HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

345M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b β™₯
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE β™₯

CHAPTER 110 : INTERHIGH

5.4M 108K 259K
By maxinejiji

DEIB'S POV

Five minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Taguro.

Saan ba kasi pumunta yon!?

Inis akong tumingin ulit sa relo ko habang paikot ikot sa harap ng bench.

5 minutes pa.. kapag hindi ka dumating.. Susundan na talaga kita!

"Hoy ano ba! Maupo ka nga! Bat ba di makale dyan?!"

Gulat akong napatingin sa sigaw na yun ni Parrot.

"E-Eh ano bang pakelam mo?!"

"Ahhh.. kaya naman pala.. Hindi makatiis?! Sya sundan mo!"

Grabe 'tong babae'ng 'to..

"A-Ano bang s-sinasabi mo dyan?!"

"Sige.. tangge lang ng tangge!! Wala namang nakakarinig kaya wag ka ng umarte!"

"Sinabi nya bang babalik sya?!" mayabang pa'ng tanong ni Parrot.

"O-Oo.."

"Eeeehh ayun naman pala e! Kapag sinabi nyang babalik sya.. kahit magbasag ka ng walumpung bote kaiintay.. babalik yun!"

"S-Sigurado ka?"

"Sino ba kaibigan? Ako o ikaw?!"

"I-Ikaw.."

"Edi malamang mas kilala ko yun kesa sayo!"

"T-Tch.."

"Umupo ka na nga!"

"E sa a-ayaw kong maupo---bakit ba nakikialam ka?! Ikaw ang maupo!"

"Kanina ka pa kasi paikot ikot dyan! Nahihilo ako sayo!" sigaw nya pa!

"Oo nga naman Deib.. bakit di ka maupo??" biglang tanong ni Lee at nagulat naman ako.

Narinig nya kaya yung mga sinabi ni Parrot?!

"May inaantay kase.." bulong pa ni Parrot at inis naman akong tinignan sya.

"Huh??" tanong ni Lee sa kanya.

"Huh?! Hamon!" sigaw ni Parrot sa mukha ni Lee at natawa naman si Lee sa kanya.

"Hahahaha.."

"Psh.. geh tawa.. Kapag ako nagtawag ng mga tropa ko dito sa BIS.. bugbog ka.." mayabang pang sabi ni Naih sa kanya.

"Tsh.. Dito ka nga pala noon ano?" si Lee.

Napapabuntong-hininga naman akong napaupo na lang sa bench at walang humpay ang tingin sa relos ko.

Wala pa naman syang cellphone.. Tsk! Saan ba kasi pumunta yon? Ang tagal naman..

"Oo.. kaming dalawa ni Max.." si Parrot.

"Alam ko.." si Lee.

"Baket?! Bawal ipaalam ulet?!

"Hahahahah.. you're funny.."

"And you're not!"

"Hahahaha.. Why did you transfered to BIS then??"

"Because I want to!"

"Of course you want to.. and the reason behind that is??"

"I failed to pass my third year here in SIS! Hehehehe.. tama ba English ko ha? Hahaha.."

"You failed?? Bakit naman??"

"Teka nga.. kinikilala mo ba ako ha!? Interesado ka sakin noh!?"

"Tsh.. assuming.." natatawa'ng singhal ni Lee sa kanya.

"Psh.. denying!"

Inis pa akong napalingon sa kanilang dalawa at tinignan sila isa-isa pero mukhang busy'ng busy sila'ng kausap ang isa't isa at wala ng pakialam sa paligid nila.. Sinulyapan ko sina Tob at Michiko at mukhang busy rin sila sa pinag-uusapan nila! Ganon rin naman yun dalawang bakla!

Badtrip! Nasaan na ba kasi yon!? Nadedelay ang love life ko.. hehehehe..

Nakaramdam ako ng matinding lungkot kasabay ng konting inis at konti ring inggit..

Gayunpaman...

Mas lamang ang SAYA na nararamdaman ko hehehehehe!!!!

Hihintayin kita Taguro.. pero kapag hindi ko na matiis.. pupuntahan na talaga kita.. Hehehehe.. magalit ka man.. mawawala rin yan hehehehe!

"Zarnaih!!!"

Sabay sabay kaming napalingon nung biglang may sumigaw mula sa gilid ni Lee.

"Oh.. Saruuuuhhh!!!" malakas na sigaw ni Parrot at saka mabilis na tumayo at sinalubong yung...

Tinignan ko sya mulo ulo hanggang paa..

Tsh! Tomboy!?

Maputi..

Maikli ang buhok..

Matangkad..

Payat..

Lalaki kung manamit! Pero eksakto lang sa katawan nito..

Sana man lang ay ganyan rin kaayos manamit si Taguro kahit papano.. Tch!

Malalaman mong tomboy sya dahil sa pananamit at kabuuan ng itsura nya.. Pero kahit tomboy nga sya.. maayos ang pananamit nya dahil sakto lang sa katawan nya at hindi katulad ni Taguro na malalaking T-shirt at maluluwang na pantalon ang suot!

Baduy!

"Nampucha naman oh! Sabe ko naman sayo kokontakin mo ko pag may laro kayo e! Alam mo namang may pasok kami e!" sigaw pa ni kay Parrot.

"Hahahaha ano ka ba naman! Alam mo rin namang player kami ni Max e! Matik na yun syempre! O kumusta na ba?! Lalaking lalaki na tayo ah!? Hehehe.."

"Eto okay naman, susunduin ko nga sana yung chic ko kasi gusto daw nyang manood ng basketball.. tsk! Puro lalake lang naman ang titignan non! Oh.. balita ko nanalo daw si Pein kay Sam ah!? At ikaw talo??? Na naman!?"

"Pakyu! Hahahaha! Oo! E ano pa nga ba?! Hindi naman ako sing galing kasi nun talaga.. pero sana hindi mo na ipinapaalala di ba?! Sino bang chic mo?!"

"Nandyan lang yun hehehe.. si Precy.. Nasaan si Pein? Wala na ba kayong laro? Kelan ulit??"

"Mamaya pa lang ipopost yung sched para bukas e.. itetext ko sayo kung meron bukas pero sa tingin ko ay meron hehehe.. Dapat manood ka kasi hanggang friday lang kami dito.. Next week sa BIS na ang venue, mas hindi ka na makakapanood.. Heheheh!"

"Tsk.. sa kulet nung jowa ko tol imposible.. Malamang sa malamang magyaya pa yun don sa BIS!"

"Hahahaha edi maganda! Mapapanood mo ko!"

"O e nasaan nga si Pein!?"

"Bakit pa sya na lang lagi hinahanap mo!? E nandito na nga ako!"

"Hahahaha kung sya rin ang kaharap ko ngayon ay ikaw ang hahanapin ko.. Hindi lang ako sanay ng hindi kayo magkasama.. hehehe.. Namimiss na rin pati namin sya.. hindi man lang kasi kayo makadalaw dito! Hindi rin malaman kung san kayo hahagilapin! Daig nyo pa killer sa pagtatago e!"

"Psh! Hindi ko nga rin alam kung nasaan e hahaha.. sabi nya may pupuntahan lang daw sya pero babalik rin yun hehe.."

"Sus.. sino namang pinuntahan!? Baka si Randall!? Hahahaha!"

A-Ano!?

"H-Hoy.. wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo.. kasama naming yung kapatid ng girlfriend ni Randall.."

"Ha?? Sino dyan!?"

"Yung gwapo sa likod ko.." dinig ko paring sabi ni Parrot don sa tomboy na tinawag nyang Saruh.

"Sino dyan!? E gwapo lahat yan e!"

Ano pa nga ba!?

"Basta.. isa sa mga yan hehehe.."

"E ikaw? Wala ka pa rin bang boyfriend??"

"Hahahaha.. wala pa.. Bakit?! Bibigyan mo ba ako!?"

"Hahahaha.. hindi na kita kailangang bigyan dahil andami namang nagkakagusto sa inyo ngayon dito.. kung san san ko nga naririnig yung mga pangalan nyo e.. Lalo na yung kay Maxpein hahaha.."

Sino namang nagkakagusto sa kanya!? Bukod sakin sino pa?! Badtrip! Hindi naman sya maganda! Talentado lang talaga sya! Mga walang taste!

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang inis na naramdaman ko nung marinig ko ang sinabi nung tomboy na yun kaya naman mabilis akong tumayo at naglakad palayo..

"Hey, where are you going?" tanong ni Lee na humabol pa sakin.

"Hahanapin ko si Taguro.."

"Huh? Why?"

"Because I want to.."

"Does that mean that you want her too?" nakangisi pang tanong nito. Tinignan ko lang sya ng masama at saka ako inis na naglakad papalabas.

Kasama nya nga kaya si Randall??

Alam nya ba kung panong nakakabwisit sa pakiramdam yung parang halos na lang yata ng students dito e alam yung tungkol sa kanila ni Randall!? Nakakabadtrip yung sa twing maririnig kong babanggitin nila yung pangalan mo.. kasunod na yung pangalan nung Randall na yun! Tapos niloko ka lang naman! Badtrip!

Inis akong nagtuloy sa paglalakad ko at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay tama ang ginagawa kong pagtahak sa daan papalabas ng SIS..

Hindi na ako kalayuan sa gate ng SIS nung marinig ko ang tunog ng motor ni Taguro at maya maya lang ay dumaan na sila sa harap ko..

Nakaangkas si Gonza sa likod nya na mukhang enjoy na enjoy sa pagkakasakay sa motor nya!

Akala ko ba hindi sya nagsasakay sa motor nya!? Badtrip!

Nakaramdam ako ng matinding inis at halos wala ng paglagyan ang inis ko!

Ramdam ko rin ang pagkakakunot ng noo ko! Kung makikita ko lang sigurado ang sarili ko ay makikita kong hindi na maipinta ang mukha ko!

Inis akong naglakad pa ng bahagya papalapit sa gate kung saan alam kong madali nila akong makikita dahil don ang daan nila..

Kitang kita ko pa kung paanong pinagmamasdan ni Taguro si Gonza hubarin ang helmet at iabot pabalik sa kanya saka tuwang tuwa parang bata na hinimas pa ang motor nya!

"Wooohh! Ang cool mo grabe hahahaha! Ang bilis pero swabe! Ang astig nitong motor mo ah! Mahal siguro yan!?" sabi ni Gonza na nakangiting bumaling kay Taguro.

"Bilisan mo na.. baka malate ka.."

"Hehehehe.. kelan ba natin uulitin 'to?!"

"Hindi na..." seryosong sagot ni Taguro at saka eksaktong bumaling papaharap sa gate at nagtama ang paningin namin..

"Oh?? Si Enrile pala 'to e.. Hehehehehe.. sinundo lang naman ako ng 'Destiny' ko.. ano ka ngayon!? Hehehehehe.."

Hindi ako nagsalita at nanatili kay Taguro ang paningin ko. Pilit kong itinago ang inis at kaunting galit na nararamdaman ko. Pilit ko ring ginawang mahinahon ang sarili ko bago tuluyang tumitig sa kanya.

Sa oras na 'to ay hindi blangko ang mukha ni Taguro.. Nananatili syang nakatingin rin sakin at animong binabasa ang mga emosyon sa mukha ko munit sadyang wala syang makita..

Tumingin pa muna sya sa kabuuan ko at saka bumaling kay Gonza.

"M-Mauna ka ng pumasok.." sabi ni Taguro sa kanya.

"Ha? E-Eh pano ka?" sagot naman ni Gonza.

Badtrip ka! Makakalakad naman yan mag-isa kahit wala ka! Tch!

"Susunod ako.."

"Sigurado ka?"

"Mmm.."

"Manood ka ng laro ko ah?"

"S-Sige.."

Bakit ganon na lang sya kabilis mapapayag ng bubwit na yan tapos ako??? Tsk! Peste!!

"Hihintayin kita.." nagpapacute pang sabi ni Gonza!

"Sige na.. pumasok ka na.. magsstart na ang game nyo.."

"Hihintayin kita.. naiintindihan mo??" ulit pa ni Gonza na bahagya pang lumapit sa mukha ni Taguro dahilan para maiiwas ko ang paningin ko!

Simpleng bagay lang naman ang ginagawa nya e.. pero bakit hindi ko magawang tignan!?

"Magpalit ka ng uniform mo.. yung malinis.."

"Yes destiny! Masusunod po hehehe.. see you.. mwah!"

Bakit!? Bakit kailangang sya pa ang magpaalala sa kanyang magpalit ng damit?!

Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko pero panandalian lang yun dahil agad kong ibinalik sa blangko ang itsura ko!

Nakaramdam ako ng mas matinding inis pero sa tingin ko wala na akong magagawa dito..

Pilit kong kinalma ang sarili ko..

Sanayan lang yan Deib.. Wala kang karapatan kay Kim noon.. mas wala kang karapatan ngayon..

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko dahilan para mas mangibabaw ang galit na nararamdaman ko pero sinikap kong pigilan ito..

Pinanood ko pa si Kev hanggang sa makaalis.. at saka ako muling bumaling kay Sensui.

"A-Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Taguro na bumalik ang pagiging blangko ang itsura. "S-Sinundo ko sya sa ospital kasi may laro sya.."

"Tch.." hindi ko napigilan ang suminghal sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gawin nya pa 'to.

Sana naisip mo man lang na magseselos ako..

"Tara na don.. manood na tayo.." mabilis na sabi nya at saka naglakad makalampas sakin pero agad ko naman syang hinabol at tiningala nya ako. "B-Bakit??" tanong nya.

"Akala ko ba hindi ka nag-aangkas sa motor mo?" pigil na pigil ang inis at emosyong tanong ko. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko dahil baka kung anong masabi ko at isumbat nya saking wala akong karapatang gawin yun..

"M-May laro sya.. galing pa kami sa SISH.. b-baka malate sya kung paglalakarin ko pa sya---"

"Pwede naman syang magtaxi.."

"Sa ganitong oras kasi ay madalang ang taxi na dumadaan sa harap ng SISH.."

"Hindi mo naman obligasyong sunduin sya.."

"O-Oo nga pero.."

Kusa syang huminto sa pagsasalita!

Halatang wala syang masabing dahilan!

Mas nakaramdam ako ng inis pero sa oras na 'to.. hindi na inis ng dahil sa selos..

Inis dahil pakiramdam ko.. alam ko na ang dahilan kung bakit nya ginagawa 'to..

"Pero??" seryosong tanong ko.

"N-Nasundo ko na e.."

"Bakit mo sya sinundo?"

"E-Eh bakit ba nagtatanong ka ng ganyan?? H-Halika na.. bumalik na tayo don.."

"Sagotin mo yung tanong ko.."

"Hindi naman kasi big deal yun.."

"Big deal sakin yun.."

"H-Hindi big deal sakin yun Sensui.."

"Ang sabi mo sakin hindi ka nagsasakay sa motor mo at maswerte ako dahil ako pa lang ang nakasakay sa motor mo.. pero bakit parang ganon na lang kadali sayong isakay sya? Lasing ako nung makasakay ako dyan samantalang sya parang enjoy na enjoy pa?? May gusto ka ba sa kanya??" hindi ko na napigilan ang sarili ko munit pinananatili ko ang pagiging kalmado.

"Wala!" deretsong sagot nya.

"Tch.."

"Wala nga!" inis na sigaw nya sa mismong mukha ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang init na biglang dumaloy sa buong mukha ko..

Pakiramdam ko ay nagtatayuan ang lahat ng balahibo ko at kusang nababasa ang mga mata ko.

Yeah right Deib.. Hindi nya sinabing magkagusto ka sa kanya.. Hindi nya sinabing gustohin mo sya.. Mas lalong hindi nya sinabing sundan mo sya ngayon para makita mo ang lahat ng nangyari na..

Pinigil ko ang luhang hindi ko malaman kung anong dahilan kung bakit kailangang tumulo..

Ramdam ko ang pamamanhid sa buong katawan ko..

Parang hindi ko na kailangang magtanong.. dahil kilos mo na mismo ang sumasagot..

