Katsumi's pov
ayun! at nagkaroon din ng pov!! puro na lng kasi si Winter at Blythe may pov. may favoritism si author TT^TT
by the way highway...
*flaaaaaaasssssshhhhhhbbbbbaaaaaaaacccccccckkkkkkkkkk*
uwian na at hinihintay namin si Winter sa may canteen.
"Puta! ang tagal naman ni Winter" -Les
"ang init ng ulo mo." -Seth
"Baka may nakita nanamang chicks!" -Jc
"oh... eh eto na pala ang gago!"
pero mukhang malungkot ang loko
"Hoy! anong problema?" -Les
"ha? ako? may problema?" -Winter
"Halata sa mukha mo totoy!"
"Ganun ba? eh hindi naman ata problema to eh" -Winter
"Bakit ba? tungkol nanaman kanino?" -Seth
"Eh.. ano.. kay Blythe.." -Winter
"nanaman?"
"binasted ka na ba?" -Les
"tangina pare! hindi pa ko nababasted ng kahit na sinong babae." -Winter
"eh anong problema?" -Les
"kasi nga kanina di ba late ako?"
"oh.."
"tapos late din pala siya. nagkasabay kami. tapos pinagalitan siya ng first subject namin..." -Winter
"eh sino bang first subject niyo?"
"si mama.." -Winter
"patay kang bata ka!" -Les
"anong sabi ni tita?" -Jc
"pinagalitan niya kami eh. actually nung una si Blythe lang. eh tapos dinefend ko si Blythe.sinabi ko na sinundo ko si Blythe pero tumirik yung kotse ko..." -Winter
"Puta pare lagot ka nyan kay tita.."
"panigurado sermon abot mo pagdating sa bahay niyo" -Jc
"eh oo nga eh." -Winter
"yun lang ba problema mo?" -Seth
"sa totoo lang mga bregs, hindi talaga yun yung problema ko eh" -Winter
"eh ano?"
"ang dami mo namang problema!" -Jc
"Pasan mo ang daigdig pare!" -Les
"Eh kasi si Blythe eh........." -Winter
"si Blythe nanaman" -Seth
"eh bakit? pinagtapat mo na ba ang tunay na nilalaman ng puso mo mister romantiko??" -Jc
"yun nga yung problema eh." -Winter
"so binasura nga niya? tinapon, nilamukos, shoot! sa basurahan. ganun?"
"hindi naman sa ganun Kats. actually, wala pa nga akong nasasabi sa kanya eh. kasi kapag nag-aattempt ako laging hindi natutuloy.” –Winter
“eh ano palang problema mo?” –Les
“dugtungan ko na lang yung kwento ko kanina. gusto niyo?” –Winter
“sige na….”
“nung pinalabas kami ni mama dahil late kami eh may nasabi akong something tapos umiyak siya. edi syempre nadurog puso ko, niyakap ko para tumahan. tapos pinaalis kami ni mama dun sa may pintuan kasi daw maingay kami.” -Winter
“eh saan kayo nagpunta?” –Jc
“dinala ko siya dun sa canteen, tapos pinakain ko ng pancakes. habang kumakain siya eh napatitig ako sa mukha niya. medyo napansin niya, tapos akala niya may dumi siya sa mukha kaya ako nakatiitig sa kanya. yung feeling na nilabas niya yung dila niya to lick her lips dahil nga kasi akala niya may dumi sa bibig niya or what. naiba yung daloy ng dugo ko mga par! bumaligtad! akalain niyo yun??” -Winter
“you are weird bro. totally weird….”
“Sign.” –Seth
Siraulo tong mokong na to. simula nung mag-explain siya kay Winter about the signs of love, oh kung ano man yun…. eh yan na madalas niyang bukambibig. Ang weird ng buong tropa ko -_-“
“oh… eh ano palang reaksyon niya?” –Les
“baliw daw ako. tapos pagkatapos nun kung anu-ano pang kabaliwan nasabi ko sa kanya…” –Winter
“gaya ng?” –Jc
“na gusto ko yung labi niya?” –Winter
“what pare?!” –Les
"bakit mo yun sinabi manyak ka ba?"
“nailang siya no?” –Seth
“oo. sobra nga eh. halos di na nga kami ulit nag-usap…” –Winter
“pare.. ikaw na nga rin kasi nagsabi na hindi katulad si Blythe ng mga ibang babae di ba?”
“oo nga… atsaka malamang kung ibang babae yan eh sinungaban ka na.” –Jc
“oo nga pare… iba talaga siya, ibang-iba” –Winter
“sign.” –Seth
“puta Seth! Tumigil ka na ng kakasign mo dyan”
“walang basagan. gagawin ko kung ano gusto ko.” –Seth
Suwail na bata! -_-“
“yun nga mismo yung problema ko eh. naiilang na siya ngayon sakin.” –Winter
“edi ikaw mag-approach sa kanya” –Seth
“oo nga nman. kalalaki mong tao eh” –Les
“nadadaga ako mga bregs eh..” –Winter
“HA? TAMA BA YUNG NARING KO? SI WINTER? DINADAGA?”
“puta naman pare! hindi mo na kelangang isigaw” –Winter
“makakausap mo din yan.. tiwala lang” –Jc
“maiba tayo… pano si tita? Pinayagan ka ba niya umuwi? Grounded ka? Ano ba?” –Les
“wala naman siyang nabanggit eh. baka sermon lang.” -Winter
*kringkringkring*
“oy pare cellphone mo..” –Les
“Speaking of your mother… at ayan.. tumatawag na siya.”
“hello ma? Oh? Ngayon? Agad-agad? Sige. Bye.” –Winter
“ano daw? hindi ka uuwi?” –Jc
“pwede ka sa bahay namin matulog…”
“hindi naman galit eh. pinapauwi lang ako agad.” –Winter
“ah… sermon lang yan! Haha!”
“ah ganun ba? Sige pare uwi na…” –Les
“wag mong kalimutan si Blythe, mister romantiko… wag mo ng paabutin ng pabukas-bukas pa” –Jc
“teka. wala ka bang balak bilhin sa canteen?” –Seth
Eh? Baliw talaga to. nagmamadali na nga pinabili pa sa canteen..
“ah… sige… salamat Seth!” –Winter
Alien language? Wala akong naintindihan sa kanilang dalawa.
*end of flllllaaaassssssshhhhhhhhbbbbbbbaaaaaaaaccccccckkkkkk*
Sa tingin ko eh ang lakas ng tama nitong si Winter kay Blythe.
"Pagibig kung pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang"
buti na lang ako good boy lang :D
Winter’s pov
nandito na ako sa bahay, malamang sermon talaga abot ko nito. bakit kasi nalate pa ako ng gising?! tapos hindi ko pa alam na si Mama pala ung first subject namin? Yes. you heard it right, English teacher mama ko sa school na pinapasukan ko ngayon. Actually walang nakakaalam nun. tropa ko lang. kaya nga hindi niya ko tinatawag sa last name eh. Kasi ang laki ko daw kahihiyan, wala daw akong ginawang tama.
Ang buhay ko ay isang malaking bangungot… pero ang laki ng pasasalamat ko ng pumasok si Blythe, nagmistulang panaginip ang lahat. Oo, wala siyang ginagawa. At oo, hindi naman kami ganun nagkakausap. Pero naiimagine ko lang yung ngiti niya eh gumagaan na pakiramdam ko.
Can’t believe totoo yung sinasabi nila na ‘pag-ibig’. At sa tingin ko eto yung perfect definition for that…