Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 38 - The Judgement

32.1K 1.1K 209
By pixieblaire

Thanks for waiting! Happy 100K + reads! Masaya na ako na nakaabot ng 100K haha!

Announcement lang rin po, nood po kayo ng Wattpad Presents sa TV5 on August 24 to 28, 9 PM, ipapalabas po 'yung story ko na "Take It or Leave It". Bret Jackson as Kyle Monteluz and Eula Caballero as Franzes Amberluke. Abangan rin natin sina Mond at Kierre don hahaha feeling ko isasama pa rin sila don eh. Thank you guyth! :) Updates on my Facebook & Twitter.

V&C!
xx peek see boo
==========
Chapter Thirty Eight
The Judgement

ITO ang mga pagkakataong kahit gaano mo kagustong kausapin ang mga kaibigan mo ay pipiliin mong manahimik na lang. Kaming anim ay malimit magsalita dahil pinipilit naming ipalagay ang sarili sa huling patimpalak ng kapalaran bilang isang Cryst level. 

Isinuot ko ang aking kasuotang kasama ko na magmula pa noong E-Ment Tournament. This is it! Whatever happens, iyon ang itinakda kong mangyayari. Tulad ng napag-usapan namin ni Sage noon, kami lang rin ang gumagawa ng kapalaran namin kaya wala kaming dapat sisihin kundi ang mga sarili rin namin.

It's true that there is fate, but it depends on how will we fulfill our destiny.

With one last sigh I look up the skies and whispered, "Cristine Aria Sylvestre, it's now or never."

Mula sa tuktok ng Prime Kingdom ay naroon si Diamond na inihulog ang isang malaking bolang kristal. Sa pagbagsak n'on ay siyang pagsabog ng matinding liwanag.

Pagmulat ko na lamang, nasa harapan ko ang isang matayog na kastilyong gawa sa bato. Katulad ito ng kastilyong tinitirhan namin, ngunit sa palagay ko ay nababalutan ito ng mas maraming hiwaga at salamangka.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang kapwa ko Cryst levels. Kaming lahat ay nakapabilog sa iisang kastilyong ito at bawat isa sa amin ay nakatapat sa iisang pintuan—pintuang magtatakda ng aming kapalaran.

"This is your battleground. Sa pagpasok n'yo sa loob ay nariyan ang Walt being na makatutunggali ninyo. Your main goal is to reach the castle tower. Flying is forbidden, and remember that you may only use spells and charms this time, no elements. The primary reminder to everyone, be wise. Just be wise."

On cue, awtomatikong nagbukas ang malaking pinto at sa aking pagpasok ay bumalandra sa akin ang isang malaking flower card wall. Napalunok ako. I think this would be a big game of cards. Hindi lang 'yon . . . ang mga malalaking card na ito ay kailangang tibagin.

Pero paano ito titibagin? 'Destroy spell' agad? 

"What is at the end of every rainbow?"

Dinig kong si Wizard Lenondale iyon. What the hell? Siya ang professor na makakalaban ko at pambungad pa lang, mind games agad!

Rainbow raw! What is at the end of it? Ang unang pumasok sa isip ko ay clouds, pero idealistic lang naman ang kaisipang 'yon!

"Unang tanong pa lang . . . huwag mong sabihing suko ka na?" pagkausap niyang muli sa akin na nag-e-echo mula sa tuktok ng tore.

Concentrate, Tine. Unang question pa lang ito. Hindi ito kinakailangan ng malalim na pag-iisip.

Tama! Then let's make it literal. 

"Letter W."

Pagkasabi ko n'on ay natibag nang kusa ang flower card wall dahilan para makita ko ang sunod—spades. I took one step closer.

"Which word in any dictionary has spelled wrong?"

Ah, I know this! Natutuhan ko 'to sa Mindtation class.

I breathe out. "Wrong." 

I stepped closer again as the Heart Card appeared. Ilang cards kaya ito?

"Identify what can be broken but cannot be held nor touched."