Bumuntonghininga ako at saka muling tumitig sa kanya..

Hindi ko lang talaga inaasahang ganito pala kapangit sa pakiramdam..

"W-Wag mong ipilit yang iniisip mo.. wala akong gusto sa kanya at hindi ako tulad ng inisiip mo.." dagdag nya pa.

"Sana nga.."

"Anong sana nga?" pigil ang inis na tanong nya.

"Sana nga Taguro ay hindi ka tulad ng iniisip ko."

"W-What!? Tss.. sino ka para pagsabihan at pag-isipan ako nga ganyan?!"

"Ahh yeah.. nakalimutan ko.. Ako nga lang pala ang may gusto nito.. Sorry.."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong magbitiw ng mga salita..

Hindi ko matandaan kung anong mga sinabi ko dahil ang alam ko lang ngayon..

Nasasaktan ako.. kahit wala naman akong karapatan.. Bakit ganon?? Tch..

Mabigat ang kaloobang naglakad ako papabalik sa high school campus ng SIS.

HIndi ko rin maipaliwanag lungkot na nararamdaman ko..

Masyadong malungkot..

Bakit ko pa kasi kailangang pumunta don kung ganon lang rin naman pala ang makikita ko???

Bahagya pa akong lumingon sa pinanggalingan ko pero wala akong nakitang Taguro'ng naglalakad kasunod ko..

Wala talaga syang pakialam sayo Deib.. Accept it.. Nahulog ka sa sarili mong kalokohan at yang nararamdaman mo mismo ang karma mo..

Pero bakit pakiramdam ko.. kahit ganito ang nararamdaman ko.. masaya ako na ikaw ang nagustohan ko?

Tanga na kung tanga.. Baliw na kung baliw.. Masakit man sa dibdib.. titiisin ko na lang h-hehehe.. Masaya pa rin ako dahil sayo ko naramdaman lahat 'to..

Hindi na ako dumeretso sa court at mabilis akong dumeretso sa room namin ng teammates ko at saka ako nahiga sa isa sa mga table na nandon dahil pakiramdam ko.. pagod na pagod ako..

Maya maya pa..

"Oh.. nandito ka pala Sensui e?!"

Hindi ko namalayan ang sarili kong nakatulog pala ako..

"A-Anong ginagawa mo dito!?" takang tanong ko sa kanya.

"Ikaw.. anong ginagawa mo dyan!?" salubong ang kilay na tanong nya pa sakin. "Natutulog ka!?"

"E ano bang pakialam mo?" iiling iling na tanong ko.

"Hahahaha.. nakakapagod ba!?"

"Tch.. umalis ka nga dyan!"

"A-Ang sungit neto.. hinahanap ko si Lee noh! Hindi ikaw!"

Si Lee?! Bakit nya naman hahanapin yon!? May gusto ba talaga sya don!? Tch..

"Nakikita mo namang wala sya dito di ba!?"

"Hindi mo ba nakita!?"

"Tch! Nakita mo ng natutulog e---"

"Alam mo?! Ang sama ng ugali mo! Kinakausap ka ng maayos pero ni hindi ka man lang sumagot ng maayos! Hindi ka ba pwedeng kausapin ng hindi sarkastiko parati ang dating!? Psh! Kay Max ba ganyan ka rin ha?!"

Hindi ako nakasagot!

"Ayyysssuuuss.. nawala lang si Taguro.. nag-init na ang ulo.." bulong nya pa!

"A-Anong sabi mo!?"

"Wala!" sigaw nya agad!

"E ano pa bang ginagawa mo dito!? Wala nga si Lee dito kaya umalis ka na lang!"

"Hindi mo ba talaga sya nakita??" biglang lungkot na tanong nya.

"Hindi nga! Bakit ba patay na patay ka don sa kaibigan ko?!"

"H-Hoy! Anong patay na patay ang sinasabi mo dyan!? Hindi porket inlove ka.. lahat ng tao tulad mo na!"

Anong ibig nyang sabihin?!

"H-Huh!?"

"Huh your aaaassss!!!! Hmmm.. bakit nga kaya hindi na lang ikaw ang yayain ko?!"

"H-Huh!? Yayain saan?!"

"Kailangan kong umuwi ng bahay e.. hindi ko pwedeng dalin yung motor ko dahil.... ahh basta mahabang kwento! Pwede mo ba akong samahan?? Promise ikukwento ko habang nasa sasa---"

"No way! Ayaw kitang kasama!"

"W-Wow ah.. hahaha.." dinig ko pang mahinang usal nya. "S-Sige na Sensui.. a-ayaw mo ba non?? M-Makakarating ka sa bahay namin ni Taguro.. at kapag nagkataon.. ikaw lang ang nakapunta don!"

"A-Anong ibig mong sabihin??"

"Kailangan ko kasing umuwi sa bahay.. may titignan ako.. importante lang.. Hindi ko pwedeng dalin yung motor ko.. Si Lee kasi sana ang yayayain ko dahil mas madali syang kausap kesa sayo.. si Tob kasi ay busy sa pamamanhikan kay Michiko.. since ikaw na lang ang last resort ko.. kakainin ko na ang pride ko at kakapalan ko na ang mukha ko.. sige na.. samahan mo na ako.. Promise.. ikaw lang ang makakapunta sa bahay namin ni Taguro.." nakangisi pang dagdag nya.

"P-Pano nangyari yon?! H-Hindi pa nakakapunta si Randall don!?" takang tanong ko.

"Engot ka ba?! Alam mo ng 'ex' yun e.. bakit makakapunta yun don!?"

"T-Talaga!?"

"Psh.. ikaw pala ang patay na patay kay Taguro e! Hahahaha!"

"H-Hoy---"

"Halika na kasi! Samahan mo na ako! Hehehe! Bilis!"

"P-Pero---"

"Babalik rin naman tayo dahil yung motor ko.. nandito! Dali na!"

"T-Teka!" sigaw ko matapos nya akong hatakin papatayo! "Wag mo kong hawakan!"

"Hahahaha.. sus.. arte naman nito.. Mamahalin ba ang lotion mo ha?!"

"A-Ano!? H-Hindi ako naglolotion!"

"Hahahaha.. o e wag ka ng umarte dahil mas malinis at maganda naman ang kamay ko kumpara sayo!"

"Manahimik ka kung gusto mong samahan kita!"

"Hahahaha! Oo naman! Kaya nga bukod sa kamay ko.. wala ng ibang maganda sakin.. nasa iyo na lahat.. lahat lahat hehehe.."

Tinaasan ko lang sya ng labi at saka inis na sumunod sa kanya! Bagsak ang balikat na naglakad ako kasunod nya..

Ibig nyang sabihin.. hindi pa nga nakakapunta si Randall sa bahay nila?!

Kapag nagkataon ako na naman ang una heheheheh..

Pero hindi kaya???

Baka ang sunod na naman ay si Gonza!? Badtrip!

"H-Hoy!" habol ko kay Parrot at nakangiti naman syang inantay akong makasabay sya. "B-Bakit a-ako pa lang ang makakapunta sa inyo??"

"Ha??"

"I-Ibig kong sabihin.. bakit hindi kayo nagpapapunta sa bahay nyo??"

"Ahh.. ang totoo.. si Maxwell at yung Lolo pa lang ni Maxpein ang nakakapunta sa bahay bukod sa parents ko.. hindi mo kasi naitatanong e.. para kaming kriminal na nagtatago hahaha.."

"H-Ha?? Bakit?!"

"Mahabang istorya e.."

"E akala ko ba ikukwento mo!?"

"Ayy sinabi ko ba yun??"

"OO!" inis na sagot ko na napahinto pa sa paglalakad!

"Hahahaha.. oo sige sige.. ikukwento ko basta bilisan mo hehehe.." sabi nya pa at saka kami naglakad pero...

"Teka.." tawag ko sa kanya.

"Oh?!"

"Nandito yung kotse ko.." sabi ko habang nakaturo sa kabilang gate ng SIS.

"Ahh hehehe.. sabe ko nga.." biro nya pa at saka sumunod sakin. Pagdating naming don ay mabilis na syang naglakad. "Ayun ang kotse mo di ba!? Buksan mo na.. sasakay na ko bilis.."

"Tch.." inis akong binuksan yun at agad naman syang sumakay.

"Hoy! Bilisan mo na! Nagmamadali ako e!" dinig kong sigaw pa ni Parrot kaya naman nag madali na rin akong pumasok..

"Saan ba ang inyo!?" inis na tanong ko.

"Basta magmaneho ka.. sasabihin ko sayo kung nandun na.."

"Tch! Baliw ka ba?!"

"Oo.. hehehehe.. basta deretso palabas ng SIS then kaliwa makalampas pa ng BIS.."

"Tch.." inis kunwaring singhal ko pero alam kong makalampas pa samin ang bahay ni Taguro hehehe.

"Buksan ko ang sounds mo ah!?" nakangiting sabi nya na pinindot na ang player ko at mabilis ko namang tinapik ang kamay nya! "A-Aray!" nakangusong singhal nya sakin!

"W-Wag ka kasing nangingialam sa loob ng kotse ko----"

♫ ♪ 'I wanna believe in everything that you say.. cause it sounds sooo goood.. But if you really want me.. move slow..' ♪ ♫

"Edi ipapatay ko na---"

"H-Hindi na.. hindi na.. O-Okay na.." awat ko sa kanya matapos nya umastang papatayin ang player.

"Grabe! Ang wirdo mo rin e noh!?" sarkastiko pang tanong nya sakin!

"A-Ano na nga ulit yung kinukwento mo??" tanong ko.

"Psh.. wala!"

~PREEEEEEEEEEENK!!!~

"Aaaaaahhhaaayyyy!!!!!" malakas na sigaw nya matapos kong biglang ihinto ang kotse! "Ano ba!"

"Magkukwento ka ba o hindi?!" inis na tanong ko.

"Magkukwento na!!! Letse ka!"

"Ako pa talaga letse ah!? Hoy! Baka nang-aabala ka lang!"

"Oo na! Kabuset!" pabulong na sabi nya pa! "Deretso lang!"

"O e bakit nga hindi kayo nagpapapunta sa bahay nyo?"

"E ayaw ni Taguro e! Nangengelam ka!"

"Magkwento ka kasi ng maayos!" inis na sabi ko at pinandilatan nya naman muna ako ng mata saka bumuntong-hininga at salubong ang kilay na nagkwento!

"E kasi nga.. galing ng Korea si Taguro! Ayaw nyang ipaalam sa parents nyang nandito na sya kaya naman nung nakabalik na sya, nagrent sya ng apartment sa natitira nyang pera! Hindi pa actually yung pupuntahan natin ngayon ang unang apartment nya! Lumipat lang kami dyan matapos kong yayain sya na sasama ako sa kanya!"

"A-Ang gulo! Bakit naman ayaw nyang magpakita sa family nya?"

"Kasi nga di ba?! Nakita mo naman kung pano si Maze sa kanya?! Dagdag mo pa si Chairman!"

"E akala ko ba hindi naman madalas dito yung mga yon? E anong problema nya?"

"Aiissshh! Hindi nga sila madalas dito.. pero sa ugali'ng yun ni Maxpein sa tingin mo tutuloy yun sa bahay nila?!"

"P-Pwede naman di ba??" takang tanong ko.

"Pwede! Pero dahil nga sa wirdo ang utak nya---ayaw nya! Alangang pilitin ko pa syang umuwi sa kanila? E isa't kalahati pa akong may gapak sa ulo! Ayaw kong magstay sa bahay namin! Gusto ko dito sa malayo!"

"Ha?! Pano naman napunta sayo ang kwento!?"

"Ayaw ni Taguro'ng umuwi sa kanila okay?! Dahil hindi naman maayos para sa kanya ang samahan nila nung Lolo at Step-Mom nya kaya naman nagrent sya ng apartment! E nagkataon namang buryo'ng buryo na ako sa bahay kaya naman mula sa province namin ay bumalik ako dito sa Laguna at nagkita kami! Nung sinabi nya saking gusto nyang mag-aral edi nag-aral na rin ako! Nagsama na kami sa apartment kung saan kami nakatira ngayon! Sa madaling salita---pareho naming ayaw sa sarili naming bahay kaya nandyan kami! At para hindi kami masundan ng pamilya namin----hindi kami nagpapapunta! Naiintindihan mo!?"

"P-Pwede ba naman yun?! E mayayaman rin naman ang pamilya nyo.. bakit hindi kayo nagawang ipahanap!? Imposible!"

"Kaya nga sabi ko sayo.. bukod sa parents ko at Lolo ni Max palang ang nakakapunta don! Si Chairman Moon.. pinahanap nya ang bahay namin kaya nandon sya kagabi lang.."

"Tch! Bakit naman kasi kailangan nyo pang magtago kung pwede namang umuwi na lang.. You're making your life complicated!"

"Kumplikado para sayo.. dahil hindi naman tulad ng pamilya mo ang pamilya namin.." biglang seryosong sabi nya kaya naman natahimik ako. "Hindi naman sa sinasabi kong complicated ang family ko.. actually, masaya ako sa pamilyang meron ako.. Ako lang talaga ang kumplikado.. Ayaw ko kasing makasama sila dahil wala naman silang ginawa kung hindi ang ikumpara ako sa Ate ko.. psh.. Sya na lang lagi ang magaling.." bulong pa nito. "Si Maxpein naman ay hindi ko masisisi dahil nga.. hindi naman sya welcome sa bahay nila.."

Nagulat ako sa sinabi nya..

Ewan ko ba kung bakit may ideya naman ako sa katayuan ni Taguro sa buhay ng pamilya nya pero.. nagugulat pa rin ako sa mga bagong naririnig ko.

"A-Anong ibig mong sabihing hindi na sya welcome??"

"Haaayyss nakakainis naman.. w-wag ka maingay kay Max na nagkwento ako sayo ah!?" nakanguso at salubong ang kilay pang tanong kaya mabilis naman akong tumango! "May bahay sila dito sa Laguna na kung tawagin ay Mansion.. Family house nila yun sa totoo lang.. pero dahil hindi tulad ni Maxwell na may sariling bahay na.. doon pa rin umuuwi si Maxpein.. Every year kung umuwi sina President and Chairman Moon.. Doon kasi sa bahay na yun.. may alalay si Chairman Moon na parating nakabantay kay Maxpein.. Limited ang galaw nya don at bawat gawin nya ay nakakarating sa mga Moon.. e nung minsang sinubukan nyang bumalik doon.. ang sabi nung alalay na yun ay ipapaalam na muna nya sa kay Chairman Moon.. ang kwento sakin ni Max.. umuulan non at nilalagnat na sya habang naghihintay syang pagbuksan sya ng gate nila.. kaso.. dumaan ang ilang oras at hindi pa rin sya pinagbubuksan.. kaya naman.. feeling nya hindi na sya welcome.. hindi nya na kailangang bumalik pa don.."

"Tch! Bakit nila nagawa yun!?" inis na tanong ko at nagkibit-balikat naman sya.

"Pero dahil hindi pa naman ganon katigas ang ulo ni Max.. bumalik pa rin sya.. pero nung time na yun may apartment na syang tinutuluyan.. Ang sabi nya sakin that time ay nakapasok sya.. at nandon si Maze.. umiinom ng alak.."

"Tapos??"

"Hindi naman daw sya pinaalis ni Maze pero.. hindi rin naman daw ipinaramdam ni Maze na welcome na sya.."

"B-Bakit ganon?"

"Ewan ko.. ang totoo.. yan lang rin ang alam ko.. Hindi rin kasi palakwento si Maxpein e.. ayaw nyang magkwento.. hindi nya ugaling magkwento ng tungkol sa buhay nya.."

"Lahat ba yan dahil don sa nangyari sa kanila ni Randall??"

"Mmm.." sagot nya agad na tumango pa. "Hindi kasi talaga gusto ng family nila pareho yung relasyon nila sa isa't isa.. parehong against e.. yun ang alam ko.."

"Pero bakit kailangang umabot ng ganon yung kay Taguro? Samantalang si Randall.. p-parang hindi man lang nasermunan sa bahay nila??"

