The Dare

By chayeoubi

137K 3.9K 248

New journeys brought by a game. (GTS #1) Copyright © 2015 More

THE DARE
Prologue
Chapter 1: Strikes
Chapter 2: Red book
Chapter 3: Dare
Chapter 4: Napkin
Chapter 5: Closer
Chapter 6: Fb Messages
Chapter 7: Bakit ngayon pa?
Chapter 8: Good night
Chapter 9: Second time
Chapter 10: Kiss
Chapter 11: Unexpected
Chapter 12: Nothing more
Chapter 13: Confirmed
Chapter 14: D6
Chapter 15: Boyfriend
Chapter 16: Sobrang tanga ko ba?
Chapter 17: Park
Chapter 18: Manugang
Chapter 19: I hate you
Chapter 20: Proposal
Chapter 21: Frittata
Chapter 22: Don't worry
Chapter 23: Other side
Chapter 24: I choose her
Chapter 25: Torpe's Confession
Chapter 27: First Rule
Chapter 28: Moving on
Chapter 29: True love
Chapter 30: Trouble
Chapter 31: Breakup
Chapter 32: D6 rebuilt
Chapter 33: Courting
Chapter 34: Friends again
Chapter 35: I quit
Chapter 36: Sacrifice
Chapter 37: Yes
Chapter 38: Move Forward
Chapter 39: Years later
Chapter 40: First night together
Chapter 41: Lines
Chapter 42: Hurting
Chapter 43: Ashley
Chapter 44: Trick?
Chapter 45: Birthday
Chapter 46: Preparation
Chapter 47: Mr. Right
Chapter 48: Angels
Chapter 49: Picnic
Chapter 50: Responsibilities
Epilogue
Simplyponchiie's Note
HELLO!

Chapter 26: I'm leaving

2.2K 80 12
By chayeoubi

Patricia's POV

"Pa, Ma... I'll accept the offer from France." sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Kakauwi lang ng mga magulang ko galing Palawan. Doon sila nagbakasyon. Maga- apat na araw na rin matapos kaming lumibot ni Xider sa EK. That day was just so amazing. Kahit ilang oras lang yung nilagi ko don, napalitan ng saya yung lungkot na nararamdaman ko. Thanks to Xider.

"Anak. Sigurado ka ba?" tanong ni Mama

"Yes Ma." sabi ko. Magsasalita pa sana si Mama pero pinigilan na siya ni Papa.

Napabunting hininga nalang si Mama.

"That's a good decision. Let's just support our daughter. I know this is her dream." sabi ni Papa na nagpangiti sa akin.

Yes. This is my dream. After all, kailangan ko rin namang magpakalayo- layo muna. Pagkatapos nung mga nangyari, sariwa pa rin sakin yung sugat. Nakakatawa no? Kasi hindi naman naging kami pero ang sakit sakit. Inaamin kong may kasalanan ako, pero may kasalanan din naman siya dahil

Nagbigay siya ng motibo para mahalin ko.

I'm going to France. 2 days from now.

Pinayagan ko na rin si Xider na sumama kasi alam ko namang hindi rin magpapapigil yun sa pagsunod sa akin. Nung araw na inamin niya na gusto niya ko, shempre nagulat ako. Pero ewan ko ba dahil masaya ako at the same time.. Siguro dahil kahit papano, meron pa ring nagmamahal sakin. Hindi lang pamilya kundi pati mga kaibigan. Speaking of friends, hindi pa alam nila Yanna na aalis na ko. Mahirap magpaalam eh. Kaya sabi ni Xider, siya na daw ang bahalang magsabi kila Yanna. Nagpunta na rin dito si Xider at sinabi kila Mama na siya ang makakasama ko sa abroad. Hindi man kapanipaniwala, ay pumayag yung mga magulang ko.

***

Mabilis na lumipas ang araw. At aalis na kami bukas ni Xider. Sasabay na daw siya sakin. At talagang inapura niya pa yung pagpapasa ng requirements. -___- abnormal talaga.

I'm now packing my things.

Isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko. Dahil dinig na dinig ko mula sito ang pag- aaway ng mga magulang ko.

Pinagaawayan nila yung tungkol sa pag- alis ko. Sorry Ma, pero kailangan ko po munang lumayo. At isa pa, babalik pa naman po ako eh. Sa tamang panahon.

