When You Kiss Me •GiRL2GiRL•

By OUTandPROUD

179K 4.2K 357

2nd story ko na po ito. girl to girl story pa din po. Tungkol po ito sa babaeng unang beses siyang nag seryos... More

ONE.
TWO.
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT.
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR.
TWENTY FIVE.
TWENTY SIX
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE.
THIRTY
THiRTY ONE.
THiRTY TWO
THiRTY THREE
THiRTY FOUR
THiRTY FiVE.
THiRTY SiX
THiRTY SEVEN.
THiRTY EiGHT.

TWENTY SEVEN

3.8K 106 3
By OUTandPROUD

"spencer anak kain na kayo ni shay" tawag samin ni manang


tumayo na si spencer sabay aya sakin.


"tara" sabi niya at tumayo nako


nahihiya ako sakanya kaya naman di ako tumabi sakanya.


"kain na din po kayo" aya ko kay manang


"sige kumain na kayo at mamaya pako kakain" sabi naman ni manang at tumalikod na ito.


nahihiya talaga ako, ayokong tignan siya dahil alam kong nasaktan ko siya kanina sa sinabi ko.


"bakit diyan ka umupo?" tanong niya 


"huh?" sabi ko


"bakit diyan ka pumwesto? pano moko susubuan?"


"huh?! ako susubuan kita?" gulat kong sabi


"oo kaya nga dito ka kakain e"


"so kaya sasabay ako sayo para lang subuan kita?"


"oo, e pano ako makakakain?"


"yang isa mong kamay pwede mo naman gamitin e"


"ang hirap kaya akala mo"


"sus! gusto mo lang talagang mag pasubo sakin!" 


"okay sige wag nakong kakain. yaan mo ng mamatay ako sa gutom." pagdadrama nito


"mamatay agad huh?!"


"eh yaw mokong subuan e, napaka mo."


"napaka ano?!"


"napaka ganda mo." sabi nito sabay ngiti 


naramdaman kong namula ako sa sinabi niya dahil lalo siyang ngumiti


"ALAM KO MATAGAL NA!" mataray ko naman sabi


"lika na sa tabi ko nagugutom nako e" pag dedemand niya


"ayos ah demanding!"


"okay di wag" sabi nito at tumayo sa


akala ko ay aalis na siya at napikon sa sinabi ko hindi pala. tumabi siya sakin


"oh ayan ako na ang lumipat" sabi niya pag kaupo niya sa tabi ko


lalo ko tuloy siyang naamoy. sarap siguro nitong yakapin.


syeeet! ano ba tong naiisip ko! bigla akong napailing. tsk!


sinasapian talaga ako sa twing nakikita o napapalapit siya sakin kung ano ano pumapasok sa isip ko e.


"kain na" sabi niya habang hawak niya ang lalagyan ng kanin


"ikaw na muna kumuha ah?" sabi nito


kinuha ko at nilagyan ko ang plato ko at plato niya.


"okay na to?" tanong ko sakanya


"okay na di ako masyadong nag rarice kase pag gabi na. ikaw dagdagan mo yang sayo" sabi niya


"maya nalang kukuha naman ako pag gusto ko pa" sabi ko at tumango lang siya


"una ka munang kakain tas subuan moko after mo" sabi niya


pinag papawisan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. nakakaramdamn din ako ng hiya dahil unang beses ko palang tong makasamang kumain at kaming dalawa lang tapos susubuan ko pa siya. o diba? kaya sobrang kaba lang ng nararamdaman ko.


yiiiih! bakit kopa kase siya kailangan subuan?!


"uuuy ano kain na tayo" sabi nito 


gusto kong matawa dahil halatang gutom na talaga ito. kanina pa atat e. hahahaha


"eto na po" sabi ko at sumubo na nga ako at pagkatapos nilapit niya sakin ang plato niya para siguro hindi ako mahirapan kung kukuha ako ng pag kain niya


nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla niyang inilapit pa sakin ang upuan niya at bigla akong nakaramdam ng kakaiba ng dumikit sakin ang balat niya.


jusko po! ano ba talaga tong nangyayari sakin?!