"Psh.. e si Randall ang nakipagbreak kay Max di ba? Iniwanan nya si Max para daw sa A-Ate mo.."

"Yun naman pala e.. bakit nagalit pa rin sila kay Taguro??"

"E kasi nga.. bumagsak kami pareho ni Max nung thirdyear kami.."

"E bakit nga ba bumagsak kayo!?" inis na tanong ko.

"Ang totoo.. yung sakin.. dahil lang naman sa billiards yun e.. Naadik kasi ako masyado.. haaayyss.. Pero hindi naman ako nagsisisi! Kasi nung naadik ako.. si Max parati ang kasama ko.. sa kanya ako nakakita ng tunay na kaibigan hehehe.."

"E-Eh si Taguro? Bakit sya bumagsak?"

"Dahil nga don kay Randall.."

"A-Ang gulo.."

"E kasi.. bago sila magbreak ni Randall.. meron syang sinisikap na makuhang tako---yun bang stick na ginagamit namin pangtira sa billiards?" tanong nya pa at tumango naman ako. "Gustong gusto ni Randall yun at hindi yun available kahit saan.. Kaya naman sinikap nyang manalo sa billiards dahil don.. Kaso.. nakuha nya nga yun tako.. nakipagbreak naman sa kanya si Randall! Ang mas masama pa don.. sa sobrang kabibilyar nya.. hindi nya namalayang napapabayaan nya na yung studies nya kaya ayun.. bumagsak sya! E andami pa naman nyang bad records sa school.. dati na rin kasing nakikipag-away yun.." mahabang kwento nya pa at nakinig naman ako. "Ang totoo.. mas nauna syang bumagsak sakin.. pero ilang buwan lang rin ang nakalipas.. bumagsak na rin ako hahaha.. Kasi ako ang pumalit sa kanya don sa bilyaran haha.. ako na yung naging tambay at nakapagloko sa pag-aaral! Kaso wala na sya e.. nalaman ko na lang.. pinadala na sya sa Korea.."

Sa mahabang kwento ni Parrot na yun ay napagdugsong dugsong ko ang kakaunting nalalaman ko tungkol kay Taguro sa isip ko..

Nakaramdam ako ng awa sa kanya..

Bakit kailangang maging ganon ang trato nila sa kanya??

"Naaawa ka na siguro kay Max noh??" biglang tatawa tawang tanong nya pa at napalingon naman ako ulit sa kanya. "Wag kang maawa dun hehehe.. hindi naman lolobo ng ganon yun kung dapat syang kaawaan ano.."

Sabagay.. mataba sya nung una ko syang nakilala..

"Kaya rin kasi sya nagtrabaho para may kainin sya.. Hindi mo naman sya dapat kaawaan dahil madiskarte'ng tao naman yun.. mayabang pa at talented.. Kaya nyang mabuhay mag-isa pero mas mabubuhay sya kapag kasama ka hehe.. Pakikanan mo na dyan.. Dyan na yung village namin.."

"H-Ha?? Sige sige.." sabi ko pa na pinagmasdan ang labas ng village na yun. Derederetso akong pumasok dahil wala namang guard.

"Deretso ka pa don.." turo nya.

"Kahit dito ay wala gaanong nakakakilala samin hehehehe.. nakahelmet kaming umaalis.. nakahelmet ring umuuwi hehehehe.. Pakinanan mo ulit dyan.."

"Kahit sino.. w-walang nakakakilala sa inyo dito??"

"Wala rin naman kasi masyadong tao dito na parating nasa labas.. karamihan ng nakatira dito.. tulad naming estudyante o kaya naman mga may trabaho.. hindi uso ang tambay sa kalsada kahit na gaganiganito 'tong lugar na 'to hehe.. pakihinto mo dun sa may vintage na kotse.. haaayyss.." biglang mukhang inis na sabi nya at saka mabilis na bumaba at pumunta sa bintana ko. "Mauuna na akong pumasok. Isara mong maige yung kotse mo dahil baka matsambahan ka dito.. bilisan mo.. hihintayin na lang kita sa loob.. wala naman kaming aso.."

Matapos nyang sabihin yun ay natulala ako..

Ano daw?!

Kahit natulala ay sinunod ko pa rin ang sinabi nya. Maayos kong ipinark ang kotse ko sa harap nung bahay na pinasukan nya at sa bandang likuran naman nung vintage car. Bago umalis ay tinignan ko muna kung maayos ko ngang nai-lock yung kotse ko at saka lilinga lingang pumasok sa loob nung bahay nila.

Maliit.

Masikip.

Pangmahirap.

Normal.

Walang espesyal.

Walang kulay.

Yan ang mga bagay na una kong napansin ko pagkapasok ko pa lang ng gate ng bahay nila.. Ang garahe ng bahay nila ay kasya lamang sa dalawang motor nila..

May mga sinampay na pajama's at naglalakihang tshirts ang shorts sa labas ng bahay na may kasamang twalya at kung anu-ano pa.

Nagkalat ang mga naghalu-halong tsinelas at sapatos sa maruming doormat na nasa harapan pa ng pintuhan.. Halos hindi ko na mabasa ang salitang 'WELCOME' na nakasulat pa doon.

Bahagya pa akong kumatok nung tuluyan na akong huminto sa harap ng pinto..

"Pasok ka Sensui!!!" dinig ko ang malakas na sigaw ni Parrot.

Hindi ba awkward 'to?! Tch! Dadala lang kami sa bahay na 'to!

"D-Dito na lang ako sa labas!" bahagyang sigaw ko rin at laking gulat ko naman nung bigla syang lumabas mula sa isang lugar ng bahay na yun.

"Huyyy pumasok ka ano ka ba! Wag ka ng mahiya! Ang sabi nila kapag hindi tumutuloy sa bahay.. may nabubuntis! Pasok ka na! Kinuhaan kita ng juice oh.. eto.. upo ka.." sabi nya kaya naman tumuloy na ako. "Oh ayan.. upo ka lang dyan.. babalikan kita----ay teka pala.. Alam ko may Stick-O pa dyan e.. yun na lang muna ang kainin mo ha??" sabi nya at mabilis na bumalik sa pinasukan nya kanina!!!

Doon ko muling pinag-aralan ang paligid..

Maayos.

Maliwanag.

Walang alikabok.

Walang masamang amoy.

"Oh eto.. yan muna kainin mo.. pero magtira ka ng mga lima.. hehe.. Magagalit si Taguro kapag naubos yan.. Dyan ka muna ah!?"

Sinundan ko pa sya ng tingin nung umakyat sya sa hagdan at saka ako tumingin sa plastic na bote'ng inabot nya sakin..

Stick... O??

Hindi ko maipaliwanag ang tuwang naramdaman ko matapos kong hawakan yun..

Eto ang bagay na kinakain nya?? Hahahaha.. a-anong masarap dito?!' natatawang tanong ko sa isip ko at mabilis kong binuksan yun at saka ako kumuha ng isa at kinain yun..

Salubong ang kilay na inilapag ko sa tabi ko ang bote'ng yun at saka inubos na lang ang kinuha ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito!?"

Napatingin ako sa hagdan nung marinig ko ang sigaw ni Parrot!

"Ano pa!? Edi titignan ka!" dinig kong sigaw rin ng isang boses babae!

May kasama ba sya?! Sino yon?

Hindi ko na yun pinansin pa at naupo na lang ako ng ayos sa... MATIGAS nilang sofa.

Magkakaiba pa amp.. Tch!

Oo.. magkakaiba ang sofa nila.. Red ang mahaba.. green at blue naman yung dalawang single! Tsk..

Pero bilib ako sa ayos ng book shelf nila na talagang may table at dalawang upuan pa. May mga kung anu-ano ring gamit sila na ginagamit sa pag-aaral..

"Bumalik ka na ng Cebu dahil ayaw kitang kasama dito!"

Ayun na naman ang sigaw ni Parrot!

"Nandito na ako kaya wala ka ng magagawa! At saka isa pa.. Pein knows me! Ako ang magbabayad nitong apartment at ganon na rin ang bills nyo wag kang mag-alala!" sigaw naman nung isang babae pa!

"Hindi ka namin kailangan dito dahil sagot nila Mom and Dad ang apartement at bills namin! Sobra sobra rin ang padalang allowance sakin kaya hindi ko na kailangan ng isang tulad mo na magshoushoulder ng bayarin ko! Marami ka namang pera hindi ba!? Bakit hindi ka kumuha ng sarili mong apartment at manirahan ka mag-isa!"

"Are you dumb!? I don't know anyone in this place! Malamang.. pupunta ako sa lugar kung saan may kakilala ako!"

"E ano ngang gagawin mo kasi dito!"

"Wala kang pakelam sabeeeee!!!!"

"Isusumbong kita!"

"Go ahead! Magsumbong ka!"

"Hoy Zarnaih! Wag kang ganito sakin ah!"

"Dati nakong ganito sayo---ngayon ka pa ba naman maninibago?! Umalis ka na dito!"

Nanatili akong nakaupo at wala sa sariling nakikinig sa usapan nila..

~BOOOOGGG!!!~

Hanggang sa marinig ko ang isang malakas na pagsara ng pinto..

Tsk! Ano ba naman 'tong pinasok ko! Amp! Bakit ba kasi hindi ko na lang hinintay kanina si Taguro!

"Who are you??"

Dahan dahan kong naiangat ang paningin ko ng marinig ko ang boses ng babae'ng yun at..

Sino 'to??

Maganda..

Maputi..

Medyo matangkad..

Makinis..

Maganda ulit..

Mabilis akong tumayo at nahihiyang humarap sa kanya. Bahagya pa akong tumango bago tumingin ulit sa kanya.

"Oh my God.." bulong nya pa. "Don't tell me.. you're Zarnaih's boyfriend??"

"H-Ha?? N-No.. No.. I'm her schoolm---"

"Busted!" nakangiting pigil nya pa sakin. "Whatever.." maarte'ng dagdag nya pa at taka naman akong napatini sa kanya habang dahan dahan syang lumalapit sakin at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Sino ba kasi 'to!?

"I'm Zaimin Yaz Marchessa.. I'm Zarnaih's older sister.. pleasure to meet you hot guy.."

Ate ni Parrot?! Tch!

Nanatili akong nakatingin sa kanya at hindi sumasagot!

"Aren't you gonna introduce yourself to me??" matamis ang ngiti'ng tanong nya pa at saka patagilid ang ulo'ng tinignan akong muli mula ulo hanggang paa.

"Ateee!" malakas na tawag ni Parrot sa kanya at napatingin naman akong muli sa hagdan nila at hinihintay na bumaba sya.. At ganon nga ang nangyari..

Nagtama ang paningin namin ni Parrot at parang nandidiri pa syang tumingin samin!

"Hoy Ate!" tawag nya ulit sa kaharap ko!

Magkamukha nga sila! Amp!

"Boyfriend mo!?"

"A-Anong?? Hindi ah!"

"Seriously!?"

"Hindi nga!"

"For real!?"

"For real!"

"Oh my God.."

'What!?"

"Now.. I have more reasons to stay Zarnaih.."

A-Anong ibig nyang sabihin???

Nakangisi sya habang deretsong nakatingin sakin! Dahilan para hindi ako makapagsalita at maiwang nakanganga!

MAX'S POV

Nilibot ko ang kabuuan ng Basketball Court pero hindi ko makita si Sensui!

Buset.. sa dami ng tao dito, magpapahanap ka pa ba naman!?

Inis akong pinuntahan na lang sina Lee at Tob..

"Oh Max.. where have you been??" tanong ni Lee pagkakita sakin.. Hindi ko naman sya agad nasagot dahil tinignan ko ang mga kasama nya.

Andon ang buong Team nila maliban kay Sensui. Katabi ni Lee sa kanan si Tob na ang katabi naman ay si Michiko, BJ and then si Migz..

Wala rin si Naih?!

"Max??" takang tawag naman sakin ni Tob na mukhang nag-aalala na.

"H-Hinahanap ko si.. si S-Sensui.." nahihiya pang usal ko.

"Ha?! E di ba s-sumunod sya sayo!?"

Sumunod?? Talagang sinundan nya pala ako!? Tss.. E kanina pa yun ah?! Dahil sa peste'ng Kim na yun.. hindi ko na tuloy nasundan..

"T-Teka lang ah.." dinig kong paalam ni Tob kay Michiko, Lee at sa iba pang kasama saka ako inalalayan papunta sa pwesto'ng wala ganong tao. "Sumunod sya sayo kanina e.. kanina pa yun.. nung pagkaalis mo.. Hindi naman sya bumalik na dito.."

"N-Nagkita kami.."

"Yun naman pala e.. Nasaan na sya??"

"N-Nauna syang bumalik sakin dito e.."

"Ha?? E hindi naman na sya bumalik dito??" takang tanong nya na luminga pa sa paligid. "Nasaan na yung mokong na yun??"

"E si Naih, nasan?"

"Uuwi na daw sya e??"

"U-Uuwi!?"

"Mmm.. yun ang paalam nya kanina samin.. Ewan ko parang nabadtrip pa nga kay Lee e.. L.Q. pa e hahaha..Nagmamadali pa nga sya e.. basta ang sabi nya uuwi na sya, ewan ko kung dahil kay Lee lang talaga hahaha! Puro asaran pa kasi e.. hindi na lang magpakatotoo hahahaha parang si Deib lang.. tagal bago makaalis sa stage of denial----Ehem.. bakit mo nga pala hinahanap??"

"A-Ahh... a-ayun nga.. n-nauna syag bumalik sakin dito.. kasi umalis sya bigla nung.. nakita nya ako---"

"Destinnyyy!!"

Sabay kaming napalingon ni Tob sa malakas na sigaw ni Kev na yun!

"Destiny??" nagtatakang bulong pa ni Tob habang nakatingin pa sa papalapit na saming si Kev. Nagpapalit palit pa ang tinginan nya saming dalawa ni Kev nung makalapit na 'to ng tuluyan samin.

"Hahahaha akala ko hindi ka na dadating e.. bakit ang tagal mo naman!?"

"M-May kinausap lang.. kumusta pakiramdam mo??" tanong ko.

"Ooohhh.. hehehe.. ang sarap mo namang mag-alaga.." pasweet pang sabi nya at saka ngumiti ng matamis. "Okay naman na ako, lalo na ngayong nakita na kita hehehe.." sabi nyang kumindat pa at saka humarap kay Tob. "Heeeyy.. Yanai??"

"O-Oh.. h-hehehe.." pilit ang tawag sagot ni Tob sa kanya.

"Close rin pala kayo ng destiny ko?? Heheheh.."

"A-Ahh hehehe.. H-Hindi naman gano.. d-diba Max?" tanong pa sakin ni Tob at nginitian ko lang sya.

"Ahh talaga.. Mmm.. destiny.. dun ka na lang pumwesto sa bench namin.."

"Dito na lang ako.."

"Saan?"

"Sa BIS team.."

"Eh? Bakit??"

"H-Ha? E-Eh kasi mas gusto ko don hehehe.. k-kilala ko lahat ng nandon.. hindi ko naman kilala ang mga teammates mo.."

"Okay lang yun.. mababait naman ang teammates ko----"

"Gonza!!!" malakas na sigaw nung Coach nila at nilingon naman nya.

"Yes Coach!"

"Double time!"

"Y-Yes Coach!" sigaw pa ni Kev sa kanya at saka muling bumaling sakin. "Sige.. dyan ka lang ah?? Panoorin mo ko ah??"

"S-Sige.."

"Hehehehe.. mwah!" sabi nya pa at saka bumalik sa court.

"M-Mwah??? What the heck!?" nakanganga pang sambit ni Tob habang sinusundan ng tingin si Kev. Natatawa naman akong humarap sa kanya. "D-Destiny!??"

"Tss.. wag mo nalang pansinin.."

"Bwahahahahahaha! Yung yabang nyang yun?? D-Destiny!? King ina san nya nakuha yun?!"

do_Ob

"H-Hahaha.. m-malay ko.." sagot ko naman.

