. Hindi na siya ang cute na dalagitang inaasar-asar niya dati dahil sobrang cute nito kapag namumula. Mas brusko na ito sa kanya at mukhang siya pa ang nabu-bully.

"Ano, tapos na ba kayong maglampungan d'yan?" ani Ian habang nakatalikod pa rin. "Tss. Akala mo naman isang taon mawawala kung makapag-drama." Lumakad agad siya palabas ng condo bitbit ang maleta ni Joy. Hindi na niya inabala ang sariling tignan ang reaksyon ng dalawa.

Sa kabilang banda, pinaningkitan ng mata ni Joy ang lalaki saka bumitaw sa kamay ng nobya. "One week lang akong mawawala. Alagaan mo ang sarili mo rito, ha? Sapat naman yung binigay ko panggastos mo..." Nagbilin pa siya ng kung anu-ano bago tuluyang umalis.

Sakay sila ng kotse ni Ian nang mapansin niyang nakasimangot ito.

"Problema mo?" tanong ni Joy.

Bumuga ng hangin ang binata. "You know, I think this is a bad idea," anito.

Humarap agad si Joy sa binata. Interesado na sa sasabihin nito.

"What do you mean?"

Nagpalipas ng ilang sandali si Ian saka sumagot. "This! What we're going to do. You obviously— Ugh! Nevermind!"

Napataas ang kilay ni Joy sa sinabi nito.

"Ibig mong sabihin, umaatras ka na sa kasunduan? Sumusuko ka nang 'mapa-ibig' ako?" she quoted the word 'mapa-ibig'. Tumawa pa siya pagkasabi nun.

"I said, nevermind! Itutuloy natin 'to. At sinasabi ko sayo, sa loob ng linggong 'to, in love ka na sakin."

Tumawa lalo ng malakas si Joy. Sa hitsura kasi ni Ian, mukhang confident na confident ito sa sinasabi. Naiiling na tumingin na lang si Joy sa labas ng bintana.

"Alam mo, 'wag kang masyadong umasa, masasaktan ka lang," ani Joy.

~*~

"Ano yan?" tanong ni Ian nag makitang nakatutok lang si Joy sa laptop niya.

Mabilis na isinara ni Joy ang laptop saka humarap sa binata.

"None of your business. Matulog ka na nga lang d'yan! O kaya manood ka ng movie," ani Joy.

"'Kay." Inayos ni Ian ang pwesto niya para maging higaan yun.

Napanatag naman si Joy nang makitang deretso na ang paghinga nito kaya binuksan niya na ulit ang laptop niya.

Sakay na sila ng eroplano papuntang New York. Nasa business class sila kaya naman komportable ang biyahe nila. Sino bang hindi gugustuhing maging komportable sa almost 18 hours na biyahe?

Ginagawa ni Joy ang hilig niya. Ito ang dati niya pang gustong gawin pero dahil sa ang Kuya niya lagi ang nasusunod, hindi niya na ito naipagpatuloy pa. Kinuha niya ang gusto nitong course at isinantabi na lang ang hilig.

Lulong na si Joy sa ginagawa. Hindi niya na rin alam kung gaano katagal na siyang nagta-type.

"Nagsusulat ka ng nobela?" narinig niyang sabi ni Ian.

He's My BrideWhere stories live. Discover now