You're Mine (Jailene)

Por thekingsthrone

149K 4K 2.4K

"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino Mais

You're Mine (JaiLene)
Prologue
Chapter 1: Their life
Chapter 2: How I met him
Chapter 3: The Arrangement
Chapter 4: Whats mine
Chapter 5: Lalaban tayo
Chapter 6: Huli ka (Part 1)
Chapter 7: The one I'll marry (Part 2)
Chapter 8: Selda
Chapter 9: Let the love Begin
Chapter 10: What's mine: Take two!
Chapter 11: I'm sorry
Chapter 12: Team IGOP
(A/N: A must read authors' note!)
Chapter 13: Basketball
Chapter 14: With him
Chapter 15: Engagement
Chapter 16: Retreat
Chapter 17: Retreat 2
Chapter 18: Takot
Chapter 19: Realization
Chapter 20: Strawberries
Chapter 21: Tawa
Chapter 22: The Wedding
Chapter 23: Wedding 2
Chapter 24: Kiss
Chapter 25: His Voice
Chapter 26: Questions
Chapter 27: IGOP on the House
Chapter 28: Sharlene
Chapter 29: Confusion
Chapter 30: Blow the candles
Chapter 31: LAB-BAG
Chapter 32: Ulan
Chapter 33: Reasons
Chapter 34: My behalf
Chapter 35: Tampuhan
Chapter 36: Royal Rumble
Chapter 37: Jairus
Chapter 38: Suporta
Chapter 39: Strawberry Cake
Chapter 40: Mais
Chapter 41: Damdamin
Chapter 42: Truth
Chapter 43: Lies
Chapter 44: Listen
Chapter 45: Yakap
Chapter 46: Bitter and Sweet
Chapter 47: Secretary
Chapter 48: Taguan
Chapter 49: MMK
Chapter 50: Hospital
Chapter 51: Hospital 2 [Extended]
Chapter 52: You know you love her...
Chapter 53: Adrenaline Rush
Chapter 54: Condensed Milk
Chapter 55: New year..
Chapter 57: Intermediate
Chapter 58: Victor's Story
Chapter 59: Other Part
Chapter 60: Finale
Epilogue
To be Your Lady

Chapter 56: Bitin

3.2K 61 53
Por thekingsthrone

Jairus' POV

Ang bigat-bigat ng katawan ko, para akong kakagaling sa work-out. Ang una kong pinakiramdaman nang magsimula akong gumalaw ay si Sharlene. Hindi ako pwedeng magkamali, totoo ang nangyari sa amin kagabi.

We did 'IT'.

Niyakap ko siya kahit pa tinatamad akong buksan ang aking mga mata. Naramdaman kong binalik niya ang yakap ko kaya kahit ayoko man, pinanlabanan ko ang aking antok at minulat ang aking mata. Naka pikit parin si Sharlene, ako na ang masaya sa nangyari pero hindi ko parin maitatanggi na nagaalala din ako sa kanya. Naririnig ko kasi tuwing naguusap sila Paul at Kiko na sa unang beses daw, makakaramdam ng kakaibang sakit ang mga babae, minsan nga daw hindi nakakatayo o nakakalakad ng deretso. At hindi ko alam kung bakit.

"Good morning Mine," Bulong ko sa kanya. Naginat pa siya, napangiti ako.

"Anong oras na?"

Hinanap ng aking mga mata ang wallclock na nasa bahaging kanluran ng pader ng kwarto. Nang maisilip ito, hinalikan ko muna si Sharlene sa kanyang pisnge bago sumagot. "It's 10am."

Namulat niya agad ang kanyang mga mata sa narinig at napaupo. She gathered, some of the blankets to cover her body. "Hala."

Rinig ko pang sabi niya, reaskyon pa lang, mukhang hindi siya makapaniwala sa nangyari kagabi. Umupo ako at hinalikan ang hubad niyang balikat. "May masakit ba sa 'yo?" Alangang tanong ko.

"Pagod lang ako, medyo may masakit sa—basta! Maliligo na ako Jai, sobrang late na!"

"Mine, it's January 1! Can we just please, stay in bed until 12nn?"