"May gusto ba sayo yun??"

"Tss.. wala ah.."

"Hahaha.. tingin ko may gusto sya sayo!"

"Hindi pwedeng mangyari yun.." seryosong sagot ko na tinignan sya sa dalawang mata at nagitla naman sya.

"A-Ahh.. g-gusto mo bang tawagan ko si Deib?"

"Okay lang ba?"

"Oo naman hehehe.. teka tatawaga---"

"W-Wag mo na lang sabihing pinapatawag kita.."

"Ha?? S-Sige.. Sige.." sabi nya pa at saka nagdial

Saan naman kaya pumunta yun? Ganon pala kadrama yun? Tss.. bakit hindi pa sila nagsama ni Kim? Parehong assuming..

Maya maya pa..

"A-Ayaw nyang sagotin e.." si Tob.

Hindi ko alam pero kinabahan ako..

Anong nangyari don?? Tsk..

"H-Hayaan mo na.." pilit ang ngiting sagot ko kay Tob. "M-Manood na lang muna tayo---"

"Max.. gusto mo bang hanapin ko sya?"

"Hindi na.. malaki na sya.."

"H-Hahaha.. o-oo nga pero kasi.. parang hindi kayo okay e?"

"Hindi naman kami naging okay talaga hehe.."

"Max.."

Hindi ako makasagot ng ayos kay Tob dahil yung paraan ng pagtingin nya sakin ay kakaiba..

Parang may sinasabi..

Nag-aalala..

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa nangyari.. pero ang totoo.. para sakin ay hindi big deal ang pagkawala ni Sensui.

"W-Would you mind if I ask what happened??" seryoso at bakas ang pag-aalalang tanong nya pa. Bumuntong-hininga naman ako bago sumagot.

"Sinundo ko kasi si K-Kev.. nakita nya.."

"Ha? Yun si Gonza?!" takang turo nya pa kay Kev at tumango naman ako. "P-Panong sinundo??"

"Sinundo ko sa ospital.."

"Ospital???"

Wala siguro syang idea..

"Kaninang umaga kasi.. napaaway kami---"

"Ha!? Nino!?"

Sana pinagsasalita nya muna ako di ba?

"K-Kanina'ng umaga.. yang si Kev Gonza ay hinarang nang mga gangsters sa labas ng SIS.. Tinulungan namin ni S-Sensui.. nabugbog sya kaya kinailangan nya'ng madala sa ospital para makapagpahinga at magamot ang mga sugat nya.. Wala'ng tao sa pinangyarihan kaya naman kami kami lang ang nakakalam.. h-hindi ko alam na hindi naman pala nabanggit ni Sensui sayo.."

"Psh.. sayo kaya lagi nakadikit yun hahaha.. pano nya masasabi??" natatawang biro nya pa dahilan para mapatingin ako ng masama sa kanya. "I-Ibig ko bang s-sabihin e.. k-kayo k-kasi yung magkausap ka-kanina pa----I'm sorry.."

"Tss.."

"H-Hehehe.. a-ang hirap m-mo palang biruin.." mahinang sabi nya pa.

"A-Ayun nga.. nung malaman kong may laro si Kev ngayon.. s-sinundo ko sya ng m-motor ko sa SISH para makapaglaro sya.."

"H-Ha!? Ginawa mo yun??"

"M-Mmm.."

"Bakit?"

"A-Anong bakit?"

"Bakit mo sya kailangang sunduin??"

Bakit ba tanong sila ng tanong?? Bawal ko bang gawin yun?? Tss..

"G-Gusto ko lang.." sagot ko.

"Gusto mo lang?!"

"Mmm.."

"Hahahaha.. weird.."

"Anong weird don??"

"Dahil sinundo mo ang tao'ng hindi mo naman kilala??" pilosopo'ng tanong nya pa at hindi ko naman sya kinibo na.

Susunduin ko ba yun kung hindi ko kilala.. Tss.. husay..

"Kung ganon.. p-parang nagselos si Deib g-ganon ba??"

Nagselos? Anong nakakaselos don?!

"M-May nakakaselos ba don??" takang tanong ko.

"H-Ha??"

"I m-mean don sa ginawa ko.. m-may nakakaselos ba don?" takang tanong ko.

"Hahahahahahahahaha!" malakas na tawa nya at nagtaka naman ako.

WTF???

"Syempre naman!" dagdag nya pa. Hindi naman ako nakasagot at nagtaka pa rin ako. "Alam mo ba kung gano kasaya yung tao'ng yun nung malaman nyang 'sya' pa lang ang nakakasakay sa motor mo?!"

"H-Hindi.." sagot ko naman.

"H-Ha? M-Malamang hahaha.. h-hindi nya naman masasabi sayo yun e.."

"Oh e anong nakakaselos don?"

"Ano ka ba?! Ganyan ka ba talaga?!"

"A-Anong ganyan?"

"Hahahaha ang wirdo mo talaga!" natatawa talagang biro nya. "Syempre.. ako man sa sitwasyon ni Deib.. kapag nalaman kong.. ako lang ang isinakay ni Michiko sa kotse nya.. masaya yon! Sobrang saya non! Tapos.. makikita ko sya na may isinakay na iba.. tapos 'destiny' pa ang tawag sa kanya?! Kakornihan na.. nakakaselos pa! Nakakaselos yun Max!"

At kung hindi lang talaga si Michiko ang nililigawan mo.. bagay na bagay kayo ni Zarnaih..

"Kaya sya nagtatago ngayon ganon ba?" tanong ko.

"Hahahaha.. malamang!"

"Tss.. parang bata.."

"Max.. Max.. hahaha.. h-hindi naman sa pinangungunahan kita ha?? P-Pero kasi.. n-ngayon pa lang natatanggap ni Deib yung n-nararamdaman nya para sayo e.. k-kaya---"

"Alam mo??"

"Na may gusto sya sayo? Oo naman! Hahahaha! Bestfriend ko yun e!"

Taka naman akong napatingin sa kanya.

"P-Pero hindi alam ni Lee.."

"Bakit?"

"E kasi syempre.. p-pinsan ni Lee si Kim.."

"Hindi naman naging girlfriend ni Sensui si Kim di ba?"

"E oo nga pero kasi.. awkward e.. Tapos.. akala pa ni Deib.. m-may gusto rin si Lee sayo.."

"Sakin?? Bakit sakin!?"

"E kasi.. dati... twing makikita ka ni Lee, nag-iiba yung datingan nya.. He's always happy.. at hindi nawawala ang ngiti.. The difference between Lee and I, sya yung talagang kampi'ng kampi sayo.. d-dati kasi.. tawa ako ng tawa kapag may ginagawa si Deib sayo---but don't get mad okay? Past is past hehehe! K-Kasi.. minsan na rin naman akong nagalit kay Deib dahil s-sobra na yung ginagawa nya sayo.. A-Ayon nga.. s-si Lee kasi.. h-hero mo.. Kaya ayon.. akala ni Deib, may gusto sya sayo.."

"Tss.."

"That's the reason why 'til now hindi pa rin alam ni Lee yung feelings ni Deib for you.. but I know for sure na may napapansin na sya.. hindi nya na lang sinasabi.."

"E ikaw??"

"A-Anong ako?"

"Kailan mo pa nalaman?"

"Hahahaha nung una pa lang!"

"Anong nung una pa lang?" takang tanong ko.

"Nung unang araw pa lang na nagkabangga kayo hahahahaha.."

"Eh!?"

"Ewan ko.. I have this feeling that you're very much different from those he tripped in the past... I can't explain it and I'm sorry.. Hahahahaha.."

Ano bang sinasabi nya?!

"Kung ganon.. nagselos si Deib sa Kev Gonza na yan? At ngayon ay nawawala sya? Nasaan naman nga kaya yon!?" nakahawak pa sa labi'ng tanong nya.

"Hayaan mo na sya.. Manood na lang siguro tayo---"

"Hindi mo sya hahanapin?!"

"B-Bakit ko sya hahanapin??"

"K-Kasi nagtatampo sya?? At baka.. g-gusto nyang magpalambing?? H-Hehehehe.."

"Tss.. ano sya babae?!"

"Ngek?!"

"Look.. hindi ko sya syota okay?? Wala kaming relasyon.. kaya kung magtatampo sya.. suyuin nya rin ang sarili nya dahil hindi ko gagawin yun.." inis na sabi ko at saka naglakad papunta sa bench at tumabi kay Migz.

"Oh!? Nandito ka pa!?" si Migz.

"Baka hindi ako 'to.." inis na biro ko.

"Gaga! I mean.. akala ko kasi umalis ka na..."

"Eto na nga di ba?!" sabi ko na itinuro pa ang sarili ko.

"Hala!? Kailangan kapag sumagot.. galet!? Echusera'ng 'to.."

"Anggwapo talaga ni Jermayne.." dagdag nya pa.

"Tss.."

Pinanood ko sila'ng maglaro..

Bawat kilos..

Bawat galaw..

Bawat takbo..

Bawat pasa..

Bawat tira..

PINANOOD ko..

Panay ang tingin at ngiti sakin ni Gonza pero hindi ko sinuklian ng ngiti yun maski isa..

Tignan ko lang kung magawa mo pa lahat yan kapag nakilala mo ko.. Kev Gonza..

"Kyaaaaaaaaa!"

"Oh my gosh Ellie Kelly panalo ang LU!!!"

"Oo nga Tiffany!"

"Waaaaaaaaaaaaa!"

"Gooo Keeeevvv!"

"We loooovvveee youuu Keeeeeevvv!"

"Grabe ang lupet!"

"The flash nga e! Ang bilis nya grabe!"

"Hahahaha maliit kasi kaya nagagaanan sa sarili!"

"Psh! Wala yun don! Magaling lang talaga sya tol!"

"Bading ka hahahaha!"

"Pareho silang magaling nung Jermayne.. tamang tama yung kumbinasyon nilang dalawa kaya naman nahihirapan yung mga kalaban.."

Magaganda ang naririnig kong sinasabi ng mga kasama kong nanonood dahil magaling nga ang dalawa'ng yun ng L.U. Sina Kev at Jermayne..

"Psh.. dadalawa lang sila laban saming tatlo nila Lee at Tob.. pero hindi pa rin namin nagawang manalo.." dinig kong sabi ni Tob habang nanonood rin.

"Kung ganon ng ganon ang mangyayari.. makakailang overtime kaya tayo? Hahaha.." biro ni Lee.

"Kailangang mas galingan nyo pa para wala ng tie tie hehehe! Galingan moooo Tob ha!?" si Michiko.

"Oo naman hehehe.. lalo na ngayon.. alam kong mas manonood ka na hehe.. At saka paniguradong mas gagaling na sina Lee at Deib ngayon.." si Tob.

"Talaga?! Bakit naman? Hihihihi.." si Michiko.

"Kasi tulad ko.. inspired na sila masyado hahaha---"

"Shut up!" napahinto si Tob sa pagsasalita dahil sa batok na ginawa sa kanya ni Lee na tumayo bigla at tumabi sakin. "What's up??" nakangiting tanong nya sakin.

"I'm good.." pilit ang ngiting sagot ko.

"Parati naman kitang kasama pero hindi na kita makausap hehehe.."

"Si Naih kasi lagi ang tinitignan mo e hehehe.." biro ko sa kanya at hindi naman sya nakapagsalita.

"Tsh.." singhal nya.

"Hahaha.. I was just kidding.." dagdag ko pa.

"Yeah right.. lahat na lang binibiro ako sa kanya.."

"Because you're obvious.."

"Wow.. hahahaha.."

"What??"

"Hahahaha.. Hindi ko lang ineexpect na magiging ganito kaprangka ka sakin Maxpein.. hehehe.."

"Whew.. bakit twing taga-BIS ang tatawag sakin ng Maxpein.. iba ang dating? Hehehehe.."

"I really like your name hehehe.. Maxpein.."

Nginitian ko na lang sya at hindi na ako sumagot.

"Nanalo kami.. anong kanta naman ang ipapakanta mo kay Deib??" nakangiting tanong nya.

Oo nga pala! Tss.. nawala sa isip ko..

Dahil sa sinabing yung ni Lee ay muli ko na namang iginala sa kabuuan ng Court ang paningin ko at umaasang nagtatago lang sya sa isang parte niyon pero bigo ko..

Halos magkandaduling na ako katitingin sa bawat mukha ng tao.. sa malapit man o sa malayo pero hindi ko talaga sya nakita..

At isa pa.. hindi naman sya mahirap hanapin.. Dahil kung nasaan ang maiingay na babae, malamang nandoon sya..

"I can look for him if you want to.." napatingin ako kay Lee dahil sa linyang yan.

"A-Ani.. gwaenchanna.."

"H-Huh??"

"A-Ahh hahahaha.. I mean.. okay lang.."

Tss..

Hindi na muli ako nagsalita at ipinakita ko na lang na abala ako sa kapapanood ng basketball kaya naman hindi na rin sya kumibo at nanood na lang..

Ilang minuto pa ang nakalipas at eksaktong alas singko nung matapos ang game nila Gonza..

Panalo sila..

"Kyaaaaaaaaaaaaa!"

"Waaaaaaaaaaaa!"

"I knew it!"

"Gooooo LU!"

"Gooooo Keeeeeeev!"

"We loooovvve youuuu Kevvv!"

"We looooove youuuu Jermayne!"

"Anggugwapo nyooooo!"

"Sana bukas ulit may laroooo kayoooo!"

"Yeaaaaaaah! Let's goooo Luna!!!"

"Push lang LU!!!"

Pinanood ko pa silang makipagkamay sa kalaban at kumaway sa mga nandoon na panay ang sigaw ng pangalan nila at ng school nila.. Nakinig sa referee at sa announcer.. Maya maya ay kinausap ng Coach at saka isa isang naghiwahiwalay..

"Destinyyyyy!!!"

"Destiny??" dinig ko pang bulong ni Lee. Nagkatinginan lang kami pero hindi na ako sumagot at tumayo na para salubungin si Kev.

"Kumusta laro ko? Hehehehehe.. okay ba??" nakangiting tanong nya sakin habang bitbit bitbit ang gamit nya.

"Ayos.. congrats.."

"Hehehehe.. ang panalo ko ay nakalaan para sayooo destinyyyy!!!"

"Tsh.." si Lee.

"Ohh.. Gozon! Hehehehe.. Gonza.." turo nya sa sarili nya. "Gozon.." turo nya kay Lee. "Bakit kasama mo ang destiny ko? Hehehehe.. close rin kayo??" tanong pa ni Kev sa kanya at nginitian lang naman sya ni Lee kaya bumaling ulit sya sakin. "Anong oras ang laro nyo bukas??"

"Titignan ko palang sa bulletin.."

"I see.. ako rin e.. sabay na tayo??"

"Sige.." sagot ko. Nilingon ko naman sila Migz. "Migz.. sabay na kayo sakin? Titignan ko ang sched ko.."

"Sigeeee!" malakas na sigaw nya at kasunod nya ay tumayo na rin sila BJ, Michiko at Tob.

Sabay sabay namin kaming naglakad papunta sa bulletin board at nagtingin ng sched..

"Ayy.. sabay ang laro natin??" asar na tanong ni Kev habang nakatingin sa board.

Parehong 10am bukas ang laro namin..

"Hindi bale.. paniguradong kami ang unang matatapos kaya mapapanood pa kita hehehehe.." dagdag nya pa.

"Ayyy.. talagang bet panoorin ang Max?" si BJ.

"Hehehehehe.. oo naman! Pero bago ako pumunta sa game ko.. kailangang makita ko muna sya hehehehe.. Ako nga pala si Kev Gonza ng Luna University hehehehe.."

"Dinig ko nga hehehehe.. BJ.." sarkastikong sagot ni BJ. "Eto naman sila Migz at Michiko.. kasama nila Max, Tob at Lee.. lahat kami ay taga-BIS.."

"Heheheheh.. kita ko nga sa uniform nyo.."

"E ayun.."

'Tara.. kailangan ko ng umuwi.." yaya ko sa kanila.

