" Love Untitled " ~ Secrets A...

By iamQVEEN

314K 8.5K 1.1K

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di... More

BOOK 4 > Ch. 1 ~ TORETE ~
BOOK 4 > Ch. 2 ~ PURPLE LINE ~
BOOK 4 > Ch. 3 ~ IODIZED SALT ~
BOOK 4 > Ch. 4 ~ DREAM CATCHER ~
BOOK 4 > Ch. 5 ~ AND THERE WAS HER ~
BOOK 4 > Ch. 6 ~ HIDDEN ~
BOOK 4 > Ch. 7 ~ MOVIE TITLE~
BOOK 4 > Ch. 8 ~ HAPPY ENDING ~
BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~
BOOK 4 > Ch. 10 ~ THE PARAMOUR'S VISITOR ~
BOOK 4 > Ch. 11 ~ THEY NEEDED HIM ~
~ BOOK 4 > Ch. 12 ~ THE PARAMOUR'S STITCHES ~
~ BOOK 4 > Ch. 13 ~ THE PARAMOUR'S BURNS ~
BOOK 4 > Ch. 14 ~ NICK CARTER IS HOT... NOT~
BOOK 4 > Ch. 15 ~ THE PARAMOUR'S PRESENT AND HER PAST~
BOOK 4 > Ch. 16 ~ COULD HAVE BEEN~
BOOK 4 > Ch. 17~ THE PARAMOUR'S NOTES~
BOOK 4 > Ch. 18 ~THE PARAMOUR'S FIRST DAY~
BOOK 4 > Ch. 20 ~THE PARAMOUR'S SERENDIPITY~
BOOK 4 > Ch. 21 ~THE PARAMOUR'S ENGAGEMENT RING~
BOOK 4 > Ch. 22 ~TEN MINUTES~
BOOK 4 > Ch. 23 ~BRANDING HER YOURS~
BOOK 4 > Ch. 24 ~BLUE. AN ANSWERED PRAYER~
BOOK 4 > Ch. 25 ~KASE AYAW NIYA NG BAGO MONG BUHOK~
BOOK 4 > Ch. 26 ~SCREWED~
BOOK 4 > Ch. 27 ~UNCONDITIONAL LOVE~

BOOK 4 > Ch. 19 ~THE PARAMOUR'S SHARPENED CLAWS~

7.9K 296 24
By iamQVEEN

i...




Kasalukuyang idini-discuss sa kanya ni Geneva ang importance ng tamang vitamins sa ipinagbubuntis, ng sa kanyang peripheral vision ay nakita niya ang para pang nagmamadaling papalapit na si Taygan. Nang lingunin niya ito ng tuluyan, ay nakita niyang nakasunod dito si Lebanon na pinipigil ang babae sa braso na magpatuloy paglalakad. Ni hindi pinansin ni Taygan ang lalaking nakikita niyang pinipigil na ang galit. Instantly, Elizabeth smelled trouble. But Elizabeth refused to be involved in trouble. Hindi sa natatakot siyang makipag-sigawan o makipag-sabunutan, but creating a scene is not necessary. Kasal ito ng best friend niya. The spotlight belongs to the most beautiful bride that day and no one has the right to steal it from her. Lalong lalo na at nagsidatingan ang mga paparazzi. Media men. Kung me mangyayaring gulo sa kasal ni Nadia ay malamang na nasa gossip page na sila sa isang kisap mata.


Pormal na nginitian ni Elizabeth ang nakalapit ng si Taygan. The woman's nose was flaring in suppressed anger. Sa likod nito'y ang lalaking namumula na rin sa galit. Nakita ni Elizabeth na huminga ng malalim si Taygan, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, at saka ngumiti na halatang pinipilit lamang.




