Hi dear friend! para sayo ang chapter na 'to, salamat sa pagbabasa @GyradineStaMaria. Godspeed! mwa!
Behind every beautiful thing, there is some kind of pain.
PREVIEW:
Patay na po.
Chapter 51: Mali ka!
Mike's POV:
Nagmamadali kong tinungo ang reception area ng ospital, halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako, sana okay lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanya! Hindi ko kaya!
May tumawag kasi sakin kanina isang traffic enforcer, naaksidente daw ang mahal ko. Hindi ko na tinapos ang sinasabi nya kanina basta ng marinig kong dinala sya sa Jaime's hospital pinatay ko na agad ang tawag.
"Miss where is Gabril Tan?" humahangos na tanong ko sa nurse sa reception area
Nakatulala lang sya sakin, hindi ko alam kung bakit, wala akong oras makipagtinginan kaya hindi ko inaasahan ang pagtaas ng boses ko. "Excuse me! where is Gabril Tan?!!" I'm out of my patience, pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras, gusto ko ng makita si Gab, kinakabahan ako! natatakot na baka kung ano ang manyari sakanya.
"Ah.. e.." she's searching for words
"WHAT???!!!" I yell. nagulat sya sa pagsigaw ko, taranta syang naghanap sa computer at sa log book. "Sir wala po kaming pasyente na Gabril Tan ang pangalan" sabi nya
"Hanapin mo ulit! Hindi pwedeng wala!" utos ko. Lumapit ang isa pang nurse, pinatabi nya ang isa at sya na ang naghanap.
"Sir wala po talagang Gabril Tan kaming pasyente dito," Naiinis na talaga ako! nawawalan na ako ng pasensya!
"Gabril Luis Amadeous lang po" lumiwanag ang mukha ko ng marinig ko ang sinabi nya
"What room??!!" sigaw ko. "Room no. 306 po" pagkarinig ko nun agad na akong tumakbo, "Sir. 3rd floor po" sumakay ako ng elevator at pinindot ko ang third level. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tangina!
Nasa third floor na ako, agad kong hinanap ang room 306, malaki ang ospital kaya medyo nahihirapan akong hanapin ang kwartong yun.
311
310
309
308
307
"Ayun 306!" malayo pa lang ako natanaw ko na ang kwarto kung nasaan si Gab, patakbo akong lumapit doon, walang katok katok kong binuksan ang pinto
"Gab? Gab nasaan ka?"
Bullshit! walang tao!
"Gab!"
Wala sa cr! wala sa kama! Gabril nasaan ka na?
"Ah sir wala pong tao dyan" napalingon ako sa may pinto, isang lalaking nurse ang nagsalita.
"Nasaan sya?!!"
"Patay na po" biglang bumagsak ang balikat ko, pakiramdam ko pati ang mundo ko gumuho.
"Patay na po"
"Patay na po"
"Sabihin mo saking mali ang narinig ko!" hinawakan ko ang damit nya, "Tek-taka po sir, totoo po ang sinasabi ko"
"Hindi yan totoo! nasaan na ba si Gabril????!!!!" hawak ko pa din ang kwelyo ng damit nya, napalunok sya
"Hindi po si ma'am Gabril ang nandyan, si sir Dave po" nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko, pati ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya ay lumuwag din
"Na-sa-an si Gabril?" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Si ma'am Gabril Amadeous po? nasa kabilang kwarto sya" tangina talaga! nagmamadali akong nagtungo sa kabilang kwarto. Pagbukas ko ng pinto si Gab agad ang nakita ko.
Pakiramdam ko nabuo muli ang pagkatao ko.
"Gab ano'ng nangyari sayo? kamusta ka? okay ka lang ba? may masakit ba sayo? ano?" sa dami ng tanong ko kahit isa wala syang sinagot.
"What happened to you Gabril? nagalala talaga ako sayo" niyakap ko sya ng mahigpit pero hindi sya gumanti sa yakap na yun
Anong bang problema nya?
Wala naman akong nakikitang sugat sa katawan nya, walang pasa o kahit na anong indikasyon na nasaktan sya
"Gab bakit?" nakatulala lang sya, walang salitang lumalabas sa bibig nya
"May masakit ba sayo Gab? saan? sabihin mo, gagamutin ko" nung sinabi ko yun bigla na lang pumatak ang luha nya. Nagsimula na akong mataranta dahil sa pag iyak nya. Ayaw ko talagang nakikita syang umiiyak, ayaw kong nakikitang may luha sa mga mata nya.
"Gabril sabihin mo sakin kung anong problema, makikinig ako. Nakikiusap ako sayo tahan na mahal ko"
Hinawakan ko ang kamay nya pero inalis nya iyon, niyakap ko sya pero hindi sya gumanti sa yakap ko, kinakausap ko sya pero parang wala syang naririnig, tinatanong ko sya pero hindi sya sumasagot.
Ano bang nangyayari sayo mahal ko? nalulungkot na ako :[
"Mahal kita Gab, pakiusap 'wag ka ng umiyak" inaalo ko sya pero habang ginagawa ko yun mas lalong lumalakas ang pag iyak nya
"Tinatanong mo ako kung anong masakit sakin? ha?" nagulat ako sa sinabi nya. Umiiyak sya, humahagulgol, pero wala akong magawa kundi ang pakinggan sya
"Eto ang masakit!" sabi nya sabay turo sa dibdib nya, sa parteng puso "Ang sakit sakit Mike! pinagmukha mo akong tanga!" teka, ano bang sinasabi nya?
"Kaya mo bang gamutin ha?!"
"Tama na Gab, tama na" sinubukan ko syang yakapin pero umiwas sya.
"Umalis ka na" matigas na sabi nya. Napaatras ako sa sinabi nya, si Gab ba talaga 'to? sya ba talaga ang nagsabi nun? sya ba talaga ang kaharap ko ngayon?
Ano'ng nangyari? bakit bigla syang nagbago?
"Gab bakit?"
"Dahil ayaw na kitang makita" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko bumagsak na sakin ang mundo. Ano'ng nangyari? ano'ng ginawa ko?
"Bakit Gab? ano'ng ginawa ko?" yun lang ang nasabi ko. Nabigla ako sa sinabi nya dahilan para hindi ako makapagisip ng matino. Ayaw nya akong makita? pero bakit?
"Liar!" mahina ngunit buong galit na sabi nya. Ako? sinungaling? ano bang sinabi kong kasinungalingan?
"Bakit mahal ko? may nagawa ba ako?" sinubukan kong ibaba ang pride ko para suyuin sya kaso hindi ko lang talaga maintindihan ang mga sinasabi nya sakin
"Mahal? ako mahal mo? tama na Mike, 'wag mo na akong lokohin, ang sakit e. Ang sakit sakit" patuloy sya sa pagiyak habang gulong gulo pa din ako sa mga sinasabi nya. Lumapit ako sakanya, niyakap ko sya ng mahigpit kahit nagpupumiglas sya.
"Mahal kita Gab, mahal na mahal kita, patawarin mo ako kung nasaktan kita, hindi ko yun sinasadya.. Mahal na mahal kita Gabril" naramdaman kong tumigil sya sa paggalaw. Hindi ko alam kung ano ang binibintang nya sakin o kung ano ang kasalanan ko, basta humingi na lang ako ng tawad. Ayoko ng lumala pa 'to, ayoko ng umiyak pa sya
"Nasasaktan ako *hik* nasasaktan mo ako" mahinang sabi nya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya, totoo ang sinabi kong mahal ko sya, ayaw ko syang mawala.. Hindi ko kaya!
"Tama na Gab, 'wag ka ng umiyak pakiusap"
"Paano na *hik* ang baby mo?" nagulat ako sa sinabi nya. Baby? anong baby ang sinasabi nya?
"Ha?" takang tanong ko. Pinunasan nya ang luha nya
"I saw you 9 months ago in this hospital, *hik* with.. with your girl" umiiyak na sabi nya. Napaisip ako sa sinabi nya, may babae ako? bakit hindi ko yata alam yun?
"She's pregnant right? *hik* and you are the father" para akong nabingi dahil sa sinabi nya.
Tama ba ako ng narinig? si Ina ba ang tinutukoy nya? kaya ba sya nagkakaganyan dahil kay Ina?
"Gab stop crying please" hinalikan ko sya sa noo at niyakap. Sa pagkakataong ito hindi na sya pumalag.
Mali sya ng akala, maling mali.
"Mahal kita Gabril Luis, wether you believe it or not, I love you.. I love you so much" hindi ko alam kung bakit pero mas lalo nanaman syang umiyak. yakap nya ang unan na nakasubsob sa mukha nya.
"Uwi na tayo Gab? halika na, 'wag ka ng umiyak"
"You hurt me, and you're expecting me to go home wlth you? No Mike!" haay.. ang hirap palang suyuin ng mahal ko :(
I uplift her chin and look into her eyes seriously, "Gab listen, the girl you saw 9 months ago is my secretary" tinabig nya ang kamay ko at nagiwas ng tingin
"Yeah, she's pregnant,. But I'm not the one who's responsible by that.." bigla syang napalingon sa sinabi ko
"Si Mark, ang pinsan ni Runo, lawyer din sya sa company ko" nagliwanag bigla ang mukha nya
"E bakit magkasama kayo noon?!" ay nako, nagseselos ang mahal ko..
"Because Attorney Mark got a car accident nine months ago, Ina was so scared and I'm the one who helped her, ako ang unang tinawagan ng mga tumulong sakanya ng matagpuan syang walang malay, ako na din ang nagsabi kay Ina kaya magkasama kaming pumunta dito"
"To-too ba yan h-ha?" tumango ako bilang pagsagot.
"Ipapakilala kita sakanila, totoo lahat ng sinabi ko Gab.. Kasama ang sinabi kong mahal kita"
*hik! hik*
Yumuko sya. Kasabay ng pagyuko nya ang pagyugyog ng balikat nya. Umiiyak sya, umiiyak nanaman ang mahal ko =[
"Gab, 'wag ka ng umiyak" niyakap ko sya, at sa pagkakataong yun gumanti din sya ng isang napakahigpit na yakap.
"I'm sorry mylabs! naging nagger ako, huhu I should have asked you! I jump into conclusion not asking if my thinking is true"
"Mahal kita Gab, mahal na mahal kita kahit ganyan ka, kahit selosa ka, kahit makulit ka, mahal na mahal kita talaga"
At dahil sa sinabi ko, muli nanamang bumagsak ang luha nya sa mata.
"Sorry mylabs! huhuhu!"
***
Wala akong masabi, haha ang aga kasi ng Ud ko e, normally after a week pa sana, natuwa kasi ako dun sa nagsabi na namimiss daw nya ako at saka dun sa nagsabi na namimiss nya daw yung mabilis kong pag Ud. Hehe. Salamat sa inyo! mwa!
Vote and comment guys.
Godbless!
- Ms.Hopeless