Stand-in Bride

By MelCaraballe

118K 2.9K 98

What if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gust... More

A favor to ask
Here comes the bride
Fair deal
Afraid to fly, afraid to fall
Hello Romantic Paris
Ma femme, ma jolie femme
Start of something new
Blame it on the wine
If it's that easy to forget
Kung alam lang nila
A visit to Tagaytay
When the feeling gets too comfortable
Are you happy?
At the clubhouse
The look in your eyes
Kurot sa puso
The show ends here
Moving on
Questions and concerns

Honeymoon?

6.3K 153 2
By MelCaraballe


"Let's just kill the mood before it gets any tougher," aniyang ini-on ang ilaw at lumapit sa kama. Sinimulan na niyang tanggalin ang bedsheet na may mga rose petals.

"Sa couch na ako matutulog," maagap na sabi ko.

"Are you sure?" nilingon niya ako, parang ayaw pang maniwala.

"Yeah. Mas maliit ako kaya mas kasya ako sa couch. Ikaw na diyan sa bed," naupo na ako sa sofa at inipon ang mga throw pillows sa dulo.

Nagkibit-balikat na lamang siya saka pumasok ng banyo dala-dala ang binalumbon niyang bedsheet. Hindi naglipat sandali, muli siyang sumungaw sa pinto ng banyo.

"I'm taking a bath, wanna join?"

"What?! No way!" napausog pa ako sa kinauupuan ko.

Tumawa lang siya at umiiling na isinara ang pinto. Mayamaya pa, lumagaslas na ang tubig mula sa shower.

Grabe talaga ang lalaking ito! Anong akala niya sa akin?

Tumayo ako at pinatay ang ibang mga scented candles. Isa lang ang itinira ko, gusto ko kasi ang bango nito. Nakakarelax.

Ngunit nang makita ko ang sariling reflection sa salamin, nawala ang aking pagiging relaxed. Napabuntong-hininga ako na tinitigan ang babaeng nasa salamin. Kamukha talaga siya ni Celeste. Kahit siguro si Nanay, hindi ako makikilala kung kaharap ko siya ngayon.

Tinanggal ko ang veil sa ulo ko at sinuklay ang aking buhok. I really need a bath, pero wala akong damit.

"I'm done. You're next," lumabas na ng banyo si Dominique, kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok. Nakasuot siya ng puting robe.

Hindi pala 'yon shoulder padding lang...

"Hey, you should take a bath," sabay binato pa niya ako ng basang tuwalya.

"Eeekk!! Ano ba!"

Ngunit lalo lang akong nainis nang pagtawanan niya ako.

"Wala akong damit," napayuko ako at wala sa sariling tinupi ang tuwalya kahit medyo basa pa 'yon.

"Wear a robe," pasimpleng suggestion niya.

"What about..." natigilan din ako. Paano ko sasabihing wala rin akong dalang extra undies?

Nagtaas siya ng kilay, hinihintay ang karugtong ng sinasabi ko.

"What about tomorrow?" nasabi ko na lang.

"You're blushing," natatawang puna niya na lalong nagpaasar sa akin.

Binalumbon ko ang towel at ibinato nang malakas sa kanya. Nasalo naman niya agad, sayang.

"Chill! I'll call somebody downstairs to take care of that," aniyang kinuha ang cellphone niya.

Naupo na lang ako sa sofa at nakinig.

"Yeah... Can you please bring some gifts up here? Those that are obviously clothes for her... Yeah... That's it... Thanks..."

Well, okay naman pala siya. Hindi naman pala siya kagaya ng iniisip ko.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang doorbell. Tuwang-tuwa na sinalubong ko ang babaeng may dalang mga paper bags na may mga ribbons pa. Agad naman itong umalis matapos kong pasalamatan.

Kating-kati na akong maligo kaya inilapag ko sa kama ang mga bags at isa-isang binuksan...

See-through na nightgown? Lacy lingerie na halos wala namang kayang takpan? Chewable underwears?

"Ano 'to?" napahiyaw ako sa sindak.

Ngunit nakangiti lang siya habang naka-cross-arm at nakasandal sa dingding. Pinapanood lang niya ang reaction ko upang mapagtawanan.

"Ikaw ang magsuot niyan," ibinato ko sa kanya ang mga mahalay na kasuotang 'yon.

"Oh, man! I thought I could see something spectacular tonight," reklamo niyang pinulot ang mga undies at lingerie na hindi niya nasalo.

"In your dreams! Magwi-wedding gown akong matutulog," inis na sabi ko. Padabog akong pumunta ng banyo.

"You don't have to," awat niya sa akin.

Napalingon naman ako at saglit na napatanga nang hilahin niya mula sa isang tabi ang pink na trolley bag na kilalang-kilala ko...

"This is Celeste's bag. Just help yourself," wika pa niya.

For a moment, I just stood there staring at the bag. I felt relieved, pero parang gusto ko ring umiyak sa galit at the same time. Bakit ba niya ako pinaglalaruan?

Tahimik na nilapitan ko ang bag at kinuha. Ayoko nang magsalita, nakakapagod. Hinila ko na lang ang bag papuntang banyo.

"Hey, I'm sorry," sinundan niya ako hanggang pinto.

"Binabawi ko na ang sinabi kong mabait ka! I hate you!" inis na sigaw ko sa kanya bago ko ibinalibag ng malakas ang pinto. Hinampas ko pa ang doorknob para i-lock.

Nagpupuyos sa galit na tinitigan ko ang sariling reflection sa salamin. Pagdaka'y hinubad ko na ang suot kong gown at bumaling na sa shower, nang mapansin kong puno ng rose petals ang bathtub. Nilapitan ko 'yon at wala sa sariling isinalok ang kamay ko sa mga lumulutang na rose petals.

Maligamgam ang tubig, at ang bango. It seems relaxing... parang gusto kong lumublob. So dito niya ibinuhos ang mga rose petals na galing sa kama?

"Hon, you can use the bath. I made it for you!" pagtatawag niya mula sa likod ng pinto.

Hon mo mukha mo!

"Ginamit mo yata 'to eh," sagot ko naman.

"No, I didn't. I don't like using a bathtub when I'm alone," may laman pang sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin. Nag-shower na muna ako upang matanggal lahat ng make-up at foundation na inilagay sa akin ni Patty. Matapos kong mag-shower, lumublob na nga ako sa bathtub at nag-relax.

Ewan kung gaano ako katagal do'n. Nang pakiramdam ko'y para na 'kong makakatulog sa tub, umahon na ako at tinuyo ang sarili. Isinuot ko ang pink sweatshirt ni Celeste at pinartneran ng pink din na pajamas. Ang lamig ng kwarto, hindi ako sanay sa aircon.

Nakadapa na sa kama si Dominique paglabas ko ng banyo. Nakatulog na siguro, mabuti naman. Marahan akong naglakad papunta sa couch at pumuwesto na.

"Hey, are you sure you don't want to jump on me?" muntik na akong mapatalon sa tanong niya.

"Excuse me?"

"Nevermind, let's just sleep," he murmured, burying his face on the bed again.

Ginamit ko nang pangkumot ang comforter na galing sa kama. Nakatupi 'yon ng maayos at nakasampay sa sofa. Si Dominique mukhang hindi naman nilalamig. Shorts lang ang suot niya, walang pang-itaas at paa lang niya ang may kumot. Sanay nga siguro siya sa lamig.

Pinilit kong matulog pero nahirapan akong makatulog ng maayos. Hindi dahil sa couch, kundi dahil may kasama akong lalaki sa loob ng kwarto. Paano kung gapangin ako nito?




"Wakey-wakey!"

Agad akong napadilat at napaupo.

"Sorry! Did I startle you?" aniyang napaatras.

Nasapo ko ang noo ko. Tinanghali ako ng gising. Hindi talaga ako nakatulog ng maayos buong gabi. Mag-uumaga na nang mapahimbing ako.

"Breakfast is here. Gotta grab it before it goes cold. If there's something else you want, we'll just make a call," aniyang tinungo ang food tray na de-gulong at binuksan ang mga nakatakip na pagkain.