" Hi there, Elizabeth! I see that you're back! You're looking good as usual! How's Bacolod so far? May pakiramdam akong inenjoy mo ang climate at ang mga tao sa lugar na 'yun. Care to share any secret to your younger, more radiant aura? "




Ang sabe ni Taygan na pasikretong hinila ang brasong hawak ni Lebanon. Elizabeth saw that. Hindi rin nakalusot sa kanya ang mga pagpapatama nito, kahit pa sabihing maayos siya nitong kinakausap. The woman was even sweetly smiling at her. Sa mata ng mga makakakita ay para lang silang mga old friends na nagkakamustahan. Elizabeth knew better. Lalo na ng idiin ng babae ang mga salitang inenjoy at secret. Napakapit ng mahigpit ang mga daliri ni Elizabeth sa kanyang purse, lalo na ng ma-realize niyang may alam na ito sa pagpunta niya sa Bacolod. No one should ever know of it, unless you were already closely involved in her life on the first place. Ni magulang at mga kapatid niya ay walang alam sa whereabouts niya. Ano pa ang alam ni Taygan? Bukod pa sa obvious na may alam na ito sa nakaraan nila ng kanyang fiancee? Babae siya. Malakas ang pakiramdam niyang mas mahigit na sa hinala ang level na meron si Taygan tungkol sa kanila ni Lebanon. Despite of it all, ngumiti si Elizabeth habang nararamdaman niya ang kamay ni Zep sa kanyang likod. He was squeezing her waist as if telling her that he's just beside her, supporting her whatever happens.




" Well thank you, Taygan! I appreciate the compliment. Bacolod was... sexy. I can't complain. Anong sikreto ko? Bacolod, maybe? As the term says, it's a secret and I intend to put it that way."




Ang sabe ni Elizabeth na nakita ang lalong pagsingkit ng mga mata ng babae. She could almost taste Taygan's disgust. Nilingon niya ang direksyon ang space kung saan nandoon dapat si Geneva at ang asawa nito. Narealize niya na lumayo ito ng bahagya ng may sumulpot na media mula sa isang sikat na TV Station upang interview-hin ang mag-asawang Castro. Good. Hindi maririnig ni Geneva ang conversation na'to. Ibinalik ni Elizabeth ang tingin kay Taygan.




" Oh yeah? Good for you! But ever heard of the saying na walang sikretong hindi nabubunyag? Now you got me curious, Elizabeth. Ano ano nga ba ang mga sikreto mo na ayaw mong mabunyag? Lalo na ang kung ano man ang nangyari sa Bacolod! "




" Taygan! Let's go! Pumasok na tayo sa simbahan, ano ba? "




Ang sabe ni Lebanon na nasa boses ang owtoridad at ang mata ay napadpad sa kung gaano kalapit ang katawan ni Zep kay Elizabeth. Hating hati ang atensyon niya sa pagpigil ng sariling galit kay Taygan at sa lumolobong pagseselos mula ng makita niya si Elizabeth na may ka-holding hands na iba. Lebanon recognized the guy. Ito ang lalakeng nahuli niyang humalik sa pisngi ng dalaga sa Bacolod! Sasagot na sana si Elizabeth ng magsalita si Zep sa unang pagkakataon.




" Truth of the matter is, there is no secret to reveal at all! When Elizabeth mentioned that Bacolod was 'Sexy', I believe what she had in mind... was me. Pardon me, hindi ko na naipakilala ang sarili ko. I am Zep Hidalgo. Elizabeth's... boyfriend. "




Ang sabe ni Zep na inilahad ang kanang kamay sa harapan ni Taygan, habang ang kaliwa ay muling pumisil sa likod ni Elizabeth. Silently, nabasa ni Elizabeth ang mensahe na 'yun.It is to tell her to allow him to do the talking and to let him control the show. Inabot ni Taygan ang kamay ni Zep habang parang ito'y bahagyang nagulat sa narinig. Nanlalaki pa ang mga mata nitong me paghanga, habang ito'y nagsasalita.




" You mean... Zepellin Leandro Hidalgo? My god, you represented our country last SEA Billiard games and you won gold! You are even one of the most sought bachelor in the country! By the way, I'm Taygan Neri and this is my fiancee, Lebanon."




Ang sabe ni Taygan na biglang nakaramdam ng inggit. Why, the tramp knew on how to really fish major sharks in the ocean! Akalain mong imbes na malasin, nakasilo pa ito ng gwapo, achiever at mayamang lalaki?


Zep didn't know why he hated the woman's guts even if this is his first time to meet her. Naikuwento ito sa kanya ni Elizabeth at alam na alam niya ang role ni Taygan sa buhay ng dalaga. Bakit nga imbes na kaawaan niya ito ay bigla siyang nakaramdam dito ng pag-kainis? Binawi ni Zep ang kamay mula kay Taygan, habang naniningkit ang mga matang nakatingin dito.




" As embarrassing as it is. Nice meeting you both... Taygan and... Lebanon. "




Ang sabe ni Zep na tiningnan ang lalaking katabi ni Taygan. Lebanon was looking dangerously at Zep. Kulang na lang ay maghamon ito ng suntukan. Gumagalaw ang mga muscles sa mukha ni Lebanon.




" Boyfriend. Really. "




Ang sabe ni Lebanon na tumingin kay Elizabeth. He spatted as if he was conveying that he can't believe that this is happening, that this is all unacceptable. The words glided on his tongue as a sarcasm. Tiningnan ni Lebanon si Elizabeth na bahagya ng sumisimangot.


Naiiritang tumingin si Taygan kay Lebanon. Hindi siya makapaniwala sa inaasta ng kasama na dapat ay umaaktong sweet, clingy ang head-over-heels fiancee! Imbes, para itong walang pakialam na nakatayo sa tabi niya na ang atensyon ay na kay Elizabeth. At oo, naiinis siya ng ma-witness ang kung papaano tingnan ni Zep si Elizabeth na parang siya ang pinaka-magandang babae sa balat ng mundo. Unlike her. Naturingang me kasamang date. Pero para siya ditong non-existent. Naiinggit na siya kay Elizabeth at hindi niya 'yun matanggap! Tinaasan niya ng kilay ang date niya.




" And why not, Lebanon?! Why not? Zep is single... and so as Elizabeth. "




Ang sabe ni Taygan na muling ibinalik ang tingin kay Elizabeth, habang ang isa sa mga kilay niya ay naka-arko pa din.




" Elizabeth is without a doubt single! Unless my hindi siya dine-declare na boyfriend? The last time I checked, she was the only one who didn't have any man in her life. Unless nagkamali ako?! At least now, me masasabi na siyang kanya! Yung hindi inagaw? Yung masasabi niya sa sarili niyang wala siyang kaagaw! "




Ang sabe ni Taygan na finold pa ang mga braso sa harapan. Instantly, anger slashed Lebanon's handsome face. Kakaladkarin na sana niya ang babae palayo, nang marinig niyang tumawa ng malakas si Elizabeth.




" Taygan... Taygan, I never thought that you could be funny at times. Akalain mong naisip ko dating napaka-boring mong tao? Na kung halikan mo ang fiancee mo'y, kulang na lang maghikab si Lebanon sa napaka-dry mong personality. That you don't even know on how to even properly smooch your man! By the way Taygan, may gusto lang akong itama sa mga sinabe mo. First of all, never naman akong nang-agaw at hindi ako ang type ng mang-aagaw. You know why? "




Elizabeth deliberately cast Lebanon a very seductive smile that could tear any man's boxer shorts.




" Kase una pa lang, alam ko na akin siya. Akin lang siya. Na mas maliwanag pa sa buwan at sa bolang crystal na ako ang pinipili niya at higit sa lahat, sa akin siya masaya! Oh, look... "




Elizabeth lazily said like a cat purring. Inextend niya ang kanyang kanang kamay sa tuxedo ni Lebanon upang alisin ang invisible na dumi sa collar nito, habang aware siya sa naninigas na mukha ni Taygan.




" Alikabok. You're looking dashing this afternoon, Mr Hewitt. No wonder, patay na patay sa'yo ang fiancee mo! Zep? Shall we? "




Ang sabe ni Elizabeth kay Zep na naka-simangot na. The guy was obviously disapproving of what she just did. Sa huli'y, bago pa nakabawi si Taygan ay umalis na si Zep at si Elizabeth. The moment na nawala ang dalawa'y, dali-dali na hinila ni Lebanon si Taygan sa isang lugar na silang dalawa lang ang makakarinig ng kanilang pag-uusap. Nang nasa gilid na sila ng simbahan at nasigurado ni Lebanon na wala ng makakakita sa kanila ay binitawan niya ang dalaga na namumula na sa galit.




" Taygan! What the hell is that all about! "




Lebanon screeched. Nababasa niya ang mga ginagawa ni Taygan. Hindi lang niya masaway masyado kanina sapagkat nagkalat ang media men at ang mga padating pang mga bisita na VIP.




" What?! Nahihiya ka?! Ikinahihiya mo ang panlolokong ginawa niyo ng babae mo?! At bakit ako pa ang masama! Hindi mo ba narinig ang mga pang-iinsultong sinabe sa akin nung kabit mo?! How dare her call me names! Magpasalamat siya at hindi ko siya ineskandalo sa harapan ng mga tao! And you! Wala ka man lang ginawa para ipagtanggol ako? Anong klaseng fiancee ka?! "




Ang sabe ni Taygan na nagwawala na. Lebanon gave her a most bone-chilling look that she stopped.




" Taygan, let's keep one thing straight here. I am not your fiancee anymore. Hindi naten kailangang magkaroon ng relasyon para mag-stay ako sa buhay mo. Please... let's not push it. "




Ang sabe ni Lebanon sa walang pagsisising tono. Humihingal sa galit na tiningnan siya ni Taygan.




" Alam ko, Lebanon. Hindi ako tanga para ipamukha mo pa sa akin na wala na akong aasahan sa'yo. Pero ganun na lang ba'yun? Itatapon mo 'yung pinagsamahan naten just because of her? Anong assurance mo na hindi ka niya iiwan? Na hindi ka niya ipagpapalit sa iba? At may boyfriend na si Elizabeth, ano ba! So stop looking at her as if nagseselos ka pa sa boyfriend niya! Ako ang totoong girlfriend mo dito, Lebanon! Our relationship may be on the rocks right now, pero naniniwala pa din akong it deserves saving. Please... pag-usapan naten 'to? Are you really having a hard time loving me again? "




Ang sabi ni Taygan na nanginginig na ang boses sa malapit ng pag-iyak. Lebanon let out an exhausted sigh.




" This is not the right place and time to do this, Taygan. Kung ang gusto mo lang pala ay ang pag-usapan ang relasyon naten, sana pumayag ka na lang sa gusto ko na hindi na lang tumuloy dito. But we're here now. Please, 'wag tayong gumawa ng eksena? I understand I owe you an explanation. I'll do that. Pero nandito tayo sa kasal ni Nadia at ni Matthew. May mga media men na dumating at VIP's. Not here, OK? "




Ang sabe ni Lebanon realizing na hindi niya masisisi si Taygan sa inasta nito. Kung may isang tao mang dapat sisihin sa gulong nangyayari, siya 'yun. Siya ang biglang naghanap ng iba kahit alam niyang may pananagutan na siya sa isang relasyon. Siya na ang nag-maintain at pinagsabay ang dalawang babae. Can he blame Taygan if this angered her? No. Maaaring mali ito sa pagdi-display ng masamang attitude kay Elizabeth. 'yun ay dahil sa may karapatang magalit si Taygan. After all, he kept her in the dark for a long time. Kung sana'y dati pa siyang nagsabi na nagmamahal na siya ng iba at hindi niya ito pinaasa, sana'y hindi ito magagalit ng ganito. But it will not make his sins lighter nor make the situation better. Nanloko siya ng tao. Malinaw 'yun. Nang tingnan niyang muli si Taygan ay umiiyak na ito.




" Lebanon, please? Don't throw us easily. 'Wag ganito. Mahal kita. Minahal mo ako. Babae lang 'yan. Baka nagugulahan ka lang. I may have flaws and I am not a perfect girlfriend. Pero 'wag ganito. "




Pinupunasan na ni Taygan ang mga mata niya ng kanyang handkerchief, habang pinipilit nitong kumbinsihin si Lebanon na mali ang nararamdaman nito para kay Elizabeth. Muli siyang nagsalita ng nakita niyang lalapitan siya ni Lebanon.




" No. Please. I'll be fine. May cancer lang ako pero hindi pa ako bed-ridden para kaawaan mo ako ng ganyan. Tell you, Lebanon. Hindi ko kakayanin na makita kang tinitingnan mo si Elizabeth na parang never kang nagmahal ng ganun katindi. That even I didn't make you feel that way. Nasasaktan talaga ako. Hindi ko kaya. So, let's put it this way and please listen carefully. Uuwe ako sa condo ko, while you stay here. 'Wag kang umalis. Ayoko namang magtaka sila kung bakit bigla tayong sabay na naglaho. But I'll go home. But that doesn't mean that I am giving you up. Pakakasalan pa rin kita. Nasa sa iyo na iyon kung pakakasalan mo pa rin ako. But I am battling with time. Mamamatay na ako, Lebanon. Hindi na ako magtatagal. So, two weeks from now, I will marry you. Hihintayin kita sa Manila Cathedral in two weeks. Hey, can you blame a woman in love who's about to die? Sana... sana ako ang piliin mo. I'll wait for you, Baby. Be there too. "




Taygan's face was a picture of an anguished and desperate woman. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang lalaki at siya'y tumalikod na. Habang siya'y naglalakad at naghahanap ng lugar para makakuha ng taxi, Taygan dialled Dra. Grace's number. When the other woman answered, she immediately wept.




" Grace... she's back... Elizabeth's back! Anong gagawin ko?! "




Nang marining ni Taygan ang sagot ng kausap ay saktong may humintong taxi sa kanyang harapan. Nang makasakay na siya ay sinabe niya agad sa driver ang kanyang address.




" Grace, I can't do that! You know I can't do that! Are you out of your mind? Pakakawalan ko na si Lebanon? Naiintindihan mo ba ang sinasabe mo? Pag ginawa ko 'yun, paano ako?! "




Ang sabe ni Taygan na humugot ng tissue sa bag. Narinig niyang huminga ng malalim si Grace sa kabilang linya.




" Taygan, ikaw na ang may sabi 'di ba? Nahihirapan ka na! Hindi mo pwedeng ipagpilitan ang sarili mo sa taong may final decision na sa relasyon niyo! And... I guess, This is high time for you to look for another option about the situation you're in! Besides, you're running out of time kung... "




" Yeah, yeah! I got that, Grace! That's why you're here to help me, OK? I need you to do something about this! Damnit! Sinisira ng malanding Elizabeth na 'yan ang mga plano ko! And you know what's more? Boyfriend ng haliparot na 'yun si Zepellin Leandro Hidalgo! Fuck! That bitch should die! Miskina karma sinusuka siya! Imbes na masadlak sa putik, that tramp was able to lure a rich man's attention! Malandi na nga, ambisyosa pa! Sekretarya lang naman! "




Napapailing na pinatay na ni Dra. Grace ang kanyang cellphone. Nang ilagay niya ito sa gilid ng kanyang laptop, ay pabagsak niyang isinandal ang likod sa swivel chair atsaka siya pumikit.




Shit. What the hell did she got herself into? What?!




Binuksan ni Grace ang mga mata at blankong tinitigan ang monitor ng kanyang laptop. Maya maya pa'y padabog niyang itinulak ang laptop, hanggang sa ito'y mahulog sa marmol na sahig ng kanyang clinic. Her beautiful face twisted in frustration... desperation. Dapat nung una pa lang ay hindi na niya ininvolve ang sarili sa sitwasyon ni Taygan at ni Lebanon. Lebanon Hewitt. Dear Lord, she love the guy that much. Nakakasama lang ng loob na hindi siya ang napansin ni Lebanon, but that's life. You win some. You lose some. Pero sa mga panahong ganito, bakit parang nararamdaman na niya na matatalo siya? Worst is maiiwan siya sa ere? This story sounded so familiar to Grace. Ganitong ganito... ganitong ganito talaga yung nangyaring 'yun sa isang nasirang friendship.




Heavens forbid, but please... ayaw niyang matulad kay Bituin... no.




Maya-may pa'y isinubsob ni Grace ang mukha sa mga palad at duon ay humagulgol.







A/N : Bitin ba? My apologies. Gusto ko lang makapag-post bago man lang ako mag restday from work at para na rin pagbigyan ang mga nagpi PM sa akin ng update! So here it is! I am such a spoiler indeed.

Salamat ng advance sa mga magco-comments po at magvo-vote. Let me tell you now that it is greatly appreciated from the bottom of my hearty!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 19.4K 13
Teaser: What will you do if the person you love the most hurt you? What will you do if the person you loathe the most came back? What will you do if...
9.5M 89.5K 100
Unlike many women, Diadem was a hardcore non-believer of marriage for love. She would rather prefer marriage for convenience, and vowed not to follow...
1.9M 63.7K 21
- Best friends since elementary. - Grew up and seen each other's naked body parts. - Accompanied the other in his circumcision. - Slept wasted in t...
3.1M 887 1
Rafa Armand Castro. CEO of his own company. Billionaire. Powerful. All-time playboy. And handsome - extremely handsome. Geneva Garcia The normal empl...