Starstruck

By NerdyIrel

6.2M 97.4K 23.6K

Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa k... More

Starstuck
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 10

172K 2.1K 340
By NerdyIrel

Chapter 10

 

 

Jane’s POV

 

 

“HAHAHAHAHAHA” Bigla na lang ako tumawa kasi di ko na mapigilan.

Tawang-tawa na talaga ako.

Naglakad na kami ni Luke habang ako, tawa ng tawa pa rin.

“Bakit ka tumatawa?”

“Kasi….hahahaha….kasi sabi ba naman nila….hahahaha….Ikaw si Billy! HAHAHA like what the hell? Ikaw? Hahahah panget panget mo eh!” Pangasar ko sabay kain ng ice cream.

Tinignan ako ng masama ni Luke pero tumawa na rin.

Nakita ko pa nga nagkamot siya ng ulo.

“Siguro may kuto ka kaya ka kamot ng kamot ng ulo” Asar ko ulit.

“Ewan ko sayo Jane. Baliw ka! haha”

 

“Baliw na baliw kay billy lalabs ko. Speaking of, huy ah! Pag may shooting siya, isama mo talaga ako please! Kasi sobrang gusto ko siyang makita!”

 

“May mallshow siya sa Saturday diyan sa Festival Mall ah. Bakit di ka pumunta?”

O___O

“DI NGA? OMG! Sinong may sabing hindi ako pupunta? Shems!! Thanks for informing me!! Pupunta ang Billyrocks for sure!”

“Promise yan ah!”

“Oo naman! Para kay billy”

“Cute cute mo…mahal na mahal mo ko----I mean yung insan ko”

Natatawa na talaga ako sa kanya.

Para siyang lutang.

Siya?

Mahal ko?

As if!

Tama siya, si Billy ang lalabs ko.

“Oo naman…Ay luke”

“Oh?”

“Samahan mo ko sa Saturday! Okay lang?”

Biglang nanlaki mata niya. “A-ako? B-bakit ako?”

“Wala! Masaya ka kasing kasama! Ito naman oh, pinsan mo naman yung papanuorin mo”

“Tsss. Ayoko”

“OA mo Luke! Sige na please!”

“Ah…eh….Wala akong pera”

“200 lang yung album niya! Yun yung passes! Sige na!”

“Tinatamad ako”

“Grabe ka naman oh! Saglit lang yun! Di pa kasi ako nakakapanood ng mallshow niya. Remember nung last time na pinayagan ako? Ubos na passes”

“Kaya nga. Kawawa naman yung ibang fans kung pati ako, isasama mo. Di naman ako fan ni Billy”

“Hmmph. Eh di wag! Papilit ka pa!”

Sumimangot na ko tapos inubos ko na lang yung ice cream.

Badtrip!

Minsan na nga lang yayain, kung ano-ano pang dahilan ang sasabihin niya.

 

“Ito naman, tampo agad sakin…” Bigla niya kong inakbayan. “Sorry na Jane. May importante kasi akong gagawin”

 

“Ano naman yun?”

“Birthday ng mama ko”

“Nyeh?”

“Gusto mo pumunta sa bahay?”

Nag-isip kaagad ako.

“Wag na lang Luke. Sorry. Gusto ko kasi talagang makita ulit si Billy”

Sabay smile sa kanya.

Hay miss na miss ko na si idol ko!

Maaalala niya kaya ako sa Saturday?

“Hahaha kung alam mo lang…for sure sumama ka na sa bahay….haha” Narinig kong bulong ni Luke habang kumakain ng ice cream.

“Ha? Ano?”

“Wala. Sabi ko panget mo” Sabay alis ng pagkaka-akbay niya at tumingin sakin ng nangaasar.

“I HATE YOU!! Grabe ka talaga! hahaha”

Ayun.

Nagtawanan na lang kami.

Hinatid na niya ko sa sakayan ng trycicle since malapit na yung bahay ko.

Siya naman, babalik daw sa school.

Di ko lang alam kung bakit,.,,

May naiwan yata siya.

Luke’s POV

Sinadya ko talagang iwanan yung kotse ko sa school.

Pano, kilala ni Jane ang car ni BILLY!

Bumili na nga ako ng new car ko.

Dodge Challenger.

BV lang kasi lumang car ni papa yung ginagamit ko dito sa school.

Mahirap na. Baka may makahalata.

Pagbalik ko, dumiretso na agad ako sa Laguna.

Dun kasi yung shooting area namin.

Patapos na nga pala yung Princess and I kaya nagmamadali kami ngayon.

Pagdating ko sa waiting area, nakita ko si Julia may katabing lalake.

Magkadikit na magkadikit sila.

“Uy juls…” Bati ko sabay halik sa pisngi niya.

Routine na kasi yun.

Kaya nga kapag nakukuhanan kami ng camera, kinikilig na agad mga fans namin.

