" Love Untitled " ~ Secrets A...

By iamQVEEN

314K 8.5K 1.1K

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di... More

BOOK 4 > Ch. 1 ~ TORETE ~
BOOK 4 > Ch. 2 ~ PURPLE LINE ~
BOOK 4 > Ch. 3 ~ IODIZED SALT ~
BOOK 4 > Ch. 4 ~ DREAM CATCHER ~
BOOK 4 > Ch. 5 ~ AND THERE WAS HER ~
BOOK 4 > Ch. 6 ~ HIDDEN ~
BOOK 4 > Ch. 7 ~ MOVIE TITLE~
BOOK 4 > Ch. 8 ~ HAPPY ENDING ~
BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~
BOOK 4 > Ch. 10 ~ THE PARAMOUR'S VISITOR ~
BOOK 4 > Ch. 11 ~ THEY NEEDED HIM ~
~ BOOK 4 > Ch. 12 ~ THE PARAMOUR'S STITCHES ~
~ BOOK 4 > Ch. 13 ~ THE PARAMOUR'S BURNS ~
BOOK 4 > Ch. 14 ~ NICK CARTER IS HOT... NOT~
BOOK 4 > Ch. 15 ~ THE PARAMOUR'S PRESENT AND HER PAST~
BOOK 4 > Ch. 16 ~ COULD HAVE BEEN~
BOOK 4 > Ch. 17~ THE PARAMOUR'S NOTES~
BOOK 4 > Ch. 18 ~THE PARAMOUR'S FIRST DAY~
BOOK 4 > Ch. 19 ~THE PARAMOUR'S SHARPENED CLAWS~
BOOK 4 > Ch. 20 ~THE PARAMOUR'S SERENDIPITY~
BOOK 4 > Ch. 22 ~TEN MINUTES~
BOOK 4 > Ch. 23 ~BRANDING HER YOURS~
BOOK 4 > Ch. 24 ~BLUE. AN ANSWERED PRAYER~
BOOK 4 > Ch. 25 ~KASE AYAW NIYA NG BAGO MONG BUHOK~
BOOK 4 > Ch. 26 ~SCREWED~
BOOK 4 > Ch. 27 ~UNCONDITIONAL LOVE~

BOOK 4 > Ch. 21 ~THE PARAMOUR'S ENGAGEMENT RING~

8.3K 279 22
By iamQVEEN







i...







Naninigas ang mga panga ni Elizabeth habang para siyang nai-istatwang pinapanuod si Zep na isinusuot ang diamond engagement ring sa kanyang kaliwang palasingsingang daliri. Hindi siya makapaniwala. Zep asked her to ride the scripted show and she hadn't decided yet if she'll go along with it. Too late though. Nang hindi siya makasagot sa kunwa-kunwariang marriage proposal ni Zep sa gitna ng maraming tao na bisita ni Nadia at Matt sa kasal nila, ay walang sinayang na oras ang binata at isinuot sa kanya ang diamond ring. Nang masalo ni Zep ang wedding garter kay Matt ay inaasahan ng lahat na isusuot nito ang garter sa kanyang left leg. Walang ka-ide-idea ang mga bisita, miskina ng mga ikinasal na isa itong magiging isang plotted marriage proposal.




" Zeppelin, pakshet ka! Anong problema mo! Bakit may paluhod-luhod ka pang nalalaman na ganian! Marriage proposal! Anong kalokohan 'tong diamond engagement ring na'to?! "




Ang nagngingitngit na sabi ni Elizabeth na sinasaktong hindi maririnig ng mga tao ang sinasabi niya. Tumawa ng malakas si Zep. Ang dalawang kamay nito ay mabilis na pumailalim sa buhok ng dalaga at walang patumpik-tumpik itong itong hinalikan sa labi, habang nagsigawan, napalakpakan, ang iba pa nga ay napa-'Oh my gosh'. Elizabeth didn't see it coming. Lahat na lang ata sa araw na'ito ay clueless siya. Naninigas ang likod at nanlalaki ang mga mata niyang hinayaang halikan siya ni Zep. Sa kung ilang segundo, ay hindi na niya mabilang. Nang lumapat ang mga kamay ni Elizabeth sa tapat ng collar ni Zep, ay sakto namang lumayo na ng bahagya ang mukha nito sa kanya, habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanyang beywang.