Nasisira pero hindi nahahawakan. Then the answer's definitely something abstract. Sana tama ang isasagot ko.

"Trust," tipid kong sagot.

Nagkaroon ng crack sa heart card wall, pero hindi ito tuluyang natibag. Ang matindi pa, nagsulputan bigla ang torcouns! Ang balat ko ay masusugatan ng mga tuso at mapangahas na ibon!

Mabilis na itinaas ko ang wand ko at ikinumpas. "Dussiothal!" It's a spell that would turn anything into dust.

"Nagamit mo na ang dalawang battle savers with your two wrong words. Isang pagkakamali na lang at matatanggal ka na." Dama ko ang disappointment sa tono niya habang sinasabi niya iyon.

Ibig sabihin pala, kapag gumamit ng spell habang nasa mind obstacle ka ay maka-count ang anumang spell na sasabihin mo bilang sagot sa tanong. Isang maling salita na lang at masasayang ang lahat ng pinaghirapan ko.

Focus! Inisip ko ang kaisa-isang ayaw kong masira sa pagkakataong ito. Pumasok naman sa isip ko ang pangako namin ni Valentine sa isa't isa. Could it be the answer? I pressed my palm on my chest and closed my eyes.

For the love of the Fortress . . .

"A promise."

Natibag nga ang wall at napangiti ako. Sometimes, you just had to think with your heart. 

A Diamond Card Wall appeared next. "Many wants to find me, some likes to expose me, but only the few keeps me including you. I bet you'll say it. What am I?"

Puspusan akong nag-iisip nang mapansin ko na lang na ang walls sa magkabilang gilid ko ay unti-unting lumalapit sa akin at may nakatarak na thorns dito. Compressing walls! Kailangan ko nang masagot ang tanong! Kahit gaano ko gustong sumigaw, wala akong magawa kung hindi mag-alboroto at mataranta.

Aha!

"Secret!"

Nagmadali ako pasulong at naghabol ng hininga. Hooo, ligtas! Kaso ang inaakala kong kaalwanan ng loob ay naudlot lamang nang magpakita ang jack card wall kung saan ang jack of cards ay nakatutok sa akin ang hawak niyang sandata. Wala pang wand battle na nagaganap, pero tensed na ako.

"What kind of tree can you carry in your hand?"

Easy!

"Palm." Gusto ko nang matapos ito!

Queen card wall was next, but her crown was not on her head. Mukhang nahulog o sadyang inilagay sa sahig. Kukunin ko ba 'yon? 

"It is as light as a feather but even the strongest cannot even hold it for a minute."

I strongly believed the riddle was not referring to an object. Muntik na akong mawalan ng balanse nang biglang gumalaw ang reyna at tinangka akong saksakin. Kung hindi ako nakaiwas, malamang ay wala na ako sa labang ito.

Grabe! Gumagalaw na rin pala sila ngayon! Nagulo tuloy ako sa masinsinang pag-iisip dahil sa makapigil-hiningang eksena ng mapanakit na queen of cards.

May sinubukan akong gawin at nang makumpirma ko 'yon ay sumagot na ako.

"Breath!" 

"Your answer's right, Cristine. But in order to pass through the barrier, you need to place the crown on the Queen's head. And you need a spell to do that, pero kapag gagamit ka, maibibilang 'yon bilang sagot. That means you'll automatically be out of the battle. You don't know if there's still a King Card Wall behind this wall or this is already the last card in the Mind Obstacle. Be wiser."

Hala! Hindi maaari! Kung hindi sana ako gumamit ng spell kanina, eh 'di sana ay hindi ako problemado nang ganito. Ito na nga ba ang huling card? O may susunod pa? Paano ko ilalagay ang korona sa reyna na hindi gagamit ng levitation spell? Matayog ang dingding at hindi kakayaning abutin.

If only I could transfer my wand's power to my hand. If only I could use magic without chanting spells. Well, there was no harm in trying.

Sinugatan ko ang kanang palad ko gamit ang tip ng aking wand at saka ko na sinubukang isalin ang kapangyarihan. Ito ay isang magic art ritual na nabasa ko sa old book sa Fortress library. Hindi ito ipinasubok sa amin sa klase noon dahil maraming napahamak sa ibang sections dagdag pang hindi rin naman nila ito napagtagumpayan at Walt levels lamang ang karaniwang nakagagawa nito. Pero ngayong wala na akong ibang maisip na paraan, sinubukan ko na. Namangha pa ako dahil tila nagawa ko ngang isalin ang function ng wand sa aking kamay at magawa ang levitation spell sa aking isip nang hindi ko ito binibigkas.

Itinapat ko na ang kamay ko sa koronang nasa sahig at unti-unti itong umangat habang umiikot dito ang levitation magic particles. Ito ang magpapatunay na hindi ako gumamit ng wind element na hindi ko rin puwedeng ipaalam sa kanila. Hindi ko alam kung paano nangyari ito, pero napagtagumpayan ko ito! Nagawa ko! Natibag ang dingding at hindi nga ako nagkakamali, mayroon pang king card wall.

"Feed me and I live more. Give me a drink and I die. What am I?"

Nilaliman ko pa ang pag-iisip, pero isa lang talaga ang sagot na pakiramdam ko ay tama. Pumikit ako bago sumagot. "Fire!"

Narinig ko ang pagbagsak ng dingding at pagmulat ko ay naroon na nga sa dulo si Wizard Lenondale na animo'y handa na akong talunin. Iniangat niya ang wand niya at walang pag-aatubiling pinatamaan agad ako. Tumilapon ako sa pinto ng kastilyo at bumagsak. Pakiramdam ko ay na-crack ang mga buto ko sa likuran. Wala man lang pasubali ang pag-atake niya!

It was only the start at kinondisyon ko ang sarili ko . . . that I was prepared for this! Nangibabaw sa isipan ko ang pinagdaanan namin makarating lang sa puntong ito kaya ininda ko ang lahat at agad na bumangon. Pinatamaan ko siya ngunit nagsalubong ang kapangyarihan ng wands namin. Mukhang magic ko rin ang naghihingalo. Napakalakas niya masyado.

Diniinan ko ang puwersa ko sa wand kaya naging patas sa gitna ang kapangyarihan namin. But with his slight push of force, tumilapon akong muli. Was this really fair? He was already a master of Walt wizard! How could he lose?

Pagapang kong kinuha ang wand ko. Tinapunan ko siya ng attack spells, pero lahat ng 'yon ay naiiwasan at naka-counter niya!

"Are we done here?"

"No!" sigaw ko. "Hindi ako susuko." "Then show me what you've got."

Hinabol ko siya paakyat sa tore. Napakadilim dito kaya nang atakihin niya akong muli ay hindi ko ito napaghandaan. My heart raced when I suddenly fell because he transformed the stairs into a slide! Dagdag pa na gumamit siya ng attack spell. I was such a weakling! Ugh!

Tinakbo ko itong muli at narating ang itaas. When I opened the door, I was shocked to see that the floor was moving. Nakatayo sa isang bato sa ibaba si Sir. On cue, I jumped on a rock floor approaching me. Muntik pa akong mahulog!

"Exodoul!" Ang spell ko ay tumama lang sa isang bato. Paano kami maglalaban nito kung gumagalaw ang aming kinatatayuan?! Tsumempo akong lumipat at tumalon sa kabila para mas mapalapit kay Sir na sa pagkakataong ito ay tila may ginagawang enchantment dahil nakaapak siya sa Circle of Insignia.

It was good timing for me to attack him. "Davrantus!"

At instance, I realized I was wrong. Nag-bounce back lang ang magic ko kaya ako pa itong umiwas. Tumama sa batong kinatatayuan ko ang magic kaya nawasak ito. Nahulog ako, pero 'buti na lang ay may nakapitan akong bato. I struggled hard to climb it, but it stopped in front of him. Mga tatlong metro ang layo naming dalawa at abala pa rin siya sa ritwal. Hinang-hina na ako dala ng mga natamong galos pero hindi ako maaaring basta na lang sumuko.

I, in return, thought of summoning the circle as well. Dahil paniguradong pagmulat ni Sir at pagkatapos niya sa ginagawa ay baka iyon na ang maging katapusan ko.

Magmula pa lang ng mapasaakin ang wand ko ay naging isang malaking palaisipan na sa akin kung ano ba'ng mayroon dito. Sa mga karanasan ko sa pakikipaglaban ay wala naman akong natuklasan na kakaibang katangian nito kumpara sa iba. Pero sa pagkakataong ito ay umaasa ako na sana ay magising na ang nahihimlay na kapangyarihan dito . . . kung mayroon man.

I summoned the circle with all my heart, and my wand levitated in front of me. 

"Dragon Star, all of what you are
I am your owner, reveal now your true power"

Humangin at nagliwanag pa ang aking Circle of Insignia. Nakamulat na si Wizard Lenondale na matalim na ang tingin sa akin.

"Now!" sigaw kong nagpakawala ng malakas na puwersa sa aking wand. Nagtamang muli ang aming kapangyarihan.

Hindi ako magpapatalo! The rocks from where we were standing started to revolve slowly until they went faster, making me have a hard time controlling my magic.

Nagkaroon ng pagsabog at napatilapon kaming dalawa sa lakas ng puwersa. Nahulog kami pareho sa ibaba, pero ang masaklap, nasa tabi niya ang wand ko. I was about to get it nang apakan niya ito.

"Wizard, give it to me," pakiusap ko.

"Wala sa rules 'yan, Sylvestre. In the battleground, if it's not on the rules, you can do everything you want."

Sa tindi ng galit ko ay sinugod ko siya at itinulak. Napatilapon siya at humampas sa nawasak na dingding.

Nagimbal ako sa aking ikinilos. Bakit naging ganito ako kalakas para itulak siya? Natakot ako sa nangyayari sa akin, pero naagaw rin agad ang aking atensiyon ni Sir na hawak na ang dalawang wand.

Nang itutok niya 'yon sa akin ay sabay kong iniharang ang aking mga kamay. My eyes widened in shock. I was able to hinder his magic with my hands. How the hell did I shield that attack?

Nagpatuloy ang pag-atake namin sa isa't isa. Siya gamit ang wands at ako naman, mga kamay ko at isipan lamang. It was both scary and strange fact how possibly I could do this.

Walang natatalo, walang nananalo.

Walang-ano-ano ay biglang tumigil si Professor. "Naisip mo na ba kung bakit hindi matapos-tapos ang labanang ito?"

"'Cause you're not fighting fair. You're using my wand against me."

He smiled mysteriously. "Tatanungin kita. Bakit gano'n na lang ang deter- minasyon mong manalo? Bakit ayaw mong sumuko?" 

Nagbago ang ekspresyon ko. Parte ba ito ng laban? Nililito niya ako at pinag-iisip para matalo niya ako?

"Professor, if this is part of your plan to defeat me, you better stop. Ipagpatuloy na lang natin ang laban." 

Binitawan niya ang parehong wands na ikinagulat ko. "No. You should answer me. Alam mo ba kung bakit ginawa ang labanang ito?"

Kahit gusto kong sumagot ay hindi ako nagsalita. Nag-aabang ako ng sasabihin pa niya.

"It's true that you're all lost souls. Pero sa totoo lang? The moment na makompleto na kayo rito, the goal of finding all the lost souls was over. Kaya ginagawa ang lahat ng ito, the trainings and tournaments, ay para mahanap ang Four Legends. That's the only answer. I will ask you again, why are you so eager to win?"

Bakit nga ba ganito na lang ako kadeterminadong manalo? Naniniwala ba akong isa ako sa kanila? Ito ba ang dahilan kung bakit kahit paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na malayong maging isa ako sa kanila, eh taliwas pa rin sa mga 'yon ang tulak ng isipan at puso ko? Dahil nakikita sa mga ginagawa ko ang pagiging isa talaga sa apat na hinahanap?

Kung tutuosin, puwedeng-puwede na akong sumuko at magpatalo kanina pa. Bugbog na ang katawan ko, pero pilit pa rin akong bumabangon.

Bakit ko nga ba ito ginagawa?

"Alam mo na kapag naging Walt level ang apat sa lahat ng Cryst levels na maipapanalo ang labang ito ay sila na ang Four Legends, hindi ba? Bakit ayaw mong matalo? Why are you being so competent in all the battles? Naisip mo na rin ba kung bakit kaya nagawa mo ang mga kakaibang bagay kanina? Fighting without a wand and extraordinary strength. If you're just an ordinary wizard, talo ka na sana kanina pa."

Isa nga ba ako sa kanila?

"Do you believe that I am one of them?"

Mataman ang tingin niya bago sumagot. "Do you?"

Flashbacks occured to me—ang pagsugpo namin nina Ellie sa outcasts sa Calle Haflux; ang kaganapan sa Tendox Forest; ang makailang beses na tinatawag ako ng isang boses dahilan para mapahamak ako sa Daffedille Lake; ang milagrong pagkaligtas ko mula roon; ang pagkapanalo namin ni Val sa Nix E-tournament; ang pag-level up ko bilang Cryst level noong Nix Battles; ang pagiging konektado ko sa halos lahat ng gulong nangyari dito; at noong nabigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan.

Lahat ba ng iyon ay sapat nang dahilan para sabihing isa ako sa kanila? Am I even ready to think I am?

"Yes . . ." pabulong kong sabi. 

"What?"

"Yes."

"What is it again?" Patuloy siya sa paglapit sa akin. 

"Yes I am."

"Louder!"

"Yes! I do! I do believe I am one of them! I am one of the Four Legends!" sigaw kong umalingawngaw sa buong kastilyo.

Maya-maya, naramdaman ko ang mahapding paglinya ng mga simbolo sa aking pupulsuhan. Kasabay n'on ay ang paglutang ko at ang pagbalot sa akin ng kakaibang liwanag at magic aura.

"Just as I thought . . ." Iyon ang huli kong narinig kay Wizard Lenondale bago humangin nang napakalakas dahilan para mawalan ako ng balanse. Kung hindi siguro ako nasalo ng dragon ay tuluyan akong bumagsak.

Wait! A dragon?! Ang awrang bumabalot sa akin kanina ay naging puting dragon! Inilipad ako nito sa tuktok ng tore at nakita ko ang tatlo pang dragon sa 'di-kalayuan.

Doon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ang pupulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagbago na nga ang mga simbolong narito. Kung dati rin ay isang pupulsuhan lang ang mayroong marka, ngayon ay sa dalawa na. Sa magkabilang pupulsuhan ko ay naroon ang mga simbolo, sa kaliwa ang Black Emblem, sa kanan ang White Hallmark, at sa ilalim ng parehong simbolo ay naroon ang mga letrang WGS—Walt Gemlack-Soverthell.

Is this even for real?! Isa ako sa apat! Isa nga talaga ako sa kanila!

Nagpaikot-ikot ang aming dragons at nakita ko na kung sino pa ang tatlo.

Yuan, Daniel, and Sage.

Nagdiriwang na ang marami sa ibaba. Cheering that finally, the four legends were revealed. Nang maaninag ko ang Royalties ay saka lamang ako natauhan. Sino kaya sa kanila ang mga magulang ko? Pero ang labis na nagpakunot ng noo ko ay ang mga ekspresyon nila. 

Bakit parang hindi naman sila masaya?

Continue Reading

You'll Also Like

342K 19.1K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...
1.7K 91 13
Bandits? Criminals? Martial Artists? Vagabonds? That's the normal citizens of Agrona. Kahit saang kanto ng lugar ay may away at patayan, nakawan at s...
2.5M 89.8K 60
Collab with Makiwander Meet Davide Castillejo, a ruthless businessman who will do anything to be the CEO of the family corporation, including marryin...