Ang alam pa rin kasi nila, may gusto ako kay Julia.

Di nila alam na acting lang lahat.

“Billy, andyan ka na pala. How’s school?” Tanong niya. Umupo ako sa tabi niya.

“Kapagod pero okay lang”

“Ah. Hey, I want you to meet my boyfriend Jon Lucas”

Tumayo yung jon sabay hinand-out yung kamay niya. “Hi pare”

 

O_O

Tinitigan ko lang siya tapos napatingin ako kay Julia.

Agad kong hinawakan yung kamay ni Juls tapos hinila ko siya palayo dun sa Jon.

“Nasisiraan ka ba ng bait?” Pabulong na sabi ko.

Napakamot siya ng ulo sabay napayuko. “Billy, I’m sorry pero…mahal ko siya eh”

“I’m not questioning your feelings for him pero Julia, ano ba! Artista ka! Di ka pwedeng magkaroon ng lovelife agad-agad!”

“Alam ko yun…” Bulong niya rin.

“Alam mo pero lumabag ka sa usapan. Juls, as your friend, inaalala kita. Ano na lang mangyayare sa love team natin ngayon? Tsk”

Sumasakit ulo ko dito.

“Alam na ng managers nating dalawa. I promised them na we’ll keep this as a secret. Alam din naman ni Jon yung tungkol satin”

“Can’t that wait? Kailangan mo ba talagang magka-boyfriend na? Tsaka Julia, maiilang na tayo sa isa’t-isa. Iisipin na natin yung iisipin ng boyfriend mo every time may sweet moments tayo na kailangan”

 

“He knows I’m a professional and so are you. Hindi siya naman siya seloso”

Ay naku!

Ano ba naman toh!

“Look Billy, I’m sorry pero I just wanna be happy. Okay? He inspires me dito sa trabaho ko. Tsaka we’ll stay the same sa mata ng showbiz world. Walang magbabago. Ipapalabas pa rin natin na you like me and I also feel something for you. Ganun lang kadali yun…”

Hinawakan niya kamay ko.

Napatingin tuloy ako sa mga mata niya.

“Billy, please bare with me. Super close na tayo, sana naman wag kang magalit sa decision kong ito…”

 

“Di naman ako galit. Nagaalala lang ako sa magiging career natin. Just make sure na hindi ito kakalat. Tayo ang pinakasikat na love team ngayon…”

“Of course I will”

Hinalikan ko na lang yung noo niya.

Bumalik na ulit kami dun sa jon na yun.

“Pare, isa lang sasabihin ko. I love Julia. She’s like my little sister to me. Sana mapanindigan mo yang nararamdaman mo sa kanya. Wag mo tong sasaktan kundi ako makakalaban ko”

Julia laughed.

Pero si Jon ngumiti.

“Oo naman brad. Mahal na mahal ko yan. Lahat gagawin ko for her”

Julia hugged him tapos umalis na agad.

Mahirap na.

Baka may makakita.

>_<

Xyriel’s POV

Andito pa ko ngayon sa labas ng bahay.

Pano, ayoko na sa Barbie at doll house ko.

Nakakaboring.

“Asan ba yung mga kalaro ko? Bakit nawawala?”

T^T

Tumakbo na lang ako papunta sa playground ng subdivision namin.

Malapit-lapit lang naman kaya di ako mawawala nito for sure.

Pagdating ko dun, nakita kong wala yung mga friends ko.

“Hmmph. Ano naman gagawin ko? Wala akong kalaro!!”

 

“Tayo? Di pwede?”

Hinanap ko yung nagsasalita.

Ayun!

Nakaupo sa swing.

“Sino ka?” Tanong ko dun sa batang lalake.

“Ikaw muna, sino ka?”

(-_-)

Ako unang nagtanong eh!

 

“Bakit ko naman sasabihin pangalan ko sayo? Psh. Makaalis na nga” Tumalikod na ko.

Sabi kasi nila Ate Kim at Ate Jane, wag daw akong makikipagusap sa mga di ko kakilala.

Delikado daw yun.

“Huy! Bata! Saglit lang!! Ako nga pala si Zaijan”

Tumingin ako sa kanya.

“Okay”

“Eh ikaw? Anong pangalan mo bata?”

“Xyriel”

“Ah”

Lumapit ako ng kaunti sa kanya.

“Bago ka lang dito?” Tanong ko.

Ayoko sana makipagusap sa kanya kasi nga bawal daw.

Kaso, kilala ko na siya.

Siya si Zaijan.

Ibig sabihin, hindi na siya stranger.

Pwede na ko makipagusap.

 

“Ha? Hindi. May pinuntahan lang kami ni Kuya dito”

“Ah. Bakit magisa ka lang dito Zaijan?”