"my turn" masayang sabi nito kaya naman kumuha nako ng pagkain sa plato niya 


nararamdaman kong nanginginig ang mga kamay ko


"relax di naman kita kakagatin e" natatawang sabi nito


"heh! pasmado kase ako!" pag dadahilan ko


"weeeh!" pang aasar niya sakin


"sige lang asarin moko di kita pakakainin"


"ang pikon mo naman kaninang ikaw nang aasar diyan e"


"oo pikon talaga ko kaya wag mokong asarin!" mataray kong sabi


"dali na subuan mo nako aaaaah" sabi niya sabay buko ng bibig niya 


ng pag harap ko sakanya bigla akong natigilan, eto ang pangalawang beses na natitigan ko siya ng harapan. ang ganda niya. napakinis ng mukha. parang lahat sakanya at perpekto.


hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko sa pag titig sakanya. natigil ng ako ng nakita ko siyang sumimangot. nangalay ba siya? ganon ko na ba siya katagal tinitignan?


"may problema ba sa mukha ko?" tanong niya sabay hawak sa mukha niya


"wala. di ko lang akalain na ganyan kapala kapangit sa malapitan" sabi ko sabay yuko


"ano?!" sabi niya


"ohh ngaa na eto na" sabi ko atomatiko naman bumuka ang bibig niya kaya naman isinubo ko agad sakanya 


"may tanong ako" sabi niya habang ngumunguya at ako naman ay sumubo na ulit. ang sarap kase ng ulam.


"bakit kaba galit sakin? parang ang init init ng dugo mo sakin yung totoo?" seryosong tanong niya kaya naman napatingin ako sakanya


"bakit ba kase wala ang girlfriend mo" pag iiba ko ng usapan


"girlfriend? sino?" tanong naman niya


"pakunwari kapa!" sabi ko naman


"wala naman akong girlfriend e" 


"si bea!" 


"duuuuuh!" maarteng sabi nito


at nalandian ako sa pag kakasabi niyang yon. gusto ko tuloy matawa pinipigilan ko lang.


"duuuh ka diyan! pakunwari kapa"


"di ko naman talaga girlfriend yon e. naiinis nga ako sakanya"


"naiinis? hindi halata! wag kang sinungaling diyan"


"bakit naman ako mag sisinungaling?"


"bakit mo siya dinideny?"


"di ko siya dinideny. di ko naman kase talaga siya girlfriend"


"e bakit parang mag jowa kayo?"


"kaya nga naiinis ako sakanya e" sabi niya para tuloy siyang maliit na bata


"bakit ka naiinis? mukhang gusto mo naman mga ginagawa niya sayo"


"ayoko lang siyang ipahiya"


"ooows?!" sabi ko. di kase ako naniniwala e haha


"di kita pipilitin maniwala pero ayoko talaga sakanya at naiinis ako sa mga ginagawa niya, ayoko lang talagang mapahiya siya"


"kala ko pa naman e type mo yung mga ganon hehe" natatawang sabi ko


"ayoko sa mga babaeng ganon"


"di nga?!" pang aasar ko sabay tawa


"may gusto na kase ako" seryosong sabi nito 


biglang bumilis ang tibok ng puso ko. at natigil ako sa pagtawa. napatingin tuloy ako sakanya. at bigla siyang ngumiti


iba ang nararamdaman ko pag nakikita ko siya nakangiti sakin ng ganon, yung pakiramdam na hindi mo maintindihan.


"subuan mo ulit ako" sabi niya at ngumunguso siya sa may pagkain


"dapat kase si bea nalang tinawagan mo e" sabi ko


"ayoko nga. ang hirap gumalaw pag nandito siya or kasama ko siya"


"assuuuuus if i know" natatawang sabi ko


"hilig mang asar pero pag siya naman inasar pikon" sabi nito sakin


"HEH!" 