"E destiny.. kailangan kong sumabay sa mga teammates ko.." biglang baling nya sakin at nakangiti.

"Sige.. ingat kayo.."

"Tsk.. ang sweet sweet mooo haaayyy.." nakangiti pang dagdag nya.

"See you tomorrow.. goodluck and congrats.." seryosong usal ko pa.

"Sige.. ikaw agad ang pupuntahan ko sa umaga hehehe.. sana makasabay kitang magbreakfast hehehe.. Ililibre kita.."

"Sige.." nakangiting sabi ko pa.

Nagpaalaman lang kami at ganon na rin sila. Kasabay kong lumabas sina Lee, Tob, Michiko, Migz at BJ.

"Grabe.. ang lakas ng tama sayo nun ni Gonza.." si Migz. Hindi ko naman sya kinibo.

"Maka-destiny ang Lolo mo----jusmeh maya't maya!" si BJ.

"Hahahahaha bakit nga ba kasi destiny?!" si Michiko.

"Malay ko.." sagot ko.

"Nakuuuu teh! Yan na nga ba ang sinasabi ko e hahahaha.. kapag namayat ka maraming magkakagusto sayo.. Litaw na litaw na kasi ang ganda mo oh! Turuan mo nga ako kung anong ginawa mo?! Baka sakaling mamayat rin ako.. hehehehe.." si Migz.

"Asa pa bakla!?" si BJ.

"Oo letse ka kaya wag ka ng kumontra! Ano ngang ginawa mo Max!?" si Migz.

"Estudyante sa umaga.. alipin sa gabi.. Try mo.." biro ko.

"Nako hehehehe.. hindi na lang.. magfofocus na lang ako sa studies ko hahahaha.."

"Hahahahha.."

Nagtatawanan kami habang naglalakad hanggang sa makalabas..

Natigilan ako nung bigla kong makita ang motor ni Naih..

"Oh.. bakit nandyan pa yan??" biglang tanong ni Lee. Napatingin naman ako sa kanya at saka muling tumingin sa motor ni Naih.

"Akala ko ba umuwi na sya?" bulong ko pa habang nakatingin sa motor ni Naih.

"Pano yan??" tanong naman ni Tob.

"A-Ahh Lee.. pwede mo bang tawagin si Naih??"

"H-Ha?? S-Sige.." sabi nya at saka nilabas ang cellphone nya at nagdial.

Nasaan naman kaya yung loko'ng yun?! Nagpaalam sa kanilang uuwi e nandito pa ang motor nya!? Tss..

"Hello? A-Ahh kakausapin ka daw ni Max.." dinig kong sabi ni Lee at napatingin naman ako sa kanya at nakangiti nyang iniabot ang cellphone nya sakin.

"Nasan ka??" sagot ko agad.

"Nandito sa bahay.."

"Anong ginagawa mo dyan??"

"Ano pa!? Haaaayys! Umuwi ka na!"

"Tss.. pano 'tong motor mo!?"

"Ha?! Paksheeeettt! Oo nga pala!"

"Tss.."

"Halaaa.. pano ba yan!?"

"Hindi ko alam.. hindi ko kayang magmotor ng dalawa.."

"Anak ng kagang.. nawala sa isip ko!"

"Hihintayin kita dito.."

"H-Hindi na.. mauna ka ng umuwi dito.."

"Ha? Bakit?!" takang tanong ko na napatingin pa sa motor nya.

"Basta.. daanan na lang natin mamaya.. Kailangan na kita dito.."

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nyang yun.. pero magsasalita na sana ako nung bigla nyang ibaba..

~TUT!TUT!TUT!~

Napatingin pa ako sa cellphone bago ko tuluyang ibalik yun kay Lee.

"S-Salamat.." usal ko pa.

"Ano daw?" tanong ni Tob. Nakatingin naman ang lahat sakin.

"Pinapauwi nya na ako e.. babalikan na lang daw namin mamaya.."

"Ha?? E baka mawala dyan dyan??" tanong naman ni BJ. Kaya naman lumapit ako sa motor nya at ginalaw ang manibela.

"Hindi naman siguro.. naka-lock naman sya at may guard naman don.." sabi ko na tumuro pa sa guard nung SIS.

"Sige.. balikan nyo na nga lang agad.." si Migz.

"Sige na.. mauna na kayo.." sabi ko pa sa kanila.

"E pano ka?"

"Edi susunod ako.." biro ko pa.

"Sya sya.. kita kita tayo ulit bukas ah?"

"Sige.. ingat.."

"Ingat rin.."

Nagpaalaman pa muna kami bago sila isa isang umalis maliban kay Lee.

"Hindi ka pa ba aalis??" tanong ko sa kanya.

"Pauunahin na kita.. hehehe.."

"S-Sige.." sabi ko na mabilis na sumakay sa motor ko at inabante iyon.

"A-Ahh Max.."

"M-Mmm??" sagot ko nung bigla nya akong pigilan na humawak pa sa braso ko.

"S-Si Deib.."

"Oh?"

"K-Kagagaling nya lang sa s-sakit.. s-sana h-hindi naman muna maulit.." usal pa ni Lee. Napatingin naman ako sa mga mata nya at bakas ang hiya at pagkailang nya.

Anong gagawin ko kung ganon? Tss..

"I know I-I'm not in any position to s-say this b-but please.. t-this is only way I know p-para makabawi ako sa g-ginawa ni Kim sa kanya.." mahinahong dagdag pa nya.

"Kung ano man yung kasalanan ng pinsan mo sa kanya.. labas ka don.."

"O-Oo nga pero.. h-hindi ko kasi maiwasang h-hindi mag-alala.. Bestfriend ko sya.. P-Pero hehehehe.. don't w-worry.. n-naiintindihan ko naman kung anong nararamdaman mo ngayon.." parang napapahiya pang usal nya.

Napangiti naman ako sa kanya at tinignan pa sya sa mga mata..

"Si Naih.. she knows nothing about relationship.." mahinahon ring usal ko at gulat naman syang napatinign sakin. "But I know for sure that she knows a few things about love.. Pero sigurado akong naramdaman nya na yun.."

"W-Why are saying this??"

"Para kwits.." nakangiting sabi ko at saka bahagyang tinapik sya sa balikat. "Mauna nako.. ingat ka pauwi.. salamat.." sabi ko pa saka naghelmet at pinaandar ang motor ko pauwi..

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang hindi maisip ang sinabi ni Lee..

Tss.. ipinauubaya nya ba sakin ang kaibigan nya??

Alam nya ba kung gano kabigat na responsibilidad yun ipinapasa nya sakin?? Tss..

Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman..

Masyadong bumibilis ang mga pangyayari..

Yung kay Deib..

Yung kay Kev..

Kailan lang ay nagtapat sakin si Deib.. sumunod ay yung unti-unting ipinaparamdam nya na sakin.. Nagawa nya na ring magselos at magtampo..

Lahat yun ay nagawa nya sa loob ng napakaikling panahon.. bagay na nakakapagpadagdag dahilan para mas lalong hindi ko paniwalaan..

Pero.. ano namang mapapala nya kung gagawin nya yun ng trip trip lang?? Tss.. hindi naman sya siguro ganon kaengot para pagmukhaing tanga ang sarili nya sa mga tao'ng nakakakita nung mga pinaggagagawa nya sakin??

Napabuntong-hininga ako sa sarili kong naisip..

Naguguluhan ako..

Nalilito ako..

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko..

Isang bagay lang ang sigurado ako..

KINAKABAHAN AKO..

Hindi ko alam kung kaya kong panindigan ang nangyayaring ito..

At mas lalong hindi ko alam....

Kung kakayanin ko bang mahalin ka.. dahil hindi ko na yata kayang masaktan pa..

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ng dahil sa nararamdaman at mga naiisip ko. Gusto ko ng umupo at magpahinga dahil pakiramdam ko.. ang isiping yun ay dagdag pagod sa katawan ko.. Isama mo pa ang katotohanang babalik pa kami ng SIS para kunin ang motor ni Naih!

Bakit naman kasi iniwan iwan pa e!

BAHAY..

Mabilis kong inihinto sa kabilang side ng kalsada namin ang motor ko..

Taas ang kilay na pinagmasdan ko ang dalawang sasakyan na nakapark sa mismon harap ng apartment namin..

Isang vintage car at isang..

Anong ginagawa nyan dito??'

Mabilis akong isinukbit ang helmet ko sa braso ko at naglakad papasok ng bahay..

At hindi nga ako nagkakamali..

Kitang kita ko si Sensui na mukhang tanga'ng nakangiti habang nakatayo sa harap ng side table sa sala.. Hawak nya ang isang frame..

"Ehem.." bahagya pa kuno akong umubo saka pumasok ng tuluyan sa pintuan..

Nagtama ang paningin naming dalawa.. Parang walang gana akong tumingin sa kanya samantalang gulat naman syang nakatingin sakin.

DEIB'S POV

Hehehehehe ang cute cute nya...

Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti habang nakatingin sa picture ni Taguro na nakuha ko sa side table..

Mukha syang masaya sa picture habang hawak hawak ang tako nya ng billiards.. Sa bilyaran kuha yung picture at mukhang ilang taon na rin ang nakalipas ng kuhang 'to dahil hindi na ganito ang itsura nya ngayon.. Masyado syang payat sa picture na 'to kumpara ngayon..

'Pero mas maganda sya ngayon hehehe.. ngayon ko lang naaappreciate yung ganda nya heheehe..'

"Ehem.."

Dahan dahan akong napalingon sa gilid ko at..

TAGUROOOOO?

Dali dali kong ibinalik ang frame at saka umastang parang walang nangyari..

Bahagya pa akong tumingin sa tiles ng sahig.

"What are you doing?" walang emosyong tanong nya kaya naman dali dali akong tumingin sa kanya at bahagya pa kunong tumawa!

"H-Hahahaha.. a-ahh.. hahaha.. n-niyaya ako ni N-Naih.. n-nagpasama lang sya.. U-Uuwi na nga sana ako k-kanina kaso s-sabi nya a-aalis sya ulit kaya k-kung pwede d-dito daw muna ako.." uutal utal na paliwanag ko at mukhang nakahalata naman sya!

Badtrip!

Yung pakiramdam na napahiya ka dahil alam mong nakita ka nya?!

'Imposibleng hindi nya ako nakita! Tsk! Badtrip naman oh!'

"I'm not asking what are you doing here.. I'm asking you what are you doing??"

"H-Ha??" takang tanong ko at naglakad naman sya papalapit sakin at..

Nilingon nya ang side table na nasa harap ko at saka dahan dahang tumingin sakin.

"A-Ahh.. n-nakita ko lang.." palusot ko pareho nanatili syang nakatingin sakin.

"Tss.."

Masyadong nakakailang yung mga tingin nya sakin pero kahit anong gawin ko ay para akong estatwa! Hindi ko magawang ipihit ang paningin ko sa iba!!!

Pakiramdam ko ay malulusaw ako sa mga titig nya!

Pero hindi ko rin alam kung pano kong natagalan ang mga titig na yun..

"Ohh Max.. nandito ka na pala?!" biglang singit ni Parrot dahilan para makahugot ako ng hininga!

Tumingin si Taguro sa kanya at iiling iling namang napangiwi si Parrot.

"N-Nagpasama kasi ako kay Sensui d-dito.. k-kasi---"

"Maaaaaxxxx!!!"

Ayan na naman sya amp!

Mabilis na bumaba ng hagdan yung Ate ni Parrot at mabilis na naglakad papalapit kay Taguro!

"Oh my.. look at you!!! Hahahahaha! It's been a very very looong timmeee!!!" maarte'ng sigaw pa nito at saka yumakap kay Taguro na parang gulat pa rin hanggang ngayon.

"Y-Yaz.." dinig kong bulong ni Taguro.

"Oh my Goooodd hahahahaha! It's really nice to see youuu! Kwentuhan mo ko!"

"A-Ahh.. h-hahaha.."

"Ano ka ba?! Hahahahaha bakit hindi ka naman yata nakapagsalita!? Am I really that gorgeous?! That except from this hot guy right here e.. you're speechless?! C'mon Maxpein! Hahahahaha!"

"W-What are you doing here?" biglang takang tanong ni Taguro!

Hahahahahahaha!

Pigil ang tawang napatingin naman ako don sa Ate ni Parrot!

"Psh! I came to visit! Ano ba! Pinapahiya mo naman ako kay Deib e.."

Mabilis syang lumapit sakin at kumapit sa braso ko!

Taka naman akong nilingon ni Taguro at saka..

A-Anong inginingiti ngiti mo dyan!? Tch!

Ngumisi sya sakin na parang natatawa dahil sa ginawa nitong si Yaz na pagkalawit ng mga kamay nya sa braso ko!

Nakakainis!

"I came to visit my sister.. pero hindi nya sinabi sakin na may kaibigan pala syang kasing gwapo ni Deib.. ayan tuloy.. I want to stay na tuloy hahahahahaha!"

"Hoy Ate manahimik ka!" biglang singit na naman ni Parrot!

"Why oh why my dear sister?!"

"D-Dahil hindi ka pwede dito!"

"Max oh.." sumbong pa ni Yaz kay Taguro!

Badtrip! Ano ba kasing ginawa ko dito!? Tsk!

"Ahh basta! I've made my decisions already! Whether you like it or not.. I'm going to stay here hahahahaha! As long as Deib the hot guy's going to visit me e-ve-ry-daaaaayyy hahahahaha! Yiiiieeeee---"

"A-Ano ba.. A-Ano ba!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Aissshh.. nagsusungit ka na naman e! I told you already.. the more na nagsusungit ka.. the more na nagugustohan kita hahahaha.."

"P-Pero b-bitiwan mo ko.." pigil ang inis na sabi ko na mabilis na inalis ang mga kamay nya!

"Hahahaha.. and this is what I like mooore.. yung hindi easy.. hehehehe----"

"Tara na Naih.."

Sabay kami ni Yaz na napatingin sa sinabing yun ni Taguro.

"S-Saan na naman ang punta nyo??" inis na tanong ko.

"Babalik kami ng SIS para kunin yung motor nya.. baka mawala yun don.." seryosong sagot naman sakin ni Taguro at saka muling tumingin kay Parrot. "Ganyan ka na lang??"

"Oo.. sige.. maiwan na muna kayo dit---"

"Sasama ako!" sigaw ko!

"Ako rin!" si Yaz!

d>>_<<b

"Hindi na.. mabilis lang naman kami.." pigil naman ni Taguro at inis akong tumingin sa kanya! Nagtama ang paningin namin!

Ayoko dito! Ayaw ko sa kanya! Ikaw ang gusto ko! Kanina pa kita gustong makasama!!!!

"Dito ka na lang.." dagdag pa ni Taguro.

"U-Uuwi na lang ako.." nakangusong sagot ko.

"Dito ka na.." mahinang sagot nya pa. "Hintayin mo ko.."

Bakit gusto nya akong magstay dito?! Tch! Wag nya sabihing gusto nyang makasama ko yan!?

Badtrip! Hindi! Uuwi na ako!

"H-Hindi na.. u-uuwi na ako.. Baka maaga pa ang laro namin bukas.." pagpupumilit ko.

"Isa lang ang game nyo bukas.. Alas tres pa ng hapon.."

"T-Tinignan mo??"

"Mmm.. kaya dito ka lang.." sabi nya na bumuntong-hininga pa. "Samahan mo muna si Yaz.. saglit lang naman kami---"

"P-Pero.." pigil ko sa kanya.

"Babalik ako.." malumanay na sagot nya pero nagpaawa pa rin ako.

Ayokong maiwan dito!!!!!!!!! Huhuhuhuhu..

"Wag kang aalis dyan.. babalikan kita.." dagdag pa ni Taguro.

"Mukang magkakilala na naman kayo e.." nakangiting sabi nya pa at saka ako tinapik sa balikat at tinanguan si Parrot!

"Oh.. Ate.. Ingatan mo yan ah?!" sabi ni Parrot na itinuro pa ako! "Mawala ka na.. wag lang yan! Makakalaban mo ang buong Laguna kapag nagalusan yan!"