“Nagpaiwan lang ako saglit para maglaro tapos sabay pupunta na kami sa mall”

Napakamot ako ng ulo. “Ang bad naman ng kuya mo. Dapat di ka iniiwan dito. Magdidilim na kaya. Delikado”

“Lalake naman ako tsaka sanay na. Ikaw? Bakit andito ka magisa?”

“Hinahanap ko kasi mga kalaro ko”

“Tayo na lang maglaro!!!”

Tinitigan ko lang siya. “Ayoko. Uuwi na ko. Nagugutom ako”

“Hala! Wag mo muna ako iwan dito xyriel!”

“Eh gusto ko na nga umuwi!! Ang kulit mo!”

“Psh. Sige na! Laro muna tayo”

“Di mo ba ko naririnig? AYOKO NGA!” Sigaw ko.

Ang kulit kulit naman nito!

Feeling close pa!

“Bilis na kasi!!!”

Tinignan ko na siya ng masama.

“Ayoko nga makipaglaro! Tsaka gusto ko na umuwi! Baka pagalitan ako pag nagpagabi ako dito!! Bahala ka diyan!”

Sa sobrang inis ko, tumakbo na ko palayo.

Jane’s POV

Pagdating ko sa bahay, nagulat ako nung may nakatayong lalake sa gilid.

“Ah manong, bayad po oh” sabi ko sa trycicle driver.

Pagtingin ko, nagulat ako kasi si Angelo Cinco yung nasa tapat ng bahay.

“Angelo?”

“Uy Jane!”

@_@

“Bakit andito ka? Sino hinihintay mo?”

“Obvious ba? Eh di ikaw?”

“Ha? Ako? Teka, paano mo nalaman yung bahay ko”

“Tinuro ni Sabrina sakin hehe”

Hala!

 

“Nyeh. Ano ba yun! Ano ba kailangan mo?”

Ngumiti siya. “Wala. Gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na….”

“Bakit naman?”

“Baka kasi kung ano nang ginawa sayo nung Luke na yun”

Natawa ako sa kanya. “Ano namang gagawin sakin nung mokong na yun? hahaha”

“Tsaka gusto talaga kitang makita”

I looked at him.

Medyo nagtataka.

Napatitig ako sa kanya tapos may napansin ako.

O_O

“Hala! Kamukha mo pala si Billy? HAHAHAHA Omg! Oo nga! Kamukha mo!!”

“Billy?”

“Billy Fernandez!! Yung asawa ko!!”

“Hahaha fan ka pala nun?”

“Sobra!!! Alam mo sumali ka kaya ng kalokalike sa showtime! For sure panalo ka!”

“Dami mong alam. Hahahaha”

Kamukha niya talaga!

Wow!!

“Jane…”

“Oh?”

“Pwede hingin number mo? Alam mo na…since friends na naman tayo…”

“Ha? Sige. Paloadan mo ha” Pangaasar ko.

“Sige ba”

O_O

“Di nga?” Tanong ko.

“Oo naman. Parang yun lang eh”

“Sige sige!! Go ako diyan! Hahaha”

Binigay niya na phone niya tapos nilagay ko sa contacts yung number ko.

“Text mo na lang ako para maregister ko number mo” Sabi ko.

“Kahit call pa. Haha sige mamaya”

Di ko na siya niyaya pumasok sa bahay.

I don’t wanna be rude pero nagiisa lang kasi siyang pumunta dito.

Tapos lalake pa siya.

Baka isipin ni Mama at Ate Kim, nanliligaw sakin si Angelo.

“Ah…sige. Uwi na ko” Sabi niya.

“Sige. Ingat ka ha”

“Kasama ko nga pala yung kapatid ko, si Zaijan. Nagpaiwan muna dun sa playground niyo dito”

“Dapat di mo na iniwan. Haha sige bye! Say hi na lang to zaijan!”

“Sige…see you tomorrow”

Nag-smile na lang ako tapos pumasok na ko sa bahay.

“Ma!!! Andito na po ako!!!” Sigaw ko.

“Nak! Dito ako sa may kwarto!”

Umakyat ako tapos nakita kong nakikipagchat si Mama kay Papa.

“Pa!! I miss you na pa!” Bati ko sabay wave sa webcam.

Nag-skype kasi sila.

“I miss you too anak. Musta school?”

“Ayos na ayos pa! Dami ko pa ring friends tsaka panalo ako kanina nung nag-swimming kami!”

“Astig ah! Sige deal tayo. Pag after ng first quarter tapos top 1 ka, papadalhan kita ng iPad”

O___O

“Di nga pa?”

“Oo naman. Minsan lang ako maging mabait hahaha”

Niyakap ko si Mama since di ko naman mayakap si Papa. “Sige pa! Deal!! Magaaral na po ako! Byeee! Mhuah!”

Tawa sila ng tawa ni Mama.

Tumakbo na ko papunta sa  kwarto ko at nilagay yung phone ko sa may signal.

Inayos ko yung contacts ko saglit.