"Ano?! Hindi pwede no, sobrang late na yang alas dose ng hapon! Hindi pa tayo nagaagahan." Sapilitan niyang kinuha ang isang kumot at pinambalot sa kanyang katawan. Napangiti ako habang tinitignan siyang naglalakad papuntang banyo pero may napansin ako.

"Bat' parang sakang ka yata?"

"Tinanong mo pa!" Galit na asik niya at pinagbagsakan ako ng pinto sa banyo.

Ito na siguro ang pinakamasayang umaga ko, parati naman simula nang magkasama kami ni Sharlene sa iisang kwarto pero iba ngayon, espesyal.

We had our late breakfast, sa sobrang late eh mukhang hindi na namin kailangan pang mag lunch. Si Tandang Lusing naman nanghingi ng extension sa bakasyon niya, pinagbigyan nalang ni Sharlene nang tumawag si Tanda ukol sa gusto nito ang rason ni Shar eh matagal narin daw hindi nakakapagbakasyon si Manang. Nung una masaya ako, kasi nasosolo ko si Sharlene na walang nakabantay sa amin, kaso ngayon, hindi na. Hirap mang gumalaw, naglinis parin si Shar ng bahay kahit wala namang dapat linisin. Ako pa nga ang inatasan niyang maghugas ng plato! Ano naman ang kinalaman ko sa paghuhugas? Ibang klase! Siya lang talaga ang nakakapagalila sa akin! Hindi ko naman mahindian kasi ang rason niya, may masakit daw sa kanya. Kung kanina hindi ko siya maintindihan ngayon alam ko na kung ano kaya nag kunwari nalang akong hindi ko alam kung anong masakit sa kanya dahil baka mainis lang siya pagbabanggitin ko pa. What's worst? Baka hindi na maulit! Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Pagod akong umupo katabi ni Sharlene sa sofa, hinila ko siya papalapit sa akin at pisandal sa aking dibdib.

"Parang ang rami ng hinugasan mo, at ganyan ka pagod."

"Eh marami naman talaga, hindi ka na naawa."

"Kung alam ko lang na magrereklamo ka, hindi nalang sana ako nagabalang pakiusapan kang maghugas." Pagpaparinig niya.

"Hindi ako nagrereklamo no! Sinasabi ko lang."

Sandali kaming natahimik habang nanonood ng TV, siya busy sa kakapanood, ako naman sinusulyapan ang mukha niya sa may dibdib ko. Inamoy ko pa ang kanyang buhok, tulad noon amoy strawberry parin. Hindi pa ako nakuntento hinalikan ko siya sa may tenga niya, nakikiliti siyang gumalaw. Her movement gaved me access to her neck, I nuzzle my face and gave quick kisses.

"Mine.." Rinig kong tawag niya. I'm still busy kissing her neck, kaya mahinang ungol lang ang nasagot ko. "Ako? O ikaw ang mag bubukas ng gate?" Huminto ako at kunot noong tinignan siya. "Kanina pa may nag dodoorbell."

"Meron ba?"

"Meron, pwede bang ikaw nalang?"

Tinatamad akong tumayo at naglakad palabas papuntang gate. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Alam ko namang may masakit pa sa kanya.

"Happy New Year!" Sabay-sabay na bati nila Kiko, Kobi, Sophia, Paul at kasama pa si Mika.

"Aalis kayo? O pasasabugin ko isa-isa ang mga sasakyan nyo?!"

"Uy! Nandito kayo!" Sigaw ni Shar mula sa aking likoran. "Bat' di pa kayo pumapasok?"

"Ah--eh parang nakakaestorbo yata kami sa inyo Shar." Tugon ni Kobi.

"Mabuti alam nyo." Saad ko.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Sharlene.

"Pasok na kayo! Ipaghahanda ko kayo ng makakain." Masaya pang sabi niya.

"Ay, wag nalang ayos lang Shar, aalis nalang kami." Malamyang pahayag ni Sophia.

"Ano bang pinagsasabi nyo! Hali na kayo! Bilis na!" Mabilis na hinablot ni Sharlene ang mga kamay ni Mika at Sophia papasok. Bago pinapasok ang mga talipandas, pinanlisikan pa ako ng mata ni Shar.

"Better luck next time Jai." Pangiinis ni Paul sabay tawa ng mahina ni Kiko.