" Good job to us... sweetheart! You've done a good job! Now, smile! "




Ang sabi ni Zep na muli siyang kinindatan. Sa mga mata ng mga nanunuod ay dinaig pa nila ang nilalanggam sa tamis na mag-boyfriend. Madameng kinilig. Madameng cellphone ang naglabasan para sila ay picturan.




" Anong good job to us! Hinalikan mo akong hayup ka! "




Elizabeth hissed in between her teeth. Dinaan siya bilis. Ni hindi siya nakapag-reak. Parang nakakalokong lalong tumawa ng malakas si Zep. He embraced her as if he was a very romantic boyfriend who was so head-over-heels with the woman. Nang mayakap niya ang dalaga'y, bumulong ito sa kanyang tenga.




" Lizbeth, try to look as if you're so in love with me. Saan ka nakakita ng girlfriend na inalayan ng kasal, pero hindi naman maipinta ang mukha? Look at your Lebanon, sweetheart. That's the kind of reaction you get from a man who regretted that he even thought of letting go the girl. Nope, nope! Don't look at him, Lizbeth! Just act as if he does not exist, OK? Relax. Ride with me. "




And sabi ni Zep na tuluyan ng dumistansiya sa kanya. Lumapad ang ngiti ng binata, habang ang isang kamay nito ay nakipag-holding hands sa pinaka-malapit niyang kamay. Elizabeth swallowed hard. She's suppose to play this smoothly. Hindi rin niya alam kung bakit ginagawa ni Zep ito para sa kanya. Maybe because mas malinaw sa kanilang dalawa ang napag-usapan nila kanina sa kotse na mas nag-eenjoy silang dalawa bilang magkaibigan lamang? Not that binabasted niya si Zep. Mas lamang siguro ang katotohanan na na-realize nilang dalawa na hindi sila pang boyfriend/girlfriend material sa isa't-isa.


Sabay silang ngumiti sa media na lumapit upang kuhaan sila ng picture. Maya-maya pa'y parang tumatakbo pang lumapit sa kanya ang dalawa niyang best friends na si Geneva at Nadia. Una siyang niyakap ni Geneva na umiiyak pa. Ang kaibigan niyang ito'y parang walang paglagyan ng saya, lalo na at si Zep ang akala nitong pakakasalan niya. Clearly, hindi nito gusto si Lebanon para sa kanya. Nang si Nadia na ang yumakap sa kanya, ay hindi malaman ni Elizabeth kung bakit dinaig pa nito ang namatayan sa lungkot. Nakayakap ng mahigpit sa kanya ang loveliest woman of the day, nang ito ay magsalita.




" You don't have to do this, Sissy. Com'on! Hindi si Zep ang mahal mo! Please, 'wag ka pakakasal sa maling dahilan! Mahal mo pa si Lebanon, hindi ba?! What are you doing! You still have enough time to back out! Don't do this! "




Ang sabi ni Nadia na siniguradong hindi maririnig ni Geneva ang kanyang sinabi. Magkaibigan silang tatlo at halos lahat ng bagay ay magkakasundo sila. This time though, mukhang may ibang opinyon si Nadia na hindi umaayon kay Geneva. Lumayo ito kay Elizabeth, saka pinisil ang mga balikat ng kaibigan. Bumuntunghininga si Elizabeth. Alam niya ang sagot sa lahat ng mga katanungang nagfa-flash sa kanyang utak. Ngunit hindi lahat ng katotohanan ay tama. Si Lebanon ay hindi para sa kanya. May tao silang naagrabyado. Nasaktan. Hindi na niya kaya pang agawan ng fiancee ang babaeng nasa bingit na ng kamatayan.