Diba ang name ni Billy dito ay Angelo since yun daw yung magiging role niya sa magiging movie niya.

Pero iniba ko na yun ngayon.

Nilagay ko, Luke Fernandez na.

Kasi yung number ni billy, na kay luke na ngayon.

Nagdelete din ako ng ibang contacts.

OOPS!

OMG!

HALA!

Na-delete ko yung newly registered number ni Billy ko!!

>_<

Ano ba yun!!

Kaya nga ako sumama sa pagbili ng sim card ay para malagay ko number niya dito tapos nadelete ko lang.

Huhuhu.

T^T

Ang shunga ko!

Sana tumawag siya para maregister ko ulit number niya.

Para mawala pag ka-sad ko, naligo muna ako.

Pagkaligo ko, kumain muna kami ng dinner then nanuod ako ng Princess And I, of course!! ^___^

Kakakilig talaga si Julia at Billy!

Bagay na bagay!!

Pero mas bagay kami ni Billy! Charrr!

Umakyat na rin ako sa kwarto ko after nun, may TV naman kasi ako sa kwarto tsaka gusto ko ng magaral. Gusto ko kasi talagang magka-iPad.

Habang nagaaral, biglang tumunog phone ko.

*Skyscraper ringtone*

Luh..

May natawag!

Unknown number.

Ah…Baka si Angelo Cinco.

Sabi niya kasi tatawag siya para ma-register ko number niya.

Sinagot ko yung call agad-agad.

Me: Hello? Angelo??

UN(unknown number): Angelo ka diyan.

Me: Umayos ka nga! Diba kinuha mo number ko kanina? Sabi mo tatawag ka…

UN: Magkasama kayo kanina?

Me: Anong KAYO? Baka TAYO!! Haha. Baliw ka ba? Pumunta ka nga dito sa bahay diba! Loko!

UN: Di naman ako yung angelo na yun…

Teka.

Parang di nga boses ni Angelo toh.

Me: Sino ka?

UN: Si Billy. Billy Fernandez…

O___________O

Me: B-billy? A-as in yung artista na uber duper gwapo na magaling kumanta at rockstar at asawa ko??

Billy: Hahaha

Omg.

Bigla akong napaupo.

Me: Di nga? I-ikaw talaga si Billy?

Billy: Ano tingin mo??

SHEMS!

SI BILLY NGA TALAGA!!!

YUNG BOSES PA LANG!!!!!

Me: Hala!!! Omg!!! I can’t believe this!!!

Billy: Hahaha

Me: Bakit ka tumawag?

Billy: Sabi ni Luke tumawag daw ako sayo..

IHA-HUG KO TALAGA SI LUKE BUKAS SA SCHOOL!!

Me: Sobrang saya ko hala!!!

Billy: Buti naman haha…

Me: Busy ka billy?

Billy: Nasa set ako ngayon ng PAI.

Me: Goodluck ha! Galingan mo!! Pupunta nga pala ako sa mallshow mo sa sabado!

Billy: Ayos! Promise yan ah!

Me: Syempre!!! Ikaw pa!! I love you billy!!!! Wah!! Sobrang saya ko talaga!!!

Billy: Haha salamat!

Bigla kong narinig na may nagsalita na iba.

“Billy, get ready na. Ikaw na sunod sabi ni direk”

“Sige po!”

=(

Mukhang di kami pwede magbabad sa phone.

Pero okay lang, atleast nakausap ko siya.

^___^

Billy: Ah jane, sorry ah pero need ko na magayos. Favor naman oh?

Me: Sige! Anything for you!! Ano yun?

Billy: Wag mong ipamimigay yung number ko please

Me: sure sure! Sige bye na!! Ingat ka diyan!

Billy: Ikaw din po. Sige…

Tapos end call na.

WAHHHH!

Tinakpan ko yung mukha ko ng unan para makasigaw!!

Paano naman kaya ako makakapagaral nito?

Kinikilig ako sa boses niya!! Wieeee!

Ashley’s POV

 

Saturday…

“Eenie Meenie Minee Mo-----AHHHH! Ano ba!!” Bigla akong napasigaw ako dito sa store.

Pano, yung magaling kong kapatid, biglang sumulpot dito sa gilid.

Naka-Luke disguise na naman siya with matching cap pa at hoodie.

“Hahahaha cute mo talaga!” Sabay kurot sa pisngi ko.

Tinabig ko nga.

“Pwede ba kuya! Mukha kang sira ulo! Halatang-halata yang itsura mo”

Ibinaba niya yung hood ng jacket niya. “Sorry naman. Nagiingat lang…”

“Kasi naman, dapat nandun ka pa sa bahay ngayon diba? Dapat mamaya ka pa dadating dito”

“Pumayag naman yung manager ko na mauna na ko dito. Syempre mahirap na ipasok ako sa mall bilang si Billy. For sure magkakagulo”

I rolled my eyes.