Tumayo ako at tinanaw kung anong pagkain ang naro'n.

"Okay na 'yan, salamat. Hindi naman ako maselan. Banyo lang ako," iniwan ko na siyang nakatingin lang.

Hmm... mukhang mabait siya ngayon. Still, I can't trust him. Baka kung anong kalokohan na naman ang maisip nito upang may mapagtawanan lang.

Paglabas ko ng banyo, agad siyang tumayo mula sa harap ng kanyang laptop. Nakasuot siya ng light blue na sando at gray na jogging pants. Lalo siyang nagmukhang nakakatakot.

"Your phone rang when you were in the bath," wika niyang itinuro ang phone kong nasa couch pa rin.

Agad kong tiningnan kung sino ang tumawag... si Christine, ang kasama ko sa trabaho!

"Oh my! Late na ako sa work! I have to go! Absent pa naman ako kahapon," nagpa-panic na babalik sana ako ulit sa banyo upang magbihis.

"Whoah! Hold it right there!"

"At bakit?" nagtatakang napalingon ako.

"You're not going back to work," aniyang lumapit sa akin. At mukha siyang seryoso.

"And why is that?" nameywang na ako.

"Because in three hours, we're going to the airport for our trip to Paris."

Napanganga ako. Paris?

"Two weeks honeymoon in Paris," simpleng wika niya na hindi inalis ang mga titig sa akin.

"No! Paano ang work ko?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Email them your resignation letter now," inakbayan niya ako at pinaikot paharap sa kanyang laptop.

"Are you out of your mind? Hindi ako pwedeng mag-resign! Paano ang mga kapatid ko? Nag-aaral pa sila!"

'Don't you still get it? I'm your new boss! I will take care of your brothers and sister in Quezon. I will send the usual amount to your mother's bank account every fifteenth and thirtieth. So you don't have to worry about anything," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. I've never seen him this intimidating before.

"Teka lang... Bakit parang ang dami mong alam tungkol sa akin? Pangalan ko, pamilya ko, lugar namin..." nakakaramdam na talaga ako ng takot.

Waring natauhan, binitiwan niya ako.

"I'm sorry. When Celeste told me you're her bestfriend and that you're always with her, I felt like I had to do some checking. I want to know what kind of people my wife hangs out with."

"Ah, siguro nawalan ka ng tiwala nang malaman mong hindi ako mayaman kaya pinaimbestigahan mo kung isa ba akong gold-digger. Gano'n ba?" inis na naman ako.

"No, that's not it. I just wanted to know if I can sell you things," umiwas siya ng tingin.

"You're unbelievable!"

"Why don't we eat? The foods are getting colder," aniyang binuksan na ang mga natatakpang pagkain.

Ayoko pa sanang kumain dahil sa inis. Ngunit kinalabit na ng bango ng crab omelet ang ilong ko at sinang-ayunan naman agad ng tiyan ko.

Mamaya, magpapasa ako ng resignation letter pagkatapos kong kumain. Tatawagan ko na rin si Christine at sasabihin kong nakakita ako ng bagong trabaho. Tatawagan ko rin si Nanay at magtatahi na lang ako ng kasinungalingan tungkol sa bago kong trabaho.

Continue Reading

You'll Also Like

154K 2.9K 78
He's depressed and she's drunk. Fire Henderson was forced to leave his girlfriend and marry someone whom he doesn't love. Because of that One Night...
24.1K 294 29
Uno Series No. 01 Date Started: April 21, 2018 Date Finished: May 25, 2018 [ cover was taken from unsplash ]
138K 850 7
BETWEEN YOU AND HIM Iisa lang ang ating puso... pero bakit nagiging dalawa ang minamahal nito? BOYXBOY ROMANCE NOVEL A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL BOYX...
84.9K 2.2K 76
Maganda, matalino at mayaman. Ganoon kung ilarawan ng karamihan lalo na sa Business Industry si Clariza Estebas. Siya ang CEO ng Estebas Beauty Cosme...