" I guess this calls for a big celebration! Congrats pare! Elizabeth, napakaswerte mo kay Zep! Matagal ng patay na patay sa'yo 'to eh! "




Ang sabi ni Matt na tinapik pa ang braso ni Zep na malapad na ngumingiti. Nasisilaw si Elizabeth sa patuloy pa ding pagki-click ng mga camera ng media. Wala siyang choice kundi ang ipilig ang ulo sa kaliwang bahagi para iwasan ang nakakasilaw na mga ilaw. Then she wished she hadn't. Saktong pagharap niya sa kaliwa ay nagkasalubong sila ng tingin ni Lebanon. He was still standing in between Rafa Armand and Vlad na halatang mahinang kinakausap ang binatang namumula sa galit, ang mga mata nito'y kulang na lang ay maglabas ng apo'y sa kanilang direksyon. Iniiwas ni Elizabeth ang tingin sa binata. Kumapit ang mga braso niya sa braso ni Zep para sa suporta. Once again, hindi niya alam kung ano itong pinasukan niya. Pero mas mabuti na ang ganito. Ang mapaniwala niya ang lahat at si Lebanon na wala ng patutunguhan ang relasyon nila, dead end, na matagal na dapat niyang ginawa. Sa nanlulumong mga tuhod, sumunod siya kay Zep kung saan ito pupunta, habang ang ibang mga paparazzi ay sinubukan silang hingan ng statement.







ii...







Mabilis na napakiusapan ng bodyguards ni Geneva ang mga media men na wala munang interview na magaganap. Makakapaglabas sila ng official statement in a few days na patungkol sa kung kailan ang wedding date ni Zep at Elizabeth. Bumalik sa inalisang billiard's table ang dalawa, at discrete naman ang mga kaibigan nito na lumayo sa kaka-engage palang na couple para bigyan sila ng privacy na makapag-usap.




" Simone should be wearing this engagement ring instead. Mas bagay sa kamay niya 'to. Ano sa tingin mo, Zep? "




Ang sabi ni Elizabeth na finold ang mga braso sa harapan, habang pinapanuod ang binata na sumasargo. Saglit siyang tiningnan ni Zep. Direcho itong tumayo at hindi sinagot ang tanong niya. Maya maya'y, ininom ang scoth na nasa maliit na mesa na nasa tabi ni Elizabeth. The man looked as if he was in a deep thought. Inisang tungga nito ang scotch. Pagkatapos ay bumalik sa paglalaro ng billiards.




" You think so? "




Ang sabi ng binata na napalakas ang pagsasargo, halos magsitalunan ang mga bola sa mesa. Nangingiting sumagot si Elizabeth.




" You should know by now. It's either you're stupid or you're fuckin' blind, Zep. Kahit naka-jeans at walang make-up si Simone, ang gandang babae nung tao! Maaatim mo bang magka-boyfriend siya na hindi ikaw? "




" Hindi magkakaron ng boyfriend si Simone! Walang magkaka-gusto 'dun! At malabong magkagusto 'yun sa lalaki! Mas gusto pa 'nun na makipag-usap sa mga kalabaw at pusa niya! And again, sinong magkakagusto 'dun? Mas makintab pa ang ilong 'nun kesa sa cooking oil ng kitchen namin! "




Ang sabi ni Zep na sumisimangot na. Kating kati ang mga kamay ni Elizabeth na sampalin ang lalaking ito. Bulag bulagan sa ganda ng isang kaibigang babae. Pero mukha namang binabakuran kung makatanggi na may magkakagusto kay Simone!