Yung inis ko abot hanggang langit! It's my chance to spent the rest of the day with my wife only to have these air heads blew up the moment! Kung pwede lang talagang sipain sila isa-isa ginagawa ko na! At kung hindi lang talaga magagalit sa akin si Sharlene malamang pinalayas ko na silang lahat!

Nilapag ni Sharlene ang mga pagkaing ginawa niya nung New Year.

"Wow mukhang ang sarap ng chocolate cake na yan ah!" Takam na sabi ni Kiko at kumuha ng platito para sa isang hiwa ng cake.

"San' nyo 'to binili Shar?" Tanong ni Mika habang humihiwa ng cake.

"Binake ko lang yan." Nahihiya pang sagot ng asawa ni Jairus Aquino.

"Tira-tira lang yan nung New Year, wag kayong umasang para talaga yan sa inyo." Hirit ko.

"Marunong ka na mag bake Shar?!" Pagbabalewala ni Kobi sa aking sinabi.

"Hindi! Hindi! ako ang nag bake niyan Kobi, kakasabi na niyang siya di ba?"

"Teka lang, bat' ba inis na inis ka ngayon Jai?" Taas kilay na tanong ni Mika.

"Baka may nangyari kanina." Sagot ni Kiko.

"Baka mangyayari pa lang sana." Saad ni Paul. Ito ang isa sa mga kinaiinisan ko kay Paul, may lahing manghuhula ata tong kumag nato!

"Kung anu-ano ang pinagsasabi nyo," Natatawang sabi ni Shar. Hindi ko na alam kung hanggang kailan mag tatama ang kunot ng noo ko sa ulo dahil sa kabadtripan. Umupo sa tabi ko si Sharlene, somehow it made me feel lighter.

Unti-unting nawala ang inis ko dahil sa namuong usapan ng mga kaibigan namin. Nagtatawanan kami sa mga bagong kwento nila, the whole catching-up made the most part of it. Sa gitna nga usapan, sympre di nawawala ang palihim kong paghawak kay Sharlene, minsan sinisiko niya ako, madalas naman pinapabayaan lang.

"Grabe Jai, I could recall na wala ka talagang pinatulan sa lahat ng babaeng nagpapansin sa 'yo." Di makapaniwalang sabi ni Kiko.

"Who would have thought na maiinlove ka ng ganito ka tindi Jairus? Halos hindi mo na nilulubay mga kamay mo sa kawatan ni Sharlene eh." Sabi ni Paul.

Napailing ako at hinalikan ang pisnge ni Sharlene na ngayon ay namumula na sa hiya.

"Weh, eh baka sinasabi nyo lang yan." Kumento ni Shar.

"Ewan ko lang Shar ha? Hindi ko kasi sila kaklase pero kahit sa mga bar di niya pinapasin ang ibang babae." Datong pa ni Kobi.

"Ni crush wala ka dati Jairus?" Di makapaniwalang tanong ni Mika.

"Maka sabon naman kayo ng tanong kala nyo plato ako."

"Sagotin mo." Saad ni Shar sabay tingin sa akin.

"Meron, sympre, pero noon lang yun."

"Meron?! Bat' wala kang sinasabi sa amin?!" The two pea brain said in unison.

"Wala lang, kasi hindi ko naman nalaman ang pangalan niya eh."

"Eh san' mo pala siya nakilala?" Taas kilay na tanong ni Kobi.

"Sa library, naghahanap ako ng libro nun tas nakita ko siya sa kabilang parte ng book shelf na naghahanap din ng libro, hindi ko alam pero nakatitig lang ako sa kanya."

Nakikinig lang si Sharlene at nakita kong bigla siyang nalungkot at umayos ng upo.

"Did you ty to go after her?"

"Pwede ba? Ayoko na siyang pag usapan! May asawa na ako!" Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa bewang ng asawa ko.

"Last na talaga Jai! Sagotin mo ang tanong ni Kiko!" Muling saad ni Paul.

"Hindi!"

"Okay lang naman kay Sharlene, di ba Shar?"

Ngumiti ng mahina si Sharlene. "Oo naman."