"Of course my dear sister----"

"At tigil tigilan mo ang pagdikit dikit dyan dahil nananakit ng babae yan!"

Siraulo!

"T-Ta---" hahabulin ko sana sya pero mabilis na silang nakalabas! At etong Yaz na 'to naman ay nakakapit sa kamay ko! "A-Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Please!" inis na sabi ko na hinigit pa ang braso ko.

"Napakachoosy mo!" sigaw naman nya!

"Tch! Hindi ka ba nahihiya sakin?! Ngayon lang kita nakilala!"

"Yes at hinding hindi ko 'to malilimutan hehehehehe.."

"Tch!"

"Ano ka ba! Ang sungit mo! Kalalaki mong tao.. napakasungit mo!"

"Talk to the hand!" inis na sabi ko habang iniharap pa sa kanya ang kanang kamay ko!

"I'll kiss your hand hehehehehe!"

WTF!?

"Nakakadiri ka!" inis na sigaw ko na mabilis na inagaw ang kamay ko!

"Hahahahahaha! Napakahard to get mo naman!? So tell me.. nagkagirlfriend ka na ba ha? Ha?! Nagkagirlfriend ka na ba? Tingin ko ay hindi pa hahahahaha.."

"Shut up.."

"Oh come one Deib.. we're on the 'getting-to-know-each-other' stage so please cooperate??"

"Cooperate your face.." bulong ko pa.

"Sige na kasi.. magkwento ka naman oh!"

"Ayoko.."

"Sige na.. please?"

"Ayoko nga e!"

"Ang sungit mo! Kanina ka pa ah!"

"Kanina ka pa rin e! C-Can you j-just... please! Stay away from me!"

"Hahahahaha kalalaking tao ang arte.. bakla ka ba?!"

"W-What?!"

"I'm asking if you're gay?!"

"No!"

"Hahahaha then why are you like this?!"

"W-What!?"

"Hahahahaha.. masyado ka naman yata'ng ilag sakin?! Hahahaha! I know I'm pretty and attractive.. pero bakit parang wala lang sayo?! Hahahahaha!"

Dahil may gusto akong iba!

"Oh my.. you're really gay!?"

"Sinabi ng hindi e!"

"Then why can't you answer me!? Hahahaha!"

"I don't wanna talk to you!" inis na sabi ko at saka tumayo at naglakad papalabas!

"Heeeeeey---!!!!" habol nya pa sakin pero mabilis kong isinara ang pinto ng bahay na yun!

Inis akong sumakay sa kotse ko!

Badtrip!

Inis ko ring isinuot ang susi pero...

Dito ka na lang..

Dito ka na..

Hintayin mo ko..

Muling umugong sa pandinig ko ang mga huling sinabi ni Taguro!!!

Hindi ko maintindihan pero meron sa loob kong natutuwa pero meron ring naiinis!

Bakit ba ayaw nya pa akong pauwiin?!

"Tch.." inis akong tumingin sa bintana at sinilip kung lumabas yung Yaz na yun!

Matapos nya akong paghintayin kanina..

"P-Pero pano kung.. g-gusto nya akong makasama kaya gusto nya akong maghintay??"

Nagtatalo ang puso't isip ko!

Sinabi ng isip kong umuwi na ako pero ang gusto ng puso ko ay maghintay ako!!!

Tanga ka na lang talaga Deib kapag naghintay ka pa sa kanya ulit.. Nung hinintay mo sya kanina.. Anong nangyari!?

"H-Hindi ko naman kasi sya binigyan ng c-chance makapag-explain.. k-kaya hindi nya naipaliwanag masyado yun side nya kung bakit nya ako pinaghintay.."

Tch! Hindi ba't sinabi nya sayo'ng sinundo nya si bansot?! Yung bansot na yun ang dahilan kaya ka naghintay ng matagal sa kanya!

Nakakabwisit!

Hindi ko malaman kung alin sa dalawa ang susundin ko!

Ang isip kong nagsasabing umuwi na ako?!

O yung puso kong gustong manatili ako dito!?

Nakakabadtrip!

Pakiramdam ko ay gusto ko ng umuwi.. dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa nya sakin kanina! Lalo na at may kinalaman yung bubwit na yun kanina kung bakit nya ginawa yun! Kung bakit nya ako nagawang paghintayin! Tapos eto pa ngayon! Panibagong pagpapahintay ang ginagawa nya!!!

Tsk! Ang tanga tanga mo Deib!

Pero ang puso ko naman ay willing masyadong hintayin sya! Dahil nararamdaman kong may dahilan sya kung bakit nya gustong manatili muna ako dito at hintayin sya! Sana nga ay tama ang nararamdaman kong dapat ko pa rin syang hintayin! Pero gayunpaman ay ramdam ko rin sa puso kong talagang kusang maghihintay ito..

"Sana nga ay tama ang hinala kong may sasabihin o gagawin syang maganda kaya pinaghihintay nya ako.. dahil kung hindi.. Lagot ka talaga sakin Taguro!!!"

Sa huli.. naghintay pa rin ako..

Binuksan ko ng kaunti ang bintana ng kotse ko at ang aircon non.. Nagsounds lang rin ako at bahagya pang lumilingon sa bahay nila Parrot at Taguro dahil baka lumabas at sumunod yung Yaz na yun! Kaya naman mabilis kong ni-lock ang kotse ko at saka ako nagpatugtog..

Now Playing: Cupid by 112

♫ ♪ 'Girl if I told you I love you.. That doesn't mean that I don't care, oooh.. And when I tell you I need you.. Don't you think that I'll can never be there, ooooh.. Baby I'm so tired of the way you turn my words into.. Deception and lies.. Don't misunderstand me when I try to speak my mind.. I'm only saying what's in my heart.. Cupid doesn't lie.. But you won't know unless you give it a try.. Oh baby, true love won't lie but we won't know unless we give it a try.. give it a try.. Girl when I ask you to trust me.. That doesn't mean that I'm gonna cheat on you.. Cuz I'm gonna never do anything to hurt you.. Or misleaded you, I love you..' ♪ ♫

Kusa akong napangiti sa pagkakaintindi ko sa kanta..

Mahal na nga ba kita?? Eto na ba yung mahal mahal na pinagsasasabi nila??

Kasi kung eto na yun.. hehehehe.. Napakaswerte mo hehehehe.. ang swerte swerte mo.. Prove to me that its worth it.. and I'll never leave your side..

♫ ♪ 'Baby I'm so tired of the way you turn my words into.. Deception and lies.. Don't misunderstand me when I try to speak my mind.. I'm only saying what's in my heart.. Cupid doesn't lie.. But you won't know unless you give it a try.. Oh baby, true love won't lie but we won't know unless we give it a try.. give it a try.. Ain't no doubt about it.. Lord knows I really mean it.. I rather die before I, before I lie to you.. Never wanna leave her.. Ain't no life without her.. Never gonna leave, never gonna go, no..Cupid doesn't lie.. But you won't know unless you give it a try.. Oh baby, true love won't lie but we won't know unless we give it a try.. give it a try.. .' ♪ ♫

MAX'S POV

SIS Parking Lot.

"Haaaayy.." malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Naih matapos nyang bumaba sa pagkakaangkas sakin at niyakap ang motor nya. "Shooowweeerrr!!! I'm sorrryyy huhuhu.."

Kaartehan..

"Akala ko hindi na kita maaabutang humihingaaa! Waaaa! Sorry for leaving you behind baby.. huhuhu---"

"Bilisan mo dyan.."

"Oo! Sandale!"

"Tss.. baka nakakalimutan mong kung hindi ko itinawag e hindi mo maaalala yan si Shower?!"

"Oo na!" singhal nya at mabilis na sumakay sa motor nya! "Nagmagandang loob pero nanunumbat!"

"Bilisan mo na dyan.."

"Bakit ba nagmamadali ka ha?!"

"Gutom nako e.."

"Wushooo.. nagugutom bang talaga?!"

Hindi ko sya sinagot at taka lang akong tumingin sa kanya.

"Kasi.. kung gutom talaga yan.. wala pa tayong pagkain sa bahay dahil magdamag kaming nag-away ni Ate!"

"Eh?"

"Psh! Sa sobrang inis ko sa kanya pati 'tong si Shower hindi ko na naalala! Hindi man lang nga ako nakapagsaing!"

Edi hindi pa kumakain yung gunggong na yun dun!? Tss..

"Bilisan mo na!" inis na sabe ko at mabilis na pinaandar ang motor ko.

"H-Hoy! Hintayin mo ko!" dinig kong tawag nya pero hindi ko sya pinansin! Hindi ko na nagawang maghelmet pa at mabilis akong nagmaneho pa!

Maya maya lang ay kasabay ko na sya!

"Dahan dahan naman aba! Madaling madali?! Gutom na gutom?!"

"Tss.. kanina pa kayo nandon sa bahay??"

"Oo.. kaninang 4pm pa ata---"

"Edi hindi pa kumakain yun si Sensui?!"

"Nakoooo.. sinabi ko na nga ba e!"

"Tss.. bilisan mo dyan.." inis na sabi ko at saka inunahan sya..

Huminto ako sa isang fastfood chain..

"Kore-Korean?! Ayaw ni Ate nyan!" biglang sulpot ni Naih sa tabi ko.

"Edi wag syang kumain.." singhal ko.

"Hahahahaha.. grabe.. tataluhin mo si Ate dahil kay Sensui??"

"Bakit ba masyado mong ginagawang big deal yung kay Sensui?" tanong ko sa kanya na sinugod pa kunwari ang mukha nya at natigilan naman sya.

"E-Eh bakit nga ba ginagawa mo 'to kay Sensui ha?! M-May gusto ka na rin sa kanya noh? Hehehehe.. Kaibigan mo ko.. ano mang nararamdaman mo.. susuportahan ko! Hindi mo na kailangang maglihim! Hahahaha!"

"Tss.. kaya pala wala akong nalalaman sa mga pinagdadaanan mo---kasi magkaibigan tayo!" pagdidiin ko sa mukha nya mismo at natigilan naman sya habang napapanganga pa at umaastang hindi makapiwala!

"A-Anong---"

"Annyeonghaseyo.." nakangiting bati ko sa korean na nasa harap ko.

"Annyeonghaseyo.." nakangiting bati naman nya sakin sabay abot nung menu.

Mabilis ko naman yong tinignan at saka ako um-order ng mga pagkain para saming lahat..

Maya maya pa..

"Andami nyan ah??" nakangising salubong sakin ni Naih. "Meron ba ako dyan ha? Ha?!"

"Malamang.. wala.."

"Ha?! Baket!?"

"Lahat 'to para kay Deib.."

"A-Ano!?"

"Tss.. mamatay ka sa gutom!" inis na sabi ko at saka naunang maglakad!

"H-Hoy! Hoy ulcer! Tandaan mo yan ah! Hindi na kita lulutuan!"

"Bilisan mo na! Hindi 'to masarap kapag lumamig na!"

"Akina yun iba!"

"Kaya ko na!" sigaw ko pa at mabilis na pinaandaw ulit ang motor ko pauwi..

Hindi ko maintindihan ang ikinikilos ko..

Alam kong iba ang naiisip ni Naih sa mga ikinikilos ko pero sakin.. hindi naman 'to tulad ng inisiip nya..

Ang totoo ay naguiguilty ako sa ginawa ko sa kanya kanina kaya naman gusto kong bumawi kahit papano..

Ayokong isipin nyang walang wala naman akong pakialam sa kanya kahit.. medyo ganon na nga..

Maya maya pa ay nasa bahay na kami..

Nagpark lang kami sa labas at mabilis ng maglakad papasok.. pero bago pa man kami makapasok ng tuluyan ay huminto si Naih sa paglalakad at sumilip sa kotse ni Sensui at kinatok yun..

Anong ginagawa nya dyan?!

"Hoy Sensui! Nandito na kami!" sigaw pa ni Naih sa kanya!

Nagkuskot naman muna ng mata si Sensui at gulat na makita kami saka mabilis na bumaba!

"Ang t-tagal nyo naman!" si Sensui!

"Anong matagal---e ang bilis nga?! Nagmamadali 'to oh!" inginuso pako ni Naih sa kanya.

Naiilang namang napatingin sakin si Sensui.

"Anong ginagawa mo dyan!?"

"Tch.. ayoko don sa loob! Yung kapatid mo parang higad kung dumikit! Masyadong makapit!"

"Higad?! Baka linta?! Psh.. magsusumbong lang mali mali pa.."

"Y-Yun na rin yon!"

"O sya! Pumasok ka na sa loob!" sabi nya at nagpaumuna ng pumasok. "Dalian nyo!"

Naiwan kami ni Sensui at naiilang pa syang tumingin sakin..

DEIB'S POV

Mabilis na pumasok sa loob si Parrot at naiwan kaming dalawa ni Taguro!

"Tss.. wag ka ng mag-imagine dyan at pumasok ka na sa loob.." si Taguro.

"U-Uuwi nako.." sagot ko.

"Bakit?"

"Tch! Ano pang gagawin ko dyan?!"

"Kakain.."

"K-Kakain!? H-Hindi na.. sa bahay na lang ako kakain.." nakanguso pang sabi ko.

"E bakit hindi ka pa umuwi kanina?" nakangising tanong nya at napailing naman ako!

Bwisit na 'to! Buti nga hinintay pa kita e!

"S-Sabi mo kasi h-hintayin kita e.." nakanguso pa ring sagot ko!

"Tss.. naghintay ka naman?"

A-Anak ng..

"Uuwi nako----"

"Dito ka na.."

"Hindi na!"

'Tss.. para binibiro lang e.."

"Hindi ko gusto ang biro mo e!"

"Dito ka na kumain.. binilhan kita ng pagkain.."

Binilhan nya ako?

Hindi ako nakasagot!

Napatinign ako sa mga bitbit nya!

Napatitig ako sa kanya at...

Hindi ko napigilan ang mapangiti!!!

"A-Ano naman yang binili mo?" kunwaring tanong ko.

"Wag ka ng magtanong.. alam ko namang kahit anong bilin ko.. basta para sayo.. magugustohan mo.." nakangising sagot nya at saka nagpaumunang maglakad!

Badtrip 'to ah! Masyadong bilib sa sarili!

"H-Hindi na! Uuwi na lang ako!" pagmamatigas ko.

"Edi bahala ka.." mayabang pang sabi nya!

"A-Ano!?"

"Bahala ka.. umuwi ka kung gusto mo.. Pero sinasabi ko sayo.. pagsisisihan mong hindi mo kinain ang pagkain kong binili ko 'para sayo'.."

"A-At b-bakit ko naman pagsisisihan!?"

"Dahil hindi ko na 'to uulitin.." sabi nya at saka nakangiting pumasok sa loob ng bahay nila!

Inis akong sinundan sya ng tingin at saka inis akong tumingin sa paligid ko!

Binilan nya ako ng pagkain?

Heheheheh.. ibig bang sabihin nun e.. nag-aalala sya sakin?!

Bakit nya ako bibilhan ng pagkain kung hindi sya nag-aalala sakin? Hehehehe!

E bakit ganon sya magsalita?! Hindi ko pa man natitikman yung pagkaing binili nya nanunumbat na agad sya! Tch! Bakit hinintay?! Abnormal ka talaga! Wala kang kwenta!

At doon ko natagpuan ang sarili kong naglalakad papasok ng bahay nila..

Tsk! Pasalamat ka hindi talaga kita matiis!

"Ohh?? Nandito ka pa rin Deib??" salubong sakin ni Yaz!

"Tch.."

"Hoy Ate tigilan mo na nga yan si Deib!" singit ni Parrot na nag-aayos ng plates sa table! "Oy Sensui.. wag mong pansinin yan.. nung ipinanganak kasi yan basta na lang binihisan at hindi hinugasan at nainiksyunan kaya lumaking ganyan.. dito ka umupo.. Umakyat lang si Taguro at nagpalit ng damit.."

"T-Thanks.." maikling sagot ko at saka naupo sa upuang itinuro nya! Mabilis namang naupo yung kapatid nya sa harap ko.