" Your choice. Akin lang naman ay isang warning. Lalo na at magkakalat sa mga magazines at local newspaper ang staged engagement natin? Malamang mag-entertain na'yun ng manliligaw! I mean, com'on Zep! Don't be a fool! 'Wag mong tularan si Lebanon na saka lang kumikilos kung kailan huli na ang lahat. "




At sa pagkakabanggit ni Elizabeth ng sensitive na topic na iyon, ay para na naman siyang nalungkot. She has no choice but to forewarn Zep of the pain. Na may mga bagay na pinaglalaban habang maaga pa. At may mga bagay na kahit anong pilit mong ipaglaban ay hindi na pwede. Elizabeth mentally kicked herself for continually pulling herself on that ugly past. Pagkatapos ng lahat ng ito, uuwi siya sa Isabella. Duon niya palalakihin ang anak niya. Hindi makakatulong na nasa isang crowd sila ni Lebanon. At oo, hindi niya kakayaning makita na ikasal ito kay Taygan. Ansakit-sakit nun. Baka ikamatay niya. Sa Isabella, 'yung konting naipon niya, baka magtayo na lang siya ng mini-grocery. Baka pasukin na rin niya ang pagfa-farm. Tutal naman at may maliit silang lupain na ngayon ay sinasaka ng kanyang Daddy. Nasa ganito siyang pagmumuni-muni, nang lapitan siya ni Zep.




" You all right? Anong iniisip mo? "




Ang sabi ng binata na ang kanang kamay ay in-extend sa kanyang baba. Ngumiti si Elizabeth at umiling.




" OK lang ako. Don't mind me. Love life mo asikasuhin mo. 'Wag ako. "




Ang sabi ni Elizabeth na kunwaring inaayos ang tuxedo ng kaibigan. Nagkakatawanan sila, habang hawak ni Zep ang mga kamay ni Elizabeth na nakapatong sa kanyang malapad na dibdib, nang biglang may magsalita sa malalim na baritonong boses.




" To the future Mr. and Mrs. Zeppelin Leandro Hidalgo, congrats to the both of you! "




Sabay na napalingon si Elizabeth at Zep sa direksyon ni Lebanon na nakalapit na pala sa kanila. Lebanon looked calmed, yet his greenest eyes says otherwise. Elizabeth knew better. May dala itong dalawang shot ng whiskey habang diretso itong nakatingin specifically sa kanya. Na-alarma agad si Elizabeth. Kung naiwasan niya ang eksena kaninang umaga sa pagitan nila ni Taygan, mas mukhang hindi niya mapipigilan ang galit na ngayon ay tahimik na kumakalat sa aura ni Lebanon. At hindi iyon gusto ni Elizabeth. Minsan na niyang nakita kung papaano magalit ang binata. Kaya nitong kumitil ng buhay sa isang kisap mata. Halos magkasingtangkad lang si Zep at Lebanon. Pero alam na alam ni Elizabeth kung anong kayang i-inflict na damage ni Lebanon. Hindi naman basag ulo ito. Pero ayaw niyang pakisugarado. Sa kung papaano itong nakalapit sa kanila na hindi man lang nila naririnig o napapansin, that made the man more dangerous. Magsasalita na sana si Elizabeth, nang pigilan siya ni Zep. Bumulong ito sa kanya.




" Don't. Let me handle this, Lizbeth. "




Ang sabi ni Zep na magalang na hinarap si Lebanon na tahimik silang pinapanuod.




" Thank you, Mr Hewitt! Congratulations din sa'yo! Soon you'll marry Ms Neri, I believe? Asan na nga pala ang girlfriend mo? I haven't seen her since the wedding started. "




Ang sabi ni Zep na muling ngumiti ng iabot sa kanya ni Lebanon ang isa pa nitong hawak na whiskey. Lebanon's eyes looked at the other man like an eagle. Bahagya itong ngumiti.