Bumuntong hininga ako, "After two days or three I maybe? Bumalik ako dun sa library, nagbakasakaling makita nanaman ang matang nakasilip sa likod ng mga libro, and then that was the time when I saw Sharlene." Bilang napatingin sa akin si Shar na may gulat. "Oo, yung hinampas mo ako ng libro na pagkasakit-sakit!"

Nagpatuloy ng kakakanchaw ang mga kaibigan ko, Sharlene's mood shifted na para bang nakarinig ng isang magandang balita.

Nang maghapon na, nagyayang mag bar silang lahat. Sa una ayaw kong pumayag, ano pa nga ba? Si Sharlene nanaman ang sumangayon dahil daw minsan nalang daw kami nakakasama sa lakad ng mga kaibigan namin. Nasa kanya-kanya namin kaming sasakyan naka sakay, pagbaba ko pa lang ng sasakyan nainis ako bigla nang makita si Nash na nag aabang sa parking lot. Hindi ko inasahang iimbitahan pala siya ni Kobi ngayon. Hindi ko nalang hinayaang masira ang gabi ko sa pagiisip ng kung anu-ano.

"Oh, shot mo na Jai." Sabay abot sa akin ni Paul ng shot glass. Nagkakarinigan din kami kahit papaano sa bar nila Kiko, di masyado maraming tao di tulad ng dati.

"'di, ayoko, mag dridrive pa ako pauwi eh." Tanggi ko.

"Ang tagal na nga nating hindi nakakapag inoman, tatanggi ka pa?" Asik ni Kiko. "Shar, payagan mo naman asawa mo oh."

Nabaling ang tingin ko kay Sharlene na nakatingin din pala sa akin.

"Sige, pero wag marami ha?" Pagpapaalala ni Shar. Ngumiti ako bago nilagok ang laman ng shot glass. Sa ika'tlong tagay, huminto na ako dahil ayaw kong mapurohan sa kakainom ng alak. Inaliw nalang namin ang mga sarili namin sa usapan.

Sharlene's POV

Nakikinig lang ako sa usapan nila, natatawa at napapangiti din sa kanilang mga pinaguusapan. Medyo na iingayan nga ako kaso kailangan ko rin makisabay sa mga kaibigan ni Jai. Katuwaan nga nila siguro ang pag iinom sabay kwentohan pa nga mga nakaraan. Juice ang inorder nila para sa amin mga babae, nang medyo naparami ang inom ko ng juice, humingi muna ako ng pahintulot para makapag CR saglit.

Kakatapos ko lang mag CR nang makita ko si Nash nan aka abang sa labas ng banyo. Kanina pa siya tahimik at nakikinig lang din sa usapan nila Jairus. Nararamdaman ko din kasing ayaw siyang ipasali ni Jairus sa kanilang usapan. Magalang ko siyang nginitian at nilapitan.

"Nash, bat' ka nandito?"

"Gusto lang kitang maka usap, alam mo naman ang asawa mo kulang nalang lagyan ka ng harang at pasuotin ng 'Restricted Area' na sign."

Natawa ako ng mahina dahil alam ko rin naman ang tinutukoy niya. "Loko ka talaga, ano? Kumutsa ka na?"

"Mmm, ayos lang, masyadong busy na sa kompanya ngayon."

"Nako, pag ganyan ka ng ganyan baka hindi ka na makapag-sawa Nash."

"Ayoko muna isipin yan, mas tutok ako ngayon sa kompanya, ah! Nga pala, may gusto akong sabihin."

"Ano yun?"

"Si Tito Victor,"

Pagbanggit niya sa pangalan ni Papa, bigla akong kinabahan. "Bakit? May ginawa nanaman ba si Papa sa inyo??" Alalang tanong ko.

"Wala naman, but I bet he's up to something."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Don't get me wrong Shar, I know you love Jairus but then alam din natin ang kayang gawin ng Papa mo, pero kung babalikan natin, pinakasal ka niya kay Jairus dahil sa pera, di ba?"

Natahimik ako, masakit man aminin pero totoo. Ang sarili ko pang ama ang gumawa nun sa akin.

"—pero dahil din kay Papa kaya ko nakilala ngayon si Jairus kaya—"

"Oo, dahil sa Papa mo kaya nakilala mo si Jairus but was that all?"

"Ano ba talagang gusto mong sabihin Nash?"