“Well then just stay sa backstage na lang para di na delikado”

Bigla siyang napangiti ng nakakaloko. “Ikaw bunso ah. Kanina pa ko nakakahalata. Bigla kang nagsha-shopping mag-isa? Tapos sinamahan na nga kita, ayaw mo pa…ano meron?”

Natameme ako.

Lakas naman ng pakiramdam ni Kuya.

“Wala! Ano ba!!! Syempre…nagaalala lang ako sayo Kuya”

“Asus. May ka-date ka noh?”

ANO BA!!!

WALLLAAAAA!

>//////////<

“Nyeh!! Wala!!! Tsss”

“Namumula ka nga eh! Hahahaha sino ka-date mo? Sabihin mo ng maupakan ko”

(-_-)

“OA. Wala akong ka-date”

 

“Ash?”

Napalingon kami sa gilid.

Shit.

Si Lawrence.

Napatingin ako kay Kuya.

Ang sama ng tingin kay Rence.

“Brad, ikaw ba yung ka-date ni Ash?” Tanong niya.

“Ha? Hindi” Sagot naman ni Rence.

Tinignan ako ni Kuya. “Dinedeny ka? Aray…” Inasar niya pa ko.

 

“Sira!! Bibili kasi kami ni Rence ng materials for group project namin. Kami na lang dalawa nagprisinta since ang tatamad ng mga classmates namin”

Natawa naman siya. “Sabi mo eh. Sige...Rence diba? Sige tol’, alagaan mo si Ash ha. Alis na ko”

 

Kuya hugged me tapos umalis na ng store.

5 pm na kasi.

5 ang start ng mallshow niya ngayon.

Kanina ko pa nga naririnig yung ingay eh.

Lumapit na sakin si Lawrence. “Teka, diba yun yung 4th year na pinaguusapan sa PU?? Bakit kasama mo?”

>_<

Ayoko nga sabihin na kuya ko siya!

For sure kakalat yun sa school at lalapitan ako ng mga girls para mapalapit sila sa Kuya ko.

“Wala yun. Tara na” Bigla na kong naglakad palayo.

Ayoko kasi talaga mag-explain kay rence.

Kahit na sabihin mong masaya siya kasama, ayoko pa rin.

 

“Oy…ganda natin ngayon ah”

O_O

Nagulat ako nung may umakbay sakin.

Pagtingin ko, si JACE??

“Nyemas! Lubayan mo nga ako!” sabay tulak sa kanya.

Grrr!

Nakakadiri!!

Dumikit siya sakin!

Yuck!!

“Sungit naman nito. Magisa ka lang?” Tanong niya.

“Sinusundan mo ba ko?” Tanong ko naman.

“Feelingera ka talaga. Hahaha cute”

(-_-)

“Tss. Sa dami ng tao ngayon, bakit ikaw pa makikita ko? Psh” bulong ko habang naglalakad na palayo.

“Bastusan lang ash? Kausap, biglang lalayo?” Sabi niya.

I can hear him talk sa likuran ko.

Sinusundan niya pa rin ako? >_<

“Just leave me alone”

 

“Pati ako?”

Napatigil ako sa paglalakad.

Si Lawrence kasi yung nagsalita.

Hala! Oo nga pala!

Kasama ko siya.

Me: “Malamang hindi ka kasama”

Jace: “Oy oy oy! Ang unfair ah! Si Rence pwede ka kasama tapos ako hindi?”

Me: “Kasi si Rence, may kwentang kasama hindi katulad mo!”

Jace: “What does that supposed to mean?”

Lawrence: “It means may purpose kasi kung bakit kami magkasama”

 

Napatingin kami kay rence.

Jace: “At anong purpose naman yang sinasabi mo?”

Lawrence: “We’re groupmates sa Physics. Bibili lang kami ng mga materials sa National Book Store”

Jace looked at him before staring at me. “Oy diba, groupmate niyo rin ako? Duga naman. Di nagyayaya”

I rolled my eyes. “Ang sabihin mo, hindi ka kasi nakikinig samin kahapon kaya ayan. Wala kang kaalam-alam”

Ngumiti si Jace sakin sabay tumabi sa tabi ko. “Ngayon na alam ko na, pwede naman siguro akong sumama noh?”

Napatingin ako kay Lawrence.

Parehas kaming nagtataka.

Ano bang trip nitong si Jace at sasama samin?

 

Jace’s POV

Tss.

Ang sabihin nila, magde-date lang silang dalawa.

Kung ano-ano pang sinasabi.

Badtrip na yan.

Bakit ba kailangan pa nila ilihim sakin?

Natatakot sila na baka magalit ako?

Yang Lawrence na yan, onti na lang, sasapakin ko na.

Tropa tapos nangaagaw.

Ako nauna kay Ashley.

Ako nga first kiss nun!

Psh.

 

“Oh bakit nakakunot yang noo mo? Nabobored ka na? Sige umalis ka na”

Napatingin ako kay Ashley.

“Bakit ba kanina mo pa ko pinapaalis?”

“Kasi mukha kang bored. Dapat siguro umalis ka na-----”

“Ano naman sayo ngayon kung bored ako? Bakit ka affected? May care ka na pala sakin….”

Napatigil siya sa paglalakad dito sa loob ng national book store.

Tapos tinignan ako ng masama.

“Hindi. Naiirita lang ako sa presence mo. Sa itsura mo. Sa amoy mo. At sa boses mo”

“Sungit mo talaga”

“Kung nasusungitin ka, eh di umalis ka----”

“Isa pang pagtataboy sakin, hahalikan talaga kita. Kukunin ko second kiss mo” Pagbabanta ko.

Actually, wala akong balak na halikan toh.

Malamang di naman ako manyak.

Inaasar ko lang naman siya.

Halatang nagulat siya.

As in napatitig siya sakin.

“Oh Ash, ito na yung cartolina na pinapakuha mo-----Teka. Ayos lang kayo?”

Magkatitigan kasi kami ni Ashley nung biglang dumating si Lawrence.

Tumingin ako sa kanya bago ko ibinalik yung tingin ko kay Ashley.

“Seriously, leave me alone. Pikon na pikon na ko sayo!” Naiiritang sabi ni Ash.

“Ang sungit sungit mo! Wala naman talaga akong ginagawa sayo. Bakit ka ba ganyan?”

“Ewan!!” Tapos naglakad siya palayo.

Sinundan naman kaagad ni Lawrence.

Putek.

Iniwan pa nila sakin yung basket.

Ano toh? Ako magbibitbit?

Badtrip.

NAKAKAINIS TALAGA!!!

Lawrence’s POV

 

“Oyyy….nag-away na naman kayo?”

Hindi ako pinansin ni Ashley.

Hanap pa rin siya ng hanap nung mga natitirang materials na kailangan namin.

“Ash, wag ka na mainis. Pumapanget ka----”

 

“Wag mainis? Putek!! Rence!! Kung andun ka lang kanina at narinig mo yung sinabi niya, for sure maiinis ka rin!! Gosh!!! Gusto kong manapak!!!”

“Aren’t you a little cute to punch someone?? Relax ka lang. Wag mo na pansinin yun” Sabi ko na lang.

“Bakit ba kasi sumama yan dito? Ano ba kasi talaga kailangan niya sakin at lapit siya ng lapit??”

“Try mong tanungin siya hahaha”

Napairap siya sakin.

Di yata natawa sa pambabara ko.

“Joke lang! haha. Alam mo Ash, wag ka na magalit. Wag ka magpa-apekto diyan sa jace na yan. Mas lalo ka lang niya aasarin kapag alam niyang may effect sayo yung pangaasar niya. Kaya nga siya tuwang-tuwa asarin ka eh. Kasi  pikon ka”

Tumitig siya sakin.

“Ganun ba yun?”

“Oo naman. Trust me, susuko yan kapag di ka na naaasar sa kanya…”

Nakatitig pa rin talaga siya sakin.

Parang nagiisip.

Ngumiti na lang ako.

Ang cute talaga nito.

^_^

“Ehem!!”

Parehas kaming napatingin kay Jace.

Buhat buhay niya yung mga baskets.

“Uso tumulong sa pagbubuhat” Pagrereklamo niya.

Tumingin muna ako kay Ash na ngumiti sakin bago ko tinulungan si Jace.

 

Sabrina’s POV

 

“Pwede ba!! Wag nga magtulakan!!” Sigaw ko.

Pano, ngayon pa lang io-open yung gates.

Leche lang!!

As in nagtutulakan na kaming lahat dito!

Stampede ang putek!!

Lahat naman kami may passes, mga muntanga tong mga toh!

Kahit naman mauna kang pumasok, kung ano number ng passes mo, yun ang number ng upuan mo.

Buti nga inagahan namin nila Jane.

Pang number 15-18 kaming tropa.

15 ako.

16 si Yannie.

17 si Jane.

18 si Katkat.

Tapos yung ibang ka-billy rocks namin, sumunod na rin samin.

Pinagtitinginan nga kami eh tapos may mga lumalapit kanina.

Pano, sikat na yung fansclub namin tapos may hawak pa kaming malaking banner.

Si Jane pa!

Talagang pinaghandaan ito!!

Bigla akong natulak nung nasa likod ko.

Inirapan ko nga.

 

“ITIGIL NIYO NGA!! SAPAKIN KO KAYO EH!” Pagsigaw ko nun, nagtinginan silang lahat sakin.

Tapos medyo umayos na.

Maya-maya, nakapasok na kami sa loob.

Wew!! Kapagod!!

Hinanap na namin mga seats namin.

O____O

Kat: “WAH! Nasa gitna tayo!!”

Jane: “At tapat na tapat pa sa stage ni billy my loves!!”

Me: “Shocks! Ang ganda ng pwesto natin!”

Yannie: “We’re so swerte!!”

 

Mga 6 na yata nung naayos yung mga tao.

Ang ingay ingay na.

Ang daming false alarms na nangyari.

Bigla kasing magsisigawan sa may right part kaya kami, napapatayo sa upuan.

Tapos wala pa naman pala si Billy.

Mamaya sa left part nagsitayuan sa upuan yung mga tao.

Napatayo din kami para sulyapan siya kaso wala.

Nakailangang beses na ganun.

After an hour, 7 na.

Teka, akala ko ba 5 ang start!!

>_<

Tagal naman ni billy!!!

Sarap manapak!

Wala pa ba siya?

Tsss.

“Girls, CR lang ako”

Napa-frown sila.

Jane: “Wag na kaya”

Kat: “Baka dumating na si billy”

Yannie: “Tsaka baka ma-traffic ka pabalik”

 

Traffic talaga?

Haha sabagay maraming tao.

 

“Hindi yan. Kakausapin ko yung manager ni billy para padaanin ako diyan sa may gilid, wag dun sa likod”

Di na nila ako napigilan.

Naiihi na kasi talaga ako. HEHEHE.

Ayun nga, pinadaan din ako.

Ipakita ko na lang daw yung passes ko mamaya para papasukin ulit ako.

Tsaka kinausap na rin nung manager yung guard na alalahanin itsura ko.

Tumakbo na ko kaagad papunta sa 2nd floor.

Andun kasi yung pinakamalapit na CR dito.

Pagka-CR ko, tumakbo na ulit ako pabalik.

*pak*

 

“Aray!!” Angal ko.

May nabangga kasi ako. “Hala! Sorry sorry!!!” Sabi ko na lang dito sa lalakeng---- O___O

Ang gwapo.

Ang puti.

 

“Miss, okay ka lang?”

“Ha?”

Bigla kong naalala si Billy.

Ang ingay ingay na kasi.

Feeling ko, andun na siya.

“Sorry po ah! Sige bye!!”

Sabay takbo palayo.

“Miss!!” Narinig ko pang sabi ni kuya gwafuuu!!

Gusto ko sanang lumande dahil minsan lang naman, HAHAHAHA.

Pero di pwede! Si Billy na yung pinaguusapan dito!

Pagdating ko dun, ang gulo gulo na pero pagtingin ko sa stage.

Wala pa naman si Billy.

(-___-)

Ang OA ah.

HAHAHAHA.

“Sayang! Sana pala di ko muna tinakbuhan yung gwapo kanina”

Hahaha lande ko.

Ano ba toh.

Jaja: “Hoy!! Anong gwapo??”

Kat: “Ikaw ah!!”

Yannie: “Akala ko ba tibo ka?”

Napatingin kaming lahat kay Yannie.

“Sira ulo!! Iba ang tomboy sa boyish na katulad ko!! Boyish lang ako pero babae ako! Shunga shunga nito!!”

Nagtawanan na lang kami.

Baliw kasi ni yanyan eh.

Hahaha.

Sa ganda kong ito, iisipin niya tomboy ako?

Palibhasa di ako nagaayos…

Kevin’s POV

Nagulat ako nung bigla na lang tumakbo yung babaeng bumangga sakin.

Nagmamadali…

Teka, naka-billyrocks t-shirt siya.

Ahh..

I get it.

Fan siya ni Billy.

Hahaha kung alam lang niyang tropa ko yun, malamang niyakap niya na ko para tulungan siyang makalapit kay billy.

^____^

Aalis na sana ako nung may natapakan ako.

Pagtingin ko, wallet.

Teka…

Naiwan niya ito?

Kinuha ko yun tapos binuklat ko.

Sabrina Vito.

Padilla University.

Uy! Classmate kaya ito ni Billy?

Hahaha ayos!!!

Iaabot ko na lang sa kanya ito mamaya para ibigay niya dun sa Sabrina.

Pero paano uuwi yung babae kung walang perang dala?

Tsss.

Hanapin ko na nga lang mamaya.

@_@

Jane’s POV

 

 

“Weeyoww”

O_O

Nanlaki mga mata namin nung may nagsalita sa mike.

Alam naming si Billy yun.

Biglang dumagundong yung buong Mall.

As in ang ingay ingay!

Nakakabingi.

Kahit ako, nagsisisigaw na!

Shems! Nasa backstage na siya?

Kelan siya dumating?

Bakit hindi umingay nung dumating siya?

Natatawa na si DJ Chacha.

Siya kasi yung host ngayon.

Kanina niya pa kami pinapatahimik para lumabas na daw si Billy kaso nagiingay naman si Billy kaya mas lalo kaming umiingay.

Biglang nag-beat box si Billy kaya ang ingay na naman namin.

Kahit di namin siya nakikita, excited na excited na kami.

OMG!!

Bakit ganito yung feeling ko?

Parang first time ko lang siya makikita ah!

Hanggang sa sumuko na si Dj Chacha.

“Hahaha sige na nga! Sige na nga!!! Who’s excited??”

“WAHHHHHHHH!!!”

Ang sakit sa tenga!!

Grabe!!!

Tapos biglang tumugtog yung Hinahanap-hanap kita.

O____O

Lumabas na siya habang kumakanta.

Sobrang umingay na to the point na kahit nagtakip ako ng tenga, naririnig ko pa rin lahat.

Nagsitayuan na rin kami habang nirerecord at pinipicturan siya.

Ngiti siya ng ngiti samin.

Sinasabayan pa namin siyang kumanta.

Sa sobrang tuwa ko, napaiyak pa ko!!

Hala ka jane!!!

Ganun mo ba talaga na-miss si Billy loves mo??

T^T

“Pasensya na po, medyo sinisipon po kasi ako….” Sabi niya.

Pero wala naman samin kung sinisipon siya!

Ang ganda pa rin ng boses niya!!

Ang gwapo pa rin naman niya!!!

^__________^

Pagkatapos niyang kumanta, di pa rin nananahimik ang mga fans.

Napansin kami ni Billy tapos nag-rock sign siya kaya tuwang-tuwa kami.

Ang saya!!!!

Pagbalik ni billy sa stage, mas lalo kaming umingay.

“ISA PA! ISA PA!! ISA PA!!!” Sigaw namin.

Tinataas pa namin yung kamay namin para mas lalong magulo.

“Wow!!! Pero guys, as much as billy wanted to, gabi na daw kasi at medyo masama na yung pakiramdam ni billy kaya wala na muna pong picture taking”

Para kaming nanlumo nun.

Walang picture??

Sabagay sangkatutak na pictures ko with him nung nanalo ako sa PAI pero syempre…nakakalungkot pa rin.

 

“BOO!!! BOOOO!!!!” Sigaw nung mga tao.

May mga aakyat pa sana ng stage kaso napigilan.

Wild!!

Wala na rin kaming nagawa kasi di talaga pwede.

Pagbalik niya sa stage, naka-white shirt na lang siya.

Tapos umupo na siya.

Nagstart na kaming pumila para ipa-sign yung album niya.

^____^

Pagdating ko sa harap niya, ngumiti ako sabay abot nung tarpaulin niya.

“Billy, pa-sign naman yung official na tarpaulin ng billyrocks!!” Nagmamadali kong sabi kasi for sure papaalisin na ko kaagad nung guard.

“Sure sige!!” Sagot niya without looking at me.

Luhhh…

Di niya ba ko naaalala?

Sabagay di pa pala niya ko nakikita.

Habang sina-sign niya yung album at tarpaulin, pinicturan ko siya.

Ita-try ko sanang kasama ako kaso naibalik na niya agad yung album kaya pinapaalis na ko.

“Billy, thanks nga pala sa pagtawag kagabi!!!” Sigaw ko kasi hinihila na ko ni manong guard na epal.

Napatingin siya sabay nag-smile. “Uy Jane!!!” Bati ni Billy na nag-wave na lang sakin.

Parang nag-melt yung puso ko nun!

Naaalala niya ko!!!

WAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!

Paglabas ko sa area, nagtatatalon ako!!!

Niyakap ko pa nga si Katkat!!

“OMG! KATKAT!!!! KINIKILIG AKO!!!”

“AKO RIN!! NAGSMILE SIYA SAKIN!!!”

“OMG! OMG! OMG!!!!”

Nakakatuwa talaga!!!

^_____________^

Whoooh!

Kotang-kota ako!!!

The best!!!

---------------------------------------------------------------------------------

Ikaw na swerte jane!! Ako na hindi!! Huhuhu. Hahaha.

Anyway, astig ng concert ni Daniel noh?

Sigaw kaya ako ng sigaw nung dumating na si kath!

Tapos todo kilig sa mga pinagawa ni Vice!!

Anyway, how’s my update?

Like it?? ^____^

Thanks! 

Continue Reading

You'll Also Like

204K 4.8K 26
Elery thinks she's destined for her P-pop idol, Jhin Gomez. Subalit taliwas sa inakala niya, nang makilala at naging kaibigan niya ito ay wala naman...
3.7K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
549K 10.9K 186
#WATTYS2015 winner! -Instant Addiction and TNT Katropa Favorite One boy. One Girl. Endless possibilities. Book 1 of Endless Series #1 Short Story...
I Saw You By Yen

Fanfiction

238K 11.9K 43
{ Constantine Series: Book 2 } Palagi nalang bang siya ang makikita mo? Paano naman ako? - London Constantine have always had a long list of girls. W...