" Me marrying ANY woman seems like a vague idea for me at this point in time. Hindi ko papakasalan si Taygan simply because we're not in a relationship. Sorry for the confusion. The last woman who I offered my last name... I assumed... rejected it. Just because she accepted another marriage proposal? I'm confused as well. But really, lahat naman ng tungkol sa aming dalawa ay confusing pa din. I am beginning to think that I am missing something. Akalain mong ikakasal na siya after a month naming naghiwalay? What do you think? Right, future Mrs. Hidalgo? "




Ang sabi ni Lebanon na ang question ay direktang ipinupukol sa nananahimik at naninigas sa galit na si Elizabeth. Ang mga mata ng binata ay dinaanan ang engagement ring na nasa daliri ng dalaga, habang ang kanyang kaliwang kamay nito ay absentmindedly na nakapatong sa kanyang dib-dib. Elizabeth's nose flared. Obviously, alam niyang patama ito sa kanya. Imbes na pasagutin si Elizabeth, bahagyang tumawa si Zep at nagkunwaring walang ideya kung sino ang sinasabi ni Lebanon. Zep knew everything about it. Ang totoo niyan, gustong gusto niyang matawa sa kaharap na lalaki. Kung nakamamatay lang ang matinding selos, baka ngayon ay pinaglalamayan na nila si Lebanon.




" I am so sorry to hear that, Mr Hewitt. I don't mean to rub it on you, pero ang opinion ko diyan ay bakit mo pakakawalan ang babaeng mahal mo pala even for a minute? I mean, are you that confident na walang iba pang lalake na naghihintay sa taong mahal mo? Na anytime na pakawalan mo siya, may isang taong willing siyang saluhin? Na posibleng hindi na siya bumalik sa'yo? Kase hindi mo pwedeng sisihin ang ex girlfriend mong iyon na tumanggap ng iba pang proposal, sabihin mo ng isang buwan pa lang kayong nagkakahiwalay. You don't know their story. Kung ganun mo siya kamahal, Mr Hewitt, bakit mo pinakawalan? "




Ang sabi ni Zep na itinago ang ngiti sa pag-inom ng whiskey. He was itching so hard to pull his camera and capture this moment where a large man like Lebanon Hewitt looked like he was about to kick all the Billiard tables around them. Nag-isang linya ang mga mata ni Lebanon.




" Your reasoning seems valid, Mr Hidalgo. Well you know what? Let's not talk about me! Since ikakasal na kayo ni Ms Pengson, my date na ba kayo kung kelan kayo ikakasal? Matagal ko na ring naging kaibigan si Elizabeth and... my apologies, I don't mean to sound anything, pero hindi ko naman nabalitaan na naging boyfriend ka niya? Kailan pa naging kayo? "




Ang sabi ni Lebanon na ininom na rin ang whiskey na hawak niya. Nanggigigil na magsasalita na sana nanaman si Elizabeth, nang hawakan ni Zep ang kanyang kaliwang kamay at pisilin iyon. A warning, a signal. Zep was telling her to let him do the talking.




" Oh please, Mr Hewitt! That's fine! I don't mind, really! Short span of time ko lang naging girlfriend si Elizabeth. Some whirlwind romance that happened in Bacolod. Matagal-tagal ko na ring siyang hinintay. Ten years? Torpe pa ako kase 'nun when we were in high school. And I could guess, hindi ko makuha-kuha ang attention niya just because she thought that the hottest man on Earth was Nick Carter! Hell, ansakit ma-basted ng dahil lang hindi ako kasing hot ni Nick Carter! "




Napatawa ng malakas si Zep, na tumingin kay Elizabeth, habang kinikindatan ang dalaga. Hindi maiwasang mawala ang simbakol sa mukha ng dalaga. Natawa na rin siya ng maalala ang pagka-baliw niya sa isang member ng Backstreet Boys. Lebanon on the other hand was silently watching them. His heart was quietly tearing into pieces by simply looking at the happy couple. Parang gusto niyang kwelyuhan si Zep at hamunin ito ng basag mukha. Nasasaktan siya sa ideya na may nakakapag-pasaya na kay Elizabeth... and it was not him. Gumagalaw ang mga muscles sa panga na napangiti ng mapait si Lebanon. Straight niyang ininom ang whiskey na hawak. Nang may dumaang waiter sa tabi niya, ay kinuha niya dito ang isa pang baso ng bagong refill na whiskey. Nagpatuloy sa pagsasalita si Zep.