"I was just thinking, my father and your father are best friends yet he had betrayed my Dad, ano pa kaya ang taong hindi niya masyadong kilala tulad ng pamilya ni Jairus?"

"Hindi naman siguro gagawin ni Papa yun kay Jai! Bahagi na ng pamilya si Jairus!"

"Okay, sinasabi ko lang, after all his betrayal to us started with a huge Hotel, which is a same project right now under the partnership of San Pedro and Aquino."

Bumalik sa akin ang sinabi sa akin ni Papa nung New Year, hindi ko gusto ang mga pananalita niya nung mga oras na yun. Hindi lang ordinaryong pang iinsulto kundi may laman din.

"Okay, sige, una na ako." Saad niya bago siya umalis sa aking harapan.

Bumalik ako sa lamesa at nadatnan silang nagtatawanan.

"Oh Mine? Bat' ang tagal mo yata? Aalis na sana ako para hanapin ka."

"Wala lang, medyo nagtagal pa ako sa banyo dahil maingay masyado."

"Gusto mo na bang umuwi?"

"H-hindi, ayos lang."

"Hay, mabuti nalang umuwi na si Nash." Saad niya sabay inom sa juice ko.

Hindi ko na napakinggan nag sinabi ni Jairus dahil naglalaro ang aking isipan sa napagusapan namin ni Nash kani-kanina lang. Habang naglalakad kami ni Jairus patungong sasakyan at nakaakbay siya sa akin, nilakasan ko ang aking loob para masabi sa kanya ang nasa isipan ko at ang naisip kong sulosyon.

"Mine?"

"Mm?" Usal niya sabay halik sa pisnge ko.

"Kasi, ano, gusto ko sanang.."

"Ano?"

"Kasi—"

Jusko! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan! Hindi ko inakala na magiging ganito kahirap ang pagsasabi ng bagay na ito.

"Ano nga?"

"—prenup."

"Ha?"

"Gusto ko sana mag pa hain ng prenuptial agreement Mine."

"Ha? Ano ulit ang sabi mo?"

"Pre-prenuptial agreement."

"Medyo nalalasing na ata ako, at kung anu-ano naririnig ko." Natatawa niyang saad. Hinawakan ko ang magkabilang mukha niya para mapaharap siya.

"Gusto ko sana may prenuptial agreement tayo, Mine."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Jairus. Nakadama ako ng kaba sa dahan-dahang pagkakunot ng noo niya.

"Pumasok ka na sa sasakyan." Mahina ngunit galit niyang tugon.

"Min—"

"Walang mangyayaring prenup!" Galit niyang sigaw.

"Mine makinig ka naman oh."

"Hindi! Pumasok ka na ng sasakyan."

"Jai naman, pinag titinginan na tayo ng mga tao oh." Palinga-linga kong saad.

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan?!" Sigaw niya sa mga nakikiusisyoso.

Doon ko lang napagtanto, at nagsisisi din ako kung bakit dito pa sa parkinglot ko sinabi kay Jairus, sana hinintay ko nalang na makauwi kami.

Tahimik akong sumakay ng sasakyan, sumunod naman si Jairus na mabilis na pinaandar ito.

Ang buong akala ko ay hindi magiging ganito ang reaksyon ni Jairus. Akala ko magiging ayos lang sa kanya ang lahat dahil nga mahal niya ang kanilang kompanya at makakasigurado siyang hindi ako makikihati sa kung ano mang meron siya dahil may prenuptial agreement kami.

Jairus' POV

Mula nang makarating kami sa bahay, hindi ko kinausap si Sharlene, ni hindi nga niya ako sinusuyo dahil sa sinabi niya kanina eh! Hindi ko pa man naririnig ang ekspelansyon niya, malayo na ang tinakbuhan ng isipan ko. Ayaw kong isipin kung ano mang pwede o planong gawin ni Sharlene, at dahil doon natatakot akong malaman kung ano ang kanyang rason kung bakit gusto niya mag hain ng prenup. Para sa akin, ang mga naghahain ng prenup ay ang mga taong bukas sa posibilidad ng paghihiwalay, iniisip ko pa lang para na akong mamamatay kung mangyayari iyon. Ayoko, hindi ko kakayanin.

