Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 46 ] Minor Accident

35.9K 503 51
By JeraldineTanL

Chapter 46: Minor Accident

"Come on, pick up the phone!" inis na inis na sabi ni Jin.

Kanina niya pa tinatawagan si Marc pero hindi ito sumasagot. Saglit na lang at alam niyang dadating na si Gab sa tinitirhan niya para sunduin siya.

'Of all people, why does it have to be me who will accompany him?! The scene from yesterday made it even worse!'

Kanina pa siya nag-iisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Alam niya na posibleng hindi maganda ang mangyari ngayon dahil sa nangyaring pagtatalo nila kahapon ni Gab. Alam niyang nagalit ito kaya natatakot siya sa posibleng gawin ni Gab sa kanya lalo na at boss niya ito. Alam niya na si Marc lang ang makakatulong sa kanya dahil si Marc din ang may dahilan kung bakit nagalit si Gab.

"Marc! Finally, sinagot mo din."

"Sino ka ba?"

"Hindi mo ako kilala?! Ako ‘to, si Jin."

"Oh, bakit ka napatawag? Kakagising ko lang."

"Ano’ng gagawin ko ngayon, Marc? May lakad kami ni Gab. Three days and two nights ‘yon at kami lang dalawa doon. Maya maya susunduin niya na din ako dito."

"Magpabuntis ka para balikan ka niya."

"'Yong matinong sagot naman, oh? Namomorblema na ako dito tapos nagawa mo pang magbiro  diyan. Akala ko ba tutulungan mo ako?"

"Ituloy lang ang advice ko sa 'yo. Pagseselosin pa din natin siya. Tatawag ako sa 'yo mamaya pag magkasama na kayo. Ge, mamaya ulit. Bye, Jin."

"Teka--"

Bigla siyang binabaan ng phone ni Marc. Nang oras din na ‘yon ay may narinig siyang busina ng sasakyan at alam niya na si Gab na iyon. Huminga siya ng malalim at naglakad palabas.

'Kaya ko 'to. Aarte lang ako na parang walang nangyari,' sabi niya sa sarili niya.

Binuksan niya ang gate ng bahay at binuhat ang bag na dala niya. Nasa labas na ng sasakyan si Gab at kukunin sana ang dala niya pero hindi niya ito ibinigay. Siya mismo ang nagdala ng gamit niya papunta sa backseat ng sasakyan at doon din siya umupo.

"Hindi pa ba tayo aalis, Sir? Malelate tayo kapag bigla tayong na-traffic," sabi ni Jin.

"Lumipat ka dito sa harap. Mukha akong driver mo."

"Sorry po."

Agad na lumipat si Jin ng pwesto. Ayaw niya pa sanang gawin iyon dahil pinipilit niya na iwasan si Gab. Thirty minutes pa lang sila sa byahe ay may natanggap na na tawag si Jin. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Marc.

"Hi, Marc! Good morning!" masiglang bati niya dito.

"Maging sweet ka lang sa 'kin, naiintindihan mo?"

"Okay, mag-iingat ako doon. Thank you, Marc! Kumain ka na ba?"

"Natatawa ako sayo, Jin. Mukha kang ewan dyan."

"Nakakatuwa--"

Bigla na lang pumreno ang sasakyan at muntik na masubsob si Jin. Buti na lang at nagsuot siya ng seatbelt.

"Marc, tawag ka na lang ulit mamaya. Bye!"

"Ge."

Tinapos na ni Jin ang tawag at tumingin siya kay Gab. Nagpaka-cool lang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Ni hindi man lang din ito tumitingin kay Jin.

"May problema po ba, Sir Gab?"

"Wala. Matulog ka na lang. Mahaba pa ang byahe."

"Okay."

Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan si Gab. Hindi nagtagal at napansin niya din na nakatulog na si Jin. Nakapatong sa kandungan ni Jin ang phone niya kaya naman napansin ito ni Gab nang umilaw ito. Dahil traffic sa daan, kinuha ni Gab ang phone nito para tingnan.

From: Marc

Take care, Jin. Text me when you're there so I can call you.

Nainis si Gab sa text ni Marc. Noon pa lang, ayaw niya na lumalapit si Jin kay Marc dahil sa tingin niya ay nagkagusto si Marc kay Jin sa una pa lang nilang pagkikita. Alam niya din kasi na may pagka-babaero ito. Pinatay ni Gab ang phone ni Jin at inilagay sa bulsa ng blazer niya para hindi na nito ma-contact si Jin pansamantala.