Nag- text na rin sakin kanina si Xider na on the way na siya sa place kung saan sina magtatagpo nila Yanna. At ngayon, ring na rin ng ring yung cellphone ko. Alam ko namang sila yang nagte- text at tumatawag eh. Ayaw ko lang talagang tignan at sagutin dahil baka magbago pa yung isip ko. Ang bigat sa pakiramdam na umalis, pero kailangan. Hindi lang para makalimot kundi para na rin maabot ko yung pangarap ko.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, humiga ako sa malambot kong kama. Tumunog na naman yung cellphone ko kaya napagdesisyunan ko na na basahin yung mga text at tignan kung sino yung mga tumawag kanina.

From: Yanna
Bes! Ano ka ba naman! Pinapaiyak mo ko eh. Wag ka na umalis! You're so kaasar! :'( grabe. Kung sakali man na aalis ka na nga talaga, don't forget me okay? Andito lang ako lagi para sayo. Ikaw na lukreng ka, magtino ka dun ah! Lagi tayong magi- skype. That's not a request but a Command. K? Mami- miss kita Pat :( Sana mahanap mo na yung happiness mo doon. I love you always best friend.

Tae. Pipigilan pa ata ako neto sa pag- alis eh. Nag- reply na lang ako agad dahil baka magtampo pa sakin si Yanna.

From: Lance
Hoy kulit. Mag- ingat ka dun ah? I mean kayo hehe. Di niyo man lang sinabi agad para nakapag- bonding man lang tayo kahit isang araw. Don't worry about Yanna okay? Akong bahala sa best friend mo. Just be happy there. I will miss you best friend.

Yes, mag- best friend na rin kami ni Lance. Naging close rin naman kami. At nakakatuwa dahil andiyan siya para sa best friend kong si Yanna. At least, kahit malayo ako, I'm sure na may magbabantay na sa maarte kong kaibigan.

Marami pa akong nabasang mga messages mula sa relatives at ibang malalapit na tao. Habang nagbabasa, biglang lumabas sa screen ko ang isang unregistered number na tumatawag.

Sinagot ko iyon.

"Hello?" ---ako

[I'm sorry.] sabi niya, who's this?

"Huh? Sorry but I guess you dialed the wrong number." ---ako

[I'm sorry Patricia.] tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang pangalan ko.

"Hindi kita kilala." ---ako

[This is Ice. I'm sorry kung naging walang kwentang kaibigan ako sayo. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for shouting at you all the time. I'm sorry for all my mistakes.]

Sandali kaming napatahimik.

"What do you want now?" yan. Tama yan, magpakatigas ka ngayon Patricia. Kahit ngayon lang.

[Please don't leave.]

Eh takte naman pala! Matapos mo kong saktan ngayon pipigilan mo kong umalis?

"I've made my decision." sabi ko

[Please. Please. Just don't leave.] pagmamakaawa niya

"Nakapagdesisyon na ko." ---ako

[I'm begging you. Don't leave.]

Sagad na.

"Eh putcha naman pala Ice! Ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Ilang beses mo ba kong gagawing tanga? Sinaktan mo ko tapos ngayon, ayaw mo kong paalisin? OO! Wala akong karapatang magsalita ng ganito kasi hindi naman naging tayo! Pero di ko maiwasan eh! Nasaktan kasi talaga ko! Aalis ako para makalimot. Kaya parang awa mo na Ice, tumigil ka."

Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko. Napamura pa tuloy ako. Nakakainis.

Inend ko agad yung call matapos kong magsalita dahil baka kung ano pang masabi ko.

And for the nth time, umiiyak na naman ako.

Pagod na pagod na ko.

Humiga nalang ulit ako sa kama ko at pumikit.

That's it.

I'm leaving.

****

Ice's POV

Kakauwi ko lang galing sa isang playground. Doon ako nagpapalamig madalas kapag nagaaway kami ni Dad.

At nakita ko roon sila Xider. Pati sila Yanna.

Ano kayang ginagawa nila dito?

Alam kong galit sila sa akin pero sinubukan ko paring lumapit. Papalapit na ako sa kanila pero dahil sa narinig ko ay napahinto ako at nagtago nalang sa isang puno.

"Patricia's leaving tomorrow." ---Xider

"Huh? Going where?" tanong ni Yanna

"France." ---Xider

Kita kong nagulat sila Yanna. Nagbibiro ba si Xider?

"Stop joking Xider!" ---Yanna

"Seriously bro?" dagdag ni Lance

"Wala siyang kasama! Imposibleng pumayag siya sa offer na binigay sa kanya dun." nanluluming sabi ni Yanna

"She's not going there alone... 'Cause I'm going with her." ---Xider

Biglang nag- init ang ulo ko.