"Hindi ko akalaing makakasabay na rin kitang kumain ngayon hihihihi.. isn't that sweet?? Hehehe.." si Yaz.

Hindi ko sya sinagot!

"Oh ayan.. eto pa.. at eto pa.. at ayan pa.. at saka ito pa.. Jusmiyo.. kapag kore-korean ang ilalatag sa hapagkainan.. kawawa ang katulong.. Napakaraming side dishes!" si Parrot!

Woooow..

Hindi ko maipaliwanag ang saya'ng naramdaman ko ng makitang lahat ng nakahain sa harap ko ay gusto ko!

Madalas magluto ng Korean foods ang Lola ko noon at madalas rin naman kaming kumain sa mga Korean Resto!

Matagal tagal na rin mula nung huling kain ko sa Korean Resto kaya naman natuwa talaga ako sa nakita ko..

"Why are you smiling?!" maarteng tanong ni Yaz at napatingin naman ako sa kanya! Nakapatong ang mukha nya sa dalawang kamay nya at deretsong nakatingin sakin.

"Why are you asking?" pigil ang inis na tanong ko.

"Because I wanna know.. I'm curious.. why are you happy to see these foods? Is it your first time?? Hehehehe.."

"Tch.."

"Hoy Ate.. alam mo bang apo yan ng may ari ng school namin?! Wag mo ngang minamaliit yan!"

"Oh?! Yung BIS?!"

"Oo!" sigaw ni Parrot sa kanya na lumabas mula sa dirty kitchen at may dalang dalawang pitsel ng softdrinks. "Teka kukuha pa ko ng tubig.. Hoy Maxpein! Bilisan mo! Gutom na yata 'tong bisita mo! Yung bwisita ko mukhang busog! Nag-iingay pa e!"

"Shut up Zarnaih!"

"Whatever Ate! Whatever! Bisita ka dito kaya magdusa ka! Ngayon lang ako mabait sayo!" sigaw nya pa na lumabas naman at may dalang pitsel ng tubig.

Napatingin ako kay Taguro na bumaba at...

Ang cuuuutttee nyaaa!!!!

Nakapajama sya at nakablack na sando..

"Bakit hindi ka pa kumakain?" biglang seryosong tanong sakin ni Taguro.

"H-Hinihintay kita e.." wala sa sariling usal ko.

"Hmm.. are you guys in a relationship or something??" biglang tanong rin ni Yaz at nagkatinginan naman kami ni Taguro.

"Mukha ba kaming ganon?" nakangising tanong ni Taguro sa kanya.

"No way.." biglang bulong ni Yaz na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya!

"Kumain na tayo.." nakangiting sabi ni Taguro at saka naupo sa tabi ko.

"Oh!" nakaturong reaksyon ni Yaz kay Taguro na nagulat naman at parang nagtatanong! "B-Bakit tumabi ka sa kanya? Aren't you going to sit here beside me?!"

"Ano ba Ate?! Bisita ni Maxpein si Deib!" singit ni Parrot!

"I'm also a guest here.. duh!?"

"But you're not considered as one.. kaya manahimik ka na dyan at gutom na kami!"

"Kumain ka na.. wag mo na lang silang pansinin.." nakangiting sabi pa ni Taguro kaya naman nginitian ko na lang sya.

Ang totoo ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Naghalu-halo ang masaya, masarap, kilig, tuwa at kung anu-ano pang positibong pakiramdam sa buong sistema ko. Hehehehe!

Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko na talaga namang kumikiliti sa bawat ugat na meron ako..

Iba yung pakiramdam.. at hindi ko pa 'to naramdaman..

Nagtuloy kami sa pagkain at habang kumakain ay wala pa'ng nagsasalita..

Kahit dati ko na 'tong kinakain at natikman.. parang bago lang sa panglasa ko! Hehehehehe!' sabi ko pa sa isip ko habang masayang kumakain.

"What's this?!" biglang tanong ni Yaz na nakatingin sa Bibimbop.

"Bibimbop.." sagot ni Taguro.

"Yeah.. and what is that?!"

"Mixed vegetable rice and beef.."

"I see.. this is good.."

"Mmm.."

Masayang nagtuloy kami sa pagkain at maya maya ulit.

"So how's your studies??" nakangiting tanong ni Yaz na tumingin pa saming tatlo. Nagkatinginan pa kami ni Parrot bago sya sumagot.

"Okay naman lahat.. sana ganon pa rin ngayong nandito ka na.. hays.." si Parrot.

"Do you really have to be this mean!?" sarkastikong tanong ni Yaz sa kanya.

"Yes.."

"Psh! Loser!"

"Come on Ate.. hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pumunta ka pa dito.. Hindi naman tayo close di ba??"

"Ha! So tinataboy mo ko ganon!?"

"Anong tinataboy?! Hindi ba't kumakain ka pa nga!? Haller!?"

"Psh! Isusumbong kita kila Daddy!"

"Go ahead!"

"Ano nga bang ginagawa mo dito, Yaz? If you don't mind me asking.." sabat ni Taguro sa mahinahong paraan.

"I actually came for a visit.. I want to relax.. I want to go somewhere na bago sa pakiramdam at paningin ko.. Since wala naman ako masyadong alam dito.. dito ako dumeretso hahaha.. I know it would be fine with you.. and I really don't care kung ayaw nitong kapatid ko.." sarkastiko ang sagot nya.

"E kasi.. sa dami naman ng kaibigan mo sa Manila.. hindi ko maintindihan kung bakit dito pa!" si Parrot!

"Look.. I've no plans on staying here okay?! My plan was to visit here and go somewhere!"

"What?! So you mean.. y-you're going to stay here?!"

"Yes.. I told you already.. I've more reasons to stay here.. now.." nakangiting sagot ni Yaz habang nakatingin sakin!

Baliw ba sya!? Tch!

"Magkakaklase kayong tatlo?" nakangiting tanong pa nito.

"Schoolmates.." sagot ni Taguro. "Third year kami ni Naih.. Fourth year sya.."

"I see.. E bakit magkakasama kayo??"

"Ako ang nagsama kay Deib dito remember?!" tanong ni Parrot sa Ate nya. "Ang totoo ay nagpasama ako sa kanya dito dahil nga nagtext kang dumating ka! Akala ko nagbibiro ka lang! Kaya naman ako 'tong si tanga.. sa kagustuhan kong magtago at alaming dumating ka nga.. nakiusap pa ko tuloy sa kanya na samahan ako dito!"

Ganon ba yun!?

"Is that so?? Hahahaha.. well then, anong naramdaman mo nung nalaman mong nandito ako, sister?!"

"Nabwiseeeeet!!! Matinding bwiseeeet!"

"Hahahahaha! You're so mean!"

"Tsa! Umuwi ka na bukas ah!"

"Ugh! Come on Zarnaih! Ngayon pa!?"

"A-Anong ngayon pa!? Bukas nga di ba!?"

"I mean.. why now?! Bakit ngayon pa?! Ngayon pa'ng nakilala ko na si Deib!?"

Ano bang sinasabi nya?!

Gulat kaming napatingin ni Parrot sa Ate nya! Si Taguro naman ay dahan dahan ring napatingin sa kanya!

"M-May gusto ka kay Deib!?" hindi makapaniwalang tanong ni Parrot sa Ate nya.

"I'm not sure.. hahaha.. But I like him.. Anggulo pa e hahahahaha!"

"Huk!" nabilaukan ako!

"T-Tubig.. tubig.. eto tubig.." abot sakin ni Parrot.

"T-Thanks.." napapahiyang sagot ko.

"Pagpasensyahan mo na 'tong Ate ko.. hehehe.. a-abnormal kasi.."

"Kung hindi naman pala in a relationship sina Max and Deib.. so, anong masama!? Walang masama.. wala akong nakikitang masama! Hahahaha! If liking you is a crime.. then I'm guilty.. Hahahahaha!"

"W-What!?" hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong!

"Mmm.. I'm guilty... Hahahahaha!"

"H-Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo??"

"Why?! Hahaha.. anong nakakahiya sa ginagawa ko!?"

"I can't believe that you're actually saying this.."

"Hahahaha.. is it first time?? Hearing theses things?? First time mo?? Hahahaha! Don't worry Deib.. ngayon ko lang rin ginawa 'to hahahahahaha---"

"Stop it.."

"Huh??"

"I said stop it.. hindi ako natutuwa.."

"Wooooaaahhh..." biglang sabat ni Parrot. "Manahimik ka na lang kasi Ate.. pwede?!"

"Okay.. hehehe.. mukhang hindi gusto ni Deib ang moves ko ngayon.. Don't worry.. babalikan kita hehehehe.." maarte'ng sabi nya pa sakin at hindi ko naman na sya pinansin!

Hindi ko maintindihan ang ginagawa nya! Tinitrip nya ba ako o ano!?

"Bakit nga pala mga hindi kayo nakauniform??" biglang tanong ni Yaz na naman!

"Sportsfest namin ngayon.." walang ganang sagot ni Parrot sa kanya. Napatingin naman ako kay Taguro at tuloy tuloy lang ang pagkain nya.

Wala ba talaga syang pakialam!? Tch! Badtrip ka!

"Oh!? Saan!?"

"Sa SIS.. dati naming school.."

"Cool! I wanna see you!"

"Wag na.."

"Why not?! Gusto kong manood e.."

"Hindi pwede ang outsiders.."

"O-Outsders!? Hello!? Do I look like one?!"

"You are one!"

"Basta.. manonood ako.."

"May laro kami parepareho bukas.." biglang sabat ni Taguro.

"Really? What time?"

"10am.."

"I wanna see you.. I wanna watch!"

"Go.."

"Yeeesss!"

"Nooooo!!!!" sigaw ni Parrot!

Ang gugulo!

Hindi ako natutuwa sa pinagsasasabi ng kapatid ni Parrot at mas hindi ko gusto yung pakiramdam ko dahil sa ginagawa nya!

Hindi ba sya nahihiya sa mga pinagsasasabi nya?! Ngayon nya lang ako nakita at nakilala tapos ganon ang sasabihin nya sakin?! Tch!

Maganda sya.. Sobrang ganda..

Pero hindi ako attracted sa kanya! Hindi dahil si Taguro ang gusto ko.. pero meron sa kanya na hanggang don lang ako sa masasabi kong maganda sya! Yung hanggang maganda lang sya sa paningin ko at hindi na ako aabot sa puntong magugustohan ko sya!

Jeolte andwae!

Mabilis naming tinapos ang pagkain at sila Parrot at Taguro ang nag-ayos ng lamesa kaya naman...

"You like my friend.."

"Eh?" takang tanong ko.

"Si Max.. you like her?"

"W-Why?"

"Hahahaha.. you like her.."

"W-What!?"

"Come on.. napagdaanan ko na yan hahahaha.."

"You're not a guy.. kaya magkaiba pa rin ang pinagdaanan natin.."

"Pero mag pinagkapareho pa rin hahahaha.. Why don't you just answer the damn question?! Hahahaha!"

"Tch! Nasa sakin na yung kung sa a-anong paraan kita sasagotin.." inis na sagot ko.

"Hahahaha.. yan ang nagustohan ko sayo.."

"What?!"

"Hahahaha.. yan.. yan mismo.. Yung pagiging masungit mo.. Yung angas ng dating mo.. Hmmm.. lalaking lalaki!"

"Shut up.."

"I think I really like you hahaha.. at kung wala naman kayong relasyon ni Max.. edi---"

"Akina muna sya.."

Dahan dahan akong napatingala at nagtama ang paningin namin ni Taguro!

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

Ngumiti sya sakin at saka inabot ang kamay nya..

"Tara sa labas.." dagdag pa ni Taguro.

Napatingin naman ako Yaz na nakasimangot agad habang nagpapalipat lipat ng tingin saming dalawa..

"S-Sige.." usal ko at saka tumayo at inabot ang kamay ni Taguro-----

WTF!

Bigla nyang inalis ang kamay nya!

"Hahahahahhaahhahahahahahahahahahaha!" malakas na tawa ni Yaz!

Napahiya ako!

Dahil nung aabotin ko na ang kamay ni Taguro ay mabilis nya ring binawi yun!

Inis akong tinignan sya sa mga mata at nakangisi naman sya!

"Let's go.." yaya nya at saka tinalikuran kami! Salubong ang kilay na tinignan ko naman ang bumubungisngis pa ring si Yaz!

"What!"

"Hahahahaha.. sakin ka na lang kasi.. Hindi kita gaganyanin.."

"Shut up!"

"Bwahahahahahahahahaha.. same old Maxpein.."

"Tch!"

Hindi ko na sya pinansin at bagsak ang balikat na sinundan ko si Taguro!

Naninigarilyo na sya paglabas ko!

"Tch! Niyaya mo ko dito para usukan!?" inis na tanong ko.

"Dito ka sa harap ko.."

Nagulat ako sa sinabi nya at mukhang tanga'ng naglakad naman ako papunta sa harap nya. Hindi sya nagsalita.. malumanay ang kilos na tumingin sya sa mga mata ko..

Pilit kong tignan rin sya sa mga mata kahit na lintek ang pagkailang na nararamdaman ko.

"San ka nagpunta kanina?" malumanay ang tono'ng tanong nya at saka muling humithit sa sigarilyo nya.

"D-Dito nga.."

"Matapos nating mag-usap dumeretso ka dito? Tss.."

"H-Hindi.. don muna sa room naming mga basketball players.."

"San kayo dumaan ni Naih? Hindi ko kayo nakita.. ang tagal ko don sa gate e.."

Matagal sya don!? Ano namang ginawa nya don!?

"N-Nasa kabing s-side ng SIS yung kotse ko.. hindi kami dumaan don sa.. d-don sa gate kung san kita nakita.."

"Mmm.." tatangu-tango pang sagot ny at tumingin na naman sa mga mata ko!

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko!? Hindi na naman ako makatingin sa mga mata nya!? Hindi ba't dapat mas malakas pa ang loob kong tignan sya!? Kasi ako yung umaming may gusto sa kanya! Pero bakit mas nakakatingin pa sya ng deretso sakin kesa ako sa kanya! Badtrip!

Kahit naiilang ako.. aaminin ko.. MASARAP sa pakiramdam yung ganito kasimple'ng ginagawa namin ni Taguro..

Kahit mausok.. hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko habang kaharap ko sya..

Pagod ako galing sa interhigh pero parang wala akong ginawa magdamag..

Busog ako pero parang pakiramdam ko.. okay lang saking magdamag na tumayo..

"P-Pero.. n-nainis talaga ako.." pilit na humugot ng lakas para masabi ko.

"San?"

"A-Anong san!? Tch! Sa ginawa mo!"

"Tss.."

"Bakit kasi.. sinundo mo na.. Pinag-enjoy mo pa! Ni hindi ko man lang nga naenjoy yung pag-angkas sayo nun dahil lasing ako at wala akong maalala!"

"Edi iaangkas kita ngayon.."

Unti-unti'ng tumayo ang balahibo ko simula sa paa hanggang sa ulo ko!

Bakit ba twing may sasabihin syang maganda.. kinikilig ako!? Hahahhahaha!

Kabadingan yan Deib!

"G-Gagawin mo yun?" pilit inaalis ang hiya'ng tanong ko.

"Oo naman.. nagawa ko nga sa kanya e.."

"Tch! Wag mo nga akong ikumpara don.."

"Hindi kita kinukumpara.. sinasabi ko lang.. Tss.. buti nga ikaw ang unang nakasakay dyan e.." sabi nya na tumingin pa sa motor nya.

"Ako nga ang nauna---wala naman akong maalala!"

"Edi ipapaalala ko sayo araw-araw.." nakangisi pang sagot nya!

Badtrip.. hehehhehehehe!

"Bakit ba kasi k-kailangan mo pang sunduin yun? Tch.. hindi mo naman kasalanang nagkaganon yun.."

"E bakit rin ba kasi.. kailangan mong magkaganyan? Sinundo ko lang naman yung tao.. hindi ka dapat magkaganyan dahil bukod sa pagsundo at paghatid ko sa kanya wala na kaming ibang ginawa.."