Nakaupo lamang ako sa higaan at nagbabasa ng libo nang lumabas na si Sharlene mula sa banyo. Pumailalim siya sa kumot, I chose not to look at her because if I will, I swear I might end up saying sorry even though I was the one who had been afflicted.

Dahan-dahan kong nakita na kinuha ni Sharlene ang hawak kong libro at nilapag ito sa side table. Hindi parin ako nakatingin sa kanya at muli kong naramdaman ang kamay niyang pilit na pinapaharap ako sa nakasilip niyang mukha.

"Jai? I'm sorry."

Her gesture, her words made me gave up. I slowly turn my head to look at her.

"Seryoso ka sa sinabi mo kanina?"

"Kung sasabihin kong 'Oo' magagalit ka nanaman ba?"

"Sino ba namang hindi magagalit dun?" May halong inis kong saad.

"Bakit ka naman magagalit?"

I look at her seriously, paid no attention to her lowly eyes and with full courage spoke in conformity. "You want me to be honest with you?" She didn't respond, but I know she wants the truth. "Ayoko ng prenup dahil pakiramdam ko hindi tayo nagkakaisa at parang hindi tayo mag-asawa, magkaibang tao. At ayoko ng prenup dahil pakiramdam ko maiiwan mo ako ng basta-basta, I tell you Sharlene I would die before you would even do it." She was left with horror upon hearing my answer.

"Iiwan ka? Kailan man Jairus hindi pumasok sa isipan ko 'yan! Nang nag desidedo akong pakasalan ka hindi pumasok sa isipan kong magkakahiwalay tayo Jairus."

Lumambot ang puso ko sa kanyang sinabi. Ibig lang nun sabihin, kahit pa hindi niya ako mahal wala siyang balak na iwan ako.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay. "Kung gayon, bakit mo naisip na mag hain ng prenuptial agreement?"

"Ang nangyari sa pagitan ng pamilya namin at ng mga Aguas, siguro alam mo na iyon di ba?" Tumango ako bilang kasagutan. "Ayokong maulit iyon, Jai. Matalik na kaibigan ni Papa si Tito Arthur pero nagawa niya paring traydorin ito, ayokong mangyari sa pamilya nyo ang ginawa ni Papa. Lalong-lalo na't alam kong mahal na mahal mo ang kompanya ninyo." Nakita ko ang takot sa senserong mga mata ni Sharlene. "Kaya please, Jai, mag hain ng tayo ng prenuptial agreement bago pa man makagawa si Papa ng hakbang para kunin ang lahat ng yaman na meron kayo."

"Kung ano man ang gagawin ni Papa, hayaan mo siya, inuulit ko Sharlene, walang prenuptial agreement na mangyayari. Kung ano mang meron ako, sa 'yo na rin iyon."

"Pero—"

"Wala nang pero-pero, mas mahalaga ka kaysa sa kompanya. Naiintindihan mo?"

"Alam kong mahal na mahal mo ang kompanya nyo Jai."

"Basta, kahit na anong mangyari, walang prenup na maihahain." Hinalikan ko ang kanyang noo at niyakap siya ng mahigpit.

"Minsan Jai, iniisip ko kung paano suklian lahat ng pagmamahal mo sa akin." Rinig kong sabi niya sa gitna ng pagyayakapan namin.

"Gusto mo malaman kung paano?" Pilyo kong saad.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nginitian ako. Hinalikan ko siya sa kanyang labi, as usual she responded to my kisses. It was not long when I realized she's now sitting on my lap....



-----> Hopia para happy :)

Salamat sa pagbabasa ng You're Mine! I labyu all! to be continued... 

-king 

Continuar a ler

Também vai Gostar

858 95 48
WHAT IF ONE DAY SHE AND HER GANG HAS TO PRETEND TO BE AN ORDINARY STUDENT? CAN THIS SITUATION CHANGE THE HEARTLESS WOMAN? -TNGIAMQ
9.2K 91 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
373K 5.3K 105
Ang pagmamahal basta na lang nararamdaman, kahit anong pilit mong pagpipigil minsan, matatalo ka lang, mahal mo eh! Minsan nga hindi mo pa alam na ma...
202K 3.8K 24
Two total strangers that would fall in love with each other not in a right way. Si Reila ay isang graduating na student in highschool is left by her...