Ako si Mia.

By chocnut

682K 11.2K 2K

"Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia." More

Ako si Mia.
1: 'Lia! Namiss kita!'
2: T for Tanga
3: Feeling close
4: Life's unfair
5: Nang dahil sa isaw
6: Nang dahil sa isaw (Part 2)
7: Deal!
8: Day 1
9: Banat
10: Group 6
Kurt, Alex, Dee, at Ren ♥
11: Lunch
12: Selos
13: By pair
14: Role play
16: Happy Birthday!
17: Waterfight
18: Gusto?
19: Bespren!
20: Masakit
21: Prinsesa
22: Tanga't manhid
23: Bakit?
24: A Father's Love
25: Double Date
26: Sanctuary
27: I really really really like you
28: Salamat
29: Sakit
30: Nurse M
31: Layo
32: Reason
33: One week
34: I don't...
35: The Choice
Love Moves ♡
Kaepalan ni Banban
Special Chapter 1: Good bye
Special Chapter 2: Ligawan 101
Special Chapter 3: Usapang buhok
Special Chapter 4: Ang tatlong itlog
Special Chapter 5: Ang Prinsesa, Prinsepe, at mga Pogi

15: Group date

14.2K 249 39
By chocnut

~Travis~

Ang bilis lang ng pahon, mag-tu-two months na rin pala ako tinutulungan ni Mia. Ngayon, may group date kami na obviously, plano ni Mia. Tinanong ko siya kung bakit group date, sabi niya dapat dahan-dahanin daw. Eh, fair enough. Andito nga pala kami ng tropa sa sala, bigla nga lang sila dumating eh. Wala naman na yun sa akin kasi sanay na rin ako.


"Ano na, may date na ba kayo?" Tanong ni Lex.

"Naman!" Sabay na sagot nila Dee, Ren, at Kurt.

"Sino date mo Dee?" Tanong ko.

Ngumiti siya, "Si Sophie, yung taga-4A. Kaklase yun ni Lia." Sagot niya.

Napa-ahh naman kaming lahat. "Eh ikaw Lex, sino date mo?" Tanong ni Ren.

"Si Landra ng class 4C." Sagot niya, "Eh ikaw Ren, sino date mo?" Tanong niya.

"Si Arni ng 4C." Tumingin siya kay Kurt, "Ikaw Kurt, sino date mo?" Tanong niya.

Ngumisi si Kurt, "Walang iba kundi si..." Pambibitin niya.

Binatukan ko nga, "Pabitin pa eh! Sino?" 


"Walang iba kundi si Mia!" Sagot niya nang nakangiti.

Nanlaki yung mata nung tatlo pero ngumiti rin. "Ayos!" "Ayon naman!" "Astig dre!" Comment nila.


"Tss. Asa namang sasama yun 'no."


Tumingin sa akin si Kurt, "Aba dapat lang! Kasi kung hinde, kawawa ka." 


Kumunot yung noo ko dun, "Bakit ako naman ang kawawa?" Takang tanong ko.


"Eh kasi sasama lang naman si Lia pag sasama si Mia." Nakangising sagot niya.


 Napakamot ako ng ulo. "Umuwi na nga kayo! May bahay kayo pero dito kayo tumatambay. Uwi na! Para makapagayos na kayo. Susunduin niyo pa mga date niyo." Sabay tulak sa kanila palabas ng bahay. 

"Ge, bye Treb!" "Kita na lang mamaya." "Oy, walang malelate ha?" Pamamaalam nung tatlo.

Tinignan ko si Kurt, "Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko kay Kurt.

Umupo ulit siya sa sofa, "Di na, eh kambal naman yung dates natin di sabay na lang natin sila sunduin." 

Napa-irap ako (yung panglalake syempre. lol), "Umuwi ka kaya muna? Tignan mo nga suot mo oh. Uwi na." Sabay hila sa kanya palabas ng bahay. Wala naman siyang gumawa kaya umalis na lang.

~Mia~ 

"Please Mia? Sumama ka na please." Pangungulit sa akin ni Lia.

"Lia, pwede ba? Tigilan mo ako please." Sabay irap ko.

"Iiih. Please?" 

"Li, malaki ka na. Kaya mo na sarili mo." Sabay irap ko.

Nagcross-arms siya, "Sasama lang ako pag sasama ka." 

Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Oh di wag ka sumama kung ga―Ay takte." Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi may naalala ako bigla. May deal nga pala kami ni Tang. 

"Eh? Bakit Mi?" Nagtatakang tanong ni Lia.

Napabuntong-hininga ako, kung di lang para kay Lia. Tss. "Fine. Sasama na ako sa group date na yan."  

Biglang nagliwanag mukha ni Lia, "Really?! Yiiiie. Sabi na eh, di mo ako matitiis. Aywabyu twin." Sabay sundot sa tagiliran ko.

Inirapan ko siya, "Pero Lia, alam mo namang ma-o-O.P lang ako dyan." 

"Ha? Bakit naman?" 

"Kasi duh, group date yan. At malamang lamang, wala akong date." 

"Sinong may sabi na wala kang date? Meron kaya! Si Kurty Kulot. Hihi." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Kurty Kulot? Sino yan?" Takang tanong ko.

"Ano ka ba," Hinampas niya ako sa braso, "Si Kurt! Kurty Kulot lang tawag ko kasi trip ko." 

"Ha?! Pano ko siya naging date?" Gulat na tanong ko.

Kumibit-balikat siya, "Malay ko ba. Basta yun sabi niya, ikaw daw ang date niya." 


"Ganun lang? Eh h―"


"Oh oh oh! Shut up na nga lang Mi," Tinignan ko siya ng masama kaya nag peace sign siya. "I mean, look on the bright side; May date ka na. Yey!" At pumalakpak na siya.

Umirap ako, "Ugh. K. So, anong oras ba iyan?" Tanong ko. Langya! Plano ko talaga yang group date na yan kasi akala ko advantage yan para sa akin kasi walang mangungulit sa akin kahit isang araw man lang. Ugh. Pero di pala! Putek.

Tumingin siya sa wall clock ko, "15 minutes from now," Hinila niya ako patayo, "Leggo make ayos ourselves na. Hihi." 

Nagmake face ako sa kanya, "Yaks Li. Conyo ka na." 

"Oh whatevah sistah! Leggo bihis. Hihi." 

*

"Oh san punta niyo?" Tanong ni mommy pagbaba namin.

"Group date mommy! Hihi." Excited na sagot ni Li.

Tumaas ang isang kilay ni mommy, "Sino kasama niyo?" 

"Sila Treb po! And ma, don't worry, oki? Date lang po 'to." Sagot ni Lia.

Nagbuntong hininga si mommy, "Okay. So, hihinge ba kayo ng pera?" 

"Di na po. Alis na po kami ma." Kiniss niya sa cheeks si mommy, "Bye ma!" Paalam niya.

Ngumiti na lang ako kay mommy at nagwave. Ganun rin naman ang ginawa niya.

~Renzo~ 

"Tol, paselosin mo si Treb ha? Yung tipong mababadtrip siya." Bulong ni Dee kay Kurt.

Binatukan siya ni Lex, "Lul! Wag din ganun kasi kawawa si Lia tsaka masisira yung gala kung ganun." Sabi ni Lex.

Tumango-tango ako, "Nga Dee! Kaw talaga, sadista ka, gusto mong nasasaktan si Treb. Yung saktong selos lang." Sabi ko sa kanila.

"HOY KAYONG APAT DYAN! ANO NA?! MAGBUBULUNGAN NA LANG BA KAYO DYAN? MAHIYA NAMAN KAYO SA DATES NIYO!" Sigaw ni Treb dun sa entrance ng mall.

Ito si Treb, nakilala lang si Mia naging pala-sigaw na rin. Daming tao tapos sumisigaw. Lumapit na kami at pumasok na ng mall.

"So, san tayo?" Ngiting tanong ni Sophie, date ni Dee. Tinignan ko si Dee at may naka-ngiting tagumapay loko, naka-akbay eh. 

"Sa mall. Duh." Bored na sagot ni Mia na katabi naman ni Kurt. Bale ganito kami: Mia - Kurt - Lia - Treb - Arni - Ako - Sophie - Dee - Landra - Ren. Oo, marami kami, aware kami dun.

Di na lang siya pinansin ni Sophie kasi parang natakot. Alam niyo naman na siguro na ayaw ng mga tao sa school kay Mia kasi takot sila sa kanya.

"Sa KFC na lang tayo. Gutom na rin ako eh." Sabi ni Lex.

*

"Oh Mia, kutsara't tinidor mo." Sabay abot ni Kurt kay Mia ng kusara't tinidor.

"Ang cute cute naman ni Kurt at Mia. Hihi. Alagang-alaga si Mia eh." Kinikilig na sabi ni Landra. 

Nginitian naman siya ni Kurt. Pero si Mia? Ayon, sinamaan siya ng tingin pero ngumiti lang naman si Landra. Tumingin ako kay Treb at halata sa mukha na naiinis siya. Patawa saglit... Hahahaha! Oh, tapos na.

"Oh Mia, gusto mo subuan pa kita? Dali, say 'aaaah.'Natatawang sabi ni Kurt kay Mia at pinosisyon yung kutsara niya sa bibig ni Mia.

Sinamaan siya ng tingin ni Mia, "Watdapkingshet Kurt. Tigilan mo nga ako!" Sabay layo nung kutsara ni Kurt pero halatang natatawa siya kaya natawa na rin kaming lahat pwera sa isa. Eto clue, Travis pangalan niya. *wink*

"Awwe. They're so cute!" Kilig na sabi ni Arni. Tumingin si Mia sa gawi niya, "Omaygad Mia. I didn't mean to offend you. I.. Uh... I just find the two of you cute. Please don't be mad at me." At nag peace sign pa siya.

Kumunot ng sandali yung noo ni Mia at natatawang ngumiti, "Wala pa nga akong sinasabi pero ang haba na ng sinabi mo." Umiling-iling siya at sumubo. Ngumiti naman si Arni, kala niya siguro magagalit sa kanya si Mia.

"Hihi. Si Mia kambalitot ko! Mukhang nageenjoy. Ngiting ngiti eh." Nakangitin sabi ni Lia.

Pabirong umirap si Mia, "Kumain ka na nga lang." Natatawang sabi niya.

Habang nagkwekwentuhan kami bigla akong napatayo kasi hinila ni Kurt yung damit ko. Napatingin naman sila sa kanya, mga halatang nagulat. Eh sinong hindi? Biglang nanghihila eh.

"May sasabihin lang ako kay Ren, saglit lang 'to. Tatanungin ko lang kung magpaparebond ba ako o hinde. Hehe." Kurt. Tumango naman sila kaya lumabas na kami ng room.

"Ano meron?" Chill na tanong ko.

"Tol, ayoko na!" Pabulong pero pasigaw na sabi niya. Gets niyo ba? Basta yun.

"Ng ano? Pagkain mo? Di ayaw mo na, bigay mo kay Dee." 

"Hindi! Ayoko na paselosin si Treb." 

"HUH?! Bakit?!"

"Nagpaplano ata yun kung pano ako patayin eh." Sabay kamot ng ulo niya.

Binatukan ko, "Gago. Masyado pang advance para dun! Maghintay ka, dadating din yun. Ngayon, nagpaplano pa lang siya kung pano ka bugbugin. Siya ba gagawa o may uutusan siya. Ganun." Biro ko sa kanya.

"Di ka nakakatulong eh!" Nagkamot ulit siya ng ulo. Ano, may kuto ba 'to?

"Tsk. Sige, last na 'to. Pagkatapos nito, wala na. Bahala na sila lovelife nila, bahala na ang tadhana sa kanila, bahala na sila kasi bahala na sila." 


"Hay salamat. Woo! Para maka-damoves na rin ako sa ibang babae." May dumaang babae kaya ngumiti siya at kumindat.

Binatukan ko ulit, "Mamaya ka na lumandi. Excited eh." Sabi ko sa kanya at pumasok na ulit ng KFC.

*

Nakatayo lang kami sa harap ng KFC. Kakatapos lang namin kumain kaya patayo-tayo muna kami. May lumapit na babae sa amin. Ay hinde pala, kay Treb lang.

"Ahmm. Pwede magtanong?" Tanong nung babae na halatang nagpapacute. Pero iba yung pacute niya, yung parang nang-aakit. Di sa naakit ako pero halata kasi.

"Nagtatanong ka na nga eh." Sagot ni Mia kaya natawa kami pero hinayaan lang siya nung babae.

"Asan po ba dito yung KFC?" Pacute ulit na tanong nung babae. 

"Bulag ka ba? Laki laki ng mata mo pero di mo kita. Ayan sa likod mo oh." Naiiritang sagot ni Mia.

Tumingin sa kanya yung babae na halatang naiinis na, "Kinakausap kita?" 

Tumaas yung isang kilay ni Mia, "Duh. Malamang. Ano tawag mo sa ginagawa natin ngayon? Nagsasalitaan lang, ganun? Tanga lang?" Pambabara niya. Ano, nagsalitaan? Ano yun? Hahaha!

Umirap yung babae, "Makareact ka naman as if date mo yang kinakausap ko." 

"Correction―Nilalandi, hindi kinakausap. Eh ano naman ngayon kung di ko date ang nilalandi mo? Eh sana naman mahiya ka sa date niya." 

Pumamewang yung babae at nagcross arms, "Hoy, respeto naman girl, di mo kilala kung sino kausap mo." Pinangkitan niya ng mata si Mia.

Nagsmirk si Mia at nagcross arms rin, "Hoy ka rin, malamang di kita kilala kasi ngayong lang tayo nagkita. At hoy ulit, wala akong balak kilalanin ka." Umirap na naman siya. "At ano yun, respeto ba kamo? Pano kita rerespetuhin kung ikaw mismo walang respeto sa sarili mo?" Hinead-to-toe niya yung babae, "Tignan mo nga yang suot mo. Kinulang ka ba ng tela, ha?" At ngumisi siya.

Natahimik yung babae at tinignan ng masama si Mia. 

"Oh, matatakot na ba ako?" Sarkastiko niyang tanong at umirap, "Alam mo na kung san yung KFC di ba? Kaya pwede ba, umalis ka na at na-a-asiwa ako sa mukha mo." At umirap na naman siya. Di ba 'to mauubusan ng irap?

Naglakad naman palayo yung babae kaya tumawa na kami. Grabe, laughtrip pagkamaldita ni Mia. Di ko alam kung bakit ayaw ng mga tao sa kanya, oo, maldita siya pero masaya naman siya kasama. 

"That was kinda harsh twin, but it was funny." Natatawang sabi ni Lia.

"Wow Mia, that was really cool! Hihi sorry nga pala kasi aaminin ko, ayaw ko sayo dati kasi nakakatakot ka. Well, it's true, nakakatakot ka nga pero you're really cool and fun to be with." Masayang sabi ni Sophie.

Ngumiti si Mia, yung ngiti na totoo, "Ang hilig niyo sa english 'no? Hahaha! So, ano na? Tatayo na lang tayo dito?" Tanong niya. Di pa pala kami umaalis dun sa pwesto namin, naenjoy namin eh.

"Tara magdate!" Dee, sabay akbay na naman kay Sophie. 

Naglibot libot lang kami sa mall. Tawa nga kami ng tawa, adik si Mia eh, kahit sino na lang pagtritripan. Si Kurt, ayon, "dumadamoves" kuno kay Mia. Nahuhuli namin nila Dee na tinitignan ng masami ni Treb si Kurt kaya natatawa na lang kami.

"Bye Mia! Bye guys. It was really nice hanging out with all of you." Landra, kumaway siya nang naka-ngiti.

"Ge mga tol, hatid ko muna 'to." Paalam ni Lex at umalis na sila.

"Bye bye guys! I had fun." Paalam ni Sophie at ngumiti, "Bye Deon, nagenjoy talaga ako." Binigyan niya ng isang sweet na ngiti si Dee at pumasok na sa kotse nila.

Naiwan kami dito nila Arni, Ren, Dee, Kurt, Treb, at yung kambal. Sabay kaming tatlo nila Dee at Arni uuwi kasi iisang sibdivison lang naman kami.

Inakbayan ni Kurt si Mia at may binulong, nanlaki yung mata ni Mia at pabirong sinuntok si Kurt kaya natawa siya. Kita na naman naming tatlo yung pagkainis sa muka ni Treb. Tss. Halata masyado. 

Natatawang lumapit si Kurt kay Treb at ngumiti, nilagay niya kamay niya sa balikat ni Treb at sinabing... "Wag kang magalala paps, last na yun."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Tada! Bitin ba? Hahaha! I know. Sorry walang kilig scenes. Pinapakita ko lang kasi ang other side ni Mia, kung nakita niyo nga. XD

Anyway, si Mia at Lia nga pala sa gilid! Obvious naman na siguro kung sino si Mia at kung sino si Lia. So yun lang, hope you enjoyed the update. Ciao! Labyuu. ♥ xx

Continue Reading

You'll Also Like

107K 436 5
(UNDER REVISION) Hater to Lover? Pasong-paso na ang kataga na 'yan sa mundo ng Wattpad, subalit pilit pa ring binabalikan ng mga mambabasa dahil sa h...
68.3K 1.1K 41
☾ t h o u g h t s t o p o e m s ☽︎
44K 1.2K 34
No description available. The author, which could been lazy for so long, is also one in BITTER comrades.
126K 6.1K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...