" Well, can you blame me for not going after the girl? "




Tiningnan niya si Elizabeth na parang isang inlove na inlove na boyfriend.




" Cassandra Elizabeth Pengson is all worth the wait. And why not? She's very beautiful inside and out. Sexy in every way possible. At napakasarap ng version ng kanyang strawberry pie. Kaya nung sinagot niya ako? I promised myself na hinding hindi ko na siya pakakawalan. The moment she said 'Yes' to me, was the same moment I swore na hindi na siya titingin sa iba... and she's mine. All mine. Right, sweetheart? I love you! "




Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth, habang tinititigan si Zep. Gagong 'to. Again, naramdaman niya ang pagpisil ni Zep sa kanyang kaliwang kamay. He was silently telling her to respond with sugar and sweetdreams on top. Nakaintindi naman si Elizabeth. Napakatamis niyang ngumiti kay Zep at saka nagsalita.




" Uhm... Thank you, s-sweetheart! 'Wag kang mag-alala, once nakasal tayo, hindi lang ang strawberry pie ko ang matitikman mo! Masarap din akong mag-prito ng itlog, mag-prito ng sunog na hotdog, at sunog na sinaing! Pagtiisan mo lang, hindi ako talented sa kitchen. But don't worry, may iba pa naman akong talent na masisigurado ko sa'yong ikatitirik pa din ng mga mata mo! And yes, I love you too! "




Sukat duon ay tumawa ng malakas si Zep. Dear Martha, the woman is crazy. Kung nasa ibang panahon at okasyon lang sila na hindi nila kailangang mag-pretend, baka ngayon ay gumugulong na ring ang dalaga sa kakatawa. Lebanon's face twisted in suppressed anger. Ni hindi iyon napansin ng dalawa na busy sa pagiging sweet sa isa't isa. Kung kanina ay gusto niyang kwestionin kung fake ba ang relasyon ni Elizabeth kay Zep, hell, ngayon ay parang gusto na niyang mag-amok sa katotohanan na totoong magkasintahan ang dalawa. And that didn't end there. Elizabeth evidently emphasized her sexual relationship with the guy. That did it. Naiisip pa lang ni Lebanon na may ibang lalaking nakasama sa kama ang ex, ay agad agarang nandilim ang paningin ni Lebanon. Bullsht. Muli, ay straight na ininom ni Lebanon ang whiskey na hawak niya. Pagkatapos nuon ay ibinagsak ng binata ang kopita sa mesa na malapit lang sa kanila.




" Happy for the both of you! Mr Hidalgo, let us celebrate your engagement with Ms Pengson! Let's bet on some petty nine ball pool game! Katuwaan lang! How about that? "




Ang sabi ni Lebanon na namumula na sa matinding tinatagong galit, at sa nainom na whiskey. By then, his eyes were emanating challenge, while eyeing Elizabeth who thickly frowned at him.




" No! I mean, pauwi na kami ni Zep, Lebanon. May flight na maaga si Zep bukas. Hindi na rin naman kami magtatagal. "




Ang sabi ni Elizabeth sa may katotohanan na uuwi na ng Bacolod si Zep sapagkat kailangan ni Zach ng makakatulong sa lumalaki nilang farm. At oo, ano bang iniisip ni Lebanon at makikipagpustahan pa kay Zep sa Billiards? Zep is the second best champion after Bata Reyes in Billiards! At ayaw na niyang mag-pretend, nakakapagod na ang magkunwaring fiancee niya si Zep. Ayaw na rin niyang i-drag ang kaibigan sa kalokohang ito. He has helped her way too much. Kalabisan na i-announce ni Zep na siya ang pakakasalan nito sa harapan ng maraming tao. Lebanon crooked his head on her direction. Then he smirked at her. Hotly. Naramdaman ni Elizabeth ang pag-dive ng puso niya mula sa kanyang esophagus.