"buti nga wala siya ngayon e"


"bakit saan ba siya nag punta?" tanong ko


"lumuwas daw ng manila"


"ahh" tipid kong sabi


"nagustuhan mo ba yung mga chocolates?" tanong niya sakin


naguluhan ako sa tanong niya kaya naman tinignan ko siya. anong chocolates sinasabi neto?


"huh??? chocolates" pagtataka ko


"oo chocolates" sabi niya


"anong chocolates sinasabi mo???"


"aah eeh chocolates y-yung bigay ni bea sayo" nabubulol niyang sabi


"aaaah yung mga chocolates galing kay bea pero bigay sakin nung pinsan niya" sabi ko


"oo yon. oo" bilis niyang sagot


"okay naman" sabi ko


"bakit mo pala alam?" dagdag ko pa


"diba nandon ako non" sagot niya


"ah okay. ano gusto mo paba?" tanong ko ubos na kase yung nilagay ko sa plato niya


"hindi na okay na ikaw kain kapa" sabay ngiti niyang sabi


"okay na busog nako" 


"kainin natin yung gawa mo, for sure malamig na yon" sabi niya


"okay sige" 


"wait tawagin ko si manang" sabi niya at akmay tatawagin na nga niya si manang pero pinigilan ko lang siya


"wag na ako nalang, saan ba?" tanong ko


"sa ref sa may freezer"


at tumayo nako para kunin yung leche plan na gawa ko.


tama nga siya malamig na ito pwedeng pwede ng lantakan. dahil mas masarap talaga ang leche plan pag malamig ito.


nakita kong nanlaki ang mata niya ng makita niyang palapit nako sakanya at dala ko na ang leche plan.


grabe! napag hahalataan na gustong gusto niya ang gawa ko.


"lika na dali" excited niyang sabi para lang siyang mauubusan


"relax sayo lahat to meron pa sa ref" natatawang sabi ko


"eee favorite ko yan kase e" pabebe nitong sabi


"hala! parang maliit na bata!" sabi ko sabay tawa


"akin ang unang subo" kangiti nitong sabi


"opo" sabi ko at sinubuan ko na siya


"grabe sarap nito talaga promise" sabi niya at halatang sarap na sarap nga siya


well masarap naman kase talaga ang gawa kong leche plan kahit sinong mag sabi masarap talaga ang gawa ko.


"alam ko. marami ng nag sabi niyan" pag mamayabang ko naman


"yayaman ka dito totoo man"


"huh?"


"mag business ka ng ganito panigurado maraming bibili, gusto mo tulungan kita e"


"marami nadin nag sabi niya pero ayoko kase nga tinutulungan ko na si mama"


"sayang naman." sabi nito at parang nanghihinayang


"pero pag may mga order naman na maramihan gumagawa ko"


"ayaw mo bang itry? yung mag tinda talaga niyan?"


"saka nalang siguro pag malaki na si sam"


"pag uuwi ako pagawa ako ah? papatikim ko sa mga friends ko" kangiti nitong sabi


"okay sige" sabi ko at ngumiti ito ng pagkalapad lapad


"turuan mo din akong gumawa ah?"


"ayoko nga." pag bibiro ko


"bakit naman?"


"baka gayahin mo e, tapos ikaw mag business"


"di ah. napaka ano mo naman mag isip sakin. sige na nga wag na amp!" sabi nito sabay irap sakin kaya naman natawa ako ng malakas


ang sarap din palang asarin ng babaeng to.


ilang minuto din ang tumagal sa usapan namin about sa leche plan.  ilan beses din niya kong kinulit tungkol dito. sayang naman daw kase.


nasa may sala na kami ng tanungin ako ni manang


"shay anak susunduin kaba ng kapatid mo?" tanong niya sakin


at bigla akong napatingin sa orasan nila.


syeeet! anong oras na. sobrang dilim na panigurado sa daan! bakit naman kase di ko namalayan na oras na pala! masyado bang napasarap ang kwentuhan namin? bigla tuloy akong napaupo.


