[Book 1] Warning: Bawal Ma-fa...

By marielicious

14.4M 502K 147K

AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger... More

Warning: Bawal Ma-fall [Prologue]
1. Anime
2. Pula
3. Party
4. Reminiscing
5. Red and Blonde
6. Red Hair No More
7. Friend Requests
8. Guilty
9. Sad Smile
10. Now Hiring
11. G-tec
12. Fall For You
13. Volunteer
14. Manly
15. Warning
16. Formal Introduction
17. Just Dance
18. First Session
19. Kakaiba
20. Falling
21. Bati Na Tayo
22. Commute
23. Spur Of The Moment
25. Charot
26. Jealous-type
27. Change
28. Own Intentions
29. May Gusto Ka Ba?
30.1 Outbound Tour
30.2 Outbound Tour
30.3 Outbound Tour
30.4 Outbound Tour
31. What Was That?
32. Badtrip
33. Manhid
34. Oh my gosh
35. Straight
36. Suitors
37. Fall
38. Dad's Permission
39. Nakakainis
40. Move On
41. 1-1
42. Oo
43. Wide Awake
44. Decision
45. A Date To Remember
46. Urgent
47. Adventure
48. Tama Na
49. No Wonder
50. 17th Birthday
Epilogue
Special Chapter

24. Confusion

239K 9.2K 2.7K
By marielicious

24. Confusion


"Sabi ko na nga ba e!" Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko nung nagsitilian na ang dalawang naging dahilan kung ba't ako napaamin. This is such a facepalm moment. Nakakahiya. Why am I such a tatle tale?

"Hindi naman kasi malayong mangyari yun. Almost ideal guy na si Zion. Well, yung pagiging beki lang niya ang mali pero... kahit na! OMG! I am very happy for you," kinikilig na sabi sa akin ni Sab. Ako? Nanatili lang nakatulala. E sa hindi ako makapaniwala e. Sheez, did I really say that aloud?

"So, paano na yan? Kasama ka na sa federasyon namin ni Eunice. Right, Eunice?" Sab asked excitedly.

Ito namang si Eunice hindi maalis sa mukha niya yung malawak na ngiti. "Welcome to the club!"

They were about to hug me whe I stepped back. Iiharang ko pa ang dalawang palad ko sa kanila. "Actually, joke lang yun. Naniwala naman kayo. Osya, may gagawin pa pala ako sa bahay. Gotta go."

Aalis na sana ako nun nang mabilis silang lumipat sa harapan ko nung tumalikod na ako. Geez, paano ba ako makakalusot nito? "You've already said it, so why deny it?" sabi ni Sab.

"True, and what's so wrong about admitting that you like him? Sa amin mo lang namin inamin at hindi sa kanya. Your secret is secured with us," sabi naman ni Eunice.

I really wanted to cry in frustration! Argh! Siguro nga, tama sila. I need to trust them. Macoconsider ko naman silang kaibigan. Sa susunod kasi, mag-ingat ka na, Misty girl!

"Okay, promise yan ha?" mahina at medyo nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman sila bago nagkatinginan sabay baling ulit sa akin. "Promise!" Sabay pa silang nag-taas ng kanang kamay. I sighed in relief.

"At dahil dyan, i-treat mo kami sa cafeteria at ichika mo sa amin kung kailan ya nagsimula. Lezz go!" at sabay nila ako hinila kung saan.

Oo na, may gusto na ako kay Badaf. Ang sarap tuloy sabunutan ng sarili ko. Bakit hindi ko nakontrol?


***


"So, kailan nagsimula yan?"

Yan agad ang pambungad na tanong sa akin ng dalawa the moment when we started eating our snacks. Yung sabi ni Sab na ititreat ko silang dalawa, it turned out na ako pala ang trineat nila ng baked mac, coke in can and fries.

Tinignan ko lang sila at sa palagay ko, nagblush ako. Shems, nakakahiya namang pag-usapan ang tungkol dito. "Yieee, nagbablush siya. Para ka namang high school freshman. Such an innocent cutie!" Eunice said, giggling.

Napainom nalang ako sa coke ko bago ko sinagot ang binatong tanong sa akin. "Hindi ko rin alam. Basta na-realize ko nang gusto ko na pala siya."

"Ano yun? Parang nagising ka nalang isang araw na gusto mo na pala siya?" Eunice asked curiously.

Hindi ako sumagot. I just gave them a shrug before I gulped again on my coke.

"Well, hindi imposible yan. Lagi ba naman kayong magkasama e," sabi ni Sab na nakangiti pa.

Sab's somehow right. Almost 7 days a week na kaming magkasama ni Badaf. Kapag walang pasok, nagpupunta siya sa bahay dahil nga pinapunta raw siya ng Mama niya. Pinanliligaw ba naman siya sa akin e. Eto naman ako, nahulog din sa kanya. Nakakaloka mang isipin pero iyon talaga ang nangyari. Sa paningin ko ngayon, para na siyang isang hearthrob. Huhu! Malala na talaga 'to. Hindi naman ako ganito dati sa mga nagiging crush ko ah?

"Uy, natulala ka na dyan, Misty? Anong iniisip mo dyan?"

"'Wag ka ngang ano dyan, Sab. Nagdedaydream yan about kay Zion."

Napangiwi nalang ako nang magtawanan na silang dalawa. Napatingin ako sa paligid. Thankfully, kakaunti lang ang tao sa cafeteria. Baka kasi may makarinig. Mga ganitong oras kasi, marami pang classes.

"Hindi ah. Naisip ko lang na mali ito."

"Maling ano?" Eunice asked and I pouted my lips.

"Maling magkagusto ako sa kanya. Bakla siya e. Malamang pusong babae siya."

Siimangutan naman ako ni Sab. "Anong problema dun? Hindi ka naman masusumpa kung magkakagusto ka sa isang bading. At saka, mapipigilan mo ba yang nararamdaman mo? E kung sa nagkagusto ka na sa kanya e."

"Sab, hugot kung hugot ah? Relax lang." Natawa nalang ako nung tinapik ni Eunice si Sab sa braso as if consoling her. Mas mabuti ngang may paglalabasan ako ng sentiments at rants sa buhay gaya ng ganito kaysa yung sinasarili ko. Mas nakakasira yun ng ulo.

Sab chuckled. "Hindi. Ang akin lang, walang mali sa feelings niya. Hindi naman pwedeng sisihin ni Misty ang sarili niya dahil lang nahulog siya sa isang bakla. At saka, hello! Bakla lang naman si Zion. Lalaki pa rin siya at babae ka, Misty. Hindi naman siya transgender. Anong masama dun?"

Emeghed na talaga. Napa-facepalm nalang tuloy ako. May punto si Sab kaso... ARGH! Ewan ko. Basta, for me, it is all wrong. "Ah! Basta, hindi tama 'to. Ang awkward naman nung magkaaway kami noon tapos naging bestfriends nalang bigla at gusto ko na siya ngayon. To sum it all, bakla pa siya."

Both of them groaned. "Ano bang masama sa pagiging bakla niya?" Sab asked.

"Kung lalaki ba siya, sa tingin mo, magiging tama yang feelings mo? Feeling ko, naduduwag ka lang e," Eunice seconded. That stopped me for a second. Hindi ko rin kasi talaga magets ang sarili ko. I like him, yes, but I am ot brave enough to admit it that's why I'm thinking that this whole stuff is wrong.

I gave out a sigh for the nth time and just rested my back against the chair. "Naguguluhan pa kasi ako e. Basta para sa akin mali 'to. Kaya hangga't maaga pa, pipigilan ko 'tong feelings ko. Kung pwedeng ibaling ko nalang sa iba ay gagawin ko. I just wanted us to stay the same."

Bestfriends... Soulsisters... or whatever people may call us. Mas mabuti na yun. No hassle. No heartaches. Just fun.

Nawala tuloy ang ngiti sa mga labi nila Sab at Eunice. They were like disappointed of what I have just said. "So, aakto kang parang normal lang sa harapan niya? You're setting aside your feelings?" Si Eunice.

I shrugged my shoulders. "Oo, mawawala rin naman 'to."

All of us went silent. Para bang na-i-spoil ko yung fun in the air dahil sa statement ko. I shrugged it off anyway and continued my food when I heard Eunice spoke.

"Si Tyrone o," sabi niya habang nakatingin sa counter kaya sinundan din namin iyon ng tingin ni Sab. "TJ, over here!"

Tyrone caught us up and went to us with a smile. May hawak siyang tray of food at mukhang ngayo lang maglalunch base sa inorder niyang meal. "Pwedeng makiupo?" He asked as soon as he approached us.

"Sure."

At dahil ako lang mag-isa sa upuan sa side ko, umusog na ako to give him space. He smiled at me when he sat down. "Thanks. Kamusta ang exam?"

Mukhang bumalik na naman yung vibes ng dalawa dahil bumalik na naman sila sa usual energetic selves nila. "Guess what?" Eunice paused and turned to me. "Misty got 49 out of 50 items on our Math exam!"

"Wow," Tyrone glanced at me with a wide smile. "Talaga, Misty?" Nilabas ko yung exam ko mula sa bag at inabot sa kanya, at napangiti pa siya lalo nang makita iyon. "Wow. Sabi sayo, Misty, kaya mo e. Good job," he exclaimed before he messed my hair.

Napangiti nalang ako. Kinilig ako ng kaunti pero not as much as before. Medyo nabawasan na yung Mikorin vibe noon. Hayyy... feelings really do change.

"Magaling ka rin naman kasi magturo. Thanks, Tyrone." I said with a smile.

Unti-unti nang nagsisidatingan ang mga estudyante. Naooccupy na rin ang mga vacant tables sa cafeteria. Sa table namin, nagkwento si Tyrone kung gaano kahirap ang maging Civil Engineering student. Nakikinig lang naman ako samantalang sina Sab at Eunice ay nakikipagpalitan ng comments kay Tyrone.

We were amidst our hearty snacks and conversation when I heard something perhaps catchy. Maiingay kasi sa likurang table namin kaya naagaw talaga nila ang atensyon ko.


"Balita ko next week na isasalang ang dance troupe sa event ah? Girlfriend mo yung president nila dun diba? Si Reishel."

"Oo, kaya nga puspusan yung pagpapractice nila e."


Napansin ko yung biglang pananahimik ni Tyrone sa tabi ko. He suddenly turned uneasy. Ex-girlfriend nga pala niya si Reishel.


"Medyo sensual daw yung performance nila diba? Ba't 'di mo bantayan, pre? Baka alam mo na..."

"No worries. Bakla naman ang partner niya. Medyo ang ipinag-aalala ko lang ay yung ex niya. Sabi ng girlfriend ko, bumubuntot pa rin daw sa kanya. T.ngina, hindi pa rin yata nakakamove on," sabay hagalpak ng tawa.


I could see how Tyrone's hands curled into fists. Napansin din yata yun nila Sab at Eunice dahil tila nag-alala na rin sila.


"Ex? Taga-dito rin ba sa E.H.U?"

"Oo, para ngang aso kung bumuntot sa girlfriend ko. Kampante naman ako kay Reishel kasi sabi niya huwag daw akong mag-alala sa ex niya. Wala daw yun laban sa akin dahil tanga daw yun. Kaya nga niya iniwanan e."

"Paanong tanga?"

"Ni hindi man lang daw napansin na pinagsabay niya kami simula nung summer."

"Hahahaha! Kaya pala."


Bumuntong-hininga ako bago tumayo. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko para lumapit sa pwesto ila sabay hampas ng malakas sa table nila. Natigilan tuloy sila. Beast mode ako ngayon!

"Hoy, kayong dalawa!" sabay turo sa kanilang dalawa. "Huwag niyong matawag-tawag na---"

"Misty, tama na yan." Napatigil ako kasi naramdaman kong pinigilan ako ni Tyrone sa braso but I shoved him off.

"Hindi! Tinatawag ka ng mga ito na tanga e."

"Sino ka ba?" maangas na sabi nung boyfriend yata ni Reishel base sa boses niya.

"Kaibigan lang naman ako nang iniinsulto niyo. Tinawag niyong tanga si Tyrone? Pwes para sabihin ko sa inyo---" Pati sina Sab at Eunice ay nakiawat na rin sa akin "---Kundi dahil sa tangang 'to, hindi ako makaka-49 sa Math exam ko. Kaya kayo... tigilan niyo yang pagchichismisan na yan. Daig niyo pa ang babae."

"Aba't---" sabi nung boyfriend ni Reishel na mukhang papatulan na ako pero nahinto dahil humarang si Tyrone sa harapan ko. Go, Mikorin! Show them what you've got!

"Subukan mo siyang saktan, at itong kamao ko babaon dyan sa bungo mo!" Tyrone threatened and we, three girls, took a step back. Medyo natakot ako sa angas ni Tyrone, in fairness. Namiss ko tuloy si Kuya Kurt. Ganito din siya e. In English nga lang.

"Tss. Pasalamat kayo nasa campus tayo," sabi nung isa.

Hinila ko na si Tyrone sa braso dahil napansin ko na rin na nagsisimula na kami ng commotion sa loob ng cafeteria.

"Tara na, Tyrone."

We were about to pull him out of the cafeteria when he mumbled something...

"Wala na akong interes sa girlfriend niya. Magsama silang mga manloloko sila," bulong ni Tyrone bago naunang umalis sa cafeteria.



Sa bahay, nakatulala lang ako sa kawalan habang inaalala yung nangyari kanina. Actually, tanging yung scenario with Tyrone lang yung nasa isip ko ngayon. Yan din ang isa sa pinag-aalala ko e. Once you fall in love, part of you will get hurt. It's inevitable. Masasaktan at masasaktan talaga at iyon ang ikinakatakot ko. Base sa mga tao sa paligid ko, parang nakakatakot nga ang magmahal.

Kuya Kurt, my brother fell in love but got hurt a lot of times with the same girl. May isa pa akong kakilala na nagmahal lang din pero nasaktan sa huli dahil iniwan lang din siya... for good. Her girlfriend died. Maraming instances ang nagkakasakitan lang ang mga tao kapag nagmahal. Hindi pa ako handa dun. Gusto ko happy lang. Nakakastress kaya ang masaktan!

I was amidst my deep thoughts when my phone suddenly rang. Si Badaf ang caller. Nataranta tuloy ako. Nagsuklay at nag-ayos ng sarili ng mabilis pero in the end, I realized it was just a call. Hindi naman niya ako makikita. Ba't ako nacoconscious? Hayyy...

"Hmm?" I started off the conversation.

"Chararat..."

"Hmm?"

"Balita ko nakipag-away ka raw kanina sa cafeteria."

Napanguso ako't napasimangot. Ang bilis ng balita ah! "Oo, sinong nagsabi?"

"Si Reishel. Nasabi lang ng boyfriend niya."

Tss. Ang daldal talaga ng boyfriend ni Reishel. "Naawa kasi ako kay Tyrone. Iniinsulto kaya nila. Sabihin daw ba siyang tanga?"

"Bakit, hindi ba?"

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Pati ba naman ikaw, Badaf?"

"Hindi ba pagiging tanga yung araw-araw na paghihintay ni Tyrone tuwing may practice kami kahit na may boyfriend na si Reishel?"

Napabangon tuloy ako sa pagkakahiga. Nagigising na naman ang inis sa sistema ko. "Hindi natin alam yung kwento ng dalawa, Badaf. Malay mo, hindi pa rin magawang mag-move on ni Tyrone."

"That's my point! Hindi ka na sana nangielam. Issue nila iyon e. Hindi mo na dapat siya pinagtanggol."

I rolled my eyes heavenwards. "Hello, kaibigan ko si Tyrone. Malamang, nahurt din ako sa sinabi nila."

"Alam mo, ewan ko sayo. Concern lang naman ako sayo pati na rin kay Reishel dahil kaibigan ko rin naman siya. Tss. Bahala nga kayo. Magsama kayong dalawa. Pakielam ko sa inyo."

Aba! Napapahigpit na tuloy ang hawak ko sa phone ko. Wala daw siyang pakielam pero tumawag sa akin. At bakit hindi nalang si Reishel ang tinawagan niya?! "Ewan ko rin sayo. Alam mo, Badaf, panira ka ng gabi e. Tatawag-tawag ka pa, mang-aaway ka lang din pala!"

"Hindi ako nang-aaway. Ayaw mo ba akong kausap? Nag-unli pa naman ako para kausapin ka tapos ihahard mo lang ako? Edi fine, ibababa ko na 'to. Kausapin mo nalang si Mikorin mo at i-comfort mo siya."

My teeth gritted in annoyance. "Sinabi ko bang mag-unli ka? Tawagan mo na 'yang Reishel na yan! Siya ang puno't dulo nito e tapos siya 'tong kinakampihan mo!"

"Oo talaga. Mas matino pang kausap si Reishel kaysa sayo."

"Mas lalo namang matino kausap si Mikorin kaysa sayo! Wala kang ka-sense-sense kausap!"

"Edi mag-usap kayo!"

"Talaga!"

"I-comfort mo ha?"

"Talagang-talaga. Ibaba mo na nga! Dada ng dada e!"

"Tss. Mag-usap kayo magdamag. Wiz ako care."

I rolled my eyes for the nth time. Ayaw pang ibaba! "Selos ka lang e!" I meant it but not the way he understood it.

Silence... "Paano kapag sinabi kong oo?"

Nahinto tuloy ang hininga ko for like 5 seconds. Ewan ko kung naghahallucinate lang ba ako o talagang naging manly yung boses niya. AAAAAAAAHHH! Nagseselos ba siya kay Tyrone? OMG! OMG!

"E...di magselos ka. Paki ko?" sabi ko nalang.

"Tss. Pangit mo," sabi iya bago tuluyang ibinaba na ang tawag. Imbes na maasar ako, ewan ko ba pero nagtatalon-talon ako sa kama sa sobrang.... KILIG! Abnormal na yata ako.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020
165K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
1.1M 20.9K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
100K 4K 36
[MR. COLD VS. MR. PERFECT's BOOK 2] Expect more twists and turns. Kilig and heartbreaks. Will it be a happy ending this time? And with whom? Let's fi...