" Aw, Elizabeth... don't do this. This is just for fun. Us boys, needs some fun sometimes. Are you really in a hurry to get home with Mr Hidalgo here? "




Lebanon said as if she was tasting every letter of her name. It glided on his tongue as if he was casting a sexy spell on her. Nagtayuan ang bawat balahibo ng kanyang katawan. Elizabeth mentally kicked herself. Ano ba't bigla siyang naa-arouse sa kalagitnaan ng walang kwentang statement ng lalaking 'to! Peste! Nagsalita si Zep na halatang naaaliw sa mga nakikita. Kulang na lang ay tumawa na naman ito ng malakas.




" But of course, Mr Hewitt! Buong gabi na rin akong walang nakakalaro ng billiards since student level pa lang itong magiging future wife ko! By all means, let's play a game! You mentioned a bet? Twenty thousand? Cash! Winner takes all! "




Ang sabi ni Zep na lalong lumapad ang ngiti. Lebanon's eyes sharpened. Naningkit ang mga mata nito.




" Deal. But Mr Hidalgo, may gusto akong liwanagin sa sinabi mo. "




Ang sabi ni Lebanon na tumingin ng direcho kay Elizabeth. His green eyes were pinning her, imprisoning her.




" When you said that 'Winner takes all', if I win this game, you mean... I can... take all? Everything that you have? All of it? "




Ang sabi ni Lebanon na tiningnan pa ang dalaga mula ulo hanggang paa. Quietly, muling nagsitayuan ang mga maliliit na buhok sa katawan ni Elizabeth. Fvck sake, even her nipples! Nagsumikip bigla ang kanyang bra! Nakaka-inis! Napaka-libog ng pregnancy hormones niya! Ayaw siyang tantanan! Bigla niya tuloy naisip na luwagan ang hook ng kanyang bra. Nakakaloko namang ngumisi si Zep. Ho-ho-ho, he's so enjoying this evening!




" The cash of course! Unless, you have something else on your mind? A request maybe? "




Ang sabi ni Zep na hindi pansin ang pagsimangot ni Elizabeth sa kanyang tabi. Tiningnan ni Elizabeth ang kanyang kaibigan at kamuntikan na niya itong makutusan! Nagtatanong pa'to! Cash na nga lang 'di ba? Anong request pa?! Nang tingnan niyang muli si Lebanon ay kulang na lang ay sumabog na ang kung ano mang sasabog sa katawan niya. Elizabeth thought her heart stopped as it slowly slided from her chest, up until down the ground. Lebanon was sexily smirking at her as if he was watching her getting naked for him.




" Yes, Mr Hidalgo. You are definitely right. I have something else in mind that doesn't involve any amount of money. No, I don't need your cash. Nauubos 'yun. Mas gusto ko yung tumatagal. Tumatatak. "




Ang sabi ni Lebanon na ibinalik ang tingin kay Zep.




" You can keep the twenty thousand cold cash if you win. However, pag ako ang nanalo, I get to dance with your fiancee. Three songs. No interruptions. You good with that? "




Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth. No! Ang magsalita lang ang lalaking ito'y para na siyang baliw na naa-arouse mag-isa. Ano pa kung napadikit ang katawan niya dito! At ayaw na niyang maka-usap si Lebanon na nag-iisa lang siya. Please, no. Magpo-protesta na si Elizabeth, nang maunahan siyang magsalita ni Zep na naniningkit na ang mata sa lapad ng ngiti.




" You have my word, Mr Hewitt! Deal! "




Napanganga si Elizabeth sa gulat. She can't believe that she was being used as a trophy to this silly betting game! At oo, aaminin niya, biglang na-excite ang taksil niyang puso!




Damnit.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 236 13
Si Samantha ay isang ordinaryong tao lang sa isang maliit na baryo. Araw-araw niyang napapanaginipan ang isang nakakatakot na imahe. Isang gabi ay n...
336K 6.1K 26
This is the Part 2 of Drowning To Love "Sometimes it's not the pain that make us cry but it's the memories that make you wish for another try." How...
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
3.5M 14.6K 7
Tomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa...