A Levelheaded Lass

Por littlemissselle

1M 30.2K 7.7K

Black Series III: I'm Gianina Ramirez. I am guilty. Does sorry can never be enough? Más

A Levelheaded Lass
ALL - One
ALL - Two
ALL - Three
ALL - Four
ALL - Five
ALL - Six
ALL - Seven
ALL - Eight
ALL - Nine
ALL - Ten
ALL - Eleven
ALL - Twelve
ALL - Thirteen
ALL - Fourteen
ALL - Fifteen
ALL - Sixteen
ALL - Seventeen
ALL - Eighteen
ALL - Nineteen
ALL - Twenty
ALL - Twenty One
ALL - Twenty Two
ALL - Twenty Three
ALL - Twenty Four
ALL - Twenty Five
ALL - Twenty Six
ALL - Twenty Seven
ALL - Twenty Eight
ALL - Twenty Nine
ALL - Thirty
ALL - Thirty One
ALL - Thirty Two
ALL - Thirty three
ALL - Thirty Four
ALL - Thirty Five
ALL - Thirty Six
ALL - Thirty Seven
ALL - Thirty Eight
ALL - Thirty Nine
ALL - Forty
ALL - Forty One
ALL - Forty Two
ALL - Forty Three
ALL - Forty Four
ALL - Forty Five
ALL - Forty Six
ALL - Forty Seven
ALL - Forty Nine
ALL - Fifty
Epilogue
Black Note
Special Chapter - Zoe
Special Chapter - Tanya
Special Chapter - Gavin
Special Chapter - Leximir
Special Chapter - Deign

ALL - Forty Eight

11.3K 446 152
Por littlemissselle

I woke up with headache. Sobrang sakit ng ulo ko na parang ayaw ko na bumangon. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang galit na galit na Kuya ko.

"Get up." He said in gritted teeth.

"Kuya, masakit ang ulo ko."

"I said get up!" umalingawngaw ang boses niya sa kwarto ko.

What a nice way to start my day.

I forced myself to get up but the moment I did, it felt like the world is turning.

"Who the heck told you to get drunk? And didn't I tell you to limit yourself? You should've called me or Phillip hindi 'yung may mag-uuwi sa'yong lalaki dito na lasing na lasing ka. Gianina, umayos-ayos kang bata ka. Hindi pwedeng lagi na lang pagbibigyan 'yang bawat kapritso mo."

Sino ba kasing lalaki ang sinasabi nitong kapatid ko? Wala nga ako matandaan sa mga nangyari kagabi eh. Ang alam ko lang, uminom kami tapos na. Hindi ko na rin nga matandaan mga napag-usapan namin eh.

Hindi pa tapos si Kuya magsalita ay tumakbo na ako papunta sa banyo. I feel like throwing up. And there, nagsuka na ako nang nagsuka habang daldal pa rin siya nang daldal.

"Ayan. Tignan mo nangyayari sa'yo!"

Nagmumog ako at pinunasan ang bibig. "Kuya naman. Ang aga-aga eh."

Pinamaywangan niya ako. "Ang aga-aga? Para sabihin ko sa'yo, alas-onse na! Hindi ka na nakapasok sa iba mong subject!"

Nanlaki ang mata ko. "What? Bakit hindi mo 'ko ginising agad?"

"Hoy, ilang beses ka namin ginising ikaw 'tong ayaw magising!" Napatakip na lang ako sa tainga dahil sa ingay niya. "Maligo ka na nga at kumain ka pagkababa mo para makapasok ka na!"

Agad din naman siyang lumabas at pabagsak na sinara ang pinto.

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili kahit na medyo hilo pa ako. Pinakain ako ni Kuya dahil ayaw niyang pumayag na papasok ako na walang laman ang tiyan. Siya na rin mismo ang naghatid sa akin. Sabi niya, sabay daw kaming uuwi ni Phillip, napagsabihan na niya 'yung isa. Napagtulungan nanaman ako.

Pagkarating ko sa room ay napalingon silang lahat sa akin. Buti na lang wala dito si Indi. Hindi ako maiirita sa pagmumukha niya.

Tumabi na ako kay William at siniko naman niya ako. "Ba't ka absent kanina?"

"Trip ko lang, gaya ka."

"Tut mo. Mahaba lecture kanina kay Sir Timothy. Kopyahin mo." Sabay tapat niya ng notes niya sa mukha ko.

"Grabe, ang bait mo talaga. Saludo ako sa'yo."

Inirapan niya ako. "Ano ba kasi talagang nangyari sa'yo?"

I just shrugged. Wala pa ako sa mood mag-kwento, lutang pa rin ako hanggang ngayon kaya nga hindi ko naiintindihan ang kahit na anong sabihin ng professor namin.

"Hoy Gia, alam kong sulat manok ka pero parang lumala ka ata ngayon?" rinig ko nanamang komento nitong katabi ko.

Tinignan ko ang notebook ko at maski ako ay walang naintindihan sa notes ko. "My gosh, ano 'to?"

Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kaniya. "Ano ba talagang nangyari sa'yo?"

Bahagyang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang bell. Nagsitayuan na ang lahat pero nakaupo pa rin ako. Sinigawan ako ni William para tumayo kaya napatayo na lang din ako bigla.

"Bakit ka ba sigaw nang sigaw?" reklamo ko.

"Eh kung hindi ka ba naman lutang edi hindi kita sinisigawan!"

Nag-iripan kaming dalawa at nag-aayos ako ng gamit ko nang may tumawag sa akin. Napalingon ako at nakita ko si Deign na nakangiti sa akin.

Bakit lalo siyang gumagwapo sa paningin ko? Ang sarap magmura. "H-hi..." Bakit hanggang sa kaniya lutang pa rin ako?

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ako. Bakit ang weird niya?

"Ayos ka na ba talaga?"

Seeing him looking at me as if he cared for me makes me feel not okay but great. I slowly nodded.

"'Wag ka maniwala dyan. Hindi 'yan okay. Kanina pa lutang 'yan." singit nanaman nitong si William.

Tumango naman sa kaniya si Deign. "Have you eaten? Wanna grab some lunch?"

Nanlaki ang mata ko sa kaniya. Lumingon ako kay William at tinitigan siya na parang tinatanong ko siya kung totoo ba 'tong nangyayari pero ang ungas hindi ata nahahalata ang gusto kong iparating kaya poker face lang siya.

"Ah...ano...s-saan ba?"

I promised myself that I am going to hurt myself once I got home. Bakit kailangan ko mautal sa harap niya? Bakit kailangan ganito ako umarte sa harap niya? Bakit mukha akong tanga? I hate it! Damn it.

"O siya sige mauna na ako, hahanapin ko pa ka-date ko." Paalam ni William at tumango na lang ako. 'Di nga, may pumayag na maka-date siya?

Nagpalingon-lingon ako at nakitang wala na halos ang iba naming kaklase. Kaming dalawa na lamang ang natira sa room.

Nabigla rin ako nang kuhain niya ang gamit ko sa upuan at siya mismo ang nagdala...katulad ng dati.

"Ako na," hinila ko ang bag ko sa kaniya pero hinila niya rin ito pabalik. "Ang dami mo ng dala." Mukha kasing may training sila dahil dala pa niya ang gym bag niya.

"Sus. Para namang 'di ko 'to ginagawa dati oh. 'Lika na nga." Hinila na niya ako palabas.

Parang gusto ko maiyak sa paghila niya sa akin. Hindi dahil masakit ang pagkakahila niya kundi na-miss ko 'tong ganito kalapit sa kaniya. Na-miss ko 'yung paghawak niya sa akin. Na-miss ko 'yung pagdala niya ng gamit ko kasi ayaw niyang nahihirapan ako. Na-miss ko siya ng buong-buo.

Hindi ko namalayan na daldal pala siya ang daldal kung hindi pa niya ako sisitahin. Nang mapalingon siya sa akin ay napatigil siya sa paglakad at hinarap ako.

"Oh ba't ka umiiyak?"

Nataranta ako at pupunasan na sana ang pisngi ko pero naunahan niya ako. Siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko.

"Ba't ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masakit ba ulo mo?"

I shook my head. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad na inakap siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Masaya lang ako. Sobrang saya ko na kasama kita."

Mahigpit ang naging yakap niya sa akin pabalik na siyang mas nagpagaan sa loob ko. "Ako rin, Gia."

Kumain kami sa isang fastfood chain na 'di kalayuan sa school. He was busy staring at me while I am busy getting uneasy with it.

"Stop it." I warned.

"What?" He grinned. It's obvious how he really loves teasing me.

"Stop staring. You're making me feel uncomfortable." I took a sip of my red iced tea.

He chuckled. "But I love making you uncomfortable."

I glared at him. "Jerk."

Pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin nang nakangiti. Hindi naman ako makakain sa ginagawa niya. Para bang gusto ko na lang din tumitig sa kaniya tulad ng ginagawa niya pero sa palagay ko ay may mas dapat ako unahing gawin.

"Uh, Deign. May mga gusto akong sabihin sa'yo."

Bigla naman siyang umiling. "Ayokong pag-usapan 'yan. Kain lang tayo ha? Pakabusog ka." He smiled like a kid.

At tumigil na rin siya sa pagtitig sa akin at pinansin din ang pagkaing kanina pa nasa tapat niya.

"Pero kasi Deign I want you to know everything. I want to explain."

He shook his head again. "Try mo 'to." Naghiwa siya sa steak na order niya at itinapat sa akin.

"Can you plea-..." hindi ako natapos dahil agad niyang isinubo sa bibig ko ang pagkain. Hanggang ngayon ganiyan pa rin siya. 'Pag ayaw niya, ayaw niya.

I just sighed and ate with him. We wasted our time eating and him staring at me then he'll laugh as if there's something funny, which I found offensive.

"Tinatawanan mo ba ako?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka ng hangover?"

Nanlaki ang mga mata ko. "P-paano mo nalaman?" I gasped. "Sinumbong ba ako ni Tanya?" I gasped again. "Oo nga pala, ano kayo ni Tanya?"

Pero teka alam niya talaga? Puno na ako ng kahihiyan ngayong araw na 'to. Hindi ko na kaya. Gusto ko na lang umuwi at matulog at isiping isang nakakahiyang panaginip lang ang lahat. Bakit ba kasi wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi?

He pouted. "Edi tao."

I bit my lower lip to control my anger. "Ayusin mo, Deign."

Umiling lang siya at ngumiti. Tignan mo 'tong isang 'to. Balak niya lang talaga akong pikunin kaya wala akong makuhang matinong sagot sa kaniya.

Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami sa campus dahil siya ay may training at ako naman ay may pasok pa. Tinanong din niya kung may sundo ako at sinabi ko naman ang naging kundisyon ni Kuya sa akin dahil sa pag-inom ko kagabi at tinawanan niya ako, ugh.

It was a well spent night.

Kidding. It was like one of the most boring moment of my life. Pagkauwi kasi namin ni Phillip, wala 'yung mga pamangkin namin. Ando'n sila sa bahay ng Tita ni Ate Alex, may family gathering ata.

Kumatok ako sa kwarto ni Phillip at pinalayas lang din niya ako dahil ayaw daw niya ng maingay habang naglalaro siya. Edi siya na busy, hmp.

Naisip kong tawagan si Deign pero malamang pagod 'yon, hayaan ko na muna siyang makapagpahinga. Nag-scroll ako sa phonebook ko kung sinong magandang istorbohin at nakita ko ang pangalan ni Hari. So I called my dad.

Agad naman niyang sinagot. "Wala akong pera, anak. Pasensiya na."

I instantly laughed. It was a good decision to call him. "Gusto ko lang mangamusta, OA ka 'Pa."

"Ah. Okay naman kami. Si Mama mo eto busy magbasa ng libro. Ako busy manood. Kayo diyan?"

"Si Phillip naglalaro tapos sila Kuya po wala eh may family gathering daw po sa side ni Ate Alex."

Nag-kwentuhan kami tungkol sa pinapanood niya at wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa. I am such a lucky girl to have a father like him.

"So kumusta kayo ni Deign?" He suddenly asked a random question.

I sighed. "We're good. Actually, nilibre niya ako ng lunch kanina."

"Aba mabuti. Sapukin ko siya kung ikaw pa nanlibre sa kaniya eh."

"Wala namang masama kung ako manlibre ah?"

"Ang yaman-yaman niya kaya. Pero paano kayo nagka-ayos?"

I smiled. "I actually don't know. At first, he was really cold then out of the blue he smiled at me then boom kinakausap na niya ako without us talking about what happened to us. Weird 'no, 'Pa?"

I heard him sigh. "Mas maganda pa ring mapag-usapan ang mga bagay-bagay. Let him know what you felt and your whys."

Upon hearing that from Papa, it felt like I should believe him. Hindi ako nagsayang ng oras. Agad akong nagpalit ng damit—simpleng t-shirt lang at pants. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nagmaneho papunta sa bahay nila Deign.

Matagal-tagal din akong hindi nakapunta sa kanila pero pamilyar pa rin ang daan. Nakapasok na ako sa subdivision nila nang maisip kong tawagan siya para malaman niyang papunta ako sa kanila. Pero hindi siya sumagot sa mga tawag ko. Kumunot ang noo ko dahil do'n. Pero hindi naman iyon naging dahilan para bumalik na lang ako sa amin.

Nang malapit na ako sa tapat ng bahay nila ay pansin kong may dalawang van na nakaparada sa harap. May mga bisita sila? Kaya ba hindi niya sinasagot ang mga tawag ko eh dahil sa may bisita sila?

Bumaba ako ng sasakyan at nang makalapit ako sa gate ay nagulat ako na naiwan itong nakabukas kaya pumasok na lang din ako. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ng bahay nila ay nakita ko sa bintana ang mga nangyayari sa loob.

May mga lalaking may takip ang mukha at tinututukan ng baril ang buong angkan nila Deign. Shit. Teka, anong gagawin ko? Paano kung may mangyaring masama sa kanila? Sino ba 'tong mga pesteng 'to?

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at naghanap ng pulis na matatawagan pero punyeta wala pala akong kilala na pulis. From now on, dapat mayroon na akong number ng pulis para in case of situation like this.

Naisip kong tawagan si Kuya dahil alam kong may kakilala siya. Mabilis kong sinabi ang nakikita ko ngayon at kung ano ang address nila Deign. Tatawagan daw ni Kuya 'yung kakilala niya at may tinext din siyang number sa akin na puwede kong tawagan.

Palabas na sana ako ng bahay nang marinig ko ang sigawan sa loob. Napabalik ako sa puwesto ko at nakita kong nakahandusay sa sahig ang dalawang pinsang lalaki ni Deign. Habang siya ay nakaharang sa lola niya.

Nagpalingon-lingon ako at naghanap ng pupuwede kong gamitin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto. Narinig ko ang pagsigaw nung isang lalaki at nang sumilip ako ay nakita kong tinututukan niya ng baril si Deign.

"Ano, magsalita kayo. Na saan ang Tito niyo?"

"Pabayaan niyo na ang mga apo ko. Wala silang kinalaman sa mga sinasabi mo." Sabi ni Lola pero umiling lang siya.

"Sabihin niyo na kasi para walang masaktan."

"Hindi nga namin alam!" pabalang na sagot ni Deign.

Tumawa ang lalaki na mukhang lider ng mga epal na ito. "Hindi alam? Ha, edi alamin natin. Hinila niya si Cassy at hinanap ang cellphone nito at nang maagaw niya ay ginamit nila ito pantawag kay Sen. Hidalgo.

"Hello, Tito..." umiiyak na sabi ni Cassy. "Tito...tulungan mo kami, Tito."

Inagaw iyon ng lalaki at kinausap ang Tito nila. "Senator! Kumusta? Ay nako, 'wag ka mag-alala nasa mabuting kalagayan silang lahat. Gusto ko lang naman na magpakita ka rito na dala ang milyones ko. Kundi...ubos lahat ng pamangkin mo at bye-bye na rin sa nanay mo."

Tangna naman, na saan na ba 'yung pulis na tinawagan ko.

Alam kong protective si Deign sa lola niya kaya hindi na ako nagulat nang pumalag siya. "'Wag niyo ng idamay ang lola namin. Pati ba naman matanda papatulan niyo?"

"Hoy. Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka."

"Eh sumusobra ka na eh!"

Sumakit naman ang tainga ko nang sumigaw ang isang 'to. "Gusto mo ba talagang makita kung paano ako sumobra? Ha?"

Bigla niyang hinila si Deign at itinulak sa sahig. Tinutok niya ang baril dito at kinasa. "Ayoko lang naman ng iniinis ako eh pero kanina ka pa kasi eh. Pakita ko lang sa'yo kung paano ako magpatahimik ha?"

Nanlaki ang mata ko at hindi puwedeng barilin niya ang lalaking mahal ko! Hindi puwede! Agad akong sumugod sa kaniya at pinagpupukpok ko siya gamit ang kahoy na nakita ko sa may garahe.

"Walang hiya ka! Hindi mo siya puwedeng saktan!"

"Gia!" pagsigaw ni Deign sa pangalan ko. Oo, Deign, wait lang igaganti lang kita dito sa epal na 'to.

Pinagmumura ko ang lalaki habang pinupukpok pero nahila ako ng ibang kasamahan niya.

"At sino ka namang babae ka ha?"

"Wala kang paki! Laki-laki mong tao pero hunghang ka! Pangit! Epal!"

Lumapit siya sa akin habang hawak-hawak ako sa magkabilang braso ng mga kasama niya. Hinawakan niya ng mariin ang magkabilang pisngi ko. "Girlfriend ka ba no'n?"

Mas nainis ako sa sinabi niya. "Ex niya ako! At nakikipagbalikan pa nga ako sa kaniya tapos balak mo pang patayin! You moron! You're such a big douche! Get your ass off here because..." wala akong maisip na dahilan. "Just because!"

Tumawa siya ng malakas. "Eh siraulo ka pala eh! Babae pa talaga nakikipagbalikan? Oh c'mon, hindi ka na mahal niyan kaya ka iniwan! 'Wag ka na umasa!"

Sa inis ko sa kaniya ay sinipa ko siya sa ibaba nang hindi niya inaasahan. At doon naka-tiyempo ang mga pinsang lalaki ni Deign para saktan ang mga nangho-hostage sa kanila. Nabitawan din nila ako pero agad na naka-recover ang lider nila kaya agad siyang nakabawi ng sampal sa akin.

Naiyak na lang ako sa sakit ng sampal niya. Nasalo ako ni Cassy nang kamuntikan na akong matumba.

"Tangina mo!" rinig kong sigaw ni Deign at sinapak ang lalaking nanakit sa akin.

Nag-aagawan sila ngayong dalawa sa baril at napasinghap ako nang may pumutok na baril. Nanigas ang katawan ko at hindi ko alam ang gagawin ko. H-hindi naman siguro si Deign...hindi naman siguro siya ang nabaril.

Maya-maya ay tumumba ang hostage taker na may tama sa likod. Dumating na pala ang mga pulis. Kinuha na nila ang mga epal na iyon at sumama naman ang ilang pinsan ni Deign para magbigay ng testamento.

Hindi naalis kay Deign ang tingin ko para masiguro kong ayos lang siya. Una niyang nilapitan ang lola niya at nakahinga siya ng maluwag nang sabihin nitong ayos lamang siya. Sunod ay sa akin siya tumingin. Naka-ilang hakbang lang siya at nahila na agad niya ako para yakapin.

"Don't ever do that again, okay?"

"But I don't wanna stand there and watch you die."

Ramdam ko ang sunod-sunod na buntong hininga niya. "Kinabahan ako sa'yo eh."

"Sorry."

Inakap niya lang ako ng sobrang higpit na tila ayaw niya akong pakawalan. Pero hindi pa rin ako nakatakas sa ibang pinsan niyang inis pa rin sa akin hanggang ngayon.

"Pabida ka rin talaga kahit kailan, ano?"

Lumayo sa akin si Deign at tumingin sa pinsan niya. "Pwede ba, si Gia na tumulong sa'tin eh."

"Deign, akala ko pa naman natuto ka na. Hanggang ngayon ba bulag ka pa rin pagdating sa kaniya? I've told you this before and I am telling you this again, stop bullshitting each other. Ginawa ka niyang kabit at naging kahiya-hiya ka sa paningin ng lahat. Pwede ba, kahit konti lang bigyan mo naman ng awa ang sarili mo."

With that, they went upstairs while supporting their grandma.

It breaks my heart to hear it again. Parang sariwang-sariwa pa 'yung sakit at nasugatan muli nang marinig ko iyon.

Naiwan kami ni Deign sa magulo nilang sala at sa magulo naming sitwasyon.

Nagpaalam siya na kukuha lamang siya ng maiinom at nang bumalik siya ay may dala na rin siyang tubig para sa akin.

"I was just about to tell you everything pero iba ang naabutan ko." I started.

"Thank you sa pagtulong sa'min."

I nodded. "Lahat naman gagawin ko para sa'yo eh."

"Sorry for being cold. Sorry for ignoring you a lot of times. I swear, 'di ko ginusto 'yon, sinubukan ko lang dahil 'yon ang sabi nila sa'kin. Kasi nakinig ako sa kanila. Kasi sabi nila 'pag nakaganti ako gagaan ang loob ko pero hindi eh. Mas bumibigat, mas sumasakit 'pag nakikita kitang nahihirapan, nasasaktan."

Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko at nanatiling tikom ang bibig ko dahil gusto ko munang marinig 'yung side niya.

"I've been a jerk, yes. I don't know if getting hurt was a valid reason but Gia 'yon lang kasi 'yung naisip ko eh. Actually, sila na 'yung nag-isip para sa akin kasi gulong-gulo ang utak ko noong mga panahon na 'yon." I saw tears forming in his eyes. "Alam ko namang may kasalanan din ako pero Gia...minahal naman kita ng sobra-sobra 'di ba? Ginawa ko naman lahat para sa'yo. Ang sakit lang kasi na lagi na lang akong pangalawa sa bawat desisyon na gagawin mo. Laging si Gavin ang uunahin mo kasi nasaktan mo siya. Laging kailangan bumawi kay Gavin kasi siya 'yung naagrabiyado.

"Gusto ko lang naman maramdaman na minsan ako rin pala, ako rin pala 'yung uunahin mo kasi ako 'yung mahal mo. Gusto ko lang naman maramdaman na..." I went near him and this time, ako naman 'yung nagpunas ng luha niya. "Ako lang, walang iba. Na ako lang 'yung mahal mo. Ako lang 'yung gusto mo. Ako 'yung iniisip mo. Kasi Gia, oo selfish ako eh, gusto ko akin ka lang."

I gave him a peck on the lips. "I'm sorry. I don't know if my explanation would lessen the pain but please let me?"

He shook his head. "I don't need any of your explanation, Gia. I just need you to love me, only me with full of acceptance, sincerity and honesty."

Inakap niya ako ng sobrang higpit at ganoon din naman ang ginawa ko. Wala akong ibang pinakinggan kundi ang pagtibok ng puso niya. Ayaw ko na siyang pakawalan. Ayaw ko ng kumawala sa yakap na 'to kasi hindi ako sigurado kung magkakaroon pa ba ito ng kasunod matapos ang pangyayaring ito.

Ayaw ko man pero lumayo kami sa isa't isa nang dumating ang Tito niya. Nag-aalala itong umakyat para harapin ang mga pinsan niya at ang lola nila. Hinayaan na lang namin sila at ang mga pulis na mag-imbestiga at magbantay sa paligid ng bahay nila.

Ipinilit niya na ihahatid niya ako. Siya ang nagmaneho ng sasakyan ko at magka-cab na lang siya pauwi. Buong biyahe ay nakayakap lang ako sa braso niya habang nagmamaneho siya at pinapakinggan namin ang paborito niyang kanta, Gravity.

Akala ko hindi ko na muling gugustuhin na marinig muli ang kantang iyon pero dahil ngayong katabi ko siya at hagkan siya, pakiramdam ko magiging paborito ko na rin ang kantang ito.

Wala mang kasiguraduhan kung ano na kami ngayon, masaya na ako na alam kong ako pa rin pala. Ako pa rin ang mahal niya. Iyon lang ay sapat na. After everything we've been through, hindi ko na dapat problemahin pa 'yung label. Ang mahalaga, nagkakaintindihan kami at handa kaming mahalin muli ng buo ang isa't isa sa tamang panahon.



***

Sa mga naging handler ni Gavin. Hello! Haha.


2 chapters to go...

Seguir leyendo

También te gustarán

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
Rebel Hearts Por HN🥀

Novela Juvenil

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...