Putspa! Aalis si Patricia? At bakit kasama niya pa 'tong kaibigan kong babaero?!

Wala naman akong karapatang maramdaman 'to, pero wala eh.

"Woah. Totoo ba yan Pare?" ---Lance

"Yes." seryosong sabi ni Xider

Nagsimula ng umiyak si Yanna kaya nilapitan agad siya ni Lance para i- comfort. Umalis na ako roon at umuwi ng bahay.

Humiga ako sa kama ko.

Nakita ko ang cellphone ko at agad itong dinampot. Pinagisipan ko pa kung tatawagan ko ba siya o hindi. Pero wala eh, kusang gumalaw yung mga kamay ko.

[Hello?] sabi niya sa kabilang linya. Kahit kelan talaga, mala- anghel yang boses mo.

"I'm sorry." takte, naiiyak ako. Nakakabakla!

Ume- echo sa tenga ko yung mga sinabi ni Xider kanina. Na aalis siya, na aalis siya kasama ang ibang lalaki.

[Huh? Sorry but I guess you dialed the wrong number.] sabi niya

"I'm sorry Patricia." binanggit ko na ang pangalan niya para malaman niyang ako yung nagsasalita pero wala, hindi pa rin niya ma- recognize yung boses ko.

[Hindi kita kilala.] sabi niya.

Para kong nasapul dahil sa linya niyang yan.

Pero susubukan ko pa rin.

"This is Ice. I'm sorry kung naging walang kwentang kaibigan ako sayo. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for shouting at you all the time. I'm sorry for all my mistakes." dire- diretso kong sabi. Wag ka na kasi umalis!

Sandali kaming napatahimik.

[What do you want now?] mataray niyang tanong. Malamig na ang pananalita niya sakin ngayon.

"Please don't leave." nababakla na talaga ko! Wala akong maibuga eh

Ang labo ko no? Matapos ko siyang i- reject, ang galing kong magsalita at pigilan siya na huwag nang umalis.

[I've made my decision.] mariin niyang sabi

"Please. Please. Just don't leave." pagmamakaawa ko

[Nakapagdesisyon na ko.] ---siya

"I'm begging you. Don't leave." pangungulit ko

Ssandali siyang tumahimik...

[Eh putcha naman pala Ice! Ano ba talagang gusto mong mangyari ha? Ilang beses mo ba kong gagawing tanga? Sinaktan mo ko tapos ngayon, ayaw mo kong paalisin? OO! Wala akong karapatang magsalita ng ganito kasi hindi naman naging tayo! Pero di ko maiwasan eh! Nasaktan kasi talaga ko! Aalis ako para makalimot. Kaya parang awa mo na Ice, tumigil ka.] ---Patricia

*tooooot tooooot*

Pinatay niya ang tawag.

Ang sakit. Pero alam ko namang mas nasaktan ko siya kaya tama lang sa akin 'to. Sobrang duwag ko kasi.

Sayang kasi wala akong magawa para ipaglaban yung totoo kong nararamdaman.

Kasalanan ko lahat kung bakit nagkaganito kami ng best friend ko... ng taong mahal ko.

Nung nagkita- kita kami sa bar? Noon pa lang, nagustuhan ko na siya. Kasi hanep! Ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko. May pagka- amazona siya, pero basta! Hindi ko maipaliwanag.

At nung pinasok kami sa isang dare nila Yanna, hindi nalang ako kumibo. Kasi sa totoo lang, tuwang tuwa ako.

Sinong hindi matutuwa? Yung babaeng nagugustuhan mo, makakasama mo sa isang bubong for 1 month?

That time, inaasahan kong magiging close kami. Pero nagtagal pa bago mangyari yun. Nung nalaman ko lang na siya pala yung childhood best friend ko slash yung babaeng gustong gusto ko mula bata pa lang, naging open na ako sa kanya.

Pakiramdam ko nga, hindi ako yung Ice na masungit nung naging ka- close ko siya eh. Kasi sobrang komportable ako pagdating sa kanya. Nung buwan din na yon, hinalikan ko siya.

Nagpanggap lang ako na natutulog pero ang totoo, hindi naman talaga. Alam kong mali iyon pero sorry, kasi hindi ko napigilan yung sarili ko.