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sagotin yung tanong ko?! Tch! Sinasagot mo rin ako ng tanong e.. pano ko malalaman yung sagot mo! Badtrip.."

"Bago ka kasi magtanong.. alamin mo muna kung bakit kailangan mo pang magtanong.." nakangiting sagot nya.

"Ang sabihin mo.. ayaw mo lang sabihin!"

"May karapatan naman siguro akong maglihim?" nakangiti munit seryosong tanong nya kaya naman nakanguso akong iniiwas ang paningin ko sa kanya.

"Ang sabihin mo wala ka lang talagang pakialam sakin.."

"Tss.. kaya pala nandito ka ngayon??"

"A-Ano??"

"Kung wala akong pakialam sayo.. kanina pako tulog.." sagot nya habang nakatingin sa malayo at nakaramdam na naman ako ng tuwa.

"E-Edi matulog ka na!" nakanguso pa kunwaring sagot ko.

Ang bading mo Deib! Badtrip!

"Nandito ka pa e.." sagot nya na muling tumingin sakin.

"E-Edi uuwi na ko!"

"Mamaya na.. kinakausap pa kita e.." biglang ngumiting sagot nya. "Bakit ba nagkakaganyan ka?"

"E-Eh n-nagseselos ako e.."

Hindi sya sumagot!

Napatungo ako sa paa ko dahil sa hiya at saka pumikit!

Tanga tanga amp! Bakit ko ba nasabi yun! Badtrip!

Jahe ang king ina!

Gusto ko ng umuwi..

Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko nung ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin sya nagsasalita..

Tumingin pa muna ako sa dalawang gilid kunwari bago ako tuluyang makatingin sa mukha nya..

Matamis ang mga ngiti nya habang nakatingin sakin!

Taguro... wag naman ganito.. lalo akong nahuhulog sayo e! Tsk!

"Bakit ka nagseselos?" nakangiting tanong nya pa rin.. malumanay at dahan dahan ang pananalita nya.

"K-Kailangan ba ng dahilan p-para magselos?!" inis na tanong ko.

"Hindi pero.. gusto kong marinig ang dahilan mo ngayon.."

"Tch! Pwede ba yun!?"

"Mmm.. gumawa ka ng dahilan.."

"Tch! Ang sabihin mo.. gusto mo lang marinig na sabihin kong dahil may 'gusto ako sayo'.." ngingisi ngisi pang sagot ko.

"E yun naman talaga ang dahilan di ba?"

"O-Oo.."

"Tss.. andami mo pang sinabi.." natatawa pang bulong nya. "Hindi ka dapat magselos sa kanya.."

"B-Bakit?"

"Dahil wala naman akong gusto sa kanya.."

"E b-bakit kailangang s-sunduin mo sya?!"

"Edi susunduin rin kita.."

Nagulat ako sa sinabi nya at natawa naman sya!

"Naniniwala kasi akong ang selos ay nararamdaman lang kapag gusto mo o hinihiling mong ikaw yung nasa posisyon nung tao'ng ginagawan ng maganda nung tao'ng gusto mo.. Hindi porket may mga bagay na hindi nangyayari sayo ngayon.. ibig sabihin ay hindi na mangyayari sayo ang mga yun.." nakangiti munit malumanay na sambit nya pa. "Kaya kung nagseselos ka dahil sinundo ko si Gonza.. edi susunduin rin kita.."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko!

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko na parang kakawala na sa dibdib ko!

Masaya pero ewan ko ba kung bakit kabado'ng kabado ako! Hindi man lang bumabagal ang tibok ng puso ko!

Bakit sya ang nagpaparamdam sakin ng ganito?! H-Hindi ba't dapat ako ang nagpaparamdam sa kanya ng ganito?! Kabadingan!

"Tch! Hindi na.." nakangusong sagot ko pa habang pinipigilan ang kaba'ng nararamdaman ko. "B-Baka mamaya mag-assume ako tapos.. w-wala naman pala.. h-hehehehe.." napapahiyang sagot ko.

Hindi sya nagsalita at ngumiti lang sakin bago iniiwas ang paningin nya.. Tumingin na lang rin ako sa iba..

"Nakausap ko si Kim.."

Napatingin ako muli sa kanya matapos nyang sabihin yun! Nakatingin lang sya sa sigarilyo nya habang nilalaro yun sa mga daliri nya!

"Sinabi mo sa kanya?" tanong nya pa at napatango naman ako. "Bakit?"

"A-Anong bakit?"

"Bakit mo sinabi sa kanya?"

"H-Hindi ko na m-mapigilan e.. g-gusto kong t-tumigil na sya.."

"Saan?"

"Sa g-ginagawa nya.. p-parang ang d-dating kasi sakin nung ginagawa nya e.. naghahabol pa sya.."

"Hindi ba't gusto mo rin naman sya?"

"Noon yun! Hindi na ngayon!" inis na sagot ko at natawa naman sya. "Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinasabi ko ha!? Sinabi ko na ngang may gusto ako sayo at kanina lang ay sinabi kong nagselos ako don sa bansot na yun tapos ngayon hindi ka pa rin naniniwala?!"

Hindi sya sumagot!

Nakaramdam ako ng inis!

"A-Ano bang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko sayong gusto nga kita??" pigil ang inis na tanong ko pa. "K-Kasi kung h-hindi ka naniniwala sa paraang ginagawa ko para patunayan sayo.. e-edi sabihin mo sakin kung anong paraan ang gusto mo.. yun ang gagawin ko.." pilit pinapalakas ang loob na sambit ko pa.

"Ako ang problema.." pilit ang ngiting sagot nya at natinag naman ako at napatitig sa kanya. "Naniniwala ako sa sinasabi mo dahil nauuna yung kilos mo bago ang mga salita mo.."

"Y-Yun naman pala e.. b-bakit g-ganyan ka pa rin?"

"Dahil ako nga ang problema.."

"A-Anong problema?" tanong ko habang pinipigilan ang mas matinding kaba'ng nararamdaman ko!

"Wala akong tiwala sa sarili ko at hindi pa ako handang tanggapin ang mga sinasabi't pinapakita mo.."

"M-Max naman.." nanlulumong sambit ko ng pangalan nya. "K-Kung ganyan yung n-nararamdaman mo pano naman ako??"

"Anong pano ka naman?"

"Tsk.. ganito na lang ako?? Panay ang pacute sayo.. tapos ikaw ganyan lang?! Panay payabang!? Tch!" inis na sabi ko at natawa naman sya.

"Ganon na nga.."

"H-Ha?!"

"I want someone who will stay.. No matter how hard it is to be with me.."

Hindi ako nakasagot at naiwang tulala sa kanya!

"Tss.." natatawang singhal nya na bahagyang umubo pa. "Bakit hindi kayo magsama ni Yaz? Pareho kayong expressive.. hehe.."

"Shut up!" inis na sagot ko.

"Biro lang.." nakangusong sagot nya.

"Tch! Hindi ko gusto ang biro mo!"

"Tss.. nagustohan mo nga ako e.."

"H-Hoy! Ang kapal ng muka mo!"

"Sabihin mong hindi.."

"J-Joke lang hehehe.. oo na.. gusto kita.."

"Tss.." singhal nya at saka humikab..

"Inaantok ka na?" tanong ko.

"Medyo.."

"S-Sige uuwi nako.."

*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*TUG!*DUG!*

S-Sasabihin nya ba saking.. g-gusto nya na rin ako??

Hindi ko naiwasan ang mapangiti!

'Sinabi ko na nga ba e..'

"Tss.. Wag kang mag-imagine.. hindi ganon yun.."

Akala ko yun na e.. Haaay..

"Ano ba kasi yon!?" inis na tanong ko.

"Si Kim.. nakausap ko nga sya.."

"O e ano naman?"

"Tss.."

"Sinaktan ka ba nya?!" inis na tanong ko.

"Tss.. ako pa!? Hahahaha.."

"Hambog.."

"Honest lang.."

Kahit kailan! Badtrip!

"Oh.. Anong pinag-usapan nyo?"

"Ikaw.." nakatingin sa mga mata kong sagot nya.

"A-Ako? B-Bakit daw?"

"Tss.. ano pa ba?"

"A-Ano nga?"

"Hindi rin sya makapaniwala'ng m-may gusto ka sakin.." sagot nya na nagsindi pa muli ng isa pang sigarilyo!

"Tch!" singhal ko at hindi naman na sya nagsalita ulit. Pinagmasdan nya lang ako at mas nailang ako! "P-Pwede bang tigilan mo na yang paninigarilyo mo!? Tch! Kababae'ng tao.."

"Bakit ba ang tanga non?"

"H-Ha??" takang tanong ko.

"Hindi nya nakita kung anong meron sayo.. Kung kelan wala ka na.. saka nya nakita kung anong meron ka.. Tss.."

Hindi ako nakasagot..

Naintindihan ko ang punto nya.. Malamang ay yung nangyari samin ni Kim ang sinasabi nya. Napabuntong-hininga ako at iniiwas ko ang paningin ko sa kanya..

Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganon.. Para sakin ay ginawa ko ng lahat.. hindi lang talaga siguro sapat yun para sa kanya.. Tch! Kaya nga nakuha nyang magkagusto sa iba e..

"H-Hindi nya ako kaya'ng mahalin e.. O hindi nya lang talaga alam ang ibig sabihin ng pagmamahal?? Tch! Ang sabi nya mahal nya si Randall.. Ilang araw lang ang nakakalipas mula nung ipamuka nya saking si Randall ang mahal nya at nasaktan nya lang ako.. Na wala lang ako.. tapos ngayon.. babalik sya sakin kung kailan may gusto na akong iba.." pahina ng pahinang sagot ko pa at nagtama naman ang paningin namin..

Ako pa yung mas nailang kaya inalis ko agad ang paningin ko sa kanya!

"Tch.. Hindi yata sya marunong magmahal.." dagdag ko pa.

"Lahat ng tao alam ang salitang love.. Lahat marunonong magmahal at lahat nakakaramdam ng pagmamahal.. May iba't ibang paraan naman kasi yun e.. pagmamahal ng magulang.. pagmamahal ng kapatid.. pagmamahal ng kaibigan.. at ang pinakamahalaga sa lahat.. Pagmamahal ng Diyos.." nakangiting sagot nya pa habang nakatingin sa malayo, napatingin naman ako sa mukha nya. "Pero ang pinakamasakit na pagmamahal ay yung pagmamahal na ibinibigay mo sa tao'ng gusto mo.. yun bang tao'ng gusto'ng gusto mo hindi dahil kapatid o kapamilya mo sila?? Maaaring kaibigan o kakilala pero yung pakiramdam mo sa kanila ay pagmamahal na gusto mo silang makasama.. Panandalian man o panghabambuhay pa.." nakangiting sabi nya sa ere at saka tumingin sakin. "Bibihira na lang talaga siguro yung mga tao'ng mananatiling mahal ka.. sa matagal na panahon.."

Hindi ako nakasagot at ninamnam ko ang mga sinabi nya.

"Lumilipas ang panahon.. Tumatakbo ang oras.. Nabubura ang ibang mga alaala.. Nababago ang nararamdaman.. kahit ang tao ay nagbabago rin naman pero.. ang puso.. kahit kelan hindi yata marunong makalimot.." natatawa pa kunwaring sambit nya. "Hindi ko maintindihan ang mundo.. hindi ko maintindihan kung bakit kailangang makaramdam tayo ng ganito? Para matuto? Tss.. siguro nga para matuto.." napapabuntong-hininga pang sabi nya.

"Tch.. para matuto.. Baka para magkatuluyan tayo??" nakangising tanong ko.

Hindi sya nakasagot sakit kaya naman ngumisi ako ng matinde!

"Tss.. umuwi ka na.. Late na.."

"T-Teka naman.."

"Magkita na lang tayo bukas.."

"P-Pero.. n-nag-eenjoy pako e.." nakangusong sabi ko.

"Tss.. saan?"

"Kausap ka.." sagot ko at natawa naman sya.

"Marami ka pang oras para kausapin ako bukas.. may laro ako sa umaga at ikaw naman sa hapon pa.. inaantok nako.."

"Ang bilis mo namang antokin.."

"Pagod ako e.."

"Hehehehe.. sige.. susunduin kita bukas??"

"Hahahaha oh bakit? Bawal ka bang sunduin??"

"Hindi.. pero hindi ka na pwedeng bumalik dito.."

"H-Ha?! B-Bakit??"

"Dahil ayaw kong may pumupunta dto.."

"B-Bakit?"

"Basta sumunod ka na lang.." seryosong sabi nya at saka ko naman inalala yung mga sinabi ni Parrot kanina.

"S-Sige.." napapahiyang sagot ko.

"Matulog ka na pagkauwi mo.."

"Mmm.."

"Ingat.."

"S-Sige.. salamat.."

"Sige.." sabi nya at umastang papasok na pero hinabol ko ulit sya. "M-Max.."

"B-Bukas.. g-gusto ko makasama kita magdamag.." pilit pinalalakas ang loob na usal ko.

"Bakit?"

"G-Gusto ko e.."

"Tss.."

"Tch! Bakit si bansot isang yaya lang sayo---pumapayag ka?! Bakit kapag ako hirap na hirap kang um-oo!?"

"O di sige.."

"Tch! Napilitan pa.."

"Sige na dahil may kundisyon ka pa.."

"A-Anong kundisyon??"

"Nanalo kayo kanina di ba??"

"Kakantahan mo pa ako dahil nanalo kayo at pinanood kita.. Kaya umuwi ka na para mahaba ang tulog mo.."

"P-Pero---"

"Sige na.. mas maganda kung marami kang tulog.." nakangiting dagdag pa nya. "Magkita na lang tayo bukas.."

"S-Sige.."

"Ingat.."

"W-Wala ka bang cellphone?"

"Wala.."

"Tch.. hindi man lang kita matatawagan kapag nakauwi nako.."

"Edi kay Naih.."

"E h-hindi naman kita makakausap ng magdamag dun!"

"Magkikita naman kasi tayo bukas.."

"Gusto kitang kausap ngayon e.."

"Tss.. umayos ka nga Sensui.. hahaha.."

"W-What!?"

"Sige na umuwi ka na.. inaantok na talaga ako.."

"Sige.. pumasok ka na.."

"Ingat ka.."

"Para sayo.. mag-iingat ako.."

"Tss.. mag-ingat ka para sa sarili mo.. di para sa ibang tao---"

"Oo na.. oo na.. andami mo pang sinasabi e.. hindi ako makakaalis nyan.. Pumasok ka na.. hihintayin kita bukas ah.."

"Geh.." sabi nya at pumasok na..

Haaaayyy...

Para akong sinusundan ng puso!

Nung makita ko syang pumasok ay parang nakalutang na ako mula pagkasakay ng kotse hanggang pagkauwi!

Matapos kong kausapin sila Mom and Dad at Manang ay nagpahinga muna ako pero hanggang sa pagligo ko para akong nakalutang..

Ramdam ko pa rin yun pakiramdam..

Masaya..

Masayang masaya..

"Kakantahan ko sya?? Hehehehe.. anong kanta naman kaya ang gusto nya?! Heheheheh.. Ssshhhkk.. hindi ko man lang nagawa kay Kim 'to ah?! Iba na talaga 'to hehehe.. hindi ko na kailangang ikumpara dahil alam kong iba 'to sa naramdaman ko sa kanya.. Sorry Kim.. pero gusto ko talaga sya.. at mukhang mas lumalala pa.."

Maya maya pa ay pumikit na ako at natulog.. excited na rin kasi akong makasama sya bukas hehehehe!

Continue Reading

You'll Also Like

675 514 13
[O N - G O I N G] Want to know a secret? 🎢 Promise not to tell?🎢 This book is filled with captivating tales.🎢 From the depths of the ocean to the...
96.5K 6K 38
"Jungkook, bakit mahal pa rin kita?" Book 2 of Noona
566K 20.9K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8.4M 466K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...