"ipapahatid kita" sabi ni spencer


"wag na kaya ko naman"


"ipahatid mo nga siya anak, delikado na sobrang dilim na sa labas" sabi ni manang


"osige po pakitawag nalang po si mang rodel" sabi ko kay manang at umalis na ito


"tara hatid na kita sa labas" sabi niya at tumayo narin


"wag na" sabi ko


"tara na" sabi niya sakin at nauna na siyang mag lakad palabas kaya naman wala nakong nagawa kung di sumunod


nasa may gate na siya at kausap niya si manang. at lumapit nako sakanila


"wait lang ah naliligo kase si mang rodel" sabi ni spencer


"okay lang" sabi ko sabay ngiti at ngumiti din ito


"mag ingat ka shay ah? salamat sa pag aalaga sa alaga ko" kangiting sabi ni manang


"grabe naman manang di ko naman siya inalagan manang e sinubuan ko lang naman siya" sabi ko at ngumiti lang si manang


"basta mag ingat ka ah. salamat ulit"


"salamat din po" kangiti kong sabi at nag paalam na ito na papasok na


kami nalang ulit tuloy ang naiwan. walang nag sasalita samin. parehas lang kaming nakatingin sa may kalangitan.


"uhmm"


"aaah" sabay namin sabi


"sige una kana" sabi niya


"ikaw na" sabi ko


"uhmm alam ko hindi maganda ang una natin pag kikita, gusto ko sanang maging mag kaibigan tayo" seryoso nitong sabi habang nakatingin sakin


"gusto kong mag pakilala sayo ng maayos kung okay lang sayo" dagdag pa niya sakin


"hi! ako nga pala siya spencer" kangiti nitong sabi sabay abot sa kamay niya


bigla akong napangiti sa ginawa niya. tama nga naman kase siya hindi maganda ang una namin pagkikita. kaya naman inabot ko din ang kamay ko ng nakangiti


"hi spencer, shay naman ang pangalan ko" at nag shake hands kami at lalo siyang ngumiti. yung ngiting alam mong ang saya niya dahil pati sa mga mata nito makikita mong nakangiti siya


ang lambot lambot talaga ng kamay niya. alam na alam mo talagang wala itong ginagawa.


nagulat ako dahil biglang may nag salita.


"maam alis na po ba kami" biglang sabi ni mang rodel na nasa may likuran na pala naman kaya naman inalis ko agad ang pag kakahawak sa kamay ni spencer as in mabilis pa sa alas kwatro.


at para naman nadismaya ang itchura nitong si spencer. kaya naman napakunot noo ako.


"opo, pakihatid naman po si shay ang dilim na ho kase e" sabi ni spencer


"ay o sige po" sagot naman ni manong


"una nako salamat" paalam ko kay spencer


"mag ingat ka,  thank you ng marami. sa uulitin" kangiti nitong sabi at naglakad nako palayo at nakasunod naman si mang rodel sakin


alam kong di pa siya pumapasok dahil nararamdaman kong may nakatingin pa sakin. di ako mapakali kaya naman lumingon ako sakanya.


"sige na pasok kana" sabi ko at nakita ko siyang parang nagulat


anong nakakagulat sa ginawa ko sinabi ko?? uhmm nagtaka tuloy ako


"mamaya pag nawala na kayo sa paningin ko" sabi nitong nakangiti


"sige" sagot ko at nag simula na ulit akong mag lakad hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa twing nakikita ko siyang nakangiti sakin. bakit ganon kaya??


at ilang minuto lang ay nasa may tapat na kami ng bahay.

naabutan ko din si mama na nasa labas.


kaya naman nag pasalamat ako kay mang rodel at nag pasalamat din si mama. at pagkatapos ay pumasok na kami.


naabutan ko naman si sam na nag dodrawing sa may sala.