Kaming dalawa lang ang magkasama for 1 month in 1 roof. Sinulit ko yung mga araw na iyon. Dahil alam kong pagkatapos ng dare, ay magiging malayo na naman kami sa isa't isa.

It's because my father tied me up.

Sa isang fixed marriage.

At ang masaklap pa...

kay Bea.

Sa best friend pa ni Patricia.

Alam kong nagkakagusto na rin sakin si Patricia. Pero dahil wala akong magawa at dahil hindi ako kumilos, nasaktan ko siya.

Hindi ko naman pwedeng basta basta nalang si Bea.

Dahil sa pag nagkataon, babawiin ng pamilya nila Bea ang shares nila sa company ni Dad. Ayokong bumagsak si Dad kaya sinunod ko ang gusto niya.

Even if I know that I could hurt her.

Nung mga oras naman na laging nagpupunta si Xider sa bahay ni Patricia? Lagi rin akong nandoon. Halos araw-araw naman eh. Tumatakas lang ako sa bahay at kay Bea.

Si Bea kasi, hindi man halata, pero sobrang possessive. Hindi pa man kami kinakasal, kung umasta na siya, parang asawa ko na. Wala naman akong magawa. I'm doing all of this for my Dad.

And yes, pinaplastik lang ni Bea si Patricia.

Si Bea rin ang nag- set up sa 'ibol' noon sa bar ko. Umarte lang ako noon sa harap ni Lance at Xider na ayaw ko para hindi nila mahalata na may namamagitan samin ni Bea. Pinasok na kami sa stupid fixed marriage na yun a month before kami magkita- kita sa bar ko. Lahat yun. Lahat plano ni Bea. Ang part ko lang dun, ay ang umarte na parang walang kamuwang muwang at parang robot. Minsan na ring nag- open sakin si Bea. At inamin niyang asar na asar siya kay Patricia dahil pati daw yung Mama niya ay puro si Patricia ang bukambibig. Nung mga panahong iyon, ay wala pang nakakaalam na gusto ko si Patricia. Nanahimik nalang ako. Tuwing may oras, madalas kong sinusundan at tinitignan yung babaeng pinakamamahal ko mula sa malayo. Yun lang naman yung kaya kong gawin eh.

Nagseselos din ako sa kanila ni Xider, lalo na nung nagtawagan sila ng 'Baby' sa chat. Kulang nalang wasakin ko yung cellphone ko nun. Pero wala akong karapatan.

At ngayon, dahil sa kagagawan ko. Dahil sa kaduwagan at katorpehan ko...

Aalis na siya.

At gaya pa rin ng dati, hindi ko siya pwedeng habulin.

Alam ko namang hindi siya pababayaan ni Xider. 'Cause I've never seen him like this to anybody before. After all, kaibigan pa rin ang turing ko kay Xider kahit na magkaribal ang mga magulang namin sa negosyo. Mas mayaman ang mga Gabriel kaysa sa amin na mga dela Flor kaya galit si Dad sa kanila. Nilalamon ng inggit ang tatay ko. Mababait naman ang mga Gabriel eh, lalo na yung Mom nila Xider. Babaero at bolero lang naman yun pero mabait din si Xider gaya ng mga magulang niya.

Kaya alam kong kaya niyang alagaan ang babaeng mahal ko.

Kung paano niya tignan si Patricia,

Kung paano siya magsalita kapag kaharap si Patricia,

Kung gaano siya ka- concern kay Patricia...

Alam kong hindi niya gusto si Pat.

Dahil mahal niya na 'to.

It hurts.

Masakit na hindi ka mahal ng mahal mo. Mas masakit na makitang may kasamang iba yung mahal mo. Pero pinakamasakit yung wala kang magawa para ipaglaban yung nararamdaman mo para sa taong mahal mo.

Hihintayin nalang kita Patricia,

And I hope sa panahong bumalik ka, wala ng galit sa puso mo.

At sisiguraduhin kong wala ng sagabal pa sating dalawa kapag dumating yung panahon na yon.

Sana lang, walang magbago sa nararamdaman mo para sakin...

Kasi ako kahit kelan, hindi magbabago 'to.

Kahit anong mangyari, kahit ipilit pa nila ko sa iba...

Ikaw lang talaga dito sa puso ko.

Mahal na mahal kita.

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2.4M 70.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
258K 6.7K 60
"Prologue" Palagi mo siyang kasama... Araw araw nakikita mo yung mukha niya... Possible bang ma in love ka sa kanya? O mairita ka lng sa mga gin...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...