Aliyah's POV
"Bakit mo ginawa yun?" Hindi sya sumagot. Basta na lang nya ako tinalikuran.
Kinuha ko muna sa dryer ang mga damit ko. I cant believe this! Masyado na akong nasasakal sa kanya.
Paglabas ko ng kwarto nya nakita ko syang may kausap sa phone. Pagtingin nya sa akin binabaan nya yung kausap nya.
"Uuwi na ako." Simpleng sabi ko. Kinuha ko na ang pouch bag ko.
Pero bigla na lang nya hinablot ang braso ko.
"ANO BA?" I yelled at him.
"Wag kang umuwi. Dito ka lang."
Sabi nya na para akong grade school na pinapagalitan ng tatay nya.
"Kailangan ko ng umuwi. Sinira mo pa kasi yung simcard KO." tinanggal ko yung hawak nya sa braso ko. And I stepped back. Nag tiim bagang sya.
b"Anong gusto mo hayaan kitang makipaglandian sa lalaki mo?"
Nagulat ako sa sinabi nya.
"What are you saying? Si Aldrin na naman ba?"
"Oo palagi na lang sya. Kaya pwede ba lumayo ka sa kanya,"
"Why? You know what? You are being un reasonable." Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.
"Simula pa lang akin ka na." Tinulak ko sya.
"Hindi ako laruan para angkinin mo." napatigil sya sa sinabi ko.
"I think wag muna tayong magkita." after I said that. Umalis na ko ng Condo nya.
**********
"Mommy wake up?' Jaypee
"Mommy andyan daddy ko." Arly
"Mimi may mama sa labas sabi nya daddy daw namin sya." Jaypee.
"Daddy ko sya." Arly
"Hindi natin sya daddy. Si Daddy Aldrin lang." Jaypee.
"QUIET." Bumagon agad ako. Nakita ko naman yung dalawa sa tabi ko na nagaaway.
"Ano bang meron?" Tanong ko sa dalawa.
"Meron nga pong mama sa labas. Sabi nya daddy ko din sya. Sino po bang daddy ko? Bakit magkaiba kami ng daddy ni Ate?"
=___=
Ibig sabihin nandito sya. Ang aga aga dyus ku po.
*****
Pumunta na ako sa living room kasama yung dalawa.
"Mommy yung mama andyan na." Jaypee. Nagtago agad sya sa likod ko.
Napakunot noo naman si Harvey. Pwede bang tumawa?
"HAHAHAHAAHA!" :DD Para akong timang ako lang ang tumatawa.
"HINDI AKO MAMA. DADDY MO KO."
"Yoko sayo." Jaypee.
"Daddy ko." Arly. Lumapit naman sya kay harvey agad.
"Ate lumayo ka sa mama. Baka saktan ka ng mama."
Kung kanina natatawa ako ngayon di ko maintindihan nararamdaman ko. Tumingin sa akin si Harvey.
"Im sorry." Pabulong kong sabi.
---------------------------
Salamat sa support po. Naisingit ko lang ito. Nasa ospital kasi ang papa ko. Kaya Busy. Sorry talaga PLEASE UNDERSTAND ME :") Thank you sa lahat ng nag vote and comment sa last chapter,
I miss my normal life. Yung nagbabasa at nagsusulat ng story sa wattpad. I know will be okay. :)