"uuuuy si ate" pang aasar nito sakin


"pinag sasabi mong uuuy diyan!" sabi ko sabay gulo sa buhok niya


"musta naman si spencer anak?" tanong ni mama


"okay naman po siya hirap nga lang mag kikilos" sagot ko


"edi sinubuan mo siya ate?" tanong ni sam at parang kinikilig ang loko


"SIRA!" taray kong sabi


"nandoon si don manuel?" tanong ulit ni mama


"wala man po e"


"buti nalang pala at naisipan mo siyang puntahan kung hindi maiinip panigurado yon"


"may kasama naman siya ma"


"syempre anak iba parin pag may nakakasama kang iba" 


"parang ang saya mo ate" sabi ni sam at tinitignan niya ko ng nakakaloko


bwisit na bata to! kanina pa ah!


"nako sam wag mo ng asarin yang ate mo. wag mong sirain ang maganda niyang mood" si mama


nako ah! isa pa tong si mama! talagang pinag tulungan ako ng mag ina! ano bang pinag sasabi nila kase!


"nako ma! ayan nanaman kayo!" sabi ko at tumawa lang ito


"tumayo kana diyan sam at ayusin muna higaan natin at ng makapag pahinga na"


"tama yan matulog na kayo para wala ng mang aasar sakin" sabi ko


"pahinga ka ng konti bago ka maligo" sabi ni mama sakin at tumango lang ako at sabay na silang pumasok ni sam sa kwarto nila.


pagkatapos kong magpahinga ay naligo na agad ako. nakaramdam nanaman kase ako ng pagkahilo.


sumaglit lang ako dahil naligo naman ako kanina at hindi naman ako pinag pawisan. nakita kong nasa may kusina si mama ng paglabas ko ng banyo.


"oh masakit nanaman yata yang ulo mo?" nag aalalang tanong ni mama habang umiinom ito ng tubig


"hindi po" pag sisinungaling ko ayoko kaseng mag alala ito


"osige mag patuyo ka muna ng buhok para hindi sumakit yang ulo mo pag gising mo" sabi na mama at pabalik na ito sa kwarto nila kaya naman pumasok nadin ako sa kwarto ko


naupo ako sa may gilid ng kama at itinutok ko ang ulo ko para mahanginan ang buhok ko.


habang sinusuklay-suklayan ko ang buhok biglang sumagi sa isip ko yung ngiti ni spencer.

may kakaiba sa nararamdaman ko sa twing nakikita ko siyang nakangiti. at may hindi ako maipaliwang sa twing malapit siya sakin.


ano ba tong nararamdaman ko? ang alam ko ayaw ko sakanya. inis at galit ako sakanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?


hindi ko maitanggi dahil naging masaya ako kanina at masaya parin ako hanggang ngayon. pero bakit ako masaya? hindi ko alam ang dahilan basta ang alam ko lang masaya ako. dahil ba sakanya? pero bakit??


napahiga tuloy ako at napabuntong hininga.


hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko. hindi tama ito. hindi maganda ito. at pag pikit ko mukha niya ang nakita ko.


SYEEEEEET! sabi ko sa sarili ko sabay iling! ano ba yan! bakit ba siya nanaman?!


ginayuma nga yata talaga ako ng spencer na to!!


ano bang dapat kong gawin para hindi ko na maisip o para hindi na siya pumasok sa isip ko! kainis na talaga! di nako natutuwa! asar!!! 


lalo pakong naiinis dahil ang sakit talaga ng ulo ko! haaay! bakit ba kase lagi nalang sumasakit tong ulo ko! tsk!! nakakabadtrip na tuloy!


Continue Reading

You'll Also Like

Adrasteia By CG

Paranormal

194K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
409K 13.1K 16
Walong taon na ang nakalipas nang iwan ni Helena ang buhay na para sa mga kababalaghan. Natapos ang kalayaang inaakala niya nang isang araw ay magisi...
109K 6.6K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
415K 6.8K 21
Bawal pumasok sa Bagong Bahay in Maria... Nakamamatay!