Nang dumating sila sa lugar na pupuntahan nila, tulog pa din si Jin. Hindi maiwasan ni Gab na tingnan ito ng natutulog. Hinawakan ni Gab ang balikat ni Jin at ginalaw.

"Gising na, Jin."

Dahan dahan na idinilat ni Jin ang mata niya at umayos ng upo.

"Na-nasaan na tayo?" tanong ni Jin.

"Kanina pa tayo nandito at kanina pa din kita ginigising pero hindi ka magising gising. Nang dahil sa 'yo, late na tayo."

"Sorry."

Nagdrive na ulit si Gab papunta sa lobby ng lugar. Iginilid niya lang kasi ang sasakyan kanina para gisingin si Jin. Pagdating sa lobby, lumabas sila kaagad at ibinigay na ni Gab ang susi sa chauffeur. Kinuha kaagad ng isang lalaki ang mga dala nilang gamit.

"Gab Teppei," sabi ni Gab sa receptionist.

"Sir, kami na po ang bahala na magdala sa room niyo ng mga gamit niyo. Here is the key to your room," sabi sa kanya ng receptionist.

Nilapitan sila kaagad ng isa pang babae.

"Mr. Teppei, it’s good to see you here," sabi sa kanya ng isang babae,

"This is my secretary. Jin." Pagpapakilala ni Gab.

Pagtingin ni Gab kay Jin, hindi ito mapakali at may hinahanap ito sa mga bulsa ng suot niyang damit.

"Jin!" sita ni Gab.

"I-I'm sorry, Sir."

"I want you to meet Anne. Siya ang organizer ng event na ‘to."

Nakipagkamay si Jin kay Anne.

"Do you need anything, Gab? Do you want to take a tour around the place?" tanong ni Anne.

"Mamaya na lang siguro. We will take a rest first. Ang tagal din ng biyahe."

"Alright. If you need anything, just call the reception area at may pupunta kaagad sa room niyo para tulungan kayo. Ipapahatid na lang namin ang snacks sa room niyo."

"Okay. Thank you."

Umalis na doon sina Gab at Jin. Patuloy pa din si Jin sa pagkapa sa damit niya. Alam na ni Gab na ang phone ni Jin ang hinahanap niya at wala siyang plano na ibalik iyon sa kanya.

"Ano ba'ng hinahanap mo?" tanong ni Gab.

"'Yong phone ko, nakita mo ba? Kanina ko pa kasi hinahanap. Hindi kaya naiwan ko sa sasakyan mo? Ang alam ko, hawak ko lang ‘yon kanina."

"Wala akong napansin na phone."

"Samahan mo naman ako sa sasakyan. Titingnan ko lang kung nandoon."

"Sa gamit mo, wala ba?"

"Titingnan ko."

Nang makarating sila sa kwarto nila ay dumating na din kaagad ang mga gamit nila. Agad na hinanap ni Jin sa gamit niya ang phone niya pero wala ito doon. Wala siyang kaalam alam na hawak ni Gab ang phone niya.

"Pahiram ako ng susi sa sasakyan, Gab. Titingnan ko lang doon," sabi ni Gab.

Inabot din naman sa kanya ni Gab ang susi.

"Bilisan mo. Maya maya dadating na dito ang pagkain natin."

"Sige."

Agad na umalis doon si Jin pagkakuha niya ng susi. Nilock din naman kaagad ni Gab ang pinto saka kinuha ang phone ni Jin sa bulsa niya para ilipat ito ng lalagyan. Nilagay niya iyon sa loob ng bag niya para hindi makita ni Jin dahil alam niyang hindi gagalawin ni Jin ang mga gamit niya. Hindi nagtagal at bumalik na din si Jin pero dismayado pa din ito.

"Ano? Nahanap mo ba?" tanong sa kanya ni Gab.

"I can't find it. Are you sure that you don’t know where it is?"

"Gamit mo ‘yon, paano ko malalaman kung nasaan ‘yon? Hindi ko din naman ‘yon itatago sa 'yo. Bakit ba kasi hanap ka ng hanap? May hinihintay ka ba na tawag?"

"Oo. May hinihintay akong importanteng tawag galing kay Marc."

"It is still office hours. Hindi porke't nasa ganito tayong lugar, pwede mo ng gawin ang gusto mo. Trabaho pa din ang ipinunta natin dito."

"Bakit ikaw? Office hours pero kung ano ano ang ginagawa niyo ni Haeja."

"Baka nakakalimutan mo na boss mo ako? Kung ano man ang nangyari sa atin, 'wag mo ‘yon ipasok sa trabaho."

"Fine!"

Naiinis si Gab. Hindi niya mapigilan na magselos kay Marc kaya kinuha niya ang phone ni Jin. Hindi niya alam kung sinasadya na ni Jin na pagselosin siya dahil sa nagawa niya o talagang napapalapit na ang dalawa sa isa’t isa. Ano pa man ang dahilan, ayaw niya na nakikita ito na magkasama o nagkakausap man lang.

Nagsimula na ang team building activity. Alas nuwebe pa lang ng umaga at nasa isang covered court na silang lahat. May mga representative din doon galing sa iba’t ibang kumpanya kasama ang mga sekretarya nila. Hindi nila inaasahan na laro na kagaya ng mga nilalaro ng mga bata ang gagawin nila doon. Ang sabi kasi, team-building activity pero ang mga activities, parlor games lang naman. Ang unang laro ay sack race at nakapwesto na sila ngayon.

"Galingan mo. Ayokong matalo," sabi ni Gab kay Jin.

"Neither do I. Baka nga ikaw pa ang magpatalo sa ating dalawa," sagot ni Jin.

Nang pumito, nagsimula na kaagad ang laro. May ilan pa silang kasama sa grupo nila at sila ang huli. Natutuwa si Jin dahil ngayon lang siya ulit makakapaglaro ng ganito pero kasabay din noon ang pagka-ilang niya kay Gab. Miss na miss niya na si Gab pero tinitiis niya na hindi ito yakapin at magpanggap na okay lang ang lahat dahil kapag ipinahalata niya kay Gab na alam niya ang plano nito ay baka magkagulo ang lahat.

"Tara na, Jin," sabi ni Gab.

Agad silang pumasok sa loob ng sako at nagtatatalon. Dahil sa takot matumba, hindi maiwasan ni Jin na yumakap kay Gab habang tumatalon sila. Sila ang nangunguna kaya naman ginagawa nila ang makakaya nila. Agad silang natapos pero noong natapos na sila ay nawala ang balanse ni Jin sa katawan at natumba siya. Agad na iniharang ni Gab ang kamay niya para hindi mabagok ang ulo ni Jin at sabay silang natumba. Dahil sa sobrang saya ng iba sa pagkapanalo, hindi na nila napansin ang nangyari kina Gab.

"Ah! Shit!" sigaw ni Gab.

"Gab!"

Agad na tinulungan ni Jin si Gab na makatayo. Nakahawak si Gab sa kanang kamay niya dahil sobrang sakit noon. ‘Yon ang ginamit niya na pangtukod para hindi masaktan si Jin.

"Gab, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jin,

"Mukha ba akong okay?" sarcastic na sagot nito.

"Sorry, kasalanan ko ‘to."

"Okay lang. Mas importante ka pa din. Kung sakaling nabagok ka, baka mas malaki pa ang naging problema."

"T-Thank you."

Sinamahan ni Jin si Gab papunta sa clinic. Naghintay lang siya sa labas at hinintay na lumabas doon si Gab. Paglabas ni Gab, may arm sling na siya.

"A-anong nangyari?! Ganun ba talaga kalala 'yan?" tanong ni Jin kay Gab.

Lumabas din naman ang doktor kaya agad siyang nilapitan ni Jin.

"Are you his secretary?" tanong ng doktor.

"Yes, it’s me."

"Mas maganda kung hindi na lang kayo maglalaro sa mga laro na kailangang gumamit ng kamay. Masama ang bagsak niya at asahan niyo din na magkakaroon ng pasa ang braso niya."

"Sige, doc. Thank you."

Nilapitan ni Jin si Gab.

"Paano ba 'yan, Kabs? Mukhang kailangan mo akong pagsilbihan simula ngayon?" nakangiting sinabi ni Gab.

Huminga na lang ng malalim si Jin. Wala naman siyang magagawa dahil siya ang dahilan kung bakit nagkaganun ang kamay ni Gab.

Continue Reading

You'll Also Like

15.9M 280K 53
Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer Buenavista. At ngayong magboyfriend at...
1.9M 126K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
153K 5.4K 48
Crush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag...
41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...